YUNIT I BATAYANG KAALAMAN SA PANUNURING PAMPANITIKAN PANIMULA Ang pananaw ay tumutukoy sa paniniwalao persepsyon sa isang indibidwal o isang pangkat. Samantala, ang teorya ay tumutukoy sa simulain o prinsipyo ng mga tiyak na kaisipang kailangan sa paglikha ng malinaw at sistematikong paraan ng paglalarawan o pagpapaliwanag ng isang bagay. Sa pag-aaral ng panitikan, malaking tulong ang nagagawa ng pag-alam sa kahulugan, kasaysayan, at katangian ng iba’t ibang pananw at teoryang pampanitikan. Sa pamamagitan ng matalinong pagpili ng angkop na pananaw o teorya, ang pagtalakay at pagsusuri ng isang partikular na akda ay nagkakaroon ng batayan at direksyon.Nalilimitahan din nito ang saklaw ng ta;akayan at ng panunuri , at dahil may limitasyon ay nagkakaroon ng lalim ( Villafuerte,et.al., 2006; Villafuerte&Bernales,2019) Ang Yunit I ay tumatalakay sa kahulugan at kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan. Pahapyaw ring tatalakayin ang mga dulog o teoryang maaaring saligan sa isasagawang pagsusuri ng mga akda. LAYUNIN Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang maisa-isa, maipaliwanag at mailapat sa pagsusuri ang mga teorya o dulog sa mga tradisyunal at kontemporaryong akdang pampanitikan para sa ganap at mabungang pag-unawa. Partikular na nilalayon ng aralin na: 1. Matukoy ang mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan at kapaki-pakinabang na saligan sa panunuring pampanitikan; 2. Maisa-isa ang mga simulain sa panunuring pampanitikan; 3. Masuri ang kabuluhang panlipunan ng isang akdang pampanitikan at mahusay na mailapat ang dulog o teoryang pampanitikan; 4. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling panitikan. GAWAIN Basahin mo ang isang dagling sinulat ni Eros Atalia at iyong suriin ang kabuuang nilalaman nito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga gabay na tanong. SOSYEDAD AT LITERATURA CASTILLO, GEORGE P. YUNIT I BATAYANG KAALAMAN SA PANUNURING PAMPANITIKAN Balut Vendor ni Eros Atalia Alas-kuwatro na. Maya-maya lang, magliliwanag na. Kaunti na lang ang kulang. Matatapos niya rin ang kanyang reaction paper. Binubuo niya na sa isip niya ang huling puntos na gusto niyang isulat. Pinapapak ng lamok ang kanyang binti’t hita, pero ayaw niyang kumilos baka mawala ang kanyang konsentrasyon. Nang may sumigaw ng “Balut! Balut!” Mahina pa naman. Pero habang tumatagal ay palakas nang palakas. “Balut! Balut!” Gusto niya sanang sigawan ito pero alam niyang naghahanapbuhay lang ito. Nasaan ang katarungan? Social Justice pa naman ang topic ng kanyang isinusulat. “Balut! Balut! Balut!” sumungaw ito sa kanyang bintana. Isinenyas ang dala nitong balut. Umiling siya. Sunod-sunod na iling. Umalis ang magbabalut. Papalayo ang tinig nito. Pahina nang pahina. Nilingon niya ang magbabalut. Unti-unti na itong papalayo sa kanyang bintana. Nanlamig ang buo niyang katawan. Doon niya naalala na, nasa second floor nga pala siya ng kanilang bahay. MGA GABAY NA TANONG: 1. Bigyang-puna ang estilo ng sumulat batay sa mga sumusunod na elemento: a. Tauhan_____________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ b. Tagpuan____________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ c. Banghay____________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ d. Tema______________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ 2. Isinaalang-alang ba ng awtor ang mahusay na organisasyon ng piniling paksa? Naging malinaw ba ang balangkas ng kanyang katha? _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ SOSYEDAD AT LITERATURA CASTILLO, GEORGE P. YUNIT I BATAYANG KAALAMAN SA PANUNURING PAMPANITIKAN 3. Madali mo bang naunawaan ang iyong binasa? Naging mabisa ba ang wikang ginamit ng awtor? Bakit? _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ 4. Sa pangkalahatan, Pangatwiranan. mahirap bang sumailalim sa panunuring pampanitikan? _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ LINANGIN Ngayon ay natitiyak kong handa ka nang matutuhan ang mga araling may kaugnayan sa mga batayang kaalaman sa panunuring pampanitikan. Bilang pagsisimula ay marapat lamang na iyong malaman ang kahulugan at kahalagahan ng panunuring pampanitikan. PANUNURING PAMPANITIKAN Sa ilang kritiko, ibinibilang ang panunuri bilang isang agham ng teksto. Ito’y iniuugnay nila sa isang gawain ng mga kritiko na may pinaghahanguang iba’t ibang teorya. Ito’y ginagawang esensyal na gawain sa pagsasanay na ginugugulan ng maraming oras at panahon sa pagsusulat ng mapanuring pagpapahayag. Ayon kay Villafuerte (2000), tunay na napakalayo na ng narating ng panunuri kug iisa-isahin ang mga kritikong walang tigil sa pagsubaybay sa unti-unting pag-unlad ng panunuring pampanitikan. Katunayan, sa panahon pa lamang ni Plato ay namukod-tangi na ang panunuri sa panitikan bilang isang buhay na disiplina. Maituturing na isang pagpapahayag ang panunuri na sa palagay ng nakararaming kritiko ay hindi maaaring pasukin ng sinu-sino lamang nang walang sapat na paghahanda, at higit sa lahat, walang kakayahan. Ang panunuring pampanitikan ay hindi lamang nagsusuri o nagbibigay kahulugan sa mga nagaganap sa daigdig, kundi ito’y isang paraan ng pagsusuri sa kabuuan ng tao- ang kanyang anyo, ugali, kilos, paraan ng pagsasalita, at maging ng kanyang pakikipag-ugnayan sa kanyang kapwa at sa lipunang kinabibilangan niya. Tatalakayin naman sa susunod na pahina ang mga mahahalagang simulaing kailangang tandaan sa pagsuri ng mga akdang pampanitikan. SOSYEDAD AT LITERATURA CASTILLO, GEORGE P. YUNIT I BATAYANG KAALAMAN SA PANUNURING PAMPANITIKAN MGA BATAYANG SIMULAIN SA PANUNURING PAMPANITIKAN Sa aklat na Panunuring Pampanitikan (Teorya at Pagsasanay), inisa-isa ni Villafuerte (2000) ang ilang simulain sa panunuring pampanitikan gaya ng mga sumusunod: 1. Ang pagsusuri sa akda ay dapat may uri at katangian ng katalinuhan, seryoso at marubdob na damdamin at ng tapat na mithi sa kalayaan. 2. Sa pagsusuri ng anumang akda ay kailangang mahusay ang organisasyon o balangkas ng lahok. Bahagi ito ng disiplina ng pagsusuri. 3. Sa pagsusuri ng anumang akda ay dapat maging maganda ang paksa, may kalinisan ang wika at organisado ang paglalahad. 