Uploaded by Kathleen Leonibeth Garcia

TG ESP 7

advertisement
7
Patnubay ng Guro
PAG-AARI NG PAMAHALAAN
HINDI IPINAGBIBILI
INILAAN PARA SA
Distrito/ Paaralan: ________________________________________
Dibisyon: ________________________________________________
Unang Taon ng Paggamit: ________________________________
Pinagkunan ng Pondo (Pati Taon): ________________________
Kagawarang ng Edukasyon
Republika ng Pilipinas
i
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-Pitong Baitang
Patnubay ng Guro
Unang Edisyon, 2013
ISBN: 978-971-9990-55-0
Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas
Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang sipi sa ano mang
akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng
pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa
pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,
ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na
ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at
mahingi ang pahintulot ng mga may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang
ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at may-akda
ang karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Br. Armin A. Luistro FSC
Pangalawang Kalihim: Yolanda S. Quijano, Ph.D.
Kawaksing Kalihim: Elena R. Ruiz, Ph.D.
Mga Bumuo ng Patnubay ng Guro
Consultant: Fe A. Hidalgo, Ph.D. at Manuel Dy, Ph.D.
Editor: Luisita B. Peralta
Mga Manunulat: Manuel B. Dy, Jr., Sheryll Gayola, Marivic Leaño, Mary
Jean B. Brizuela, at Ellanore G. Querijero
Mga Tagaguhit: Erich Garcia at Deo Moreno
Naglayout: Aro R. Rara
Inilimbag sa Pilipinas ng ____________
Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)
Office Address:
2nd Floor Dorm G, Philsports Complex, Meralco
Avenue,
Pasig City, Philippines 1600
Telefax:
(02) 634-1054 or 634-1072
E-mail Address:
imcsetd@yahoo.com
ii
Talaan ng Nilalaman
Modyul 1: Mga Angkop At Inaasahang Kakayahan At Kilos Sa Panahon
Ng Pagdadalaga/Pagbibinata
2
Modyul 2: Talento mo, Tuklasin, Kilalanin aT Paunlarin
19
Modyul 3: Pagpapaunlad Ng Mga Hilig
32
Modyul 4: Ang Aking Tungkulin Bilang Kabataan
41
Modyul 5: Isip At Kilos-Loob
51
Modyul 6: Kaugnayan Ng konsiyensiya Sa Likas Na Batas-Moral
60
Modyul 7: Kalayaan
71
Modyul 8: Ang Dignidad Ng Tao
83
Modyul 9: Kaugnayan Ng Pagpapahalaga at Birtud
94
Modyul 10: Hirarkiya Ng Pagpapahalaga
108
Modyul 11: Mga Panloob na Salik na Nakaiimpluwensiya sa Paghubog
ng mga Pagpapahalaga
119
Modyul 12: Mga Panlabas na Salik na Nakaiimpluwensiya sa Paghubog
ng mga Pagpapahalaga
132
Modyul 13: Mangarap Ka!
144
Modyul 14: Ang Kahalagahan Ng Mabuting Pagpapasya Sa Uri Ng
Buhay
156
Modyul 15: Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Kursong Akademiko o
Teknikal-Bokasyonal o Negosyo
168
Modyul 16: Halaga Ng Pag-aaral Para Sa Pagnenegosyo O
Paghahanapbuhay!
181
iii
Patnubay ng Pagtuturo
MODYUL 1: MGA ANGKOP AT INAASAHANG
KAKAYAHAN AT KILOS SA PANAHON NG
PAGDADALAGA/PAGBIBINATA
I.
MGA LAYUNIN
MGA PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Pangnilalaman
Pagganap
Naipamamalas ng mag-aaral ang pagNaisasagawa ang mga angkop na
unawa sa mga inaasahang kakayahan
hakbang tungo sa paglinang ng apat na
at kilos sa panahon ng pagdadalaga
inaasahang kakayahan at kilos
/pagbibinata, sa kanyang mga talento,
(developmental tasks) sa panahon ng
kakayahan, at kahinaan, hilig, at mga
pagdadalaga/pagbibinata.
tungkulin bilang
nagdadalaga/nagbibinata
Batayang Konsepto: Ang paglinang ng mga angkop na inaasahang
kakayahan at kilos (developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga /
pagbibinata ay nakatutulong sa:
 pagkakaroon ng tiwala sa sarili,
 paghahanda sa susunod na yugto (stage) ng buhay (paghahanda sa
paghahanapbuhay at paghahanda sa pag- aasawa / pagpapamilya), at
 pagiging mabuti at mapanagutang tao.
A. MGA LAYUNIN SA PAGTUTURO
1.1
Magabayan ang mga mag-aaral sa pag- unawa sa sumusunod na
paksa:
a. Mga Layunin ng Mga Inaasahang Kakayahan at Kilos
(Developmental Tasks) sa Bawat Yugto ng Pagtanda ng Tao
b. Mga Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon ng
Pagdadalaga / Pagbibinata at mga Panuntunan sa Paglinang ng
mga ito
c. Mga Hakbang tungo sa Pagtatamo ng Bago at Ganap na
Pakikipag-ugnayan sa mga Kasing-edad
d. Mga Hakbang Tungo sa Paglinang ng Tiwala sa sarili
2.1
Malinang ang sumusunod na kasanayan sa mga mag-aaral:
a. Pagkilala sa mga inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng
pagdadalaga / pagbibinata
b. Pagbibigay-katwiran kung bakit kailangang linangin ang mga
angkop na inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng
pagdadalaga / pagbibinata
1
c.
d.
e.
f.
g.
h.
i.
j.
Pagtukoy ng mga hakbang tungo sa paglinang ng mga angkop
na inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga /
pagbibinata
Pagtukoy ng mga pagbabago sa kanilang sarili mula sa gulang
na 8 - 9 hanggang sa kasalukuyan sa aspektong: (a) pakikipagugnayan (more mature relations) sa mga kasing edad, (b) papel
sa lipunan bilang babae o lalaki, (c) asal sa pakikipagkapwa / sa
lipunan, at (d) kakayahang makagawa ng maingat na
pagpapasya
Pagbibigay-katwiran kung bakit mahalagang kilalanin ang mga
angkop na inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng
pagdadalaga / pagbibinata sa aspektong: pakikipag-ugnayan sa
mga kasing-edad, papel sa Lipunan, asal sa pakikipag-kapwa,
kKakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya
Pagpapatutunay kung nakatutulong ang paglinang ng mga
inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga /
pagbibinata sa pagkakaroon ng tiwala sa sarili (self-confidence)
at sa pagiging mabuti at mapanagutang tao
Pagpapaliwanag ng kaugnayan ng paglinang ng mga
inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga /
pagbibinata sa paghahanda sa susunod na yugto ng buhay
(sa paghahanda sa paghahanapbuhay at paghahanda sa pagaasawa at pagpapamilya)
Pagsasakatuparan ng mga sariling paraan sa paglinang ng mga
inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga /
pagbibinata
Pagbuo ng talaan ng mga positibong self-talk o affirmation tungo
sa paglinang ng tiwala sa sarili
Pagbibigay ng mga puna sa paraan ng ibang kabataan sa
paglinang ng mga inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng
pagdadalaga / pagbibinata
B. MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO
Ipabasa sa mga mag-aaral ang pahina 1- 2. Isa-sahin ang mga
layuning pampagkatuto para sa Modyul 1 na nasa loob ng kahon.
2
Itanong: Mayroon
ba kayong gustong
linawin tungkol sa
mga layuning
binasa?
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod
na kaalaman, kakayahan at pag-unawa
a.
Natutukoy ang mga pagbabago sa sarili mula sa gulang na 8
o 9 hanggang sa kasalukuyan sa apektong: (a) pakikipagugnayan (more mature relations) sa mga kasing-edad, (b)
papel sa lipuinan bilang babae o lalaki, (c) asal sa
pakikipagkapwa at sa lipunan, at (d) kakayahang makagawa
ng maingat na
b.
Natatanggap ang mga pagbabagong nagaganap sa sarili
panahon ng pagdadalaga / pagbibinata
c.
Naipaliliwanag na ang paglinang ng mga angkop na
inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa
panahon ng pagdadalaga / pagbibinata ay nakatutulong sa:
d.

Pagkakaroon ng tiwala sa sarili

Paghahanda sa susunod na yugto (stage) ng buhay
(paghahanda sa paghahanapbuhay at paghahanda sa
pag-aasawa / pagpapamilya), at

Pagiging mabuti at mapanagutang tao
Naisasagawa ang mga angkop na hakbang tungo sa
paglinang ng apat na inaasahang kakayahan at kilos
(developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga
pagbibinata
II. PAUNANG PAGTATAYA
Pasagutan ang paunang pagtataya sa pahina 2-5. Hayaang markahan ng
mga mag-aaral ang kanilang sariling papel gamit ang susi sa pagmamarka sa
Annex 1. Makatutulong din kung isusulat ng guro sa pisara ang susi sa
e.
pagmamarka.
3
2.
Ang sumusunod ay ilan sa mga inaasahang
kakayahan at kilos na dapat malinang sa
panahon ng pagdadalaga / pagbibinata maliban
sa _______ .
a.
Pagsisikap na makakilos ng angkop sa
kanyang edad
b.
Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop
sa babae o lalaki
c.
Pagtatamo at pagtanggap ng maayos sa
ugali sa pakikipagkapwa
d.
Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipagugnayan sa mga kasing-edad
4. Sa yugto ng maagang pasgdadalaga o
pagbibinata, inaasahan na ang pagkskaroon ng
tinedyer ng kasintahan (girlfriend/boyfriend). Ang
pangungusap ay:
a.
Tama, dahil mahalagang mamulat ang
nagdadalaga o nagbibinata sa pagbuo
ng relasyon sa kabaligtarang kasarian
sa maagang panahon.
b.
Tama, dahil ito ay makatutulong sa
kanya upang humawak ng isang
relasyon at magiging seryosong
relasyon sa hinaharap.
c.
Mali, dahil mahalagang masukat muna
ang kahandaan ng isip at damdamin ng
isang nagdadalaga/nagbibinbata sa
paghawak ng isang seryosong relasyon.
d.
Mali, dahil hindi pa nararapat na
magkaroon ng seryosong ang isang
tinedyer.
3-4 Basahin at unawain ang mga talata sa ibaba.
Pagkatapos, sagutin ang bilang 3-4.
Pagtuntong ng isang bata sa kanyang ikalabintatlong taon, nagsisimula ang matulin at kagyat
na pagbabago sa kanyang pag-iisip at pag-uugali.
Kung dati ay kuntento na ang isang batang lalaki sa
paglalaro, ngayon ay tila naaakit na siyang tumingin
sa kababaihan. Gayundin ang isang batang babae:
nagsisimula na rin siyang kumilos na tulad sa isang
ganap na babae.
5. Si Cleofe ay iskolar sa isang pamantasang
mataas ang kalidad. Napaliligiran siya ng
mayayamang kamag-aral. Labis ang kanyang
pagkabalisa dahil alam niayng hindi naman siya
makasasabay sa mga ito sa maraming bagay.
Ano ang pinakamakatuwirang gawin ni Cleofe?
Sa panig ng kalalakihan, nagiging masilakbo
ang kanilang katapangan. Nagiging mapangahas
sila sa anumang bagay, warign
ipinagwawalambahala ang panganib,
nagkukunwaring hindi nababalisa sa anumang
suliranin. Ito ang panahon na tila naghihimagsik ang
isang kabataan, waring di matanggap ang
katotohanang hindi pa siya gananp na lalaki at
nagpupuyos ang kalooban na pasubalian ito sa
mundo. Ito ang panahon na ang isang lalaki ay wala
pang napapatunayan sa kanyang sarili at sa iba,
kaya napakalaki ng kanyang kawalan ng seguridad,
lagging humahanap ng pagkakataon na ipakita ang
kanyang kahalagahan. Sa pnig ng kababaihan, ang
isang nagdadalaga ay nagsisimulang iwan ang
daigdig ng mga manika at laruan, nag-iingat na
kumilos nang magaslaw o tila bata. Isa siyang
bulaklak na nagsisimulang mamukadkad.
Makipagkaibigan lamang siya sa kapwa
niya mga iskolar na mahirap din.
b.
Ipakita niya ang kanyang totoong
pagkatao.
c.
Kausapin niya ang kanyang mga
magulang upang bumili ng mga gamit at
damit na halos katulad ng sa
mayayamang kamag-aral.
6. Makiangkop sa kamag-aral na mayaman sa
oras na sila ang kasama at sa mga kapwa niyang
iskolar na mahirap kung sila naman ang kasama.
7. Masasabi lamang na ganap ang pakikipagugnayan kung handang ipaalam ang lahat sa
kapwa. Ang pangungusap ay:
Hango sa :
http://cpnhs.com/smf/index.php?topic=167.0
3.
a.
Ano ang pangunahing paksa ng sanaysay?
a. Ang pagbabago sa panahon ng
pagdadalaga/pagbibinata
b. Ang mga karanasang pinagdaraanan ng mga
nagdadalaga/nagbibinata.
a.
Tama, dahil ito ay nagpapakita ng tiwala
sa kapwa.
b.
Tama, dahil ito ang magiging simula ng
isasng malalim na pakikipag-ugnayan.
c.
Mali, dahil sa kasapi ng pamliya lamang
nararapat na sabihin ang lahat ng
sikreto.
d.
Mali, dahil mahalagang magkaroon ng
limitasyon upang hindi magamit ang
mga impormasyon tungkol tungkol sa
sarili laban sa kanya sa hinaharap.
c. Ang damdamin ng mga
nagdadalaga/nagbibinata sa mga pagbabagong
kanilang pinagdaraanan.
d. Ang pagkakaiba ng pagbabagong
pinagdaraanan ng isang nagdadalaga at
pagbibinata.
4
8. Si Bernard ay mababa ang tiwala sa
sarili sa kabila ng kanayang talent. Hindi niya
ito ipinakikita sa paaralan dahil sa takot na
hindi ito maging kalugod-lugod sa iba pang
mga mag-aaral. Ano ang makatuwirang gawin
ni Bernard?
a.
Kausapin niya ang kanyang sarili at
sabihin na hindi matatalo ng hindi
pagtanggap ng iba sa kanyang
talent ang kanyang pagnanais na
umangat dahil sa kanyang
kakayahan.
b.
Humingi siya ng papuri mula sa
kanyang mga kaibigan at kapamilya
na makatutulong upang maiangat
ang kanayang tiwala sa sarili.
c.
Harapin niya ang mga hamon nang
may tapang at hayaang
mangibabaw ang kanyang
kalakasan.
d.
Huwag niyang iisipin na mas
magaling ang iba sa kanya, bagkus
isipin niya na siya ay nakaaangat sa
lahat.
Ipabilang
sa
mag-aaral
ang
kabuuang iskor na kanilang nakuha. Ipataas
ang kamay ng mga batang nakakuha ng iskor
na 10 at bilangin ang mga ito. Itala sa pisara
ang kabuuang bilang. Ipataas ang kamay ng
nakakuha ng 5 hanggang 9 na puntos;
bilangin at itala sa pisara ang kabuuang
bilang. Gayundin ang gawin para sa 0
hanggang 4 na puntos.
Kung lahat halos ng mga mag-aaral (95%) ay
nakakuha ng iskor na 10, maaaring dumako
na ang guro sa bahaging Pagpapalalim.
Maaaring gawing gawaing-bahay ang ilang mga gawain sa mga bahaging
Pagtuklas sa Dating Kaalaman at Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan at Pagunawa para sa mga nakakuha ng 5-9 puntos.
Ang mga nakakuha naman ng 0 hanggang 4 na puntos ay maaring
mangailangan ng karagdagang gawain sa bahaging Paglinang ng mga Kaalaman,
Kakayahan at Pag-unawa.
III. PLANO NG PAGTUTURO-PAGKATUTO
A. PAGTUKLAS NG DATING
KAALAMAN
Mga Hakbang:
1. Ipagawa ang Gawain 1 sa
bahaging Pagtuklas ng
Dating Kaalaman sa mga
mag-aaral sa pahina 5 ng
Modyul 1.
2. Ipabasa ang Panuto at
saka itanong: Mayroon
bang kailangang linawin sa Panuto?
5
3. Ipabasa ang halimbawa sa
pahina 6.
4. Ilagay ang mga kagamitan sa
ibabaw ng mesa ng guro at
sabihing ito ay maaring gamitin
ng lahat ng mag-aaral. Ipaalala
ang halaga ng pagbibigayan at
pagtitiyaga sa paggamit ng
mga kagamitan.
5. Ipagawa ang gawain. Bigyan
sila ng 15 minuto para sa
gawaing ito.
6. Matapos ang 15 minuto ay
tumawag ng ilang mag-aaral
upang basahin ang kanilang
mga pagbabagong itinala sa
kuwaderno.
Gawain 2
Mga Hakbang
1. Idikit sa pisara ang inihandang “Tsart ng Profile
Ko, sa
Noon
at Ngayon”.
Sa 8-9
tulong
Paalala
Gawain
2 pahina
ng mga mag-aaral, punan ang tsart ng mga halimbawa ng pagbabago na itinala
Matapos ipabasa sa mga
sa pisara sa unang gawain.
mag-aaral ang Panuto at ang
halimbawa ng “Profile Ko, Noon at
Ngayon” sa Gawain 2, maaari
itong gawing Takda o GawaingBahay bilang kasunduan.
6
2. Ipabasa ang Panuto at halimbawa ng “Profile Ko, Noon at Ngayon” sa pahina 7.
Papunan ang Tsart sa pahina 8. Bigyan ang mga mag-aaral ng 15 minuto upang
buuin ang tsart.
3. Matapos ang 15 minuto, pangkatin ang mga mag-aaral. Hindi dapat hihigit sa
lima ang kasapi sa pangkat. Gamit ang binuong “Profile Ko, Noon at Ngayon”,
iisa-isahin at ipaliliwanag ng lider ng bawat pangkat ang mga nilalaman nito sa
kanyang pangkat.
Tayahin kung positibo o negatibo ang mga nagging pagbabago sa iyong sarili
4. Ipabasa sa mga mag-aaral ang Panuto para sa “Linya ng Profile Ko, Noon at
Ngayon”. Ipabasa ang ibinigay na halimbawa sa pahina 7.
Paalala: Makatutulong kung may nakapaskil o nakaguhit na kopya ng Linya ng
“Profile Ko, Noon at Ngayon” sa pisara.
7
Gamit ang halimbawang tsart ng “Profile Ko, Noon at Ngayon” sa pahina 8,
suriin ang halimbawang Linya ng Profile Ko, Noon at Ngayon sa pahina 9.
Halimbawa:
Pakikipag-ugnayan
sa mga kasingedad
Ako Noon (gulang na 8-10)
Hal. Kalaro ko ang aking
mga kaibigan.
Ako Ngayon
Hal. Karamay ko ang mga
kaibigan ko sa mga
hinaharap na suliranin.
Sa halimbawang ito, masasabing positibo ang pagbabago sa sarili sa
aspektong, pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad. Hayaang magtungo sa pisara
ang isa sa mga mag-aaral upang ilagay ang unang guhit sa Linya. Isusulat sa tapat
ng guhit ang aspekto ng pagbabago ukol dito. Gayundin ang gawin sa sumusunod
pang halimbawa.
Dito ka
magsimula
Pakikipag-ugnayan sa kasing-edad
Ipagawa ang
Linya ng Profile
Ko, Noon at
Ngayon sa
pahina 9.
8
Sa paggamit
ng pahina 910: Maaaring
ipagawa
bilang
takdang aralin
ang
Pagninilay
pagkatapos
ipaliwanag
ang panuto.
Ipasulat ito sa
kanilang
journal.
A. PAGLINANG NG KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PAG-UNAWA
2.1 Ipabasa sa mga mag-aaral ang mga palatandaan ng pag-unlad bilang
isang nagdadalaga/nagbibinata sa pahina 11-13. Iisa-isahin ng guro ang
mga palatandaang ito.
2.2 Ipatukoy sa mga mag-aaral kung ang bawat palatandaan ay positibo o
negatibo. Hayaang ipaliwanag nila ito at pangatwiranan ang kanilang mga
sagot.
2.3 Bigyang-diin na bagamat maaaring totoo o naglalarawan sa kanila ang
ilan sa mga palatandaang ito, hindi nangangahulugan na tama ang mga
ito. Maaaring ang ilan dito ay hindi nila dapat gawin o ipamalas. Kaya
nga’t sa huling bahagi ng pag-aaral sa Modyul 1 ay inaasahang
mapamamahalaan nila ang mga pagbabagong ito sa iba’t ibang aspekto
ng kanilang pagkatao.
9
Paalala: Maaariing gumamit ng ibang kuwento o pelikula tungkol sa
pagdadalaga at pagbibinata para sa bahaging Paglinang ng mga
Kaalaman, Kakayahan at Pag-unawa. Tiyakin lamang na ang ipinakikita
rito ay ang mga angkop at epektibong pamamaraan ng pamamahala sa
mga pagbabagong pinagdaraanan ng mga nagdadalaga at nagbibinata.
Sa paggamit ng pahina 12: Mas makabubuti kung sama-samang panonoorin ng klase
ang pelikula. Mamamasid ng guro ang reaksiyon ng mga mag-aaral dito. Mas
makatutulong din kung pagagawain ng “movie review” o pagsusuri ng pelikula o kuwento
ang mga mag-aaral gamit ang mga gabay na tanong sa pahina 14. Mahalagang talakayin
ang mga naging pagsusuri ng mag-aaral sa klase. Gamitin ang rubric sa pagtataya ng
pagsusuri ng aklat o pelikula na inihanda sa Annex 2.
10
A. PAGPAPALALIM
Paalala: Makatutulong kung ang sanaysay ay ipababasa na sa mga mag-aaral
bilang Takdang Aralin.
1. Magpaskil ng katulad na paglalarawan at mga dialogue boxes sa pahina 13 sa
pisara. Sabihin: Tingnan ang larawan at ang mga sinasabi ng babae dito sa mas
nakababatang babae. Sino sa inyong palagay ang babaeng nagsasalita? Sino
naman ang kanyang kausap? Basahin nga ang sinasabi ng babae.
2. Ipabasa sa ilang mag-aaral ang sinasabi sa mga dialogue boxes. Sabihin:
Pansinin ang reaksiyon ng batang babae sa larawan. Ano kaya ang iniisip niya?
3. Tumawag ng ilang mag-aaral at hinging pangatwiranan ng mga ito ang kanilang
naging mga tugon.
4. Ipabasa ang kabuuan ng sanaysay sa pahina 13-20. Bigyan sila ng 15 minuto
upang basahin ang sanaysay.
5. Matapos ang 15 minuto ay pangkatin ang mga mag-aaral. Tiyaking hindi hihigit
sa sampu ang bilang ng kasapi sa pangkat. Hayaang magtalaga ang mga magaaral ng lider at tagapag-ulat.
6. Bigyan ng activity card, Manila paper at pentel pen ang bawat pangkat.
11
Activity Cards
Activity Card 1
Panuto: Gamit ang overlapping concepts graphic organizer, tukuyin at isa-isahiin
ang mga konseptong nabasa mula sa pahina 13 – 14. Sa ibaba ng graphic
organizer, isulat ang maikling paglalagom ng mga konseptong nabasa.
Oras na ilalaan sa gawain: 15 minuto
Iulat ang inyong output sa klase.
Activity Card 2
Panuto: Gamit ang idea web graphic organizer, tukuyin at isa-isahiin ang mga
konseptong nabasa mula sa pahina 15 – 20. Sa ibaba ng graphic organizer,
isulat ang maikling paglalagom ng mga konseptong nabasa.
Oras na ilalaan sa gawain: 15 minuto.
Iulat ang inyong output sa klase.
12
Activity Card 3
Panuto: Gamit ang organizational outline graphic organizer, tukuyin at isa-isahin
ang mga konseptong nabasa mula sa pahina 15 – 20. Sa ibaba ng graphic
organizer, isulat ang maikling paglalagom ng mga konseptong nabasa.
Oras na ilalaan sa gawain: 15 minuto
Iulat ang inyong output sa klase.
Paalala: Maaaring makakuha ng magkatulad na activity card ang ilang pangkat.
Maaaring gawing dalawang kopya ng Activity Cards 1 at 3 at ang Activity Card 2 ay
tatlo o higit pa.
7. Ipapaskil ang mga output ng bawat pangkat sa pisara at ipaulat ito.
8. Matapos ng mga pag-uulat, tiyaking magbigay ng paglilinaw sa ilang
mahahalagang konseptong hindi naipaliwanag nang wasto at sapat.
Pasagutan ang Tayahin ang Iyong Pag-unawa sa pahina 21. Bigyan sila ng 5
minuto upang gawin ito.
13
Magpaskil o gumuhit sa pisara ng replica ng graphic organizer sa pahina 21.
Tumawag ng ilang mag-aaral upang punan ang graphic organizer.
Ipasulat sa mag-aaral ang nabuong konsepto sa ilalim ng nakapaskil na mga
output ng bawat pangkat na graphic organizer. Piliin ang konseptong pinakamalapit
sa Batayang Konsepto na nasa kahon sa ibaba:
Ang paglinang ng mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos
(developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga / pagbibinata ay
nakatutulong sa:

pagkakaroon ng tiwala sa sarili ,

paghahanda sa susunod na yugto (stage) ng buhay (paghahanda sa
paghahanapbuhay at paghahanda sa pag- aasawa / pagpapamilya), at

