Uploaded by Gerald mangulabnan

epekto-ng-teknolohiya-sa-sa-pag-uugali-ng-mga-mag-aaral.pdf convert

advertisement
EPEKTO NG TEKNOLOHIYA SA SA PAG-UUGALI NG MGA MAG-AARAL
JOHN PAUL ARMAMENTO
YCEL ANGELA QUEREL
ST. AUGUSTINE SCHOOL OF NURSING
TVL-HE
TEMPLEYT NG KONSEPTONG PAPEL
PAKSA
Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa epekto ng teknolohiya sa pag uugali ng mga mag-aaral.
I.
RASYONAL
Mahalaga ang paksa na ito sapagkat sa panahon ngayon marami na ang mga bagong
teknolohiya na maaaring magamit ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral. Dahil sa mga
teknolohiyang katulad ng telebisyon, radyo, kompyuter, cellphone, at iba pa, hindi na talaga
na pagiiwanan ang mga kabataan sa paglakip ng mga napapanahong balita at impormasyon.
Ngunit isa din sa malaking dahilan ang mga bagong teknolohiya kung bakit ang marami sa
mga mag-aaral ay napapabayaan ang ang kanilang edukasyon.
II. LAYUNIN
Layunin ng pananaliksik na ito na masagot ang mga sumusunod na katanungan:
a. Paano nakatutulong ang mga bagong teknolohiya sa mga mag-aaral?
b. Ano ano ang benepisyong nakukuha ng mga mag-aaral sa paggamit ng mga bagong
teknolohiya?
c. Sa paanong paraan nakaapekto ang teknolohiya sa pag-uugali ng mga mag-aaral?
III. METODOLOHIYA
Sa kabanatang ito, tinatalakay ko ang disenyo ng pananaliksik, lugar ng pag-aaral, populasyon,
sample ngang populasyon, pamamaraan ng sampling, instrumento para sa pagkolekta ng data,
pagpapatunay ngpalatanungan, pangangasiwa ng instrumento at pamamaraan ng pagsusuri ng
data. Isinagawa ang pananaliksik na ito sa pamamagitan ng pag masusing pagbabasa at
paghahanap sa gawa ng mga mananaliksik. Pinipili ng mananaliksik ang isang disenyo ng
pagsisiyasat sa survey dahil ito ay pinakamahusay na nagsilbi upang sagutin
ang mga tanong at ang mga layunin ng pag-aaral. Ang pagsisiyasat sa survey ay isa kung saan
pinag-aralan ng isang pangkat ng mga tao o mga item pagkolekta at pag-aaral ng data mula
lamang sa ilang mga tao o mga bagay na itinuturing nakinatawan ng buong grupo. Sa
madalingsalita, isang bahagi lamang ng populasyon pinag-aralan, at ang mga natuklasan mula sa
mga ito ay inaasahan na pangkalahatan sa kabuuan populasyon
IV. PANIMULA
Ang tungkulin ng mga mag-aaral. Kapag ang kabataan ay napagod na sa kanilang pag-aaral, sa
pagrerebyu halimbawa sa pagsusulit, dalawa ang maaaring gawin nila. Una ay ang magpahinga o
matulog para may lakas sila upang ipagpatuloy ang kanlang pag-aaral. Sa kabilang banda, maaari
silang magpatuloy sa paggawa sa tulong ng kanilang “kaibigan” at “kaagapay” sa lahat ng
pagkakataon, at ito ay ang teknolohiya.
