Epekto ng Depresyon sa Mag-aaral Isang Tesis Ipinagkaloob kay Isang Pangangailanagan sa Filipino2 (Pagbasa at Pagsusuri) Ipinagkaloob nina: Ika-12 ng Marso Paghahandog Ang sulating pananaliksik na ito ay hinahandog namin sa mga tao na naging parte ng aming buhay at naging malaking tulong upang maisakatuparan ang sulating pananliksik na ito. Sa aming mga magulang, na sobrang pag-iintindi sa paggawa namin sa papel na ito. Pagbigay ng suporta at tiwala sa amin upang matapos ang pananaliksik na ito. Sa aming guro sa Pagbasa, na walang sawang nagturo at tumulong sa amin upang maging matagumpay ang aming pananaliksik. Sa Poong Maykapal, na nagbigay gabay at pasensya upang matapos ang pananaliksik na ito. Pasasalamat Taos pusong pasasalamat ang nais naming ipaabot sa mga sumusunod na indibidwal, tanggapan, at sa iba pang mga naging bahagi ng aming pag-aaral. Para sa walang humpay na suporta, tulong, at kontribusyon upangmaging matagumpay ang pag-aaral na ito. Sa aming mga magulang, nagpapasalamat kami sa inyong pag-iintindi at pagsuporta na binigay niyo sa amin upang magawa namin ang pananaliksik. Sa aming mga kapwa mag-aaral, nagpapasalamat kami dahil sa suportang pinakita niyo sa amin upang matapos naming ang pananaliksik. Sa aming guro sa Pagbasa, pinapasalamatan naming siya sa taos pusong pagtulong sa amin upang maging matagumpay ang aming pananaliksik. Sa kanyang mabusilak na puso na nagbigay lakas sa amin upang magpursigi sa pananaliksik, salamat sa walang humpay na suporta. Sa Poong Maykapal. Salamat sa pagbigay sa aming grupo ng determinasyon upang maisagawa at maisakatuparan ang pag-aaral at pagbibigay ng kaalaman na aming ginamit sa pananaliksik. Sa pag dinig ng aming mga panalangin sa mga panahon na kami ay pinaghihinaan ng loob na matapos itong pananaliksik. Muli, maraming salamat po sa inyong lahat. Kabanata I Introduksyon Ang depresyon ay isang kondisyon kung saan karamihan sa mga kabataan ay nakakaranas ng lungkot, kawalan ng pag-asa, walang silbi at walang interes sa pang-araw-araw na buhay. Ang depresyon ay may kakayahang pigilan na gawin ang mga pang-araw-araw na gawain sa buhay. Ano kaya ang sanhi at magiging epekto nito sa mga mag-aaral na nakakaranas ng depresyon? Iilan na kaya ang may ganitong kondisyon? Ano kaya ang makakatulong upang ito’y malampasan? Ang depresyon ay isa sa mga karamdaman sa pag-iisip na hindi gaanong pinapansin o binibigyang-halaga noon ngunit tila nagbabago na nga ang panahon ngayon dahil marami ng kabataan ang nakakaranas ng depresyon. Para sa iba ay isa lamang itong simpleng sakit sa pagiisip o mental illness ngunit nakakalungkot isipin na maaaari itong maging sanhi ng pagkitil ng isang buhay. Sa buong mundo ay umaabot sa 800,000 ang nagpapakamatay taon-taon o isa kada 40 segundo, ayon sa WHO. Isaisip na ang buhay ng isang tao ay hindi lang puro masaya dahil hindi natin alam na sa likod ng kanilang ngiti ay may dinadama itong lungkot sa sarili. Kaya habang maaga pa, tayo’y gumawa ng aksyon upang matulungan ang mga kabataang nakakranas nito dahil itoy’y seryosong problema na di dapat balewalain. Ayon kay Admin (2017), Dalawa o higit pang mga kadahilanan ay maaaring magkaroon ng isang epekto sabay-sabay upang maging sanhi ng depression. Ang depresyon ay maaaring maging isang malayang sakit, o isang bahagi ng iba pang mga sakit. Depresyon ay din na nahahati sa iba‘t-ibang mga subtypes ayon sa sanhi. Reaktibo depression, sakit na ito ay lamang ng isang resulta mula sa