pagiging mabuti at mapanagutang tao.
D.
E.
F. PAGSASABUHAY
Pagganap
Ipagawa ang “Tsart ng Aking Paraan ng Paglinang sa mga
Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon ng Pagdadalaga/Pagbibinata”
14
Sa paggamit ng pahina 22: Ang Tsart ng Aking Paraan ng
Paglinang ng…ay ipagagawa sa loob ng 2 linggo.
15
Paalala: Magtalaga ng kapareha ang bawat mag-aaral upang tiyaking
nasusundan at natataya ang mga tala sa Tsart ng bawat mag-aaral.
Pagawin ang bawat isa ng ulat ng mga pagbabago sa mga kilos at gawi ng
kamag-aral bunga ng pagsunod sa “Tsart ng Aking Paraan ng Paglinang
sa mga Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon ng
Pagdadalaga/Pagbibinata”. Ipapasa ng mga mag-aaral ang kanilang
journal. Basahin ang kanilang pagninilay at mamarkahan ito gamit ang
pamantayan sa Annex 2.
Pagsasabuhay
1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang bahaging Pagsasabuhay sa pahina 24.
2. Ipabasa sa isang mag-aaral ang panuto. Pagkatapos, itanong: Mayroon bang
katanungan tungkol sa panuto?
3. Makatutulong kung magpapaskil ng katulad na halimbawa na nasa Modyul.
Bigyan ng panahon ang mga mag-aaral na basahin ang halimbawa na nasa
pisara.
4. Pagkatapos, ipabasa naman ang mga hakbang para sa kanilang pansariling
pagsusuri na nasa pahina 25.
16
5. Matapos ang panahon na ibinigay sa mga mag-aaral ay tumawag ng ilan na
magbabahagi ng kanilang ginawa sa harap ng klase.
6. Ibigay bilang takdang aralin ang isa pang gawain na nasa pahina 25, bilang
3.
7. Paghandain ang mga mag-aaral ng mga gabay na tanong. Kailangan itong
mabasa bago nila isagawa ang panayam.
8. Atasan ang mga mag-aaral na magbigay ng mga patunay sa pagsasagawa
ng gawain. Maaaring larawan o video habang isinasagawa ang panayam.
17
Plano ng Pagtuturo
Modyul 2: TALENTO MO, TUKLASIN,
KILALANIN AT PAUNLARIN
I. MGA LAYUNIN
Mga Pamantayan sa Pagkatuto
Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pagunawa sa mga konsepto tungkol sa
talento, kakayahan at kahinaan
Pagganap
Naisasagawa ang mga kilos tungo sa
pagpapaunlad ng mga talento at
kakayahan at paglampas sa mga
kahinaan
Batayang Konsepto: Ang pagtuklas at pagpapaunlad ng mga angking talento
at kakayahan ay mahalaga sapagkat ang mga ito ay mga kaloob na kung
pauunlarin ay makahuhubog ng sarili tungo sa pagkakaroon ng tiwala sa
sarili, paglampas sa mga kahinaan, pagtupad ng mga tungkulin, at
paglilingkod sa pamayanan.
A. MGA LAYUNIN SA PAGTUTURO
1.1 Magabayan ang mga mag-aaral sa pag-unawa sa sumusunod na paksa:
1. Talento at Kakayahan
2. Iba’t ibang talino ayon kay Howard Gardner
3. Ang Pagkilala sa Sariling Talento, Kakayahan at Kahinaan
4. Tiwala sa Sarili
5. Ang Paglampas sa Sariling Kahinaan
6. Plano sa Pagpapaunlad ng Sarili
7. Ang Kahalagahan ng Pagpapaunlad ng Talento at Kakayahan
1.2 Malinang ang sumusunod na kasanayan sa mga mag-aaral:
a. Pagpapaliwanag ng kaibahan ng talento sa kakayahan
b. Pagtukoy sa kanyang mga katangian, talento, kakayahan gamit ang
Multiple Intelligences Survey Form ni Walter Mckenzie
c. Pagpapaliwanag ng kahalagahan ng kaalaman sa talento at kakayahan
d. Paglalarawan ng iba‟t ibang uri ng talino ayon kay Howard Gardner
e. Paghinuha kung bakit dapat: (a) paunlarin ang mga sariling talento at
kakayahan at (2) malampasan ang mga kahinaan
f. Paglalarawan ng kalikasan ng tiwala sa sarili
g. Pagtukoy sa mga aspekto ng sarili na kulang siya ng tiwala at nakikilala
ang mga paraan kung paano lalampasan ang mga ito
h. Paggawa ng Plano ng Pagpapaunlad ng mga Talento at Kakayahan
i. Pagbuo ng paglalarawan ng mga konseptong nahinuha sa binasang
sanaysay tungkol sa talento at kakayahan
j. Pagsasakatuparan ng Plano ng Pagpapaunlad ng mga Talento at
Kakayahan
18
B. MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO
Ipabasa sa mga mag-aaral ang pahina 31. Isa-isahin ang mga layuning
pampagkatuto para sa Modyul 2 na nasa loob ng kahon.
Itanong: Mayroon ba kayong gustong linawin tungkol sa mga layuning binasa?
II. PAUNANG PAGTATAYA
Ipagawa sa mga mag-aaral ang Paunang Pagtataya sa pahina 32-34.
Hayaang sagutan ng mga mag-aaral sa kanilang sagutang papel sa oras na itinakda.
Bata pa lamang si Joanna nang matuklasan ng kanyang
mga magulang ang husay niya sa pag-awit. Sa edad na
tatlo, nakasali na siya sa mga patimpalak at siya ay nakilala
dahil sa kanyang kahusayan sa kabila ng murang edad.
Ngunit sa kanyang paglaki ay naging mahiyain si Joanna at
hindi na sumasali sa mga patimpalak dahil ayaw niyang
humarap sa maraming tao. Hindi alam ng kanyuang mga
kamag-aral ang kanayng talent dahil hindi naman siya
nagpapakita nito kahit sa mga Gawain sa klase o sa
paaralan.
19
Palagi pa ring umaawit si Joanna ngunit ito ay sa kanila
lamang bahay kasabay ang kanyang nakatatandang kapatid.
Matapos mabigyan ng sapat
na panahon ay atasan ang mga magaaral na markahan ang kanilang
ginawa
gamit
ang
susi
ng
pagmamarka sa Annex 1. Maaari rin
naman isulat sa pisara ang susi sa
pagmamarka.
Ipabilang sa mga mag-aaral ang kabuuang iskor na kanilang nakuha. Sa
pamamagitan ng pagtataas ng kamay ay tukuyin kung ilan ang nakakuha ng iskor na
14. Isulat lahat sa pisara ang kabuuan ng mga marka ng mga mag-aaral, 9-13, 4-8 at
0-3.
Kung ang halos lahat ng mga mag-aaral (95%) ay makakuha ng 14, maaari
nang dumako sa bahaging paglinang.
III. PLANO NG PAGTUTURO-PAGKATUTO
A. Pagtuklas ng Dating Kaalaman
Mga Hakbang:
1. Maaaring ibigay bilang takdang gawain ang nasa bahaging Pagtuklas ng
Dating Kaalaman sa pahina 34 – 35.
20
2. Sa muling pagkikita ay talakayin ang kinalabasan ng kanilang gawain.
3. Bigyan ng pakakataon ang ilang mga mag-aaral na ibahagi ang kanilang mga
sagot sa mga tanong batay sa nabasa.
4. Sa proseso ng pagtalakay, mahalagang maiugnay ang nagdaang aralin sa
araling ito. Sa ganitong pamamaraan ay makikita ng mga mag-aaral ang
pagkakaugnay ng bawat aralin.
Higit na makabubuti kung gagawa ng mas malikhaing
presentasyon upang mas mahikayat ang mga mag-aaral na basahin
ito. Maaaring gumawa ng comic strips o kaya naman ay magrecord
ng salaysay ng kuwento at iparinig sa mga mag-aaral.
Sagutin ang mga tanong sa iyongkuwaderno matapos na mabasa
ang kuwento.
1. Ano-ano ang katangian ni David na nagging dahilan upang
siya ay maging tanyag at sa huli’y maging hari ng Israel?
Ipaliwanag kung paano nakatulong ang mga katangiang ito
upang maging matagumpay siya at sa huli’y maging hari.
2. Paano natalo ni David si goliath sa kanilang engkuwentro?
Anong aral ang masasalamin sa pagkapanalo ng batang si
David sa higanteng si Goliath?
3. Ipaliwanag ang sumusunod na kasabihan: “Ang hindi
pagbibigay ng iyong pinakamahusay ay pagwawalangbahala sa regalong kaloob ng Diyos.”
4. Ano ang regalong tinutukoy ditto? Paano mo iuugnay ang
kasabihang ito sa nagging buahy ni Haring David?
21
Pakingg
an ang sagot
ng ilang
mag-aaral
sa mga
tanong na
ito. Hayaan
silang
magbahagi
ng kanilang
paliwanag.
Ang bahaging ito
sa Pagtuklas ng
Dating Kaalaman
ay makatutulong
upang mataya
kung ano ang
nagbibigay sa
kanila ng
motibasyon upang
pagyamanin ang
kanilang talento.
Sa tulong nito ay
matataya kung
tama ba ang
motibasyon ng
mga mag-aaral o
kung
nangangailangan
na maitama ito sa
tulong ng mas
malalim na
pagtalakay sa
bahaging ito.
Ibahagi sa mga mag-aaral: “Ang motibasyon ni Haring David sa
kaniyang pagsusumikap na mapaunlad at magamit nang mahusay ang
kaniyang mga talento at kakayahan ay ang kaniyang pananampalataya sa
Diyos. Si Bill Bradley naman ay ang tinuruan ni Macauley tungkol sa
pagpapaunlad ng kakayahan. Ikaw ano ang iyong motibasyon?”
B. PAGLINANG NG MGA KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PAG-UNAWA
1. Pasagutan sa mga mag-aaral ang Multiple Intelligence Survey sa pahina
37 – 40.
2. Mahalagang ipaalala sa mga mag-aaral na magkakaroon lamang ng
kabuluhan ang gawaing ito para sa kanilang sarili kung uunawaing mabuti
ang mga pangungusap at kung magiging matapat sa pagsagot.
3. Ipaliwanag sa mga mag-aaral na malaki ang maitutulong ng gawaing ito
upang matuklasan ang kanilang talino batay sa Teorya ng Multiple
Intelligence ni Howard Gardner.
22
4. Atasan silang itala ang bilang na angkop na paglalarawan sa kanilang
sarili. Ang interpretasyon ng mga bilang ay matatagpuan sa unang bahagi
ng gawain.
23
5. Pasagutan ang gawain sa mga mag-aaral gamit ang Sagutang Papel sa
pahina 40 – 41. Maaari silang gumuhit ng katulad nito sa kanilang
kuwaderno.
6. Bigyan ng sapat na panahon ang mga mag-aaral upang isagawa ang
gawain.
7. Matapos ang ibinigay na panahon ay ipagawa sa kanila ang ikalawang
bahagi ng gawain sa pahina 41. Muli ay bigyan sila ng sapat na panahon
upang isagawa ito.
24
Ipaliwanag sa mga
mag-aaral kung paano
isasagawa ang ikatlong
bahagi ng Paunang
Pagtataya.
Ang
mahalaga ay mailapat
ng mga mag-aaral sa
isang bar graph ang
kanilang mga marka
upang mas maging
madali para sa kanila
na makita ang kanilang
mga
kalakasan
at
kahinaan
batay
sa
sinagutang
Multiple
Intelligence
Survey.
Maaaring magpaskil sa
pisara ng halimbawa.
C. PAGPAPALALIM
Paalala:
Makatutulong kung ang sanaysay sa bahaging
pagpapayaman ay ipababasa sa mga mag-aaral bilang
Takdang Gawain.
Mga Hakbang
1. Buksan ang talakayan sa klase sa pamamagitan ng pagbibigay ng
panimulang tanong na katulad ng nasa unang bahagi ng Pagpapalalim sa
pahina 43.
25
2. Linawin sa mga mag-aaral ang pagkakaiba ng talento at kakayahan.
Tumawag ng ilang mag-aaral upang isulat sa pisara ang mga natalakay na
pagkakaiba sa babasahin. Atasan din sila na magdagdag ng bagong ideya o
konsepto kung mayroon silang ninanais na idagdag.
Ang pahina 44 - 51 ay
pagpapalawak para sa
naging
resulta
ng
Multiple
Intelligence
Survey na ginawa ng
mga mag-aaral. Kapag
tinalakay ang bahaging
ito, mahalagang iugnay
sa
naging
gawain
upang
ganap
na
maunawaan ng mga
mga-aaral
ang
kahulugan ng natapos
na gawain.
Magkaroon ng talakayan sa klase tungkol sa kabuuan ng babasahin.
3. Matapos ang pagtatalakayan, tumawag ng ilang mag-aaral upang sagutin
ang mga tanong sa bahaging Tayahin ang Iyong Pag-unawa sa pahina 51.
26
4. Pasagutan ang Paghinuha ng Batayang Konsepto sa pahina 52.
5. Magpaskil sa pisara ng replica ng graphic organizer sa pahina 52.
6. Ipabasa sa mga mag-aaral ang panuto at saka itanong: “Mayroon bang hindi
malinaw sa panuto?”.
7. Bigyan ng panahon ang mga mag-aaral na gawin ang gawain.
8. Matapos bigyan ng panahon ang mga mag-aaral, tumawag ng ilan na
magbabahagi ng kanilang ginawa sa harap ng klase.
9. Tumawag ng ilang mag-aaral upang punan ang graphic organizer na nasa
pisara. Ipasulat sa mag-aaral ang nabuong konsepto sa ilalim ng graphic
organizer na nasa pisara.
10. Piliin ang konseptong pinakamalapit sa Batayang Konsepto.
Batayang Konsepto: Ang pagtuklas at pagpapaunlad ng mga angking talento at
kakayahan ay mahalaga sapagkat ang mga ito ay mga kaloob na kung
pauunlarin ay makahuhubog ng sarili tungo sa pagkakaroon ng kumpiyansa sa
sarili, paglampas sa mga kahinaan, pagtupad ng mga tungkulin, at paglilingkod
sa pamayanan.
27
D. PAGSASABUHAY
PAGGANAP
Mga Hakbang
1. Ipagawa ang Pagganap sa bahaging “Pagsasabuhay ng mga Pagkatuto” sa
pahina 52-53 bilang takdang gawain.
2. Ipabasa sa mga mag-aaral ang panuto. Tiyakin na malinaw na naunawaan
ito ng lahat.
3. Gabayan ang mag mag-aaral sa paggawa ng bar graph.
4. Makatutulong kung magpapaskil ng halimbawa o kaya naman ay aktuwal na
gagawa sa pisara.
5. Tiyakin din na naunawaan ng lahat ang ikalawang bahagi ng gawain.
6. Kapag muling nagkita sa klase ay atasan ang ilan sa mga mag-aaral na
ibahagi sa klase ang kanilang ginawang takda.
28
7. Matapos ito, ipagawa sa kanila ang “Tsart ng mga Kakayahan (Chart of
Abilities)” sa pahina 54.
Ipabasa sa mga mag-aaral ang panuto upang matiyak ang pag-unawa.
Bigyang-diin ang kahalagahan ng pagiging totoo sa pagsagot sa
gawain.
Ipaunawa sa mga mag-aaral ang halaga nito para sa kanilang sarili.
8. Matapos bigyan ng panahon ang mga mag-aaral na isagawa ang Gawain ay
tumawag ng ilang mag-aaral na magbabahagi ng kanilang ginawa sa klase.
9. Pagkatapos, pasulatin ang mga mag-aaral ng pagninilay gamit ang mga
gabay na tanong sa pahina 55 sa kanilang journal.
29
10. Mahalagang mapagtibay ang tunay na kabuluhan ng pagsasagawa ng
ganitong gawain para sa kanilang isasagawang pagpili ng kurso o trabaho sa
hinaharap. Tiyakin na maipauunawa ito sa mga mag-aaral.
PAGSASABUHAY
1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang Pagsasabuhay sa pahina 55.
2. Ipabasa sa isang mag-aaral ang panuto at itanong kung may tanong tungkol
dito.
3. Ipaskil sa pisara ang halimbawa na nasa modyul upang mas magabayan
ang mga mag-aaral.
4. Matapos ito, bigyan sila ng sapat na panahon upang isagawa ang gawain
gamit ang pormat na nasa pahina 55.
5. Pagkatapos, tumawag ng ilang mag-aaral upang ibahagi ang kanilang
ginawa sa harap ng klase.
6. Ipaunawa sa kanila na hindi nararapat na huminto sa pagsusulat lamang ng
mga hakbang kundi ang pinakamahalaga ay mailapat nila ito sa araw-araw
hanggang sa ito ay maging bahagi na ng kanilang buhay.
7. Ipaunawa rin sa kanila na magandang hakbang ito upang mahubog ang
kasanayan sa pagpapalakas ng mga kahinaan.
8. Ipaskil sa pisara ang rubric na nasa Annex 1 na gagamitin sa pagmamarka
ng gawain na ito.
30
Gabay sa Pagtuturo
Modyul 3: PAGPAPAUNLAD NG MGA HILIG
I MGA LAYUNIN
MGA PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Pangnilalaman
Pagganap
Naipamamalas ng mag-aaral ang pagNaisasagawa ang mga kilos tungo sa
unawa sa mga konsepto tungkol sa hilig pagpapaunlad ng kanyang mga hilig
Batayang Konsepto: Ang pagpapaunlad ng mga hilig ay makatutulong sa
pagtupad ng mga tungkulin, paghahanda tungo sa pagpili ng propesyon,
kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay, pagtulong
sa kapwa at paglilingkod sa pamayanan.
A. MGA LAYUNIN SA PAGTUTURO
1.1 Magabayan ang mga mag-aaral sa pag- unawa sa sumusunod na paksa:
a. Kahulugan ng Hilig
b. Kahalagahan ng Hilig
c. Ang Dalawang Aspekto ng Hilig
d. Ang Sampung Larangan ng mga Hilig
e. Ang Apat na Tuon ng mga Hilig
f. Pagsusuri ng Sariling mga Hilig
g. Pagpapaunlad ng mga Hilig
1.2
Malinang ang sumusunod na kasanayan sa mga mag-aaral:
Paghinuha ng kahalagahan ng pagtuklas ng sariling mga hilig
a. Pagsusuri ng sariling mga hilig ayon sa larangan at tuon ng mga
ito
b. Pagbuo ng batayang konsepto tungkol sa kalikasan ng mga hilig
c. Pangangatwiran kung bakit dapat paunlarin ang sariling mga
hilig
d. Pagpapaliwanag sa kahalagahan ng hilig sa pagpili ng mga
gawain o trabaho at pagpapaunlad ng pagkatao
e. Pagbuo ng “Tsart ng Pagpapaunlad ng Aking mga Hilig”
f. Pagbibigay ng tulong sa isang tinedyer tungkol sa pagpapaunlad
ng kanyang mga hilig.
B. MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO
Ipabasa sa mga mag-aaral ang pahina 59. Isa-sahin ang mga layuning
pampagkatuto para sa Modyul 3 na nasa loob ng kahon.
31
Itanong:
binasa?
Mayroon ba kayong gustong linawin tungkol sa mga layuning
II. PAUNANG PAGTATAYA
Pasagutan ang paunang pagtataya sa pahina 66-69. Hayaang
markahan ng mga mag-aaral ang kanilang sariling papel gamit ang susi sa
pagmamarka sa Annex 1. Makatutulong din kung isusulat ng guro sa pisara
ang susi sa pagmamarka.
Ipabilang sa mag-aaral ang kabuuang iskor na kanilang nakuha. Ipataas
ang kamay ng mga batang nakakuha ng iskor na 10 at bilangin ang mga ito.
Itala sa pisara ang kabuuang bilang. Ipataas ang kamay ng nakakuha ng 5
hanggang 9 na puntos; bilangin at itala sa pisara ang kabuuang bilang.
Gayundin ang gawin para sa 0 hanggang 4 puntos.
Kung lahat halos ng mga mag-aaral (95%) ay nakakuha ng iskor na 10,
maaring dumako na ang guro sa bahaging Pagpapalalim.
32
Maaaring gawing gawaing-bahay ang ilang mga gawain sa mga bahaging
Pagtuklas sa Dating Kaalaman at Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan at Pagunawa para sa mga nakakuha ng 5-9 puntos.
Ang mga nakakuha naman ng 0 hanggang 4 na puntos ay maaring
mangailangan ng karagdagang gawain sa bahaging Paglinang ng mga Kaalaman,
Kakayahan at Pag-unawa.
III. PLANO NG PAGTUTURO-PAGKATUTO
A. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN
Gawain 1
Mga Hakbang:
1.Ipagawa ang Gawain 1 sa bahaging Pagtuklas ng Dating Kaalaman sa mga
mag-aaral sa pahina 62-63.
2. Ipabasa ang mga Panuto A at B at
saka itanong: Mayroon bang
kailangang linawin sa mga Panuto?
3. Ipagawa ang gawain. Bigyan sila ng
15 minuto para gawin A at B.
4. Ipasulat ang kanilang sagot sa
kanilang kuwaderno.
5. Matapos ang 15 minuto ay tumawag
ng ilang mag-aaral upang ibahagi ang kanilang mga sagot sa bawat bilang.
Paalaala: Mahalagang gamitin ang resulta ng gawain sa bahaging Pagtuklas
upang tayahin ang kanilang dating kaalaman. Makatutulong ang bahaging ito sa
pagdidisenyo ng mga kinakailangang gawain at pagpapalalim ng pagtalakay sa
batayang konsepto.
33
Gawain 2
Mga Hakbang
1. Ibigay sa mga mag-aaral ang
katulad na tanong na nasa
pahina 64.
2. Sa halip na hintayin ang sagot
ng bata ay iatas sa kanila ang
Gawain
2
sa
bahaging
Pagtuklas ng Dating Kaalaman.
3. Sa
muling
pagkikita
ay
ipabahagi sa klase ang kanilang
ginawa.
Maaaring
tumawag ng ilang magaaral na magsusulat sa
pisara
ng
kanilang
ginawang pagraranggo.
4. Matapos ito, pasagutan
sa mga mag-aaral ang
tanong na nasa pahina
71.
Paalala sa Gawain 2 pahina 7-8
Matapos na maipabasa ang
panuto ng Gawain 2 ay maaari na itong
ibigay bilang takdang aralin. Tiyakin
lamang na malinaw sa lahat ng mag-aaral
ang panuto.
Paalala: Gamitin ang
sagot ng mga magaaral upang sila ay
ihanda
para
sa
bahaging Paglinang
ng mga Kaalaman,
Kakayahan at Pagunawa. Magagamit na
halimbawa
sa
pagtalakay sa Mga
Larangan ng Hilig ang
mga sagot ng bata sa
nagdaang gawain.
34
PAGLINANG NG KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PAG-UNAWA
1 Ipabasa ang mga Larangan ng Hilig na nasa pahina 65-68.
Paalala: Mas nakatutulong kung magpapaskil sa pisara ng mga katulad
na larawan na magsisilbing halimbawa. Maaari rin namang gumawa ng
PowerPoint Presentation at ipakita ito sa klase gamit ang LCD Projector.
2 Sa bawat larangan at halimbawa na maipakikita sa mga mag-aaral, tumawag
ng ilan na mabibigay ng kanilang sariling halimbawa. Mahalaga ito upang mataya
ang kanilang pag-unawa sa tinatalakay.
3 Matapos matiyak na naunawaan na ng mga mag-aaral ang Mga Larangan ng
Hilig ay talakayin naman ang iba’t ibang Tuon ng mga Hilig. Ipaliwanag ito gamit
ang mga halimbawa sa pahina 69. Maaari rin namang magpakita ng bagong
halimbawa, lalo na yaong batay sa hilig na ibinigay ng mga bata sa nagdaang
gawain.
35
4 Matapos ang pagtalakay ay ipagawa sa mga mag-aaral ang “Imbentaryo ng
mga Hilig-Tuon” (Interest-Focus inventory) sa pahina 70.
Maaari itong ibigay bilang takdang
aralin. Ipagawa ang katulad na pormat
sa kanilang kuwaderno.
5 Ipasulat din sa kanilang kuwaderno ang mga sagot sa tanong na nasa pahina
71.
6. Sa muling pagkikita ay pakinggan ang kanilang mga sagot.
7. Muli ay gamitin ang mga sagot sa tanong na ibinahagi ng mga mag-aaral
upang iugnay ito sa Pagpapalalim.
36
B. PAGPAPALALIM
Paalala: Makatutulong kung ang sanaysay ay ipababasa na sa mga magaaral bilang Takdang Aralin.
1. Tumawag ng ilang mag-aaral na aatasan na maglarawan ng kanilang
damdamin habang ginagawa nila ang bagay na kanilang kinahihiligan.
Makatutulong ang mga halimbawang ito upang masimulan ang pagtalakay sa
sumusunod:
a.
Kahulugan ng Hilig
b.
Kahalagahan ng Hilig
c.
Ang Dalawang Aspekto ng Hilig
d.
Ang Sampung Larangan ng mga Hilig
e.
Ang Apat na Tuon ng mga Hilig
f.
Pagsusuri ng Sariling mga Hilig
g.
Pagpapaunlad ng mga Hilig
Tayahin ang Iyong Pag-unawa
1. Pasagutan ang Tayahin ang Iyong Pag-unawa sa pahina 74. Bigyan sila ng 5
minuto upang gawin ito.
2. Pakinggan ang sagot ng ilang mag-aaral upang mas mapalawak ang
talakayan at magkaroon ng pagkakataon na maitama ang ilang maling
konsepto, kung mayroon man.
37
3. Magpaskil o gumuhit sa pisara ng replica ng graphic organizer sa pahina 75.
Tumawag ng ilang mga mag-aaral upang punan ang graphic organizer.
Ipasulat sa magaaral ang nabuong
konsepto sa ilalim ng
nakapaskil na mga
output ng bawat
pangkat na graphic
organizer. Piliin ang
konseptong
pinakamalapit
sa
Batayang Konsepto
na nasa kahon sa
ibaba:
Ang pagpapaunlad ng mga hilig ay makatutulong sa pagtupad ng
mga tungkulin, paghahanda tungo sa pagpili ng propesyon (kursong
akademiko o teknikal-bokasyonal), pagtulong sa kapwa at
paglilingkod sa pamayanan.
C. PAGSASABUHAY
Pagganap
1. Ipagawa ang “Tsart ng
Pagpapaunlad ng Aking mga
Hilig” na nasa pahina 76.
2. Maglagay ng katulad na
halimbawa sa pisara. Basahin
ang nilalaman ng bawat
kolum.
Maaarin
ring
magbigay
ng
bagong
halimbawa kung hindi pa
malinaw sa mga mag-aaral
Sa paggamit ng pahina 76: Ang Tsart
ang gagawin.
ng Pagpapaunlad ng Aking mga Hilig
ay ipagagawa sa loob ng 2 linggo.
38
Pagninilay
1. Ipagawa sa mga magaaral ang bahaging
Pagninilay bilang
takdang aralin.
Ipabasa sa mga magaaral ang panimulang
talata at ipakita ang
replica ng diary na
nasa pahina 77.
2. Inilarawan sa pahina
77 ang magiging
pormat ng kanilang
gagawing pagninilay.
Pagsasabuhay
1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang bahaging Pagsasabuhay sa pahina 77.
2. Ipabasa sa isang mag-aaral ang panuto. Pagkatapos, itanong: Mayroon bang
katanungan tungkol sa panuto?
3. Atasan silang mamili sa Gawain A at B.
4. Bigyan ng sapat na panahon upang gawin ito bilang takdang gawain.
5. Para sa Gawain A: Paghandain ang mga mag-aaral ng Plano ng
Pagsasagawa ng pagtulong sa pagpapaunlad ng hilig.
6. Para sa Gawain B: Paghandain ang mga mag-aaral ng mga gabay na
tanong. Kailangan itong mabasa bago nila isagawa ang panayam.
7. Atasan ang mga mag-aaral na magbigay ng mga patunay sa pagsasagawa
ng gawain. Maaaring larawan o video habang isinasagawa ang pagtulong at
panayam.
8. Markahan ang output ng mga mag-aaral gamit ang Rubric na nasa Annex 1
ng Modyul 3.
39
Gabay sa Pagtuturo
Modyul 4: ANG AKING TUNGKULIN BILANG KABATAAN
I.
MGA LAYUNIN
MGA PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Pangnilalaman
Pagganap
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag- Naisasagawa ang mga kilos tungo sa
unawa sa mga hakbang tungo sa maayos na pagtupad ng kanyang mga
maayos na pagtupad ng kanyang mga tungkulin
bilang
nagdadalaga
/
tungkulin
bilang
nagdadalaga
/ nagbibinata
nagbibinata
Batayang Konsepto: Ang pag-unawa ng kabataan sa kanyang mga
tungkulin sa sarili, bilang anak o kapatid, mag-aaral, mamamayan,
mananampalataya, konsiyumer ng media at bilang tagapangalaga ng
kalikasan ay isang paraan upang maging mapanagutan bilang paghahanda
sa susunod na yugto ng buhay.
A. MGA LAYUNIN SA PAGTUTURO
1.1
Magabayan ang mga mag-aaral sa pag- unawa sa sumusunod na
paksa:
a. Kahalagahan ng Pagtupad sa mga Tungkulin Bilang Kabataan
b. Mga Tungkulin ng mga Kabataan
i. Sa Sarili
ii. Bilang Anak
iii. Bilang Kapatid
iv. Bilang Mag-aaral
v. Bilang Mamamayan
vi. Bilang Mananampalataya
vii. Bilang Konsyumer ng Media
viii. Bilang Tagapangalaga ng kalikasan
2.1
Malinang ang sumusunod na kasanayan sa mga mag-aaral:
a. Pagtaya sa kasalukuyang kakayahan sa pagtupad sa mga tungkulin
bilang kabataan
b. Pagtukoy sa mga tungkulin na inaasahang gagampanan bilang
kabataan mula sa mga kapamilya at kakilala
c. Pagtukoy sa magiging kahihinatnan ng di pagganap o pagtupad ng
isang kabataan sa kanyang mga tungkulin
d. Pagtukoy sa mga gampanin bilang nagdadalaga / nagbibinata
e. Paghinuha sa kahalagahan ng kanyang mga gampanin tungo sa
pagkamit ng kanyang kaganapan bilang tao
40
f.
g.
h.
i.
j.
k.
Pagtukoy sa kanyang mga tungkulin sa bawat gampanin bilang
nagdadalaga / nagbibinata
Paghinuha kung ano ang magiging epekto sa kanya bilang
nagdadalaga / nagbibinata kung di niya nagagampanan ang kanyang
mga tungkulin sa bawat gampanin
Pagtukoy sa mga bagay na dapat niyang pagbutihin sa pagtupad niya
ng mga tungkulin sa bawat gampanin
Paggawa ng Plano ng Maayos na Pagtupad ng mga Tungkulin Bilang
Nagdadalaga / Nagbibinata
Pagsulat ng pagninilay sa (a) mga dapat niyang paunlarin sa
pagtupad ng kanyang mga tungkulin bilang isang kabataan at (b) ang
mga taong makatutulong sa kanya sa bagay na ito.
Pagsasagawa ng Plano ng Maayos na Pagtupad ng mga Tungkulin
Bilang Nagdadalaga / Nagbibinata
B. MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO
Ipabasa sa mga mag-aaral ang pahina 91-92. Isa-sahin ang mga
layuning pampagkatuto para sa Modyul 4 na nasa loob ng kahon.
Sa modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang
sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:
a. Natutukoy ang mga tungkulin sa bawat gampanin bilang
nagdadalaga / nagbibinata
b. Natataya ang mga kilos tungo sa maayos na pagtupad ng
sariling mga tungkulin bilang nagdadalaga / nagbibinata
c. Napatutunayan na ang pag-unawa ng kabataan sa
kanyang mga tungkulin sa sarili, bilang anak o kapatid,
mag-aaral, mamamayan, mananampalataya, kostumer ng
media at bilang tagapangalaga ng kalikasan, ay isang
paraan upang maging mapanagutan bilang paghahanda
sa susunod na yugto ng buhay.
d. Naisasagawa ang mga kilos tungo sa maayos na
pagtupad ng kanyang mga tungkulin bilang nagdadalaga /
nagbibinata
Narito ang mga pamantayan ng pagtataya ng output mo sa
letrang b :
a. Malinaw ang mga tinukoy na kilos tungo sa maayos na
pagtupad ng mga tungkulin bilang
nagdadalaga/nagbibinata
b. May limang paraan ng maayos na pagtupad ng mga
tungkulin sa bawat gampanin
c. Angkop ang bawat paraan ng pagtupad ng mga tungkulin
sa bawat gampanin
d. Makatotohanan ang mga paraan ng pagtupad ng tungkulin
Itanong: Mayroon ba kayong gustong linawin tungkol sa mga layuning binasa?
41
II. PAUNANG PAGTATAYA
Pasagutan ang paunang pagtataya sa pahina 92-95. Bigyan ng sapat na
panahon ang mga mag-aaral upang gawin ito. Pagkatapos, hayaang markahan
ng mga mag-aaral ang kanilang sariling papel gamit ang susi sa pagmamarka sa
Annex 1. Makatutulong din kung isusulat ng guro sa pisara ang susi sa
pagmamarka.
Paunang Pagtataya
Basahin at unawain ang mga tanong sa bawat bilang. Isulat ang letra ng pinakaangkop na sagot sa
kuwaderno.
1. Ang sumusunod ay mga pangunahing tungkulin ng isang nagdadalaga/nagbibinata s a
kanyang sarili maliban sa:
a. Makabuluhang Paggamit ng mga Hilig
b. Paghahanda para sa pagbuo ng makabuluhang relasyon sa hinaharap
c. Pagpapaunlad ng Talento at Kakayahan at Wastong Paggamit ng mga ito
d. Pagharap at Wastong Pamamahala sa mga Pagbabago sa Yugto ng
Pagdadalaga/Pagbibinata
2. ”Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang. Walang sinuman ang namamatay,
para sa sarili lamang”. Ano ang pinakaangkop na pakahulugan sa katagang ito?
a. Ang lahat ng tao ay may pananagutan sa kanyang sarili at sa kanyang kapwa.
b. Ang tao ay nabubuhay hindi para sa kanyang sarili kundi para sa kanyang kapwa.
c. Mabubuhay nang matiwasay ang isang tao kung ipauubaya ng tao ang kanyang sarili
para sa kanyang kapwa.
d. Hanggang sa huling yugto ng buhay ng tao, mahalagang suriin ang kanyang sarili sa
kanyang kakayahang makipagkapwa.
Ipabilang sa mag-aaral ang kabuuang iskor na kanilang nakuha.
Ipataas ang kamay ng mga batang nakakuha ng iskor na 10 at bilangin ang
mga ito. Itala sa pisara ang kabuuang bilang. Ipataas ang kamay ng nakakuha
ng 5 hanggang 9 na puntos; bilangin at itala sa pisara ang kabuuang bilang.
Gayundin ang gawin para sa 0 hanggang 4 na puntos.
Kung lahat halos ng mga mag-aaral (95%) ay nakakuha ng iskor na 10,
maaaring dumako na ang guro sa bahaging Pagpapalalim.
Maaaring gawing gawaing-bahay ang ilang gawain sa mga bahaging
Pagtuklas sa Dating Kaalaman at Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan at Pagunawa para sa mga nakakuha ng 5-9 puntos.
Ang mga nakakuha naman ng 0 hanggang 4 na puntos ay maaring
mangailangan ng karagdagang gawain sa bahaging Paglinang ng mga Kaalaman,
Kakayahan at Pag-unawa.
42
III. PLANO NG PAGTUTURO-PAGKATUTO
A. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN
Mga Hakbang:
1. Ipagawa ang Gawain 1 sa bahaging Pagtuklas ng Dating Kaalaman sa mga
mag-aaral sa pahina 83-84.
2. Ipabasa ang Panuto at saka itanong: Mayroon bang kailangang linawin sa
Panuto?
3. Ipagawa ang gawain. Bigyan sila ng 15 minuto para sa gawaing ito.
4. Matapos ang 15 minuto ay ipabilang sa kanila ang mga tsek na kanilang
nailagay sa bawat tungkulin. Gabayan silang alamin kung ano ang antas ng
kanilang pagtupad sa tungkulin gamit ang interpretasyon na nasa pahina 85.
Ang bahaging
ito ang
magbibigay ng
interpretasyon
sa nakuhang
kabuuang
marka ng mga
mag-aaral.
5. Matapos maibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na gawin ito,
tawagin ang ilan sa kanila upang ibahagi ang resulta ng kanilang pagtataya.
6. Pagkatapos, pasagutan sa kanila ang mga tanong na nasa pahina 85.
43
Kumusta? Naging masaya ka ba sa sagot mo sa tseklist? Tingnan mong muli ang
resulta ng iyong sagot at sagutin ang mga inihandang tanong sa ibaba.
1. Naging madali ba ang iyong pagsagot sa tseklist? Bakit? Bakit hindi?
2. Sa kabuuan, ano ang iyong naging pagtataya sa iyong kakayahan sa
pagtupad sa iyong mga tungkulin bilang nagdadalaga/nagbibinata?
3. Ano ang mahalagang aral na iyong nakuha mula sa gawain?
7. Iugnay ang sagot ng mag-aaral sa mga tanong sa susunod na gawain.
Sabihin: Patuloy nating tayain ang iyong kakayahang tumupad sa iyong
tungkulin sa pamamagitan ng mga speech balloon na nasa Gawain 2.
Gawain 2
1. Ipabasa sa mga mag-aaral ang Panuto sa Gawain 2 sa pahina 97. Itanong:
Naunawaan ba ang Panuto?
Sabihin: Mahalagang maging tapat sa isusulat na tugon. Dito lamang
magkakaroon ng saysay ang Gawaing ito, na ang tunay na layunin ay
tayahin ang kasalukuyang kakayahan sa pagtupad ng tungkulin. Ang
magiging resulta ng Gawaing ito ay magagamit ninyong batayan kung
ano pa ang mga dapat gawin at mga pagpapahalagang dapat taglayin
upang mapagyaman ang kakayahan sa pagtupad ng tungkulin bilang
nagdadalaga/nagbibinata.
2. Bigyan sila ng 15 minuto upang sagutan ang gawain. (pahina 85-88)
3. Pagkatapos, tumawag ng ilang mag-aaral na magbabahagi ng kanilang
ginawa sa klase.
4. Pansinin na may nakalaang aytem para sa bawat isang gampanin na
tatalakayin sa klase. Matataya rin sa pamamagitan ng gawaing ito kung
saang gampanin mas naisasakatuparan ng mga mag-aaral ang kanilang
gampanin.
5. Pasagutan ang mga tanong na nasa pahina 88. Ipasulat ang kanilang sagot
sa kanilang kuwaderno.
44
Kumusta ang iyong mga sagot sa bawat sitwasyon? Subukin naming
sagutin ang mga kasunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa iyong
kuwaderno.
1. Naharap ka nab a sa mga sitwasyong nabanggit?
a. Kung oo, naging madali ba ang paninindigan mo na
maisakatuparan ang iyong tungkulin?
b. Kung hindi pa, ano ang maitutulong sa iyo ng pagganap sa mga
tungkulin bilang isang kabataan?
2. Ano ang magiging epekto sa iyong sarili kung hindi mo tutuparin ang
iba’t ibang tungkulin? Iapliwanag.
3. Paano mapaunlad ng mga tungkuling ito ang iyong sarili bilang
nagdadalaga/nagbibinata?
4. Bakit nararapat nag awing positibo ang pagtingin sa mga tungkulin?
5. Ano-ano ang mga kinakailangan mong pagpapahalaga na makatulong
sa iyo upang magampanan nang mapanagutan ang iyong mga
tungkulin bilang nagdadalaga/nagbibinata?
6. Matapos bigyan ng sapat na panahon ang mga mag-aaral ay tumawag ng
ilan upang magbahagi ng kanilang sagot. Pagyamanin ang pagtalakay sa
pamamagitan ng pagbabahaginan ng opinyon at pananaw.
B. PAGLINANG NG KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PAG-UNAWA
Mga Hakbang
1. Ipabasa sa mga mag-aaral ang Panuto para sa gawain sa bahaging
“Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan at Pag-unawa”. Tiyakin na
malinaw ang Panuto sa lahat. Maging bukas sa mga paglilinaw.
2. Ibigay ang gawain bilang takda ngunit kailangan ng patunay sa pagsasagawa
ng panayam. Maaaring larawan, tape recorder o video.
3. Ilapat sa graphic organizer na nasa pahina 89 ang nakuha mula sa panayam.
45
4. Maaari nila itong ipasulat sa kalahati ng kartolina. Magagamit ito bilang
paalala sa mga mag-aaral sa mga inaasahan ng mahahalagang tao sa
lipunan na isasakatuparan nilang tungkulin bilang nagdadalaga/nagbibinata.
5. Ipabahagi sa klase ang ilan sa mga gawain ng mga mag-aaral. Ipaskil sa
pisara ang kanilang output upang makita ng mga kapwa mag-aaral.
6. Pagkatapos, pasagutan sa mga mag-aaral ang tanong sa pahina 101-102.
C. PAGPAPALALIM
Paalala: Makatutulong kung ang sanaysay ay ipababasa na sa mga magaaral bilang Takdang Aralin.
1. Ipabasa ang kabuuan ng sanaysay sa pahina 89-96. Pagkatapos, pangkatin
ang mga mag-aaral. Tiyaking hindi hihigit sa sampu ang bilang ng kasapi sa
pangkat. Hayaang magtalaga ang mga mag-aaral ng lider at tagapag-ulat.
2. Bigyan ng activity card, Manila paper at pentel pen ang bawat pangkat.
Activity Cards
Activity Card 1
Panuto: Gamit ang overlapping concepts graphic organizer,
tukuyin at isa-isahiin ang mga konseptong nabasa mula sa
pahina 102-105, bilang 1 hanggang 3. Sa ibaba ng graphic
organizer, isulat ang maikling paglalagom ng mga
konseptong nabasa.
Oras na ilalaan sa gawain: 15 minuto
Iulat ang inyong output sa klase.
Activity Card 2
Panuto: Gamit ang idea web graphic organizer, tukuyin at
isa-isahiin ang mga konseptong nabasa mula sa pahina 105
– 108, bilang 4 hanggang 6. Sa ibaba ng graphic organizer,
isulat ang maikling paglalagom ng mga konseptong nabasa.
Oras na ilalaan sa gawain: 15 minuto.
Iulat ang inyong output sa klase.
46
Activity Card 3
Panuto: Gamit ang organizational outline graphic organizer,
tukuyin at isa-isahiin ang mga konseptong nabasa mula sa
pahina 108 – 110, bilang 7 hanggang 8. Sa ibaba ng graphic
organizer, isulat ang maikling paglalagom ng mga konseptong
nabasa.
Oras na ilalaan sa gawain: 15 minuto
Iulat ang inyong output sa klase.
Paalala: Maaaring makakuha ng magkatulad na activity card ang ilang pangkat.
Maaaring gawing dalawang kopya ang mga Activity Cards upang dalawang
magkaibang interpretasyon ang maibahagi sa klase.
3. Ipapaskil ang mga output ng bawat pangkat sa pisara at ipaulat ito.
4. Matapos ng mga pag-uulat, tiyaking magbigay ng paglilinaw sa ilang
mahahalagang konseptong hindi naipaliwanag nang wasto at sapat.
5. Atasan ang ilang mag-aaral na buuin at pagtibayin ang mga konseptong
tinalakay.
Tayahin ang Iyong Pag-unawa
1. Pasagutan ang mga tanong sa bahaging “Tayahin ang Iyong Pag-unawa” sa
pahina 97. Bigyan sila ng 5 minuto upang gawin ito. Ipasulat sa kanilang
kuwaderno ang mga sagot.
2. Magpaskil o gumuhit sa pisara ng replika ng graphic organizer sa pahina 97.
Basahin ang tanong: Ano ang iyong naunawaang mahalagang konsepto sa
aralin? Pasagutan ang tanong na ito gamit ang graphic organizer.
Paghinuha ng Batayang Konsepto
ay isang paraan upang
Ang pag-unawa ng kabataan sa kanilang
tungkulin sa
Panuto: Ano ang iyong naunawaang mahalagang konsepto sa aralin?
Sagutin ito gamit ang graphic organizer sa ibaba.
47
_____________
_____________
_____________
_____________
_____________
______
Tumawag ng ilang mag-aaral upang punan ang graphic organizer sa pisara.
Ipasulat sa mag-aaral ang nabuong konsepto sa ilalim ng nakapaskil na mga output
ng bawat pangkat na graphic organizer. Piliin ang konseptong pinakamalapit sa
Batayang Konsepto na nasa kahon sa ibaba:
Ang pag-unawa ng kabataan sa kanyang mga tungkulin sa sarili, bilang
anak o kapatid, mag-aaral, mamamayan, mananampalataya, konsiyumer ng
media at bilang tagapangalaga ng kalikasan ay isang paraan upang maging
mapanagutan bilang paghahanda sa susunod na yugto ng buhay.
D. PAGSASABUHAY
Pagganap
1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang Pansariling Plano ng Maayos na Pagtupad
ng mga Tungkulin Bilang Kabataan.
2. Ipaliwanag na: (a) magsisilbi itong gabay sa pagganap ng iyong mga
tungkulin bilang kabataan.(b) magsisilbi din itong pagtatalaga sa iyong sarili
tungo sa maayos na pagganap ng bawat tungkulin.
Pagganap
Gumawa ng Pansariling Plano ng Maayos na Pagtupad ng mga Tungkulin Bilang
Kabataan. Magsisilbi itong gabay sa pagganap ng iyong mga tungkulin bilang
kabataan. Magsisilbi rin itong pagtatalaga sa iyong sarili tungo sa maayos na
pagganap ng bawat tungkulin:
a. Sa sarili
b. Bilang anak
c. Bilang kapatid
d. BIlang mag-aaral
e. Bilang mamamayan
f. Bilang mananampalataya
g. Bilang konsiyumer ng media
h. Bilang tagapangalaga ng kalikasan
Pagninilay
1. Pasulatin ng pagninilay ang mga mag-aaral tungkol sa:
a. Mga dapat nilang paunlarin sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin
bilang isang kabataan at;
b. Mga taong makatutulong sa kanila sa mga bagay na ito.
2. Ipaskil sa pisara ang katulad na pormat na nasa pahina 99.
48
12. Matapos ang panahong ibinigay sa mga
mag-aaral ay tumawag ng ilan na
magbabahagi ng kanilang ginawa sa
harap ng klase.
13. Atasan ang mga mag-aaral na
magbigay ng mga patunay sa
pagsasagawa ng gawain. Maaaring
larawan o video habang isinasagawa
ang panayam.
49
Linggo
Sabado
Biyernes
Kakain ng
masusustansiyang
pagkain sa lahat ng
pagkakataon
Huwebes
Halimbawa: Sa sarili

