1|Page ARAW NG PAGKILALA 2022 I. PROSESYONAL hanggang III AWIT PANALANGIN A: Isa pong kaaya-aya at pinagpalang hapon sa inyong lahat at mabuhay. Sa hapong ito at ating masasaksihan ang palatuntunan sa Araw ng pagkilala 2023 sa Paaralang Elementarya ng _________taong pampaaralan dalawang libo dalawampu’t isa hanggang dalawang libo dalawampu’t tatlo. B: Upang pormal na simulan ang ating palatuntunan, inaanyayahan ko po na tumayo ang lahat para sa prosesyonal.Kasalukuyan pong pumapasok ang mga batang may karangalan, mga natatanging magaaral sa iba't ibang larangan kasama ang kanilang mga magulang at tagapayo. Kasalukuyan pong pumapasok ang mga natatanging mag-aaral sa Grade 1, pangkat (section)at Grade 1, pangkat (Section) kasama ang kanilang mga magulang sa ilalim ng pamamahala nina Bb. ___sa pangkat (section) at Bb. ______________ang inyong lingkod sa pangkat A: Mamamasdan po natin ang pagpasok ng mga natatanging mag-aaral sa pangawalang Baitang, pangkat-bautista kasama ang mga magulang sa ilalim ng paramahala ni ________Gayundin po, masasaksihan ang pagpasok ng mga mga natatanging mag-aaral sa Ikalawang Baitang, pangkat___________ kasama ang mga magulang sa ilalim ng pamamahala ni Bb. _________________ B: Mamamalas din po ang pagpasok ng mga mga natatanging maqaaral sa Ikationg Baitang, pangkat-______ kasama ang mga magulang 2|Page sa ilalim ng pamamahala ni______________. Gayundin po, masasaksihan ang pagpasok ng mga mga natatanging mag-aaral sa Ikatlong Baitang, pangkat-_____ kasama ang mga magulang sa ilalim ng pamamahala ni Gng. ______________ A: Kasalukuyan pong pumapasok ang mga natatanging mag-aaral sa Ikaapat na Baitang, pangkat_____, kasama ang kanilang mga magulang. A: At ngayon kasalukuyan pong pumapasok ang mga natatanging magaaral sa Ika-limang Baitang, _________, kasama ang kanilang mga magulang. A: Mga natatanging mag-aaral sa iba’t ibang larangan kasama ang mga magulang at tagapayo tayo po ay magbigay pugay sa pag-awit ng pambansang awit na bibigyang kumpas ng ating guro sa ikalawang baiting na si Bb. __________na susundan ng isang panalangin mula sa audio-visual presentation. IV. PAMBUNGAD NA PANANALITA B: Maari na pong magsi-upo ang lahat. Batid nating lahat ang kasiyahan sa puso ng bawait isa mula sa mga batang magkakamit ng karangalan, mga guro at mga magulang sa pagkakataon pong ito ay ating pakinggan ang pambungad na pananalita ng ating butihing punong guro na si ________ V. PAGBATI 3|Page A: Maraming salamat po Mam ___sa inyong magandang mensahe para sa mga kabataang naririto ngayong araw. Ngayon naman isang pagbati mula sa ating kagalang-galang na punong barangay______________, mula sa komite sa edukasyon- ____________at sa pamunuan ng ating Pangulo GPTA ____________ B: Maraming salamat po sa inyong pagdalo ngayong araw sa pagkilala sa mga batang nagpamalas ng kahusayan ngayong taon. VI. PAGPAPAKILALA SA PANAUHING TAGAPAGSALITA SHANE: Upang bigyan naman tayo ng natatanging impormasyon sa ating panauhing tagapagsalita ay tinatawagan naming ang ating guro sa ika-anim na baitang Ginang _______para sa pagpapakilala sa ating pangunahing tagapasalita. ***mensahe ni GUEST SPEAKER *** A: Maraming salamat po_______, tunay ngang napakalaki ng bahagi ng edukasyon sa buhay ng ating ga kabataan at tunay ngang magpatuloy lamang tayo sa ating nasimulan mga bata at tiyak na tayo ay magtatagumpay sa anumang ating mithiin. Kaya’t minsan pa at bigyan natin ng masigabong palakpakan ang ating pangunahing tagapagsalita. IX. PAG-AALAY NG MEDALYA AT SERTIPIKO NG PARANGAL B: Sa pagkakaloob naman ng medalya at sertipiko ng karangalan sa mga natatanging mag-aaral mula una hanggang ikalimang baitang 4|Page inaanyayahan ko po ang ating punong barangay na si____________ upang pangunahan ang ating pagbibigay ng medalya A: Ngayon dumako naman po tayo sa mga batang nagkamit ng karangalan mula sa unang baitang hanggang sa ika-limang baitang. Ang bawat batang may karangalan ay naayon sa alpabetikong pagkakasunod-sunod ng kanilang mga apelyido. **GRADE 1-5 Narito naman ang guro sa unang baitan, etc. (sunod sunod na) hanggang santos upang ihayag ang mga ngalan ng batang nagkamit ng karangalan. Atin naming tunghayan ang natatanging presentasyon na inihanda ng mga piling mag-aaral sa ika-limang baitang. PAG-AALAY NG CARD(KAKANTA ang PILING MAG-AARAL) B: Ngayon naman bilang pagpapahalaga sa ating mga magulang na nagbigay ng walang hanggang suporta sa pag-aaral ng kani-kanilang mga anak, tinatawagan po naming sa entablado si __________upang alayan tayo ng awitin para sa mga magulang, kasabay neto ang pagaalay ng mga bata ng kanilang mga medalya sa kanilang mga magulang. X. PANGWAKAS NA PANANALITA A: Ngayon naman po para sa atibg pangwakas na pananalita, inaanyayahan ko po ang ating pangulo ng SGC _______________ XI. PANGWAKAS NA AWIT B: Maraming salamat po________, ngayon naman dahil sa bukal sa pusong pasasalamat ng ating mga batang nagkamit ng karagalan ating tunghayan ang inihanda nilang awit ng pasasalamat sa ama’t ina. 5|Page A: Maraming salamat parents at mga bata. Muli po congratulations sa inyong lahat, ang lahat ng inyong pagtitiyaga sap ag-aaral ay nagbunga ng kagandahan. Dito po nagtatapos ang ating palatuntunan. THE END