sikolohikal na stress, pisikal na pakikibaka o mental na straining nang walang tamang pahinga o pagtulog sa loob ng isang mahabang panahon ng oras. Ang straining ay lamang magsuot ng mga out ang nervous system o maubos ang mga organismo mula sa pagkaing nakapagpalusog kinakailangan para sa nervous system upang gumana nang maayos. Kapag nagkaroon ng hindi naging anumang mga panahon ng stress, straining o kakulangan ng pahinga na maaaring ipaliwanag ang mga kondisyon, ang mga kondisyon na ito ay madalas na tinatawag na “endogenous depression”. Ang mga kababaihan ay madalas na magkaroon ng isang panahon ng depresyon pagkatapos ng pagbubuntis at puwesto ng sanggol sa pagbubuntis at maaaring alisan ng tubig ang katawan para sa pagkaing nakapagpalusog. Isang pangkalahatang may diperensya sa pamumuhay na may masyadong mababa ang ehersisyo, maraming ng mga stimulants tulad ng alak, kape o tsaa, masyadong mababa ng mahalagang pagkaing nakapagpalusog, masyadong maraming asukal at taba ay maaaring magbigay ng mga sintomas ng depresyon, pati na rin ang pisikal na mga problema. Ito ang mga maaaring maging sanhi ng mga sintomas ng depresyon. Ayon sa WHO, ang depresyon ay resulta ng maraming pinagsama-samang sanhi. Maaaring epekto ito ng pagtrato ng ibang tao, stress, o pisikal na salik. Pisikal na salik, kadalasan namamana ang depresyon. Ipinakikita nito na ang genes ay may malaking papel, at malamang na nakaaapekto sa kemikal na proseso sa utak. Maaari ding salik ang sakit sa puso, pabago-bagong hormone level, at patuloy na pag-abuso sa substansiya na maaaring maging sanhi o magpalala sa depresyon. Stress, totoong nakabubuti ang kaunting stress. Pero kapag tuloy-tuloy o sobra na ang stress, makasasama ito sa katawan at isip na kung minsan ay nagiging sanhi ng depresyon sa isang kabataang dumaranas ng mga pagbabago sa katawan. Gayunman, hindi pa rin matukoy ang eksaktong sanhi ng depresyon at maaaring hindi lang iisa ang dahilan, gaya ng nabanggit na. Ang ilang sanhi ng stress na maaaring mauwi sa depresyon ay ang paghihiwalay o pagdidiborsiyo ng mga magulang, pagkamatay ng mahal sa buhay, pisikal o seksuwal na pangaabuso, malubhang aksidente, pagkakasakit, o problema sa pagkatuto—lalo na kapag nadama ng isa na nilalayuan siya dahil dito. Nakaka-stress din kapag sobrang taas ang inaasahan ng magulang sa anak, gaya ng maging honor student. Posibleng dahilan din ang pambu-bully, pagkabahala sa kinabukasan, malayo ang loob sa nadedepres na magulang, at pabago-bagong pakikitungo ng magulang. Ang depresyon ang nangungunang rason kung bakit nada-drop out ang mga estudyante lalo na sa kolehiyo. Ang malalang epekto ng depresyon ay ang pagpapakamatay. Ayon sa Healthcare.com, ang mga sinyales ng depresyon ng mga college student ay kakulangan ng tulog, pagkain at walang ehersisyo. Nai-stress rin ang mga estudyante lalo na kung nape-pressure na makamit ang mataas na grades o marka, Sanhi rin ng kanilang depresyon ang problemang pinansyal, hindi matagumpay na relasyon at away ng mga kabarkada. Ayon sa Statistics, isa sa bawat apat na college student ay may problema sa pag-iisip at dumaranas ng depresyon. 