Palaging
pananatilihing
malusog ang
pangangatawan
Miyerkules
Pamamaraan ng
maayos na
pagtupad ng
tungkulin
Martes
Tungkulin
Lunes
Pagsasabuhay
9. Ipagawa sa mga mag-aaral ang “Pansariling Plano ng Maayos na Pagtupad
ng mga Tungkulin Bilang Kabataan” sa bahaging Pagsasabuhay sa pahina
99.
10. Ipabasa sa isang mag-aaral ang panuto. Pagkatapos, sabihin: Mayroon bang
katanungan tungkol sa panuto?
11. Makatutulong kung magpapaskil ng katulad na halimbawa na nasa Modyul.
Bigyan ng panahon ang mga mag-aaral na basahin ang halimbawa na nasa
pisara.
Paalala: Magtalaga ng kapareha ang
bawat mag-aaral upang tiyaking
nasusundan at natataya ang mga tala
sa Tsart ng bawat mag-aaral. Pagawin
ang bawat isa ng ulat ng mga
pagbabago sa mga kilos at gawi ng
kamag-aral bunga ng pagsunod sa
“Pansariling Plano ng Maayos na
Pagtupad ng mga Tungkulin Bilang
Kabataan”. Ipapasa ng mga mag-aaral
ang kanilang journal. Basahin ang
kanilang pagninilay at mamarkahan ito
gamit ang pamantaya sa Annex 2.
Plano ng Pagtuturo
Modyul 5: ISIP AT KILOS-LOOB
I.
MGA LAYUNIN
MGA PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Pangnilalaman
Pagganap
Naipamamalas ng mag-aaral ang pagNaisasagawa ang mga pasyang
unawa sa mga konsepto tungkol sa isip patungo sa katotohanan at kabutihan
at kilos-loob.
batay sa mga konsepto tungkol sa isip
at kilos-loob.
Batayang Konsepto:
Ang isip at kilos-loob ang nagpapabukod-tangi sa tao.
A. MGA LAYUNIN SA PAGTUTURO
1.1 Maagapan ang mga magiging kahirapan at magabayan ang mga magaaral sa pag- unawa sa sumusunod na paksa:
Isip at Kilos-loob
a. Ang Gamit ng Isip at Kilos-loob
b. Ang Tunguhin ng Isip at Kilos-loob
c. Ang Paglinang ng Isip at Kilos-loob
d. Ang Isip at Kilos-loob ang Nagpapabukod-tangi sa Tao
1.2 Malinang ang sumusunod na kasanayan sa mga mag-aaral:
 Pagtukoy sa pagkakaiba ng tao sa ibang nilikhang may buhay
 Pagsusuri ng sariling paraan ng paggamit ng isip at kilos-loob
 Paghinuha na ang gamit ng isip ay ang pag-unawa tungo sa
katotohanan at ang gamit ng kilos-loob ay ang pagkilos o paggawa
tungo sa kabutihan
 Pagpapakita ng pasya o kilos patungo sa paglinang ng isip at kilosloob
 Pagsulat ng pagninilay tungkol sa pagkakaroon ng tao ng isip at kilosloob at natuklasang katotohanan at kabutihan ng mapanagutang
paggamit ng mga ito
 Pagsasagawa ng paraan ng pagsasabuhay upang maging tugma ang
isip at kilos-loob at magampanan ng mga ito ang paghanap sa
katotohanan at paggawa ng kabutihan
50
B. MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO
Ipabasa sa mga mag-aaral ang pahina 101. Isa-isahin ang mga layuning
pampagkatuto para sa Modyul 5 na nasa loob ng kahon.
Itanong:
binasa?
Mayroon ba kayong gustong linawin tungkol sa mga layuning
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na
kaalaman, kakayahan at pag-unawa:
a.
b.
c.
d.
a.
b.
c.
Nasusuri ang gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob
Nasusuri ang isang pasyang ginawa batay sa gamit at tunguhin ng isip at
kilos-loob
Naipaliliwanag na ang isip at kilos-loob ang nagpapabukod-tangi sa tao
Nagagamit ang isip at kilos-loob sa paggawa ng pasya at kilos tungo sa
katotohanan at kabutihan
Narito ang mga pamantayan ng pagtataya ng output mo sa letrang d:
May malinaw na paglalahad ng mga pasya o kilos tungo sa katotohanan at
kabutihan
May paliwanag ang bawat pasya o kilos sa bawat sitwasyon
Binanggit ang gamit at tungkulin ng isip at kilos-loob sa bawat sitwasyon
May kalakip na mga paliwanag at patunay ng pagsasabuhay
II. PAUNANG PAGTATAYA
Pasagutan ang paunang pagtataya sa pahina 101 - 103.



Hayaang markahan ng mga mag-aaral ang kanilang sariling papel gamit ang
susi sa pagmamarka sa Annex 1.
Makatutulong din kung isusulat ng guro sa pisara ang susi sa pagmamarka.
Ipabilang sa mag-aaral ang kabuuang iskor na kanilang nakuha. Ipataas ang
kamay ng mga batang nakakuha ng iskor na 10 at bilangin ang mga ito. Itala
sa pisara ang kabuuang bilang. Ipataas ang kamay ng nakakuha ng 5
hanggang 9 na puntos; bilangin at itala sa pisara ang kabuuang bilang.
Gayun rin ang gawin para sa 0 hanggang 4 na puntos.
51
Kung lahat halos ng mga mag-aaral (95%) ay nakakuha ng iskor na 10, maaring
dumako na ang guro sa bahaging Pagpapalalim.
Maaaring gawing gawaing-bahay ang ilang mga gawain sa mga bahaging
Pagtuklas sa Dating Kaalaman at Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan at Pagunawa para sa mga nakakuha ng 5-9 na puntos.
Ang mga nakakuha naman ng 0 hanggang 4 na puntos ay maaaring
mangailangan ng karagdagang gawain sa bahaging Paglinang ng mga Kaalaman,
Kakayahan at Pag-unawa.
III. PLANO NG PAGTUTURO-PAGKATUTO
 Pag-uugnay sa Nakaraang Modyul
Sabihin:
Naunawaan mo sa nakaraang aralin ang tungkulin mo bilang
nagdadalaga/nagbibinata sa iyong sarili, sa iyong pamilya at sa pamayanan
na iyong kinabibilangan. Sa araling ito tutulungan kang maunawaan ang
kahalagahan ng paggamit ng iyong isip at kilos-loob upang magampanan ang
iyong mga tungkulin bilang isang nagdadalaga/nagbibinata. Magiging
malinaw din sa iyo kung ano ang tunguhin ng isip at kilos-loob na taglay mo.
A. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN
Paalala:
Ihanda ang katulad sa tatlong larawang ito - halaman, hayop at
tao bago ang pagtalakay ng araling ito.
Panuto: Masdan mo ang sumusunod na larawan. Sagutin ang mga
tanong at nakatakdang gawain pagkatapos nito.
Ipaskil ang mga
larawan ng
halaman, hayop
at tao sa pisara.
52
Isulat ang sipi ng mga tanong
na ito sa isang manila paper
at ipaskil sa pisara upang
makita ng mga mag-aaral.
Iguhit din ang tsart na ito sa
pisara.