4. Sa pagsusuri ay mahalagang mahagap ng may-akda ang kanyang piniling paksa, mahusay ang pagtalakay at organisasyon ng materyal, malinaw ang balangkas na kinapapalooban ng malinaw na tesis o argumento na sinundan ng buong sanaysay, may naidagdag sa kasalukuyang kaalaman tungkol sa panitikan at mahusay at makinis ang pagkakasulat. Ang pahayag sa itaas ay nagmula kina Dr. Soledad S. Reyes, Dr. Loline M. Antillion at Prop. Tomas O. Ongoco na naging lupong inampalan sa Timpalak sa Pagsulat ng Sanaysay-Panunuring Pampanitikan sa Panitikang nasusulat sa Katutubong Wika sa Pilipinas. 5. Sa pagsusuri ng tula, ang pananarili sa pananagisag sa tula ay hindi dapat panaigin. Ang katangian ng masining na tula ay ang sikad na damdamin at lawak ng pangitain nito. Ang simulaing ito ay ayon kay Ruben Vega na siya ring nagsabing ang mahalaga sa tula ay ang lasa at hipo nito at hindi ang balat ng prutas. Ayon pa sa kanya, ang buhay daw ng sining ay nasa ubod at laman. 6. Ang pamimili ng paksang tutulain ay hindi siyang mabisang sukatan ng kakayahan ng makata. Sa halip, ang higit na kailangang pahalagahan at sukatin upang makagawa ng makatarungang paghatol ay kung paano ang pagkatula. Ayon kay Pedro L. Ricarte, kung papaanong buhat sa paksang kinuha sa pagtutulong-tulong ng sensibilidad, kadalubhasaan, institusyong ang tunay na tula ay kailangang matigib ng damdamin, kinakailangang managana sa kabuuan nito, sapagkat kung hindi mapupuno sa damdamin, kailanma’y hindi maaaring mabitag sa mga taludtod nito ang isang kagandahan. 7. Ang susuriing akda ay kailangang napapanahon, may matibay na kaisahan, makapangyarihan ang paggamit ng wika at may malalim na kaalaman sa teoryang pampanitikan. 8. Ang susuriing akda ay kailangang nagpapamalas ng masinop na pag-uugnay ng mga sangkap ng pagsulat. Bibigyang-tuon naman natin sa susunod na pahina ang mga dulog o teoryang pampanitikang maaari nating hanguin sa ating pagsusuri. SOSYEDAD AT LITERATURA CASTILLO, GEORGE P. YUNIT I BATAYANG KAALAMAN SA PANUNURING PAMPANITIKAN TEORYA AT PANANAW SA PAGSUSURI NG MGA AKDANG PAMPANITIKAN 1. Humanismo Maaring ilapat ang humanismo sa maraming paniniwala, pamamaraan at pilosopiyang nagbibigay tugon sa kalagayan at karanasan ng tao. Sa lawak ng mapaglalapatan ng humanismo, mapapangkat ito sa tatlo: humanismo bilang klasismo, modetnong humanismo at humanismong umiinog sa tao.Nagmula sa Latin ang salitang humanismoi na nagpapahiwatig ng mga diu siyentipikong larangan ng pag-aaral tulad ng wika, panitikan, retorika, pilosopiya, sining at iba pa. 2. Imahismo Sa mga unang dalawang dekada ng ika-20 siglo lumaganap ang imahismo bilang isang kilusang panulaan sa Estados Unodos at Inglatera.Nagbibigay-pansin sa hanay ng mga salita at simbolismo ang nasabing kilusan.Binibigyang-diin ng imahismo ang pagpili ng tiyak na salita, kalayaan sa pagpili ng mga paksa at porma at ang paggamit ng mga salitang karaniwang ginagamit saaraw-araw.Karamihan sa mga imahismong manunulat ay nagsusulat sa malayang berso kaysa sa pormal na may sukat na paraan para magkaroon ng estraktura ang tula. 2. Romantisismo Sumibol ang romantisismo noong huling bahagi ng siglo 1800 at pagpasok ng siglo 1900. Ibinabandila ng romantisismo ang indibidwalismokaysa kolektibismo, ang rebolusyon kaysa konserbatismo, ang inibasyon kaysa tradisyon, imahinasyon kaysakatwiran at likas kaysa pagpipigil.Dahil dito, itinuturing ang romantisismo bilang isang pagtatakwil sa pagpapahalagang klasismo tulad ng kaayusan, kapayapaan, pag-uugnay –ugnay, ideya at rasyonal. 