FILIPINO MAJOR: ESTRUKTURA AT WASTONG GAMIT NG WIKANG FILIPINO Inihanda ni : G. DOMICIANO C. DE GUZMAN, LPT Lektiyurer KATANGIANG DAPAT MONG TAGLAYIN TUNGO SA PAG-ABOT NG IYONG PANGARAP S -IPAG T -IYAGA D -ASAL S -AKRIPISYO 1. Ito ay tumutukoy sa instrument ng komunikasyon na siyang ginagamit sa pakikipagtalastasan, ugnayan, at pagpapalitan ng kaisipan. A. Tunog B. Wika C. Bokabularyo D. Sining 2. Ito ay isang sangay ng linggwistika na sumasaklaw sa pag-aaral ng kayarian o istruktura ng salita. A. Ortograpiya B. Morpolohiya C. Semantika D. Sintaks 3. Anong sangay ng linggwistika ang nakatuon sa pag-aaral ng kahulugan ng tunog o ponema? A. Ortograpiya B. Morpolohiya C. Semantika D. Ponolohiya 4. Ibigay ang panlapi na ginagamit sa mga sumusunod na salita: Kaligayahan, pagmamahalan, at pagkatiwalaan. A. Hulapi B. Tambalan C. Kabilaan D. Laguhan UNLAPI – mga panlapi na ikinakabit sa unahan ng salitang ugat. Hal. um-, ma-, i-, mag-, GITLAPI – mga panlaping isinisingit sa pagitan ng unang katinig at kasunod nitong patinig. Hal. –um-, -inHULAPI – mga panlaping matatagpuan sa hulihan ng salitang-ugat Hal. –in, -hin, -an, -han KABILAAN – unlapi + hulapi Hal. Kalayaan LAGUHAN – unlapi + gitlapi + hulapi Hal. Magdinuguan 5. Anong teorya ng wika ang nagsasabing ang wika ay nalikha bunga ng masidhing damdamin ng tao? A. Bow-wow B. Pooh-pooh C. Ding-dong D. Yoheho MGA TEORYA NG PINAGMULAN NG WIKA POOH-POOH – ang wika ay nailikha bunga ng mga masidhing damdamin gaya ng tao. BOW-WOW – ang wika ay maaaring nagmula sa panggagaya ng tao sa mga tunog sa kalikasan. YO-HE-HO – ang wika ay bunga diumano ng pwersang pisikal ng tao. TA-RA-RA-BOOM-DE-AY – ang wika ay nag-ugat sa mga tunog na nililikha ng mga tao sa kanilang mga ritwal. TA-TA – ang wika ay nagmula sa panggagaya ng dila sa kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa sa bawat partikular na okasyon. DING-DONG – ang wika ay nagmula sa panggagaya ng tao sa mga tunog na nalilikha ng mga bagay-bagay sa paligid, hindi lamang sa kalikasan kung di maging sa mga bagay na likha ng tao. 6. Sa ponemang segmental, ano ang tinataglay ng mga salitang galaw, baliw, lamay, at kahoy? A. Ponema B. Klaster C. Diptonggo D. Pares minimal Ponema – ang ay isa sa mga yunit ng tunog na nagpapakita ng kaibahan ng isang salita mula sa isa pang salita partikular na wika. Ponemang Segmental- Ginagamit upang makabuo ng mga salita. Ito ay kinakatawanan ng mga letra. A. Diptonggo – ang tawag sa alinmang patinig na sinusundan ng /w/ o /y/ sa loob ng isang pantig. B. Klaster – ang tawag sa alinmang dalawang magkasunod na magkaibang katinig sa isang pantig. C. Pares Minimal – ang tawag sa pares ng salita na magkaiba ang kahulugan ngunit magkapareho ang baybay maliban sa isang titik o ponema sa magkatulad na posisyon. D. Ponemang Malayang Nagpapalitan – mga ponemang maaaring ipalit sa posisyon ng ibang ponema nang hindi magbabago ang kahulugan ng salita. 