V. PAGTATALAKAY
Ayon sa/kay Bertllo (2011), sa kasaysayan ng edukasyon ay malaki ang naiambag ng
teknolohiya. Sa tanang kasaysayan ng edukasyon ay malaki na ang naiambag ng teknolohiya. Sa
katunayan, ang teknohiya ang isa sa mga pangunahing paraan kung bakit ang pag-aaral ay
naging madali, mabilis, at mabisa. Kung kayanama't napakaraming mag-aaral ang sumasangguni
sa teknolohiya para sa kanilang pag-aaral. Ang teknolohiya rin ay nagbibigay hindi lamang
kaalaman sa mga mag-aaral kundi pati na rin sa kalibangan at kaligyahan. Bukod sa telebisyon at
radyo, nandyan rin ang mga home at handheld consles (halimbawa. Playstation), mp3 players,
ang cellphone, at syemore ang personal computers at ang dala nitong digital miracle – ang
internet. Tunay nga't nabago ng teknolohiya ang pamamaraan ng buhay ng mga mag-aaral, o
maging ng kabataan sa kabuuan. Masasabi natin na napakarami ng naitulong ang teknolohiya sa
ating buhay. Lahat ng sektor sa ating komunidad ay madarama ang kahalagahan ng makabagong
teknolohiya sa pang araw-araw na pamumuhay. Ang mga imposible dati ay kaya nang gawin
ngayon. Ngunit mayroon nga bang disiplina ang bawat mag-aaral upang magamit sa ayos ang
dala nitong dulot? Lahat ang bagay ay sumasama kapag napapasobra, at isa sa mga bagay na ito
ay ang teknolohiya. Hindi mapapakaila na napakaraming mga mag-aaral ang sumasalalay sa
teknolohiya hindi lamang sa kanilang pag-aaral kundi na rin sa kanilang pang-araw-araw na
buhay. Sa kasong tulas nito, masasabi pa rin ba na may mabuting dulot ang teknolohiya sa
kaugalian at metalidad ng mga mag-aaral? Ano ang maaring maging bunga ng teknolohiya sa
mga mag-aaral sa isyu ng kanilang edukasyon, kalagayan sa lipunan, pakikitungo sa lahat ng
isyu ng kanyang buhay, at sa sariling moralidad? Mayroon ng mga nangahas at sumubok na
sagutin ang latanungan na ito. Mayroon din naman nagdududa na sa mga posibilidad paukol dito
ngayong tayo'y nasa isang mundo ng moderasyon.
VI. LAGOM
Bilang pagbubuod, ang pananaliksik na ito ay natuon sa epekto ng teknolohiya sa pag-aaral ng
mga mag-aaral. Tunay na malaki ang tulong na dulot ng mga bagong teknolohiya sa pag-aaral ng
mga mag-aaral. Ngunit dapat alam natin ang limitasyon sa paggamit ng teknolohiya
VII. KONGLUSYON
Natuklasan sa pananaliksik na ito ang mga sumusunod:
1. Nahihikayat ang mananaliksik na isagawa ang pag-aaral na ito upang makatulong sa
administrasyon sa wastong paggamit ng teknolohiya.
2. Magsisilbing daan ito sa mga mag-aaral upang magkaroon ng kaalaman ang mga mag-aaral sa
atamng paggamit ng iba't-ibang teknolohiya.
3. Makakatulong ito sa mga guro upang malinang at magabayan ang mga mag-aaral sa wastong
paggamit ng teknolohiya.
VIII. DEPINISYON NG MGA SALITA
Ang mga terminolohiya ay binigyang kahulugan batay sa pag-aaral. Cellphone ay isa sa mga
maraming bagay napapabilis ang mga gawaing lalong-lalo na sa kmunikasyon. Internet ay
medium na pakikipagtalastasan at pakikipagpalitan ng impormasyon. Kompyuter ay isang uri ng
teknolohiya na nagbibigay ng mga impormasyon sa pamamagitan ng internet. Teknolohiya ay
isang napakabagong makita o gadgets na kung tawagin ng iba. Awtomatik na proseso hindi
manu-mano. Telebisyon ay isang sistemang telekomunikasyon para sa pagpapahayag at
pagtanggap ng mga gumagalaw ng mga larawan at tunog sa kalayuan.
IX. APENDIX
Bertillo, Emil Alberto V. (2011). Ang Epekto Ng Teknolohiya Sa Pag-Uugali Ng Mga MagAaral. https://www.bartleby.com/essay/Ang-Epekto-Ng-Teknolohiya-Sa-Pag-UugaliFKD22LKRZYS.
John Paul U. Armamento
TVL-HE
Download