75% ng mga depressed na college students ay hindi humihingi ng tulong mula sa mga eksperto kagaya ng psychiatrist at psychologist. Ang mga kabataan ay may malaking posibilidad na magpakamatay lalo na kung hindi makayanan ang depresyon. Ayon sa pag-aaral ng Royal College of Psychiatrists, ang mga estudyante ay naaapektuhan lalo na sa usapang pinansyal at naharap sa problema lalo na sa paghanap ng trabaho. Ikinabubuhay rin ng mga mananaliksik na ang mga kabataang may problema ay dumudulong sa ipinagbabawal na gamot. Ang depresyon ay nakakapinsalang kondisyon na labis na nakakaapekto sa pamilya ng pasenteng meron nito. Maraming mga kabataan ang nakakaranas ng depresyon lalo na ang mga kabataang nag-aaral na maaaring ito’y dulot ng mga problemang kanilang nakakaharap, gaya ng walang perang pambayad ng tuition, pambubully sa paaralan, at pressure na binibigay ng mga guro sa mag-aaral kaya naging dahilan ito upang mawalan ng gana mag-aral, magmukmok, pagdodrop-out, at ang mas matindi pa ang pagpapakamatay. Sa huling tala ng WHO, umaabot na sa 350 milyong tao na may iba’t ibang edad ang naapektuhan ng depresyon. Bagama’t may mga gamot dito, kakarampot lamang ang nalulunasan. Ang isa pang nakakalungkot na katotohanan: isa lamang sa bawat limang teenager na dumaranas ng depresyon ang natutulungan. Ayon kay Andrea Anne del Rosario (2017), may mga kaya maraming mga bagay na maaari mong gawin upang makatulong sa iyong sarili. Sa maraming kaso, therapy at antidepressant gamot lamang ang tulong ngunit sa ngayon mayroon kang upang hanapin ito sa loob ng iyong sarili upang makatulong sa iyo. Kung hindi mo matulungan ang iyong sarili, sino ang?! Paglalahad ng Layunin Ang pangkalahatang layunin ng pag-aaral na ito ay; 1. Malaman ang mga sanhi ng pagkakaroon ng depresyon 2. Malaman ang epekto ng depresyon 3. Malaman kung paano ito nakakaapekto sa pag-aaral ng mga mag-aaral Paglalahad ng Suliranin Ang pangkalahatang suliranin ng paksang pag-aaralan ay; 1. Ano ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng depresyon ang kabataan? 2. Meron bang epekto ang depresyon sa pag-aaral? 3. Ano ang kadalasang naidudulot ng pagkakaroon ng depresyon? Kahalagahan ng Pag-aaral Ang pag-aaral na ito ay naghangad na magkaroon ng magandang ambag sa mga sumusunod na miyembro ng ating lipunan; Mag-aaral. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay makakatulong sa pagdagdag ng kaalaman sa mag-aaral tungkol sa depresyon na baka kanila ding nararanasan. Para maiwasan ang pagkakaroon ng depresyon habang maaga pa. Magulang. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay makakatulong upang gabayan ang kanilang anak na sakaling ito'y kanilang nararanasan. Mabigyan ng karagdagang oras ang kanilang pag-aalaga sa kanilang anak para makaiwas sa depresyon. Tagapagsaliksik. Ang resulta ng pag-aaral ay nakakatulong sa mga tagapagsaliksik na malaman kung ano ang magiging epekto ng depresyon sa mga mag-aaral. Mapalawak at mapaintindi ang kahulugan ng depresyon. Mga susunod na Tagapagsaliksik. Ang resulta ng pag-aaral ay makakatulong sa kanila upang maging gabay sa kanilang gagawing saliksik. Maipabatid ang tungkol sa depresyon sa kanilang henerasyon. Saklaw at Limitasyon Ang pananaliksik na ito ay nakatuon na malaman ang mga sanhi ng pagkakaroon ng depresyon, malaman ang epekto ng depresyon at kung paano ito nakakaapekto sa pag-aaral ng mga mag-aaral. Ang disenyo na gagamitin ay deskriptibong metodolohiya ng pananaliksik. Ang instrument na gagamitin ng mananaliksin ay talatanungan o survey questionnaire. Ang mananaliksik ay pumili ng sampung (10) mag-aaral ng ika-12 na pangkat ng seksyon Aries ng Riverside College Inc. na maging respondante na nakatakdang sumagot sa sarbey. Ang mga kalahok ay napili sa paraan ng “random sampling.” Kahulugan ng mga Terminolohiyang