4. Eksistensyalismo Mahirap bigyan ng eksaktong kahulugan ang eksistensyalismo dahil may pagkakaiba-iba ang mga posisyong iniuugnay rito.Ang terminong ito ay ay nagpapahayag ng mahalagang paksain: ang kongretong buhay at pakikihamok ng indibiwal gayon din, ang usapin ng indibidwal na kalayaan at pagpili. Ang eksistensyalismo bilang isang pilosopikal na kilusan o tendensiya ay nakaimpluwensya sa maraming mga manunulat noong ika- 18 at ika-20 siglo. 5. Dekonstruksyon Ayon kay Derrida, nagbibigay ng maraming maling pag-akala sa ibig sabihin ng teksto ang tradisyonal na pamamaraan bgpagbasa.Hindi ram maaaring tanggapin na lamang ang mga pananalita ng manunulat dahil pinararami nito ang lehitimong interpretasyon ng teksto. Ang dekonstruksyon ay nagpapakita ng maraming layer ng kahulugan.Sa pagkakadekonstrak ng gawa ng isang iskolar, ipinakikita na ang lemggwahe ay madalas na pabago-bago.Ito’y isang paraan ngpag-aanalisa ng teksto base sa ideya na ang mambabasa at hindi ang manunulat, ang sentral sa pagbibigay rito ng kahulugan. SOSYEDAD AT LITERATURA CASTILLO, GEORGE P. YUNIT I BATAYANG KAALAMAN SA PANUNURING PAMPANITIKAN 6. Feminismo Ito ay pagsusuri ng panitikan at awtor mula sap unto de vista o pananw ng isang feminist.Naniniwala ang mga feminist na ang panitikan ay hindi nyutral o walang pagkiling kundi ito’y isang produkto ng panlipunan at pangkulturang kalagayan.May pagkakataong malakas ang dating ng feministang pagsusuri dahil kailangang yugyugin ang mga kalakaran at malalim na paniniwala ng tao.Ang feminismong literaryong pag-aaral ay nakatuon kapwa sa mga kababaihan bilang mambabasa at sa mga kababaihan bilang manunulat. 7. Naturalismo Ito ay teoryang nag-uugnay ng siyentipikong pamamaraan sa pilosopiya sa pamamagitan ng paniniwalang lahat ng nilalang at pangyayari sasangkalawakan ay natural at ang lahat ng karunungan ay maaaring dumaan sa masusing pagsusuri.Hindi naniniwala ang mga naturalism sa mga bagay na supernatural . Pinaniniwalaan sa naturalismo na maaring makilala at mapag-aralan ang kalikasan sapagkat mayroon itong regularidad, kaisahan at kabuuan batay sa likas na batas nito. Nakikita rito sa walang katapusang paghahanap ng tao ng mga konkretong katibayan at batayan para sa kanyang mga paniniwala at karanasan.Dahil dito, laging inihahambing ang naturalism sa materyalismo. 8. Realismo Ang realismo ay isang malaking kilusang umusbong sa larangan ng sining noong siglo 1900.Layon nitong ipakita ang karanasan ng tao at lipunan sa isang makatotohanang pamamaraan. Itinatakwil ng realismo ang ideyal na paghuhulma at pananw sa mga bagay. 