Uploaded by Bryan Cammagay

ESP-8-activities.-2 (1)

advertisement
ESP 8
Unang Araw
Iparinig/ o ipakita sa pamamagitan ng video sa mga mag-aaral ang inirekord na “Sulat ni Nanay at Tatay”
mula sa pagbabahagi ni Rev. Father Gerry Orbos, LM p. 284-285, at iulat ang isang komprehensibong
pagninilay (reflection) gamit ang mga gabay na tanong sa pahina 284-285 (old book)
Gamit ang mga gabay na tanong sa ibaba, isulat sa iyong kwaderno ang iyong pagninilay:
1. Ano ang iyong naramdaman matapos marinig ang sulat nina Nanay at Tatay? Ipaliwanag.
2. Anu-ano ang reyalisasyon?
3. Ano ang iyong gagawin upang maisabuhay mo nang may katarungan at pagmamahal ang
paggalang at pagsunod sa iyong mga magulang, nakatatanda at may awtoridad?
4. Bilang pagtuon sa sulat, gumawa ng liham para sa iyong mga magulang, lolo, lola o ibang
malapit na kamag-anak na naglalahad ng iyong gagawing pagsusumikap na maisabuhay ang
mga birtud ng paggalang at pagsunod.
Ikalawang araw:
Ang mga mag-aaral ay inatasang panoorin ang pelikula na “ANAK” na pinagbibidahan ni Vilma Santos at
Claudine Barreto sa nagdaang araw. Sa oras ng ESP, sila ay aatasang gumawa ng reaksyong papel/ o
repleksyon patungkol sa kanilang napanood bilang PETA 2.
Takdang Aralin:
Magsaliksik tungkol sa mga kilalang tao at aral na itinataguyod nila.
Pinagkunan ng Aral/Turo
1. Confucius
2.
3.
4.
5.
Mga Aral / Turo
Mga Halimbawa
Nasa paggalang sa mga
magulang at pagpipitagan ng
mga kapatid ang ugat ng
pagmamahalan.
Ang kabataang magalang sa
magulang at sa kapatid ay di
nagiging lapastangan sa mga
taong may awtoridad at di
pinagmumulan ng gulo.
PAGTATAYA:
Sagutin ang sumusunod na tanong sa papel.
1. Bakit nararapat na igalang at sundin ang mga magulang, nakatatanda at may awtoridad?
2. Sa paanong paraan mahuhubog at mapapaunlad ng mga magulang, nakatatanda at may
awtoridad ang mga pagpapahalaga ng paggalang at pagsunod?
3. Bakit nagsisimula sa pamilya ang pagkilala at pagtuturo ng mga birtud ng paggalang at
pagsunod?
4. Gaano kahalaga ang paggabay at pagtuturo sa mga bata ng mga kagandahang asal, sa mga
unang taon ng kanilang buhay, lalo na’t pagtuturo ng paggalang at pagsunod ang isaalangalang? Ipaliwanag.
5. Ano ang marapat mong gawin kung ang ipinag-uutos saiyo ng magulang, nakatatanda at may
awtoridad ay nagdudulot saiyo ng alinlangan? Ipaliwanag.
6. Paano mo maipapakita ang marapat na paggalang at pagsunod sa iyong magulang,
nakatatanda,at may awtoridad? Isa-isahin.
Magulang
Nakatatanda
Awtoridad
1.
1.
1.
2.
2.
2.
3.
3.
3.
4.
4.
4.
5.
5.
5.
Download