lOMoARcPSD|20426985 Filipino sa Batayang Edukasyon Bachelor in Secondary Education (Aurora State College of Technology) Studocu is not sponsored or endorsed by any college or university Downloaded by Settie-Zhymah Padate (laily_padate1@yahoo.com) lOMoARcPSD|20426985 Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon MODYUL SA ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON Tinipon at Inihanda ni RANDY DUMAGUIT SAGUN Kagawaran ng Filipinolohiya, Kolehiyo ng Artes at Literatura SEF30143 1 Downloaded by Settie-Zhymah Padate (laily_padate1@yahoo.com) lOMoARcPSD|20426985 Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon Walang bahagi ng publikasyong ito ang maaaring kopyahin sa paraang elektroniko/ mekanikal ng walang nakasulat na pahintulot mula sa nagsagawa ng publikasyon o nagtipon sa pamamagitan ng rdsagun@pup.edu.ph. Ang pangalan ng dalubguro na makikita sa pabalat ng kagamitang panturo ay tanging nagtipon lamang ng materyales mula sa iba’t ibang awtor. Tinitiyak ng mga naghanda ng kagamitang panturo / nagsagawa ng publikasyon na tanging layuning akademiko ang ginawang pagsipi at hindi gagamitin bilang rekurso. No part of this publication may be reproduced or copied by recording or other electronic/mechanical methods, without the prior written permission of the publisher/compiler via rdsagun@pup.edu.ph. Faculty member whose names are printed on the cover are only compilers who collected materials from different authors. This is not for sale and the compilers have no intention to profit from this. SEF30143 2 Downloaded by Settie-Zhymah Padate (laily_padate1@yahoo.com) lOMoARcPSD|20426985 Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon MODYUL NG/SA ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON Ang modyul na ito ay inihanda upang maging gabay at/o salalayan ng mga guro at mag-aaral sa Departamento ng Pang-elementarya at Pansekondaryang Edukasyon (Batsilyer ng Pansekondaryang Edukasyon – Maynor sa Filipino) - Kolehiyo ng Edukasyon sa kabuuan ng kursong ito. Ang modyul ay bubuoin ng sumusunod na aralin: Aralin 1 Aralin 2 Aralin 3 Aralin 4 Aralin 5 Kahulugan at kahalagahan ng Filipino, Kurikulum, at Edukasyon Ang Kurikulum School of Thoughts at Paglinang ng Kurikulum sa Pilipinas Mga batayang legal at opisyal na paggamit ng Filipino bilang wika ng edukasyon Mga Pagdulog At Estratehiya Sa Pagtuturo Ng Filipino Batay Sa Kurikulum Mga Iilang Pananaw, Estratehiya, at Modelo sa Pagtuturo ng Filipino Batay sa Aralin 6 Kurikulum Aralin 7 Pagsusuri ng Kurikulum sa Filipino sa Lahat ng Antas ng Edukasyon Ang modyul ay bubuoin ng iba’t ibang aralin. Gayundin ang bawat modyul ay nilapatan ng angkop na layunin. Dagdag pa rito, binigyang ng payak at tiyak na pagtalakay ang bawat paksang nakapaloob sa bawat modyul. Sa kabuoan, sasapat ang modyul para sa limampu’t apat (54) na oras o katumbas ng labing-walong (18) linggo ng klase sa isang semestre. Sa pangkalahatan, Layunin ng modyul na ito ang sumusunod: ▪ ▪ ▪ ▪ ▪ ▪ Nagagamit nang mahusay ang wikang Filipino sa pagtalakay ng mga kasaysayan at pagunlad ng Filipino bilang asignatura at bahagi ng batayang edukasyon. Naiaangkop ang mga estratehiya sa pagtuturo ng mga kaugnay na paksa sa Filipino. Nakakabuo ng mga kagamitang pampagtuturo na angkop na tumutugon sa iba't ibang kakayahan at kasanayan ng mga mag-aaral Nakagagamit ng makabago at angkop na teknolohiya para sa pagtuturo ng mga paksa sa Filipino batay sa pangangailangan ng panahon. Nakapagsasagawa ng payak na pananaliksik tungkol sa inobasyon at hinaharap ng Filipino bilang asignatura sa batayang edukasyon bunga ng nagbabagong landasin ng edukasyon sa bansa. Nakapagsasagawa ng pagsusuri sa mga asignaturang pamfilipino na inihahain bilang bahagi ng asignatura sa batayang edukasyon gabay ang iba’t ibang teoryang pangedukasyon o mga kaugnay nito SEF30143 3 Downloaded by Settie-Zhymah Padate (laily_padate1@yahoo.com) lOMoARcPSD|20426985 Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon ARALIN 1 KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN NG FILIPINO, EDUKASYON AT KURIKULUM Bungad-salita Ang Aralin 1 ay sumasaklaw sa mga paksang Kahulugan at Kahalagahan ng Filipino, Edukasyon at Kurikulum. Sa loob ng araling ito ay may limang pangunahing paksa at mga kasangay na paksa (sub-topic/s) na tiyak na tatalakay sa bawat paksang sinasaklaw sa kabuoan nito. Ang mga paksa ay ang sumusunod: ▪ Sub-Aralin Blg. 1 - Kahulugan at Kahalagahan ng Kurso ▪ Sub-Aralin Blg. 2 - Epektibong guro at Malikhaing Pagtuturo ▪ Mga Katangian ng Guro ▪ Code of Ethics ▪ Disenyo ng/sa Malikhaing Pagtuturo ▪ Layunin ng Pagtuturo ▪ Kasangkapan sa Proseso ng Pagtuturo ▪ Mga Elemento ng/sa Mabuting Pagtuturo ▪ Sub-Aralin Blg. 3 - Ang mga Kasanayang Pangwika sa Pagtatamo ng Kasanayang Akademik ▪ Sub-Aralin Blg. 4 - Kasalukuyang Kalagayan ng Pagtuturo ng Filipino sa Batayang Edukasyon Saklaw ng aralin na ito ang una hanggang ikatlong linggo upang matalakay ang kabuuan ng mga mahahalagang paksang nakalahad at kaugnay ng mga ito. Pangkalahatang Layunin Pagkatapos mong mapag-aralan ang aralin na ito inaasahang: 1. Nakapaglilikha ng graphic organizers bilang pagpapaliwanag tungkol sa guro. 2. Nakapagbubuo ng mga gabay sa pag-uugnay ng mga kaalaman tungkol sa proseso ng pagtuturo 3. Nakapagtutukoy sa mga kasanayang pangwika sa pagtatamo ng kasanayang akademik. 4. Nakabubuo ng isang Posisyong Papel kaugnay sa kasalukuyang kalagayan ng Pagtuturo ng Filipino sa Batayang Edukasyon. Pangkalahatang Kaalaman Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Kurso (SEF30143) ay tatalakay sa mga batayang teoretikal, nilalaman, katangian at panuntunan sa pagpapatupad ng nireestrakturang kurikulum sa Filipino. Iniaangkop ang kurikulum sa mga kondisyon at sitwasyong lokal. Sinasaklaw din ng SEF30143 4 Downloaded by Settie-Zhymah Padate (laily_padate1@yahoo.com) lOMoARcPSD|20426985 Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon kursong ito ang pag-aaral sa mga layunin, teorya, simulain, mga batas, kalakaran ng pagtuturo at pagkatuto ng wikang Filipino batay sa kahingian ng kurikulum ng batayang edukasyon sa elementary, sekondarya, at kolehiyo. Layunin din ng pag-aaral na ihanda ang mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa Filipino na maging mulat at maalam sa mga bagong kalakaran sa pagtuturo at pagkatuto ng Filipino. Isinama rin sa kurso ang pagtalakay sa mga kahalagahan ng kagamitang panturo na maaaring magamit nila at maiangkop ang mga ito sa tiyak na paksa. Aralin 1: Kahulugan at kahalagahan ng Kurso Kritikal na maituturing ang basikong edukasyon dahil bahagi ito sa pagpapatatag ng pundasyon ng/sa pagkatuto ng mag-aaral na nasa ganitong antas. Ang basikong edukasyon ay binalangkas upang makatugon sa pangunahing pangangailangang pampagkatuto (basic learning needs). Ayon sa United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization na hinalaw naman mula sa World Conference on Education for All (EFA): Meeting Basic Learning Needs na ginanap sa Jomtien, Thailand noong 1990, binigyang kahulugan niya ang Basikong Edukasyon (Basic Education) ay isang buong sangay ng mga gawaing pang-edukasyon na nagaganap sa iba’t ibang daluyan, na may hangaring makatugon sa pangangailangan ng basikong pagkatuto. Ayon naman sa pamantayan ng International Standard Classification of Education (ISCED) ang basikong edukasyon ay binubuo ng edukasyong primarya (unang baitang ng basikong edukasyon) at lower secondary education (pangalawang estado). Dagdag pa ng ISCED, sumasaklaw rin ito sa malawak na anyo ng non-formal at impormal na pampubliko at pribadong mga gawain/aktibidad na naglalayong tumugon sa pangangailangan ng basikong pagkatuto ng mga tao (anuman ang kanilang edad). Sa gayon, sumasaklaw ito sa mga antas na Kindergarten, Elementarya at Sekondarya gayundin sa Alternative Learning System para naman sa hindi pumapasok sa paaralan (out-of-school) at sa iba pang may espesyal na pangangailangan. Dahil nga rito patuloy itong pinalalakas ng Kagawaran ng Edukasyon (Department of Edukasyon o DepEd) katuwang ang pamahalaan upang umagapay sa mabilis na pagbabago ng institusyong pang-akademiko sa buong mundo. Katibayan nito ang Batas Republika Blg. 10533 (Republic Act 10533) o ang An Act Enhancing the Philippine Basic Education System by Strengthening Its Curriculum and Increasing the Number of Years for Basic Education, Appropriating Funds Therefor and for Other Purposes. Nilayon ng batas na ito na maitatag, mapanatili at magsuportahan sa kabuoan nang sapat ang hanay ng edukasyon at magtiyak sa pagtugon upang maging ganap ang isang integratibong sistema ng edukasyon na nakabatay sa pangangailangan nang tao, lipunan at bansa sa kabuoan. (malayang salin ng may-akda sa Seksyon 2 ng Batas). Alinsunod sa Seksiyon 3 ng Batas, nilalayon ng batayang edukasyon na tugunan ang mga pangangailangan sa batayang pagkatuto na nagkakaloob ng mga pundasyon na siyang pagbabatayan ng mga kasunod na pagkatuto. Binubuo ito ng kindergarten, elementarya, at mataas na paaralan gayundin ang mga sistema ng alternatibong pagkatuto para sa mga nagaaral na out-of-school at sa mga may espesyal na pangangailanga. Upang tumugon din sa kautusang ito, patuloy ring pinauunlad ng mga pamantasan/unibersidad/kolehiyo ang mga programang pang-edukasyon (sa bahagi ng batayang edukasyon) salig naman sa pamatayang ibinababa ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon (Commission on Higher Educatio o CHEd). SEF30143 5 Downloaded by Settie-Zhymah Padate (laily_padate1@yahoo.com) lOMoARcPSD|20426985 Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon Malaking gamapanin ng batayang edukasyon bilang tungtungan tungo sa holistikong pagkatuto ng mag-aaral. Nililinang nito ang mga basikong karanasan at kaaalaman bilang paghahanda sa higit na masalimuot (complex) na mga paksain sa panahong panagunahing (major) mga kurso na ang kinukuha ng mag-aaral. Sa pangkalahatan, mahalagang nakatutugon ang batayang edukasyon ng bansa , pababa sa mga tiyak na sektor at/o institusyong pangakademiko sa paghubog ng mga produktibo at responsableng mamamayan na nagtataglay ng mga esensyal na kasanayan, kakayahan at mga halagahang kapwa kailangan sa habambuhay na pagkatuto (life-long learning) at pangkabuhayan. Upang maging ganap naman ang hangaring ito, marapat na pagtuunang pansin ang sumusunod: (a). bigyang pagkakataon ang bawat magaaral nang pagkakataong magtamo ng dekalidad na edukasyon na natutugon sa pamantayang global na nakabatay naman sa pedagohikal na nilalaman ng kurikulum na naglalapit naman sa international na pamatayan; (b). mapalawak ang hangarin ng/sa edukasyong pansekondarya bilang paghahanda sa mga oportunidad sa kolehiyo, bokasyonal at teknikal gayundin sa sining, palakasan at paghahanapbuhay na nakatutugon sa mabilis na pagbabagong pangglobal; at, (c). gawing learner-oriented ang edukasyon at nakatutugon sa mga pangangailangan, kognitbo at kutural na kapasidad, sa isang diverse na learning environment gamit ang angkop na wikang panturo at wikang pampagkatuto kabilang ang unang wika. Aralin 2 : Ang Epektibong Guro at Malikhaing Pagtuturo Sa pagtakalay sa unang aralin makikita ang pangangailangan sa pagbalangkas ng isang maunlad na Batayang Edukasyon (mula primarya, sekondarya at maging sa kolehiyo). Binalangkas ang bawat batayang edukasyon mula sa primarya patungong higit na kompleksidad nito. Ibinatay rin sa mga pangunahing pangangailangan ng tao, lipunan at bansa sa kabuuan. Higit pa rito nakita sa naunang talakay ang kahalagahan ng kurso upang maging tungtungan at/o lunsaran upang higit pang mapaunlad ang pagkatuto. Sa ganitong gana, higit na mabibigyang kaganapan ang mga hangaring ito sa pamamagitan ng isang mahusay at epektibong at malikhaing pamamaraan ng pagtuturo. Gayundin, natatangi rin ang pangangailangan sa mataas na kalidad ng mga dalubguro (dalubhasang guro) na siyang tuwirang magpapadaloy ng kaalaman sa lahat ng mag-aaral. Sa gayon, kritikal din ang gampanin ng guro dahil sa kanyang gampanin sa proseso ng pagkatuto. Nakasalalay ang lahat nang ito sa kanyang natamong karanasan bilang guro at mga inobatibong at malikhaing dulog sa pagtuturo. Ayon sa Philippine Standards for Teachers na inilabas ng Kagawaran ng Edukasyon, krusyal ang ginagamapanan ng mga guro sa pagbubuo ng lipunan at ng bansa sa kabuuan. Sa pamamagitan ng dekalidad na mga guro, ang Pilipinas ay maaaring makahubog ng isnag holistikong indibidwal na nagtataglay ng mabuting kaasalan, mga kasanayang sa ika-21 siglo, at kayang pangunahan ang bansa tungo sa pautloy nitong pagyabong at pag-unlad. Umaayon din ito sa hangarin ng DepEd sa pagsasabing, “Filipinos who passionately love their country and whose values and competencies enable them to realize their full potential and contribute meaningfully to building the nation” (DepED Order No. 36, s. 2013). Mga Katangian ng Guro Ang guro bilang propesyon ay kinikilalang isa sa pinakamatandang propesyon sa sibilisasyon. Maihahanay ito sa iba pang propesyon gaya ng pag-aaral sa mga batas (law), medisina at iba pa kung ang pag-uusapan ay tagal nang pag-iral sa mundo. Malaki ang kanyang tungkulin upang malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral. At sa gawaing ito, marapat lamang na taglay ng isang guro ang mga katangiang kinakailangan upang higit na na maging epektibong SEF30143 6 Downloaded by Settie-Zhymah Padate (laily_padate1@yahoo.com) lOMoARcPSD|20426985 Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon tagapagdaloy rin ng kaalaman at/o karunungan di lamang sa loob ng silid-aralan gayundin sa kanyang pakikilahok sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa loob at labas ng lipunan sa kabuuan. Kaugnay sa mga katangiang nabanggit, nagkaroon ng pagsasalin si Dr. Patrocino Villafuerte sa pagsusuri nina Wayne at Youngs noong 2003 sa labindalawang (12) katangiang dapat taglayin upang maging epektibong guro. Lumabas din ito sa pag-aaral ni Robert J. Walker noong 2008 na may paksang Twelve Characteristics of an Effective Teacher: A Longitudinal, Qualitative, Quasi-Research Study of In-service and Pre-service Teachers’ Opinions. 1. Walang itinatangi. Sa loob ng klase, dapat na siya'y walang kinikilingan at mahalagang maging pantay ang kanyang pagtingin sa lahat ng mga mag-aaral para walang masabi ang mga mag - aaral at nang hindi makadama ng pagkaselos sa nagiging paborito ng guro. 2. May positibong ugali. Nasisiyahan ang mga mag-aaral kung sila'y nabibigyan ng papuri at pagkakilala o rekognisyon. Malaki ang impak nito sa kanilang tiwala sa sarili at direksyon. Naniniwala at nasisiyahan siya sa tagumpay ang kanilang mga mag-aaral. 3. Laging handa sa lahat ng oras. Ang kahusayan (competence) at kaalaman sa saklaw ng nilalaman ng mga paksang itinuturo ay kinikilala ng mga mag-aaral. Madaling makilala ng mga mag-aaral ang gurong organisado at handa nang magturo. Kapag palaging handa ang isang guro, dun nakukuha ang atensyon ng mga mag – aaral. 4. May haplos-personal. Ang pagkikipag - ugnayan ng guro sa mag -aaral hindi lamang sa oras ng talakayan pati na rin sa labas ng apat na sulok ng silid - aralan yaong tumatawag sa kanilang pangalan, palangiti, nagtatanong tungkol sa kanilang nadarama at opinyon, tinutuklas ang kanilang interes at tinatanggap ang tunay nilang pagkatao. Mapakahalaga para sa mga mag - aaral ang madama ang pagmamalasakit sa kanila dahil dito, kailangan bigyang pansin upang gabayan at patnubayan sila. 5. Masayahin. Naaalala ng mga mag-aaral ang gurong masayahin sa klase. Ang dagling pagbibiro at pagpapatawa sa mga sitwasyong nahihirapan at napapahiya ang mga magaaral ay nakababawas sa paghihirap o kahihiyang dinaranas ng mga mag-aaral. 6. Malikhain. Nagugunita ng mga mag-aaral ang kanilang gurong malikhain sa mga gawaing pangklasrum, lalo na sa oras na ginaganyak sila para sa isasagawang aralin, pati na ang pag-aayos sa klasrum ng kanilang guro. 7. Marunong tumanggap ng kamalian. Nababatid ng mga mag-aaral kung nagkakamali ang kanilang guro lalo't sila ang labis na naaapektuhan bunga ng pagkakamaling ito. Nagiging modelo ang isang guro kung tinatanggap niya ang kanyang pagkakamali at buong pagpapakumbabang humingi siya ng kapatawaran sa pagkakamaling kanyang nagawa. 8. Mapagpatawad. Ang gurong marunong magpatawad sa kasalanang kanilang nagawa ay kinalulugdan ng kaniyang mga mag - aaral, lalo't yaong nauukol sa kanilang maling gawi at ikinilos. Ang guro ang tagabuo ng anumang tunggaliang nagaganap sa klase kaya't mahalagang maiwasan din niyang magbigay ng di-magandang puno ukol dito. 9. May respeto. Ang kinalulugdang guro ay yaong marunong maglihim ng markang kanyang ibinigay sa kanyang mga mag-aaral o yaong kinakausap ang mag-aaral na may SEF30143 7 Downloaded by Settie-Zhymah Padate (laily_padate1@yahoo.com) lOMoARcPSD|20426985 Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon nagawang pagkakamali o kasalanan nang walang nakaririnig o nakakaalam, o yaong nagpapakita ng sensitibiti sa nadarama ng kanyang mga mag-aaral, nagiging marubdob ang mga mag-aaral na matupad ang kanyang mga tunguhin. 