Mga bahagi ng pananaliksik Ang mga bahaging ito ng pananaliksik, ang nagbibigay linaw sa mga hakbangin o prosesong dapat sundin sa gawaing pananaliksik. Kabanata I suliranin at kaligiran • RASYUNAL Dito tinatalakay ang mga sagot sa tanong na Ano at Bakit. Ano ba ang tungkol sa iyong pinag-aaralang paksa at Bakit kailangan pa itong pagaralan. Sa mga mananalikaik na mag-aaral, ang isa’t kalahating pahina sa bahaging ito ay maari no o sapat na. • PAGLALAHAD NG SULIRANIN Dito babanggitin ang sanhi o layunin ng pananaliksik na maaring sa anyong patanong o simpling paglalahad ng layunin. Iaanyo itong nangunguna ang pangkalahatang layunin na susundan ng 3 o higit pang mga tiyak na layunin. • KAHALAGAHAN NG TALAKAY Dito bibigyang kahulugan ang mga salitang mahahalaga o pili na ginagamit sa pananaliksik. Bibigyang linaw ang mga ito sa paraang kung paano ito ginamit sa loob ng pangungusap. Sa maikling sabi operational meaning ng salitang bibigyang katuturan sa paalfabetong anyo. • BATAYANG KONSEPTWAL ilalantad ang teoryang pagbabatayan ng pag-aaral. Sa teorya ring ito iaangkala ng mananaliksik ang sariling pagtingin sa paksang pinagaaaralan gayundin ang mga ideyang dapat palitawin sa ginawang pananaliksik. • SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL ipinakikita sa bahaging ito ang lawak ng sangkop ng ginagawang pagaaral. Ipinaaalam din dito ang mismong paksa ng pag-aaral gayundin ang katatagpuan ng mga datos na kakailanganin sampu ng populasyon o bilang ng mga respondente na sasagot sa inihandang mga tanong. Kabanata II metodo ng pananaliksik • NAHAHATI SA APAT NA BAHAGI ANG KABANATANG ITO 1. DISENYO NG PANANALIKSIK. Nililinaw sa bahaging ito ang ginamit na disenyo ng pananaliksik. Kadalasan desciptiv- analitik dahil di ito ang para sa mga baguhang mananaliksik dahil di ito nangangailangan ng paggamit ng masalimuot na gamit ng istalistik. Maaring suriin lamang lamang ito ng mga datos o informasyon na nakalap bunga ng isinagawang sarvey. 2. RESPONDENTE/RESPONDYANTE. Dito inalalahad ang eksaktong bilang ng mga sumagot sa inihandang kwesyoner- sarvey. Inihahayag dito ang maikling profyl ng mga respondente gayundin at paano sila pinili. 3. INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK. Dito makikita ang ginamit na mga kwestyuneyr sa pagkalap ng mga informasyon o datos na gagamitin ang deskriptiv- analitik. Ang instrumento sa pananaliksik ay maaaring sarvey kwestyuneyr intervyu o panayam. 4. TRITMENT NG MGA DATOS. Inilalahad dito ang simpleng statistik na magagamit matapos maitala ang mga naging sagot sa sarvey- kwestyuneyr sa bawat respondente. Sa deskriptiv- analitik maaari ng gamitin ang pagpoporsyento/bahagdan matapos mai-tally ang numerikal datos ng mga kwestyuneyr. Dito na magsisimulang suriin ang kinalabasan ng pagpoporsyento/ pagbabahagdan. PANONGOLEKTA NG DATOS Maraming paraan ang magagawa upang makapangolekta ng mga datos na lubhang kailangan sa ginagawang pananaliksik. a. AKLAT SA LAYBRARI. Napakahalagang lugar ang laybrari sa pangangalap ng mga informasyong magagamit sa talakayan. Dito ka makakakuha ng mga teoryang mapagbabatayan ng mga ideya sa pananaliksik. Dito rin makakalap ang mga pahayag na magpapalakas sa inyong mga paliwanag, sa mga kinalap na informasyon lubhang mahalaga at kailangan na itala sa bahaging sanggunian o biblyografi sa kabuuan, ang pinaghanuan ng ideya. Ang hakbang na ito’y nagpapakita ng respeto sa paggamit ng ideya o kaisipan ng nagmamay-ari. subject card- ito ay nakaayos paalpabetical. author card- pinakapamagat na nakatala b. INTERBYU/PAKIKIPANAYAM. Ito ay gawaing impormasyon ang mismong makukuha sa taong makatutulong sa ginagawang pananaliksik. Ang interbyu ay kailangan upang mapatotohanan ang katotohanan. PAANO ANG PAG-INTEBYU? 1. 2. 3. 4. 