Pagkatapos na sagutan ng bawat mag-aaral ang mga tanong at punan
ang tsart, atasan silang magpangkat sa apat.
Ang tatlong pangkat ay tatawaging pangkat halaman, hayop at tao.
Samantalang ang ikaapat na pangkat ang gagawa ng paglalagom batay
sa impormasyong ibibigay ng tatlong pangkat.
Bigyan sila ng 15 minuto para sa gawaing ito. Pagkaraan ng 15 minuto
hayaang ipaskil at ipaliwanag ng tagaulat ang ginawa ng kanilang
pangkat.
Atasan din ang ikaapat na pangkat na ibigay ang kanilang paglalagom
batay sa impormasyong ibinigay ng tatlong pangkat. Maaaring gawing
gabay ang mga tanong sa ibaba ng tsart sa pahina 104.
Sabihin ito sa
mga mag-aaral
Gumawa ng
kapareho nitong
larawan. Ipaskil
ito sa pisara
bago ang
pagtalakay.

53
Itanong ang
mga
katanungang ito
sa pahina 105
para sa
talakayan.
B. PAGLINANG NG KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PAG-UNAWA
Paalala:
Kailangang ihanda ang sipi ng mga sitwasyong ito para sa
mga mag-aaral. Ibigay ito bilang takdang-aralin.
Panuto:






Pag-aralan ang sumusunod na situwasyon. Bilang isang nagdadalaga at
nagbibinata, ano ang iyong iisipin at gagawin sa mga mga situwasyong ito.
Gamit ang ilustrasyon ng angkop na speech balloon, isulat sa iyong
kuwaderno ang iyong iisipin at gagawin sa bawat situwasyon.
Atasan ang klase na magpangkat sa lima. Sabihin: Ang bawat pangkat ay
bibigyan ng isang sitwasyon na kailangan ng masusing pag-iisip upang
makabuo ng isang pagpapasya.
Pag-aaralan ng bawat kasapi ng pangkat ang sitwasyon saka sila bubuo
ng pagpapasya. Ipakikita ang sitwasyon at pasya sa klase sa
pamamagitan ng pagsasatao nito.
Hayaang magtakda ang mga mag-aaral ng pamantayan kung paano nila
mamarkahan ang presentasyon ng bawat pangkat.
Paglilinaw: ang unang speech baloon ay ang iisipin at ang ikalawang
speech baloon ay ang gagawin.
Pagkatapos ng presentasyon ng bawat pangkat, talakayin ang tugon ng
mga mag-aaral sa mga tanong sa pahina 108.
54
Mga Tanong:
Isulat sa kuwaderno ang sagot.
1.
C.
Tugma ba ang iyong sinulat na iisipin at gagawin sa bawat sitwasyon?
Ipaliwanag ang iyong sagot.
____________________________________________________________
___________________________________
2. Ang iyong dapat na iniisip ay lagi bang tugma sa iyong ginagawa?
Ipaliwanag.
____________________________________________________________
__________________________________________________________
3. Bakit may pagkakataong tama at wasto ang naiisip mong gawin subalit
hindi ito ang iyong ginagawa?
____________________________________________________________
__________________________________________________________
4. Kapag naisip mong hindi tama ang iyong ginawa, binabago mo ba ito?
Bakit oo? Bakit hindi?
____________________________________________________________
_____________________________________________________
5. Paano mo mapangangatawanang gawin ang mga mabuting bagay na
iyong iniisip?
____________________________________________________________
__________________________________________________________
PAGPAPALALIM
Panuto:
Mahalagang may sariling sipi ng babasahing ito ang bawat mag-aaral.
Gawing takdang aralin ang pagbabasa ng babasahing ito. Pagawin sila ng
tala (notes) ng mga konseptong matatagpuan sa babasahin. Mas mainam
ang pagtsetsek ng mga tala ng konsepto na kanilang ginawa upang
maramdaman ang kaseryosohan sa pagpapagawa ng gawaing-bahay.
Mahalagang mabasa at makapagtala sila bago ang pagtatalakay
upang handa sila sa gawain sa klase.


Kung
kinakailangan,
ipabasa ang kabuuang
sanaysay sa pahina
109-112. Bigyan ang
mga mag-aaral ng 15
minuto upang gawin ito.
Matapos ang 15 minuto
pangkatin ang mga
mag-aaral sa anim o
depende sa bilang ng
mga
mag-aaral.
Hayaang
magtalaga
sila ng lider, tagasulat
at tagaulat.
Ibigay ang bahaging ito
ng
babasahin
sa
55






pahina 109-110 sa unang pangkat. Atasan silang ipaliwanag ang konseptong
kanilang naunawaan mula sa kanilang binasa. Hayaan silang gumamit ng
graphic organizer sa paggawa nito.
Atasan ang mga mag-aaral na kabilang sa ikalawang pangkat na talakayin
ang mga konseptong nakapaloob sa babasahin sa pahina 110-111. Hikayatin
na gumamit sila ng graphic organizer sa pagsasagawa nito.
Ang pahina 111 ng babasahin ay ipatatalakay sa pangkat 3.
Ang ikaapat na pangkat ang gagawa ng pagbubuod batay sa huling bahagi
ng babasahin
Ipapaskil ang mga output ng bawat pangkat sa pisara at ipaulat ito.
Matapos ang mga pag-uulat, tiyaking magbigay ng paglilinaw sa ilang
mahahalagang konseptong hindi naipaliwanag nang wasto at sapat.
Pasagutan ang tayahin natin ang iyong pag-unawa. Bigyan sila ng 5 minuto
upang gawin ito.
Ipaskil o isulat
sa pisara ang
mga tanong na
ito na
matatagpuan sa
pahina 112.

Magpaskil o gumuhit sa pisara ng
replica ng graphic organizer.

Tumawag ng ilang mag-aaral
upang punan ang graphic
organizer. Ipasulat sa mag-aaral
ang nabuong konsepto sa
patlang ng nakapaskil na graphic
organizer.

Ibigay ang tamang sagot.
56
Ang tao ay natatanging nilalang dahil siya ay may:
Isip na nakaaalam Kilos-loob na nagpapasya/pumipili
Ang gamit ng isip ay umunawa Ang gamit ng kilos-loob ay kumilos o gumawa
Ang tunguhin ng isip ay katotohanan Ang tunguhin ng kilos-loob ay kabutihan
Kaya, nararapat na sanayin, paunlarin, at gawing ganap ang isip at kilos-loob
upang mabigyan ng halaga ang kakayahang ito ng tao.
D. PAGSASABUHAY NG MGA PAGKATUTO
Paalala: Ang bahaging ito ay maaaring ipagawa bilang takdang aralin
subalit kailangang ipaliwanag sa mga mag-aaral ang inaasahan na
magagampanan nila sa bahaging ito.
 Ipaliwanag sa bahaging ito ang dapat gawin ng mga mag-aaral.
PAGSASABUHAY NG MGA PAGKATUTO
Ngayon na ganap mo nang naunawaan hindi lamang ang gamit ng isip
at kilos-loob kung hindi pati na ang tunguhin nito, mahalagang suriin kung tugma
ba ang iyong ikinikilos o ginagawa sa kakayahang taglay mo?
Pagganap
Pagganap
Panuto:
Bilang indibidwal na may isip at kilos-loob may tungkuling nakaatang sa iyo na dapat mong
isabuhay. Suriin mo ang iyong sarili kung alam mo ang mga ito at kung tugma ang kilos mo sa
iyong kaalaman.
Nakatala ang ilang tungkulin ng isang kabataang katulad mo. Suriin mo kung alam mo ang
mga ito sa pamamagitan ng paglalagay ng simbolong tsek () o ekis (×) sa tapat nito. Suriin din
kung ginagawa mo ito sa pamamagitan ng paglalagay ng parehong simbolo. Gabay mo ang
halimbawang ibinigay.

Atasan ang mga mag-aaral na pagnilayan ang kanilang mga natuklasan sa
sarili kaugnay ng paggamit nila ng kanilang isip at kilos-loob.
57
Ipapasa sa mga mag-aaral ang kanilang journal o reflection notebook upang
mabasa ang ginawa nilang pagninilay at markahan ito gamit ang rubric sa
Annex 2.
Pagsasabuhay

Ipagawa sa mga mag-aaral ang pagsasabuhay sa pahina 116. Ipaliwanag
ang panuto kung paano ito gagawin. Magbigay ng paglilinaw kung
kinakailangan.
58
Plano ng Pagtuturo
Modyul 6: KAUGNAYAN NG KONSIYENSIYA
SA LIKAS NA BATAS-MORAL
I.
MGA LAYUNIN
MGA PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Pangnilalaman
Pagganap
Naipamamalas ng mag-aaral ang pagNatataya ang kanyang mga kilos o
unawa sa mga konsepto tungkol
pasya batay sa dinidikta ng tamang
konsiyensiya at Likas na Batas-moral
konsiyensiya
BatayangKonsepto:
Ang Likas na Batas-Moral ang pinagbabatayan ng paghuhusga ng
konsiyensiya na gawin ang mabuti at iwasan ang masama sapagkat may
kamalayan at kalayaan ang pagtungo sa KABUTIHAN.
A. MGA LAYUNIN SA PAGTUTURO
1.1.
Maagapan ang magiging kahirapan at magabayan ang mga magaaral sa pag- unawa sa mga sumusunod na paksa:
Kaugnayan ng Konsiyensiya sa Likas na Batas-Moral
a. Ang Kahulugan ng Konsensya
b. Mga Uri ng Konsensya
c. Gamit ng Konsiyensiya
d. Ang Likas na Batas-Moral ay Natatangi sa Tao
e. Ang Unang Prinsipyo ng Likas na Batas-moral
f. Mga Katangian ng Likas na Batas-moral
g. Ang Kaugnayan ng Konsensya sa Likas na Batas-moral
h. Ang Kahalagahan ng Konsensya Bilang Bahagi ng Pagkatao
1.2.
Malinang ang sumusunod na kasanayan sa mga mag-aaral:
 Pagpatunay ng kaugnayan ng konsiyensiya sa Likas na BatasMoral
 Pagtukoy ng mabuti at masama sa kongkretong sitwasyon
 Paggawa ng kontrata ng pagbabago tungo sa
pagpapaunlad ng pasya at kilos
 Pagbatay ng konsiyensiya sa Likas na Batas-Moral
59
B. MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO
Ipabasa sa mga mag-aaral ang pahina 119. Isa-isahin ang mga layuning
pampagkatuto para sa Modyul 6 na nasa loob ng kahon.
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman,
kakayahan at pag-unawa:
e.
f.
g.
h.
Natutukoy na ang Likas na Batas-Moral ay natatangi sa tao dahil ang pagtungo sa
kabutihan ay may kamalayan at kalayaan. Ang unang prinsipyo nito ay likas sa tao na dapat
gawin ang mabuti at iwasan ang masama
Nailalapat ang wastong paraan upang baguhin ang mga pasya at kilos na taliwas sa unang
prinsipyo ng Likas na Batas-Moral
Nahihinuha na nalalaman agad ng tao ang mabuti at masama sa kongkretong sitwasyon
batay sa sinasabi ng konsiyensiya. Ito ang Likas na Batas-Moral na itinanim ng Diyos sa
isip at puso ng tao
Nakabubuo ng mga hakbang upang mapaunlad ang mga pasya at kilos na ginagawa arawaraw
Itanong:
binasa?
Mayroon ba kayong gustong linawin tungkol sa mga layuning
II. PAUNANG PAGTATAYA
Pasagutan ang paunang pagtataya sa pahina 120-121.
Paunang Pagtataya
1.
Lumaki si John Lloyd sa isang pamilyang relihiyoso. Habang siya ay lumalaki at
nagkakaisip, nakikita niya ang maraming pagkakataon na kailangan niyang maging
matatag laban sa tuksong gumawa ng masama. Dahil dito, madalas siyang
sumasangguni sa maraming mahahalagang aklat na magtuturo sa kanya ng mga
batayan sa pamimili ng tama at mabuti. Anong pamamaraan sa paglinang ng
konsiyensiya ang inilalapat ni John Lloyd.
a. Sanayin ang sarili na pinakikinggan at sinusunod ang konsiyensiya
b. Ipagpaliban muna ang pasya o kilos kung may pag-aalinlangan at agamagam.
c. Isabuhay ang mga moral na alituntunin. Nalilinang ang konsiyensiya sa
pamamagitan ng pagsasabuhay ayon sa tamang alituntunin
d. Pag-aralan ang mga moral na alituntunin upang maging sensitibo ang
konsiyensiya sa pagkilala sa mabuti at masama.

Hayaang markahan ng mga mag-aaral ang kanilang sariling papel gamit
ang susi sa pagmamarka sa Annex 1.
Makatutulong din kung isusulat ng guro sa pisara ang susi sa
pagmamarka. Ipabilang sa mag-aaral ang kabuuang iskor na kanilang
nakuha. Ipataas ang kamay ng mga batang nakakuha ng iskor na 10 at
bilangin ang mga ito. Itala sa pisara ang kabuuang bilang. Ipataas ang
kamay ng nakakuha ng 5 hanggang 9 na puntos; bilangin at itala sa
pisara ang kabuuang bilang. Gayun din ang gawin para sa 0 hanggang 4
na puntos.

60
Kung lahat halos ng mga mag-aaral (95%) ay nakakuha ng iskor
na 10, maaring dumako na ang guro sa bahaging Pagpapalalim.
Maaaring gawing gawaing-bahay ang ilang mga gawain sa mga
bahaging Pagtuklas sa Dating Kaalaman at Paglinang ng mga
Kaalaman, Kakayahan at Pag-unawa para sa mga nakakuha ng 5-9 na
puntos.
Ang mga nakakuha naman ng 0 hanggang 4 na puntos ay
maaaring mangailangan ng karagdagang gawain sa bahaging Paglinang
ng mga Kaalaman, Kakayahan at Pag-unawa.
III. PLANO NG PAGTUTURO-PAGKATUTO
Pag-uugnay sa Nakaraang Modyul
Sabihin:
Sa nakaraang aralin naunawaan mo ang kahalagahan ng paggamit ng iyong
isip at kilos-loob upang magampanan ang iyong mga tungkulin bilang isang
nagdadalaga/nagbibinata. Naging malinaw din sa iyo kung ano ang tunguhin ng
isip at kilos-loob na taglay mo. Sa araling ito, mauunawaan mo ang tungkol sa
isa pang mahalagang bahagi ng iyong pagkatao – ang iyong konsiyensiya. Bakit
mo sasanayin ang iyong sarili na maging sensitibo sa paggamit nito.
E. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN
Paalala:
Ipahanda ang pagsasatao ng sitwasyong ito.
a) Atasan ang tatlong mag-aaral na gaganap sa tatlong
katauhan: una, bilang mag-aaral, ikalawa, katauhan na nasa
kanan na may halo sa ulo; ikatlo, katauhan na nasa kaliwa na
may sungay, na isatao ang sitwasyon.
b) Kukumbinsihin ng dalawang katauhan na nasa kaliwa at
kanan ang mag-aaral ng dapat niyang maging pasya.
c) Gagawa ng pasya ang mag-aaral. Pipili siya kung sino sa
dalawang katauhan ang kanyang pakikinggan.
61
Panuto: Tuklasin mo ang paraan ng iyong gagawing pagpili sa
sitwasyong ito. Pag-aralan ang case study sa ibaba. Ano ang iyong
gagawin kung ikaw ay nahaharap sa ganitong sitwasyon? Piliin ang
iyong gagawin sa apat na pagpipilian at sagutin ang mga tanong
pagkatapos. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Ipaskil ito bilang
paksa ng
gagawing
pagsasatao at
gagawan ng
pasya
 Tanungin ang mag-aaral na nagsatao:
a. Nahirapan ka bang pumili?
b. Saan mo ibinatay ang iyong pasya?
c. Paano naapektuhan ng dalawang katauhan ang iyong pagpapasya?
 Pagkatapos ng pagsasatao ipagawa ang bahaging ito sa mga mag-aaral
(Gumawa ng replika upang ipaskil sa pisara)
62


Pagkatapos itong gawin ng bawat mag-aaral, atasan sila na maghanap
ng kapareha upang ibahagi ang kanilang ginawa at paghambingin ang
kanilang naging sagot.
Tumawag ng apat na mag-aaral na sasagot sa pisara.
Muling balikan ang sitwasyon at ang apat na pagpipilian sa ilustrasyon
sa itaas, ano ang iyong gagawin kung ikaw ang nasa ganitong kalagayan? Alin
sa apat na kilos ang iyong pipiliing gawin? Ipaliwanag.
Ipagawa
ang
bahaging ito
sa bawat
mag-aaral
sa kanilang
kuwaderno.


Bigyan sila ng 10 minuto para gawin ito.
Pagkalipas ng 10 minuto tumawag ng ilang mag-aaral upang ibahagi sa
klase ang kanilang ginawa.
F. PAGLINANG NG KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PAG-UNAWA
Paalala:
Atasan ang mga mag-aaral na balikan sa alaala ang isang karanasan na
naramdaman ang impluwensiya ng konsiyensiya sa ginawang pagpapasya.
Bigyang punto ang pangyayari, pinakinggan ba o binale-wala ang konsiyensiya,
ano ang naging damdamin, ano ang naging epekto at ano ang natutuhan sa
pangyayari.
63

Ipaliwanag ang bahaging ito sa klase bilang pasimula ng gawaing ito.
KONSIYENSIYA
Ipaskil o
iguhit ito sa
pisara.
Halimbawa:
Gabay sa
pagkilala ng
mabuti at
masama




1.
2.
3.
4.
Atasan ang mga mag-aaral na pumunta sa pisara at sumulat ng mga
salita na maaaring ikabit sa salitang konsiyensiya para sa word
association.Hikayatin silang isulat ang kanilang mga nalalaman.
Pagkatapos nilang magsulat, tumawag ng ilang mag-aaral upang
ipaliwanag ang mga salita, parirala o kahulugan ng salitang konsiyensiya
na isinulat sa pisara.
Atasan ang mga mag-aaral na bumuo ng pangkat na may limang kasapi.
Ipagawa ang pagbabahagi ng isang karanasan tungkol sa konsiyensiya.
Mga Tanong:
Saan nagmula ang pananw mo ukol sa konsensiya?
Batay sa naging karanasan, ano ang natuklasan mo tungkol sa
konsensiya?
Paano ka nagabayan ng konsensiya sa mga pasya at kilos mo?
Mabisa bang gabay ang konsensiyang taglay mo? Patunayan.
Pinagmulan
ng nahinuha
kong
kahulugan ng
konsiyensiya
Paano ko
naging gabay
ang aking
konsiyensiya
Natuklasan
tungkol sa
konsiyensiya
batay sa
karanasan
Mabisa bang
gabay ang
aking
konsiyensiya
64
Ipagawa ang
pagpapasula
t sa journal
kaugnay ng
kanilang mga
natuklasan
tungkol sa
konsiyensiya

Ipagawa ang gawaing ito bilang pagsubok sa kanilang gagawing
pagpapasya sa bawat kaso
Pag-isipan at sagutin mo ang tanong na ito:
1. Saan ibinabatay ng iyong konsensiya ang kaniyang
paghuhusga kung tama o mali ang isang kilos?
2. Paano ka nakasisigurong tama ang paghuhusga nito?

Ipawasto ang kanilang naging sagot batay sa susi sa pagwawasto sa
Annex 1
G. PAGPAPALALIM
Panuto:
Mahalagang may sariling sipi ng babasahing ito ang bawat mag-aaral.
Gawing takdang-aralin ang pagbabasa ng babasahing ito. Pagawin sila ng tala
(notes) ng mga konseptong matatagpuan sa babasahin. Mas mainam ang pagtsek
ng mga tala ng konsepto na kanilang ginawa upang maramdaman ang
kaseryosohan sa pagpapagawa ng gawaing bahay.
Mahalagang mabasa at makapagtala sila bago ang pagtatalakay upang
handa sila sa gawain sa klase.
65

Kung kinakailangan, ipabasa ang kabuuang sanaysay sa pahina 127-131.
Bigyan ang mga mag-aaral ng 15 minuto upang gawin ito. Matapos ang 15
minuto pangkatin ang mga mag-aaral sa anim na pangkat o depende sa
bilang ng mga mag-aaral. Hayaang magtalaga sila ng lider, tagasulat at tagaulat.

Ibigay ang bahaging ito ng babasahin sa pahina 127-128 sa unang pangkat.
Atasan silang ipaliwanag ang konseptong kanilang naunawaan mula sa
kanilang binasa. Hayaan silang gumamit ng graphic organizer sa paggawa
nito.

Atasan ang mga mag-aaral na kabilang sa ikalawang pangkat na talakayin
ang mga konseptong nakapaloob sa babasahin sa pahina 129-130. Hikayatin
na gumamit sila ng graphic organizer sa pagsasagawa nito.
66


Ipapaskil ang mga output ng bawat pangkat sa pisara at ipaulat ito.
Matapos ang mga pag-uulat, tiyaking magbigay ng paglilinaw sa ilang
mahahalagang konseptong hindi naipaliwanag nang wasto at sapat.
Ipaskil o isulat
sa pisara ang
mga tanong na
ito na
matatagpuan
sa pahina 18.


Pasagutan ang tayahin natin ang iyong pag-unawa. Bigyan sila ng 5 minuto
upang gawin ito.
Magpaskil o gumuhit sa pisara ng replika ng graphic organizer.

Tumawag ng ilang mga mag-aaral upang punan ang graphic organizer.
Ipasulat sa mag-aaral ang nabuong konsepto sa patlang ng nakapaskil na
graphic organizer.

Ibigay ang tamang sagot.
67
Paalala: Ang bahaging ito ay maaaring ipagawa bilang takdang aralin
subalit kailangang ipaliwanag sa mga mag-aaral ang inaasahan na
magagampanan nila sa bahaging ito.
 Ipaliwanag sa bahaging ito ang dapat gawin ng mga mag-aaral.
Pagganap
Sa bahaging
ito
magsisimula
ang pagganap
68
Pagninilay
 Atasan ang mga mag-aaral na pagnilayan ang kanilang mga natuklasan
kaugnay ng kaugnayan ng konsiyensiya sa Likas na Batas-moral.

Ipapasa sa mga mag-aaral ang kanilang journal o reflection notebook
upang mabasa ang ginawa nilang pagninilay at markahan ito gamit ang
rubric sa Annex 2.
Pagsasabuhay
 Ipagawa sa mga mag-aaral ang pagsasabuhay sa pahina 135-136.
Ipaliwanag ang panuto kung paano ito gagawin. Magbigay ng paglilinaw
kung kinakailangan.
69
Plano ng Pagtuturo
Modyul 7: KALAYAAN
IV. MGA LAYUNIN
MGA PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Pangnilalaman
Pagganap
Naipamamalas ng mag-aaral ang pagNaipamamalas ang kalayaan sa
unawa sa mga konsepto tungkol
pagtupad ng kaniyang mga tungkulin
kalayaan
bilang nagdadalaga/nagbibinata.
Batayang Konsepto:
Likas sa tao ang malayang pagpili sa mabuti o masama ngunit ang
kalayaan ay may kakambal na pananagutan para sa kabutihan.
A. MGA LAYUNIN SA PAGTUTURO
1.1 . Maagapan ang mga magiging kahirapan at magabayan ang mga
mag-aaral sa pag- unawa sa mga sumusunod na paksa:
Kaugnayan ng Konsiyensiya sa Likas na Batas-Moral
a. Ang Kahulugan ng Kalayaan
b. Mga Indikasyon ng Pagkakaroon o Kawalan ng Kalayaan
c. Mga Uri ng Kalayaan
d. Kaugnayan ng Kalayaan sa Likas na Batas-moral
e. Kahulugan ng tunay na kalayaan
1.2. Malinang ang sumusunod na kasanayan sa mga mag-aaral:
 Pagpatunay ng kaugnayan ng kalayaan sa Likas na Batas-Moral
 Pagpapaliwanag ng kahulugan ng kalayaan
 Pagtukoy ng mga indikasyon ng kalayaan o kawalan
nito
 Pagsuri ng sariling pagkaunawa sa kalayaan
 Pangangatwiran kung bakit hindi tunay na malaya ang
mga taong nakapiit sa sariling bisyo, maling
pananaw, magulong buhay
 Pagpapaunlad ng sarili gamit ang kalayaan
B. MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO
Ipabasa sa mga mag-aaral ang pahina 139. Isa-isahin ang mga layuning
pampagkatuto para sa Modyul 7 na nasa loob ng kahon.
Itanong:
binasa?
Mayroon ba kayong gustong linawin tungkol sa mga layuning
70
V. PAUNANG PAGTATAYA
Pasagutan ang paunang pagtataya sa pahina 139-141.



Hayaang markahan ng mga mag-aaral ang kanilang sariling papel gamit ang
susi sa pagmamarka sa Annex 1.
Makatutulong din kung isusulat ng guro sa pisara ang susi sa pagmamarka.
Ipabilang sa mag-aaral ang kabuuang iskor na kanilang nakuha. Ipataas ang
kamay ng mga batang nakakuha ng iskor na 10 at bilangin ang mga ito. Itala
sa pisara ang kabuuang bilang. Ipataas ang kamay ng nakakuha ng 5
hanggang 9 na puntos; bilangin at itala sa pisara ang kabuuang bilang.
Gayun din ang gawin para sa 0 hanggang 4 puntos.
Kung lahat halos ng mga mag-aaral (95%) ay nakakuha ng iskor na 10,
maaring dumako na ang guro sa bahaging Pagpapalalim.
Maaring gawing gawaing-bahay ang ilang mga gawain sa mga bahaging
Pagtuklas sa Dating Kaalaman at Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan at
Pag-unawa para sa mga nakakuha ng 5-9 na puntos.
Ang mga nakakuha naman ng 0 hanggang 4 na puntos ay maaring
mangailangan ng karagdagang gawain sa bahaging Paglinang ng mga
Kaalaman, Kakayahan at Pag-unawa.
VI. PLANO NG PAGTUTURO-PAGKATUTO
 Pag-uugnay sa Nakaraang Modyul
Sabihin:
Sa mga nakaraang aralin
natuklasan mo ang mahahalagang
kakayahang bumubuo sa pagkatao ng tao katulad ng isip, kilos-loob at ang
konsiyensiya. Ang mga kakayahang ito ay lubos nating kalulugdan dahil sa
kalayaang ipinagkaloob din sa tao. Sa pamamagitan ng kalayaang taglay ng
71
tao nagagamit niya ang iba pang kakayahang taglay niya. Sa araling ito lubos
mong mauunwaan ang mahalagang papel ng kalayaan sa paghubog n gating
pagkatao.
H. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN
Paalala:
Tuklasin ang pagkakilala ng mga mag-aaral sa Genie.
Saka ipagawa ang gawain sa bahaging pagtuklas ng dating
kaalaman. Maaaring isatao ng mga mag-aaral ang usapan ng
Genie at ng tao.
Ipaskil ito
bilang paksa
ng gagawing
pagsasatao
at gagawan
ng pasya.