7. Aling salita ang may diptonggo? A. Bawal B. Sibuyas C. Bahay D. Lahat ng nabanggit 8. Aling salita ang may klaster? A.Bulsa B. Bistado C. Trabaho D. Kahoy 9. “Nahulog ang bata” Anong uri ng pangungusap ayon sa kayarian ang pangungusap na ito? A.Padamdam B. Pasalaysay C. Payak D. Tambalan Uri ng Pangungusap Ayon sa Kayarian. A. Payak – binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa. Hal. Si Nicole ay mayumi B. Tambalan – binubuo ng dalawang sugnay na makapag-iisa. Ginagamitan ito ng pangatnig na panimbang. Hal. Si Joshua ay matapat, ngunit si Julia ay taksil C. Hugnayan – binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa at isang sugnay na di-makapag-iisa. Ginagamitan ito ng pangatnig pantulong: dahil, kung, nang. Hal. Masaya si Roldan dahil siya ay may bagong laruan D. Langkapan – binubuo ng dalawang sugnay na makapag-iisa at isang sugnay na di-makapag-iisa. Hal. Makapapasa talaga siya at makakatamo ng diploma kung siya ay magsusumikap sa pag-aaral. 10. Alin sa mga sumusunod ay HINDI uri ng pangungusap ayon sa gamit? A. Padamdam B. Langkapan C. Pautos D. Patanong URI NG PANGUNGUSAP AYON SA GAMIT Paturol – nagsasalaysay ng isang katotohanan o pangyayari at nagtatapos sa tuldok. Hal. Si Jose Rizal ay ang ating pambansang bayani. Patanong – nagtatanong o nag-uusisa at nagtatapos sa tandang pananong. Hal. Kumain ka na ba? Pautos o Pakiusap – nag-uutos o nakikiusap at nagtatapos sa tuldok o tandang pananong. Hal. Dalhin mo ang mga gamit sa kwarto. Padamdam – nagsasaad ng matinding damdamin at gumagamit ng tandang padamdam. Hal. Naku! Nabasag ang mamahaling pinggan. 11. Kararating lang ni tatay mula sa trabaho. Ano ang aspekto ng pandiwa sa pangungusap? A. Pangnagdaan B. Pangkasalukuyan C. Panghinaharap D. katatapos Aspekto ng Pandiwa Pangnagdaan – ito ay nagsasaad na ang kilos ay natapos na. Hal. Nagluto ng adobo si Aling Maria. Pangkasalukuyan – ang aspektong nagaganap o imperpektibo ay ginagamit sa pagsasaad ng kilos na inumpisahan ngunit patuloy na ginagawa at hindi pa tapos. Hal. Nagluluto ng almusal si Maria araw-araw Panghinaharap – ang aspektong magaganap o kontemplatibo ay nagsasaad na ang kilos ng pandiwa ay hindi pa nauumpisahan o gagawin pa lamang. Hal. Magluluto ng pansit si Maria mamaya Katatapos – ito ay nangangahulugang katatapos pa lang ng kilos. Hal. Kabibili ko pa lamang ng yelo ngunit tunaw na ito agad. 12. Ang salitang “parak” ay nasa anong antas ng wika? A. Kolokyal B. Balbal C. Lalawiganin D. Pampanitikan 13. Nasa anong antas ng wika kabilang ang mga salitang tulad ng NASAN AT PA’NO? A. Pabalbal B. Kolokyal C. Lalawiganin D. Pampanitikan 14. Ang salitang “bana” ay halimbawa ng anong antas ng wika? A. Sosyolek B. Pabalbal C. Lalawiganin D. Idyolek 15. Ito ay isang barayti ng wika na tumutukoy sa wikang nalilikha batay sa dimensyong heograpiko. A. Etnolek B. Sosyolek C. Kolokyal D. Dayalekto BARAYTI NG WIKA DAYALEKTO – ito ang barayti ng wika nalilikha ng dimensyong heograpiko. Hal. Aba, ang ganda! Aba, ang ganda eh SOSYOLEK- Ito ang barayti ng wikang nabubuo sa dimensyong sosyal dahil sa ito ay nakabatay sa mga pangkat ng lipunan. Hal. Wiz ko feel ang mga hombre ditech, day! Wow pare, ang tindi ng tama ko! Heaven! JARGON – mga tanging bokabularyo ng isang partikular na pangkat ng gawain. Hal. Tsok, Lesson Plan, Klas Rekord Appeal, justice, court, hearing IDYOLEK – Ito ay tumutukoy sa personal at kani-kaniyang paraan ng paggamit ng wika. Hal. Magandang gabi, bayan Halika, kaibagan! Usap tayo. 16. Ang “pangarap” pangngalang ___________. A. Pantangi B. Palansak C. Tahas D. Basal