10. May mataas na ekspektasyon. Ang di-malilimutang guro ay yaong nagpapakita ng napakataas na pamantayan lalo't hinahamon ang kanyang mga mag-aaral na gawin nang napakahusay ang kanyang ipinag-uutos. Madalas na nawawalan ng tiwala sa sarili ang mga mag-aaral. Kung maniniwala ang guro na may mga kakayahan ang kanyang mga mag-aaral, nagiging marubdob ang mga mag-aaral na matupad ang kanyang mga tunguhin. 11. Mapagmahal. Kung aalamin ng guro kung bakit naalis sa isang laro, ang kanyang mag-aaral at kikilos siya upang makagawa ng paraan halimbawa para malutas ang suliranin nito ay naglalarawan ng pag-aalala at pagmamahal. 12. Ipinadaramang kabilang ang bawat mag-aaral. Sinasabing tunay na kapamilya at kapuso ang guro na nagpapakita ng interes sa bawat mag-aaral. nagagawan ng paraan ng guro na maging kabilang ang bawat isa na makasagot at makabahagi sa mga gawaing pampagkatuto na inihanda ng guro. Ang mabuting guro ay nakikita ang iba’t ibang istilo sa pagkatuto ng mga mag-aaral at isinasaalang-alang ang multiple intelligences ng mga mag-aaral (Corpuz, 2003) Ayon naman sa Philippine Professional Standards for Teachers na binuo at inilunsad ng Department Education – Teacher Education Council noong 2007 sa pakikipagtulungan ng Research Center for Teacher Quality (RCTQ) at Australian Government, may pitong (7) domeyn ang kinakailangan sa mga guro upang maging epektibo sa ika-21 siglo. Kinakailangan nilang taglayin ang sumusunod na katangian: Domeyn 1. Natutukoy ang kahalagahan ng mastery of content knowledge at kung paano ito maiuugnay sa iba pang nilalaman ng kurikulum, na ginagabayan ng kabatiran at kritikal na pag-unawa sa paglalapat ng mga teorya at tuntunin sa pagtuturo at pagkatuto. Nakapaglalapat ng angkop at makahulugang pedagohiya na hinalaw mula sa kaalaman at makabagong pananaliksik. Nakapagpapakita nang kahusayan sa Unang Wika (Mother Tongue), Filipino at Ingles sa pagpapadaloy ng pagtuturo at proseso nang pagkatuto, gayundin nakapagpapakita ng kinakailangang kasanayan gamit ang iba’t ibang mga estratehiya sa pakikipagkomunikasyon, pagtuturo at teknolohiya na naglalayong magtamo nang mataas na pagkatuto sa katapusan. Domeyn 2. Nakapaglalaan ng kapaligirang ligtas, sigurado, makatarungan at matulungin upang mataguyod ang responsibilidad at pagtatamo sa mga mag-aaral. Lumilikha ng isang kapaligiran na nakatuon sa pagkatuto at epektibong napamamahalaan ang kaasalan ng indibidwal sa isang pisikal o birtwal na espasyo. Gumagamit nang malawak na mga hanguan at nakapananabik na mga gawain na nagbubunsod sa isang konstraktibong ugnayan sa loob ng silid-aralan tungo sa pagtatamo ng mataas na pamantayan nang pagkatuto. Domeyn 3. Nakapagtatag ng kapaligiran sa pagkatuto na tumutugon sa pagkakaiba-iba ng mga mag-aaral. nabibigyang pagpapahalaga ang magkakaibang katangian at karanasan ng indibidwal at nagiging batayan sa pagsasaplano at pagbabalangkas ng mga oportunidad sa pagkatuto. Kinikilalal sa loob ang silid-aralan ang dibersidad at ang SEF30143 8 Downloaded by Settie-Zhymah Padate (laily_padate1@yahoo.com) lOMoARcPSD|20426985 Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon pangangailangan sa pagkakaiba-iba sa paraan ng pagtuturo upang mahikayat ang indibidwal na maging matagumpay na mamamayan kasabay nang mabilis na pagbabago ng lokal at global na kapaligiran. Domey 4. Nakatutugon sa pambansa at lokal na mga pangangailangan ng kurikulum. Nabibigyang ganap ang nilalaman ng kurikulum bilang isang gawain na pagmumulan nang pagkatuto na lubhang mahalaga para sa indibidwal na nakaugnay naman sa tuntunin sa epektibong pagtuturo at pagkatuto. Nilalapat nila ang kanilang kaalaman bilang propesyonal upang magplano at bumalangkas, indibidwal man o kolaboratibo kasama ang iba pa ng mahusay na balangkas na mahalaga para sa indibidwal at tumutugon sa kanilang pangangailangan. Domeyn 5. Gumagamit ng iba’t ibang pagtataya at estratehiya sa pagmomonitor, pagtatasa, dokumentasyon at pag-uulat ng mga pangangailangan, pag-unlad at mga natamo ng mag-aaral. Gumagamit ang mga guro ng datos na tinaya sa iba’t ibang paraan upang ipabatid at mapahusay pa ang proseso at mga programang pampagtuturo at pagkatut. Naglalaan ang mga guro ng kinakailangang fidbak kaugnay sa kinalabasang pagkatuto upang maging batayan sa pagpili, pagsasaayos at pag-papaunlad ng iba pang gawain sa pagtataya. Domeyn 6. Nabubuo ang ugnayan ng paaralan at komunidad na may hangaring higit na mapagyaman ang kapaligiran para sa pagkatuto gayundin ang gampanin ng Komunidad sa prosesong pang-edukatibo. Tinutukoy at tumutugon ang mga guro sa mga pagkakataong naiuugnay ang pagtuturo at pagkatuto sa silid-aralan sa Domeyn 7. May pagpapahalaga sa pansarili at propesyonal na pag-unlad at nakapagpapakita ng mataas na pagpapahalaga sa propesyon sa pamamagitan ng pagpapanatili ng/sa dignidad ng pagtuturo gaya ng mapangalaga, marespeto at may integridad. Pinahahalagahan nila ang pampersonal at pampropesyonal na karsanasan at pagkatuto upang higit na mapaunlad ang kanilang larang. Ang patuloy na pagpapaunald pampersonal at propesyonal ay ipinalalagay nilang isang panghabambuhay na pagkatuto. Upang mapanatili at higit na magabayan ang mga guro sa kanilang gampanin bilang mahalagang sektor ng lipunan, sa bisa ng probisyon ng Artikulo 11 ng Batas Pangrepublika Blg. 7836 o mas kilala bilang Philippines Professionalization Act of 1994, sa seksyon 6, P.D. 223 inilalahad ang Code of Ethics for Professional Teachers. Saklaw ng kodang ito ang lahat ng pampubliko at pribadong mga guro sa lahat ng institusyong pang-akademiko kabilang ang mga antas na preschool, primarya, elementarya, at sekondarya ito man ay nabibilang sa akademiko, bokasyonal, special, teknikal o non-pormal. Batay naman sa tuntunin III ng Mga Tuntunin at mga Regulasyong Pampatupad ng Batas sa Pinabuting Batayang Edukasyon ng 2013 inilahad ang sumusunod na mga kwalipikasyon, pagsasanay, at patúloy na pag-unlad na propesyonal ng mga guro. Upang matiyak na natutugunan ng programa sa pinabuting batayang edukasyon ang mga kahingian para sa mahuhusay na guro at pinunong pampaaralan, magsasagawa ang DepEd at CHED ng mga programa para sa pagtuturo at pagsasanay sa mga guro, sa pakikipagtulungan ng mga kaugnay na katuwang sa pamahalaan, akademya, industriya, at mga samahang di-pampamahalaan. Ang mga naturang programa sa pag-unlad na propesyonal ay pasisimulan, isasagawa, at tatayain nang regular sa buong taon upang matiyak ang palagiang pagpapataas sa mga kasanayan ng guro. Ang mga programa sa pagtuturo at pagsasanay sa mga guro ay kabibilangan ng mga SEF30143 9 Downloaded by Settie-Zhymah Padate (laily_padate1@yahoo.com) lOMoARcPSD|20426985 Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon sumusunod, bagaman hindi limitado sa mga ito: (1) Pagsasanay sa Nilalaman at Pedagohiya na In-service. Ang mga guro ng DepEd na magpapatupad ng kurikulum ng pinabuting batayang edukasyon subalit hindi sumailalim sa edukasyong bago-ang-paglilingkod na naaayon sa kurikulum ng pinabuting batayang edukasyon ay sasanayin upang matugunan ang mga pamantayan sa nilalaman at pagsasakatuparan ng kurikulum ng pinabuting batayang edukasyon; (2) Pagsasanay ng mga Bagong Guro. Ang mga bagong nagsipagtapos sa kurikulum ng Edukasyong Pangguro na hindi naaayon sa kurikulum ng pinabuting batayang edukasyon ay sasailalim sa dagdag na pagsasanay, kapag natanggap na sila sa trabaho, upang maingat ang kanilang mga kasanayan sa mga pamantayang pangnilalaman ng bagong kurikulum. Maliban dito, titiyakin ng CHED, sa pakikipag-ugnayan sa DepEd at mga may-kaugnayang stakeholder, na ang mga kurikulum ng Edukasyong Pangguro na ibinibigay sa mga TEI na ito ay makatutugon sa kinakailangang kalidad ng mga pamantayan para sa mga bagong guro. Ang mga samahang may kaukulang pagkilala na gumaganap bilang mga TEI, sa pakikipag-ugnayan sa DepEd, CHED, at iba pang mga may-kaugnayang stakeholder, ang titiyak na ang kurikulum ng mga organisasyong ito ay nakatutugon sa kinakailangang kalidad ng mga pamantayan para sa mga gurong sinanay. Para sa mga layunin ng subtalatang ito, tumutukoy ang terminong “mga samahang may kaukulang pagkilala na gumaganap bilang mga TEI” sa mga organisasyon, maliban sa mga paaralan o mga HEI, na kinontrata sa labas ng DepEd sa panahon ng transisyon at para sa isang tiyak na yugto, upang magsagawa ng pagsasanay sa mga guro para sa mga layunin ng muling-paghasa sa mga nagsipagtapos sa kurikulum ng Edukasyong Pangguro, at sa mga paksa lamang na may kakulangan sa mga gurong sinamay; (3) Pagsasanay sa Pamumunong Pampaaralan. Ang mga superintendénte, mga prinsipal, mga tagapag-ugnay ng aralin, at iba pang mga pinuno ng mga paaralang pampagtuturo ay sasailalim din sa mga palihan at pagsasanay upang mas mapabuti ang kanilang mga kasanayan sa kanilang mga papel bilang mga pinunong akademiko, administratibo, at pangkomunidad; at (4) Pagsasanay sa mga Tagapag-ugnay ng Sistema ng Pagkatutong Alternatibo (ALS), mga Tagapamahala sa Pagtuturo, mga Gurong Mobile, at mga Tagapagpadaloy ng Pagkatuto. Sasailalim din sa mga palihan at pagsasanay ang mga tagapag-ugnay ng ALS, mga tagapamahala sa pagtuturo, mga gurong mobile, at mga tagapagpadaloy ng pagkatuto upang mas mapabuti ang kanilang mga kasanayan sa kanilang mga papel bilang mga pinunong akademiko, administratibo, at pangkomunidad. Disenyo ng Malikhaing Pagtuturo Sa pag-aaral nina Bailey at Murcia, may apat na pangunahing dapat na isaalang-alang ang guro tungo sa epektibong pagtuturo. Ito ay ang sumusunod: (1) Kaligirang Sosyal (social climate); (2) Baryedad sa Gawaing Pampagkatuto (Variety in the learning Activities; (3) Pagkakataon ng mga Mag-aaral sa Pakikilahok (Opprtunity for the Student Participation); at (4) Pagwawasto at pagbabalik-tugon (corrections and feedback). Sa kaligirang sosyal binibigyang diin sa kanilang pag-aaral na sinsaklaw nito ang kapaligirang natural, kaayusang pisikal, sitwasyong instruksyonal at kaaya-ayang katauhan ng guro habang nakatuon naman ang ikalawang punto sa baryasyon o ang iba’t ibang pamamaraan ng paglulunsad ng aralin sa paglinang ng mga gawain at sa paraan ng pagtataya at ebalwasyon sa kakayahan ng bawat mag-aaral. Nakatuon naman ang ikatlong punto sa pagtitiyak nang aktibong pakikilahok ng mga mag-aaral na nagbubusod upang maipakita at malinang ang kanilang kakayahan at kasanayan. At ang huli, binibigyang diin nito ang iba’t ibang anyo at/o antas sa pagwawasto, mag-aaral sa kanyang sarili, mag-aaral sa kapwa mag-aaral, mag-aaral at pagtatanong. SEF30143 10 Downloaded by Settie-Zhymah Padate (laily_padate1@yahoo.com) lOMoARcPSD|20426985 Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon Sa gayon, sa bahaging ito, mahalagang matalakay ang baryedad sa gawaing pampagkatuto na nagbubukas sa isang malusog na talakayan at daloy ng kaalaman sa pagitan ng guro at mag-aaral. Hindi itinatalaga ng disenyo ang isang obsulute na balangkas sa pagtuturo sa halip ipinalalagay lamangnnito na ang lahat nang nagaganap sa kabuuan ng klase ay may kamalayang kinakailangan ng aktibong pag-uugnayan o interaksyon. Sa pagbalangkas at/o pagbuo tungo malikhaing pagtuturo maaaring bigyang pansin ang inilalahad ni Edgar Dale sa kanyang Cone of Experience (tunghayan ang larawan sa ibaba). Ang Cone of Experience ni Dale ay isang modelong biswal na binubuo ng labing-isang (11) baitang ng karanasan na nagsisimula mula sa konkreto karanasan sa ilalim hanggang sa nagiging abstrakto habang umaabot ito sa pinakatuktok ng apa. Ayon pa kay Dale, ang pagkakahanay ng mga karanasan ay hindi batay sa komplesidad nito sa halip ito ay nakabatay sa abstraksyon at sa bilang ng pandama na nabibilang dito. Mainam rin na mabigyang konsiderasyon ang halimbawang hanguang yunit nina Mayos et.al na binalangkas sa pamamagitan ng pag-aangkop sa layunin ng mga teknik at estratehiya na maaaring ipalagay ng mga guro na makatutulong upang maabot ang inalalahad na layunin. SEF30143 11 Downloaded by Settie-Zhymah Padate (laily_padate1@yahoo.com) lOMoARcPSD|20426985 Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon Estratehiyang Maaaring Gamitin 1. Simulasyon 2. Pagsasadula 3. Paggawa ng Iskrip 4. Panayam 5. Malayang Talakayan 6. Pag-anyaya sa isang dalubhasang Ispiker 7. Pangkatang Talakayan 8. Simposyum 9. Pagdedebate 10. Pang-edukasyon Paglalakbay 11. Imersyon 12. Panunuod ng Pelikula Gawain o Aktibidad Pagpapangkat ng mga magaaral, paghahanda ngmga gawain at sitwasyon Pagpili ng mga sitwasyong maaaring isadula, palitangkuro Katulad din ng mga gawain sa pagsasadula Oryentasyon, pagtatakda ng oras, araw at pook ng panayam at halimbawang tanong Oryentasyon, pagpapangkat at paghahanda ng mga paksa Pagpili ng ispiker, pagbuo ng komite at pagtatakda ng araw Oryentasyon at pagpili ng paksa, reaktor at benyu Tulad ng Blg.7, paghahanda ng tanghalan pati na ang magsisidalo Oryentasyon, pananaliksik, paghahanda, debate Paghahanda kung kailan, saan ang pagtalakay sa layunin at inaasahang bunga Oryentasyon at paghahanda ng mga kagamitan Pagtatakda ng Oras, panunuod, pagbibigay ng reaksyong pasulat o pasalita at pag-uulat. Mungkahing kagamitan Aklat, magasin, bidyo, pahayagan, pelikula Aklat ng mga dula, kwento, kamera, bidyo Tulad din sa pagsasadula Mga nakatalang tanong na sasagutin, teyp, at kamera Softwares at hardwares Teyp, mikropono, projector at sasakyan Mga babasahin, klipping at balita Mga babasahin, klipping at balita Mga babasahin, teyp, entablado at kamera Pook, pahintulot, sasakyan at pasilidad Tao, pook, kamera at sasakyan Pelikula, slides, video Ang mga Kasanayang Pangwika sa Pagtatamo ng Kasanayang Akademik Ayon sa papel ni Dr. Galileo S. Zafra na may pamagat na Ang pagtuturo ng Wika at Kulturang Filipino sa Disiplinang Filipino (Konteksto ng K-12), sinabi niya na sa pagtuturo ng wika, idinidiin ang oryentasyong linggwistiko. Saklaw ng pag-aaral nito ang Palabaybayan, Mga Makrong Kasanayan (Pagbasa, Pagsulat, Pagsasalita, Pakikinig) ponemiko at balarila gayundin bahagi rin ng/sa p ag-aaral ang panitikan at komposisyon. Upang umayon sa pangangailangan ng mag-aaral at lipunan gayundin ay matugunan ang mga pangunahing kasanayan na kinakailang bilang bahagi ng batayang edukasyon, pinangunahan ng Kagawaran ng Edukasyon ang pareresitraktura at/o muling pagbalangkas ng kurikulum sa batayang edukasyon sa sumusunod na dahilan: (1) higit na magiging malikhain at/o inobatibo ang mga guro sa kanilang mga estratehiya sa interdisiplinaring pagtuturo; (2) higit na SEF30143 12 Downloaded by Settie-Zhymah Padate (laily_padate1@yahoo.com) lOMoARcPSD|20426985 Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon mahahamon ang mga mag-aaral na makapag-isip nang kritikal upang mahikayat silang masikap na matamo ang kanilang interes o pangarap sa buhay; (3) Interaktibo ang pinaka-ideyal na proseso ng pagtuturo at pagkatuto; (4) Magkakaroon ng resiprokal na interaksyon ang mga guro at mga mag-aaral sa iba’t ibang disiplina, s amga gagamiting kagamitang panturo at hanguang multimidya; (5) kasangkapan ang wikang Filipino sa pakikipagkomunikasyong sosyal at interpersonal at ito’y behikulo sa pagtuturo ng mga disiplinang itinuturo sa Filipino. Salalayan din sa mungkahing ito upang higit na matugunan ang kinakailangang mga kasanayan ay nagsagawa rin ang kagawaran ng pagtataya sa mg anagdaang kurikulum ng Filipino. At sa ginawang pagrerebyu lumabas ang sumusunod na obserbasyon: (1) Paulit-ulit lamang ang istrukturang gramatikal na itinuturo mula elementarya hanggang tersyarya. Hindi panlinggwistika ang pagsusuri at pag-aanalisa ang naisasagawa; (2) hindi maihanda ang mga mag-aaral tungo sa pagpapalawak ng kaalamang kailangan sa pag-aaral sa kolehiyo; (3) Hindi lubusang nalilinang ang apat na komponent ng kasanayang komunikatibo (kaalamang gramatikal, kaalamang diskorsal, kaalamang estratehiko, at kaalamanag sosyo-linngwistik); (5) hindi wastong natatalakay ang panitikan bilang disiplina; (6) hindi halos napagtutuunan ng mga mag-aaral ang iba pang asignatura na ginagamitan ng Filipino bilang wikang panturo; at (7) Nananatiling napakababa ang iskor sa NSAT. Ang pag-aaral at obserbasyong ito ng tanggapan ay nagpapatingkad sa pangangailangan sa pagpapaunlad ng kurikulum, Pagtalakay at Dulog sa pagtuturo ng asignaturang Filipino. Kaya naman upang muli itong mapalakas at tuwirang makatugon sa pinaunlad ito. Ang kurikulum ay naglalaman ng sumsunod: (a) may integrasyon ng apat na makrong kasanayang pangkomunikasyon at mga kasanayan sa pag-aaral; (2) pinalalawak o pinayayaman sa pamamagitan ng integrasyon ng bokabularyo, mg apagpapahalaga o values at mga komptensi mula sa Agham Panlipunan at iba pang lawak na Makabayan; (3) nakapokus sa paglinang ng mga kasanayan sa akadmeikong wika at mga kasanayan sa batayang komunikasyong interpersonal at sosyal; (4) nakasentro sa pagtulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng akses na matutuhan ang nilalaman anuman ang anyo nito – teksto, grap, ilustrasyon at iba pa; (5) may interaksyong mag-aaral-guro-teksto at multimidya; (6) humahamon sa mga mag-aaral upang mapag-isip ng kritikal at malikhain sa target na wika; (7) binibigyang-diin ang aktibasyon at integrasyon ng dating kaalaman, ginagamit ng mga alternatibong paraang ebalwasyon, kolaboratibong pagkatuto, scaffolding at paglinang ng mga estratehiya sap ag-aaral; at (8) hinihikayat ang mga mag-aaral na magkaroon ng control sa disenyo ng pagkatuto at pagoorganisa sa klase. Paunang Pagsubok Sagutin ang sumusunod na katanungan. 