Ginamit Upang mas maging madali at ganap ang pagkakaintindi ng mga mambabasa, minarapat naming bigyan ng depinisyon ang mga sumusunod na terminolohiya batay sa kung paano ginamit ang bawat isa sa pamanahong papel na ito; Depresyon. Ang depresyon ay karamdamang pang-kaisipan (mental disorder) kung saan ang tao ay nakakaranas ng depressed mood (lungkot na malalim at hindi lumilipas) (Alipio, 2017). Sa pag-aaral, ang depresyon ay isang kondisyon kung saan nakakaranas ng lungkot, kawalan ng pag-asa, walang silbi at walang interes sa pang-araw-araw na buhay. Stress. Ang stress ay isang sitwasyon na kung saan ay dumadaan sa pakiramdam na ikaw ay nahihirapan, nababahala, labis na kapaguran at tila nawawalan ng pag-asa (Loralaine R.,2017). Sa pag-aaral, ang stress ay emosyonal o pisikal na reaksyon ng katawan na maaaring maging resulta sa depresyon. Pambubully. Ang pambubulas o "bullying" sa ingles ay isang paraan ng pananakit sa pisikal o emosyonal na parte ng isang indibidwal o grupo ng mga tao (Simbulan,2014). Sa pagaaral, ang pambubully ay pananakit, pang-aasar o pangloloko sa kapwa. Pagpapakamatay. Ang pagpapakamatay o suicide ay kapag sinadya ng isang tao na kitlin/wakasan ang sarili niyang buhay sa kahit na anong paraan (al-`Uthaymeen, 2015). Sa pagaaral na ito, ang pagpapakamatay ay ang pagkitil ng sariling buhay. Pang-aabuso. Ang pangaabuso ay pananakit sa isang tao upang pwersahin siyang gawin ang mga bagay na hindi gusto (Ace, n.d). Sa pag-aaral, ang pang-aabuso ay pananakit sa isang tao, pisikal o mental. Pagdiborsyo. Ang pagdiborsyo ay pagpapawalang bisa sa kasal at upang maghiwalay na ng tuluyan ang mag-asawa (Daguman, 2013). Sa pag-aaral, ang pagdiborsyo ay paghihiwalay ng mag-asawa. Ipinagbabawal na gamot. Tumutukoy sa anumang sangkap, hindi kasama ang tubig at mga pagkain, na nakapagpapabago sa takbo ng kaisipan ng tao at katawan din ng tao (Hernandez, 2014). Sa pag-aaral, ito ay ang droga na nakakaapekto sap ag-iisp ng tao. Sakit sa isip. Ang sakit sa isip ay isang kapansin-pansing pagbabago sa isip, emosyon, at paggawi ng isang tao (Jehova, 2014). Sa pag-aaral, ito ay isang karamdaman sa isipan na nagdudulot sa isang indibidwal na magkaroon ng pag-aasal, pakiramdam o personalidad na itinuturing na hindi bahagi ng normal na pag-unlad sa isipan ng isang normal na indibidwal. Pag-asa. Ang pag-asa ay damdaming nagpapasigla sa ating pang-araw-araw na buhay (Snow, 2011). Sa pag-aaral, ang pag-asa ay umaasam nang may hangarin at makatuwirang pagtitiwala. Saykayatrist. Ito ay manggagamot, nagtapos siya mula sa medikal na instituto sa direksyon ng saykayatrya (Vavav, 2017). Sa pag-aaral, ito ay manggamot sa mga taong may sakit sa pag-iisip. Kabanata II Metodolohiya at Paglalahad ng Resulta at Interpretasyon ng mga Datos Sa kabanatang ito ay ipapakita ang disenyo ng pananaliksik, instrumentong gagamitin sa paglikom ng datos, paraan sa pagpili ng respondante at paglalahad ng resulta at interpretasyon ng mga datos. Disenyo ng Pananaliksik Ang metodolohiya ay ginagamitan ng deskriptibong pamamaraan sa pananaliksik. Ito ang disenyo na dapat gamitin sapagkat angkop ito sa pananaliksik. Gayundin, ito ay makakatulong upang makuha ang tamang resulta at mapapadali ang pangangalap ng mga datos. Mga Instrumentong Pananaliksik Ang mga mananaliksik ay gumamit ng talatanungan o survey questionnaire bilang instrumento sa pagkalap ng mga datos na gagamitin sa pag-aaral. Paglalahad ng Resulta at Interpretasyon ng