Uploaded by Mikaella Loraña

MONOGRAPH MAIN PPIITTP (AutoRecovered)

advertisement
Barotac Nuevo National Comprehensive High School
Municipality of Barotac Nuevo
ST. ANTONY DE PADUA: MAKASAYSAYANG SIMBAHAN NG BAYAN
(Parokya ng Barotac Nuevo)
Iniharap kay
Binibining Precious Dawn Acosta
(guro)
Bilang Pangangailangan sa Asignaturang Filipino:
Pagbasa at pagsuri sa Iba’t Ibang Teksto sa Pananaliksik
(PPIITTP)
Mga Pananaliksik ng Barotac Nuevo National comprehensive High School
Grade 11(HUMSS)- Socrates
Benla ,MJ
Claveria , Julia Angela
Loraña ,Mikaella Joy
Parcon ,Mary Antonette
Querubin ,Lee Antoinette
Sumadia ,Rafaella Mae
1
PAGHAHANDOG
Taos puso naming inihahandog,
Ang pananaliksik na ito,
Sa mga mag-aaral at guro,
Lalo’t sa Poong nagbigay talino.
Nang maisakatuparan lalo,
Mga kaalamang nasa puso,
Matagumpay na maibahagi namin,
Talino’t lakas, tunay na damdamin.
Lubos rin naming inaalay,
Sa mga magulang na laging gabay,
At sa aming gurong si Binibining Precious Dawn Acosta,
Na siyang nag bigay ng dedikasyon sa aming gawa.
Mataos din naming iniaalay sa miyembro ng simbahan,
Na nag bigay daan upang maisakatuparan,
Aming pananaliksik na pinaghirapan,
At nag bigay paraan tungo sa kaalaman.
2
PASASALAMAT
Nagpapasalamat po kaming lahat,
Sa mga tumulong sa aming gawain,
Sa kaalamang sa ami’y iminulat,
Pananaliksik na pinaghirapan namin.
Sa mga taong nagmamalasakit,
Lakas at talino sa ami’y inukit,
Sa kanilang tulong na binigay,
Inspirasyo’t lakas kami’y nagpupugay.
Sa mga tulad kong nanaliksik,
Sa pagbuo ng monograp, kaalama’y hitik,
Lalo na kay Brother Dominic,
At kay kuya Marvin Batic-batic.
Salamat rin sa mahal naming guro,
Binibining Acosta, na walang sawang nagtuturo,
Salamat din sa Poong maykapal,
Na sa ati’y laging nagmamahal.
3
TALAAN NG NILALAMAN
Pahina
Pahinang Pamagat
1
Paghahandog
2
Pasasalamat
3
Talaan ng Nilalaman
4
Kabanata 1
Panimula
Research Locale.
(Kasaysayan n Barotac Nuevo)
Katuturan ng Katawagan
5
6
7
Kabanata 2
Kinalabasan ng Pag-aaral
8-9
Kabanata 3
Konkluson at Rekomendasyon
10-11
Talasanggunian
12
Apendiks
A. Location Maps
B. Resource Person
C. Transcript of Interview
D. Mga Patunay
13
14
15
16
Curriculum Vitae
17-23
4
KABANATA- I
PANIMULA
Ang bawat bagay sa ating mundo ay mayroong halaga, may pinagmulan at may kahulugan.
Nababalot ng mga bagay-bagay na kadalasan ay naging paksa ng mga usap-usapan at mga
katanungan pilit hinahanapan ng kasagutan. Mga tanong na parang bagong tubong damo na
biglang sumusulpot kahit kakatapos mo lang ito pinutol, ganyan din ang mga katanungan ng
mga tao matapos mo lang malaman ang sagot may sumusulpot nanaman na katanungan na
pwede mo lang balewalain. Ang dating haka-haka ay parte na ngayon ng kasaysayan na hindi
maiaalis sa isipan ng mambabasa. Ang mga katanungan dati-rati’y hindi masasagot, ngayon ay
nabigyan na ng kasagutan at kalinawan.