1. Ano ang kahalagahan ng pag-aaral ng Kurso? 2. Magbigay ng katangian ng guro gamit ang akronim na G-U-R-O. 3. Ano ang pangunahing nilalaman ng Code of Ethics para sa mga Guro sa Pilipinas? 4. Paano ilalarawan ang kasalukuyang kalagayan ng Pagtuturo ng Filipino sa Batayang Edukasyon? Maglahad ng mga punto. SEF30143 13 Downloaded by Settie-Zhymah Padate (laily_padate1@yahoo.com) lOMoARcPSD|20426985 Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon ARALIN 2 ANG KURIKULUM Ang Aralin 2 ay nakatuon sa pagtalakay sa kabuuan ng paksa na kurikulum. Saklaw nito ang mga sub-aralin na: (1) kahulugan ng Kurikulum (NESC); (2) Bahagi ng kurikulum; (3) Paglinang ng Kurikulum; at (4) Mga Hakbang sa Proseso ng Paglinang ng Kurikulum; Saklaw ngmasusing pagtakalay sa paksa at sub-araling nabanggit ang ikaapat hanggang ikaanim na linggo. Pangunahing Layunin Sa pagtatapos ng pagtalakay sa araling ito, inaasahan na ang mag-aaral ay: 1. Nailalahad ang iba’t ibang kahulugan ng Kurikulum. 2. Nasusuri ang iba’t ibang kahulugan at bahagi ng Kurikulum. 3. Nakagagawa ng mga pagsusuri sa mga layunin ng mga pagbabago sa kurikulum. 4. Naiisa-isa ang mga Hakbang sa Proseso ng Paglinang ng Kurikulum Pangkalahatang Nilalaman Maliwanag na pangangailangan para sa mga kasama sa akademikong institusyon na maunaawaan bilang panimula ang esensya ng kurikulum na integratibo naman sap ag-unawa sa kabuuang katuturan ng edukasyon. Para sa dalubhasa sa larang ng pagtuturo maituturing na proseso ang isang edukasyon na ang pangunahing naglalaan nito ay lipunan na ang hangarin naman ay mapaunlad ang kanyang mamamayan. At upang mapaunlad nang tiyak ang mamamayan sa tulong ng edukasyon, kinakailangang mahusay na maihanda ang isang holistikong gawaing pangkaalaman at pangkasanayan at gawaing pampagkatuto. Dito ngayon pumapasok ang gampanin ng isang mahusay na kurikulum. Sa pagpapakahulugan nina William B. Ragan at D.G. Sheperd, ang kurikulum ay isang daluyang magpapadali kung saan ang paaralan ay may resposibilidad sa paghahatid, pagsasalin at pagsasaayos ng mga karanasang pampagkatuto. Sa pamamagitan ng kurikulum, integratibo ang karanasan at karanasang pang-edukasyonal sa pagpapaunlad ng sitwasyong panlipunan ng mag-aaral. Sa gayon, ang kurikulum ay isang plano na mga gawaing pampaaralan at kasama pa rito ang sumusunod: (1) ang mga dapat matutunan ng mga mag-aaral; (2) pamamaraan sa pagtatasa at/o pagtataya ng/sa pagkatuto; (3) krayterya at/o kuwalipikasyon upang mapabilang ang mag-aaral sa programa; at (4) inobatibo at malikhaing mga kagamitan sa pampagtuturo. Ang curriculum ay nagmula sa salitang Latin na curere aynangangahulugang ito run the course of the race o magtabakbo ng isang kurso sapagkat ang kurikulum ang nagsisilbing pundasyon ng mga paaralan sa pagtuturo at pagkatuto. Maliban sa nabanggit may limang basikong kahulugan pa ang kurikulum na maaaring bigyang konsiderasyon. Ito ay ang sumusunod: SEF30143 14 Downloaded by Settie-Zhymah Padate (laily_padate1@yahoo.com) lOMoARcPSD|20426985 Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon 1. Ang kurikulum ay maaaring bigyang kahulugan bilang isang plano upang matamo ang mga adhikain. Ang plano ay kinabibilangan ng mga magkakasunod na hakbangin. Sinasalalayan ito ng sumusunod na pagpapakahulugan: ▪ J. Galen Saylor- defines curriculum as “a plan for providing sets of learning opportunities for person to be educated. ▪ David Pratt - Curriculum is an organized set of formal education and/ortraining intentions. ▪ John Wiles and Joseph Bondi - view curriculum as a four-step plan involving purpose, design, implementation, and assessment. 2. Ang Kurikulum ay maaaring bigyan ng malawak nitong pagpapakahulugan na sumasaklaw sa kabuuang karanasan ng mag-aaral. S apamamagitan ng kahulugang ito maituturing na anumang naisaplano sa loob at labas ng akademikong institusyon ay bahagi ng kurikulum. Ang pagpapakahulugang ito ay sinasalalayan ng sumusunod na pagpapakahulugan: ▪ Hollis Caswell and Doak Campbell - view curriculum as “all the experiences children have under the guidance of teachers. ▪ Gene Shepherd and William Ragan - The curriculum consists of the ongoing experiences of children under the guidance of the school. ▪ Collin Marsh and George Willis - views curriculum as all the “experiences in the classroom that are planned and enacted. 3. Ang Kurikulum ay isang sistema ng/sa pakikipag-ugnayan sa mga tao. 4. Ang kurikulum ay maaaring bigyang kahulugan bilang isang sangay ng pag-aaral na nagtataglay ng sarili nitong mga pundasyon, domayn ng kaalaman, pananaliksik, teorya, prinsipyo, at dalubhasa. 5. Ang kurikulum ay maaaring bigyang kahulugan batay sa paksa (matematika, agham, Ingkles, Kasaysayan at iba pang katulad nito) o sa nilalaman (sa kung paani isinasaayos at inaasimila ang mga impormasyon). Bahagi ng Kurikulum 1. AIM - Balak o Pakay, Paglalahad o pagpapaliwanag ng pangkalahatang layunin ng kurikulum. Napakaloob dito ang mga tagapakinig (audience) gayundin ang mga paksa. 2. RASYONALE - Makatwirang Paliwanag, Mapaghimok na pagtatalo, dahil dito ipinaliliwanag kung bakit gustong magmungkahi at ang mga paggamit ng oras at mga pinagkukunan para sa kurikulum 3. HANGARIN AT LAYUNIN - Talaan ng mga maaaring bunga ng mga matutuhan ng mga mag-aaral batay sa magiging partisipasyon sa kurikulum. Napakaloob din sa bahaging ito ang pagpapaliwanag kung paano makatutulong ang kurikulum sa bansa at sa lipunan. 4. MAG-AARAL AT MGA PANGUNANG KAILANGAN - Nagpapaliwanag kung sino ang makikinabang sa binu[bu]ong kurikulum at mga pangunang kaalaman at kakayahan para sa mabisang kurikulum. 5. MGA KAGAMITAN - Tala ng mga kakailanganing kagamitan para sa matagumpay na pagtuturo ng mga asignatura sa kurikulum. Nakapaloob dito ang mga aklat at ibang SEF30143 15 Downloaded by Settie-Zhymah Padate (laily_padate1@yahoo.com) lOMoARcPSD|20426985 Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon babasahin kabilang ang mga artikulo at journal, mga pananaliksik at iba pang karaniwang kagamitan kasama rin ang mga pangunahing website mula sa internet na maaaring maging batayan sa talakayan. 6. PLANONG PAMPAGTUTURO - Nagsasaad ng/sa mga gawaing kukunin ng magaaral at ang pagkasunod-sunod nito. Napakaloob din sa bahaging ito ang maaaring gawain ng guro sa klase. Estratehiya, metodo,dulog istilo ng pagtuturo. 7. PLANO PARA SA PAGTATAYA AT EBALWASYON – bahagi na binubuo ng mga kahingian at pagsusulit na nakabatay sa layunin upang makuha ang kinakailangang pagpapaunlad sa kurikulum. Ang Paglinang ng Kurikulum Ang pagdesinyo ng kurikulum ay nagsisilbing batayan ng isang bansa sa kalidad ngedukasyon. Ito ay masiguro na ang mga mag-aaral ng isang bansa ay matutugunanang kaukulang kaalaman at ng mga mag-aaral sa bawat antas, samakatuwid, angtagagawa ng disenyo ng kurikulum ay laging iniisip ang pangangailangan ng mgamag-aaral at ang angkop ng kurikulum para sa kanila. Pangangailan ding alamin at isasaalang-alang natin ang mga dimensyon sa pagdidisenyo ng kurikulum, mga hakbang sa pagdedesinyo at proseso ng paglinangng kurikulum. Iba’t ibang Dimensyon sa Pagdesinyo ng Kurikulum. (1) SCOPE o SAKLAW (Tyler in Ornstein 2004)- Tumutukoy ang saklaw sa lahat ng nilalaman, paksa, pagkatuto at pag-organisa ngkabuuang pagpaplano. Ito ay hindi lamang nakapokus sa pangkaisipang nilalamankundi maging sa pandamdamin at pangkasanayang nilalaman. Limitado, malawak,simple ay ilan lamang sa mga salitang makapaglalarawan ng scope o saklaw. Ditokailangan ang desisyon ng mga guro. Binubuo ito ng mga bahagi na nahahati samga yunit, sub-yunits, mga kabanata at subchapters. Sa paghahati ng nilalamanmaaaring gamitin ang pamamaraang pabuod o pasaklaw (deductive or inductive); (2) SEQUECE- Ang nilalaman ay may pagkakasunod-sunod na antas o lebel. Ayon kina Smith,Stanley at Shore, 1957 sila ay nagbigay ng ilang prinsipyo hinggil sa sequence opagkakasunod-sunod.(a) SIMPLE TO COMPLEX LEARNING - Ang mga nilalaman ay nakaayos ssimula sa pinakasimple patungo sapinakamahirap. Halimbawa nito, sa Matematika – addition muna bago multiplication.Sa Filipino, talakayin muna ang mga letra bago salita, salita bago mga parirala atparirala bago mga pangungusap; (b). PREREQUISITE LEARNING- Nangangahulugang kinakailangang may dating kaalaman bago dumako sa susunodna pagkatuto. Halimbawa, sa Professional Education- hindi mo makukuha angAssessment of Learning 2 kung hindi mo pa pinag-aralan ang Assessment ofLearning 1; (3) WHOLE TO PART LEARNING- Batay sa Gestalt theory. Ang kahulugan ay mas mainam maintindihan kung angnilalaman ay mula sa kabuuan. Halimbawa nito, pagpapakitangturo (demo teaching) muna bago ituro ang nilalamang ng banghay-aralin o paggawa ng banghayaralin; (4) CHRONOLOGICAL LEARNING- Ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ay isa sa mga pinagbabatayan ngpagkakasunod-sunod ng mga nilalaman. Ito ay madalas na naihahanay sa pag-aaralng kasaysayan at pangyayari sa lipunan. Ang panahon ay may mahalaganggampanin dito. Maaaring magsimula sa kasalukuyan papunta sa nakaraan o umpisasa nakaraang panahon papunta sa kasalukuyan. Ayon naman kina Posner at Rudnitsky, nagbigay rin sila ng sumusnod na prinsipyo: (1) WORLD-RELATED SEQUENCE: (a) SPACE o Espasyo- Halimbawa: malapit patungo sa malayo o pataas patungo sa ibaba; (b) TIME o Oras- Halimbawa: Ituro muna ang pinakaunang naging SEF30143 16 Downloaded by Settie-Zhymah Padate (laily_padate1@yahoo.com) lOMoARcPSD|20426985 Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon presidente ng Pilipinas hanggangsa kasalukuyan; (c) Physical Attribute- Halimbawa: ituro muna ang tatlong pulo ng Pilipinas bago ang mga rehiyon nito; (2) CONCEPT-RELATED SEQUENCE: (a) CLASS RELATION- Halimbawa: Bago malaman ang uri ng mammals, kailangan munang ituro sa mgamag-aaral kung ano ang ibig sabihin ng mammals: (b) PROPOSITIONAL RELATIONSHalimbawa: Kailngan munang ituro ang mga batas sa equal protection bago pag-aralan ang Supreme Court Decisions; (3) INQUIRY-RELATED SEQUENCE- Tumutukoy sa siyentipikong pamamaraan ng inquiry; (4). LEARNING-RELATED SEQUENCE- Nakabatay sa sikolohiya ng pagkatuto at kung paano ang tao natuto: (a) EMPERICAL PREREQUISITE – nakabata sa emperikal na pag-aaral na kung saanang prerequisite ay kailngan bago matutuhan ang sunod na lebel; (b) FAMILIARITY – kailangang mayroong pamilyaridad ang mga mag-aaral sa mgapaksang tinalaky; (c) DIFFICULTY – kailangang matukoy kung saan nahihirapan ang mga mag-aaral samga paksang tinalakay; (d) INTEREST – nakikita ang interes ng mga mag-aaral sa pagtalakay ng mga paksa; (3) CONTINUITY. May kinalaman sa Spiral Curriculum ni Gerome Bruner.-Ang pagkatuto at pag-unlad ay nagiging pangmatagalan o permanente. Ang mganatutunan ng mga mag-aaral, ang kanilang mga kasanayan ay lalong nalilinang - Halimbawa: ang ilang araln sa agham na nasa elementarya ay ipinagpapatuloyhanggang sa mataas na antas subalit may iba’t ibang antas ng kahirapan; (4). INTEGRATION. Ang lahat ng bagay ay magkakaugnay-ugnay. Ang nilalaman, mga paksa oasignatura ay may kaugnayan at sumasalamin sa totoong mga sitwasyon sa buhay; (5) ARTICULATION. Maaaring gawin nang pahalang o pababa. - Sa vertical articulation, ang nilalaman ay nakahanay at sumusunod sa antas o lebel.Ang horizontal articulation naman ay nangyayari kapag ang ugnayan ng mga ito aynangyayari sa iisa at parehong panahon; at (6) BALANCE. Nasusukat ang disenyo ng kurikulum kung ito ba epektibo o makabuluhan sapamamagitan ng tamang pagbalanse ng nilalaman, panahon at iba pang elementonito Mga Hakbang sa Proseso ng Paglinang ng Kurikulum 1. Ang mga guro, magulang, tagapamahala ng paaralan (administrator) at maging ang mga mag-aaral ay may kinalaman sa pagdesenyo ng kurikulum. 2. Ang mithiin, tunguhin, misyon at bisyon ng paaralan ay kailangang pag-aralang mabutiat dapat maging batayan din ito sa pagdesenyo ng kurikulum. 3. Ang pangangailangan at interes ng mga mag-aaral sa pangkalahatan pati na rin sa komunidad, sa kabuuan ay kailangan laging isaisip. 4. Ang mga alternatibong kagamitan sa pagdedesenyo ng kurikulum tulad ng gastos, paghahati ng klase (class schedule), laki ng klase, pasilidad (facilities) pati na rin ang personalidad ng mga tagapamahala ng paaralan ay kailangang malaman ang mabuti at di-mabuting epekto nito. 5. Ang pagdedesenyo ng kurikulum ay kailangang nakaangkla sa kognitibo, pandama,kakayahan, konsepto at kinalabasan ng pagkatuto ng mga mag-aaral Gawain 1. Pangatwiran, alin ang higit na angkop na school of thoughts sa kalagayan ng Pilipinas? 2. Paano nalilinang ang isang kurikulum sa isang kurso? 3. Manaliksik (online) ng mga halimbawa ng kurilkulum at suriin kung nakatutugon ito sa mga inilalahad sa araling ito. SEF30143 17 Downloaded by Settie-Zhymah Padate (laily_padate1@yahoo.com) lOMoARcPSD|20426985 Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon ARALIN 3 SCHOOL OF THOUGHTS AT PAGLINANG NG KURIKULUM SA PILIPINAS Sa araling ito na may paksang School of Thoughts sa Paglinang ng Kurikulum ay tatalakayin ang sumusunod na sub-paksa: (1) Essentialist School; (2) Progressivists School; (3) Ang Kurikulum Bago Dumating ang mga Kastila; (4) Ang Kurikulum sa Panahon ng mga Kastila; (5) Kurikulum sa Panahon ng mga Amerikano; (6) Ang Kurikulum sa Panahon ng Komonwelt; (7) Ang Kurikulum sa Panahon ng mga Hapones; (8) Ang Kurikulum sa Panahon ng Kalayaan; at (9) Ang Kurikulum sa Panahon ng Republika ng Pilipinas; (10) Mga Salik sa Paglinang ng Kurikulum; (11) Ang PROCEED at ang Bagong Kurikulum sa Paaralang Elementarya (NESC); (12) Ang SEDP (Secondary Education Development Program); (13) Mga Kasanayan sa Filipino sa SEDP Kurikulum; (14) Ang mga Komponents at Katangian ng Asignaturang Filipino sa Kurikulum ng 1989; (15) Ang Mother Tongue Based Multilingual Education Curriculum (2012); at (16) Ang K12 Curriculum Panglakahatang Layunin Sa katapusan ng aralin na ito, inaasahan na: 1. 2. 3. 4. Nakapaglalarawan sa School of Thoughts sa paglinang ng kurikulum. Nakapaglalahad ng mga katangian ng Kurikulm sa pagdaan ng panahon Nakapaghahambing sa iba’t iba’t ibang kurikulum sa Pilipinas. Nakagagawa ng isang pananaliksik kaugnay sa mga batayang teorya sa pagbabago ng kurikulum sa bawat panahon. 5. Naihahambing ang bawat kapanahunan ng kurikulum. 6. Nakapagtatalakay at nakapag-iisa-isa sa mga pagbabagong nagaganap sa kurikulum 7. Nakagagawa ng mga pagsusuri sa mga layunin ng mga pagbabago sa kurikulum. Pangkalahatang Kaalaman Sa pagbuo at paglinang ng kurikulum sa mundo at sa Pilipinas (partikular) dalawang pangunahing kaisipan ang sinasabing may malaking impluwensya sa pagbalangkas nito. Ito ay ang Essentialism at Progressivist. Ang Essentialist ay nabibilang sa tradisyonal na pagtanaw sa edukasyon habang ang progressivist naman ay nasa kontemporanyong oryentasyon. (tingnan ang pagkakaiba ng dalawa sa talahanayan) Tradisyonal Essentialism Teoretikal Kategorya Oryentasyon Direksyon sa Panahon Pinanatili ang Kahalagahan ng Nakaraan Halagahang PangEdukasyon Fixed, Absolute, Obhektibo Kontemporanyo Progressivist Teoretikal Pagyabong, nirerekonstrak ang kasalukuyan, binabago ang lipunan, hinuhulma ang hinaharap Nababago, Subhektibo, Relatibo SEF30143 18 Downloaded by Settie-Zhymah Padate (laily_padate1@yahoo.com) lOMoARcPSD|20426985 Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon Prosesong Pang-edukasyon Nakapokus sa Pagtuturo Intelektwal na Pokus Nagsasanay, Nakatuon sa pagdidisiplina ng kaisipan Para sa pansariling kapakinabangan Binubuo ng tatlong R (Pagbasa, Pagsulat at Matematika) Kognitbong Pagkatuto, Disiplina Paksain Kurikulum Pagkatuto Pagpapangkat Homogeneous guro Nagpapamahagi, lektura, Nangingibabaw sa pagtuturo Mag-aaral Tumatanggap ng kaalaman, pasibo Sosyal Direksyon, control, restraint Nakatuon sa aktibong pansariling pagkatuto Nakikilahok sa pagtugon sa mga suliranin, may gampaning panlipunan Lahat ay may pantay-pantay na halaga 3Rs, Sining, Agham at Bokasyonal Exploratory, Pagtuklas Heterogeneous, dibersidad ng/sa Kultura Nagpapadaloy, naggagabay, gumagabay sa pagbabago Nakikilahok sa pagtuklas ng kaalaman, bumubuo ng kaalaman Indibidwalismo Paglinang ng Kurilum sa Pilipinas Ang bawat panahon sa Kasaysayan ng Pilipinas ay kakikitaan ng Iba’t ibang tuon ng Kurikulum. 