Kabataan pa nga ba? Ni: Aljon C. De Torres Sariwa pa ba ang mga sugat na dala ng kahapon? O winaksi na dahil sa modernong panahon? Walang bakas ng pangamba na matatanaw mula sa dako paroon, Natali at nasanay na sa maling gawain, Oo ikaw ako tayo bilang kabataan. Siguro naman wala pang nakakalimot sa sinabi ng ating pang bansang bayani na si Dr. Jose Rizal na ang Kabataan ang Pag- asa ng Bayan. Sana isa ka pa sa naniniwalang tulad ko, o baka naman isa ka sa sumisira sa bayan? Huwag mong baliin ang aral ng kahapon. Nakakalungkot at nakabahala ang dulot ng makabagong panahon, Mula ng aking imulat ang mga matang pikit sa mga pangyayari at kung ano ang totoo, napansin kong mali na pala ang landas na tinatahak ng tulad kong kabataan. Naging problema na ng bayan samo’t saring krimen at kaguluhan ang kinasasangkutan, ni ang paggalang sa nakakatanda ay di na maggawa? Tama bang sabihin na tayo ang pag-asa ng bayan? Marahil pwede mong sabihing hindi pero kaibigan may panahon pa para baguhin ang maling nasimulan. Sa libo libong minuto na ang nagdaan at iyo pang kakaharapin kaya’t masdan mo at pag-aralan ang tamang gawi bilang isang kabataan. Ngunit masisi ka ba kung mismong magulang at nakakatanda ang magturo upang gumawa ng masama. Mababago ang lahat kung iyong sisimulan na itama at piliin palaging mabuti, kalimutan ng makisabay sa uso at harapin kung ano ang katotohanan na ikaw ang parin ang sinasabing kataang pag-asa ng bayan. “Tayo at tayo parin ang bubuo para sa bukas na maaliwalas”