Uploaded by Je- Ann Pahayahay

The Cognizant Podcast Script

advertisement
KAHIT ANO KA MAN
Horror, Romance
CHARACTERS:
Host: Filiu, Mariell Jadine
Isabel: Castillo, Janine
Resha/Ria Ann: Naranja, Leslie Anne
Doctor/Marimar: Pahayahay, Je-Ann
Host: Magandang araw po sa inyo ma’am Nin at sympre sa mga giliw natin na mga listener, ako
si Ria ann 29 years old taga Bacolod. Hindi po ito ang aking tunay na pangalan, Tulad ng iba
nakakagiliwan kong makinig sa mga kwento niyo. Mas gusto ko kasing matakot at umawa kesa
umiyak at madepress sa mga teleserye hanggang sa natuklasan ko nga po iyong channel nyo at
dito narin akong magsimula na mag adik sa mga ina upload nyo. Maraming salamat napo agad
kung sakaling mapili nyong basahin ito, Ang kwentong ibabahagi ko ngayon ay ang karanasan ko
mismo tungkol sa tiyahin ko noong labing dalawang gulang palang ako. (Crickets Sounds).
Host: Noong bata pa ako ma’am Nin, maagang nawala ang mga magulang ko, ibinilin ako sa
kapatid ng ina ko, na kung tawagin nalang natin si Tiya Isabel. Si Tiya Isabel ay ang nagsilbing
ina ko noong bata pa ako, may pagka-elegante, istrikta pero mabait ang tiya ko maganda sya at
lalo na at maganda siyang manamit, maamo ang mukha nya pero may pagkakataon na kapag hindi
maganda ang mood, nakatingin lamang na halos wala kang mababakas na ekspresyon pero
nakakatakot din dahil hindi mo alam kung anong iniisip nya, noong bata pa ako, maliban sa
pangalan, edad ma’am nin ay wala akong alam tungkol sa personal na buhay nito, bilang lamang
ang aking mga nalalaman. Minsan isinama nya ako sa isang paglalakbay, habang nasa sasakyan
kami ay nakita niya na may pinapanood akong aswang na teleserye, tumabi siya sakin noon,
tinanong niya ako kung naniniwala daw ba ako sa mga napapanood ko tulad ng mga aswang,
napangiti ako ma’am Nin at sinagot siya na hindi ako ganon naniniwala dahil wala pa naman akong
nakikitang ganyan. natawa na lamang siya sa sinabi ko, Dito sabi niya kung gusto ko umano ng
kwento, totoong kwento tungkol sa kababalaghan ay bibigyan niya raw ako, ma’am Nin. Tulad
ng ibang sender pinalitan ko lng po ang mga pangalan pero hindi ang mga pangyayari.
Host: Mga makagiliw ipinadala po ito ng sender kung paano ikinuwento ito ng tiya niya, kumbaga
point of view ito ni tiya isabel. So tara na umpisahan na natin to.
Isabel: Tawagin nyo nalang po ako sa pangalan na Isabel, tubong isla ng Panay ang aking tatay,
mga taong 1957, ng pagdilat ko sa aking mga mata puting kisame ang nakikita ko, na realize ko
na nasa hospital pala ako. Wala akong matandaan sa nangyari pero ang sabi sa akin ay nawalan
daw ako ng alaala. Namataan ko ang isang lalaki na katabi ng kama ko siya raw hu ang tatay ko
itago nalang natin sa pangalang tatay Rocky. Gusto kong irecall ang mga nangyari, pero parang
malabong maalala ko pa. Bumaba ako ng kama at nilapitan si tatay kahit may dextrose ako, may
sinabi siya sa akin pero hindi ko maiintindihan, niyakap ko siya at hinalikan niya ako sa noo, pero
mamaya ay nag straight na yung linya ng monitor niya (sound sang monitor). Nag panic ako, may
mga nurse at doctor na lumapit sa tatay ko, gusto kong yakapin ng mahigpit si tatay pero
pinipigilan ako ng mga nurse at pinapabalik sa kama ko. Dinala nila si tatay sa emergency room.
1
Isabel: Dumating ang aking nakakatandang kapatid na itago nating sa pangalang ate Resha.
Galing siya ng Maynila, nagtatrabaho para matulungan kami ni tatay dahil wala na kaming ina.
Resha: Isabel, anong nangyari? nasaan si tatay? (Umiiyak na hinihingal)
Isabel: Si tatay ay dinala nila sa ER (umiiyak na nabubulol). Niyakap ako ni ate, hanggang sa mga
minuto ay pumasok sa kwarto ang Isang doctor na mula sa ER. (Pagbukas ng pinto, Footsteps
Doctor: I'm sorry to tell you na wala na ang tatay niyo.
Isabel: Agad naman syang tumalikod (footsteps sound effects) at lumabas ng kwarto (bukas pinto
sound effects). Humahagulhol kami ng iyak ni ate (iyak)
Resha: Ano ba talaga ang nangyari? Isabel?
Isabel: Hindi ko na maalala ate, yung huli kong nadatnan nabangga kami ni tatay ng isang truck,
papunta sana kami ng bayan.