1. Panahon Bago Dumating ang Kastila. Pinagtutuunang pansin ang mga pagiging pinuno upang makatulong sa pag-unlad. Sa ilalim lamang ng puno nagtuturo ang mga tribo, nakaupo lamangang mga bata sa lupa at gumagamit lamang sila ng makikinis na batosa pagsulat. Pangangaso para sa mga lalaki at mga gawaing-bahay para sa mga babae. Ang edukasyon ay kolektibong responsibilidad ng pamayanan o barangay. Ang mga magulang at nakatatanda sa barangay ang nangangasiwa sapagtuturo sa mga bata. Ang mga kasanayan sa produksiyon tulad ng paghahabi, pangingisda atpangangaso ay pangunahing binibigyang pansin. Mahalaga ang pangangalaga noon sa mga produkto dahil ito lamang ang pinagkukuhanan nila ng kabuhayan at pinagkakakitaan. Hindi nila gaanong binibigyan ng kaukulang pansin ang pag-aaral. 2. Ang Kurikulum sa Panahon ng Kastila. Malaki ang naging gampanin ng pagdating ng iba’t ibang misyonero ditto sa Pilipinas pagdating sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Nagingpangunahin nga nilang layunin ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa bansa. Itinuro dito ang relihiyong Kristiyanismo, wikangEspanyol, pagsulat, pagbasa, aritmetika, musika, sining at paggawa. Ipinasasauloang aralin sa mga mag-aaral maging ang mga dasal. May mga paaralang bokasyonal na naitatag din layunin nitong ituro ang iba’t ibang karunungan tulad ng pananahi, paglililok, sining sa pagpipinta at pagdaragat. Nagbukas ng mga paaralang normal para sa mga lalaki at babae na nais maging guro. nahahati ito sa dalawang uri: (a) Dominikano- pinamunuan ang Unibersidad de Sto. Tomas; samantalang (b.) Heswita- naman ang namuno sa Ateneo Municipal deManila. SEF30143 19 Downloaded by Settie-Zhymah Padate (laily_padate1@yahoo.com) lOMoARcPSD|20426985 Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon 3. Ang Kurikulum sa Panahon ng Amerikano. Maraming mga pampublikong paaralan ang naitayo upang maraming mga Pilipino ang makapag-aral. Ang wikang Ingles ang ginamit na panturo sa mga paaralan at binigyang-diinang kulturang Amerikano sa leksiyon. Sa pamamagitan ng Act 74 na nilagdaan ni Pangulong Mckinleynoong Enero 1901 ay nailatag ang istruktura ng edukasyon sabansa sa ilalim ng pangangasiwa ng mga Amerikano. ang naging pokus ng pagtuturo sa mga paaralan atbinigyang-diin ang demokratikong pamumuhay at hindi ang relihiyon. Binalangkas ang istruktura ng edukasyon na umaakma samalapyudal na katangian ng ekonomiya ng Pilipinas at pantustos sapang-ekonomiyang pangangailangan ng Amerika. Naging kasangkapan ng pananakop ang edukasyong pangwika at pampanitikan noong panahon ng kolonyalismong Amerikano. Iba’t ibang pangunahing sanggunian ang ginamit niya sa saliksik tulad ng mga opisyal na kurso sa pag-aaral (courses of study), planong leksiyon ng mga guro, ulat ng Direktor ng Bureau of Education at iba pang opisyales, at iba pang kagamitan sa pagtuturo.Tinipon din niya ang mga teksto, teksbuk, at reader na itinakda at ipinabasa sa mga mag-aaral sa elementarya at hay-iskul sa apat na dekada ng pananakop ng mga 4. Ang Kurikulum sa Panahon ng Hapon. Noong 1942, nilikha ang Commission of Education, Health, and Public Welfare sa bisa ng Military Order No. 2 ng pamahalaang Hapones. Bahagi ng simulain nito ang mgasumusunod: (1) Pagpapaintindi sa mga mamamayan ng kalagayan ng Pilipinas bilangkasapi ng Greater East Asia Co-Prosperity Sphere; (2) Pagsupil sa mga kaisaipang Kanluraning nag-uugnay sa mga Pilipinoat sa mga bansa sa Kanluran, particular sa mga bansang Britanya at ang Estados Unidos; (3) Pagpapayabong ng kultura ng bagong Pilipino ayon sa kamalayan ng pagigigng Oryental o Asyano; (4) Pagtuturo ng wikang Nihonggo; (5) Pagkakaloob ng edukasyong elementarya at bokasyunal; at (6) Pagtataguyod ng pagmamahal sa paggawa. 5. Ang Kurikulum sa Ikatlong Republika. ang pangunahing suliraning hinarap ng bansa ayang rehabilitasyon o pagbibigay tatag ng pamumuhay ng mga Pilipino sapagkatmalaking pinsala ang nagawa nito. Sa edukasyon, nagkaroon ng suliranin sa mgagusaling pampaaralan gayundin sa mga kinakailangang kagamitan dito. Ipinagpatuloy ang maka-amerikanong sistema ng edukasyon. Itinuro pa rinang mga kaisipang pandemokrasya at Ingles pa rin ang wikang panturo. Ipinakilala ang mga paaralang pampamayanan upang maiangkop sapanahon ng kahirapan. Ipinaturo ang katangi-tanging nagawa ng mga bayani. 6. Ang Kurikulum sa Panahon ng Martial Law at ng 1986 Rebolusyon. Ipinatupad sa panahon na ito ang bilingual education, population education at family planning, taxation at land reform, at pagpapatibay ng/sa pagpapahalagang Pilipino. 7. Ang Kurikulum Matapos ang Martial Law at Rebolusyon. Naging bahagi ng kurikulum ang computer at makabagong teknolohiya. Binigyang-diin ang pagpapaunlad ng wikang bernakular, wikang ingles, inclusive education, special education, makabagong pamamaraan sa pagtuturo gaya ng multiple intelligences, learning styles at mga katulad nito. SEF30143 20 Downloaded by Settie-Zhymah Padate (laily_padate1@yahoo.com) lOMoARcPSD|20426985 Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon Ang PROCEED at ang Bagong Kurikulum sa Paaralang Elementarya (NESC) Iminungkahi na noo’y Direktor ng Kawanihan ng Edukasyong Pang-elementarya Dr. Minda C. Saturia ang pagbabago ng kurikulum sa Paaralang Elementarya sa pag-aakalang tutugon ito sa suliranin ng paaralan. Ito ay ang sampung taon programa para sa Komprehensibong Edukasyong Pang-elementarya o kinilala sa tawag na Program for a Comprehensive Elementary Education o PROCEED. Ang PROCEED bilang programang pang-edukasyon ay naglalaman ng siyam (9) na pangunahing component. Ito ay ang sumusunod: (1) Misyon at Pagpapahalaga (Mission and Values); (2) Paglinang ng Kurikulum ( Curriculum Development); (3) Pagpapaunlad at Kagalingang Pangguro (Teacher Development and Welfare); (4) Pagpapabuti ng mga Kagamitan (Facilities Development); (5) Paghahanda ng mga Kagamitang Pampagtuturo (Instructional Materials Development); (6) Pamamahala (Management); (7) Pananalapi (Financing); (8) Edukasyong Pangkalusugan (School Based Health Education); at (9) Edukasyon Bago Magelementarya (Pre-Elementary Education). Sa ilalim ng nabanggit na programang pang-edukasyon, naghain ng isang bagong kurikulum para sa Paaralang Elementarya na tinawag naman na New Elementary School Curriculum (NESC). Ang mungkahing kurikulum na nabanggit ay naglayong gampanan ng paaralan ang ilang tinukoy na misyon nito gaya ng sumusunod: matulungan ang bawat mamamayan sa pagtatamo ng mga batayang kahandaan sa ikapagiging mulat, may disiplina, Makabayan, may pananalig s aDiyos, malikhain, versatile, at kapaki-pakinabang na mamamayan ng isang pamayanang Pambansa. Binigyang- tuon ang paglinang sa kaisipang Makabayan (sense of nationhood) sa pamamagitan ng pagtatamo ng mga batayang kasanayan sa Sining ng Komunikasyon (Ingles at Filipino), Matematika at Araling Panlipunan (Sibika) at Kalingan (Civic and Culture) na kinilala noon sa tawag na batayang edukasyong Elementarya. Ang bunga ay itinuturing na higit na mahalaga kaysa aralin. Ang pokus nito ay 4Hs sa Ingles. Ito ay ang Head (ulo) o nakatuon sa intelektwal; Heart (puso) o pagpapahalaga (values); Hands (kamay) o batayang kasanayan sa paggawa; at Health (kalusugan) o kagalingang pisikal at mental. Sa gayon, ang binibigyang diin sa NESC ay ang pagkatuto ng makatutulong sa paglinang ng apat na H (head, Heart, Hands and Health). Ang kurikulum ay binuo rin ng tatlong (3) Sab-Siklo: Sab-Siklong Batayan (Baitang I at II); Sab-siklo s apagsasanay at pagpapsidhi (Baitang III at IV); at Sab-siklo sa pagsasanay, pagpapasidhi at pagsasagawa (Baitang V at VI). Nilayon ng mga sab-siklong ito na sa unang kapantayan ng edukasyon na matamong lubusan ang 100% ng mag-aaral ang minimum na mahalagang kasanayan sa ilalim ng NESC. Mga Kasanayan sa Filipino sa SEDP Kurikulum Upang matugunan ang pangangailangan na maipagpatuloy ang pagkalinang ng mga mag-aaral na pinasimulan ng nagkaroon ng implementasyon ng Program for a Comprehensive Elementary Education o PROCEED sinundan ito ng pagbuo ng programang pansekondarya na tinawag naming Secondary Education Development Program (SEPD). Pinasimulan ito ng dating kalihim na si Dr. Lourdes Quisumbing. Ang mga asignaturang pinag-aralan sa SEDP ay may apat na pung (40) minutong inilaan maliban nalang sa Science and Technology at Home Economics na may isang oras. Nilayon ng programang ito na mapabuti ang uri ng edukasyong pansekondarya sa bansa, mapalawak ang access ng mga mamamayan sa may uring SEF30143 21 Downloaded by Settie-Zhymah Padate (laily_padate1@yahoo.com) lOMoARcPSD|20426985 Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon edukasyong pansekondarya at maitaguyod ang pagkapantay-pantay sa mga alokasyon ng mga mapagkukunan (resources) lalo na sa mga kapantayang lokal. Sa ilalim ng SEDP kurikulum nakapaloob dito na linangin ang mga kakayahan sa paggamit ng Filipino sa tulong ng mga tinuturing pambalarila upang matamo ang kasanayang makro. Sa loob ng SEDP Kurikulum tinuon nito ang paglinang sa sumusunod na kasanayan sa wika at/o panitikan: (1) Pakikinig- dito naiintindihan ng mag-aaral ang isang paksa kung siya ay nakapokus sa pakikinig; (2) Pagsasalita- naibabahagi ang kaalaman tungkol sa isang bagay; (3) Pagbasa- nauunawaan ang nilalaman ng teksto kapag naiibahagi niya ang knyang sarilingopinion tungkol sa isang paksa; (4) Pagsulat- maipahayag ang sariling ideya, kaisipan at damdamin; (5) Paggawa ng mga tala- magaling gumawa ng mga tala o noted details; at (6) Kasanayang Pansanggunian- mahilig magbasa ng mga aklat, dyaryo at magazines na maaaring kapulutan ng aral. Matapos ito ay muling nagkaroon ng rebisyon ang kurikulum noong 1973 sa ilalim ng Revised Secondary Education Kurikulum o RSAC at muli itong nagkaroon ng pagbabago noong 1989 sa ilalim ng New Secondary Education Curriculum (NSEC). Ang mga Komponents at Katangian ng Asignaturang Filipino sa Kurikulum ng 1989 1. Wika a. Magkahiwalay na ituturo ang wika at panitikang Filipino sa loob ng apatnapung minutong pagkaklase; b. Gagamitin ang pagdulog nosyonal/functional o ang estratehiyang komunikatibo; c. Bibigyang-diin sa pagtuturo ang tunay na gamit ng wika (use/function) sa tulong lamang ng mga kaalaman at tuntuning pambalarila, ayon sa konteksto ng hangarin, sitwasyon at pangangailangan. d. Gagamitin ang dulog na learner-centered sa pagtuturo at ang konsentrasyong pagtuturo at pag-aaral ay pagkakaroon ng kakayahan sa komunikasyon lalo na sa pakikipagtalastasan. 2. Panitikan a. Maingat na binalangkas ang papaunlad (spiral progression) ang mga ituturong anyo/uri ng panitikan kasama ang mga akda mula sa iba’t ibang lalawigan/rehiyon. b. Ginagamit ang mga akda bilang bukod sa babasahin o paksang aralin upang magkaroon ng lubusang kasanayan (mastery) ang mga mag-aaral sa iba’t ibang sangay ng panitikan. c. Kaalinsabay ng pagtatamo ng mga kasanayang pampanitikan, matutuhan din kung paano ang pagsulat ng pinapaksang anyo o uri ng panitikan. d. Ituturi ito nang ihiwalay upang lumawak ang kaisipan-karanasan ng mga mag-aaral upang magkaroon ng damdmain at malasakit sa sariling literature 3. Halagahang Pangkatauhan 4. Palatuntunang Pampamahalaan 5. Mga Pag-aaral/ Pananaliksik 6. Pagsasaling-wika Ang Mother Tongue Based Multilingual Education Curriculum (2012) Nilagdaan na noon ay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino ang batas na R. A. 10533 (Enhanced Basic Education Act of 2013) o mas kilalabilang K-12 Curriculum. Ayon kina Estrada at Gargantiel (2013), ang batas naito ay nagsasaad na ang mga mag-aaral ay kailangang SEF30143 22 Downloaded by Settie-Zhymah Padate (laily_padate1@yahoo.com) lOMoARcPSD|20426985 Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon sumailalim sa mga baitang mula Kinder hanggang Grade 12 sa kanilang pag-aaral ng batayang edukasyon. Ang mga antas na ito ay binubuo ng pitong (7) taon sa primary education kasama ang Kindergarten, apat (4) na taon sa Junior High School at dalawang (2) taon sa Senior High School na may kabuuang labing-tatlong (13) taon. Kaangkla din sa batas na ito ay ang pagpapatupad ng sistemang Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE). Ang MTB-MLE ay ang paggamit ng mga mag-aaral ng kanilang unang wika (L1) bilang wikang panturo mula Kindergarten hanggang ikatlong baitang. Isa ang Pilipinas sa may maraming wikang ginagamit bilang dialekto ng wika ng mga Filipino na kung saan mayroong humigit kumulang 181 na wika na naging sanhi ng pagkakaroon ng problema ng Kagawaran ng Edukasyon sa pagpaptupad ng nasabing sistema. Ayon kay Director Paraluman Giron ng DepEd Region IV-A maging ang isa sa mga masugid na tagatangkilik ng MTB-MLE, saunang taong pag-aaral ng mga bata mahalagang gamitin ang unang wika upang masanay sila sa mas malawak na pag-iisip. Binigyang diin din ni Giron, kung gagamitin ang unang wika sa pagtuturo sa mga bata masasanay sila sa pagsasagotat pagtatanong ng “bakit” na siyang susi sa mas malalim na pagkaunawa. (PIA Achieve News Reader, 2010) Ang MTB-MLE ay edukasyong pormal o di-pormal na ang unang wika (mother tongue) ng mag-aaral at iba pang wika ay ginagamit sa loob ng silid-aralan. Ipinalalagay na ang mag-aaral ay natututo sa simula ng kanilang edukasyon gamit ang wikang kanilang higit nauunawaan (unang wika/mother tongue) at nalilinang ang matatag na pundasyon ng pagkatuto gamit ang kanilang unang wika bago ang kanilang matuto ng iba pang mga wika. Ipinakita sa mga pananaliksik ang katotohanan na ang mga batang may matatag na pundasyon sa kanilang unang wika ay nakabubuo nang higit na mataas na literasiya (maaaring tingnan ang pag-aaral nina Diane Dekker sa kaso ng Lubuagan). Higit na naibabahagi ng mag-aaral ang kanilang kaalaman sa iba’t ibang mga wika. Ayon kay Kalihim Mona Valisno ng Kagawaran ngEdukasyon, layunin ng MTB-MLE na makapaghubog ng “lifelong learners” na bihasa sa paggamit ng unang wika, ng pambansang wika, at iba pang salita kagaya ng Ingles. Bago ang implementasyon nito noong 2012 nagkaroon na nang Kautusan noong ang Kagawaran ng Edukasyon sa bisa ng Kautusan Bilang 74, Serye 2009 na may pamagat na Institutionalizing Mother Tongue Based Multilingual Education na nilagdaan na noon ay Kalihim Jesli Lapuz. Ang K-12 Kurikulum Ang K to 12 Program ng pamahalaan ng/sa ay tumutukoy sa pagkakaroon ng mandatory o required na kindergarten at karagdagang 2 taon sa dating 10-year Basic Education Cycle. Kung noon, pagkatapos ng anim na taon sa elementarya at apat na taon sa hayskul (kabuuang 10 taon) ay maaari nang makapagkolehiyo ang mga estudyante. Sa ilalim ng K to 12, bago makapagkolehiyo, kailangan pa nilang dumaan sa karagdagang 2 taon pagkatapos ng apat na taon sa mataas na paaralan (high school/sekondarya). Sa bagong sistema, tinatawag na senior high school o junior college ang karagdagang 2 taon. Ang apat na taon ng mataas na paaralan sa lumang sistema ay tinatawag namang junior high school. Sa kabuuan, Grade 1-12 ang opisyal na tawag sa 12 taon ng Basic Education sa ilalim ng Kto12. Nagsimula noong School Year 2011-2012 ang pagkakaroon ng kindergarten sa mga pampublikong paaralan. Noong taong-aralan 2012-2013 ay sinimulan na ang implementasyon ng K to12 kurikulum sa unang baitang at ikapitong (unang taon sa junior high school). Unti-unting ipinatupad ang K to 12 curriculum hanggang sa makapagtapos ang unang hanay ng senior high school noong taong-aralan 2017-2018. Batay sa plano ng gobyerno, noong taong-aralan 2018SEF30143 23 Downloaded by Settie-Zhymah Padate (laily_padate1@yahoo.com) lOMoARcPSD|20426985 Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon 2019 pa nagsimulang kumuha ng bachelor’s degree sa kolehiyo/unibersidad ang unang hanay ng senior high school na dumaan sa Kto12. Nagbunsod ang pagbabagong ito sa programang pang-edukasyon ng Pilipinas dahil ayon sa pagtataya ng mga ahensya ng pamahalaan mababa raw ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas at sa pamamagitan daw ng Kto12 ay mapatataas ang kalidad ng edukasyon sa bansa. Tinatanaw rin na sa buong Southeast Asia, ang Pilipinas na lang ang may 10-year Basic Education Cycle (ang ibang bansa ay may 11-12 taon sa Basic Education Cycle). Sa buong mundo, ang Pilipinas ang isa sa 3 bansa na may 10-year Basic Education Cycle. Sa lumang sistema, matapos makumpleto ang apat na taon sa mataas na paaralan tinataya na di pa rin handa para magtrabaho ang mga estudyante (masyado pang bata para makapagnegosyo at iba pa). Hindi rin [daw] handang magkolehiyo ang maraming nagtatapos sa mataas na paaralan sa lumang sistema. Dahil sa lumang 10-year Basic Education Cycle ay hindi kinikilala ng ibang bansa ang mga propesyunal na nagtatapos sa Pilipinas. Sa Amerika, kailangan ang labing dalawang (12) taon ng basikong edukasyon (basic education) para sa mga inhinyero. Sa Europa naman, kailangan ng labing dalawang (12) taon ng basikong edukasyon para sa mga gustong mag-aral sa mga unibersidad at