Uploaded by Bryan Cammagay

Lecture (1)

advertisement
Lecture:
1. Para kay Aristoteles, isang Griyegong Pilosopo, ang “ultimate end” o huling layunin ng tao ay ang kaligayahan.
2. Ang kabutihan o kagandahang loob ng indibidwal ay tunay na nag-uugat sa kalooban.
3. Ang tao upang maging makatao ay nararapat na tunay na mabuti sa kapwa.
4. Ang katapatan ay nagbibigay palatandaan sa ibang tao ng tunay mong nararamdaman.
5. Ang birtud ng pasasalamat ay gawain ng ugnayan sa kapwa.
6. Ang pagtitimping pandiwa o mental reservation ay nangangahulugang paglalagay ng limitasyon sa tunay na esensiya ng
impormasyon.
7. Ayon kay Fr. Albert E. Alejo, S.J., ang utang na loob ay lumalalim kapag ang tumatanggap ng biyaya o pabuya mula sa sinuman
ay nakadarama ng matinding pananagutang mahirap tumbasan lalo na sa panahon ng kagipitan.
8. Ang relihiyong Muslim ay ipinakilala ng isang arabong misyonaro sa mga Pilipino sa
Mindanao.
9. Sinadya sa Hilaran ay isang pagpaparangal sa Birhen ng Immaculate Concepcion dahil sa mga biyayang natanggap ng
Probinsya ng Capiz at Siyudad ng Roxas.
10. Kanduli ang tawag sa paarangal para kay Shariff Kabunsuan ng mga kapatid nating Muslim sa Mindanao._____________.
11. Gratitude is a sign of noble souls”
12. Isa sa napakagandang bahagi ng kulturang Pilipino ay ang paggalang sa nakatatanda.
13.Kabutihang loob- ito ay isang gawi o kilos na kailangan na patuloy na pagsasagawa hanggang ito ay maging birtud.
14. Entitlement Mentality- ito ay isang paniniwala o pag-iisip na anumang inaasam mo ay karapatan mo na dapat bigyan ng
dagliang pansin.
15. Ang pasasalamat ay hindi lamang ang pinakadakilang birtud, ngunit ang magulang ng mga birtud ayon kay Marcus Tulius
Cicero.
Mga magandang dulot ng pagiging mapagpasalamat sa kalusugan:
a.
b.
c.
d.
e.
Ang paglaan ng 15 minuto bawat araw na magtuon sa mga bagay na pinasasalamatan ay nakadaragdag ng likas na
antibodies na responsible sa pagsugpo sa mga bacteria sa katawan.
Ang mga likas na mapagpasalamat na tao ay pokus ang kaisipan at may mababang pagkakataon na magkaroon ng
depresyon.
Nahihikyat upang maiayos ang Sistema ng katawan s apamamagitan ng pagkakaroon ng mas malusog na presyon ng
dugo at pulse rate.
Nagiging malusog ang katawan
Ang benefactor ng mga donated organ na may saloobing mapagpasalamat ay mas gumagaling.
Download