El Filibusterismo KABANATA: 37 ANG HIWAGA Mga talasalitaan: Buktot- nakakatakot Platero- gumagawa ng alahas amain- tiyuhin demonyo - diyablo madla -tanan magpapasiklab -magpapaliyab Nahintakutan- nawalan ng tapang ningas alab palamuti - dekorasyon Palihim- pasikreto piging salu - salo Pulbura- itim na pulbos silong- ilalim o ibaba ng bahay 2 MGA TAUHAN: Paulita - Asawa ni Juanito Pelaez. Chikoy - Isang platerong payat na nakakita ng maraming pulbura sa loob ng bahay ni Kapitan Tiago. Kapitan Loleng - Ang nagbabala kay Isagani na magtago. Ginoong Pasta - Nagbigay ng posibilidad na ang may kagagawan ng paglalagay ng pulbura ay isang kaaway ni Don Timoteo o kaagaw ni Juanito kay Paulita. Makaraig - Isa sa mga pinaghihinalaang maaaring may kagagawan ng mga pangyayari. - Ang binata na binalaan ni Kapitan Loleng na Isagani magtago. Don Timoteo - Ama ni Juanito at sinasabing kasama ni Simoun na nag-ayos sa bahay ni Kapitan Tiago. Simoun - Isa sa mga pangunahing suspek sa mga pangyayari. Pinapahiwatig na maaaring may kinalaman siya sa pulbura na nakita ni Chikoy. - Naalala ang pag-alis ni Simoun bago magsimula ang Momoy hapunan. Siensa - Kasintahan ni Momoy Presentation title 3 Sa kabila ng pagpipigil sa pagkalat ng balita tungkol sa mga pangyayari noong gabi sa piging, nalaman pa rin ito ng madla at naging usap-usapan ngunit palihim lamang. Si Chikoy, ang platerong payat, ay nagdala ng hikaw kay Paulita. Habang tinatanggal ang mga palamuti at hapag sa bahay ni Kapitan Tiago, nakita ni Chikoy ang maraming supot na pulbura sa ilalim ng mesa, sa silong, sa bubungan, at sa likod ng mga upuan. Ayon kay Ginoong Pasta, ang maaring may kagagawan nito ay isang kaaway ni Don Timoteo o kaagaw ni Juanito kay Paulita. Binalaan ni Kapitan Loleng si Isagani na magtago, ngunit ngumiti lamang ang binata. Ipinagpatuloy ni Chikoy ang pagbabalita tungkol sa pagdating ng mga sibil na walang mapagbintangan. Si Don Timoteo at si Simoun ang nangasiwa sa pag-aayos ng bahay na pinagdausan ng piging, at pinaalis ang lahat ng mga ‘di kailangan sa imbestigasyon. KABANATA: 37 Buod 4 Binalaan ni Kapitan Loleng si Isagani na magtago, ngunit ngumiti lamang ang binata. Ipinagpatuloy ni Chikoy ang pagbabalita tungkol sa pagdating ng mga sibil na walang mapagbintangan. Si Don Timoteo at si Simoun ang nangasiwa sa pag-aayos ng bahay na pinagdausan ng piging, at pinaalis ang lahat ng mga ‘di kailangan sa imbestigasyon. Nagkaroon ng iba’t ibang hula ang mga babaeng nakikinig sa balita ni Chikoy kung sino ang may kagagawan ng lahat. May mga nagsabing ang mga prayle, si Quiroga, ang mga mag-aaral o si Makaraig. Ngunit ayon sa ilang kawani, si Simoun ang may kagagawan. Nagtaka ang lahat nang mabalitaan ito. Naalala ni Momoy ang pag-alis ni Simoun bago magsimula ang hapunan. Nawawala si Simoun at pinaghahanap ng mga sibil. Lalong nabuo sa isip ng mga kababaihan ang pagiging demonyo ni Simoun na nagkatawan umanong tao. Iniisip ng mga may kapangyarihan na ang ilawan ang magpapasiklab sa pulbura na nasa buong kabahayan. Biglang natakot si Momoy, ngunit nagtapang-tapangan ito nang makita ang kasintahan na si Siensa na nakatingin sa kanya. Makaraan ng ilang sandali, nagpaalam na si Isagani at umalis, at hindi na bumalik pa sa kanyang amain. Kabanata: 37 Buod 5 Mga aral: Ang pagpapahalaga sakatotohanan at pagsiwalat ng impormasyon: Sa kabila ng pagpipigil sa pagkalat ng balita, mahalaga pa rin na maging mulat ang mga tao sa mga tunay na pangyayari sa kanilang paligid. Hindi dapat pagkaitan ang tao sa katotohanan, sapagkat ito ay makakatulong sa kanila na maging handa sa anumang hamon na darating. Ang pagpapahalaga sa tapang at pagtitiwala sa sarili: Ang karakter ni Momoy ay nagpapakita ng halaga ng pagiging matapang sa harap ng panganib. Sa pagharap niya sa takot, naipakita niya ang kanyang tapang at pagtitiwala sa sarili. Maraming Salamat! Reporters: Sheryn Nica Quistadio Rhea D. Dalayap