Uploaded by shyryl caacbay

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 3

advertisement
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 3
I. Layunin
a. nakakakilala sa mga panghalip na pamatlig sa pangungusap
b. nagagamit ang mga panghalip na pamatlig sa pangungusap
II. Paksang Aralin
A . Kasanayan: “Paggamit ng ito-iyan-iyon-dito-diyan-doon”
B. Sanggunian: K to 12 Grade 3 Curriculum Guide, Bagong Filipino 3 book page 144148
Mga kagamitan: worksheets, cartolina, marker,
IV.PAMARAAN
Gawaing Guro
Gawaing Mag-aaral
A. Panimulang
Gawain
Pagbati:
( tatayo ang mga bata
sabay sabi ng …..)
Magandang umaga din po
guro.
Magandang umaga mga bata!!
Panalangin:
Bago tayo umupo, tayo muna ay
manalangin.
“ Our Father in heaven,
hollowed be your name, Your
Kingdom come, your will be
done, on earth as in heaven.
Give us today our daily bread.
Forgive us our sin, as we forgive
those who sins against us. Lead
us not into temptation, but
deliver us from evil.For the
Kingdom, the power and the
glory are yours. Now and
…..Amen
forever. AMEN”
Pwede na kayong umupo mga
bata!
Pagtala ng liban:
Maraming salamat po
guro!
Sinong lumiban ngayon, mga
bata?
Wala po guro !
Magaling mga bata!!
Pagbibigay ng mga
alituntunin:
Mga bata, diba sa ating bahay
may mga alituntunin na dapat
natin sundan? gaya ng?
Opo
Maglinis po
Matulog ng maaga
Tama , ganon din sa ating
klasroom.
Ang ating alintuntunin ay :
Tungkol sa simuno at
panaguri po,guro!
1. Igalang ang guro.
2. Makinig sa guro habang
nagsasalita.
3. Makilahok sa oras ng
talakayan.
4. Maghintay ng tawag sa
pagsagot sa klase o itaas ang
kanang kamay kung
magsasagot o may itatanong sa
guro.
5. Magsalita ng may
katamtamang lakas ng boses.
6. Panatilihing malinis ang silid.
Opo guro!
Naintindihan ba mga bata?
Simulan na natin ang ating
aralin!
Pagbabalik aral:
Natatandaan niyo pa ba ang
pinag-aralan natin kahapon?
Opo, guro!
Tungkol sa mga panghalip
na maramihan.
Ano ang napag-aralan natin
kahapon?
Mahusay!
Maaari ba kayong magbigay ng
halimbawa ng panghalip na
maramihan?
Ma’am, sila
Kayo
Aming
Kanila
Natin
Magaling mga bata , ngayon
dadako naman tayo sa sunod
nating aralin ito ay tungkol sa
paggamit ng ito, iyan, iyon, dito,
diyan at doon.
Handa na ba kayong makinig sa
akin mga bata!
B. Panlinang ng
Gawain
Pagganyak:
Mayroon akong jumble words
dito na kailangan niyong ayusin.
I-ayos niyo ang mga letra para
makuha ang tamang salita,kung
alam niyo ang sagot itaas niyo
ang inyong kanang kamay,
naintindihan ba mga bata?
Opo, guro!
Ito
1. TOI
Iyan
2. NAIY
Iyon
3. IOYN
Dito
4.OTID
Diyan
4. NAYID
Niyan
6. OOND
Mahusay mga bata
C. Paglalahad ng
bagong kasanayan
Mga bata, ang mga salitang ito,
iyan, at iyon ay mga panghalip
na ginagamit sa pagtuturo ng
mga bagay.
Ang mga salitang dito/rito,
diyan/riyan, at doon/roon ay
mga panghalip na ginagamit sa
pagtuturo ng mga pook.
Mga bata, maari bang may
magvolunteer na apat para
magbasa sa ating kweto na
pinamagatan na “Sa bukid ni
Lolo”.
Ako po guro! (pupil 1)
Ako po guro ! (pupil 2)
Ako po guro ! (pupil 3)
Ako po guro ! (pupil 4)
Okay, pupil 1 ikaw si Lolo Ambo,
pupil 2 ikaw si Nenet, pupil 3
ikaw namn si popoy at pupil 4
ikaw si ben.. Habang binibasa
nila ang kwento, sundin niyo sila
sa pagbabasa. naintindihan ba?