para sa mga gustong magtrabaho bilang propesyunal. Sa ngayon, ang Pilipinas ay ang tanging bansa sa Asya at kabilang sa tatlong natitirang mga bansa sa mundo na gumagamit ng isang 10-taong pangunahing siklo ng edukasyon. Ayon sa isang pagtatanghal na ginawa ng South East Asian Ministro of Education Organization (SEAMEO-INNOTECH) sa Karagdagang Taon sa Philippine Basic Education (2010), ang data ng paghahambing sa tagal ng Pangunahing at Pre-University Education sa Asya ay nagpapakita na ang Pilipinas ay nagbigay ng 10 taon hindi lamang para sa pangunahing siklo ng edukasyon kundi pati na rin para sa edukasyon ng pre-unibersidad samantalang ang lahat ng iba pang mga bansa ay mayroon ding 11 o 12 taon sa kanilang pangunahing siklo ng edukasyon. Ang mga marka ng nakamit ay nagtatampok ng hindi magandang pagganap ng aming mga mag-aaral sa pambansang pagsusuri. Ang mga resulta ng National Achievement Test (NAT) para sa grade 6 noong SY 2009-2010 ay nagpakita lamang ng isang 69.21% na rate ng pagpasa habang ang mga resulta ng NAT para sa high school ay nasa isang mababang 46.38%. Bukod dito, ang mga pang-internasyonal na mga pagsubok sa 2003 ng Trending sa pag-aaral ng International Mathematics and Science (TIMSS) ay nagpapakita na ang Pilipinas ay nasa ika-34 sa 38 na bansa sa HS Math at ika-43 sa labas ng 46 na bansa sa HS II Science. Bukod dito, ang Pilipinas ay nagraranggo sa pinakamababang noong 2008 kahit na sa mga paaralang high school na sumali sa kategoryang Advanced Mathematics. Ang kasalukuyang kurikulum ay inilarawan bilang kongreso. Nangangahulugan ito na ang mga mag-aaral ay hindi nakakakuha ng sapat na oras upang maisagawa ang mga gawain dahil ang kurikulum ay idinisenyo upang maituro sa isang tagal ng 12 taon at hindi 10 taon. Ang mas malinaw na resulta nito ay ang katunayan na ang karamihan sa mga mag-aaral sa high school ay nagtapos nang walang kahandaan na kumuha ng mas mataas na edukasyon o trabaho. Ang mga mag-aaral na ito ay hindi nilagyan ng mga pangunahing kasanayan o kakayahang kinakailangan sa trabaho. Bukod dito, ang maikling panahon ng aming pangunahing programa sa edukasyon ay naglalagay ng mga Pilipino na interesado na magtrabaho o mag-aral sa ibang bansa sa kawalan. Ito ay dahil nakikita ng ibang mga bansa ang aming 10-taong programa na hindi kumpleto, kung gayon, ay nagiging sanhi ng mga nagtapos na Pilipino na hindi maituring na mga propesyonal sa ibang bansa. SEF30143 24 Downloaded by Settie-Zhymah Padate (laily_padate1@yahoo.com) lOMoARcPSD|20426985 Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon Ipapakita ng mga record na simula pa noong 1925, may mga pagsisikap na mapagbuti ang pangunahing kurikulum ng edukasyon at mga rekomendasyon na naipasa mula noon. Sa gayon, ang ideyang ito ng pagdaragdag ng mga taon sa kasalukuyang kurikulum ay hindi bago. Ang K-12 Kurikulum ay nagpapakita ng "holistically binuo na mga mag-aaral na may mga kasanayan sa ika-21 siglo" (Deped Primer, 2011). Sa pangunahing pangunahing programa ng edukasyon na ito ay "kumpletong pag-unlad ng tao sa bawat nagtapos" (DepEd discussion paper, p.6). Ito ay nangangahulugang nangangahulugan na ang bawat mag-aaral ay magkaroon ng pagunawa sa mundo sa paligid niya at isang pagnanasa sa pag-aaral ng mahabang buhay habang tinutugunan ang mga pangunahing pangangailangan sa pagkatuto ng mag-aaral: sa pang-arawaraw na buhay ”(p. 6). Bilang karagdagan sa ito, ang bawat nagtatapos ay inaasahang magkakaroon ng paggalang sa karapatang pantao at nais nilang maging " Maka-Diyos, Makatao, Makabansa, Maka-kalikasan " (p.6) Tinutukoy ng primer ng DepEd (2011) ang mga benepisyo sa mga indibidwal at pamilya: 1. Isang decongested na pang-akademikong gawaing pang-akademiko, na nagbibigay ng mga mag-aaral ng mas maraming oras upang makabisado ang mga kakayahan at para sa mga aktibidad na co-kurso at pakikilahok sa komunidad, sa gayon, pinapayagan ang isang mas holistic na pag-unlad; Ang mga nagtapos ay magkakaroon ng mga kakayahan at kasanayan na nauugnay sa merkado ng trabaho at sila ay magiging handa para sa mas mataas na edukasyon; 3. Ang K-12 ay abot-kayang; 4. Ang potensyal na taunang kita ng isang graduate ng K-12 ay mas mataas kumpara sa mga kita ng isang 10-taong high school graduate; 5. Ang mga magtatapos ay makikilala sa ibang bansa. Ang mga benepisyo ng kurikulum ng K-12 para sa lipunan at ekonomiya ay: 1. Makakatulong ito sa paglago ng ekonomiya. Ipinapakita ng mga pag-aaral na ang mga pagpapabuti sa kalidad ng edukasyon ay nagdaragdag ng paglago ng GDP. Ayon sa DepEd (2010), ang mga pag-aaral sa bansa ay sumasalamin na ang isang karagdagang taon ng paaralan ay nagdaragdag ng mga kita ng 7.5% at na ang mga pagpapabuti sa kalidad ng edukasyon ay magbibigay-daan sa paglago ng GDP sa pamamagitan ng 2-2.2%. . Mapapabilis nito ang pagkilala sa mga nagtapos at mga propesyonal sa Filipino sa ibang mga bansa 3. Ang isang mas mahusay na edukasyong lipunan ay nagbibigay ng isang mahusay na pundasyon para sa pangmatagalang sosyo-ekonomikong pag-unlad. Bunga ng implementasyon ng programang K-12 naging malawak ang epektong dinu[nai]dulot nito sa mga Kolehiyo/ Unibersidad/ Pamantasan gayundin sa mga kurso. Hanggang ngayon, wala pang malinaw na detalye hinggil dito. May nagsasabing iikli ang bilang ng taon ng kolehiyo/unibersidad dahil ang ibang General Education subjects (gaya ng Filipino, English at History) ay isinama/inilipat/ ibinaba na sa senior high school. May nagsasabing ganoon pa rin ang bilang ng taon ng kolehiyo/unibersidad pero mababawasan ng ilang General Education subjects ang kukunin ng mga estudyante. SEF30143 25 Downloaded by Settie-Zhymah Padate (laily_padate1@yahoo.com) lOMoARcPSD|20426985 Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon Gawain: 1. Gumawa ng pagsusuri sa mga dahilan ng mabilis na pagbabago ng programang pangedukasyon sa PIlipinas. Ilahad ang nilalaman ng bawat pagbabago. 2. Paano nakaapekto ang kalagayang pang-edukasyon ng mga karatig bansa sa Asya at mula sa Kanluran sa pagbalangkas at implementasyon ng pamahalaan sa programang pang-edukasyon sa Pilipinas. 3. Saliksik at ilahad ang pagkakaiba at/o pagkakatulad ng Kautusan Bilang 74, Serye 2009 at ang MTB-MLE na nakapaloob sa Enhanced Basic Education Act ng 2013. 4. Batay sa naging tugon sa unang katanungan, gumawa ng isang mungkahing batayan upang mapanatili at/o mapalakas ang Filipino sa mga programang pang-edukasyon ng bansa. 5. Paano binago ng mga Kastila ang kaisipan ng katutubong Pilipino sa pamumuhay? 6. Gumawa ng talahanayan paano nagbago ang mga tuon ng kurikulum at pag-aaral sa bansa sa pagdaan ng panahon? 7. Ano ang kalagayan ng Filipino sa mga pagbabagong naganap sa paglinang ng kurikulum sa bansa? 8. Mananaliksik (kahit online) ng mga teorya bilang salalayan sa pagbabagong naganap sa kurikulum sa bansa. SEF30143 26 Downloaded by Settie-Zhymah Padate (laily_padate1@yahoo.com) lOMoARcPSD|20426985 Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon ARALIN 4 MGA BATAYANG LEGAL AT OPISYAL NA PAGGAMIT NG FILIPINO BILANG WIKA NG EDUKASYON Sa araling ito (Aralin 4) nakatuon ang pagtalakay sa Mga batayang legal at opisyal na paggamit ng Filipino bilang wika ng edukasyon. Babalikan sa bahaging ito ang mga pangunahing batas sa bansa na nagtatadhana sa kalagayan ng Wikang Filipino sa akademikong kalagayan. Pangkalahatang Layunin Sa katapusan ng aralin na ito, inaasahan na: 1. Nakapagtutukoy sa mga kartilya ng kurikulum ng kursong Filipino. 2. Nakapag-iisa-isa sa mga dulog at estratehiya sa pagtuturo ng Filipino batay sa kurikulum. 3. Nakapaglalahad ng isang forum kaugnay sa mga sanligang batas pang-wika. Pangkalahatang Kaalaman Ayon sa siping bersyon ng Konstitusyon ng 1935, Artikulo XIV, Sek. 3: "AngKongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibayng isang wikang pambansa na batay sa isa mga umiiral na katutubong wika.Hanggang hindi nagtatadhana ng iba ang batas, ang Ingles at Kastila ang patuloyng gagamiting mga wikang opisyal." Ibig sabihin, wala pa noong ahensiya ngpamahalaan na mangangasiwa o magpapalaganap ng mga patakaran hinggil sapambansang wika. At wala pa ring napipili noong 1935 kung aling katutubong wikaang magiging batayan ng pambansang wika. Ang siniping probisyon naman saSaligang Batas ng 1935 ay ipinaglaban ng mga delegado sa KumbensiyongKonstitusyonal na hindi Tagalog na sina Felipe R. Jose sa Mountain Province,Wenceslao Q. Vinzons sa Camarines Norte, Tomas Confesor sa Iloilo,Hermenegildo Villanueva sa Negros Oriental, at Norberto Romualdez sa Leyte. Ayon naman kay dating Pang. Manuel L. Quezon sa kanyang talumpati sa Unang Pambansang Asamblea noong 27 Oktubre 1936, “Hindi na dapat ipaliwanag pa, na ang mga mamamayang may isang nasyonalidad at isang estado ay dapat magtaglay ng wikang sinasalita at nauunawaan ng lahat.” Ayon sa kanya,nararapat lamang na magkaroon ng isang wikang sinasalita at nalalaman ng lahatupang magkaroon ng pagkakaunawaan at pagkakaintindihan sa isang partikularna lugar.Dahil naman sa Batas Komonwelt Blg. 184, naitatag ang Surian ng WikangPambansa noong Nobyembre 13, 1936 na binuo ng Saligang Batas ngPambansang Asamblea upang mag-aaral ng mga diyalekto sa pangkalahatanpara sa layuning magpaunlad at magpatibay ng isang pambansang wikang bataysa isa sa mga umiiral na wika. Sa pagpili ng isang wikang pambansa, ibinatay itosa pagkaunlad ng estruktura, mekanismo, at panitikan na pawang tinatanggap atginagamit ng malaking bilang ng mga Filipino. Sa madaling salita, Pinili angTagalog bilang batayan ng bagong wikang pambansa sa ilalim ng pamumuno niJaime C. de Veyra na taga-Samar-Leyte na kinabibilangan ng mga kasaping sinaSantiago A. Fonacier (Ilokano), Filemon Sotto (Sebwano), Casimiro F. Perfecto(Bikol), Felix S. Salas Rodriguez (Panay), Hadji Butu (Moro), at Cecilio Lopez (Tagalog). Tampok sa pagpili ng Tagalog ang pagkilala rito na ginagamit ito ngnakararaming bilang ng mga mamamayan, bukod pa ang mga kategorikongpananaw ng mga lokal na pahayagan, publikasyon, at manunulat.Noong Disyembre 13, 1937, sinang-ayunan naman batay sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na pagtibayin SEF30143 27 Downloaded by Settie-Zhymah Padate (laily_padate1@yahoo.com) lOMoARcPSD|20426985 Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon ang Tagalog “bilang batayan ng wikangpambansa ng Filipinas.” Samantalang noong Disyembre 30, 1937, pinili at ipirinoklama ng Pangulong Quezon ang Tagalog bilang batayan ng bagong pambansang wika. Ayon sa kanyang mensahe, “Walang pinakamahalaga sa sinumang tao kundi ang pagkakaroon ng kamalayan tungkol sa pagkakaisa ngbansa, at bilang bayan, hindi tayo magkakaroon ng higit na kamalayan kung walang sinasalitang wikang panlahat.” Dahil sa pagkakaroon ng wikang pambansa, nagkaroon ng pagkakaisa ang mga tao bilang iisang bansa.May dalawangmahahalagang tungkuling naisagawa angSurian ng WikangPambansa. Una ay ang pagbubuo at pagpapalathala ng Tagalog-EnglishVocabulary at pagbubuo ng Balarila ng Wikang Pambansa.Dahil sa bisa ng Batas Komonwelt Blg. 570, napagtibay ng Pambansang Asamblea noong Hunyo 7, 1940 na kumikilala sa Pambansang Wikang Filipinobilang isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas pagsapit ng Hulyo 4, 1946. at noong1942 ay inihayag ng Komisyong Tagapagpaganap ng Filipinas [PhilippineExecutive Commission] ang Ordinansa Militar Blg. 13 na nagtatakda na ang kapwaNihonggo at Tagalog ang magiging mga opisyal na wika sa buong kapuluan. Itoay noong panahong sakop pa ng mga Hapon ang bansang Pilipinas. At noong Agosto 13, 1959, nagpalabas ng kautusan ang kalihim ng Tanggapan ng Edukasyon, na tawaging “Pilipino” ang “Wikang Pambansa” na pinasimulan ni Jose Romero, isang Bisaya na naging Kalihim ng Edukasyon. Dahilnaman sa Konstitusyon ng 1973 o Saligang Batas 1973, itinakda na ang Wikang Pambansa ay tatawaging “Filipino” na sinang–ayunan ng 1987 Konstitusyon na nagsasaad na “Ang Pambansang Wika ay Filipino.” At taong 1940, ipinag-utos ang pagtuturo ng Wikang Pambansa sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sabuong bansa. Dito napagtibay ang kautusang gamitin ang wikang Filipino sa pagtuturo. Napagtibay naman ng Executive Order No. 263 o KautusangTagapagpalaganap Blg. 263 na nag–aatas ng paggamit at pagtuturo ng WikangPambansa sa mga paaralan simula Hunyo 19, 1940. Dahil naman sa Resolusyon Blg. 70 noong 1970, pinagtibay ng KilusangPambansang Lupon sa Edukasyon ang pagpapagamit ng wikang pambansa(Filipino) bilang wikang panturo sa lahat ng paaralan sa elementarya. Ditonagsimulang magamit ang wikang pambansa bilang midyum ng pagtuturo sa lahatng paaralang pang-elementarya. Sa isinaad ng artikulo XIV, Sek. 7 ng 1987 konstitusyon na …. “ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at hangga’t walang itinatadhana ang batas, Ingles…” Nagsilbi itong opisyal na batayan ng sumusunod na kautusan at memoranda na ipinalabas ng Kagawaran ng Edukasyon. ▪ ▪ ▪ ▪ DECS Order 25, s. 1974 “Panuntunan sa Pagpapatupad ng Patakarang Edukasyong Bilinguwal.” Ang patakaran na naglalayong linangin ang magkatimbang na kasanayan sa Ingles at Pilipino, ay para sa lahat ng mga paaralan, elementarya, sekondarya, at tersyarya. DECS Order No. 50, s. 1975 “Supplemental Implementing Guidelines for the policy on Billingual Instruction at Tertiary institutions.” Sa DECS Order 25, binigyan ng opsyon ang mga institusyon sa antas tersyarya na magdebelop ng kanilang sariling iskedyul ng pagimplementa sa programa. MEC Order No. 22, s. 1978 “Pilipino as Curricular Requirement in the Tertiary Level” Bilang pag-alinsunod sa patakarang bilingguwal at sa iniaatas ng DECS Order 50, s. 1975, nagtakda ng tiyak na programa ng pagtuturo ng Pilipino sa antas tersyarya. D ECS Order 52, s. 1987 Bilang pagtugon sa mga probisyong pangwika ng konstitusyon ng 1987, nirebisa ang patakarang bilingguwal at ipinagkalat ang impormasyon tungkol dito sa pamamagitan ng dalawang kautusan. o“Filipino and English shall be used as media instruction, the use allocated to specific subjects in the curriculum as indicated in DECS Order No. 25, s 1974.” o“…Tertiary level institutions shall lead in the continuing SEF30143 28 Downloaded by Settie-Zhymah Padate (laily_padate1@yahoo.com) lOMoARcPSD|20426985 Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon ▪ ▪ ▪ intellectualization of Filipino. The program ofintellectualization, however, shall also be pursued in both the elementary and secondary levels…” CHED Memo Order 59, s. 1996 “New General Education Curriculum (GEC).” CHED Memo 04, s. 1997 Nang sumunod na taon, muling nagpalabas ang CHED ng bagong memorandum, ang CM No. 04, s 1997, na pumapaksa sa mga patnubay sa Implementasyon ng CMO 59, 1996. CHED Memo Order 11, s. 1998 Muli naming nagrebisa ng kurikulum ang mga HEI, particular an Teacher Education Institutions ang ilabas ng CHED ang bagong kautusan tungkol sa minimum na rekwayrment ng general education para sa magiging guro. Pananaw sa Wikang Filipino. Ang Wikang Filipino ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino, ang legal na ahensyang naatasang mamahala sa patuloy na paglinang ng wikang Pambansa ay nagsabi na: Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong bansa bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng panghihiram sa mga wika ng Pilipinas at mga di katutubong wika sa ebolusyon ng iba’t ibang varayti ng wika para sa iba’t ibang sitwasyon sa mga nagsasalita nito na may iba’t ibang saligang sosyal at para sa mga paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag.” (KWF Resolusyon Blg. 96-1, Agosto 26, 1996). Ang Kurikulum sa Edukasyong Elementarya Upang maging makabuluhan ang pagtatalakay ng mga aralin sa Filipino, nararapat na sundin ng mga guro ang tatlong prinsipyo na: A. INTEGRATIBO; B. INTERAKTIBO; at C. KOLABORATIB. Ang Filipino sa Antas Elementarya Ang asignaturang ito ay lumilinang sa mga kasanayan sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat at pag-iisip sa Filipino. Mga Inaasahang Bunga Mithiin: Nagagamit ang Filipino sa mabisang pakikipagtalastasan (pasalita at pasulat); nagpapamalas ng kahusayan sa pagsasaayos ng iba’t ibang impormasyon at mensaheng narinig at nabasa para sa kapakinabangang pansarili at pangkapwa at sa patuloy na pagkatuto upang makaangkop sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa daigdig. Ang Kurikulum sa edukasyong Sekondarya Itinakda ng Batas Pambansa 232 na kilala rin sa tawag na Education Act of 1982 ang sumusunod na layunin ng Edukasyong Sekondarya: 1. Maipagpatuloy ang pangkalahatang edukasyon na sinimulan sa elementarya. 2. Maihanda ang mga mag-aaral para sa kolehiyo. 