Host: Makalipas ang ilang taon, ako nalang mag isa ang naiwan sa bahay, pero noong bumalik si
ate sa bahay may kasama na siyang bata, ibinilin niya ito sa akin, Hindi ko sana tatanggapin pero
sabi ni ate ay susuntuhin niya ang kaniyang anak na si Ria Ann.
Isabel: Hindi ko ito tatanggapin ate, hindi ko ito makakaya, baka magkasakit ang bata na yan dito.
Resha: Sige na Isabel oh, pamangkin mo kaya ito (umiiyak na bata). mag susutinto ako, magpadala
ako para sa inyo.
Isabel: Pero nang makita ko ang bata, nakaramdam ako na gusto ko siyang kainin, Hindi ito tama,
pamangkin ko ang bata na ito. Pero bakit ganito? nakakita ako ng bata parang gusto kong kainin.
Isabel: Oh sya sge.
Isabel: Kinagabihan may mga uwak akong naririnig (mga uwak sounds effects) bakit kaya ako
nagkakaganito simula nandito yung bata?
Isabel: May nakita akong isang box sa ilalim ng kama ng umiibabaw aking kuryosidad, kinuha ko
at binuksan, nakita kong may mga gamit ng mga aswang, binalewala ko na lamang.
Nagising nalang ako ng napaniginipan ko si tatay, na hawak-hawak niya yung box sa ilalim ng
kama. at sinabi na ipinasa niya sa akin ang kaniyang kapangyarihan bago siya nawala, yun pala
parang gusto kong kainin yung bata, dahil ipinasa nya sakin ang anyo ng aswang.
Isabel: Pagkalipas ng tatlong taon lumuwas kami ng Maynila ni Ria Ann, upang doon manirahan
at para mapa aral ko si Ria Ann. Itinaguyod kong mag isa ang aking pamangkin kahit mahirap
ang buhay. nag trabaho ako bilang cashier ng mga fast food, at sales lady ng mga convenience
store. Hanggang sa nakatapos ng hayskul si Ria Ann. Tinulungan niya akong magtrabaho para sa
pang araw-araw namin.
Isabel: Sa hindi ko inaasahang mga nagdaang taon, may nakilala akong babae na kasama ko sa
trabaho, kami ay nag-iibigan pero parang hindi pwede dahil tunay siyang tao, samantala ako may
anyong aswang. Hindi ko ito sinabi kay Ria Ann para hindi niya ako iiwasan. parang anak naman
kasi ang turing ko sa kaniya.
2
Host: Masaya ako sa pag-ibig ni tiya, ma'am Nin, dahil gusto ko siyang sumaya dahil sa mga
nagdaang taon, ako lang yung inaasikaso niya. Itago nalang natin sa pangalang Tiya Marimar, ang
kasintahan ni Tiya isabel. si Tiya Marimar ay isang morena, matangkad, matangos yung ilong.
Marimar: Kinagagalak kong makasama ka aking sinta (romance song). Mga magagandang
bulaklak pa sa iyo aking sinta.
Isabel: (sound effects na kilig) Salamat. Marimar may tanong ako sayo.
Marimar: Ano po yun magandang dilag?
Isabel: Tanggap mo ba ako kahit ano mang anyo ko?
Marimar: Mahal kita Isabel, kahit ano ka pa, mamahalin at tatanggapin kita.
(Romantic songs)
Isabel: Paano kung hindi pwde? ano gagawin mo?
Marimar: Huwag mo na ngang isipin yan, importante nagmamahalan tayo.
Host: Lumipas ang limang taon ma'am Nin, graduate na ako ng kolehiyo, education yung kurso
ko at sa awa ng diyos ay nakapasa ako sa LET, kaya nagsisimula na akong magtrabaho pa. Si Tiya
Isabel at Tiya Marimar ay nagbubumalak silang pumunta ng ibang bansa para magpakasal.
Host: Sa di inaasahan umuwi ng Pinas ang kapatid ni Tiya Marimar at ito ay buntis. sa ilalim ng
gabi (Wolf sound) lumabas si tiya sa kwarto nila, at pumunta sa kwarto ng kapatid ni Tiya Marimar
(Footsteps), maya-maya ay may narinig na lamang ako ng sigaw galing sa kwarto at pagkalabas
ni tiya nakita ko siyang may dugo sa bibig niya. ma'am Nin hindi ko po alam ano ang nangyari
kay tiya pero bilog yung buwan sa gabing iyon.
Ria Ann: Tiya? (Horror sound effects)
[Hindi niya ako pinansin, parang kakaiba ngayong gabi si tiya.]
Ria Ann: Kinaumagahan, nagising na lamang ako ng may mga nagsisigawan na sa kabilang
kwarto. lumabas ako at nakita ko si tiya (Isabel) sa sofa na umuupo lang, nagbabalewala sa mga
nangyayari, habang si tiya (Marimar) ay nagtataranta na dahil hindi na alam kung ano ang
kaniyang gagawin. Pumasok ako sa kwarto ni ate na kapatid ni tiya (Marimar) nakita kong duguan
at wala na ang anak sa kaniyang sinampupunan. Dinala nila ito sa morgue.