mga Datos Sa totoo lang, nakaaalarma ang pagdami ng mga kabataang may depresyon, at ito “ang pangunahing dahilan ng pagkakasakit at kapansanan sa mga lalaki’t babae na edad 10 hanggang 19,” ang sabi ng World Health Organization (WHO). Sa panahong ngayon, talamak lalo na sa mga kabataan ang isyung pagpapakamatay dulot ng depresyon. Ang Pilipinas ngayong 2017 ay may suicidal rate na 2.5 para sa mga kalalakihan at 1.7 para sa mga kababaihan sa bawat 100,000 populasyon, ayon sa National Center para sa Mental Health ng Department of Health. Sa kabilang banda, itilaga naman ng World Health Organization (WHO) sa 10.7 porsiyento sa bawat 100,000 katao ang nagpapakamatay sa buong mundo. Ngunit ayon sa 2004 datos ng WHO, tayo ang may pinakamataas na antas nito sa Southeast Asia. Mahigit 4.5 million kaso ng depresyon ang naiulat sa bansa at tatlong porsyento ng Pilipino ang na-diagnose na may depresyon. Marami pa ring mga kaso ng depresyon ang hindi nada-diagnose dahil sa hiya. Sa 90 na may depresyon sa ating bansa, 30 lamang ang maghahanap ng medikal na tulong. Sa pamamagitan ng ang oras ng pre-menopausal, ang mga kababaihan sa pagitan ng edad ng 20 at 45 ay pinaka nasa panganib upang makakuha ng depresyon. Batay sa record ng pagaaral, 34% ng mga pangkat ng edad na ito ay nagrereklamo ng pagkakaroon ng mga sintomas ng mga pangunahing depresyon. Ang depresyon ay karaniwang nangyayari sa paligid menopausal stage, ito ay ang yugto kapag ang mga kababaihan sa hormonal pagtatago ng mga pagbabago. Karaniwang sintomas tulad ng kakulangan ng pagtulog, mood swing, alta-presyon, at pagkawala ng gana sa pagkain ay nakaranas. Kabanata III Buod at Konklusyon Buod Ang depresyon ay nakakapinsalang kondisyon na labis na nakakaapekto sa pamilya ng pasenteng meron nito. Maraming mga kabataan ang nakakaranas ng depresyon lalo na ang mga kabataang nag-aaral na maaaring ito’y dulot ng mga problemang kanilang nakakaharap, gaya ng walang perang pambayad ng tuition, pambubully sa paaralan, at pressure na binibigay ng mga guro sa mag-aaral kaya naging dahilan ito upang mawalan ng gana mag-aral, magmukmok, pagdodrop-out, at ang mas matindi pa ang pagpapakamatay. Ang depresyon ay resulta ng maraming pinagsama-samang sanhi. Maaaring epekto ito ng pagtrato ng ibang tao, stress, o pisikal na salik. Ang mga sanhi ay; Pisikal na salik, kadalasan namamana ang depresyon. Ang sakit sa puso, pabago-bagong hormone level, at patuloy na pag-abuso sa substansiya na maaaring maging sanhi o magpalala sa depresyon. Stress, totoong nakabubuti ang kaunting stress. Pero kapag tuloy-tuloy o sobra na ang stress, makasasama ito sa katawan at isip na kung minsan ay nagiging sanhi ng depresyon sa isang kabataang dumaranas ng mga pagbabago sa katawan. Ang paghihiwalay o pagdidiborsiyo ng mga magulang, pagkamatay ng mahal sa buhay, pisikal o seksuwal na pang-aabuso, malubhang aksidente, pagkakasakit, o problema sa pagkatuto—lalo na kapag nadama ng isa na nilalayuan siya dahil dito. Nakaka-stress din kapag sobrang taas ang inaasahan ng magulang sa anak, gaya ng maging honor student. Posibleng dahilan din ang pambu-bully, pagkabahala sa kinabukasan, malayo ang loob sa nadedepres na magulang, at pabago-bagong pakikitungo ng magulang. May masyadong mababa ang ehersisyo, maraming ng mga stimulants tulad ng alak, kape o tsaa, masyadong mababa ng mahalagang pagkaing nakapagpalusog, masyadong maraming asukal at taba ay maaaring magbigay ng mga sintomas ng depresyon, pati na