Ipagawa ito sa mga mag-aaral, ipaskil o isulat ang bahaging ito sa pisara
at ipagawa sa mga mag-aaral sa kanilang kuwaderno.
72
73



I.
Bigyan sila ng 10 minuto para gawin ito.
Pagkalipas ng 10 minuto atasan ang mga mag-aaral na bumuo ng dyad
upang pag-usapan ang kanilang ginawa.
Tumawag ng ilang mag-aaral upang ibahagi sa klase ang kanilang
ginawa.
PAGLINANG NG KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PAG-UNAWA
Paalala:
Maghanda ng katulad sa mga larawan sa pahina 144-145.

Ipaliwanag ang bahaging ito sa klase bilang pasimula ng gawaing ito.
74
Ayusin at ipaskil
ang mga
larawan sa
pisara.
Tumawag ng ilang
mag-aaral upang
ihanay ang mga
larawan kung
nagpapakita ng
kalayaan o
nagpapakita ng
kawalan ng kalayaan.


Nagpapakita
ng kalayaan
Nagpapakita
ng kawalan ng
kalayaan
Hayaan silang muling balikan ang ginawa sa pisara. Hikayatin silang
palitan/ayusin ang mga nakadikit na larawan kung may nakitang dapat
ayusin.
Itanong sa mga mag-aaral ang mga katanungang ito bilang bahagi ng
pagtatalakayan.
75
Paalala:
Maghanda ng manila paper, pentel pen at masking tape para
sa bawat pangkat sa pagpapagawa ng gawaing ito.









Atasan ang mga mag-aaral na magpangkat na may 10 kasapi.
Papiliin sila ng kanilang lider, tagasulat at tagaulat.
Ibigay sa bawat pangkat ang Manila paper at pentel pen para sa
gawaing ito.
Atasan silang pag-aralan ang bawat sitwasyon at pag-usapan kung may
kalayaan o wala sa bawat sitwasyon. Ipasulat din ang patunay sa
kanilang sagot.
Bubuo ang bawat pangkat ng isang pasya.
Bigyan sila ng 15 minuto para sa pagtalakay ng pangkat at pagsasagawa
ng gawain.
Pagkatapos ng 15 minuto atasan silang ipaskil ang nagawa ng pangkat at
hayaan silang ipaliwanag ang kanilang ginawa.
Ipahambing ang naging sagot ng bawat pangkat. Pabigyan sila ng puna
sa kanilang naobserbahan.
Itanong sa mga mag-aaral ang nahinuhang kahulugan ng kalayaan batay
sa gawain.
76
PAGPAPALALIM
Panuto:
Mahalagang may sariling sipi ng babasahing ito ang bawat magaaral. Gawing takdangaralin ang pagbabasa ng babasahing ito. Pagawin
sila ng tala (notes) ng mga konseptong matatagpuan sa babasahin. Mas
mainam ang pagtsetsek ng mga tala ng konsepto na kanilang ginawa
upang maramdaman ang kaseryosohan sa pagpapagawa ng gawaing
bahay.
Mahalagang mabasa at makapagtala sila bago ang pagtatalakayan
upang handa sila sa gawain sa klase.

Kung
kinakailangan,
ipabasa
ang
kabuuang
sanaysay
sa
pahina
147150.
Bigyan
ang mga magaaral ng 15
minuto upang
gawin
ito.
Matapos
ang
15
minuto
pangkatin ang mga mag-aaral sa anim na pangkat o depende sa bilang
ng mga mag-aaral. Hayaang magtalaga sila ng lider, tagasulat at tagaulat.

Ibigay ang bahaging ito ng babasahin sa pahina 147 sa unang pangkat.
Atasan silang ipaliwanag ang konseptong kanilang naunawaan mula sa
kanilang binasa. Hayaan silang gumamit ng graphic organizer sa
paggawa nito.
77

Atasan ang mga mag-aaral na kabilang sa ikalawang pangkat na
talakayin ang mga konseptong nakapaloob sa babasahin sa pahina 148.
Hikayatin na gumamit sila ng graphic organizer sa pagsasagawa nito.

Ang pahina 149 ng babasahin ay ipatatalakay sa pangkat 3.


Ipapaskil ang mga output ng bawat pangkat sa pisara at ipaulat ito.
Matapos ang mga pag-uulat, tiyaking magbigay ng paglilinaw sa ilang
mga mahahalagang konseptong hindi naipaliwanag nang wasto at sapat.
78

Pasagutan ang tayahin natin ang iyong pag-unawa. Bigyan sila ng 5
minuto upang gawin ito.
Ipaskil o isulat sa pisara ang
mga tanong na ito na
matatagpuan sa pahina 150.



Magpaskil o gumuhit sa pisara ng
replica ng graphic organizer.
Tumawag ng ilang mag-aaral upang
punan ang graphic organizer.
Ipasulat sa mag-aaral ang nabuong
konsepto sa patlang ng nakapaskil
na graphic organizer.
Ibigay ang tamang sagot.
Batayang Konsepto:
Likas sa tao ang malayang pagpili sa mabuti o masama ngunit ang
kalayaan ay may kakambal na pananagutan para sa kabutihan.
J. PAGSASABUHAY NG MGA PAGKATUTO
Paalala: Ang bahaging ito ay maaaring ipagawa bilang takdang
aralin subalit kailangang ipaliwanag sa mga mag-aaral ang
inaasahan na magagampanan nila sa bahaging ito.

Ipaliwanag sa bahaging ito ang dapat gawin ng mga mag-aaral
79
Pagganap
Pagninilay
 Atasan ang mga mag-aaral na pagnilayan ang kanilang mga natuklasan
tungkol
sa tunay na kahulugan ng kalayaan.
 Sagutin ang mga tanong na: Ano ang nabago sa aking pananaw tungkol
sa kalayaan?
80


Paano ko maipakikita ang pagpapahalaga ko sa kalayaang taglay ko?
Ipagawa ito sa kanilang dyornal.

Ipapasa sa mga mag-aaral ang kanilang journal o reflection notebook
upang mabasa ang ginawa nilang pagninilay at markahan ito gamit ang
rubric sa Annex 2.
Pagsasabuhay
 Ipagawa sa mga mag-aaral ang pagsasabuhay sa pahina 152-153.
Ipaliwanag ang panuto kung paano ito gagawin. Magbigay ng paglilinaw
kung kinakailangan.
81
Gabay sa Pagtuturo
Modyul 8: ANG DIGNIDAD NG TAO
IV. MGA LAYUNIN
MGA PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Pangnilalaman
Pagganap
Naipamamalas ng mag-aaral ang pagNakagagawa ng kongkretong paraan
unawa sa mga konsepto tungkol sa
upang ipakita ang paggalang at
dignidad ng tao.
pagmamalasakit sa mga taong kulang
ng oportunidad sa buhay
Batayang Konsepto
Ang paggalang sa dignidad ng tao ay ang nagsisilbing daan upang mahalin
ang kapwa tulad ng pagmamahal sa sarili at
Ang paggalang sa dignidad ng tao ay nagmumula sa pagiging pantay at
magkapareho nilang tao.
C. MGA LAYUNIN SA PAGTUTURO
3.1
Magabayan ang mga mag-aaral sa pag- unawa sa sumusunod na
paksa:
a. Ang Bawat Tao ay may Dignidad Anuman ang Kanyang Kalagayang
Panlipunan, Kulay, Lahi at Relihiyon.
b. Ang Paraan Upang Ipakita ang Pagkilala at Pagpapahalaga sa
Dignidad ng Isang Tao
c. Mga Paraan ng Paggalang sa Dignidad ng Tao
d. Mga Paraan Upang Mapaunlad ang Pakikitungo sa mga Taong
Itinuturing na Maliliit sa Lipunan
e. Mga Dahilan Bakit May Dignidad ang Tao
4.1
Malinang ang sumusunod na kasanayan sa mga mag-aaral:
a. Pagsusuri sa mga paraan ng pakikitungo sa mga taong itinuturing na
maliliit sa lipunan
b. Pagsusuri sa pagkakaiba ng pakikitungo ng tao sa taong may
magkaibang katayuan sa buhay
c. Pagtukoy sa mga bagay na nararapat ibigay sa kapwa bilang patunay
ng paggalang sa kanilang dignidad
d. Pagsusuri sa mga sitwasyong nagpapakita ng pagyapak sa dignidad
ng tao
e. Pagkilala sa mga programa ng pamahalaan na nakapagpapaangat ng
dignidad bilang tao
f. Paglikha ng mga hakbang upang maging karapat-dapat sa
pagpapahalaga at paggalang ng kapwa
82
g. Pagsulat ng pagninilay ukol sa (a) natutuhan tungkol sa
pagpapahalaga sa dignidad ng kapwa, (b) mga paraan upang
mapaunlad ang pakikipag-ugnayan sa kapwa, (c) mga dapat na gawin
bilang isang taong may dignidad, at (d) mga bagay na dapat iwasang
gawin bilang taong may dignidad
h. Pagtulong sa isang kapamilya, kaibigan o kakilala na may mababang
pagtingin sa sarili upang maiangat ang kanyang konsepto ng sarili.
D. MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO
Ipabasa sa mga mag-aaral ang pahina 155. Isa-sahin ang mga
layuning pampagkatuto.
Itanong: Mayroon ba kayong gustong linawin tungkol sa mga layuning
binasa?
V. PAUNANG PAGTATAYA
1. Pasagutan ang paunang pagtataya sa pahina 184-186. Bigyan ng sapat na
panahon ang mga mag-aaral upang gawin ito.
83
2. Pagkatapos, hayaang markahan ng mga mag-aaral ang kanilang sariling
papel gamit ang susi sa pagmamarka sa Annex 1. Makatutulong din kung
isusulat ng guro sa pisara ang susi sa pagmamarka.
Ipabilang sa mag-aaral ang kabuuang iskor na kanilang nakuha. Ipataas
ang kamay ng mga batang nakakuha ng iskor na 10 at bilangin ang mga ito.
Itala sa pisara ang kabuuang bilang. Ipataas ang kamay ng nakakuha ng 5
hanggang 9 na puntos; bilangin at itala sa pisara ang kabuuang bilang.
Gayundin ang gawin para sa 0 hanggang 4 puntos.
Kung lahat halos ng mga mag-aaral (95%) ay nakakuha ng iskor na 10,
maaring dumako na ang guro sa bahaging Pagpapalalim.
Maaaring gawing gawaing-bahay ang ilang mga gawain sa mga bahaging
Pagtuklas sa Dating Kaalaman at Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan at Pagunawa para sa mga nakakuha ng 5-9 na puntos.
Ang mga nakakuha naman ng 0 hanggang 4 na puntos ay maaring
mangailangan ng karagdagang gawain sa bahaging Paglinang ng mga Kaalaman,
Kakayahan at Pag-unawa.
VI. PLANO NG PAGTUTURO-PAGKATUTO
E. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN
Mga Hakbang:
8. Ipagawa ang Gawain 1 sa bahaging Pagtuklas ng Dating Kaalaman sa
mga mag-aaral sa pahina 158-159.
9. Ipabasa ang Panuto at saka itanong: Mayroon bang kailangang linawin
sa Panuto?
84
10. Makabubuti kung magpapaskil ng mga katulad na larawan sa pisara upang
magamit sa presentasyon ng mag-aaral ng kanilang sagot.
11. Ipagawa ang gawain sa loob ng 15 minuto.
12. Matapos maibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na gawin ito,
tawagin ang ilan sa kanila upang ibahagi ang kanilang natapos na gawain.
13. Pagkatapos, pasagutan sa kanila ang tanong na nasa pahina 159.
14. Iugnay ang sagot ng mag-aaral sa mga tanong sa susunod na gawain.
Sabihin: Patuloy nating tayain ang iyong kakayahang tumupad sa iyong
tungkulin sa pamamagitan ng mga speech balloon na nasa Gawain 2.
Gawain 2
7. Ipabasa sa mga mag-aaral ang Panuto sa Gawain 2 sa pahina 159-160.
Itanong: Naunawaan ba ang Panuto?
8. Maglagay ng replika ng Venn Diagram na nasa modyul sa pisara. Ipaliwanag
ang paraan ng paggamit nito.
9. Bigyan sila ng panahon upang gumawa ng kanilang sariling Venn Diagram sa
kanilang kuwaderno
10. Umikot sa klase habang ginagawa ng mga mag-aaral ang gawain upang
magabayan ang mga mag-aaral at upang matiyak na tama ang ginagawa ng
lahat.
85
11. Pagkatapos, tumawag ng ilang mag-aaral na magbabahagi ng kanilang
ginawa sa klase. Ipasulat ang kanilang ginawa sa pisara upang makita ng
lahat.
12. Pasagutan ang mga tanong na nasa pahina 160. Ipasulat ang kanilang sagot
sa kanilang kuwaderno.
13. Matapos bigyan ng sapat na panahon ang mga mag-aaral ay tumawag ng
ilan upang magbahagi ng kanilang sagot. Pagyamanin ang pagtalakay sa
pamamagitan ng pagbabahaginan ng opinyon at pananaw.
F. PAGLINANG NG KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PAG-UNAWA
Gawain 1
Mga Hakbang
7. Ipabasa sa mga mag-aaral ang Panuto para sa gawain sa bahaging
“Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan at Pag-unawa”. Tiyaking
malinaw ang Panuto sa lahat. Maging bukas sa mga paglilinaw.
8. Pagawain ang mga mag-aaral ng katulad na pormat na nasa pahina 161.
Maaari itong iguhit o kaya naman ay gumupit ng mga larawan sa
magasin.
9. Ipakita sa mga mag-aaral ang halimbawa upang mas maging malinaw
para sa lahat ang gawain.
10. Ipabahagi sa klase ang ilan sa mga gawain ng mga mag-aaral. Ipaskil sa
pisara ang kanilang output upang makita ng mga kapwa mag-aaral.
86
11. Pagkatapos, pasagutan sa mga mag-aaral ang tanong sa pahina 162.
Gawain 2
1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang pagtataya sa kakayahang gumalang at
magpahalaga sa dignidad ng kapwa.
2. Ipaskil sa pisara ang mga larawan at bigyan ng dalawang minuto ang klase
upang tingnan/suriin ang mga larawang ito.
3. Pagkatapos, pasagutan sa mga mag-aaral ang mga tanong sa pahina 163.
4. Pakinggan ang tugon ng mga mag-aaral. Pagyamanin ang talakayan sa
pamamagitan ng pagbabahagi ng mga opinyon at pananaw.
5. Gamitin ang tugon ng mga mag-aaral upang ipakilala ang susunod na bahagi
ng aralin.
87
E. PAGPAPALALIM
Paalala: Makatutulong kung ang sanaysay ay ipababasa na sa mga
mag-aaral bilang Takdang Aralin.
6. Ipabasa ang kabuuan ng sanaysay sa pahina 163-166. Pagkatapos,
magsagawa ng pagtalakay mula sa binasa.
7. Ipaskil sa pisara ang mga katagang:
Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin
sa iyo.
8. Tumawag ng isang mag-aaral na magpapaliwanag ng kataga at
magbibigay ng paglalapat na halimbawa.
9. Gamitin ito bilang panimula sa pagtalakay ng mga mahahalagang
konsepto sa babasahin.
10. Tiyakin na mabibigyang-linaw ang lahat ng mga hindi malinaw na
konsepto.
88
Tayain ang Iyong Pag-unawa
1. Pasagutan ang mga tanong sa bahaging “Tayain ang Iyong Pag-unawa”
sa pahina 167. Bigyan sila ng 5 minuto upang gawin ito. Ipasulat sa
kanilang kuwaderno ang mga sagot.
2. Magpaskil o gumuhit sa pisara ng replika ng graphic organizer sa pahina
167.
3. Tumawag ng ilang mga mag-aaral upang punan ang graphic organizer sa
pisara. Ipasulat sa mag-aaral ang nabuong konsepto sa ilalim ng
nakapaskil na mga output ng bawat pangkat na graphic organizer. Piliin
ang konseptong pinakamalapit sa Batayang Konsepto na nasa kahon sa
ibaba:
Ang paggalang sa dignidad ng tao ay ang nagsisilbing
daan upang mahalin ang kapwa tulad ng pagmamahal sa sarili
at
Ang paggalang sa dignidad ng tao ay nagmumula sa pagiging
pantay at magkapareho nilang tao.
4. Pagkatapos, ipagawa ang “Pagtataya sa mga Natutuhan” sa pahina 167168.
5. Ipabasa ang mga panuto at tiyakin na ang lahat ay malinaw sa mga magaaral.
89
90
F. PAGSASABUHAY
Pagganap
1. Ipagawa ang gawain sa bahaging Pagganap sa pahina 169.
2. Ipasa nang malakas ang panuto at maglaan ng panahon para sa mga
paglilinaw.
3. Ipaguhit ang katulad na Dignity Barometer na nasa pahina 169 sa
kuwaderno ng mga mag-aaral.
4. Batay sa nagging pagtataya ng mga mag-aaral sa bahaging ito ay
ipasagot ang tanong na:
“Ano ang aking nararapat na gawin upang maging karapat-dapat sa
pagpapahalaga at paggalang ng aking kapwa?”
5. Ipagawa ang malikhaing presentasyon ng gawain. Ipakita sa pisara ang
halimbawa na nasa pahina 169.
91
Pagninilay
3. Pasulatin ng pagninilay ang mga mag-aaral tungkol sa:
a. Kanilang mga natutuhan tungkol sa pagpapahalaga sa dignidad ng
kapwa
b. Mga paraan upang mapaunlad ang pakikipag-ugnayan sa kapwa
c. Mga dapat na gawin bilang taong may dignidad
d. Mga dapat iwasan bilang taong may dignidad
4. Maaaring gamitin ang katulad na pormat na nasa pahina 170. Ipagawa ito
sa kanilang kuwaderno.
Pagsasabuhay
14. Ipagawa sa mga mag-aaral ang “Pansariling Plano ng maayos na
Pagtupad ng mga Tungkulin Bilang Kabataan” sa bahaging
Pagsasabuhay sa pahina 170.
15. Ipabasa sa isang mag-aaral ang panuto. Pagkatapos, sabihin: Mayroon
bang katanungan tungkol sa panuto?
16. Pagawain ang mga mag-aaral ng komprehensibong plano sa
pagsasagawa ng pagtulong sa isang kapamilya, kamag-anak o kakilala.
17. Mahalagang gabayan ang mga mag-aaral sa pagsasagawa nito.
18. Tandaan: Kritikal ang gawain na ito kung kaya mahalagang matiyak na
maayos na nakaplano ang gawain at ang mga hakbang sa pagsasagawa
nito.
19. Ipatala sa isang diary ang lahat ng mga karanasan sa pagsasagawa ng
pagtulong.
92
Gabay sa Pagtuturo
Modyul 9: Kaugnayan ng Pagpapahalaga at Birtud
Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pagunawa sa mga konsepto tungkol sa
pagpapahalaga at birtud
Pagganap
Nailalapat sa pang-araw-araw na buhay
ang mga tiyak na hakbang sa
pagsasabuhay ng mga birtud
Batayang Konsepto:
Ang paulit-ulit na pagsasabuhay ng mga mabuting gawi batay sa mga moral
na halaga ay patungo sa paghubog ng mga birtud (acquired virtues).
IV.








MGA LAYUNIN
Mga Layunin sa Pagtuturo (Teaching Objectives)
.1 . Maagapan ang mga magiging kahirapan at magabayan ang mga magaaral sa pag- unawa sa mga sumusunod na paksa:
Ang Kaugnayan ng Pagpapahalaga at Birtud
a. Ang Kahulugan ng Birtud at mga Pamamaraan kung paano
mahuhubog
b. Mga Uri ng Birtud
c. Kahulugan ng Pagpapahalaga
d. Mga uri ng Pagpapahalaga
e. Kaugnayan ng Pagpapahalaga at Birtud
1.2 Malinang ang mga sumusunod na kasanayan sa mga mag-aaral:
Pagsuri ng kahalagahan ng pagpili ng gagawing kilos at ang kugnayan ng
pagpapahalaga sa pagpiling ito
Pagtuklas sa mga birtud na nalinang sa pagkamit ng pagpapahalaga
Paglahad ng kahulugan at kaugnayan ng birtud at pagpapahalaga
Pag-isa-isa ng mga uri ng birtud at pagpapahalaga
Paggawa ng Tsart ng sariling Birtud at Pagpapahalaga upang
mapaghambing kung magkatugma ang dalawa
Paggawa ng isang pagninilay kung may kaugnayan ang pagpapahalagang
taglay sa birtud na nalilinang
Pagsabuhay ng mga birtud upang maging tugma ito sa pagpapahalaga
93

Mga Layuning Pampagkatuto
Ipabasa sa mga mag-aaral ang pahina 178. Isa-isahin ang mga layuning
pampagkatuto para sa Modyul 9 na nasa loob ng kahon.
Sabihin:
binasa?
Mayroon ba kayong gustong linawin tungkol sa mga layuning
V. PAUNANG PAGTATAYA
1.
Pasagutan ang paunang pagtataya sa pahina 179-180.
94
95
2. Hayaang markahan ng mga mag-aaral ang kanilang sariling papel gamit
ang susi sa pagmamarka sa Annex 1.
3. Makatutulong din kung isusulat ng guro sa pisara ang susi sa
pagmamarka.
4. Ipabilang sa mag-aaral ang kabuuang iskor na kanilang nakuha. Ipataas
ang kamay ng mga batang nakakuha ng iskor na 10 at bilangin ang mga
ito. Itala sa pisara ang kabuuang bilang. Ipataas ang kamay ng nakakuha
ng 5 hanggang 9 na puntos; bilangin at itala sa pisara ang kabuuang
bilang. Gayun din ang gawin para sa 0 hanggang 4 puntos.
5. Kung lahat halos ng mga mag-aaral (95%) ay nakakuha ng iskor na 10,
maaring dumako na ang guro sa bahaging Pagpapalalim.
6. Maaring gawing gawaing-bahay ang ilang mga gawain sa mga bahaging
Pagtuklas sa Dating Kaalaman at Paglinang ng mga Kaalaman,
Kakayahan at Pag-unawa para sa mga nakakuha ng 5-9 puntos.
7. Ang mga nakakuha naman ng 0 hanggang 4 na puntos ay maaring
mangailangan ng karagdagang gawain sa bahaging Paglinang ng mga
Kaalaman, Kakayahan at Pag-unawa.
VI. GABAY SA PAGTUTURO-PAGKATUTO

Pag-uugnay sa Nakaraang Modyul
Sabihin:
Sa nakaraang modyul natutunan ninyo na ang tao ay pantaypantay dahil sa taglay nilang dignidad. Binibigyang diin nito ang
paggalang sa kapwa, sapagka’t tulad mo sila rin ay mahalaga.
Nararapat na malinang sa kaniya ang pagpapahalaga na kailangan
upang matutunan kung paano mahalin, igalang at pahalagahan ang
sarili at kapwa na may pantay at parehong dignidad.
Sa modyul na ito, ipauunawa sa mga mag-aaral ang kaugnayan ng
pagpapahalaga at birtud upang maging malinaw ang dahilan ng paggawa ng
mabuti at pag-iwas sa masama.
96
K. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN
Gamitin ang
bahaging ito sa
pagpapaliwanag
ng gawain sa
Pagtuklas ng
Dating Kaalaman
Isulat ang
usapan ni
Alice at
pusang si
Cheshire sa
hiwalay na
manila paper
Paalala:
Layunin ng bahaging ito na pukawin ang kaisipan ng mga mag-aaral sa
kahalagahan ng pagkakaroon ng isang malinaw na patutunguhan ang tao. Ang
mahalaga rito ay ang sagot ni Alice sa tanong ng pusa upang ihambing ng mga
mag-aaral ang kanilang sarili kung malinaw para sa kanila ang kanilang
patutunguhan sa buhay.
(Kailangan ng guro ng masking tape para sa pagdikit ng poster at manila paper
sa pisara)
1. Idikit sa pisara ang poster ng pag-uusap ni Alice at ng pusa. Itanong sa mga
mag-aaral kung pamilyar sila sa bahagi ng kuwento ng larawan. Hayaan ang
mag-aaral na sumagot.
2. Idikit ang isinulat na pag-uusap na naganap sa pagitan ni Alice at ng pusa.
Ipabasa ito sa mga mag-aaral o kaya naman maaring atasan ng guro ang
dalawang mag-aaral upang bigyang buhay ang pag-uusap ng dalawang
97
3.
4.
5.
6.
tauhan. Ang isang mag-aaral ay gaganap na Alice at ang isa ay gaganap na
pusa.
Ipaskil o isulat sa pisara ang mga tanong.
Ipabasa sa mga
mag-aaral ang
mga tanong?
Ipaliwanag sa
kanila ang
layunin ng mga
tanong na ito.
Tanungin sila
kung mayroon
silang hindi
naunawaan.
Bigyan sila ng 10-15 minuto para sagutin ang mga tanong sa kanilang
kuwaderno.
Pagkatapos ng 10 – 15 minuto, atasan ang mga mag-aaral na bumuo ng
triad. Ipabahagi ang sagot nila sa mga tanong sa kasapi ng triad. Sabihan
silang paghambingin ang kanilang mga kasagutan. Ipabahagi sa klase ang
kanilang mga natuklasan.
L. PAGLINANG NG KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PAG-UNAWA
Paalala:
Kailangang
maihanda
ang
pagkakaroon ng bawat
mag-aaral ng sariling
kopya ng kuwento ni
Joven, Ang Aking
Pinahahalagahan
at
Nalinang na Birtud.
Ibigay na takdangaralin ang pagbabasa
sa kuwento ito.
Paalala:
Maghanda ng coupon band, meta strip, pentel pen, at masking
tape para sa limang pangkat.
98
1. Sabihin: Makikilala ninyo ang isang kabataang katulad ninyo sa pamamagitan
ng kanyang karanasan sa buhay. Alamin ninyo ang nalinang sa kaniyang
pagkatao makamit lamang ang kaniyang pinahahalagahan.
a. Ipakikilala ninyo si Joven sa klase bilang inyong kaibigan. Paano
ninyo siya ilalarawan. Bilang kaibigan ano ang madarama mo para sa
kanya? Narito ang paraan kung paano ninyo ito gagawin.
2. Atasan ang mga mag-aaral na magpangkat sa lima. Hayaan silang pumili ng
kanilang magiging pinuno, tagasulat at taga-ulat. Ipatalakay sa pangkat ang
sagot sa mga tanong na ito.
3. Ipaguhit ang tsart na ito sa coupon band dito nila isusulat ng kanilang
napagkasunduang sagot.
4. Bigyan sila ng 10-15 minuto para sa gawaing ito.
5. Ipaguhit nang malaki ang tsart na ito sa pisara. Sabihin: Nahahati ang tsart
sa limang bahagi na ibibigay sa bawat pangkat. Pupunan ng naatasang
pangkat ang bahaging nakatalaga sa kanila. Maaaring sundan ang paraan ng
paghahati sa ibaba.
6. Isulat sa meta strip ang sagot ng kanilang pangkat sa bahaging nakatalaga
sa kanila. Idikit ang mga ito sa pisara.
99
7. Pagkatapos na magawa ito ng lahat ng pangkat. Sabihin: muling tingnan ang
tsart sa pisara, mayroon ba kayong nais pang idagdag sa mga nakatala?
Ipasulat ang mga ito at idikit sa bahaging nais nila itong idagdag.
8. Ipaulat ang kanilang ginawa sa paraang pagpapakilala sa pangunahing
tauhan.
PAGPAPALALIM
Panuto:
Mahalagang may sariling sipi ng babasahing ito ang bawat mag-aaral.
Gawing takdang-aralin ang pagbabasa ng babasahing ito. Pagawin sila
ng tala (notes) ng mga konseptong matatagpuan sa babasahin. Mas mainam
ang pagtsek ng mga tala ng konsepto na kanilang ginawa upang maramdaman
ang kaseryosohan sa pagpapagawa ng gawaing bahay.
Mahalagang mabasa at makapagtala sila bago ang pagtatalakay upang
handa sila sa gawain sa klase.
1. Kung kinakailangan, ipabasa ang kabuuang sanaysay sa pahina 10-24.
Bigyan ang mga mag-aaral ng 15 minuto upang gawin ito. Matapos ang 15
minuto pangkatin ang mga mag-aaral sa tatlong pangkat o depende sa bilang
ng mga mag-aaral. Hayaang magtalaga sila ng lider, tagasulat at taga-ulat.
100

Sa unang pangkat ipatalakay ang naunawaang konsepto ng babasahin sa
pahina 184-189 gamit ang graphic organizer

Para sa ikalawang pangkat ipatalakay ang naunawaang konsepto sa
sanaysay sa pahina190-195. Maaaring gamitin ang graphic organizer sa
ibaba.