ay isang 17. Alin sa mga sumusunod pangngalan ang HINDI tahas? A. Pagkain B. Gamot C. Lapis D. Pag-asa na 18. Alin sa mga sumusunod ay isang pangngalang palansak? A. Pag-ibig B. Jose C. Bahay-kubo D. Buwig 19. “Maraming Salamat”. anong uri ng pangungusap? A. Temporal B. Pormulasyong Panlipunan C. Sambitla D. Pamanahon Ito ay PANGUNGUSAP NA WALANG PAKSA EXISTENSIYAL – nagpapahayag ng pagkamayroon o kawalan ng isa o higit pang tao, bagay at iba pa. Hal. Mayroong nagpapabakuna ng Astrazenica sa RHU Wala pang kuryente Mayroong laman ang pitaka Walang pagkain sa lamesa MODAL– nangangahulugang nais/gusto/pwede/maaari. Hal. Puwedeng sumali? Maaari ba? SAMBITLA – tumutukoy sa mga iisahin o dadalawahing pantig na nagpapahayag ng matinding damdamin. Hal. Aray! Grabe! PAMANAHON – Nagsasaad ng oras, kalagayan o uri ng panahon. 2 uri ng Pamanahon 1. PENOMENAL – pangungusap na tumutukoy sa mga kalagayan o pangyayari sa mga kalikasan o kapaligiran. Hal. Umuulan Bumabagyo 2. TEMPORAL – Nagsasaad ng mga kalagayan o panahon na panandalian lamang. Hal. Umaga na Pasko na naman PORMULASYONG PANLIPUNAN – Mga pagbati, pagbibigay galang, at iba pa na nakagawian na sa lipunang Pilipino. Hal. Magandang umaga! Salamat po 20. Ibigay ang panaguri pangungusap na nasa ibaba. “Ang gatas ay mayaman sustansiya” A. Sustansiya B. Ang C. gatas D. Mayaman sa sa 21. Anong bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos, galaw, at pangyayari? A. Pangngalan B. Panghalip C. Pang-uri D. Pandiwa 22. Si Doming ay mabagal na naglakad papunta sa altar. Anong bahagi ng pananalita ang salitang may salungguhit? A. Panghalip B. Pang-abay C. Pang-uri D. Pandiwa 23. “Kumakain ng saging si Gorio “. Ibigay ang pokus ng pandiwa na nasa pangungusap. A. Ganapan B. Sanhi C. Tagaganap D. Tagatanggap POKUS NG PANDIWA POKUS SA TAGAGANAP- ang paksa ng pangungusap ay ang siyang gumagawa ay siyang gumagawa ng kilos na sinasaad ng pandiwa. Hal. Kumain si Ivy POKUS SA TAGATANGGAP – ang paksa ng pangungusap ay ang siyang pinaglalaanan ng kilos na isinasaad ng pandiwa. Hali. Ipinagluto ng kanyang asawa si Glen. POKUS SA SANHI – ang paksa ng pangungusap ay siyang dahilan o sanhi kung bakit nagaganap ang kilos na isinasaad ng pandiwa. Hal. Ikinatuwa ng publiko ang pagkapanalo ni Marcos Jr. POKUS SA GANAPAN – ang paksa sa pangungusap ay ang lugar kung saan nangyayari angkilos na isinasaad ng pandiwa. Hal. Namasyal ang magkaibigan sa Plasa POKUS SA GAMIT- ang paksa ng pangungusap ay ang siyang ginagamit na bagay upang maisagawa ang kilos na isinasaad ng pandiwa. Hal. Ipinanghalo ko ang sandok 24. “Ipinagluto ng kanyang asawa si Laarni”. Ano ang pokus ng pandiwa na nasa pangungusap? A. Ganapan B. Sanhi C. Tagaganap D. Tagatanggap 25. Ikinalungkot ko ang mga kalamidad na dumating sa Pilipinas sa taong ito. Anong pokus ng pandiwa ang nakasalangguhit sa pangungusap ay __________. A. Ganapan B. Sanhi C. Tagaganap D. Tagatanggap 26.Alin sa mga salita sa ibaba ang nasa kayariang KPPKKPKPKP? A. Kasaysayan B. Heograpiya C. katapangan D. Klastering 27. Bakit Tagalog ang siyang batayan ng kauna-unahang Pambansa sa Pilipinas? napiling wikang A. Dahil sa ito ang ginagamit ng mga tagamanila kung saan naman matatagpuan ang kabisera ng Pilipinas. B. Dahil sa ito ay binubuo ng mga kaakit-akit na mga salita at bokabularyo. C. Dahil sa ito ay tinatanggap at ginagamit na ng mas nakararaming Pilipino. D. A at C 28. Ang “ Hindi po naming kayo tatantanan” at “Dahil hindi natutulog ang balita 24 oras” ay mga tanyag na pahayag ni Mike Enriquez sa telebisyon. Sa anong barayti ng wika ito naiuuri? A. Etnolek B. Dayalekto C. Sosyolek D. Idyolek 29.