rin ang pisikal na mga problema. Gayunman, hindi pa rin matukoy ang eksaktong sanhi ng depresyon at maaaring hindi lang iisa ang dahilan, gaya ng nabanggit. Maraming mga epekto ng depresyon ito ay ang mga; Nada-drop out ang mga estudyante lalo na sa kolehiyo Pagpapakamatay Mawalan ng gana mag-aral Magmukmok Paggamit ng pinababawal na gamut Sa buong mundo ay umaabot sa 800,000 ang nagpapakamatay taon-taon o isa kada 40 segundo, ayon sa WHO. Isaisip na ang buhay ng isang tao ay hindi lang puro masaya dahil hindi natin alam na sa likod ng kanilang ngiti ay may dinadama itong lungkot sa sarili. Kaya habang maaga pa, tayo’y gumawa ng aksyon upang matulungan ang mga kabataang nakakranas nito dahil itoy’y seryosong problema na di dapat balewalain. Konklusyon Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang malaman ang mga sanhi at epekto ng depresyon sa mga mag-aaral. Ang mananaliksik ay pumili ng sampung (10) mag-aaral ng ika-12 na pangkat ng seksyon Aries ng Riverside College Inc. na maging respondante na nakatakdang sumagot sa sarbey. Ang mga kalahok ay napili sa paraan ng “random sampling.” Ang metodolohiya ay ginagamitan ng deskriptibong pamamaraan sa pananaliksik. Ang instrumenting ginamit ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ay ang talatanungan o survey questionnaire. Ang depresyon, ay ang pangunahing dahilan ng pagkakasakit at kapansanan sa mga lalaki’t babae na edad 10 hanggang 19. Ang Pilipinas ay may suicidal rate na 2.5 para sa mga kalalakihan at 1.7 para sa mga kababaihan sa bawat 100,000 populasyon. Sa kabilang banda, 10.7% sa bawat 100,000 katao ang nagpapakamatay sa buong mundo. Ang Pilipinas ang may pinakamataas na antas nito sa Southeast Asia. Mahigit 4.5 million kaso ng depresyon ang naiulat sa bansa at 3% ng Pilipino ang na-diagnose na may depresyon. Sa 90 na may depresyon sa ating bansa, 30 lamang ang maghahanap ng medikal na tulong. Talasanggunian Admin (2017). Ano ang Depresyon?. Nakuha noong Marso 10, 2018 mula sa https://pinoymentalhealthblog.com/2017/09/10/ano-ang-depression/ Coombs, C. (2017). Black People sa New York Magdusa mula sa Depression Higit sa Iba Pang Grupo sa Lungsod. Nakuha noong Marso 10, 2018 mula sa https://tl.upost.info/31373333353537313039 Del Rosario, A. (2018). Bagong Pag-aaral Sabi Depression Really Is Increasing in America. Nakuha noong Marso 10, 2018 mula sa http://ph.lamareschale.org/kalusugan/bagong pagaaral-sabi-depression-really-is-increasing-in-america/ Hernandez, M. (2014). Droga. Nakuha noong Marso 10, 2018 mula sa https://prezi.com/w4albi2epnlq/droga/ Jehova (2017). Depresyon sa Kabataan - Mga Dahilan at Panlaban. Nakuha noong Marso 10, 2018 mula sa https://www.jw.org/tl/publikasyon/magasin/gumising-blg1-2017 pebrero/depresyon-kabataan-panlaban/ Loralaine R. (2017). Ang Stress o Tensyon at ilang paraan para maiwasan ito. Nakuha noong Marso 10, 2018 mula sa http://www.akoaypilipino.eu/gabay/gabay/gabay/ang-stress o-tensiyon-at-ilang-paraan-na-maiwasan-ito.html Pascual, A. (2016). Mental Health. Nakuha noong Marso 10, 2018 https://www.veritas846.ph/mental-health/ Shaykh Salih al-Uthaymeen (2015). Ang Pagpapakamatay. Nakuha noong Marso 10, 2018 mula sa http://aminbandao87.blogspot.com/2015/04/ang-pagpapakamatay.html Simbulan, L. (2014). Pambubulas. Nakuha noong Marso 10, 2018 mula sa http://pambubulas.blogspot.com/ Snow, S. (2011). Pag-asa. Nakuha noong Marso 10, 2018 mula sa https://www.lds.org/general conference/2011/04/hope?lang=tgl