9. Marxismo Ang Marxismo ay isang lipon ng mga dokrinang pinaunlad nina Karl Marx at Fredrich Angels noong kalagitnaan ng ika-19 na siglo.Nagtataglay ito ng tatlong batayangideya: pilosopiya ng pagtingin sa tao, teorya ng kasaysayan at pampulitika’t pang ekonomiyang programa. Sa pagdaan ng panahon, nagsanga-sanga ang pag-unawa sa mga konseptong ito tulas ng ipinakita nina Lenin at Stalin sa Russia, Mao Tse Tung ss Tsina, ng mga Saandanista sa Nicaragua at iba pang Marxista sa mga bansang itinuturing sa Third World.Pati ang mga makabagong pag-aaral ay nanghiram din ng mga teorya mula sa Marxismo. Nagagamit ang Maexistang pananaw sa pagsusuri ng kalagayang panlipunan, pag-uugali at motibasyon ng mga tauhan sa kwento. 10.Pananaw Sosyolohikal Ang lapit-sosyolohikal ay naangkop sa tradisyon at prestihiyo ng dulaan sa Pilipinas.Sa pagkapit sa mga isyung panlipunan na pinapaksa ng mga dula at sa pagbabago ng konsepto ng entablado bilang tanghalan , mananatiling may lugar ang lapit-sosyolohikal sa panlasa ay pakikibaka ng mamamayan. SOSYEDAD AT LITERATURA CASTILLO, GEORGE P. YUNIT I BATAYANG KAALAMAN SA PANUNURING PAMPANITIKAN Sa sosyolohikal na pananaw, mas malawak ang perspektib na pagsusuri ng isang akda.Hindi lamang ang kasiningan at angking katangian ng akda ang binubusisi, kundi pati narin ang bahagi ng lipunan at kasaysayang pinagluwalan nito. 11. Klasismo Ang klasismo ay paggamit ng estilo o estetikong prinsipyo ng mga Griyego o Romanong klasikongarte at panitikan.Sa makabagong panahon, tumutukoy rin ito sa paggamitsa mgaprinsipyo sa musika. 12. Pormalismo Nagbibigay sa nayo ng panitikan ang mga pormalista, ang panulaan ay hindi panulaan dahil lamang gumagamit ito ng temang tumatalakay sa kondisuon ng tao kung hindi dahil sa proseso ng wika.Kumukuha ito ng atensyon sa sarili nitong artipistyalidad sa pamamaraan ng pagsabi nito ng gusting sabihin 13. Bayograpikal Kung may unang dapat mabatid ang isang mambabasa ng panitikan, ito ay ang buhay ng may-akda. Hindi sapat na mabatid ng mambabasa ang pangalan at talaan ng mga akdang naisulat ng may-akda, manapa’y higit na mahalagang matuklasan at maunawaan ang katauhan o personalidad nito. Napakahalaga ng pagbabahagi ng kamalayan ng manunulat sa mga mambabasa upang lalong matugunan ang maraming katanungang taglay ng isang akda, na tanging ang may-akda lamang ang makasasagot. Sa paggamit ng teoryang ito ay huwag lamang kalimutan ng kritik ang ilang kondisyong kaagapay ng teoryang ito: Una, ang binabasa at sinusuri ay ang akda at ito’y hindi dapat ipagpalit sa pagtalakay sa buhay ng makata o manunulat; Ikalawa, sa teoryang bayograpikal, ang pagpapasya sa binasang akda ay hindi kapintasan o kahinaan ng may-akda. 14. Historikal Saklaw nito ang pagsusuri ng teksto na nakabatay sa impluwensiyang nagpapalutang sa isang akda: talambuhay ng may-akda, ang sitwasyong politikal na nakapaloob sa akda, ang tradisyon at kombensyong nagpapalutang sa akda. Mahalagang matuklasan sa teoryang ito ang pwersang pangkapaligiran at panlipunan na may malaking impluwensiya sa buhay ng manunulat. 