Batang Atleta na nakaabot sa DAVRAA Si John Florence A. Beloy , 10 taong gulang, nasa ika-limang baitang sa Mababang Paaralan ng Kiotoy. Siya ay sumali sa larong Athletics. Ang kanyang guro na si Bb. Archel P. Alicaba ang nag udyok sa kanya na sumali sa larong ito. Bago pa man naganap ang City Meet ay araw-araw na siyang nag-eensayo dahil determinado siya na Manalo at maka-abot sa DAVRAA. Kahit maiinit ang sikat ng araw hindi niya ininda ang sakit para sa karangalan ng paaralan at para rin mapatunayan niya sa kanyang sarili na may abilidad din siya sa larong ito. Maraming mga kaklsae niya ang nagsasabi na pagbutihin niya ang pag-ensayo. Sabi pa niya “gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para Manalo para maipagmalaki ako ng aking mga magulang.” Dahil sa kanyang determinasyon nanalo siya at nakakuha ng ikatlong karangalan. Hindi niya inaasahan na makasali siya dahil marami ang magagaling na mga atleta. Simula April 1, nagpunta na siya sa Panabo para sa kanilang in-house traing para sa gaganaping DAVRAA. Marami siyang pagsubok na naranasan lalo na ang gumising na mas maaga di tulad ng nakagawian niya sa kanilang bahay. Naranasan din niya ang umiyak dahil namimiss niya ang kanyang pamilya pero hindi siya pinabayaan ng kanyang guro. Kinukumusta siya palagi at pinuntahan sa kanilang training. Noong Abril 23- ito ang panahong naglaro na siya sa DAVRAA na ginanap sa Tagum City Davao del Norte. Ito ay unang pagkakataon ni Beloy na maglaro sa DAVRAA. Magkahalong kaba at tuwa ang kanyang nararamdaman sa panahon na iyon. Ginawa niya ang lahat ng makakaya para Manalo pero hindi pa rin siya pinalad na Manalo. “ Masaya pa rin ako kahit natalo dahil naranasan ko na makapaglaro sa DAVRAA, sasali pa rin ako at pagbubutihin na.” ‘Nagpapasalamt ako dahil nandiyan ang aking pamilya, mga kaibigan at guro na sumusuporta sa akin,” Saad ni John Florence Beloy. “Bilib ako sa pinakitang determinasyon ni John Florence, kahit hindi siya na nanalo ipinagmamalaki ko pa rin siya dahil hindi biro ang maka-abot sa DAVRAA. Ikan nga TRY and TRY until you succeed……