Para sa ikatlong pangkat, ipatalakay ang naunawaang konsepto sa
sanaysay sa pahina 194 gamit ang graphic organizer.
101
Paalala: Ang pagpapangkat ay maaaring dagdagan ng guro depende sa
bilang ng mga mag-aaral, maaari ding hatiin ang paksang ipatatalakay sa
kanila. Ang graphic organizers na gagamitin ay mungkahi lamang
maaaring lumikha sila ng nais nilang gamitin na graphic organizer.


Ipapaskil ang mga output ng bawat pangkat sa pisara at ipaulat ito.
Matapos ng mga pag-uulat, tiyaking magbigay ng paglilinaw sa ilang mga
mahahalagang konspetong hindi naipaliwanag ng wasto at sapat.
 Pasagutan ang tayahin natin ang iyong pag-unawa. Bigyan sila ng 5 minuto
upang gawin ito.
Tayain natin ang iyong pag-unawa
Ano ang naunawaan mo sa iyong binasa? Upang masubok ang lalim ng iyong
naunawaan sagutin mo ang sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno:
1. Ano ang pagpapahalaga?
__________________________________________________
__________________________________________________
1a. Bakit kailangang taglayin ito ng tao?
__________________________________________________
__________________________________________________
2. Ano ang birtud?
__________________________________________________
__________________________________________________
102
2a. Paano ito nalilinang sa tao?
__________________________________________________
__________________________________________________
3. Paano nagkakaugnay ang pagpapahalaga at birtud? Ipakita mo ito sa
pamamagitan ng ilustrasyon.
Kaugnayan ng pagpapahalaga at birtud:

Magpaskil o gumuhit sa pisara ng replica ng graphic organizer.

Tumawag ng ilang mga mag-aaral upang punan ang graphic organizer.
Ipasulat sa mag-aaral ang nabuong konsepto sa ilalim ng nakapaskil na
graphic organizer. Piliin ang konseptong pinakamalapit sa Batayang
Konsepto:
Ang paulit-ulit na pagsasabuhay ng mga mabuting gawi batay sa mga moral
na halaga ay patungo sa paghubog ng mga birtud (acquired virtues).
2. PAGSASABUHAY NG MGA PAGKATUTO
103
Paalala:
Ang bahaging ito ay maaaring ipagawa bilang takdang aralin
subalit kailangang ipaliwanag sa mga mag-aaral ang inaasahan na
magagampanan nila sa bahaging ito.

Pagganap
Ipagawa sa mga mag-aaral ang “Value at Virtue Tsek” sa kanilang
kuwaderno. Ipaliwanag sa kanila ang panuto kung paano ito gagawin.

Pagninilay
Atasan ang mga mag-aaral na pagnilayan ang kanyang mga natuklasan sa
sarili sa resulta ng ginawang Value at Virtue Tsek .
104


Ipapasa sa mga mag-aaral ang kanilang journal o reflection notebook upang
mabasa ang ginawa nilang pagninilay at markahan ito gamit ang rubric sa
Annex 2.
Pagsasabuhay
Ipagawa sa mga mag-aaral ang pagsasabuhay. Ipaliwanag ang panuto
kung paano ito gagawin. Magbigay ng paglilinaw kung kinakailangan.
105
106
Gabay sa Pagtuturo
Modyul 10: Hirarkiya ng Pagpapahalaga
Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang
pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa
hirarkiya ng pagpapahalaga
Pagganap
Nailalapat sa pang-araw-araw na
buhay ang mga tiyak na hakbang upang
mapataas ang antas ng mga
pagpapahalaga tungo sa
makatotohanang pag-unald ng
pagkatao.
Batayang Konsepto:
Ang pinili nating uri ng pagpapahalaga mula sa hirarkiya ng mga
pagpapahalaga ay gabay sa makatotohanang pag-unlad ng ating pagkatao.
IV. MGA LAYUNIN
 Mga Layunin sa Pagtuturo (Teaching Objectives)
.1 . Maagapan ang mga magiging kahirapan at magabayan ang mga magaaral sa pag- unawa sa mga sumusunod na paksa:
Ang Hirarkiya ng Pagpapahalaga
a. Limang Katangian ng Mataas na Uri ng Pagpapahalaga
b. Mga Antas ng Hirarkiya ng Pagpapahalaga
c. Kahalagahan ng Pagpili ng Mataas na Antas ng Pagpapahalaga
1.2 Malinang ang mga sumusunod na kasanayan sa mga mag-aaral:
a. Pagsasailalim sa proseso ng pagpili ang mga mag-aaral sa pagitan
ng mga bagay na nararapat bigyan ng mas mataas na
pagpapahalaga
b. Pagraranggo ng mga bagay na itinuturing niyang mahalaga batay sa
halaga ng mga ito
c. Pagsususuri ng sariling pinahahalagahan
d. Pagsasagawa ng sariling hagdan ng pagpapahalaga batay sa
Hirarkiya ng Pagpapahalaga ni Max Scheler
e. Pagsasabuhay ng mga tiyak na hakbang upang mapataas ang antas
ng pagpapahalaga tungo sa makatotohanang pag-unlad ng pagkatao
Mga Layuning Pampagkatuto
Ipabasa sa mga mag-aaral ang pahina 202. Isa-isahin ang mga layuning
pampagkatuto para sa Modyul 10 na nasa loob ng kahon.
107
Sabihin:
binasa?
Mayroon ba kayong gustong linawin tungkol sa mga layuning
VII. PAUNANG PAGTATAYA
Pasagutan ang paunang pagtataya sa pahina 203 -204.
Hayaang markahan ng mga mag-aaral ang kanilang sariling papel gamit ang
susi sa pagmamarka sa Annex 1.
108
Makatutulong din kung isusulat ng guro sa pisara ang susi sa pagmamarka.
Ipabilang sa mag-aaral ang kabuuang iskor na kanilang nakuha. Ipataas ang kamay
ng mga batang nakakuha ng perpektong iskor at bilangin ang mga ito. Itala sa
pisara ang kabuuang bilang. Ipataas ang kamay ng may isang mali. Gayun din ang
gawin para sa 2 hanggang 4 na mali. At lahat mali. Hayaan silang ipaliwanag ang
kanilang naging sagot.
VIII. GABAY SA PAGTUTURO-PAGKATUTO
 Pag-uugnay sa Nakaraang Modyul
Sabihin:
Sa nakaraang aralin naging malinaw sa iyo ang kaugnayan ng
pagpapahalaga at birtud gayundin ang paraan kung paano nalilinang ang birtud sa
proseso ng pagkamit ng pagpapahalaga. Malinaw din sa iyo ang kahalagahan ng
pagpili ng gawi na malilinang sa sarili dahil ito ang magiging susi upang malinang
ang birtud ng tao.
Sa modyul na ito, ipauunawa sa mga mag-aaral ang konsepto tungkol sa
hirarkiya ng pagpapahalaga. Lilinawin dito kung paano makikilala ang
pagpapahalaga na may mataas na antas. Gayundin ang kalagahan na piliin ang
mga pagpapahalagang ito.
M. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN
Paalala:
Bago ang pagpapagawa ng gawain
sa bahaging ito, ihanda ang mga larawan
at masking tape.
Ipaliwanag ang panuto
upang maunawaan ng mga
mag-aaral ang paraan ng
pagsasagawa ng gawain sa
bahaging Pagtuklas ng
Dating Kaalaman
109
Idikit ang
mga
larawang
nakuha
katulad sa
mga ito sa
pisara bago
ang
pagsisimula
ng klase.
Ayusin ang
mga ito sa
ganitong
paraan.





Bigyan sila ng 5-7 minuto para magawa ito.
Tumawag ng isang mag-aaral na magtungo sa pisara upang ayusin ang mga
larawan batay sa pagpapahalaga niya sa mga ito. Simulan sa hindi gaanong
mahalaga hanggang sa pinakamahalaga.
Maaaring tumawag ng isa o dalawa pang mag-aaral upang gawin ang
parehong gawain.
Ipahambing ang resulta ng kanilang pag-aayos ng larawan.
Tanungin ang ilang mag-aaral na nakatapos sa pag-aayos ng mga larawan:
a. Magkakapareho ba ang ginawa ninyong pag-aayos ng larawan?
b. Bakit ganito ang iyong ginawang pagsasaayos?
c. Ano ang naging batayan mo sa pagpili ng larawan mula sa hindi gaanong
mahalaga sa pinakamahalaga?
d. Ano ang natuklasan ninyo tungkol sa pagpapahalaga sa bahaging ito?
N. PAGLINANG NG KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PAG-UNAWA
Paalala:
Maaaring ipagawa ang bahaging ito bilang takdang-aralin upang may
sapat silang panahon sa pagbuo nito. Mahalagang malinaw ang
pagpapaliwanag ng panuto sa mag-aaral kaugnay ng gawain.
Maghanda ng 5 manila paper at masking tape para sa gawaing ito.
110
Ipaliwanag
ang panuto
bago ito
ipagawa
bilang
takdangaralin. Ipakita
rin ang
larawang ito
bilang gabay.
111




Atasan ang mga mag-aaral na bumuo ng limang pangkat . Bigyan sila ng tagiisang manila paper at masking tape.
Atasan ang bawat kasapi ng pangkat na idikit ang kanilang ginawang
“Pagsusuri ng Aking Pinahahalagahan” sa manila paper na ibinigay sa
kanilang pangkat.
Ipapaskil ang 5 manila paper sa isang bahagi ng silid-aralan upang
magmukha itong exhibit. Hayaan ang kasapi ng bawat pangkat na
pagmasdan ang ginawa ng lahat na mag-aaral. Itanong ang kung ano ang
kanilang saloobin sa kanilang ginawa.
Matapos ang 10 minuto ng gallery walk o pagmamasid sa ipinaskil na gawa
ng bawat pangkat, atasan ang mga mag-aaral na sagutin ang mga
sumusunod na tanong sa pahina 7 sa kanilang kuwaderno o sa kanilang
journal.
O. PAGPAPALALIM
Panuto:
Mahalagang may sariling sipi ng babasahing ito ang bawat mag-aaral.
Gawing takdang-aralin ang pagbabasa ng babasahing ito. Pagawin sila
ng tala (notes) ng mga konseptong matatagpuan sa babasahin. Mas
mainam ang pagtsek ng mga tala ng konsepto na kanilang ginawa upang
maramdaman ang kaseryosohan sa pagpapagawa ng gawaing bahay.
Mahalagang mabasa at makapagtala sila bago ang pagtatalakay upang
handa sila sa gawain sa klase.


Kung kinakailangan, ipabasa ang kabuuang sanaysay sa pahina 208-211.
Bigyan ang mga mag-aaral ng 15 minuto upang gawin ito. Matapos ang 15
minuto pangkatin ang mga mag-aaral sa tatlong pangkat o depende sa bilang
ng mga mag-aaral. Hayaang magtalaga sila ng lider, tagasulat at taga-ulat.
Ibigay ang bahaging ito ng babasahin sa pahina 208-209 sa unang pangkat.
112


Atasan silang talakayin ang mga konseptong nakapaloob dito gamit ang
graphic organizer sa ibaba.
Ibigay sa ikalawang pangkat ang babasahin sa pahina 209-210.
Atasan ang ikalawang pangkat na talakayin ang konsepto ng bahaging ito.
113

Ibigay sa ikatlong pangkat ang bahaging ito ng babasahin sa pahina 210-211.
Ipatalakay ang mga konseptong matatagpuan dito gamit ang graphic
organizer sa ibaba.
Paalala: Ang pagpapangkat ay maaaring dagdagan ng guro
depende sa bilang ng mga mag-aaral, maaari ding hatiin ang
paksang ipatatalakay sa kanila. Ang graphic organizers na
gagamitin ay mungkahi lamang maaaring lumikha sila ng nais
nilang gamitin na graphic organizer.



Ipapaskil ang mga output ng bawat pangkat sa pisara at ipaulat ito.
Matapos ng mga pag-uulat, tiyaking magbigay ng paglilinaw sa ilang mga
mahahalagang konspetong hindi naipaliwanag ng wasto at sapat.
Pasagutan ang “Tayain natin ang iyong pag-unawa” sa pahina 13. Bigyan sila
ng 5 minuto upang gawin ito.
114
Ipaskil o isulat
ang mga
tanong na ito
na
matatagpuan
sa pahina 211
sa pisara


Magpaskil o gumuhit sa pisara ng replica ng graphic organizer.
Tumawag ng ilang mga mag-aaral upang punan ang graphic organizer.
Ipasulat sa mag-aaral ang nabuong konsepto sa ilalim ng nakapaskil na
graphic organizer. Piliin ang konseptong pinakamalapit sa Batayang
Konsepto:
Ang pinili nating uri ng pagpapahalaga mula sa hirarkiya ng mga
pagpapahalaga ay gabay sa makatotohanang pag-unlad ng ating pagkatao.
P. ISABUHAY ANG MGA PAGKATUTO
Paalala:
Ang bahaging ito ay maaaring ipagawa bilang takdang
aralin subalit kailangang ipaliwanag sa mga mag-aaral ang
inaasahan na magagampanan nila sa bahaging ito. Maghanda ng
sipi ng kuwento ni Langgam at Tipaklong, maaaring ibigay na ito sa
mga mag-aaral at talakayin sa klase bago ipagawa ang gawain sa
bahaging pagganap bilang takdang-aralin
Pagganap
115
Ang bahaging ito
sa pahina 213-214
ang ipagagawa sa
bahay
Pagninilay


Atasan ang mga mag-aaral na pagnilayan ang kanyang mga natuklasan sa
sarili sa resulta ng ginawang sariling hirarkiya ng pagpapahalaga.
Ipapasa sa mga mag-aaral ang kanilang journal o reflection notebook upang
mabasa ang ginawa nilang pagninilay at markahan ito gamit ang rubric sa Annex
2.
116
Pagsasabuhay

Ipagawa sa mga mag-aaral ang pagsasabuhay sa pahina 215. Ipaliwanag
ang panuto kung paano ito gagawin. Magbigay ng paglilinaw kung
kinakailangan.

Mga Larawan:
o
o
o
http://image.shutterstock.com/display_pic_with_logo/587245/587245,129184
3855,2/stock-photo-business-hierarchy-d-concept-staircase-with-doors66830005.jpg retrieved January 28, 2012
http://4.bp.blogspot.com/-5xf7hEx4Fk/TuZ9PIK7IzI/AAAAAAAABfg/RkUl29EI07g/s1600/ScalesOfJustice.gif
retrieved January 28, 2012
http://www.alexdeich.com/First%20Rays%20of%20the%20New%20Rising%2
0Sun% 20(small).png retrieved January 27, 2012
117
Plano ng Pagtuturo
Modyul 11: Mga Panloob na Salik na Nakaiimpluwensiya sa
Paghubog ng mga Pagpapahalaga
Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pagunawa sa mga konsepto tungkol sa
panloob na salik na nakaiimpluwensiya
sa paghubog ng mga pagpapahalaga
Pagganap
Nailalapat sa pang-araw-araw na buhay
ang mga tiyak na hakbang sa
pagpapaunlad ng mga panloob na salik
na nakaiimpluwensiya sa paghubog ng
pagpapahalaga.
Batayang Konsepto:
Ang paglalapat ng mga panloob na salik sa pang-araw-araw na buhay ay
gabay sa paggawa ng mapanagutang pasya at kilos.
IX.
MGA LAYUNIN
 Mga Layunin sa Pagtuturo (Teaching Objectives)
.1 . Maagapan ang mga magiging kahirapan at magabayan ang mga magaaral sa pag- unawa sa mga sumusunod na paksa:
Mga Panloob na Salik na Nakaiimpluwensiya sa Paghubog ng mga
Pagpapahalaga
a. Konsensiya
b. Mapanagutang Paggamit ng Kalayaan
c. Pagiging Sensitibo sa Gawang Masama
d. Pagsasabuhay ng mga Birtud
e. Disiplinang Pansarili
f. Moral na Integridad
.2 Malinang ang mga sumusunod na kasanayan sa mga mag-aaral:
a. Pagbibigay ng puna sa mga kilos na nakikita mula sa mga tao sa
kanilang paligid
b. Pagsusuri ng kilos ng mga tao sa iba’t ibang yugto
c. Pagsusuri ng epekto ng negatibong paggamit ng panloob na salik na
nakaiimpluwensiya sa paghubog ng pagpapahalaga
d. Paggawa ng mga tiyak na hakbang na ilalapat sa pang-araw-araw na
buhay at pagpapasya na makatutulong sa paghubog ng mga panloob
na salik na nakaiimpluwensya sa paghubog ng halaga
118
Mga Layuning Pampagkatuto
Ipabasa sa mga mag-aaral ang pahina 217. Isa-isahin ang mga layuning
pampagkatuto para sa Modyul 11 na nasa loob ng kahon.
Sabihin:
binasa?
Mayroon ba kayong gustong linawin tungkol sa mga layuning
X. PAUNANG PAGTATAYA
1. Pasagutan ang paunang pagtataya sa pahina 218-219.
119
2. Hayaang markahan ng mga mag-aaral ang kanilang sariling papel gamit
ang
susi sa pagmamarka sa Annex 1.
3. Makatutulong din kung isusulat ng guro sa pisara ang susi sa
pagmamarka.
4. Ipabilang sa mag-aaral ang kabuuang iskor na kanilang nakuha. Ipataas
ang kamay ng mga batang nakakuha ng 10 at bilangin ang mga ito. Itala
sa pisara ang kabuuang bilang. Ipataas ang kamay ng nakakuha ng 5-9.
Gayun din ang gawin para sa 0 hanggang 4 na iskor. Hayaan silang
ipaliwanag ang kanilang naging sagot.
XI. PLANO NG PAGTUTURO-PAGKATUTO
 Pag-uugnay sa Nakaraang Modyul
Sabihin:
Sa nakaraang aralin nauunawaan mo ang mahahalagang konsepto
tungkol sa hirarkiya ng pagpapahalaga. Naipaunawa sa iyo na masisigurong
mong gumagawa ka ng mabuti kapag pinipili mong gawin ang
pagpapahalaga na may mataas na antas. Sa araling ito makikilala mo ang
mga salik na nakaiimpluwensiya sa paghubog ng mga pagpapahalaga ng
isang tao. Ano- ano ang mga ito ang siyang matutuklasan sa mga gawain at
talakayan sa aralin.
Q. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN
Paalala:
Bago ang pagpapagawa ng gawain sa bahaging ito, ihanda
ang mga sumusunod na larawan at masking tape.
A


B
C
Ipaskil ang mga larawan ito sa ganitong ayos sa pisara upang makita ng
buong klase.
Atasan ang ilang mag-aaral na isa-isa nilang ipaliwanag ang kahulugan ng
mga nakikita nila sa larawan.
120

Pagkatapos ng tatlong mag-aaral na magpaliwanag, ipabasa ang bahaging
ito sa pahina 220 upang ihambing kung tama ang kanilang paliwanag.
Ipaskil ang mga
tanong na ito para
sa talakayan at
paglinang ng pagunawa.
121

Pagkatapos ng talakayan, ipagawa ang kasunod na gawain sa pahina 221222.


Bigyan sila ng 5-7 minuto para magawa ito.
Tumawag ng limang mag-aaral na magtungo sa pisara upang punan ng
sagot ang pahina 10
Itanong kung mayroon silang nais na baguhin o iwasto sa naging sagot ng
kanilang kamag-aral.
Ipatalakay ang naging sagot nila sa bilang 3.


122
R. PAGLINANG NG KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PAG-UNAWA
Paalala:
Ihanda ang 3 case study bago pa ang pagtatalakay
at pagpapagawa ng bahaging ito. Ang bawat case
study ay isulat sa meta card.
Case Study A
Nagmaktol ang dalawang taong gulang na si Abish nang
paliliguan siya ng kanyang ina. Sa patuloy na pamimilit ng kaniyang
ina, nagalit siya kaya’t pinagtatapon niya ang kanyang mga laruan.
Case Study B
Inagaw ni Avi, limang taong gulang na bata, ang laruan ng
kanyang pinsan. Nang babawiin ito ng huli sinigawan niya ito at
akmang babatuhin ng laruan nang dumating ang kanyang ina.
Kaya’t hindi niya itinuloy.
Case Study C
Si Chad na nasa unang taon sa hayskul ay palaging
niyayaya ng kanyang mga kamag-aral na mag-cutting class subali’t
hindi siya sumasama. Isang araw niyaya na naman siya ng mga ito
at sinabihang hindi na siya ituturing na kaibigan. Gayunpaman,
hindi pa rin siya nagpadala sa pambubuyo nila.
1. Atasan ang mga mag-aaral na bumuo ng tatlong pangkat . Bigyan ng tagiisang meta card na kinasusulatan ng case study ang bawat pangkat.
123
2. Ipatalakay sa bawat pangkat ang situwasiyon ng bawat case study.
Pasagutan ang tanong na ito sa kanilang talakayan.
3. Bigyan ang bawat pangkat ng 10-15 minuto para sa pangkatang gawaing ito.
4. Pagkatapos ng 10-15 minuto ibahagi sa klase ang naging resulta ng
talakayan sa pangkat.
5. Atasan ang klase na muling paghambingin ang 3 situwasyon at itanong: Ano
ang pagkakaiba ng tatlong tauhan sa bawat situwasyon? Sa tatlong tauhan
sino ang may positibong pagkakaiba? Ipaliwanag.
6. Ipatalakay ang sagot ng mga mag-aaral sa tanong bilang 2-3 sa pahina 10.
S. PAGPAPALALIM
Panuto:
Mahalagang may sariling sipi ng babasahing ito ang bawat magaaral. Gawing takdang-aralin ang pagbabasa ng babasahing ito. Pagawin
sila ng tala (notes) ng mga konseptong matatagpuan sa babasahin. Mas
mainam ang pagtsek ng mga tala ng konsepto na kanilang ginawa upang
maramdaman ang kaseryosohan sa pagpapagawa ng gawaing bahay.
Mahalagang mabasa at makapagtala sila bago ang pagtatalakay
upang handa sila sa gawain sa klase.

Kung kinakailangan, ipabasa ang kabuuang sanaysay sa pahina 225-231
Bigyan ang mga mag-aaral ng 15 minuto upang gawin ito. Matapos ang 15
minuto pangkatin ang mga mag-aaral sa anim na pangkat o depende sa
124


bilang ng mga mag-aaral. Hayaang magtalaga sila ng lider, tagasulat at tagaulat.
Ibigay ang bahaging ito ng babasahin sa pahina 225-226 sa unang pangkat.
Atasan silang ipaliwanag ang konseptong kanilang naunawaan mula sa
kanilang binasa. Hayaan silang gumamit ng graphic organizer sa paggawa
nito
Atasan ang mga mag-aaral na kabilang sa ikalawang pangkat na talakayin
ang mga konseptong nakapaloob sa babasahin sa pahina 227-228. Hikayatin
na gumamit sila ng graphic organizer sa pagsasagawa nito.
125

Ang pahina 228-229 ng babasahin ay ipatatalakay sa pangkat 3

Ang ikaapat na salik sa pahina 229 ay tatalakayin ng ikaapat na pangkat.
126

Ibigay ang ikalimang salik sa ikalimang pangkat.