“Si Julie ay maganda”. Ibigay ang ayos ng pangungusap na ito. A. Payak B. Tambalan C. Karaniwan D. Di-karaniwan 30. Anong bantas ang siyang ginagamit sa paghihiwalay ng magkakasunod na salita at lipon ng mga salitang magkaka-uri? A. Kuwit B. Tuldok-kuwit C. Gitling D. Tutuldok 31. Ano ang tamang ispeling salitang barbershop sa Filipino? A. Barbersyap B. Barbershop C. Barbershap D. barbersiyap ng 32. Ano ang tawag sa bantas na sinisimbolo ng sunod-sunod na tatlong tuldok para ipakita na may mga bahaging hindi na sinipi sa isang talata? A. Synopsis B. Ellipsis C. Sintesis D. Abstrak PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO PAGPAPALIT NG PONEMA - /i-e/, /o-u/, /h-n/, /d-r/ Hal. Istruktura – Estruktura Dito – Rito Tawanan – tawahan totoo – tutoo PAGKAKALTAS NG PONEMA – kinakaltas ang huling patinig ng salitang ugat at nilalapian ng hulaping –in/-an Hal. Takip + an = takpan Kitil + in = kitlin ASIMILASYONG PARSYAL – NG =M (PANG AT SING) Kung saan ang NG ng panlaping Pang at sing ay nagiging M. Ang ponemang o /ng/ ay nagbabago sa /m/ kung ang salitang ugat ay nagsisimula sa P o B. Hal. Pang + bansa = Pambansa Sing + buti = Simbuti ASIMILASYONG PARSYAL – NG= N (PANG AT SING) Ang ponemang /ng/ ay nagbabago sa /n/ kung ang salitang-ugat ay nagsisimula sa D,L,R,S,T Hal. Pang + tulog = Pantulog Sing + sarap = simsarap ASIMILASYONG PARSYAL – NG=NG (PANG AT SING) Kung ang ponema /ng/ ay hindi magbabago kung hindi P,B o D,L,R,S,T Hal. Pang + walis = Pangwalis Pang + elesi = Pang-elisi ASIMILASYONG GANAP 1. Gawing parsyal 2. Kaltasin ang unang titik ng salitang ugat Hal. Pang + Palo = Pampalo = Pamalo METATESIS – kapag ang salitang-ugat ay nagsisimula sa titik /l/ o /y/ ay nilalapian ng panlaping /in/ at ang /i/ at /n/ ay nakikipagpalitan ng posisyon. Hal. In + ligaw = niligaw in + yapos = niyapos PAGLILIPAT DIIN – Nagbabago ang diin kung ito ay nilalapian. Hal. Laro Laro + an = Laruan 33. Anong pangbabagong morpoponemiko ang ginamit sa mga sumusunod na salita: NIYAKAP, NILIGAW, NILIPAD? A. Reduksyon B. Metatesis C. Pagpapalit D. Asimilasyon 34. Ibigay ang pagbabagong morpoponemiko ang nangyari sa mga sumusunod na salita: TAKPAN, DALHAN, BUKSAN. A. Pagkakaltas B. Metatesis C. Pagpapalit D. Asimilasyon 35. Ang mga salitang “dukha, daga, pasa” ay mga halimbawa ng mga salitang binibigkas ng ____________. A. Malumi B. Maragsa C. Malumanay D. Mabilis 36. Anim na malalaking manga ang ibinigay niya sa akin. Anong uri ng pang-uring pamilang ang may salungguhit na salita? A. Patakaran B. Panunuran C. Pamahagi D. Pamatlig 37. Alin sa mga sumusunod na salita ang HINDI kabilang sa pangkat? A. Klaster B. Diin C. Diptonggo D. Pares-minimal 38. Ang tono, diin, at antala ay mga halimbawa ng _____________. A. Ponemang Segmental C. Ponemang Suprasegmental B. Morpemang Segmental D. Morpemang Suprasegmental 39. Tila imposible na makatotoo