Republic of the Philippines Department of Education REGION III – CENTRAL LUZON SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA SAN ANDRES HIGH SCHOOL BRGY. SAN ANDRES, GUIMBA, NUEVA ECIJA 3115 May 17, 2023 KGG. AURELIO M. UMALI Punong Lalawigan Nueva Ecija Ginoo: Isang mapagpalang-araw! Batid po ng Mataas na Paaralan ng San Andres, ng mga kaguruan, mga magulang, mga mag-aaral at ng buong komunidad ang inyong walang sawang pagsuporta sa iyong mga nasasakupan lalong lalo na sa mga bagay na may kaugnayan sa edukasyon. Dahil sa patuloy na pagdami ng mga batang may kagustuhang matuto, at bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng klase, napakalaking tulong po para sa paaralan at sa mga mag-aaral ang pagkakaroon ng sariling gymnasium na magagamit sa alinmang mga aktibidad at gawain. Buo po ang aming paniniwala at kami po ay humihiling na ang Mataas na Paaralan ng San Andres ay mapagkalooban ng gymnasium. Inaasahan po namin ang inyong matagumpay na pagtugon, at para mas lalong mabigyan ng mas malalaking mga ngiti ang aming mga mag-aaral. Maraming salamat po! Mabuhay po kayo! Lubos na gumagalang, DAISY F. CIPRIANO Punong guro Address: Brgy. San Andres, Guimba, Nueva Ecija 3115 Email: sanandreshighschool1997@gmail.com Facebook Page: https://web.facebook.com/SANriseANDRESHS