Ang huling salik ay ibigay sa ikaanim na pangkat.


Ipapaskil ang mga output ng bawat pangkat sa pisara at ipaulat ito.
Matapos ang mga pag-uulat, tiyaking magbigay ng paglilinaw sa ilang mga
mahahalagang konseptong hindi naipaliwanag nang wasto at sapat.
Pasagutan ang tayahin natin ang iyong pag-unawa. Bigyan sila ng 5 minuto
upang gawin ito.

127
Ipaskil o isulat ang
mga tanong na ito
na matatagpuan sa
pahina 231-232 sa
pisara

Magpaskil o gumuhit sa pisara ng replica ng graphic organizer.

Tumawag ng ilang mga mag-aaral upang punan ang graphic organizer.
Ipasulat sa mag-aaral ang nabuong konsepto sa ilalim ng nakapaskil na
graphic organizer. Piliin ang konseptong pinakamalapit sa Batayang
Konsepto:
128
Ang paglalapat ng mga panloob na salik sa pang-araw-araw na
buhay ay gabay sa paggawa ng mapanagutang pasya at kilos.
T. PAGSASABUHAY NG MGA PAGKATUTO
Paalala:
Ang bahaging ito ay maaaring ipagawa bilang takdang
aralin subalit kailangang ipaliwanag sa mga mag-aaral ang inaasahan na
magagampanan nila sa bahaging ito.
Pagganap
Ipaliwanag
itong
mabuti sa
mga magaaral.
Ihanda
ang
halimbawa
upang
ipaskil ito
sa pisara.
129
Pagninilay

Atasan ang mga mag-aaral na pagnilayan ang kanyang mga natuklasan sa
sarili kaugnay ng negatibong paggamit ng mga panloob na salik na
nakaiimpluwensiya sa pagpapahalaga.

Ipapasa sa mga mag-aaral ang kanilang journal o reflection notebook upang
mabasa ang ginawa nilang pagninilay at markahan ito gamit ang rubric sa
Annex 2.
Pagsasabuhay

Ipagawa sa mga mag-aaral ang pagsasabuhay sa pahina 234-235.
Ipaliwanag ang panuto kung paano ito gagawin. Magbigay ng paglilinaw
kung kinakailangan.
130
Plano ng Pagtuturo
Modyul 12: Mga Panlabas na Salik na Nakaiimpluwensiya sa
Paghubog ng mga Pagpapahalaga
Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pagunawa sa mga konsepto tungkol sa
panlabas na salik na nakaiimpluwensiya
sa paghubog ng mga pagpapahalaga
Batayang Konsepto:
Pagganap
Natataya ang impluwenisya sa sariling
pagpapahalaga ng mga panlabas na
salik sa paghubog ng mga
pagpapahalaga
Ang pag-unawa sa mga panlabas na salik na nakaiimpluwensya ng
pagpapahalaga ay nakatutulong upang maging mapanuri at mapanindigan ang
tamang pasya at kilos sa gitna ng mga nagtutunggaliang impluwensya.
XII.

1.1.
1.2.
MGA LAYUNIN
Mga Layunin sa Pagtuturo (Teaching Objectives)
Maagapan ang mga magiging kahirapan at magabayan ang mga mag-aaral
sa pag- unawa sa mga sumusunod na paksa:
Mga Panlabas na Salik na Nakaiimpluwensiya sa Paghubog ng mga
Pagpapahalaga
g. Pamilya at Paraan ng Pag-aaruga sa Anak
h. Guro at Tagapagturo ng Relihiyon
i.
Mga Kapwa Kabataan
j.
Paman ng Kultura
k. Katayuang Panlipunan-pangkabuhayan
l.
Media
Malinang ang mga sumusunod na kasanayan sa mga mag-aaral:
a. Pagtukoy sa mga panlabas na salik na nakaiimpluwensya sa paghubog
ng pagpapahalaga
b. Pagtukoy sa mga kontribusyon ng bawat panlabas na salik sa
paghubog ng pagkatao ng tao
c. Pagiisa-isa ng mga positibo at negatibong impluwensya ng mga
panlabas na salik na maaaring makaimpluwensya sa paghubog ng
sariling mga halaga
d. Pagsasagawa ng isang “Watchlist” na maglalaman ng mga Positibo at
Negatibong Impluwensya na haharapin sa loob ng isang linggo at
pagtatala kung ano ang ginawang pagtugon sa mga impluwensyang ito
131

Mga Layuning Pampagkatuto
Ipabasa sa mga mag-aaral ang pahina 238. Isa-isahin ang mga layuning
pampagkatuto para sa Modyul 11 na nasa loob ng kahon.
Sabihin:
binasa?
Mayroon ba kayong gustong linawin tungkol sa mga layuning
2. PAUNANG PAGTATAYA
Pasagutan ang paunang pagtataya sa pahina 239-240.
1. Hayaang markahan ng mga mag-aaral ang kanilang sariling papel gamit
ang susi sa pagmamarka sa Annex 1.
2. Makatutulong din kung isusulat ng guro sa pisara ang susi sa
pagmamarka.
3. Ipabilang sa mag-aaral ang kabuuang iskor na kanilang nakuha. Ipataas
ang kamay ng mga batang nakakuha ng perpektong iskor at bilangin ang
132
mga ito. Itala sa pisara ang kabuuang bilang. Ipataas ang kamay ng
nakakuha ng 5-9. Gayun din ang gawin para sa 0 hanggang 4 na iskor.
Hayaan silang ipaliwanag ang kanilang naging sagot.
4. Pagkatapos nito itanong sa mga mag-aaral 2 katanungan na
matatagpuan sa pahina 6 para sa karagdagang talakay at paglilinaw.
3. PLANO NG PAGTUTURO-PAGKATUTO
 Pag-uugnay sa Nakaraang Modyul
Sabihin:
Naging malinaw sa iyo na may mga panloob na salik na
nakaiimpluwensiya sa paghubog ng pagpapahalaga ng tao. Nakita mo rin
ang kahalagahan ng lubos ng pag-unawa sa mga panloob na salik na ito
upang malinang mo ang iyong sarili sa tamang paggamit ng mga salik na ito.
Sa araling ito muling susubukin ang iyong pagiging mapagbantay sa iyong
sarili sa pagsisikap na malinang ang mga positibo mong pagpapahalaga.
U. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN
Paalala: Maaring ipagawa na ito bilang takdang-aralin. Kailangan
lamang ang malinaw na pagpapaliwanag ng panuto upang
magabayan ang mga mag-aaral.
133
1. Atasan silang gumawa ng ganitong tsart para sa pagsusuri sa mga salik na
nakaiimpluwensiya sa kanilang pagpapahalaga.
2. Ipasulat sa mga mag-aaral sa pisara ang mga salik na kanilang kinilala na
nakaiimpluwensiya sa kanilang pagpapahalaga o pag-uugali.
3. Batay sa mga nakatalang ito. Atasan ang mga mag-aaral na magpangkat
batay sa salik na nakatala sa pisara, maaaring apat, lima o anim.
4. Atasan ang mga kasapi ng bawat pangkat na gumawa ng parehong tsart at
pagsama-samahin ang kanilang naging indibiduwal na sagot. Magpagawa
din ng paglalagom batay sa naging resulta ng kanilang ginawa.
5. Bigyan sila ng 15 minuto para sa gawaing ito. Pagkaraan ng 15 minuto
hayaang ipaskil at ipaliwanag ng taga-ulat ang ginawa ng kanilang pangkat.
6. Pagawin sila ng paglalagom matapos ang pag-uulat ng lahat ng pangkat.
V. PAGLINANG NG KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PAG-UNAWA
Paalala:
Kailangang maging pamilyar kung paano laruin ang “Pinoy
Henyo” para sa bahaging ito. Ihanda ang mga sumusunod:
 mga salitang/parirala na kailangang pahulaan (ibabatay sa
salik na kanilang tinalakay sa unang gawain)
 meta strips na susulatan ng mga salitang pahuhulaan
 tape
Maaaring kumuha
 timer
dito ng pariralang
gagamitin sa
pagpapahula
134



Magtanong sa mga mag-aaral kung sino ang boluntaryong sasali sa larong
pinoy henyo. Maaaring pumili ng sampong mag-aaral na sasali sa laro. Hatiin
ang sampo sa dalawang pangkat.
Pumili ng magiging timer at scorer. Ang ibang mag-aaral sa klase ay hahatiin
sa dalawang pangkat na papanig sa dalawang pangkat na maglalaro. Sila
ang tagasagot ng oo, hindi, pwede sa tanong ng manlalaro.
Narito ang paraan kung paano gagawin ang laro:
1. Ang dalawang pangkat na maglalaban ay mag toss coin kung anong
pangkat ang mauunang maglalaro.
2. Ang nanalong pangkat ay pipili ng kanilang representative na siyang
unang sasabak sa laro.
3. Lalagyan siya sa noo ng strip ng papel na nakasulat ang parirala na
iuugnay sa mga salik na nakaiimpluwensiya sa pagpapahalaga o paguugali ng tao.
4. Upang magabayan siya sa paghuhula hihingi siya ng clue sa kanyang
mga kapangkat sa pamamagitan ng pagtatanong sa kanila. Ang tanong
ay maaari lamang sagutin ng OO, HINDI, PWEDE.
5. Bibigyan siya ng 2 minuto para hulaan ang tamang salik na tinutukoy ng
parirala sa kanyang noo. Kapag nahulaan niya nang tama magkakaroon
ng puntos ang kanilang pangkat.
6. Ang kabilang pangkat naman ang bibigyan ng pagkakataon.
7. Ang pangkat na makakuha ng pinakamataas na puntos ang mananalo.
8. Pagkatapos ng laro, ipagawa ang gawain sa pahina 243-245.
135
W. PAGPAPALALIM
Panuto:
Mahalagang may sariling sipi ng babasahing ito ang bawat magaaral. Gawing takdang-aralin ang pagbabasa ng babasahing ito. Pagawin
sila ng tala (notes) ng mga konseptong matatagpuan sa babasahin. Mas
mainam ang pagtsek ng mga tala ng konsepto na kanilang ginawa upang
maramdaman ang kaseryosohan sa pagpapagawa ng gawaing bahay.
Mahalagang mabasa at makapagtala sila bago ang pagtatalakay
upang handa sila sa gawain sa klase.


Kung kinakailangan, ipabasa ang kabuuang sanaysay sa pahina 246-250.
Bigyan ang mga mag-aaral ng 15 minuto upang gawin ito. Matapos ang 15
minuto pangkatin ang mga mag-aaral sa anim na pangkat o depende sa
bilang ng mga mag-aaral. Hayaang magtalaga sila ng lider, tagasulat at tagaulat.
Ibigay ang bahaging ito ng babasahin sa pahina 246-247 sa unang pangkat.
Atasan silang ipaliwanag ang konseptong kanilang naunawaan mula sa
kanilang binasa. Hayaan silang gumamit ng graphic organizer sa paggawa
nito
136

Atasan ang mga mag-aaral na kabilang sa ikalawang pangkat na talakayin
ang mga konseptong nakapaloob sa babasahin sa pahina 247. Hikayatin na
gumamit sila ng graphic organizer sa pagsasagawa nito.
137

Ang pahina 247-248 ng babasahin ay ipatatalakay sa pangkat 3.

Ang ikaapat na salik sa pahina 248 ay tatalakayin ng ikaapat na pangkat.
138

Ibigay ang ikalimang salik sa ikalimang pangkat.

Ang huling salik ay ibigay sa ikaanim na pangkat.


Ipapaskil ang mga output ng bawat pangkat sa pisara at ipaulat ito.
Matapos ang mga pag-uulat, tiyaking magbigay ng paglilinaw sa ilang mga
mahahalagang konseptong hindi naipaliwanag nang wasto at sapat.
Pasagutan ang tayahin natin ang iyong pag-unawa. Bigyan sila ng 5 minuto
upang gawin ito.

Ipaskil o
isulat sa
pisara ang
mga tanong
na ito na
matatagpua
n sa pahina
18.
139
Magpaskil o gumuhit sa pisara ng replica ng graphic organizer.

Tumawag ng ilang mga mag-aaral upang punan ang graphic organizer.
Ipasulat sa mag-aaral ang nabuong konsepto sa ilalim ng nakapaskil na
graphic organizer. Piliin ang konseptong pinakamalapit sa Batayang
Konsepto:
Ang pag-unawa sa mga panlabas na salik na nakaiimpluwensya ng
pagpapahalaga ay nakatutulong upang maging mapanuri at mapanindigan
ang tamang pasya at kilos sa gitna ng mga nagtutunggaliang impluwensya.
X. PAGSASABUHAY NG MGA PAGKATUTO
Paalala: Ang bahaging ito ay maaaring ipagawa
bilang takdang aralin subalit kailangang
ipaliwanag sa mga mag-aaral ang inaasahan na
magagampanan nila sa bahaging ito.
140
 Ipaliwanag sa ang bahaging ito sa mga mag-aaral.
Pagganap
Pagninilay

Atasan ang mga mag-aaral na pagnilayan ang kanilang mga natuklasan sa
sarili kaugnay ng epekto ng mga panlabas na salik na nakaiimpluwensiya sa
pagpapahalaga.
141


Ipapasa sa mga mag-aaral ang kanilang journal o reflection notebook upang
mabasa ang ginawa nilang pagninilay at markahan ito gamit ang rubric sa
Annex 2.
Pagsasabuhay
Ipagawa sa mga mag-aaral ang pagsasabuhay sa pahina 256. Ipaliwanag
ang
panuto kung paano ito gagawin. Magbigay ng paglilinaw kung
kinakailangan.
142
Gabay sa Pagtuturo
Modyul 13: Mangarap Ka !
IV. MGA LAYUNIN
MGA PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Pangnilalaman
Pagganap
Naipamamalas ng mag-aaral ang pagNaisasagawa ang malinaw at
unawa sa mga konsepto tungkol sa
makatotohanang pagtatakda ng sariling
pagtatakda ng mga mithiin, mga salik at mithiin at ang mga paraan sa pagkamit
hakbang sa pagpapasya tungo sa
nito.
tamang direksyon ng buhay at
pagtupad ng mga pangarap.
Batayang Konsepto: Ang pagtatakda ng malinaw at makatotohanang mithiin ay
nagsisilbing gabay sa tamang pagpapasya tungo sa tamang direksyon sa buhay at
pagtupad ng mga pangarap.
C. MGA LAYUNIN SA PAGTUTURO
3.1
Magabayan ang mga mag-aaral sa pag- unawa sa mga sumusunod
na paksa;
a. Pagkakaiba ng Pangarap at Mithiin
b. Mga Katangian ng taong May Pangarap
c. Ang mga Pamantayan sa Pagtatakda ng Mithiin
d. Ang Pangmatagalan at Pangmadaliang Mithiin
e. Mga Hakbang sa Pagtatakda ng Mithiin
4.1
Malinang ang mga sumusunod na kasanayan sa mga mag-aaral:
a. Pagtukoy ng pagkakaiba ng pangarap at mithiin sa pamamagitan
ng mga larawan
b. Pagsuri at pagpapaliwanag ng kahulugan ng pangarap sa
pamamagitan ng isang awit
c. Pagtukoy ng mga gawi at pagpapahalaga na nakatutulong sa
pagtupad ng pangarap sa pamamagitan ng mga anekdota
d. Paghihinuha ng batayang konsepto
e. Pagtatakda ng sariling mithiin
f. Pagtataya ng itinakdang mithiin
g. Paggawa ng plano ng pagsasakatuparan ng mithiin
143
D. MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO
Ipabasa sa mga mag-aaral ang pahina 1- 2. Isa-isahin ang mga layuning
pampagkatuto para sa Modyul 1.
Sabihin:
binasa?
Mayroon ba kayong gustong linawin tungkol sa mga layuning
V. PAUNANG PAGTATAYA
Pasagutan ang paunang pagtataya sa pahina 2-4. Hayaang markahan ng
mga mag-aaral ang kanilang sariling papel gamit ang susi sa pagmamarka.
Makatutulong din kung isusulat ng guro sa pisara ang susi sa pagmamarka.
144
Ipabilang sa mag-aaral ang kabuuang iskor na
kanilang nakuha. Ipataas ang kamay ng mga batang
nakakuha ng iskor na 10 at bilangin ang mga ito. Itala sa
pisara ang kabuuang bilang. Ipataas ang kamay ng
nakakuha ng 5 hanggang 9 na puntos; bilangin at itala sa
pisara ang kabuuang bilang. Gayundin ang gawin para sa
0 hanggang 4 puntos.
Kung lahat halos ng mga mag-aaral (95%) ay nakakuha
ng iskor na 10, maaring dumako na ang guro sa bahaging
Pagpapalalim.
VI.
PLANO NG PAGTUTURO-PAGKATUTO
D. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN
Mga Hakbang:
1. Ipagawa ang Gawain I sa Pahina 261-262.
145
2. Basahin.
3. Pasagutan ang sumusunod na tanong.
Mangarap Ka!
After Image Band
I.
Simulan mo sa pangarap ang
iyong minimithi
At ito'y iyong damhin
At itanim mo sa iyong puso at
ito ay lalaki
Ikaw rin ang aani
Hayaan mong lumipad ang isip
Sa lawak ng langit
Ito'y umaawit
At ito'y nagsasabing
Koro: Mangarap ka
Mangarap ka
Dinggin ang tawag ng iyong
loob
Umahon ka
Umahon ka
Mula sa putik ng iyong mundo
II.
Simulan mo sa pangarap ang
iyong minimithi
At ito'y iyong dalhin
Bawat panaginip na taglay ng
iyong isip
Palayain mo at ilipad tungong
langit
Ang iyong tinig ay aawit
146
Talakayin ito sa klase.
E. PAGLINANG NG KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PAG-UNAWA
1. Ipabasa ang mga anekdota sa Pahina 263-265.
2. Hatiin sa apat na pangkat ang mga mag-aaral.
3. Bigyan ang bawat pangkat ng Manila Paper at Pentel Pen.
147
4. Pasagutan ang mga sumusunod na tanong tungkol sa mga binasang
anekdota sa Pahina 265. Hayaang magkaroon ng talakayan ang bawat
grupo.
Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat sa kwaderno ang
iyong mga sagot.
1. Ano ang pangarap ni Roselle? Paano natupad ang
kanyang mga pangarap? Ipaliwanag.
2. Anu-anong mga katangian ni Roselle ang nagbigay daan
upang siya’y magtagumpay? Pangatwiranan.
3. Sapat ba ang magkaroon ka lamang ng pangarap at
itinakdang mga mithiin?
4. Masasabi mo bang naayon sa plano ng Diyos ang kanyang
mga mithiin? Ipaliwanag.
5. Ipasulat sa Manila Paper at ipaulat sa klase ang mga naging sagot ng
bawat pangkat.
6. Gawing takdang-aralin ang bahaging ito.
F. PAGPAPALALIM
Paalala: Makatutulong kung ang sanaysay ay ipababasa na sa mga magaaral bilang Takdang Aralin.
1. Ipabasa ang sanaysay sa Pahina 266-275.
148
2. Itanong sa mga mag-aaral. “Ano ang pangarap mo sa buhay?” Tumawag
ng ilan.
3. Sabihin: Basahin natin ang sanaysay na may pamagat na “Mangarap
Ka!.”
4. Bigyan ng 15 minuto ang mga mag-aaral upang basahin ang sanaysay.
5. Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat. Hayaan silang magtalaga ng
kanilang pinuno at tagapagtala.
6. Ibigay sa mga ito ang mga inihandang concept organizers sa Manila
Paper at ang mga activity cards para sa mga panuto at karagdagang
kaalaman tungkol sa gawain.
Mga Activity Cards
149
7. Ipapaskil ang mga output ng bawat pangkat sa pisara at ipaulat ito.
8. Matapos ng mga pag-uulat, tiyaking magbigay ng paglilinaw sa ilang mga
mahahalagang konspetong hindi naipaliwanag nang wasto at sapat.
9. Pasagutan ang Tayahin ang Iyong Pag-unawa sa pahina 21. Bigyan sila ng 5
minuto upang gawin ito.
10. Magpaskil o gumuhit sa pisara ng replica ng graphic organizer sa pahina 22.
Tumawag ng ilang mga mag-aaral upang punan ang graphic organizer. Ipasulat
sa mag-aaral ang nabuong konsepto sa ilalim ng nakapaskil na mga output ng
bawat pangkat na graphic organizer.
150
11. Piliin ang konseptong pinakamalapit sa Batayang Konsepto na nasa sumusunod
na kahon:
Batayang Konsepto: Ang pagtatakda ng malinaw at makatotohanang mithiin
ay nagsisilbing gabay sa tamang pagpapasya tungo sa tamang direksyon sa
buhay at pagtupad ng mga pangarap.
G. PAGSASABUHAY
1. Sabihin
151
2. Ipagawa ang pagsasabuhay
3. Sabihin
Maaring dagdagan ang
paliwanag upang higit na
maging malinaw ang panuto.
4. Ipaskil sa pisara ang inihandang halimbawa ng Tsart ng Mga Mithiin.
152
5. Bigyan ang mga mag-aaral ng panahon upang punan ang Tsart ng Mithiin.
6. Talakayin.
7. Ipagawa ang Pagsasabuhay sa Pahina 281.
153
Mga Sanggunian:
©2001 All Rights Reserved. H&H Publishing Company, Inc.
http://www.hhpublishing.com/_onlinecourses/study_strategies/BSL/motivation/E5.ht
ml, hinango noong Nobyembre 12, 2009
http://www.indianola.k12.ia.us/high-school/guidance.html, sinipi noong Nobyembre
12, 2009, Indianola High School I 1304 East First Avenue I Indianola, IA 50125
I 515-961-9510 I Fax: 515-961-9519, website designed & maintained by EDJE
Technologies
http://www.careerliftoff.com/career_guidance.htm, © 2002 - 2007 career liftoff®, All
Rights Reserved, hinango noong Nobyembre 10, 2009
http://www.articlesbase.com/goal-setting-articles/5-ways-setting-goals-will-improveyour-life-1768259.html, hinango noong Nobyembre 10, 2009
http://www.istadia.com/article/robrobson/2, hinango noong Nobyembre 10, 2009
http://www.bigsuccessx.com/dream.php, hinango noong Nobyembre 10, 2009
Mga Larawan, hinango sa:
www.clipartof.com/detailsclipart/42294.html, May 17, 2011
www.thematter.wordpress.com, May 17, 2011
www.atallook.deviantart.com, May 17, 2011
www.defenselink.mil, May 18, 2011
www.123rf.com, May 18, 2011
www.easyvectors.com, May 18, 2011
Mga Kakailanganing Kagamitan:
1. Mga Activity Card (Gabay Pampagtuturo)
2. Mga Anekdota sa Gabay Pampagtuturo
3. Mga sumusunod na tsart:
3.1 Fishbone Diagram
3.2 Hierarchical Organizer
3.3 Idea Web Graphic Organizer
3.4 Graphic Organizer sa Paghihinuha ng Batayang
Konsepto
3.5 Tsart ng Mithiin
3.6 Plano ng Pagsasagawa ng Mithiin
4. DVD Player at T.V. o Computer
154
Gabay sa Pagtuturo
Modyul 14: ANG KAHALAGAHAN NG MABUTING
PAGPAPASYA SA URI NG BUHAY
VII. MGA LAYUNIN
MGA PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Pangnilalaman
Pagganap
Naipamamalas ng mag-aaral ang pagNakagagawa ng pahayag ng layunin sa
unawa sa mga konsepto tungkol ang
buhay batay sa mga hakbang sa tama
kahalagahan ng makabuluhang
at mabuting pagpapasya
pagpapasya sa uri ng buhay
Batayang Konsepto: Ang matuwid at tamang pagpapasya ay mahalaga sa
pagkakaroon ng makabuluhang buhay at ganap na pagpapakatao.
E. MGA LAYUNIN SA PAGTUTURO
5.1
Magabayan ang mga mag-aaral sa pag- unawa sa mga sumusunod
na paksa;
f. Moral Dilemma ni Kohlberg
g. Mabuting Pagpapasya
h. Ang Pahayag ng Layunin sa Buhay o Personal Mission Statement
i. Mga Hakbang sa Mabuting Pagpapasya
6.1
Malinang ang mga sumusunod na kasanayan sa mga mag-aaral:
a. Pagsusuri ng mga nagawang pagpapasya
b. Paglalagay ng sarili sa sitwasyon o kalagayan ng iba upang mapili
ang higit na mabuting pasyang maaring gawin nito
c. Pagsusuri ng Moral Dilemma ni Kohlber
d. Pagbibigay ng kahulugan sa mabuting pagpapasya
e. Pagsusuri ng mga naging pasya ng mga tauhan sa isang maikling
kwento
f. Pag-uugnay ng tagumpay ng isang matagumpay na negosyante
sa mga mabuting pasya na kaniyanng ginawa
g. Pagpapaliwanag ng proseso ng mabuting pagpapasya
h. Pagtutukoy ng mahahalagang konsepto sa binasang sanaysay
i. Pagsulat ng pansariling layunin sa buhay
F. MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO
Ipabasa sa mga mag-aaral ang pahina 283. Isa-isahin ang mga
layuning pampagkatuto para sa Modyul 1.
Sabihin: Mayroon ba kayong gustong linawin tungkol sa mga layuning
binasa?
155
G. PAUNANG PAGTATAYA
1. Pasagutan sa mga mag-aaral ang Paunang Pagtataya sa Pahina 284-286.
Hayaang markahan ng mga mag-aaral ang kanilang sariling papel gamit ang
susi sa pagmamarka sa Annex 1. Makatutulong din kung isusulat ng guro sa pisara
ang susi sa pagmamarka.
156
VIII.
PLANO NG PAGTUTURO-PAGKATUTO
Ipabilang sa mag-aaral ang kabuuang iskor na kanilang nakuha.
Ipataas ang kamay ng mga batang nakakuha ng iskor na 10 at bilangin
ang mga ito. Itala sa pisara ang kabuuang bilang. Ipataas ang kamay
ng nakakuha ng 5 hanggang 9 na puntos; bilangin at itala sa pisara ang
kabuuang bilang. Gayundin ang gawin para sa 0 hanggang 4 puntos.
Kung lahat halos ng mga mag-aaral (95%) ay nakakuha ng iskor na 10,
maaring dumako na ang guro sa bahaging Pagpapalalim.
H. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN
Mga Hakbang
1. Ipagawa ang Gawain 1 sa Pahina 287.
2. Pasagutan ang mga tanong sa
Pahina 288.
157
3. Pasagutan ang Gawain 2.
Makatutulong kung ipapaskil sa pisara
ang mga katulad na paglalarawan.
4. Ipasuri ang mga naging pagpapasya sa mga mag-aaral.
Gamiting gabay sa talakayan ang mga sumusunod na mga tanong.
Makatutulong rin kung may nakasulat sa pisara ang mga tanong na ito.
I. PAGLINANG NG KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PAG-UNAWA
1. Saliksikin at ibahagi ang maikling kasaysayan ng Theory of Moral
Development ni Kohlberg
2. Basahin
158
3. Pangkatin ang mga mag-aaral. Hayaang talakayin ng mga ito ang mga sagot
sa mga tanong tungkol sa mga sinuring Moral Dillema.
4. Hayang magbahagi ang ilang miyembro ng bawat pangkat sa klase.
5. Ipabasa ang sumusunod na anekdota.
159