3. Maihanda ang mgga mag-aaral sa daigdig ng pagtatrabaho. Ang Kurikulum ng Edukasyon sa Antas Tersyarya Alinsunod sa Republic Act No. 7722 o Higher Education Act of 1994, ang komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon (CHED) ay naatasang ipatupad ang sumusunod na katungkulan: A. Itaguyod ang mahusay o de kalidad na edukasyon. B. Gumawa ng hakbang upang masiguro na ang gayong edukasyon ay matamo o para sa lahat (accessible to all); mapaunlad ang responsible at epektibong pamamahala, patingkarin ang karapatan ng mga guro sa pagsulong na propesyunal at mayaman ang kasaysayan at kulturang minana. Ang Kurikulum ng Edukasyon sa Antas Tersyarya Republic Act (RA) No. 7722 (Higher Education Act of 1994) CHED Memo Blg. 59, S. 1996 • Binuo ang “New General Education Curriculum” CHED Memo Blg. 4, S. 1997 • Implementasyon ng CHED Memo Blg. 59 • Humanities, Social Sciences, communications – 9 na yunit sa Filipino at 9 na yunit sa Ingles • Math, Science and Technology, Vocational – 6 yunit sa Filipino at 9 yunit sa Ingles • Literatura 1 – ituturo sa Ingles at Filipino • Literatura 2 – depende sa Higher Education Institute SEF30143 29 Downloaded by Settie-Zhymah Padate (laily_padate1@yahoo.com) lOMoARcPSD|20426985 Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon Ang Filipino sa Binagong Kurikulum n General Education (CHED Memo Blg. 30, S. 2004) Filipino 1: Komunikasyon sa Akademikong Filipino Filipino 2: Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik Filipino 3: Masining na Pagpapahayag Literatura 1: Ang Panitikan ng Pilipinas Literatura 2: World Literature Gawain 1. Maliban sa mga naitalang kaugnay na batas at legal na batayan, manaliksik ng iba pang kaugnay na kautusan na nakatuon sa Wikang Filipino bilang panturo at wika ng akademya. 2. Manaliksik ng isang fora sa youtube o papel na binasa sa isang palihan at suriin ang nilalaman nito at kaugnayan sa kalagayan ng wikang filipino bilang wikang panturo at bilang wika ng/sa akademya. 3. Makipanayam (sa pamamagitan ng fb messenger o email) ng guro ng/sa Filipino sa isang kolehiyo/pamantasan/ uniberisdad. Alamin mula sa kaniya ang mga gawaing ipinatutupad ng kagawaran ng Filipino (kung mayrooon pa) at kung paano ito ipinatutupad. Maaari rin naming alamin kung paano itinuturo sa kolehiyo ang Filipino. SEF30143 30 Downloaded by Settie-Zhymah Padate (laily_padate1@yahoo.com) lOMoARcPSD|20426985 Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon ARALIN 5 MGA PAGDULOG, ESTRATEHIYA AT KAGAMITANG SA PAGTUTURO NG FILIPINO BATAY SA KURIKULUM Ang aralin 5 ay nakatuon sa pagtalakay ng Mga Pagdulog, Estratehiya at Kagamitang sa Pagtuturo ng Filipino Batay sa Kurikulum Pangkalahatang layunin Sa katapusan ng aralin na ito, inaasahan na . 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. Nakapagtatalakay sa pagkakaiba ng Dulog at Estratehiya. Nakapag-iisa-isa sa mga dulog at estratehiya sa pagtuturo ng Filipino batay sa kurikulum. Natatalakay ang ang mga paraan/estratehiya at pagdulog sa pagtuturo ng wika. Nabibigyang-halaga ang iba’t ibang estratehiya sa pagtuturo ng wika at ang pamaraang komunikatib para sa makabuluhang pagtuturo. Nakasusubok makabuo ng sariling dulog at estratehiya sa pagtuturo ng Filipino. nalaman ang kahulugan at kahalagahan ng kagamitang panturo; makasunod sa mga simulain ng kagamitang panturo at magamit ang kagamitang panturo sa isang talakayan. Pangkalahatang Kaalaman Bilang simulain, mahalagang maunawaan ng mga guro ang pagkakaiba-iba ng konsepto ng Pamamaraan, Dulog, Estratehiya at Teknik. Ang dulog o lapit ay isang set ng mga pagpapalagay hinggil sa kalikasan ng wika, pagkatutoat pagtuturo. Ang pamamaraan naman o estratehiya ay tumutukoy sa pangkalahatangsistematikong pagpaplano na binubuo ng mga hakbang batay sa isang dulog (Anthony (1963) halaw kay Badayos, 98). Sa madaling salita, ang estratehiya ay nakaangkla sa isang natatanging dulog. Noong taong 2000, ipinannukala ng Education Commission (EDCOM) sa kanilang ulat na maging midyum ng pagtuturo ang Filipino sa pagsapit ng taong 2000. Kasama ng mungkahing ito ang sumusunod: (1) Sa una, ikalawa at ikatlong baitang ay bernakular ang midyum ng pagtuturo para sa lahat ng asignatura; (2) sa ikatlong baiting, ipapasok ang Ingles bilang hiwalay na asinatura at patuloy na ituturo bilang hiwalay na asignatura hanggang sa ikaapat na taon ng sekondarya; (3) Sa ikaapat na baiting, Filipino ang midyum ng pagtuturo at patuloy na magiging wika ng pagtuturo para sa lahat ng asignatura maliban sa Ingles, hanggang sa ikaapat na taon ng sekondarya; (4) Sa malaon, ililipat sa Filipino ang edukasyong teknikal-bokasyunal; (5) Sa pagkilala sa karapatan sa academic freedom ng mga institusyon ng higit na mataas nalarangan, dapat ipaubaya sa ,DepEd ang pagpili ng wika ng pagtuturo sa edukasyong pangkolehiyo; at (6) sa taong 2000, lahat ng asignatura matangi sa Ingles at iba pang mga wika ay ituturo sa pamamagitan ng Filipino. Maaaring bigayang konsiderasyon ang sumusunod na lapit at/o dulog at estratehiya sa pagtuturo ng wika at panitikan. (Taneo, 2010) SEF30143 31 Downloaded by Settie-Zhymah Padate (laily_padate1@yahoo.com) lOMoARcPSD|20426985 Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon LAPIT/DULOG PAGLALARAWAN PAANO ITO GAMITIN WIKA 1. Patuklas na Lapit Ang lapit o dulog na ito ay tumutukoy sa pabuod napamamaraan ng paggabay sa mga mag-aaral sa pagtalakay at pag-oorganisa ng mga ideya at pagproseso nito. Ito ay makatutulong sa mga mag-aaral upang gamitin ang mga ideyang natutunan sa pagtuklas ng panibagon ideya 2. Konseptwal na Lapit Binibigyang-diin nito ang kognitibong pagkatuto: pagkatuto sa nilalaman at pagtamo ng kaalaman. Kinasasangkutan itong paglikom ng sapat na mgaideya o konsepto. 3. Unified Approach 4. Dulog Istruktural 5. Dulog Audio-Lingual Ang dulog na ito ay sumasangkot sa prosesong kognitibo gaya ng pagkukompara, pag-uugnayugnay, pagtukoy sa sanhi at bunga, paghula sa posibleng resulta at maging sinstesis ng isang paksa. Nilalayon nito na malinang ang mga magaaral na suriin at busisiin ang pangkalahatan o kabuuan ng mga bagay-bagay Naniniwala and dulog na ito na ang pagkatuto ng wika ay may kinalaman sa paglinang ng ugali o gawi. Samakatwid, inaalam ang istruktura ng wika at batay dito ay sinasanay ang mga magaaral sa pamamagitan ng pag-uulit at pagsasaulo. Ang lapit na ito ay gumagamitng teyp rekorder, larawan,pelikula, slides Himukin ang mga magaaralna manuklas ng ibang paraan otumuklas ng panibagong tuntunin o paraan. Bigyan ngpagkakataon ang mga mag-aaralna maging aktibong partisipanteng pagkatuto sa pamamagitan ngpaggawa ng mga gawain,pagmamanipula ng mgakagamitan at paginterpret ng mga kinalabasan. Nagagamit ito sa pamamagitan ng pagoorganisang mga ideya tungo sa makabuluhan at mas malalaking ideya, mula sa konsepto tungo sa paglalahat. Bigyan ang mga mag-aaral ng sapat na pagkakataon para magbasa,making at magsulat. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng pagtukoy sa pangunahing ideya o konseptong isang paksang aralin, pagbibigay ng halimbawa,pagbabalik-tanaw sa nakaraang pagtatalakay at pagbibigay-diin sa mahahalagang konsepto ng paksang tatalakayin Naisasagawa ito sa pamamagitan ng pagtatalakay sa mga tuntunin, pagbibigayhalimbawa, pagsasaulo at panggagaya. Nagagamit sa pamamagitan ng pagpaparinig ng mga tula,kanta at iba pang SEF30143 32 Downloaded by Settie-Zhymah Padate (laily_padate1@yahoo.com) lOMoARcPSD|20426985 Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon upang mapadaliang pagkatuto ng wika. gawaing kasasangkutan ng pandinig. . LAPIT/DULOG PANITIKAN 1. Dulog Pormalistiko 3. Dulog Sosyolohikal 5. Dulog Istaylistiko Binibigyang-diin ng dulog na ito ang mga elementong bumubuo sa katha. Pinagtutuonan ng dulog na ito ang pamantayang moral na nakapaloob sa akda. Pinag-aaralan sa lapit na ito ang panitikan na may pagtatangkang hubugin ang tao at lipunan 2. Dulog Moralistiko 4. Dulog Sikolohikal PAGLALARAWAN Pinagtutuonan ng pansin ng dulog na ito ang mga elementong panitikan kabilang na ang ugnayang sosyo-kultural, politiKal at pamumuhay, damdamin,asal, kilos at reaksyon ng tao. PAANO ITO GAMITIN Tinatalakay ang pagkakaugnay ng mga bahagi ng katha. Isinasagawa ang dulog na ito sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga elemento ng katha. Sa pagsusuri maaaring gumamit ng iba’t ibang grapikong pantulong sa pag-oorganisa ng mga elemento. Nagagamit ang dulog na ito sa pagsusuri sa bisang taglay ng panitikan, kaisipang moral, halaga ng tao, karangalan at kadakilaan. Ang pagsasadula sa moral na nakapaloob sa akda ay maaring isagawa upang maisabuhay ang mga ito. Nagagamit ang dulog na ito sa pagsusuri sa damdamin, aral at gawi ng tao batay sa kapaligirang sosyo-kultural. Pabuuin ang mga mag-aaral ng balita, pagtatalo o di kaya’y reaksyong papel. .Naisasagawa ito Tinatalakay sa dulog na sapamamagitan ng pagsusuri itoang nakakubling layunin ng saemosyon, damdamin, kilos mgamanlilikha at mga motibo atgawing ng tauhan sa akda. ng mgatauhan sa isang akda Nakatuon ang dulog na ito sa pagsusuri sa istilo at devices na ginamit ng mga awtor tulad ng wikang ginamit, pananaw,paglalarawan sa tauhan at mga tayutay Naisasagawa sa pamamagitan ng pagpapasulat ng mga komposisyon ayon sa pansariling estilo ng mga mag-aaral at iba pang gawaing susukat sa pagkamalikhain. SEF30143 33 Downloaded by Settie-Zhymah Padate (laily_padate1@yahoo.com) lOMoARcPSD|20426985 Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon Matutunghayan sa talahanayang nasa ibaba ang iba’t ibang estratehiya o pamamaraan sa pagtuturo ng wika at panitikan gaya ng pabuod, pasaklaw,papanayam, direkta, pagkatutong tulong-tulong, tanong-sagot, integratibo o pinagsanib,paulat, pagtuturong nakapokus sa magaaral at pagkatutong interaktibo. Inilalahad din sa bahaging ito ang paglalarawan at paggamit ng mga estratehiya o pamamaraang ito. ESTRATEHIYA/ PAMAMARAAN PAGLALARAWAN PAANO ITO GAMITIN WIKA Ang pagtuturo ay sinisimulan sa pinakamadaling paraan 1. Pamamaraang Pabuod patungo sa pinaka (Inductive) komplikado. Makatutulong ang pamamaraang ito upang makatuklas katotohanan, simulain at paglalahat 2.Pamamaraang Pasaklaw (Deductive) 3. Pamamaraang Papanayam 4. Pamamaraang Direkta 5. Pagkatutong Tulong Ang pamamaraang ito ay nagsisimula sa isang tiyak na aralin at nagtatapos sa paglalahat. Samakatwid, nagsisimula ang pamamaraang ito sa hindi nalalaman ng mga mag-aaral patungo sa mga bagay na nalalaman. Ang pamamaraang ito ay isang paraan ng pagpapaliwanag at paglilinaw sa isang paksa. Gumagamit ito ng eksposisyon na maaaring sa pamamagitan ng pagsasalaysay o paglalarawan Ito ay isang uri ng pamamaraan na karaniwang may tanungan at sagutan na kadalasan ay tungkol sa mga kilos at gawi sa silid-aralan. Binibigyang-diin nito ang Tulong- sama-samang pagtutulungan ng guro at mga mag-aaral upang mapagtagumpayan ang gawain Isinasagawa sa pamamagitan ng paghahanda, paglalahad ng mga ideyang bibigyan ng paglalahat, paghahambing a tpaghahalaw at paglalahat o pagbuo ng pormula, kahulugan o tuntunin. Nagagamit ito ayon sa mga hakbang na panimula, pagbibigay tuntunin o simulain, pagpapaliwanag, pagbibigay ng mga halimbawa,pag-uugnay paglalapat at pagtataya. Nagagamit sa pamamagitan ng panimula o pagkuha ng atensyon ng mga mag-aaral, resitasyon at pagsubok kung ganap na naunawaan ng mga mag-aaral ang lektyur Inilalahad sa pamamagitan ng diyalogo, itinuturo ang pagbabalangkas at pinahahalagahan ang pagbigkas ng mga salita. .Nagagamit ito sa pagbibigay ng pangkatang gawain ng mga mag-aaral tulad ng pagbuo ng portfolio at iba pang proyekto SEF30143 34 Downloaded by Settie-Zhymah Padate (laily_padate1@yahoo.com) lOMoARcPSD|20426985 Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon ESTRATEHIYA/ PAMAMARAAN PANITIKAN PAGLALARAWAN PAANO ITO GAMITIN Ito ang pinakagamitin sa loob ng klasrum. Kinakailangang 1. PamamaraangTanongmay sapat na kaalaman ang Sagot guro sa paksa para sa isasagawa pagpapalitran ng tanong-sagot. Naisasagawa ito sa pamamagitan ng panimulang pagtatanong, paglinang (paksang-aralin, paliwanag at halimbawa), pagsasanay (pasalita o pasulat) at pagsubok. Ang pamamaraang ito ay ang pagsasanib ng iba-ibang paksa at paglalahad sa mga ito bilang iisang konsepto. Nagagamit ito kung ang panitikan ay ginagamit bilang lunsaran ng pagtuturo ng wika o di kaya’y ibang larangan. 2. Integrated Method 3. Pamamarang Paulat Ang pamamaraang ito ay ang pag-aatas sa mga mag-aaral ng mga paksang kanilang tatalakayin isahan man o pangkatan. Ito ang pamamaraang nakapokus sa mga mag4. PagtuturongNakapokus aaral. Isinaalang-alang ang sa Mag-aaral input ng mga mag-aaral at hindi itinatakda kaagad ang mga layunin 5. PagkatutongInteraktibo Ang pamamaraang ito ay nagbibigay-diin sa interaksyon ng mga magaaral at pag-unawa sa konsepto ng iba. Ginagawa ito sa pamamagitan ng isahan o pangkatang talakayan, symposium o di kaya’y sa pamamagitan ng pagbabasa at pagkukwento Binibigyan ang mga magaaral ng kalayaang makisangkot sa pansariling pagkatuto. Ang mga patakaran ay iniaayon sa pangangailangan ng mga mag-aaral. Nagagamit ito sa dalawahan o pangkatan kung saan nagkakaroon ng pagpapalitan ng mga ideya ang pangkat tungo sa ibang pangkat Ang paraang komunikatib naman ay nag-ugat sa notional-functional approach na pinaunlad ni David Wilkins ng Britanya (pokus sa mensahe kaysa sa porma o istruktura). Pinuna rin niya ang kanyang sariling pagtuturo ng wika. Sa pagtalunton sa mga batayan ng pamaraang komunikatibo, may iba’t iba ang batayang lumalaganap na teorya ng kakayahang pangkomunikatibo. Nakilala sa bahaging ito si Michael Canale at Merril Swain na naghain ng apat na element ng kakayahang pangkomunikatibo. Ito ay ang sumusunod (1) Kakayahang Linggwistikal. Ito kakayahang umunawa at makagawa ng mga istruktura sa wika na sang-ayon sa mga tuntunin sa gramatika; (2) Kakayahang Sosyo-Linggwistikal. Ito ay isang batayang interdisiplinaryo. Nakakaunawa atnakagagamit ng kontekstong sosyal ng isang wika; (3) Kakayahang Diskurso. Ito ay may kinalaman sa pag-unawa, hindi ng isa-isang pangungusap kundi ng buong diskurso; at (4) Kakayahang Estratehiko. Ito naglalahad na walang taong perpekto ang kaalaman tungkol sa kanyang wika at nakagagamit ng kaalamang ito sa tuwina na walang problema.(Coping o survival Strategies) SEF30143 35 Downloaded by Settie-Zhymah Padate (laily_padate1@yahoo.com) lOMoARcPSD|20426985 Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon Mahusay din gawing salalayan ang inihaing mga dulog sa pagtuturo ng Wika at Kultura ni Dr. Galileo S. Zafra na lubusang nakatuon sa kulturang Filipino. Ito ay ang sumusnod: (a) Una, pinag-aaralan ang mga panggramatikang katangian ng wika at hinahalaw mula rito ang mga aspekto ng kulturang Filipino; (b) Pangalawa, pinag-aaralan ang paggamit ng wika ayon sa kaangkupan nito sa konteksto ng isang kultura. Batay sa konsepto ng communicative competence, hindi sapat na alam lang ng mga estudyante ang kahulugan ng mga salita at ang mga tuntunin sa paggamit ng iba’t ibang bahagi ng pananalita. Itinuturo rin ang angkop na paggamit at pagpapakahulugan sa wika sa iba’t ibang panlipunang sitwasyon at pangkulturang konteksto; (c) Pangatlo, pinag-aaralan ang iba’t ibang sagisag ng kulturang Filipino. Ang mga sagisag na ito ay binubuo ng mga tao, lugar, bagay, pangyayari, konsepto, at iba pang nagpapakilala sa kultura, lipunan, at kasaysayan ng mga Filipino; at (d) pang-apat na dulog—ang pag-aaral ng mismong kultura na nakapaloob o kinakatawan ng wika. Naghain din di Dr. Patrocinio V. Villafuerte ng mga Estratehiya sa Pagtuturo ng Filipino sa Iba’t Ibang Antas. Ito ay binubuo ng sumusunod: (1) Active Learning. Hinahayaan ang mga magaaral na gawin ang limang makrong kasanayan; (2) Clicker Use in Class. Binubuod ang mga sagot ng mga mag-aaral sa mga tanong na may pagpipiliang sagot; (3) Critical Thinking. Koleksyon ng mga gawaing pangkaisipan na may kakayahang makakuha ng tamang sagot; (4) Experential Learning. Matututo ang mga mag-aaral kung ipagagawa ang gawaing itinakda sa kanila; (5) Games/Experiment/Simulation. Napapayaman ang gawain sa tulong ng mga laro; (6) Collaborative / Cooperative Learning. Hinihikayat ang maliit na grupo na magpangkatan para maisagawa ang Gawain; (7) Humor in the Classroom. Napahuhusay ang pang-unawa at pangmatagalang pagkatuto sa masiglang pagtuturo; (8) Inquiry Guided Learning. Pang-unawa sa mga konsepto at responsiblidad ng mga mag-aaral na magamit ang mga kasanayan sa pananaliksik. Kahulugan, Kahalagahan at Simulain ng Kagamitang Panturo Ayon kay Abad (1996), ang kagamitang panturo ay anumang karanasan o bagay na ginagamit ng bilang pantulong sa paghahatid ng mga katotohanan, kasanayan, saloobin, palagay, kaaalaman, pag-unawa at pagpapahalaga sa mga mag-aaral upang lalong maging kongkreto, tunay, dinamiko at ganap ang pagkatuto. Ang sabi naman ni Alwright (1990), ang mga kagamitang panturo ay komokontrol sa pagtuturo at pagkatuto. Sa ibinigay pa lamang na kahulugan nina Abad at Alwright ay masasabi na kung ano ang ibig sabihin ng kagamitang panturo. Ito ay ang lahat na bagay na makikita sa silid-aralan na makakatulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral at ito rin ay