15. Istrukturalismo Masasabing ang istrukturalismo ay nagsimula sa unang dekada ng ika-20 dantaon na pinamumunuan ni Ferdinand de Saussure ng France. Simulain ng teoryang istrukturalismo na ang wika ay hindi tamang hinuhubog ng kamalayang panlipunan kundi humuhubog din sa kalayaang panlipunan. Dahil dito, napakahalaga ng diskurso sa paghubog ng kamalayang panlipunan. SOSYEDAD AT LITERATURA CASTILLO, GEORGE P. YUNIT I BATAYANG KAALAMAN SA PANUNURING PAMPANITIKAN Hindi pinahahalagahan ng teoryang ito ang may-akda at ang akda bilang daloy ng katotohanan. Hindi rin nito pinahahalagahan ang kritisismong kumikilala sa tao bilang pinagkunan ng kahulugan ng isang teksto. Dahil dito, maraming nagpapalagay na ang teoryang ito ay hindi makatao. 16. Queer Layunin ng panitikan na iangat at ipantay sa paningin ng lipunan ang mga kabilang sa ikatlong kasarian. ABSTRAKSYON Punan ang talahanayan sa ibaba. Pumili ng tatlo sa alinmang teoryang tinalakay. Itala sa pinakapayak na paraan ang mga paniniwala at pananaw ng bawat teoryang iyong napili sa ikalawang kolum. Sa ikatlong kolum naman ay magbigay ng/ng mga akdang maiuugnay sa mga teoryang ito. At sa ikaapat na kolum naman ay maglagay ng kaunting paliwanag sa kung paano nauugnay ang teorya sa akda KATANGIAN AKDA PALIWANAG Teorya 1 Teorya 2 Teorya 3 SOSYEDAD AT LITERATURA CASTILLO, GEORGE P. YUNIT I BATAYANG KAALAMAN SA PANUNURING PAMPANITIKAN APLIKASYON Pakinggan ang awiting “‘Di niyo ba Naririnig” na makikita sa link na https://medium.com/@ kill.list.lit/di-niyo-ba- naririnig-857c5dbb3fa1. Sipatin ang liriko ng awitin at suriin ang kabuuang mensaheng pinalulutang sa akda. Pagkatapos ay isagawa ang kasunod na gawain. DI NIYO BA NARIRINIG? Di niyo ba naririnig? Tinig ng bayan na galit Himig ito ng Pilipinong Di muli palulupig Dudurugin ang dilim Ang araw ay mag-aalab At mga pusong nagtimpi Ay magliliyab Ikaw ba'y makikibaka At hindi maduduwag Na gisingin ang mga panatikong bingi’t bulag Kasinungalingan labanan hanggang mabuwag Di niyo ba naririnig? Tinig ng bayan na galit Himig ito ng Pilipinong Di muli palulupig Dudurugin ang dilim SOSYEDAD AT LITERATURA CASTILLO, GEORGE P. YUNIT I BATAYANG KAALAMAN SA PANUNURING PAMPANITIKAN Ang araw ay mag-aalab At mga pusong nagtimpi Ay magliliyab Ikaw ba ay dadaing na lang Kimi’t magmumukmok Habang nagpapakasasa Ang mga trapong bulok Gisingin ang puso Galitin hanggang pumutok Di niyo ba naririnig? Tinig ng bayan na galit Himig ito ng Pilipinong Di muli palulupig Dudurugin ang dilim Ang araw ay mag-aalab At mga pusong nagtimpi Ay magliliyab! Magliliyab! EVALUATION PYRAMID Ilahad ang kabuluhang panlipunan ng awitin gamit ang Evaluation Pyramid. Ang evaluation pyramid ay ginagamit sa pag-aantas ng mga ideya batay sa halaga o kabuluhan nito. SOSYEDAD AT LITERATURA CASTILLO, GEORGE P. YUNIT I BATAYANG KAALAMAN SA PANUNURING PAMPANITIKAN PAGLALAPAT NG TEORYA Suriin ang awitin gamit ang teoryang higit na nangibabaw sa awitin. Gamitin ang fan fact analyzer sa isasagawang pagsusuri. PATUNAY/PALIWANAG PATUNAY/PALIWANAG PATUNAY/PALIWANAG PATUNAY/PALIWANAG P PATUNAY/PALIWANAG _____________ TEORYANG PAMPANITIKAN P SOSYEDAD AT LITERATURA CASTILLO, GEORGE P. YUNIT I BATAYANG KAALAMAN SA PANUNURING PAMPANITIKAN SOSYEDAD AT LITERATURA CASTILLO, GEORGE P.