Maaring ipasadula ang maikling kuwento tungkol kay Mark.
Maari ring pumili ng isang mag-aaral na mahusay sa pagkukuwento. Ipabasa
sa kanya ang kuwento ni Mark.
6. Pasagutan ang sumusunod na tanong. Magsimula ng malayang talakayan.
7. Ipaskil ang inihandang tsart ng pagsusuri ng mga pasya ng mga tauhan sa
maikling kuwento.
8. Sabihin
9. Ipasuri ang mga naging pagpapasya ni Mark.
10. Ipaskil sa pisara ang sumusunod na halimbawa.
Maari ring gawing pangkatan ang gawaing ito.
11. Ipasulat muli ang anekdota sa kuwaderno.
12. Basahin at ipaliwanag ang Rubric sa Pagtataya ng pagsusuri.
160
13. Pasagutan ang sumusunod na tanong sa Pahina 296.
14. Ipabasa ang talambuhay sa pahina 296-297 at pasagutan ang mga tanong
sa pahina 297-298.
161
Maaaring gawing takdang-aralin ang pagbasa ng talambuhay.
Ipasulat sa kuwaderno ang sagot sa mga tanong na ito.
15. Ipasuri ang sumusunod na paglalarawan. Sabihing ito ang proseso ng
mabuting pagpapasya. Tumawag ng ilan upang ipaliwanag ito.
Sa huli’y bigyang-linaw ang ilang mga bagay na kailangang bigyan ng
paglilinaw.
162
16. Itanong:
17. Ipasuri ang mga halimbawa ng personal mission statement o layunin sa
buhay sa Pahina 299.
18. Ibigay ang sumusunod na gawain sa Pahina 300 bilang takdang-aralin.
163
J. PAGPAPALALIM
Paalala: Makatutulong kung ang sanaysay ay ipababasa na sa
mga mag-aaral bilang Takdang Aralin.
1. Ipabasa ang sanaysay sa mga pahina 300-306.
2. Pasagutan ang mga tanong sa pahina 306.
3. Ipaskil sa pisara ang inihandang Tsart ng graphic organizer para sa
Paghihinuha ng Kakailanganing Pag-unawa o Batayang Konsepto.
4. Pangkatin ang mga mag-aaral. Hayaang magkaroon ng talakayan ang
mga mag-aaral sa loob ng 5 minuto kung ano ang kanilang isusulat sa
tsart.
5. Ipapaskil ang kanilang mga isinulat.
164
6. Ipaulat ang mga isinulat na Batayang Konsepto.
K.
1.
PAGSASA BUHAY NG MGA PAGKATUTO
Ipagawa sa mga mag-aaral ang Pagganap sa pahina 307.
2. Ipagawa ang pagninilay sa pahina 307.
165
3. Basahin
Kung kailangan,
ipaskil ang mga
mungkagi ni Sean
Covey tungkol sa
pagsulat ng
mahusay na
pansariling
pahayag ng
layunin sa buhay.
166
Gabay sa Pagtuturo
Modyul 15: Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Kursong
Akademiko o Teknikal-Bokasyonal o Negosyo
IX. MGA LAYUNIN
MGA PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Pangnilalaman
Pagganap
Natutukoy ang mga personal na salik na Naipakikita ang pagkilala sa sarili at
kinakailangang paunlarin kaugnay ng ang kasanayan sa pagtatakda ng
pagpaplaplano ng kursong akademiko o mithiin sa pamamagitan ng paggawa ng
teknikal-bokasyonal,
negosyo
o Goal Setting and Action Planning Chart
hanapbuhay
Batayang Konsepto: Ang pagiging tugma ng mga personal na salik sa mga
pangangailangan (requirements) sa napiling kursong akademiko o teknikalbokasyonal, negosyo o hanapbuhay, ay daan upang magkaroon ng
makabuluhang hanapbuhay o negosyo at matiyak ang pagiging produktibo at
pakikibahagi sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa.
H. MGA LAYUNIN SA PAGTUTURO
7.1
Magabayan ang mga mag-aaral sa pag- unawa sa mga sumusunod
na paksa;
j. Ang Mga Pansariling Salik sa Pagtatakda ng Mithiin
k. Ang SMARTA o Mga Pamantayan sa Pagtatakda Mithiin
l. Mga Key Employment Generators
8.1
Malinang ang mga sumusunod na kasanayan sa mga mag-aaral:
j. Pagtukoy ng mga pansariling salik na nakaiimpluwensya sa
pagtatakda ng mithiin
k. Paggawa ng ulat ng pagpapalakas ng kahinaan ayon sa MI o
Chart of Abilities
l. Paggawa ng ulat ng pagpapaunlad ng interes
m. Pagtatakda ng mithiin ayon sa mga pamantayan sa pagtatakda ng
mithiin
n. Pagsusuri ng mga salik sa pagpili ng kursong akademiko o
teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay sa pamamagitan ng
anekdota o maikling kwento ng pagtatagumpay ng dalawang
Pilipino
o. Pagpapaliwanag ng mahahalagang konsepto sa binasang
sanaysay
p. Paggawa ng Force Field Analysis ng mga itinakdang kursong
akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo, o hanapbuhay.
q. Pagbubuo ng Goal-Setting and Action Planning Chart
167
I. MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO
Isa-isahin ang mga layuning pampagkatuto. Tiyaking malinaw sa mga magaaral ang mga ito.
J. PAUNANG PAGTATAYA
1. Basahin ang panuto.
168
K. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN
Makatutulong na bilang motibasyon, may nakapaskil ding katulad na
paglalarawan sa pisara. Magkaroon ng malayang talakayan tungkol dito. Maaring
gamitin ang mga tanong sa pahina 312, para sa malayang talakayan.
Matapos ang malayang talakayan ay
pasagutan sa mga mag-aaral ang mga
tanong sa kanilang kuwaderno.
169
Maaaring tumawag ng ilang mag-aaral
upang sagutin ang mga tanong na ito
bago pa ito pasagutan sa kuwaderno. Sa
ganitong paraan magkakaroon muna siya
ng ideya kung paano ito sasagutan.
Basahin ang sumusunod na panuto sa pahina 6 mga mag-aaral.
Sa bahaging ito ay iniuugnay ang
mga nagdaang aralin sa unang
markahan sa kasalukuyang aralin.
Makatutulong kung ang bahaging
ito ay gawing takdang-aralin o
araling-bahay.
170
Ang tanong sa pahina
EXPLORING OCCUPATIONS WORKSHEET
Mga Kinakailangang Impormasyon
Mga Pangunahing Gawain o
Tungkulin
Trabaho o Negosyo:
Halimbawa: Pagdodoktor/ Medisina
Betirinaryo
Manggamot ng mga hayop
Para sa Negosyo: Gaano kalaki ang
puhunan?
Php 600, 000 humigit kumulang
Natapos na antas ng pag-aaral o
natapos na kursong akademiko o
teknikal bokasyonal?
Medisina
Mga kinakailangang kasanayan
Panggagamot
Pag-oopera
Pagtitimpi, pagtitiyaga, pagmamahal
Pag-aalaga ng hayop
May pagkakataong may kaunting
panganib na makagat ng mga hayop
Mga pagpapahalaga
Mga kaugnay na interes o hilig
Kalagayan sa paggawa (working
conditions) Halimbawa: Maingay ang
171
paligid, nakatayo, maraming taong
kailangang harapin, mabilis ang mga
transaksyon, walang masyadong
kahalubilong tao, mabagal ang
transaksyon, at iba pa.
Mga oportunidad sa paglago bilang
manggagawa, empleyado o
negosyante
Maaring kitain o sahurin
Iba pang mga benepisyo (travel o
pangingibangbayan, scholarships, at
iba pa)
Ano ang pinakagusto mo sa napiling
trabaho o negosyo?
Ano ang pinakaayaw mo sa napiling
trabaho o negosyo?
na ginagamot
Maaring magtayo ng sariling klinika.
Maaring maghayupan (poultry,
piggery, cattle raising, etc.)
Php 800, 000 humigit kumulang sa
isang taon
Nakadadalo sa mga kumbensyon
para sa mga beterinaryo sa loob at
labas ng bansa
Nasisiyahan sa pag-aalaga ng iba’t
ibang uri ng mga hayop
Ang panganib na makagat ng mga
pasyenteng ginagamot
Gumawa ng portfolio ng mga ginawang pagsukat at pagtataya ng mga
pansariling salik sa pagpili ng kursong akademiko o teknikal-bokasyonal,
negosyo hanapbuhayo. Ang portfolio ay maglalaman ng mga sumusunod:
 Chart of Abilities (Pagraranggo ng mga kakayahan, ang paliwanag sa
resulta ng pagtataya ng kakayahan sa pamamagtan ng Chart of Abilities,
at ang ginawang pagninilay tungkol dito.)
 Multiple Intelligences Survey
 Interest Focus Inventory (Chart of Interest, Chart of Focuses, at ang
ginawang pagninilay tungkol dito)
 Mga Sariling Pagpapahalaga Kaugnay ng Paggawa ( Kasama rin ang
paliwanag tungkol sa mga pagpapahalagang ito at ginawang pagninilay)
172
Rubric sa Pagtataya ng Portfolio
Puntos
Mga
Nilalaman
21-25
Lahat ng
mga gawain
ay
nakapaloob
kasama ang
mga
ginawang
paliwanag
at
pagninilay
at may iba
pang
karagdagan.
Makikita sa mga
awtput na
naunawaan ng
mga mag-aaral
ang konseptong
kailangang
matutunan.
Lahat ng
mga gawain
ay
nakapaloob
kasama ang
mga
ginawang
paliwanag
at
pagninilay.
Makikita sa
awtput na sa
pangkalahatan ay
naunawaan ng
mag-aaral ang
konseptong
kailangang
matutunan.
Lahat ng
mga gawain
ay
nakapaloob
Makikita sa
awtput na
bahagyang
naunawaan ng
mag-aaral ang
konseptong
16-20
11-15
Konsepto
Pagninilay
Kabuuan
Ipinakikita sa mga
isinulat na
pagninilay ang
malinaw na
pagkilala sa sarili
at ang kasanayan
sa pagsusuri ng
mga sarili.
Ang mga
nilalaman ay
malinaw na
naisa-isa at
naipakita ang
kaugnayan ng
bawa’t isa,
may
kaayusan, at
malikhaing
nailathala.
Ipinakikita sa mga
isinulat na
pagninilay ang
pagkilala sa sarili
ng mag-aaral.
Ang mga
nilalaman ay
naisa-isa at
naipakita ang
kaugnayan ng
bawa’t isa.
Ipinakikita sa mga
isinulat na
pagninilay na may
bahagyang
pagkilala sa sarili
ang mag-aaral.
Ang mga
nilalaman ay
bahagyang
naisa-isa
ngunit sa
pangkalahatan
Naipakita na
nahasa ang
kasanayang
layuning sanayin
sa pamamagitan
ng mga gawain
Naipakita na sa
pangkalahatan ay
nahasa ang mga
kasanayang
layuning sanayin
sa pamamagitan
ng mga gawain.
173
kailangang
matutunan.
ay wala itong
kaayusan.
Naipakita na sa
pangkalahatan ay
bahagyang
nahasa ang mga
kasanayang
layuning sanayin
sa pamamagitan
ng mga gawain.
6-10
Isang
gawain lang
ang
nilalaman
0-5
Walang
ipinasang
gawain
Ang mga awtput
ay hindi
nagpapakita ng
pagkatuto o
kasanayan.
174
Ang mga nasulat
na pagninilay ay
nagpapakita ng dimalinaw na
pagkilala sa sarili.
Ang mga
nilalaman ay
hindi naisa-isa
at walang
kaayusan.
Mga
Minimithing
Karera
Mga
Pansariling
Salik na tugma at
kailangang
paunlarin para sa
minimithing
Karera (Negosyo o
Trabaho)
Mga
KEG
na
tugma
sa
minimithing
Karera
(Negosyo o
Trabaho)
Halimbawa:
Tugma
1. Beterinaryo
2. Pediatrician
3. Guro
o
Collage
Instructor
Interes: Mahilig sa
pag-aalaga
ng
hayop
Health/
Medical
Tourism
(Isulat
ang
tatlong
pinakamimithi
sa lahat)
Agribusiness
Pagpapahalaga:
Pasensyosa, may
pagpapahalaga sa
kalinisan
at
kaayusan (malinis
at maayos); magiliw
sa mga bata
Kakayahan:
May
sapat na talino at
may malusog na
pangangatawan
Kailangang
Paunlarin
Interes: Hilig
asignaturang
Biology
sa
Pagpapahalaga:
Pagiging
palakaibigan
o
pagiging
people
oriented
Kakayahan:
Paghahanda
ng
mga kagamitan sa
pagtuturo
175
Limang
Trabahong/Negosyon
g Angkop sa Akin
1. Beterinaryo
2. Surgeon
Iba pa na maaring
bigyan ng
konsiderasyon
3. Nurse
4. Dentist
5. Optometrist
Mga Nakatutulong na pansariling salik
sa pagpili ng kurso o negosyo:
Pagpapahalaga – Kasipagan sa pagaaral
Interes – Hilig sa pagbabasa
Kakayahan
(basketball)
–
Palakasan
o
isports
Mga nakahahadlang na pansariling
salik sa pagpili ng kurso o negosyo:
Mga Paraan Upang Pag-ibayuhin
ang mga ito:
- Pagpasok ng maaga sa mga
klase at paghahanda sa mga ito
- Pagsali sa mga “clubs” o
organisasyon sa paaralan
- Pagbili ng maraming aklat sa
second hand shops
- Pagkain ng tama at pageehersisyo
Mga Paraan upang ito ay baguhin:
-
Pagpapahalaga – Labis na pakikisama
sa barkadang maaring masamang
impluwensya
Interes – Mahilig sa paglalaro ng video
games
Kakayahan – Mahina sa matematika
176
-
-
Pagsama sa mga kaibigang
masipag mag-aral
Gawin lamang ito sa araw na
walang pasok at mga gawain sa
paaralan
Pagpapaturo sa mga kaklaseng
mahusay sa matematika
177
Rubric sa Pagtataya ng Goal Setting at Action Planning Chart
Mga Pang-uri
1.
Lubos na
Kasiya-siya
Pagsunod sa
pamantayan sa
pagtatakda ng
mithiin - ang
SMARTA :
S – pecific (Tiyak)
M - easurable
(Nasusukat)
A - ttainable
(Naabot/Makatotohan
an)
R - elevant
(Makabuluhan)
T - ime-bound (May
itinakdang panahon)
A - ction oriented (May
kaakibat na pagkilos)
2.
Pagtukoy sa mga
tiyak na hakbang
tungo sa pagkakamit
ng mithiin
178
Kasiya-siya
Hindi Kasiyasiya
Rubric sa Pagtataya ng Goal Setting at Action Planning Chart at Accomplishment
Report o Pagtatala ng mga Katuparan sa mga Hakbang sa Pagtupad ng Itinakdang
Mithiin sa Journal
Mga Pang-uri
Lubos na
KasiyaHindi KasiyaKasiya-siya
siya
siya
1. Pagkakaroon ng sistema,
pamamaraan
at
pamantayan sa pagsukat
ng kanyang pagsulong o
pag-unlad
tungo
sa
pagkakamit nito
2. Pagtukoy sa mga maaring
maging balakid o hadlang
sa pagkakamit ng mithiin
at gayundin ng mga
paraan
upang
malampasan ang mga ito
3. Pagkakaroon ng sistema
ng
pagpapabuya
o
paggantimpala para sa
mga nakamit na mithiin
upang magkaroon ng
pagpupunyaging
magpatuloy
4. Pagkakaroon ng puwang
sa mga pagbabago o
pagpapabuti sa plano
179
Gabay sa Pagtuturo
Modyul 16: HALAGA NG PAG-AARAL PARA SA PAGNENEGOSYO
O PAGHAHANAPBUHAY!
X. MGA LAYUNIN
MGA PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Pangnilalaman
Pagganap
Natutukoy ang mga sariling kalakasan
Nakapagbabalangkas ng plano ng
at kahinaan at nakapagbabalangkas ng paghahanda para sa kursong
mga hakbang upang magamit ang mga akademiko o teknikal-bokasyonal,
kalakasan sa ikabubuti at malagpasan
negosyo o hanapbuhay
ang mga kahinaan
Batayang Konsepto: Ang pag-aaral ay naghahasa ng mga kakayahan at
nagbibigay ng kasanayan na mahalaga sa paghahandang pisikal, mental, sosyal
at ispiritwal para sa mundo ng paggawa at sa pagtupad ng bokasyon.
Sa pag-aaral nalilinang ang mga kasanayan, halaga, at talento na makatutulong
sa pagtatagumpay sa napiling hanapbuhay o negosyo.
L. MGA LAYUNIN SA PAGTUTURO
9.1
Magabayan ang mga mag-aaral sa pag- unawa sa mga sumusunod
na paksa;
m. Halaga ng Pag-aaral sa Pagnenegosyo o Paghahanapbuhay
n. Ang Merkado sa Paggawa o Labor Market
o. Unemployment at underemployment
p. Epekto ng Kawalan ng Edukasyon sa Pamumuhay sa Lipunan
q. Mga Paraan ng Pagpapaunlad ng Kasanayan sa Pag-aaral
10.1 Malinang ang mga sumusunod na kasanayan sa mga mag-aaral:
h. Pagtukoy ng mga maaaring maging pag-unlad 10 taon mula
ngayon
i. Pagtukoy ng damdamin at saloobin ng ating pambansang bayani
sa pamamagitan ng pagsusuri ng sanaysay tungkol sa Liham ni
Rizal sa Mga Kababaihan ng Malolos
j. Paggawa ng reaction paper tungkol sa Liham ni Rizal sa Mga
Kababaihan ng Malolos
k. Pagpapalliwanag sa halaga ng pag-aaral
l. Pagsusuri sa kalagayan ng paggawa sa bansa
m. Paggawa ng power point presentation tungkol sa ginawang
panayam
180
n. Pagpapalliwanag ng mga mahahalagang konsepto sa binasang
sanaysay
o. Paghihinuha ng batayang konsepto
p. Pagbubuo ng Study Group
M. MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO
1. Isa-isahin ang mga layuning pampagkatuto sa mga Pahina 337.
2. Itanong kung mayroong nais na paglilinaw ang mga mag-aaral.
A. PAUNANG PAGTATAYA
1. Pasagutan ang paunang pagtataya sa mga mag-aaral. Ipasulat ang kanilang
sagot sa kuwaderno.
181
PLANO NG PAGTUTURO-PAGKATUTO
L. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN
Ipabilang sa mag-aaral ang kabuuang iskor na kanilang nakuha.
Ipataas ang kamay ng mga batang nakakuha ng iskor na 10 at bilangin
ang mga ito. Itala sa pisara ang kabuuang bilang. Ipataas ang kamay ng
nakakuha ng 5 hanggang 9 na puntos; bilangin at itala sa pisara ang
kabuuang bilang. Gayundin ang gawin para sa 0 hanggang 4 puntos.
Kung lahat halos ng mga mag-aaral (95%) ay nakakuha ng iskor na 10,
maaring dumako na ang guro sa bahaging Pagpapalalim.
Mga Hakbang:
1. Pasagutan ang Ako, Sampung Taon Mula Ngayon
2. Ipabasa ang Panuto.
Magpaskil ng tsart ng “Ako, Sampung
Taon Mula Ngayon” at “Ako, Ngayon”
sa pisara.
Ang Aking Trabaho
Anu-ano ang aking mga gawain ? Saan ako nagtratrabaho? Sino-sino ang
mga katrabaho ko? Ako ba ay nasa opisina o lumalabas ng opisina? Ano ang
kalagayan sa aking pinagtratrabahuhan? Ginagamit ko ba ang aking
kasanayan sa paggamit ng lakas, isip, o mga talento?
Ang Aking Natapos na Pag-aaral
Mayroon ba akong titulo sa kolehiyo? Ako ba ay nagpapatuloy sa pag-aaral?
Ako ba ay may karagdagang mga pagsasanay? May mga karagdagan ba
akong kasanayan bukod sa kinakailangan sa aking trabaho? Natupad ko ba
ang aking mithiin sa pag-aaral?
182
Ang Aking Oras sa Paglilibang
Ano ang kinahiiligan kong mga gawain? Mayroon ba akong kasanayang
natutuhan para sa paglilibang? May natamo na ba akong ninanais na gawin
na dati rati’y wala akong panahong gawin? Ako ba ay nagbibiyahe sa ibang
bansa? Sa ibang lugar sa bansa? Ang akin bang tirahan ay may impluwensya
sa uri ng aking paglilibang? Mayroon ba akong panahon sa sarili? Ako ba’y
nakapagbabasa pa ng mga aklat?
Ang Aking Pakikipagkapwa
Paano ako makisama sa ibang tao? May sarili na ba akong pamilya? Ako ba
ay isa nang potensyal na lider? Gusto ba ako ng mga tao? Marami ba akong
kaibigan o iilan lamang? Ako ba ay kasal na? Marunong na ba akong lumutas
ng mga alitan o suliranin sa ugnayan? Gusto ko ba ang makihalubilo sa ibang
tao ? Mas gusto ko ba ang napag-iisa?
3. Pagbuuhin ng dyad ang mga mag-aaral. Hayaan ang mga ito na mamili ng
kanilang makakapareha.
4. Sabihin ang mga alituntunin sa pag-uusap sa isang dyad.
1) Makinig sa nagsasalita. Hintayin ang iyong pagkakataoong magsalita
2) Lahat ng ibabahagi ng kapareha ay opinyon niya kung kaya’t nararapat
na igalang ang mga ito.
3) Huwag lakasan ang boses sa pag-uusap dahil mayroong ibang
magkapareha na nag-uusap din.
5. Ipabahagi sa isa’t isa ang kanilang mga isinulat sa “Ako, Sampung Taon
Mula Ngayon” at “Ako, Ngayon.
6. Pasagutan ang mga tanong sa pahina 8. Ipasulat ang kanilang sagot sa
kuwaderno.
183
M. PAGLINANG NG KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PAG-UNAWA
1. Ipabasa ang sanaysay tungkol sa Liham ni Rizal sa Mga Kababaihan ng
Malolos
2.
3.
4.
5.
6.
Bigayan sila ng 10 minuto upang basahin ito.
Ipaskil ang mga tanong matapos ang itinakdang oras.
Ipabasa ang mga tanong.
Bigyan sila ng 15 minuto para sagutan ito. Ipasulat ang sagot sa kuwaderno.
Basahin
7. Gamitin ang Rubric upang tayain ang reaction paper na ginawa ng mga magaaral.
8. Ipakita ang Rubric sa mga mag-aaral at tiyaking naipaliwanag sa kanila ang
paraang ng pagmamarka bago nila isinagawa ang proyekto.
184
8. Pasagutan ang Gawain 3 sa Pahina 345-346.
Maaring gawing TakdangArallin ang Gawain 3.
9. Ipagawa ang Gawain 4. Maaring gawing library o research day ang araw na
ito.
185
10. Ibigay ang gabay na tanong para sa pagsasaliksik bago sila papuntahin sa
silid-aklatan
Gawin itong pangkatang
proyekto.
11. Pangkatin ang mga mag-aaral sa lima. Ipagawa sa kanila ang Gawain 5,
panayam sa pahina 346-347.
12. Ipaliwanag na ang nais na makalap na kabuuang impormasyon ay – kung
ano ang kalagayan ng mga manggagawa o empleyado at mga negosyanteng
Pilipino sa bansa kaugnay ng pasahod o kinikita at kasiyahan sa kanyang
mga gawain sa trabaho o negosyong napili. Mahalaga rin na maipaliwanag
ng mga mag-aaral ang naging papel ng pag-aaral o edukasyon sa mga
naging paghahanda ng mga manggagawa, empleyado o negosyanteng
kanilang kakapanayamin.
13. Ipaulat ang mga naging resulta ng panayam sa pamamagitan ng power point
presentation.
14. Gamitin ang Rubric sa Pagtataya ng power Point Presentation para
mabigyan ng kaukulang marka ang ginawang proyekto ng mga bata.
186
N. PAGPAPALALIM
Paalala: Makatutulong kung ang sanaysay ay ipababasa
na sa mga mag-aaral bilang Takdang Aralin.
1. Ipagawa ang bahaging Pagpapalalim.
2. Ipabasa ang sanaysay na Halaga ng Pag-aaral sa Paghahanda Para sa
Pagnenegosyo o Paghahanapbuhay sa Pahina 348-356.
3. Pasagutan ang mga tanong tungkol sa binasang sanaysay.
4. Pasagutan ang kakailanganing tanong sa Pahina 27.
187
5. Tumawag ng ilan at ipasulat ang kanilang naging sagot sa pisara.
6. Sa huli’y ipaskil ang inihandang Tsart ng Batayang Konsepto.
O. PAGSASABUHAY
1. Ipabasa ang panuto sa mga mag-aaral.
2. Ipaskil sa pisara ang inhandang halimbawa ng pagsusuri ng mga marka sa
bawat asignatura.
3. Ipaliwanag ang kanilang kailangang gawin.
4. Pasagutan ang bahaging Pagninilay.
Ipabasa sa mga mag-aaral.
Makatutulong kung may nakapaskil na
talaan ng mga paalalang ito sa pisara.
188
Download