Pantikan Hinggil sa Isyung pangkasarian Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa mundo na pinakatumatanggap sa mga LGBT(lesbian, gay, bisexual, transgender) (gay-friendly nation). Sa isang pandaigdigang pag aaral na kinabibilangan ng 39 na bansa, pang sampu ang Pilipinas sa 17 bansang tumatanggap sa homoseksuwalidad. Sa kabilang dako, masasabi na malaki ang impluwensiya ng Simbahang Romano Katoliko sa pananaw ng mga Pilipino labansa homoseksuwalidad. Sa politika, may pagkakaiba ang mga kasarian sa kapangyarihang politikal sa pamahalaan, kumunidad at institusyon. Sa tahanan, may pag kakaiba rin ang mga gawaing nakaatang sa kanila gaya ng paggawa ng desisyon at paghanap ng mapagkukunan ng pangangailangan sa tahanan. Sa panghanapbuhay, ang pang- aabuso ay mas madalas maranasan ng kababaihan at homoseksuwal kaysa sa mga kalalakihan. SOGIE BILL SOGIE: Senate Bill 159, o Anti-Discrimination Act, sa Senado at House Bill 258, o SOGIE Equality Act, sa Kamara. Magkamukha ang pakahulugan dito ng dalawang panukala ngunit may kaunting pagkakaiba. Tinutukoy nito ang direksyon ng emosyonal at sekswal na pagkaakit o gawi ng isang tao. Sa SB 159 ni Sen. Risa Hontiveros, kaiba sa gender expression at identidad, tumutukoy ang "sex" sa mga"male," "female" o "intersex" na nakabatay sa ari, gonads at chromosome patterns ng isang tao. Ang mga intersex ay may mga katangian ng sex na hindi pasok sa karaniwang ideya ng katawang male o female. Magkamukha naman ang pakahulugan nila sa gender identity, na personal na pagkakakilanlan sa sarili sa pamamagitan ng pananamit, kagustuhan at pag-uugali kaugnay ng mga "masculine" at "feminine" conventions. Oras na hindi tumugma ang male o female identity ng isang tao sa kanyang "sex," kinikilalang transgender ang isang tao. Iba ang transwomen sa mga bakla. Kinikilala ng bakla ang sarili bilang lalaki habang lalaki rin ang gusto. Iba rin ang transmen sa mga lesbyana. Kinikilala ng lesbyanaang sarili bilang babae habang babae rin ang gusto. Posibleng magkagusto ang transwoman sa isang cis female (babaeng tugma ang identity sa sex) kahit tinitignan niya ang sarili bilang babae. Posible ring magkagusto ang transman sa isang cis male (lalaking tugmaang identity sa sex) kahit tinitignan niya ang sarili bilang lalaki. Kung maisasabatas ang SB 159 o HB 258, depende sa sitwasyon,maaaring patawan ng multang P100,000 hanggang P500,000 ang mga lalabag nito. Pwede ring makulong ng mula isang taon hanggang 12 taon ang mga nabanggit. Ang Pagbabalik (Ni Jose Corazon De Jesus) Babahagya ko nang sa noo’y nahagkan, Sa mata ko’y luha ang nangag-unahan; Isang panyong puti ang ikinakaway, Nang siya’y iwan ko sa tabi ng hagdan: Sa gayong kalungkot na paghihiwalay, Mamatay ako, siya’y nalulumbay! Nang sa tarangkahan, ako’y makabagtas Pasigaw ang sabing, “Magbalik ka agad!” Ang sagot ko’y “Oo, hindi magluluwat!” Nakangiti akong luha’y nalaglag… At ako’y umalis, tinunton ang landas, Nabiyak ang puso’t naiwan ang kabiyak; Lubog na ang araw, kalat na ang dilim, At ang buwan nama’y ibig nang magningning: Maka orasyon na noong aking datnin, Ang pinagsadya kong malayang lupain: Kuwagong nasa kubo’t mga ibong itim, Ang nagsisalubong sa aking pagdating. Sa pinto ng naro’ong tahana’y kumatok, Pinatuloy ako ng magandang loob; Kumain ng konti, natulog sa lungkot, Ang puso kong tila ayaw nang tumibok; Ang kawikaan ko, “Pusong naglalagot, Mamatay kung ako’y talaga nang kulog!” Nang kinabukasang magawak ang dilim, Araw’y namimintanang mata’y nagniningning; Sinimulan ko na ang dapat kong gawin: Ako’y nag-araro, naglinang, nagtanim; Nang magdidisyembre, tanim sa kaingin, Ay ginapas ko na’t sa irog dadalhin. At ako’y umuwi, taglay ko ang lahat, Mga bungang-kahoy, isang sakong bigas; Bulaklak na damo sa gilid ng landas, Ay pinupol ko na’t panghandog sa liyag; Nang ako’y umalis, siya’y umiiyak… O, marahil ngayon, siya’y magagalak! At ako’y lumakad, halos lakad takbo, Sa may dakong ami’y meron pang musiko, Ang aming tahana’y masayang totoo At nagkakagulo ang maraming tao… “Salamat sa Diyos!” ang nabigkas ko, “Nalalaman nila na darating ako.” At ako’y tumuloy… pinto ng mabuksan, Mata’y napapikit sa aking namasdan; Apat na kandila ang nangagbabantay; Sa paligid-ligid ng irog kong bangkay; Mukha nakangiti at nang aking hagkan; Para pang sinabi “Irog ko, paalam!”