Ria Ann: Makalipas ng ilang buwang bago nangyari yun, may bagong lipat sa baranggay namin,
naging kapit bahay namin ito. Isang pamilya, may tatlong anak, yung panganay ay nasa 8-9 taong
gulang. Ang pangalawa naman ay nasa 6-7 taong gulang ngunit ang bunso ay nasa 3-4 months
pa lamang. May tatlong yaya. At dalawang body guard.
Ria Ann: Gabi-gabi ay umiiyak ang bata, tuwing umiiyak ang bata sumisilip kaagad si tiya
(Isabel) sa bintana.
Ria Ann: Makalipas ng ilang gabing pag iyak ng bata, si tiya (Isabel) ay lumabas, sinundan ko
siya at pumunta siya sa likod bahay, tinitignan ko lang siya at maya-maya ay umakyat siya sa
bakod papunta sa kabilang bahay. Hindi ko na siya masilayan dahil madilim sa loob ng bahay.
3
Ria Ann: Kinaumagahan ay may sumigaw sa bahay na pinuntahan ni tiya (Isabel) kagabe.
Nagising na lamang ako nito at nakita ko sila ni tiya (Marimar) ay nandoon sa kapit bahay.
May nakakita sa nangyari kundi ang yaya ng bata. Nakita niya na si tiya (Isabel) ay kinain ang
bata. Pero binalewala niya lang ito dahil natakot siya.
Isabel: Makalipas ng ilang araw marami na ang nangyari sa lugar namin. Hindi ko na maiiwasan
na kumain ng tao, gabi-gabi lumalabas ako ng bahay para manghuli ng mga tao, minsan mga
hayop.
Isabel: Isang mabilogang buwan na gabi, lumabas ako ng bahay, may nakita akong isang baboy
ramo sa daan, kahit katatapos ko lang ng haponan, dinakip at kinuha ko ang puso nito at kinain
(asmr), may nakakita sa akin at agad naman akong tumakbo, pero teka parang si Marimar yung
nakakita sakin. Hinabol niya ako at hinagisan ng bato, natamaan ako sa ulo at dumugo ang aking
ulo. Maliit lang naman.
Isabel: Kinabukasan nakita ni Marimar na may sugat ako sa ulo, tinanong niya ako kung saan
nanggaling yung sugat pero ang sinagot ko lamang ay nauntog ako.
Host: Sinabi sa akin ni tiya Marimar na may nakita siyang aswang kagabi, at hinagisan niya ito ng
bato, tinamaan sa ulo, agad naman siyang nagsabi na baka si tiya (Isabel) yung aswang dahil may
sugat si tiya (Isabel) sa ulo at wala si tiya (Isabel) kagabi sa bahay. Sinabihan ko lng siya na baka
totoo naman na nauntog lng si tiya (Isabel). Kinagabihan ma'am Nin sinundan namin ni tiya
Marimar si tiya (Isabel) kung saan ito pupunta, Nakita namin na pumunta siya sa isang maliit na
bahay na may nakatira na mag saawa at ang asawa ay buntis. Pumunta sya sa likuran ng bahay,
habang kami ay nagtatago sa mga damohan. Nakita namin na binutasan niya ang dingding at
tumaas yung mga kuko niya at dinadahan dahang inilapat ang kaniyang kamay sa tiyan ng babae
at tinusok gamit ang kuko at kinuha ang bata, agad naman niyang kinain ito.
Host: Kinaumagahan, nagising ako sa away ni tiya (Marimar) at tiya (Isabel). Prinangka na ni tiya
Isabel na siya talaga ang aswang sa bayan at agad namang nakipaghiwalay si tiya Marimar. Wala
nang nagawa si tiya (Isabel), kundi umalis kami. Gusto sana ni tiya (Marimar) na doon ako, baka
kasi madamay pa ako sa mga gagawin ni tiya (Isabel), pero hindi si tiya (Isabel) pumayag.
Hanggang sa bumalik na lkmi sa bayan ng Panay kung saan kami nanggaling ni tiya (Isabel).
Host: Makalipas ng ilang buwan namin sa Panay, sinundan kami ni tiya Marimar dahil hindi niya
matiis si tiya Isabel. Lumuwas kami ng Maynila at kumuha ng visa passport para manirahan nalang
sa Canada at doon na lang sila mapakasal ni tiya (Marimar & Isabel). Sinabi naman din ni tiya
Marimar na tinatanggap niya si tiya Isabel dahil mahal niya ito.
Bago pa kami pumunta ng Canada ipinasa ni tiya Isabel sa isang bata ang kaniyang anyo.
Host: Hanggang sila tiya (Marimar & Isabel) ay nagkaanak sa paraan ng IVF at humanap sila ng
lalaki maging donor. Simula noon ay naging masaya kaming nanirahan sa Canada.
Hanggang dito nalang po ma'am Janine.
Host: Totoo na nagkalat ang aswang, totoo sila, nasa ibat ibang lebel ng buhay, ang mahalaga dito
ay wag padin natin alisin na sa kabila ng pagiging aswang nila ay mayroon pading marunong
magmahal ng totoo.
4
5
Download