SA HALOS ISANG TAON NA PAG AARAL SA ASIGNATURANG FILIPINO NG IKASAMPUNG BAITANG, HINDI KO IKAKAILA NA AKO AY NAHIRAPAN NGUNIT SA KABILANG BANDA AY MARAMI RIN AKONG NATUTUNAN HINDI LAMANG SA MGA AKDANG PAMPANITIKAN NA ATING NATALAKAY KUNDI SA MGA AKTIBDAD DIN NA ATING ISINAGAWA GAYA NA LAMANG NANG PAGTATALUMPATI, PAG UULAT, PAGBABASA AT IBA PA. DAHIL SA MGA ITO AY NAGKAROON KAMI NG KUMPIYANSA SA AMING SARILI NA SA SUSUNOD NA BAITANG AY AMNG ITONG MAGAGAMIT. ANG AKING PORTFOLIO AY ISANG KATUNAYAN NA AKO AY MAY NATUTUNAN SA MGA ARALIN SA ASIGNATURANG FILIPINO. ANG PORTFOLIO NA ITO AY NAGLALAMAN NG MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG IBAT IBANG BAHAGI NG MUNDO. DITO MAKIKITA ANG MGA ARALIN NA NAPAG-ARALAN SA FILIPINO NG IKASAMPUNG BAITANG. NILALAMAN DIN NITO ANG MGA AKTIBIDAD AT MGA PAGSUSULIT SA FILIPINO NA SUMASALAMIN SA AMING PINAGHIRAPAN NA GRADO. NAWA’Y SA PAGBABASA NIYO SA AKING PORTFOLIO AY MAGBIGAY INSPIRASYON SAINYO NA MAG-ARAL NANG MABUTI AT SANA AY MAY MATUTUNAN KAYO. GINAWA KO ITO UPANG MAGBIGAY REPLEKSIYON DIN SAAKIN SA LAHAT NG AKING NATUTUNAN SA HALOS BUONG TAON NA PAG AARAL SA FILIPINO. SA ASIGNATURANG FILIPINO, MARAMI ANG NAPAGDAANAN NG BUONG KLASE. ANG PORTFOLIO NA ITO AY NAGLALAKIP NG IBAT IBANG URI NG MGA AKDANG PAMPANITIKAN NA MAKAPAGBIBIGAY ARAL SA MGA MAMBABASA. ANG MGA NAKALAKIP DITO NA MGA AKDANG PAMPANITIKAN AY PAWANG BUOD LAMANG. NAWA’Y MAKATULONG ANG PORTFOLIO NA ITO SA MGA MAMBABASA SA KANILANG BOKABULARYO AT MAGBIGAY ARAL SAKANILA. NAGPAPASALAMAT AKO SA AMING GURO NA SI GNG. ROSEMARIE ALBERTO SA PAGTUTURO SA AKIN NG IBAT IBANG ARALIN SA FILIPINO. MARAMING SALAMAT. SA LARAWANG ITO AY AKO AY NAGTATALUMPATI PATUNGKOL SA PAKSANG “KABATAAN GEN Z, PAG-ASA PA RIN BA NG BAYAN?” AT AKO AY NAKAKUHA NG 50/50 NA MARKA AT IPINAGMAMALAKI KO ITO DAHIL AKO LAMANG SA AMING KLASE ANG NAKAKUHA NG PERFECT SCORE. DITO NAMAN AY MAKIKITANG AKO AY NAG UULAT NA IKINATUWA KO DIN DAHIL NAKAPERFECT SCORE DIN AKO DAHIL DITO AY AKO AY TUWANG TUWA DAHIL ITO AY AKING PINAGHIRAPAN. Ayon kay Plato, tayo ay tulad ng isang tao na nasa loob ng kuweba, naka-tanikalaat nakaharap sa dingding ng yungib. May apoy sa ating likuran at ang tanging nakikitanatin ay mga anino ng mga bagay sa labas ng kuweba. At dahil dito, kakailanganin natinghumulagpos sa tanikala at lumabas ng kuweba upang makita ang katotohanan tungkolsa mga bagay.Ang larawang ito ang buod ng rasyunalismo ni Plato at ito ay tinaguriang “Alegorya ng Kuweba.” Ayon kay Plato, ang mga imahe ng mga bagay na ating nakikita sa mundo ay pawang mga anino lamang ng katotohanan. Ang tunay na pag-iral ay nasa ‘Mundo ng mga Ideya.’ Ang mga konsepto ng bagay ay naroroon na sa isipan na natinmula kapanganakan. Kakailanganin lamang nating gamitin ang ating pangangatwiran upang sila’y matuklasan.Taliwas naman ang turo ni Aristotle, na kanyang naging estudyante. Ayon kay Aristotle, ang katotohanan ay ang karanasan sa pamamagitan ngating mga mata, tenga, pandamdam, pang-amoy at panlasa. Ang mga ideya ay wala pa sa ating isip noong tayo’y ipinanganak, taliwas sa turo ng guro niyang si Plato. Ang isipng tao ay tinagurian ni Aristotle na ‘Tabula Rasa’ na ang ibig sabihin ay blankong tableta.At bawat karanasan sa pamamagitan ng ating senses ay isinusulat sa nasabing tableta Ang kaisipang ito ay tinawag na empirisismo.Sa paglipas ng mga taon, mas pinanigan ngmga pilosopo at mga siyentipiko ang empirisismo. Kahit ako ay palo sa kaisipan niAristotle. Ngunit napag-isip-isip ko, bagama’t mali si Plato, may binuksan siyang pinto sapagtahak sa mundo ng rasyunalismo ang pagtingin lampas sa realidad na ating nakikita.Sa tingin ko’y may punto pareho ang dalawang paham. Sa aking pananaw, sa aninong tinuran ni Plato, hindi ibig sabihi’y hindi katotohanan ang ating nakikita kundi may katotohanang mas makapagpapalaya na hindi makikita sa hugis. Hindi ba’t angbatong ating lang si nakikita ay binubuo ng mga ‘atomos’ na iminungkahi ng daki Democritus? Hindi ba’t ang materya ay patuloy na mahiwaga sa atin? Misteryo pa rin ang pinagmumulan ng grabiti at ang particle na mas maliit sa quark ay di pa rinnatutuklasan. Kung titigil tayo sa mga bagay na ating nakikita lamang, wala nang pagunlad sa ating agham.Sa ganang akin, ang hugis ng mga bagay na ating nakikita ay hugis ng kanilang gamit at ito’y buod ng relatibiti, ng ebolusyon ng pakikisalamuha sa iba pang materya. Alam kong mali ang konsepto ni Plato sa kanyang rasyunalismo ngunit gustokong sundan ang kanyang lohika ang pagtuklas sa mas malawak atmakapagpapalayang na realidad