Sa araw-araw ng ginawa ng Diyos, hindi natin namalayan na may mga tao, bagay, pook o
pangyayari tayong ipinagsawalang – bahala dahil sa bilis ng takbo ng panahon. Bagkus, ay
nawaglit sa ating isipan ang mga mahahalagang kasaysayan sa ating pook.
Tulad ng Simbahan ng Barotac Nuevo, kung saan ang ating Patron ay si San Antonio De Padua.
Ang simbahang San Antonio De Padua, na tinawag din bilang parokya ng Barotac Nuevo ay
matatagpuan sa munisipalidad ng Barotac Nuevo, Iloilo, Pilipinas sa ilalim ng Arkdiyosismo ng
Jaro. Ipinahayag ito bilang isang Pambansang Makasaysayang Landmark noong 1998 sa ilalim
ng pamumuno ni Monsignor Jesus Enojo na tinulungan ni Congressman Narciso Montfort. Ang
kasalukuyang simbahan ay nakumpleto noong 1910 sa ilalim ng gabay ni Padre Mariano
Conjugacion at gumanap ng isang mahalagang papel sa panahon ng mga pananakop ng Espanya
at Hapon.
Naisipan ng mga mananaliksik na ungkatin ang mahalagang lihim at kasaysayan ng Simbahan
ng Parokya ng Barotac Nuevo; upang sa gayon ay maibahagi ng mga ito sa bagong henerasyon
ang mga impormasyon at mahahalagang detalye ukol sa nasabing simbahan.
Gayunpaman ay nais pukawin ng mga tagapag- saliksik ang isip at damdamin ng mga
mambabasa, ma imulat ang kanilang mga mata para maipakita ang natutulog na lihim at
kahalagahan ng ating simbahan.
5
RESEARCH LOCALE
KASAYSAYAN NG BAYAN NG BAROTAC NUEVO
Ang Barotac Nuevo ay isang maliit na bayan na ang pangunahing industriya at kapital ay nasa pangingisda at
agrikultura. Ayon sa katutubong kwento ang Barotac Nuevo noong ikalabing limang siglo ay kilala na may
magagandang lahi na mga kabayo at si Tamasak isang puting kabayong lalaki ay ang pinakamalakas,
pinakamabilis, at pinakagwapong kabayo sa lugar. Inilalarawan sa Tamasak bilang pinakamabilis na kabayo,
kaya niya ito daanan ang matubig at maputik na daan. Noong panahong iyon ang Gobernadong Heneral ng
bansa ay si Manuel Gonzalez de Aguilar, sya ay may putting kabayo ngunit namatay ito. Ang mga tauhan ni de
Aguilar ay nag libot sa mga isla ng Pilipinas upang mag hanap ng kabayo na kamukha ng dating kabayo nito
hangang sa nakarating sila sa Bayan ng Dumangas sa Iloilo.
Ang Barotac Nuevo noon na kilala na bilang Baryo Malutac ay bahagi lamang ng Dumangas, doon nila Nakita
at nakilala si Tamasak. Inalok si Don Simon Protacio na ang may ari ng kabayo na ibenta ang kabayo sa
Gobernador Heneral ngunit tumangi ito kayat naman personal na binisita ng Gobernador Heneral ang tahanan ni
Don Simon upang kumbinsihin na ibenta ang kabayo. Sa mahabang negosasyon napapayag ng Gobernador
Heneral si Don protacio na ipagpalit si Tamasak hindi sa pera kundi sa isang kasunduan na ihiwalay ang
Malutac sa Dumangas at gawin itong pueblo, nasunod ang kasunduan na si Tamasak kapalit sa kalayaan at
kasinlan ng Baryo Malutac at tinawag na Barotac nuevo.