ang iyong mga pangarap. Nasa anong uri ng pang-abay ang pahayag? A.Pang-abay na Pamaraan B.Pang-abay na Panlunan C. Pang-abay na Pang-agam D. Pang-abay na kondisyunal URI NG PANG-ABAY PANLUNAN- tumutukoy sa pook na pinangyarihan, o pangyayarihan ng kilos sa pandiwa. Hal.Sumisid sa dagat ang mga anak ng mangigisda PAMARAAN – naglalarawan kung paano naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos na ipinapahayag ng pandiwa. Hal. Kinamayan niya ako nang mahigpit. PANG-AGAM – Nagbabadya ang hindi o kawalan ng katiyakan sa pagganap sa kilos ng pandiwa. {parang, siguro, baka, wari, tila, yata at iba pa. Hal. Siguro naiinis na ang guro sa maiingay na mag-aaral. KONDISYUNAL – ginagamit sa pagsasaad ng kundisyon para maganap ang kilos. (Kung, kapag, pag, pagka) 40. KUNG matapos mo ito nang maaga, may premyo ka mula sa akin. Nasa anong uri ng pang-abay ang bahaging may malalaking titik? A. Pang-abay na Pamaraan B. Pang-abay na Panlunan C. Pang-abay na Pang-agam D. Pang-abay na kondisyunal 41. May mga pagkakataon na sa isang tingin pa lamang sa mata ng tao ay nakikita na ang mensahe. A. Proxemics B. Chronemics C. Haptics D. Oculesics 42. Lalong masagana ang Singapore sa Cambodia. Ang antas ng pang-uri ay _____________ A. Lantay B. Pahambing C. Pasukdol D. Wala sa nabanggit 43. __________ araw ng sabado, ay naglilibot ang mag-anak. Ang nawawalang salita ay A. Sa B. Kung C. Kapag D. Simula 44. __________ ni Milagros ang sandok kapag nagluluto siya. A. Nagamit B. Ginagamit C. Gagamitin D. Kagagamit 45. Alin ang angkop na kahulugan ng pahayag: “Bilang at sukat kung magsalita ang binibini”. A. Maingat B. Madaldal C. Mahina D. Masungit 46. Ang anak ni Glen ay “Talon ________ Talon” . Ibigay ang wastong gamit ng salita na kukumpleto sa pangungusap. A. Ng B. Nang C. Kung D. Kong 47. Tinutulungan ___________ dalaga ang kanyang lola sa pagtawid. A. Ng B. Nang C. Rin D. Raw 48. Magpapatingin __________ siya sa Doktor ngayon. A. Raw B. Daw C. Doon D. Wala sa nabanggit 49. Ang tumor sa ulo ng may sakit ay _______________mamaya. A. Ooperahin B. Ooperahan C. Mayroon D. Wala sa nabanggit 50. Si Ferdinan ay _______________ sa lunes. A. Ooperahin B. Ooperahan C. Mayroon D. Wala sa nabanggit 51. Ito ay ang Katipunan ng mga akdang nasusulat na makikilala sa pamamagitan ng malikhaing pagpapahayag, aestetikong anyo, pandaigdigang kaisipan, at kawalangmaliw (Webster, 1974) A. Panitikan B. Wika C. Linggwistika D. Titik 52. Ang panitikan na naglalaman ng mga hindi kapanikapaniwalang pangyayari o mga opinion lamang ng sumulat. A. Kathang isip B. Di kathang isip C. Prosa D. Patula 53. Isang Akda ni Padre Modesto De Castro na binubuo ng palitan ng liham ng dalawang magkapatid. A. Urbana at Feliza B. Barlaan at Josaphat C. Dasalan at Tocsohan D. Indarapatra at Sulayman 54. Sa kaysayan ng ating panitikan, ang kinikilalang Gintong Panahon ng Panitikan ng Pilipinas ay ang panahon ng___. A. Hapones B. Kastila C. Amerikano D. Kontemporaryo 55. Alin sa mga sumusunod ay sadyang isinulat upang ibigkas sa harap ng madla? A. Talumpati B. Pabula C. Anekdota D. Talambuhay 56. Anong titulo sa panitikan ng Pilipinas ang ibinigay sa manunulat ng akdang pinamagatang “Isang Dipang Langit”? A. Makata ng Manggagawa B. Makata ng Pag-ibig