Kung ganon ating ng umpisahan
ang pagbabasa.
Sa Bukid ni Lolo
Sabado noon. Isinama ni Lolo
Ambo sina Popoy, Nenet, Rene,
at Ben sa Cavinti, Laguna.
Lolo Ambo: Para! Mamang
Tsuper. Dito na kami bababa.
Mga bata, bababa na tayo rito
Opo, guro
Nanet: Ito na po ba ang Bayan
ng Cavinti? Dito na po ba ang
inyong bukid?
Lolo Ambo: Oo, ito na ang
bayan ng Cavinti.
Nanet: Ang dami palang
punongkahoy dito.
Lolo Ambo: Mga bata, iyan ang
ating bahay.
Popoy: Diyan po ba tayo titira,
lolo?
Lolo Ambo: Oo, diyan tayo titira
ngayong bakasyon.
Ben: E, saan po ang iyong
sinasabi ninyong magandang
talon?
Lolo Ambo: A, ang talon ng
Pagsanjan. Malayo iyon dito.
Nasa kasunod na bayan iyon.
Nanet: Malayo po ba rito?
Lolo Ambo: Oo, malayo iyon sa
baryo. Pupunta tayo roon sa
Ma’am, a Cavinti Laguna
Linggo upang makita niniyo ang
magandang talon ng Pagsanjan.
Magaling mga bata, sa ating
binasa na kwento , saan
pumunta sila lolo ambo ?
Ma’am, nagamitan po ng
‘ito”
Tumpak , ano naman ang
inyong napansin sa ating
kwento?
“iyon”
“iyan”
“diyan”
“dito”
Mahusay mga bata,
Tandaan niyo na ang ito, iyan,
iyon, dito, doon, diyan, rito, riyan
at roon ay mga panghalip o
Panghalip Pamatlig na
nagtuturo sa mga ngalan ng
bagay at pook.
Ang ito ay ginagamit sa
pagtuturo ng bagay na hawak o
malapit sa nagsasalita
Halimbawa:
- Ito ang baso ko.
- Ito ay isang bulaklak.
- Ang poot ay maaaring maging
mapaminsalang puwersa kapag
hindi ito naayos nang maayos.
Ang dito ang ginagamit sa
pagtuturo ng pook na
kinalalagyan o malapit sa
nagsasalita.
Halimbawa:
- Dito na tayo titira.
- Bakit ka tumakbo
papunta dito?
- Alam ko na mayroong
magandang intensyon ang
kanilang plano, ngunit hindi ako
sang-ayon dito kaya ako ay
tumututol.
Ang iyan ay ginagamit sa
pagtuturo ng bagay na malayo
layo sa nagsasalita ngunit
malapit sa kausap
Halimbawa:
- hindi malinis ang tubig na iyan,
bumili ka ng iba.
- Natutuwa ako sa
balitang iyan ate.
Ang diyan ay nagtuturo sa pook
na malayo layo sa nagsasalita
ngunit malapit sa kausap.
Halimbawa :
- Binili niya ang bulaklak diyan.
- Diyan ang bahay ni Mr.
Marasigan.
Ang iyon ay ginagamit sa
pagtuturo ng bagay at pook na
malayo sa nagsasalita at
kausap
Halimbawa:
- Ang lugar na iyon ay tila
isinumpa.
- Dahan-dahan niyang
iniangat iyon.
Ang dito, diyan, at doon ay
nagiging rito, riyan, at roon
kapag ang sinusundang salita
ay natatapos sa patinig a, e, I, o,
at u
Halimbawa :
- Wala rito
- Uupo riyan
- Uuwi roon
D. Paglinang ng
Kabisaan
Naintindihan ba ang ating
diskusyon?
Opo
Kung ganon, magkakaroon tayo
ng pagsasanay.
Direksyon: Buuin ang usapan.
Gamitin ang ito, dito, rito, iyon,
doon, roon, iyan, diyan, riyan.
Isulat ang buong usapan sa
papel. Naintindihan ba mga
bata?
Ben: Tingnan ninyo _____
yoyong laruan ko. Yari ____ sa
Opo
bubog. Bigay ____ sa akin ng
kuya kong galing sa Maynila.