5. Siguraduhin ang mga tao o taong iinterbyuhin. Kailangan ang taong iyon ay makatutulong sa ginagawang pag-aaral at ang impormasyon na ibabahagi niya ay sadyang iyon ang kailangan. Ihanda ang mga tanong na ibibigay o itatanong sa iinterbyuhin. Ihanay ang mga tanong ayon sa tamang pagkakasunod-sunod nito. Kung handa na ang itatanong sa kakapanayamin magiging maganda ang daloy ng usapan. Iwasan ang tanong na tanging oo o hindi ang sagot kung maaari. Ang sagot na oo o hindi ay dadaan upang matigil na ang interbyu. Sa pag-interbyu laging ihanda ang sulatang papel o di kaya’y ang tape recorder na magtatago ng resultang interbyu. Huwag kalilimutan ang pasasalamat pagkatapos ng interbyu. Alalahaning inabala mo ang kanyang panahon. Hingin narin ang panahon na muli mo siyang mainterbyu kung kakailanganin pa. Ang papapaisnak sa interbyu ay maari ring maganap bilang porma ng pagtanaw ng utang na loob. c. INTERNET. Matutong manaliksik sa internet upang lalong maging mayaman ang pahayag na maiugnay sa ginagawang pananaliksik. Sa anumang impormasong napakinabangan huwag kalilimutang pasalamatan ang pinagkunan sa pamamagitan ng pagtatala ng website sa biblyografi. Kabanata III pagsusuri at interpretasyon ng mga datos • Kwaliteytiv man o kwantiteytiv ang ginawang pananaliksik may pagsusuri at interpretasyon nagaganap sa resulta ng pag-aaral. Higit namang kailangan ang interpretasyon sa resulta ng istatistiks bilang pagpapatunay sa hipotesis na ginawa sa pag-aaral. Pagsusuri - ang pagsusuri ay nagaganap sa tulong ng malalim na pagpapahayag/ pagpapaliwanag ng kinalanasan ng pag-aaral. Lubos na nasusuri ang pinag-aaralan kung iuugnay ito sa teorya o pagdulog ng mapag-aanglahan. Maari pa ring iugnay ang pagsusuri sa kalagayan ng kapaligiran dahil maaaring makasagot ito sa resulta ng pag-aaral. Interpretasyon - sa pagbibigay interpretasyon ng kinalabasan ng pag-aaral, ipinahahayag nito ang pansariling implikasyon ng resulta ng pananaliksik. Gumaganda ang interpretasyon kung makatotohanan ang mga figyur na lumabas sa pag-aaral. Sa pagbibigay interpretasyon inihahayag muna ang paglalarawan ng mga datos at binabanggit din ang kaukalang tambilang bilang suporta sa gagawing interpretasyon. Ang ginagawan ng interpretasyon ay maaaring nakaanyong tabular o graf na ang parameter ay nasa gawaing itaas o kaya’y sa gawing kaliwa,pababa. Ang kaukalang tambilang naman ay nasa kabilang direksyon ng parameter na maaaring pababa o pahalang ang posisyon. Paliwanag/ pagsusuri - sa unang tanong na panlalalaki o pambababae ang karaniwang sanhi ng pambubugbog sa asawa, makikitang marami ang sumagot sa scale na 4 o sang-ayon, 11 o 35% ng kabuuang bilang ng mga respondente na sinusundan naman ng 5 o sang-ayon na may 9 o 29% at pinakakaunti ang scale na 2 o di-sang-ayon na walang sumagot o 0% - Kabanata IV paglalahad ng resulta ng pananaliksik Sa bahaging ito ilalahad nang isa-isa at malinaw ang mga naging kasagutan sa bawat suliranin o tanong o layunin ng isinagawang pananaliksik. iaanyo ito sa disenyong naaayon sa patakaran ng paaralan o di kaya’y maari rin namang ayon sa kagustuhan ng mananaliksik. Ang mahalaga makikita nang maayos ang sagot sa bawat tanong o layunin ng pag-aaral. Halimbawa ng teksto 1. 2. 3. 4. 5. Bar graph- ito ay ginagamitan ng mga patayo at pahigang linya. Komon ito sa mga paghahambing o comparativr studies. Ang pamagat nito ay nagsasabi kung tungkol saan ang graph. Matatagpuan naman sa gawing ilalim ang pinagkunan ng datos. Pie chart- katulad ng bar graph, mayroon itong pamagat, legends at source. Dito ay hinahati sa bawat bahagi ang kabuuan. Line graph- ito ay madalas gamitin upang ipakita ang pagbaba o pagtaas ng halaga ng mga pangangailangan sa pagdaan ng panahon. Bawat valyu ay kinakatawan ng mga tuldok na nagpapakita ng scale kapag naikonekta. Pictograph- ito ay ginagamitan ng mga larawan na nagrerepresenta sa isang produkto, dito ay madaling makita ang pagkakaiba. Flow chart- nagpapakita ito ng proseso o mga hakbang na kailangang isagawa mula umpisa hanggang huli. Layunin nito na makatipid sa oras o maging maayos o epesyente ang paggawa ng mga bagay-bagay. 6. 7. Istruktura ng organisasyon- pinapakita nito ang istruktura o ang pagkakasunod-sunod ng katugkulan mula sa pinakamataas hanggang sa pinakamababa. Madalas natin itong makita sa lobby ng mga tanggapan upang madali nating matukoy ang mga taong dapat puntahan sakaling mayroon tayong sadya sa isang tanggapan. Talahanayan- ito ang pinakagamitin sa lahat ng larangangan o disiplina dahil ito ang pinakamadaling unawain. Makikita dito ang mga tiyak at aktuwal na impormasyon hinggil sa isinasagawang pananaliksik na maayos na nakahanay sa mga kolum.