nagsisilbing gabay ng guro sa kaniyang pagtuturo. Sa lahat na bagay na makikita sa silid-aralan, ang guro ang maituturing na pinakamahalagang kagamitan sa pagtuturo dahil sabi nga ni Ginong Pado “The best technology is the teacher.” Guro pa rin ang pinakamabisang kagamitang panturo. Ayon nga kay Abad (1996), isang katotohanan na walang makapapalit sa isang mabuting guro bilang isang kagamitang panturo ngunit katotohanan din na gumamit siya ng mga kagamitang panturo para sa mabisang talakayan at makatulong sa mga mag-aaral na lalong maintindihan ang tinatalakay. Ang unang halaga ng kagamitang panturo ay nagiging makatotohanan sa mga mag-aaral ang talakayan. Sapagkat nakikita nila at nararanasan ang talakayan. Halimbawa: Ang talakayan ay tungkol sa pangngalan, ang ginawa ng guro ay nagpalaro siya sa pamamagitan ng pagkanta ng “Magbigay ng pangngalan, pangngalan, pangngalan, magbigay ng pangngalan na pambalana/pantangi” sa larong ito, bawat mag-aaral ay makakasagot at makakalahok sa talakayan. Hindi pa boring ang kalalabasan nito. SEF30143 36 Downloaded by Settie-Zhymah Padate (laily_padate1@yahoo.com) lOMoARcPSD|20426985 Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon Ang pangalawang halaga ng kagamitang panturo ay walang naaksayang panahon at oras sa mag-aaral at guro sapagkat may direksiyon ang pagtuturo at pagkatuto. Kapag gagamit ng kagamitang panturo gaya ng Manila paper ay hindi na magaaksaya ng panahon ang guro na sumulat nang sumulat sa pisara. Mas mapapadali ang talakayan. Ang pangatlo ay nababawasan ang pagiging dominante ng guro sa pagsasalita o pagtatalakay ng aralin sa loob ng silid-aralan sapagkat may kagamitang panturo na gumagabay sa guro sa talakayan at magbibigay rin sa guro ng pahinga sa pagsasalita dahil karamihan sa mag-aaral ay visual learners. Mas mainam na may maipapakita ang guro na mas mauunawaan ng mag-aaral ang talakayan. Ang pang-apat na halaga ng kagamitang panturo ay tumutulong sa pagsasakatuparan ng mga layunin sa pagtuturo. Sabi na nga sa talakay sa iba pang kahalagahan, ang kagamitang panturo ay gabay ng guro sa talakayan. At ang panghuling halaga ng kagamitang panturo ay gumising sa kawilihan ng mag-aaral at humihikayat ng interaksiyon. Ngayong panahon, ang karamihan sa mag-aaral ay visual at kinesthetic learners. Natututo ang mga mag-aaral kung sa magkatuwang na may nakikita o nagagawa nila ang isang bagay. Mga Batayang Simulain sa Kagamitang Panturo 1. Prinsipyo at Teorya. Sa paghahanda ng kagamitang panturo, kinakailangan na isaalangalang at maunawaan nang mabuti ang mga prinsipyo at teorya sa paggamit at pagdisenyo ng kagamitang panturo. Ang Teorya ay tumutukoy sa kung gaano kaganda ang pagkakapaliwanag sa isang bagay na pinaghandaan. Ayon kay Reigeluth (1983), ang teorya ay isang set ng modelo at ang prinsipyo at teoryang ito ay matutukoy lamang sa pamamagitan descriptive at perspective na anyo. Ayon naman kay Seels (1997), ang teorya ay paliwanag ng penomina at pangyayari na makakatulong sa mag-aaral na lubusang maunawaan ang talakayan. 2. Batayang Konsepto sa Disenyo. Ang kagamitang panturo ay kinakailangang angkop sa panahon ay nakaugnay at nakaayon sa kurikulum upang makatulong na maisakatuparan ang layunin sa pagkatuto. Ang kagamitan ay awtentiko at kongkreto sa teksto at gawain. 3. Pamantayan sa Kagamitang Panturo. Kinakailangang maanalisa muna ang paggamit ng kagamitang panturo upang nakabatay ito sa target na panggagamitan. Bumuo ng isang kurikulum grid na kung saan nakakatulong ito sa pagbuo ng materyales at malaman din ang kontent at literasi lebel ng mag-aaral. Ang pagpili ng tema ay isang mahirap na gawain sapagkat kinakailangang mag-isip nang mabuti kung anong kagamitang panturo ang gagawin. 4. Ilustrasyon. Ito ay tumutukoy sa mag-aaral na makakabuo ng larawan o konsepto upang higit na maunawaan ang talakayan. 5. Editing. Isa rin sa mga mahirap isagawa sapagkat matrabaho ang editing na kung saan kinakailangang wasto at magkakaugnay ang napiling kagamitang panturo sa aralin. 6. Pamagat. Ito ay kinakailangang kaakit-akit upang mahikayat ang mga mag-aaral na malaman ang gagawin. SEF30143 37 Downloaded by Settie-Zhymah Padate (laily_padate1@yahoo.com) lOMoARcPSD|20426985 Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon Kahalagahan ng Paggamit ng Multimedia sa Pagtuturo Nagbabago na ang mga pamaraan sa pag-oorganisa ng mga bagay. Ang teknolohiya ay nakapag-aambag na rin sa inaasahang pagbabago sa larangan ng pagtuturo at pagkatuto. Ang tekholohiya ngayon ay nagbibigay na ng malawak na oportunidad para sa pagkatuto ng mga mag-aaral, lalo na ang access sa midya. Sa panahon na tinatawag nating “knowledge explosion”, ang guro sa makabagong panahon ay maaaring hindi kayang ibigay lahat ng kailangang hinahanap ng kanyang mga mag-aaral. Katulad ng maraming bagong kasanayan at kaalaman na kailangan sa curriculum development at pagtataya, mga bagong pedagohiya naman ang nalilikha habang ginagamit ng mga guro at mag-aaral ang teknolohiya sa pananaliksik at pagkatuto. Ang suliranin ukol sa umaapaw na impormasyon ay tototo kaya ang mga guro ay napipilitang mamili tungkol sa paggamit ng teknolohiya na maaaring magagamit sa pananaliksik at paghahanap ng mga inobatibong lapit at estratehiya sa pagtuturo. Ayon kay Lardizabal (1995), ang pagtuturo ay isang proseso ng komunikasyon ng guro at mag-aaral. Ang pagtuturo ay hindi na nakasalig lamang sa berbal na komunikasyon ng guro at mag-aaral. Maraming kagamitan ang pagtuturo at pagkatuto. Ang kagamitan pampagtuturo o kagamitang instruksyonal ay anumang karanasan o bagay na ginagamit ng guro bilang pantulong sa paghahatid ng impormasyon, kasanayan, saloobin, palagay, katotohanan, pag-unawa at pagpapahalaga sa mga mag-aaral upang lalong maging konkreto, tunay, dinamiko at ganap ang pagkatuto. Sa paghahanda ng mga midyang instruksyonal ay kailangang alamin ang karakteristik at pangangailangan ng estudyante. Tiyakin ang layunin, balangkasin ang nilalaman, iplano ang suportang kakailanganin at isaalang-alang din ang mga materyal na paghahanguan. Sa pagsusulat, ihanay ng maayos ang mga ideya, pag-isipan at simulang buuin ang mga gawain at fidbak, humanap ng mga halimbawa at umisip ng mga grafiks. Gawain A. PAGHAHABING. Paghambingin ang sumusunod na konsepto: a. Estratehiyang tuwiran at estratehiyang di tuwiran b. Language competence at language performance c. Socio-linguistic competence at discourse competence d. Linguistic competence at strategic comptetnce B. Talakayin ang sagot sa sumusunod na katanungan: 1. Sa iyong palagaya, bakit kailangan ang estratehiyang ggamitin sa pagtuturo ay dapat na nakaugnay sa kakayahan at kawilihan ng mga mag-aaral. Maglahad ng mga patunay. 2. Ano-ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng iba’t ibang makabagong kaalaman sa estratehiya sa pagtuturo? 3. Ano ang pamaraang komunikatib, paano ito nakatutulong sa mabisang pagtuturo ng wika? SEF30143 38 Downloaded by Settie-Zhymah Padate (laily_padate1@yahoo.com) lOMoARcPSD|20426985 Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon ARALIN 6 MGA IILANG PANANAW, ESTRATEHIYA, AT MODELO SA PAGTUTURO NG FILIPINO BATAY SA KURIKULUM Ang aralin 5 ay nakatuon sa pagtalakay ng/sa paksang Mga Iilang Pananaw, Estratehiya, at Modelo sa Pagtuturo ng Filipino Batay sa Kurikulum. Nakapaloob sa pagtalakay ng paksang ito ang sumusunod: (1) Ang Thematic Curriculum; (2) Sheltered Course Model; (3) Adjunct Model; (4) Cognitive Academic Learning Approach (CALA); (5) Kakayahang Komunikatibo; at (6) Content Based Instruction (CBI). Pangkalahatang Layunin Sa katapusan ng pagtalakay ng araling ito, inaasahan na: 1. Nakapagtatalakay sa iba’t ibang disenyo ng kurikulum sa Filipino. 2. Nakapagsusuri sa mga proseso at estruktura sa mga disenyong pang-kurikulum. 3. Nailalapat ang mga proseso at estruktura sa pagdisenyo ng isang pagpaplanong pagtuturo. Pangkalahatang Kaalaman Ayon sa Kagawaran ng Edukasyon o DepEd, ang Thematic Curriculum ay isang set ng mga organisadong karanasan sa pagkatuto gaya ng programa , kurso at iba pang mga gawain pampaaralan na naglalaan sa mga mag-aaral sa higit na malawak at pangnilalamang tema. Layunin ng Tematikong Kurikulum na matamo ang sumusunod: (1) Oportunidad na matutuhan sa pamamagitan ng higit na kontekstwalisadong mga karanasan sa pagkatuto; (2) Eksposyur sa mga lingkedyes sa pagitan ng pagkatutong ibinase sa paaralan at pagkatutong nagaganap sa lugar ng paggawa at komunidad; (3) Oportunidad na mailantad ang malawakang mga karanasan awtentik; (4) Malalim na eksposyur sa kinagigiliwang Gawain; (5) Oportunidad na masuri ang malawakang pagkakaloob ng hanapbuhay; (5) Higit na malawak na potensyal sa paghahanda ng higit na mataas na edukasyon at paghahanapbuhay; (6) Kakayahang makilala ang mga naiiba at di-pangkariniwang interes. Target din ng kurikulum na ito para sa mga guro na: (1) Oportunidad para sa mga guro na magsama-sama silang mga miyembro ng grupo ng mga propesyunal na may mga estratehiya sa pagkatuto; (2) Oportunidad para sa mga gurong tagapamatnubay nama’y mga positibong impak sa mga mag-aaral; at (3) Oportunidad para sa mga administrador na magpakita ng pamumuno sa pagsasaayos ng paaralan at pagtulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng mga matagumpay na karanasan sa paaralan. Pangunahing salik sa paggamit/ pagpapatupad ng tematikong kurikulum na maipatupad sa maraming paraan gaya ng kurso, akademya klaster, at ang buong paaralan. maisama sa ibang mga reporma gaya ng integrasyon ng edukasyong bokasyunal at akademiko, transisyong paaralan-paggwa, mailaan para sa paaralang sekundarya ,bagamat maaari ring maging kapakipakinabang sa paaralang elementarya. Gayundin, magsisilbing tulay upang mapagsama angmga karanasan sa pagkatuto na ibinatay sa paaralan at paggawa at Ang mga hadlang sa lugar ng paggawa gaya ng suplay sa paggawa, maliit na produksyon at tradisyon ay binawasan ang pagpapatupad ng thematic curriculum na nabuo mula sa mga aspekto. SEF30143 39 Downloaded by Settie-Zhymah Padate (laily_padate1@yahoo.com) lOMoARcPSD|20426985 Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon Ang Sheltered Course Model o Modelong Magkakahiwalay naman ay ang paghihiwalay ng mag-aaral na gumagamit ng pangalawang wika, sa mga mag-aaral ng unang wika upang lubusang matutuhan ang nilalaman ng kursong pinag-aaralan gaya ng inilalarawan sa dayagram. Ang Modelong Magkasanib o Adjunct Model ay isinasagawa ito sa pag-eenrol ng magaaral sa dalawang magkaugnay ng asignatura at nagbabahaginan na lamang ng nilalaman at nakadipende na ito sa koordinasyon ng nagtuturo. Ang Cognitive Academic Learning Approach (CALA) ay estratehiyang metakognitib. Ito’y tumutukoy sa pagkakaroon ng kamalayan, kaalaman at kasanayan sa pagkontrol sa sariling proseso ng pag-iisip o pag-unawa (Royo,1992). Ito’y pagpaplano para sa pagkatuto, SEF30143 40 Downloaded by Settie-Zhymah Padate (laily_padate1@yahoo.com) lOMoARcPSD|20426985 Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon pagmomonitor at produksyon, sa pagtataya kung paano natamo ang layunin sa pagkatuto. Ang estratehiyang kognitib. Ito’y interaksyong may kasamang materyal (pagpapangkat-pangkat, pagtatala, pagbubuod) o paggawa ng imaheng mental, pagbabahagi ng bagong impormasyon sa dati nang natutuhang mga konsepto o mga kasanayan. Ito’y estratehiyang gingamit ng mga manmbabasa sa pagkatuto ng mga akademikong disiplina. Ang Estratehiyang sosyo-apektib. Ito’y interaksyon sa iba pa upang makatulong sa kanyang pagkatuto. Ang Pagdulog sa Pagtuturong Batay sa Nilalaman (Content –Based Instruction o CBI). Binibigyang kahulugan nina Brinton, Snow at Iverche (1989) Ang pagtuturong Batay sa Nilalaman bilang integrasyon ng pagkatuto sa nilalaman at sa mga layunin sa pagtuturo ng wika. Ito’y tumutukoy sa kasalukuyang pag-aaral ng paksa at paksang aralin , nang may porma at pagkakasunud-sunod ng presentasyong taglay ng nilalaman ng teksto. Naka-pokus ito hindi lamang sa pagkatuto, kundi sa wikang gamit bilang midyum ng pagkatuto ng matematika, agham panlipunan, at iba pang mga asignaturang pang-akademiko. (tingnan ang dayagram sa ibaba) Ang Kolaboratibong Pagkatuto o Collaborative Learning ay isang paraan/teknik sa pagtuturo at kabilang sa mga pilosopiya ng edukasyon na humihikayat sa mga mag-aaral na gumawa nang sama-sama bilang isang pangkat upang matutuhan ang aralin. Natutuhan ng pangkat ang isang partikular na konsepto o nilalaman kung saan inaasahan ang pakikibahagi ng bawat isang miyembro sa diskusyon/usapan. Inilahad nina Johnson at Johnson noong 1986 ang apat na kasanayan sa isang kolaboratibong Pagkatuto. Ito ay ang sumusunod: (1) Pagbuo ng pangkat; (2) Paggawa bilang isang pangkat; (3) Paglutas ng suliranin bilang isang pangkat; at (4) Pagbuo ng magkakaibang ideya. Ang interaktib na mga Estratehiya sa Pagtuturo. ayon kay Well Rivers (1987) ay isang gawaing kolaboratibo na kinapapalooban ng tatsulok naugnayang nagpapahatid ng mensahe, ng tagatanggap at ng konteksto ng sitwasyon, maging pasalita o pasulat man ang komunikasyon. SEF30143 41 Downloaded by Settie-Zhymah Padate (laily_padate1@yahoo.com) lOMoARcPSD|20426985 Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon May tatlong interaksyon na maaaring lahukan ang mga mag-aaral. Ito ay ang interaksyon sa guro, sa kapwa mag-aaral, at sa teksto o mga kagamitang pampag-aaral. Sa bagong pananaw sa pagtuturo ng wika, nakatuong higit ang pansin sa pagkalinang ng kakayahang komunikatibo kaysa sa kabatiran tungkol sa wika. Ang kakayahang komunikatibo ay nauukol sa kakayahan sa aktwal na paggamit ng wika sa mga tiyak na pagkakataon. Sa bahaging ito mahalagang alalahanin ang inilahad ni Noam Chomsky na pagkakaiba ng COMPETENCE at PERFORMANCE. Ayon sa kanya, ang COMPETENCE ay nauukol sa kaalaman sa wika ng isang tao, samantalang ang PERFORMANCE ay ang kakayahang gamitin ang wika sa angkop na paggagamitan. Ipinakita rin ni Dell Hymes sa binuo niyang akronim na SPEAKING ang kakayahang komunikatibo at ang mahalagang salik na sosyokultural at iba’t ibang sangkap na dapat isaalang-alang sa pagkakaroon ng epektibong pagpapahayag. Ito ay nilapatan niya ng sumusunod na pagpapakahulugan: S-ettings (Saan-Lunan kung saan nag-uusap) P-articipants (Sinu-sino ang mga kausap o nag-uusap) E-nds (Ano ang layunin sa pag-uusap) A-ct Sequence (Paano ang takbo ng usapin) K-eys (Pormal o di-pormal ang takbo ng usapan) I-nstrumentalities ( Pasalita ba o di-pasalita) N-ouns ( Ano ang paksa ng pinag-uusapan) G-enre (Nagsasalaysay, nakikipagtalo o nagmamatuwid) Sa pagtuturo ng wika, dapat nating isaalang-alang ang mga apat na mahahalagang elemento o komponent: (1) mag-aaral, (2) guro, (3) metodo sa pagtuturo, (4) at pagtataya o ebalwasyon. Gawain 1. Ipaliwanag ang sumusunod na mahahalagang salita at/o parirala kaugnay sa kurikulum: a. Tematik na pagdulog b. Interaktibong pagdulog c. Kooperatibong pagdulog d. Kolaboratibong pagdulog e. Pagtuturong batay sa nilalaman 2. Pag-aralan ang mga pangunahing pagdulog sa pagtuturo ng Filipino sa mataas na paaralan.Pumili ng 1-2 angkop na gamitin sa pagtuturo. Ipaliwanag kung bakit ang mga ito ang napili. SEF30143 42 Downloaded by Settie-Zhymah Padate (laily_padate1@yahoo.com) lOMoARcPSD|20426985 Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon ARALIN 7 PAGSUSURI NG KURIKULUM SA FILIPINO SA LAHAT NG ANTAS NG EDUKASYON Ang Aralin 7 ay nakatuon sa pagtalakay ng paksang Pagsusuri ng Kurikulum sa Filipino sa Lahat ng Antas ng Edukasyon. Saklaw nito ang pagtalakay rin sa mga paksang: (1) Ang kurikulum sa edukasyong Elementarya; (2). Ang kurikulum sa edukasyong sekundarya; (3). Ang kurikulum sa edukasyon sa antas tersarya; (4). Mga dulog sa pagdidisenyo ng kurikulum; at (5) Mga prinsipyo sa pag-organisa ng isang programa para sa kalinangan ng kurikulum Pangkalahatang Layunin Sa katapusan ng pagtalakay ng aralin na ito, inaasahan na: 1. Nakapagtutukoy sa mga praktikal at makaagham na paraan ng pagtuturo sa Filipino sa iba’t ibang antas ng pag-aaral salig sa disenyo ng kurikulum. 2. Nakapag-aanalisa sa mga sistema na iniaangkop ng kurikulum sa pagtuturo ng Filipino. 