Lina: Saan niya binili ang
yoyong ____?
( Nagsasagot ang mga
bata)
Ben: ____ pa sa Divisoria binili
ni kuya ang yoyong _____.
Kokoy: Ang ganda naman ng
yoyong ______. Pwedeng
hiramin.
( Pagkalipas ng 5 minuto)
Mga bata tapos niyo na ba?
Opo
Sagutan natin, exchange paper
sa inyong katabi.
1. ito
2. ito
3. ito
4. iyan
5. doon
6. ito
7. iyan
( 90% ang nakakuha ng 7)
Sino nakakuha ng 7?
Mahusay mga bata.
E. Paglalahat ng
Aralin
Maaari mo bang ibuod Shanne,
ang tinalakay natin sa araw na
ito?
Mahusay !
Ang tinalakay natin sa
araw na ito ay tungkol sa
mga salitang dito/rito,
diyan/riyan, at doon/roon .
Ito ay mga panghalip na
ginagamit sa pagtuturo ng
mga pook at bagay.
Opo !
Naintindihan niyo ba mga bata?
F. Pagtataya ng
Aralin
Ngayon, sasagutan niyo ang
papel na ibibigay ko.
Panuto: Salungguhitan ang
panghalip na pamatlig sa bawat
bilang.
Opo
Naintindihan ba mga bata?
1. Nakikita mo ba sa mapa ang
Lungsod ng Tagaytay? Diyan
tayo pupunta sa Sabado.
2. Akin ang itim na backpack. Ito ( ginagawa nila ang
ang dadalhin ko sa biyahe.
aktibidad)
3. May puting sasakyan na
dumating. Iyon ba ang sasakyan
natin?
4. Ang puting van ang gagamitin
natin. Bagong ayos ang makina
nito.
5. Dito ka umupo sa tabi ko
para magkausap tayo.
6. Huwag kayong mag-alala.
Parating na kami riyan.
7. Nauna na sila sa hotel.
Magkita na lang daw tayo roon.
8. Bababa na tayo ng van. Iwan
mo rito ang bag mo.
9. Ngayon lang ako nakarating
sa Tagaytay. Malamig pala rito.
10. Ang bulkan ay ang Bulkang
Taal. Iyon ang pinakamaliit na
bulkan sa Pilipinas.
11. Kunan natin ng ritrato ang
bulkan. Kamera mo ba iyan?
12. Doon tayo tumayo para
maganda ang ritrato na makuha
mo.
13. Itatago ko na ang kamera.
Mahina na ang baterya nito.
14. Sa Wena’s tayo pumunta.
Kilala ko ang may-ari niyon.
15. Mayroong kasaba keyk na
binebenta riyan.
16. Dito namin binili ang mga
pasalubong.
17. May strawberry cheesecake
sila. Nakatikim na ako niyan.
18. Masarap ang blueberry
cheesecake na natikman ko.
Ano nga ba ang mga sangkap
niyon?
19. Ang ibang sangkap niyan
ay mula sa ibang lalawigan.
20. Bumili ako ng masarap na
buko pie. Tiyak na
magugustuhan ito ng mga anak
ko
( Pagkalipas ng 10 minuto)
Mga bata, kung tapos niyo ay
pwede na ninyong ipasa dito sa
harapan na hindi gumagawa ng
ingay.
G. Karagdagang
gawain para sa
takdang aralin at
remediation
Ngayon, maglabas kayo ulit ng
isang buong papel at kayo ay
gagawa ng limang (5)
pangungusap gamit ang ito,
dito, rito, iyon, doon, roon, iyan,
diyan, riyan.
Naintindihan mga bata?
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
( kung sino sa kanila ang
nakatapos ay pumupunta
sila sa harapan para
magpasa hanggang
natapos ang lahat.)
Opo
Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80% sa
pagtataya
Bilang ng mga mag-aaral na nangangailangan ng iba
pang Gawain para sa remediation.
Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mga mag-aaral
na nakaunawa ng aralin.
Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remedial?
Alin sa mga Istratehiyang Pagtuturo ang nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong?
Anong suliranin ang aking naranasan na nasolusyonan
sa tulong ng aking punungguro at superbisor?
Binigyang-pansin:
Submitted by:
SHYRYL F. CAACBAY
BEED 3-A
Download