Kaya sa kasaysayan ng bayan ng Barotac Nuevo ay itinatag noong 1811 ng kanilang pinuno ng lugar noong
panahon ng katsila na si Don Simon Raymundo Protacio.
Ang pangalang "Barotac" ay mula sa salitang Espanyol na "baro", na nangangahulugang putik, pati na rin ang
pangalawang pantig ng salitang Hiligaynon, "lutac" na nangangahulugang putik. Ang "Nuevo", na isinasalin sa
bago, ay idinagdag sa pangalan upang makilala ito mula sa ibang bayan na tinatawag na Barotac Viejo na
matatagpuan lamang sa hilaga.
Sa kasalukuyan napalibutan ang Barotac Nuevo sa hilaga ng Anilao, sa timog ng Dumangas,sa kanluran ng
Pototan, at sa silangan ng kipot ng Iloilo. Sa 2020 Sensus humigit kumulang 58,176 ang populasyon ng bayan
mula sa 29 na barangay na tumatamasa ng bunga ng katalinuhan ni Don Simon Protacio at ang bayaning kabayo
si Tamasak.
Ang bayan ng Barotac Nuevo ay nahahati sa 29 na barangay ito ay ang Acuit,Agcuyawan Calsada,Agcuyawan
Pulo,Bagongbong,Baras,Bungca,Cabilaunan,Cruz,Guintas,Igbong,Ilaud Poblacion,Ilaya
Pobalcion,Jalaud,Lagubang,Lanas,Lico-an,Linao,Monpon,Palaciawan,Patag,Salihid,So-ol,Sohoton,Tabuc Suba,
Tabucan,Talisay,Tinorian,Tiwi at Tubungan.
6
KATUTURAN NG KATAWAGAN
Pueblo - isang salita na ginagamit ng mga Espanyol na ang katumbas sa Filipino ay bayan.
Malutac – ipinangalan ng mga tao sa barangay dahil na nangangahulugan ito sa Filipino na
“maputik” kasi noon ay maputik at hindi simentado ang bayan ng Barotac Nuevo.
Panahon ng Katsila – nangangahulugan ito sa panahong pagsakop ng mga Espanyol sa
Pilipinas. Ang kahulugan ng salitang katsila ay tumutukoy sa tao at wika.
Baryo - Isang grupo ng mga bahay na mas maliit kaysa sa isang bayan: Nayon, Baryo
7
KABANATA II
KINALABASAN NG PAG-AARAL
8
9
KABANATA III
KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
10
REKOMENDASYON
Upang maiwasan ang pagkupas at pagkalimot, iminungkahi ng mga akademiko na ang mga tao ay dapat na
nakikibahagi sa kasaysayan ng mga lugar na kanilang binisita. Bilang karagdagan, ang kanilang mga magulang
ay magkakaroon ng oras upang ibahagi ang alam nila o turuan sila upang mapanatili ang kasaysayan ng
kanilang pamayanan.
Inirerekomenda din ng mga mananaliksik na ang ilang mga tao ay dapat subukang maging mas mausisa tungkol
sa kanilang paligid dahil, kung hindi ito para sa proyektong ito ay hindi ko malalaman kung gaano kagiliw-giliw
ang nakaraan ng aming Simbahan.
11
TALASANGGUNIAN:
Kasaysayan ng Barotac Nuevo:
a. (467) DAHIL SA ISANG KABAYO, GINAWANG BAYAN ANG ISANG BARANGAY SA ILOILO! - YouTube
b. Barotac Nuevo - Wikipedia
Pinagkunan ng Mapa:
a. Barotac Nuevo, Iloilo, Philippines - Philippines (zamboanga.com)
b. korthar2015.blogspot.com/2017/12/philippines-on-map-of-asia.html
12
APENDIKS
A. Location Map
Mapa ng Pilipinas
Mapa ng Barotac Nuevo
13
B. Resources Person.
Brother Dominic Tacleon
Secretarya ng simbahan
14
C. Transcript of Interviews
15
D. Mga Patunay
16
Download