3. Nailalapat ang mga sistema at makaagham na proseso sa paggawa ng curriculum map. Pangkalahatang Kaalaman Ang Filipino sa Antas Elementarya. Ang asignaturang ito ay lumilinang sa mga kasanayan sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat at pag-iisip sa Filipino. Mga Inaasahang Bunga Mithiin: Nagagamit ang Filipino sa mabisang pakikipagtalastasan (pasalita at pasulat); nagpapamalas ng kahusayan sa pagsasaayos ng iba’t ibang impormasyon at mensaheng narinig at nabasa para sa kapakinabangang pansarili at pangkapwa at sa patuloy na pagkatuto upang makaangkop sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa daigdig. Ang Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya sa Batayang Edukasyon A. Deskripsiyon Mga lawak o Kasanayan Ang Filipino bilang isang aralin o asignatura ay lumilinang sa kasanayan sa PAKIKINIG, PAGSASALITA, PAGBASA, PAGSULAT At PAG-IISIP. Saklaw ng mga Lawak o Kasanayan Para sa MABISANG PAGTUTURO, ang mga TIYAK NA KASANAYAN ay nililinang sa pamamagitan ng mga sitwasyon ng iba’tibang kagamitan sa LUBUSANG PAGKATUTO. Bukod sa kasanayan sa PAKIKINIG, KONSEPTO NG SIBIKA AT KULTURA, ang PAGSASALITA, PAGBASA, PAGSULAT, ang NILALAMAN ng Filipino sa una hanggang FILIPINO bilang isang aralin ay lumilinang sa ikatlong baiting kasanayan ng PAG-IISIP. a. Maaaring gamitin ng Filipino ang nilalaman ng SK/HKS. Ang pokus ay nasa PAGLILINANG ng mga kasanayan sa PAKIKIPAGTALASTASAN. b. Inaasahang ang mga BATAYANG KASANAYAN sa pagbasa ay SEF30143 43 Downloaded by Settie-Zhymah Padate (laily_padate1@yahoo.com) lOMoARcPSD|20426985 Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon matutuhan nang lubusan sa tatlong unang baitang. B. Pagbabago sa mga Kasanayan o Kompetensi sa Pagkatuto 1. Pagsasaayos ,pagbabawas at pagpapangkat sa kasanayang magkakatulad upang maiwasan ang pag-uulit-ulit ng mga ito. 2. Pagtuon sa mga tiyak o batayang kasanayan 3. Pagbibigay diin sa PAGBASA at PAKIKIPAGTALASTASAN para sa pag-unawa sa mga BATYANG KAISIPAN O KONSEPTO SA MATEMATIKA AT AGHAM. C. Mga Inaasahang Bunga Nagagamit ang Filipino sa MABISANG PAKIKIPAGTALASTASAN (pasalita o pasulat), nagpapamalas ng kahusayan sa pagsasaayos ng iba’t-ibang impormasyon at mensaheng narinig at nabasa para sa KAPAKINABANGANG PANSARILI at PANGKAPWA at sa patuloy na pagkatuto upang makaangkop sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa daigdig. D. Nakalaan/ Nakatakdang Oras sa Pagtuturo ng Filipino Pagbabago BAITANG NESC RBEC PAGBABAGO Dagdag na 20 I – III 60 80 minuto IV- VI 60 60 Walang Dagdag Pagbabago 1. Para sa Baitang I-III, ang pang araw-araw na pagkakabahagi ng oras ay 80 minuto samantalang sa Baitang IV-VI ang nakabahagi ay 60 minuto 2. May dagdag na 20 minuto sa Baitang I-III. Mula 60 minuto na naging 80 minuto. Walang dagdag sa Baitang IV-VI. 3. Katulad ng sa ENGLISH, WALANG PAGTAAS NG BILANG NG MINUTO SA BAITANG IVVI sa pagsasaalang-alang na ang BATAYANG KASANAYAN sa pag-aaral ay natutuhan na sa unang tatlong baiting E. MGA DAPAT ISINASAALANG –ALANG SA PAGTUTURO NG FILIPINO PAMAMARAANG PAGSASANIB (INTEGRATIVE METHOD Integrasyon o pagsasanib ng mga kasanayan/Lawak sa Filipino (Skills –Based Integration) Hulwaran Blg. 1. May pagkakataon na maaaring maituro o mapag-ugnay ang limang kasanayan sa isang aralin, kung saan sama-sama o sabayang nalilinang ang limang kasanayan sa mga mag-aaral; Ang paglilinang na gawain ay PAKIKINIG tungo sa PAGSULAT sa paglinang ng mga kasanayan sa PAKIKINIG, PAGSASALITA, PAGSULAT AT PAG-IISIP; at Isaalang –alang sa paglinang ng mga kasanayan ang ANTAS ng MASTERI O LUBUSANG PAGKATUTO Hulwaran Blg. 2. Sa pagsasanib ng mga kasanayan o lawak, hindi dapat na malinang ang lahat ang lawak o kasanayan nang sabay-sabay. 2. PAGSASANIB NG TIYAK NA KASANAYAN SA FILIPINO SA NILALAMAN O KONSEPTO NG IBANG ASIGNATURA (CONTENT-BASED INTEGRATION DAAN a.) SA BAITANG I-III Sibika at Kultura (SK) ang nilalaman ng Filipino Paglinang sa kasanayan sa Pakikipagtalastasan ang pokus. Teksto/babasahin/paksang aralin ng sk at pagpapahalaga o ekawp b.) ginagamit na mga kagamitang panliteratura (tula, kwento, alamat at iba pa) SEF30143 44 Downloaded by Settie-Zhymah Padate (laily_padate1@yahoo.com) lOMoARcPSD|20426985 Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon Ito’y nagiging LUNSARAN/SPRINGBOARD sa paglinang ng mga kasanayan sa Filipino. Ang gagamiting LUNSARAN ng ARALIN ay isang kwento. Ang PAKSA o NILALAMAN ng kwento ay nauukol sa SK at EKAWP, sa ganitong sitwasyon nalilinang hindi lamang kaalaman sa SK ngunit lalo’t higit ang mga KASANAYAN sa FILIPINO. Bigyang diin ang ganitong pagsasanib sa oras ng talakayan sa nilalaman c.) ng mga teksto o kagamitang panliteratura na ginagamit na lunsaran ng paglinang ng kasanayan 3. INTERAKTIBONG PAGDULOG (INTERACTIVE APPROACH) Mahalaga para sa isang makabuluhan o makahulugang interaksyon a.) (meaningful interaction) b.) Isang gawaing sama-sama (collaborative activity) c.) Pagkakaroon ng komunikasyon o pakikipagtalastasan 1. Pagpaphayag ng sariling ideya 2. Pag-unawa sa ideya ng iba 3. Nakikinig sa iba Bumubuo ng kahulugan sa isang bigayang konteksto (shared 4. context) Ang Pagtuturo ng Filipino sa Sekundarya sa Batayang Edukasyon MGA PANGUNAHING MITHIIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO SA SEKUNDARYA SA BATAYANG EDUKASYON 1. Ang makadebelop ng isang gradweyt na mabisang komyunikeytor sa Filipino, kinakailangang taglay niya angm mga kasanayang makro: ang pagbasa, pagsulat, pagsasalita, pakikinig at pag-iisip. 2. Ang makadevelop ng isang mahusay o sanay sa komunikatibong pakikipagtalastasan , nararapat na may kabatiran at kasanayan siya sa apat na komponent ng kasanayang komunikatib tulad ng diskorsal, gramatika, sosyo-linggwistik at istratedyik. Sa Unang Dalawang Taon Ang binibigyan ng pokus ang masusing pag aanalisa at pag aaral ng mga tiyak na istrukturang gramatikal ng Filipino bilang isang kasabay ng pagtatamo ng wastong kasanayan sa maunawang pagbasa. Upang matamo ang mga ito, pinagsanib ang mga interdisiplinaring paksa at ang makabagong nakapaloob sa iba’t-ibang uri ng teksto tulad ng mga tekstong prosidyural, reperensyal, journalistic, literasi at politico-ekonomik at ang pagkatuto ng iba’t – ibang istrukturang gramatikal. Sa Huling Dalawang Taon Ang pokus ay ang pagtatamo ng mapanuring pag-iisip sa pamamagitan ng kritikal na pagbasa at pag-unawa sa iba’t-ibang genre ng panitikan na nakasalin sa Filipino. Sa Bawat Taon Binibigyan ng tiyak na atensyon sa paglinang sa pasulat na komunikasyon sa pamamagitan ng eksposyur sa iba’t-ibang uri ng komposisyon at malikhaing pagsulat. Ito ay pinagtutuunan ang isang liggong leksyon sa bawat markahan. Sa Apat na Taon Binibigyan ng pansin ang pag-aaral ng Filipino ay ang pagtatamo ng kasanayan sa akademikong wika. Mga Akdang Pampanitikan na Binibigyan ng Pansin sa bawat Taon Unang Taon Ikalawang Taon Ikatlong Taon Ikaapat na Taon Ibong Adarna Florante at Laura Noli Me Tangere El Filibusterismo SEF30143 45 Downloaded by Settie-Zhymah Padate (laily_padate1@yahoo.com) lOMoARcPSD|20426985 Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon Ayon sa Seksyon 10 ng Mga Tuntunin at mga Regulasyong Pampatupad ng Batas sa Pinabuting Batayang Edukasyon ng 2013 ang Pagbubuo ng Kurikulum sa Batayang Edukasyon. Sa pagbubuo ng Kurikulum sa Batayang Edukasyon, gagabayan ang DepEd ng mga sumusunod: (1) Pormulasyon at Disenyo. Sang-ayon sa Seksiyon 5 ng Batas, magbubuo ang DepEd ng disenyo at mga detalye ng kurikulum sa pinabuting batayang edukasyon. Makikipagtulungan ang DepEd sa CHED at TESDA upang magbuo ng magkaugnay na mga kurikulum sa batayan, tersiyaryo, at teknikal-bokasyonal na edukasyon para sa kasanayang lokal at pandaigdig ng mga Filipinong nagsisipagtapos; (2) Mga Pamantayan at Prinsipyo. Susunod ang DepEd sa mga sumusunod na pamantayan at prinsipyo, kapag angkop, sa pagbubuo ng kurikulum ng pinabuting batayang edukasyon: (a) Ang kurikulum ay kinakailangang nakasentro sa mag-aaral, mapansangkot at angkop sa antas ng pag-unlad; (b) Ang kurikulum ay kinakailangang makabuluhan, tumutugon, at batay sa pananaliksik; (c) Ang kurikulum ay kinakailangang sensitibo sa kultura; (d) Ang kurikulum ay kinakailangang isakonteksto at pandaigdigan; (e) Ang kurikulum ay kinakailangang gumamit ng mga pagdulog na pedagohikong mapagbuo, batay sa pagsisiyasat, mapagmuni, nakikilahalok, at mapambuod; (f) Ang kurikulum ay kinakailangang umayon sa mga prinsipyo at balangkas ng Edukasyong Multilingguwal na Batay sa Inang Wika (MTB-MLE) na nagsisimula kung saan nagmumula ang mga mag-aaral at kung ano na ang alam nila, umuusad mula sa alam patungong di-alam; kinakailangang may mga materyales na panturo at mga gurong may kakayahang ipatupad ang kurikulum na MTB-MLE. Para sa layuning ito, tumutukoy ang MTB-MLE sa edukasyong pormal o di-pormal kung saan ay ginagamit sa silidaralan ang inang wika at karagdagang mga wika ng mag-aaral; (g) Ang kurikulum ay gagamit ng pagdulog na spiral na pagsulong upang matiyak ang pagkadalubhasa sa kaalaman at kasanayan matapos ang bawat antas; at (h) Ang kurikulum ay kinakailangang bukas upang maaaring isalokal, isakatutubo, at pabutihin pa ito ng mga paaralan batay sa kanilang mga partikular na kontekstong pang-edukasyon at panlipunan; (3) Produksiyon at Pagbubuo ng Materyales. Ang produksyon at pagbubuo ng mga lokal na materyales sa pagtuturo at pagkatuto ay hihikayatin. Ang pagtanggap sa mga materyales na ito ay ibababa sa mga panrehiyon at pandibisyong yunit sang-ayon sa mga pambansang polisiya at pamantayan; (4) Midyum ng Pagtuturo at Pagkatuto. Sang-ayon sa Mga Seksiyon 4 at 5 ng Batas, ipahahatid ang batayang edukasyon sa mga wikang nauunawaan ng mga mag-aaral sapagkat may estratehikong papel na ginagampanan ang wika sa paghubog sa mapagbuong mga taon ng mag-aaral. Huhubog ang kurikulum ng kasanayan sa Filipino at Ingles, basta at magsisilbing pundamental na wika ng edukasyon ang una at nangingibabaw na wika ng mag-aaral. Para sa kindergarten at sa unang tatlong (3) taon ng edukasyong elementarya, ang pagtuturo, mga materyales sa pagtuturo at pagtatasa ay sa wikang rehiyonal o katutubo ng mga mag-aaral. Magbubuo ang DepEd ng isang programa sa transisyon mula ina/unang wika patungo sa mga wika ng kurikulum na angkop sa kakayahan at pangangailangan ng mga mag-aaral mula Baitang 4 hanggang Baitang 6. Unti-unting ipakikilala ang Filipino at Ingles bilang mga wika ng pagtuturo hanggang sa ang dalawang (2) wikang ito ang maging mga pangunahing wika ng pagtuturo sa antas; (5) Pakikilahok ng Stakeholder. Upang magkamit ng pinabuti at tumutugong kurikulum ng batayang edukasyon, magsasagawa ng mga pagsangguni ang DepEd sa iba pang mga pambansang ahensiya ng pamahalaan at iba pang mga stakeholder, kasama na ang, bagaman hindi limitado sa, Kagawaran ng Paggawa at Empleo (DOLE), Komisyon sa Regulasyong Pampropesyonal (PRC), mga pribado at pampublikong samahang pampaaralan, mga pambansang organisasyong pangmag-aaral, mga pambansamg organisasyong pangguro, mga samahang pangmagulang-guro, mga lupon ng komersiyo at iba pang samahang pang-industriya, para sa mga usapin na makaaapekto sa mga sangkot na stakeholder. SEF30143 46 Downloaded by Settie-Zhymah Padate (laily_padate1@yahoo.com) lOMoARcPSD|20426985 Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon Pagmamarka COMPONENTS Attendance (online) Quizzes Critical Paper Presentation Project Examination (online) TOTAL PRELIM GRADE 5% 20% 10% 20% 20% 25% 100% MIDTERM GRADE 5% 20% 10% 20% 20% 25% 100% FINAL GRADE 5% 20% 10% 20% 20% 25% 100% A student receiving a grade below 1.75 (for a doctorate degree) and 2.5 (for a Master’s degree) in any course requirements will have to either repeat the course or take a substitute course in the same discipline or area with the approval of the Dean. However, for purposes of graduation, the overall grade average in the academic course should be 1.75 for a doctorate degree and 2.0 for a master’s degree. The grading system for qualifying courses shall be either “P” or “NC” (Pass/No Credit), with the number of units indicated in parenthesis 1.00 - Excellent 1.25 - Very Good 1.50 - Good 1.75 - Satisfactory 2.00 - Passed Below 2.0 - Failed INC - Incomplete, lack of course requirement, i.e., failed to take the examination and/or submit other final requirements SEF30143 47 Downloaded by Settie-Zhymah Padate (laily_padate1@yahoo.com) lOMoARcPSD|20426985 Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon Sanggunian An act enhancing the philippine basic education system by strengthening its curriculum and increasing the number of years for basic education, appropriating funds therefor and for other purposes. https://www.officialgazette.gov.ph/2013/05/15/republic-act-no-10533/ Bauzon, Prisciliano. (2001). Foundations of Curriculum Development and Management. Manila: National Book Store Inc. Belvez, Paz. (2000). Ang Sining at Agham ng Pagtuturo. Manila: Rex Book Store Inc. Demeterio III, Feorillo Petronillo A. (2010) Ang Kautusan ng Departamento ng Edukasyon Bilang 74, Serye 2009: Isang pagsusuri sa Katatagan ng Programang Edukasyon sa Unang Wika (MLE) ng Filipinas. Manila: Malay Journal, De La Salle University, 23(1), 31-52 DepEd Order No. 37, s. 2003, “ Revised Implementing Guidelines of the 2003 Secondary Education Curriculum Effective School 2003-2004”. http://komfil.gov.ph/archives /category/balita/sari-sari file:///C:/Users/Randy%20Sagun/Downloads/EbalwasyonngChedGeneralEducationCurriculums aProgramangFilipinosaIlangPilingKolehiyoatUnibersidadsaRehiyon2.pdf Historikal na Pagsusuri sa Edukasyong Pilipino. Inihanda ng National Union of Students of the Philippines. http://digitalpadepa.com /kurikulumindex.htm http://uis.unesco.org/en/glossary-term/basic-education https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/2019/01/Mother-Tongue-CG.pdf https://www.officialgazette.gov.ph/2013/09/04/mga-tuntunin-at-mga-regulasyong-pampatupadng-batas-sa-pinagbuting-batayang-edukasyon-ng-2013/ Isang Batas Na Nagpapaloob Ng Isang Balangkas Ng Pamamahala Para Sa Batayang Edukasyon, Nagtatatag Ng Awtoridad At Pananagutan, Nagpapalit Ng Pangalan Ng Kagawaran Ng Edukasyon, Kultura, At Palakasan Bilang Kagawaran Ng Edukasyon, At Para Sa Iba Pang Layunin. https://www.officialgazette.gov.ph/2001/08/11/batas-republika-blg-9155/ K to 12 Curriculum. http://www.mcu.edu.ph/stag/wp-content/uploads/2013/12/MCU_-the_-K_to_12_-Curriculum.pdf.http://www.gov.ph/k-12/ K12 Educational System in the Philippines A Policy http://www.academia.edu/1525168/K12_Educational_System_in_the_Philippines__A_Policy_Paper Paper. Mayos, Norma S., Gutierrez, J. C., Tica-a, P. F. (2008). Ang Guro ng Milenyo: Mga Kagamitang Panturo sa Filipino. Jimcy Publishing Hoouse Mga Update sa DepEd. Nakuha mula sa http://www.deped.gov.ph/Kagawaran ng Edukasyon. (2010). Briefer sa pinahusay na k12 pangunahing programa sa edukasyon. Nakuha mula sa http://www.gov.ph/2010/11/02/briefer-on-the-enhanced-k12-basic-education-program/ Nolasco, Ricardo Ma Duran, Datar, F. A. at Azurin, A. M. (Eds.). (2010) Starting Where the Children Are: A Collection of Essays on Mother Tongue-Based Multilingual Education and Languages Issues in the Philippines. Quezon City: 170+ Talaytayan MLE Inc. SEF30143 48 Downloaded by Settie-Zhymah Padate (laily_padate1@yahoo.com) lOMoARcPSD|20426985 Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon Paquito B. Badayos. Metolohiya sa Pagkatuto at Pagtuturo ng/sa Filipino. Mutya Publishing Inc., 2008. Patrocinio V. Villafuerte at Rolando A. Bernales. Pagkatuto at pagtuturo ng/sa Filipino mga Teorya at Praktika. Mutya Publishing Inc., 2008. Philippine Professional Standards for content/uploads/2017/08/DO_s2017_042-1.pdf Teachers. Policy Guidelines on K-12 Basic Education content/uploads/2019/08/DO_s2019_021.pdf Program. https://www.deped.gov.ph/wphttps://www.deped.gov.ph/wp- Quismundo, T. (2011, Oktubre 7) Nabasa ng DepEd ang K +12 curricula para sa susunod na taon. Philippine Daily Inquirer. Nakuha mula sa http://multilingualphilippines.com/?p=5350 Republic Act No. 7836: An Act to Strengthen the Regulation and Supervision of the Practice of Teaching in the Philippines and Prescribing a Licensure Examination for Teachers and for other Purposes. https://www.prc.gov.ph/uploaded/documents/PROFESSIONAL%20TEACHERSLAW1.PDF San Juan, David Michael M. (2008) Makabayang Pagsusuri sa Kasalukuyang Kurikulum ng Sistema ng Edukasyon sa Pilipinas. https://www.researchgate.net/publication/323334865_Makabayang_Pagsusuri_sa_Kasalukuyan g_Kurikulum_ng_Sistema_ng_Edukasyon_sa_Pilipinas San Juan, David Michael M. Globalisasyon, K to 12, Bagong General Education Curriculum (GEC), at Wikang Filipino: Kamalayan, Ekonomya, at Edukasyon sa Pilipinas https://www.academia.edu/10024658/Globalisasyon_K_to_12_Bagong_General_Education_Cu rriculum_GEC_at_Wikang_Filipino_Kamalayan_Ekonomya_at_Edukasyon_sa_Pilipinas Taneo, R. A. (2010) Imbentaryo ng Lapit o Dulog at Estratehiya o Pammaraan https://www.academia.edu/36575829/Imbentaryo_ng_Lapit_o_Dulog_at_Estratehiya_o_Pamam araan Tarun, Jaine Z. (2010). Ebalwasyon ng CHED General Education Curriculum sa Programang Filipino sa Ilang Piling Kolehiyo at Unibersidad sa Rehiyon 2, Journal of Research, 19(2), 24-35 Tarun, Jaine Z. (2010). Wikang Filipino Bilang Akademik na Kurso at Akademik na Disiplina. Journal of Research, 12(2), 30-34 file:///C:/Users/Randy%20Sagun/Downloads/WikangFilipinoBilangAkademiknaKursoatAkademik naDisiplina.pdf Why does the Philippines Need the K-12 Education System?. http://cianeko.hubpages.com/hub/The-Implementation-o-the-K-12-Program-in-the-PhilippineBasic-Education-Curriculum SEF30143 49 Downloaded by Settie-Zhymah Padate (laily_padate1@yahoo.com)