C. Makata ng Masa D. Ama ng Wikang Pambansa 57. Siya ay kilala bilang ang “dakilang mananalumpati” ng kilusang propaganda. A. Graciano Lopez Jaena B. Jose Rizal C. Marcelo H. Del Pilar D. Gregorio Del Pilar 58. Isang mahabang tulang pasalaysay tungkol sa kabayanihan ng pangunahing tauhan na may pambihirang katangian. A. Epiko B. Pabula C. Parabula D. Dalit 59. Alin sa mga sumusunod ang HINDI epiko ng Mindanao? A. Maragtas B. Bantugan C. Bidasari D. Indarapatra at Sulayman 60. Siya ay isang Pilipinong manunulat na tanyag sa kanyang sagisag-panulat na Dimas-ilaw. A. Emilio Jacinto B. Jose dela cruz C. Jose Corazon de Jesus D. Antonio Luna 61. Ito ay isang tulang maromansa na kung saan nakaharap sa mga pakikipagsapalaran ang mga tauhan at hango sa tunay na buhay. A. Awit B. Moro-moro C. Epiko D. Korido 62. Isang dulog pampanitikan na kilala sa katawagan na reader-response theory. A. Impresyonisya B. Patalambuhay C. Antropolohiya D. Pansikolohiya 63. Siya ay kilala sa kanyang sagisagpanulat na Huseng Sisiw. A. Jose dela Cruz C. Florentino Collantes B. Julian Cruz Balmaceda D. Jose Corazon de Jesus 64. Ano ang pamagat pambansang awit? A. Lupang Hinirang B. Bayang Magiliw C. Perlas ng Silanganan D. Alab ng Puso ng ating 65. Isang tulang maromansa na kung saan ang mga tauhan ay may kapangyarihang supernatural at kaya naman ito ay hindi kapani-paniwala. A. Korido B. Oda C. Soneto D.Elehiya 66. Sino ang may-akda ng Dasalan at Tocsohan? A. Marcelo H. del Pilar C. Graciano Lopez Jaena B. N.V.M. Gonzalez D. Andres Bonifacio 67. Siya ang “Ama ng maikling kuwento sa Pilipinas? A. Deogracias Rosario C. Aurelio Tolentino B. Jose Garcia Villa D. Zulueta de Costa 68.Isang dula na sumikat nang humina ang zarzuela sa Pilipinas. Ito ay tinatawag ding stage show sa ingles. A. Bodabil B. Duplo C. Karagatan D. Duplo 69. Isang kwento hinggil sa pinagmulan ng sansinukuban at kalipunan ng iba’t ibang paniniwala sa mga diyos at diyosa. A. Mitolohiya B. Pabula C. Parabula D. Anekdota 70. Ang may-akda ng “kahapon, Ngayon at Bukas” ay si _____________ A. Aurelio Tolentino C. Severino Reyes B. Juan Abad D. Alejandro Abadilla 71. Nakilala bilang “Ama ng Sarswelang Tagalog” at may akda ng dulang musikal na “Walang Sugat”. A. Severino Reyes C. Lope K. Santos B. Aurelio Tolentino D. Jose Corazon de Jesus 72. Isang batikan at kilalang Feministang manunulat na kung saan ang kanyang akda ay nakapokus sa mga kababaihan. Siya ang may akda ng “Bata, Bata, Paano ka Ginawa?” A. Lualhati Bautista B. Lope K. Santos C. Severino Reyes D. Aurelio Tolentino 73. Ang tinaguriang pinakasikat na epiko ng mga Ilokano ay ang ____. A. Biag ni Lam-ang B. Ibalong C. Hinilawod D. Bantugan 74. Siya ang may akda ng maikling kwento na “Uhaw ang Tigang na Lupa” A. Liwayway Arceo B. Lualhati Bautista C. Genoveva Matute D. Juan Abad 75. Isang epiko na tungkol sa mga bathalang Ifugao ni Punholdayan at Makanungan. Tinutukoy rito ang pagpapakasal ng magkapatid na Bugan at Wigan. A. Alim B. Haraya C. Hari sa bukid D. Lagda 76. Alin sa mga tula sa ibaba ang isang tulang liriko? A. Pastoral B. Panunuluyan C. Duplo D. Balagtasan 77. Sa panitikan, ano ang tawag sa bilang ng pantig sa bawat linya o taludtod ng isang tula? A. Sukat B. Saknong C. Talinhaga D. Tugma