Uploaded by losgameryt2002000

PRESENTASYON UNANG PANGKAT BSIT-1B

advertisement
PA N A N A L I K S I K
Ano ang Epekto sa Pagtaas ng
Presyo ng Langis sa mga Terminal ng Mga Tricycle na Malapit
sa Ewskwelahan ng Pateros Technological College
Presentasyon
ng Unang Pangkat
BSIT-1 B
MGA MANANALIKSIK
MULA SA UNANG
PANGKAT
MARY JANE
O.AÑANA
RUSSEL
O.ALDERETE
FRANGELICO MATHEW
P.ABANTE
DEODEUS
S.BALEÑA
MGA MANANALIKSIK
MULA SA UNANG
PANGKAT
JOYCE ANNE
B.BILAZON
DIANA ROSE
G.ALCANTARA
EDWARD S.VICENTE
TALAAN
05.....INTRODUKSYON
06.....LAYUNIN NG PAG-AARAL
07.....PAGLALAHAD NG SULIRANIN
08.....BATAYANG KONSEPTUWAL
09.....SAKLAW AT DELIMITASYON
10.....KAUGNAY NA PAG-AARAL AT
LITERATURA
11.....METODOLOHIYA
14.....RESULTA NG MGA DATOS
23.....KONLUSYON AT
REKOMENDASYON
25.....SANGGUNIAN
INTRODUKSYON
Ang langis ay ang pinakamahalagang kasangkapan sa larangan ng
transportasyon. Ginagamit ito upang mapagana ang mga makinarya ng
mga sasakyan katulad ng kotse, jeep, tricycle, motorsiklo, at iba pa. Ang
langis ay ginagamit sa pagbuo ng energiya para sa iba’t-ibang uri ng
sasakyang pang-lupa, panghimpapawid at pangkaragatan. Ang langis ay
isang mineral na kulay itim na matatagpuan sa sedimentary rock. Ang
produktong nakukuha sa langis katulad ng gasolina o petrolyo ay ang
pangunahing ginagamit sa pagpapatakbo ng mga sasakyan.
Isa ang tricycle na kumukunsumo o gumagamit ng langis upang
mapagana ang makinarya nito. Ang tricycle ay isang sasakyang pang-lupa
na may tatlong gulong. Binubuo ito ng isang motorsiklo na kinakabitan ng
isang pampasaherong cab o sidecar. Karaniwan itong ginagamit sa
pampubliko o pribadong transportasyon. Itinuturing din na karibal ng
jeep ang tricycle bilang hari ng kalsada dito sa bansa.
Isa sa naging problema ng mga tricycle drayber ay ang patuloy na pagtaas
ng presyo ng langis. Nakakaapekto ito sa hanapbuhay ng mga tricycle
drayber lalo na sa kakarampot o maliit na kita sa pamamasada. Naging
dahilan ito upang dagdagan ng mga tricycle drayber ang singil na
pamasahe sa mga pasahero .
LAYUNIN NG PAG- AARAL
Matukoy ang mga epekto ng pagtaas ng presyo ng langis sa mga terminal ng mga tricycle na malapit sa
Pateros Technological College sa aspetong pang-ekonomiya, pangkalakalan, at panglipunan.
Alamin ang mga suliranin at oportunidad na kinakaharap ng mga operator ng tricycle sa nasabing lugar
dahil sa pagtaas ng presyo ng langis.
Makapagbigay ng rekomendasyon sa mga kinauukulan, tulad ng lokal na pamahalaan at mga ahensya ng
transportasyon, upang mapabuti ang sitwasyon ng mga operator ng tricycle at ng mga pasahero.
PAGLALAHAD
NG SULIRANIN
Sa bahaging ito ng pananaliksik ay naglalaman ng
paglalahad ng mga suliranin na magbibigay ng
impormasyon tungkol sa epekto pagtaas ng presyo ng
langis sa mga tricycle driver na naglalayong
matuganan ang mga sumusunid na suliranin:
1.Ano ang epekto ng pagtaas ng presyo ng langis sa
hanapbuhay ng mga tricycle driver?
2.Anu-ano ang pamamaraan na ginawa ng mga
tricycle driver upang matugunan ang kasalukuyang
suliranin?
3.Anong solusyon ang maimungkahi sa mga tricycle
operator base sa kinalabasan sa pag-aaral na ito?
BATAYANG KONSEPTUWAL
ipinapakita sa itaas ay ang batayang konseptuwal. Ang unang kahon ay ang Input, iti ay naglalaman ng
ebalwasyon sa mga respondente sa mga sumusunod: kasarian, edad, at obserbasyon ng mga tricycle driver. Sa
pangalawang kahon ay ang Process, ito ay naglalaman ng surbey questionnaires, pangangalap ng datos,
analysis at Interpretasyon sa mga nakalap na datos. Sa pangatlong kahon ay Output, ito ay naglalaman ng
“Epekto sa Pagtaas ng Presyo ng Langis sa mga Tricycle Driver “ at Makapagmungkahi ng solusyon na
makakatulong sa mga tricycle operator.
SAKLAW AT
DELIMITASYON
Ang pag-aaral na ito ay naka-pokus tungkol sa “ Epekto sa Pagtaas ng Presyo ng Langis sa mga
Terminal ng Mga Tricycle na Malapit sa Ewskwelahan ng Pateros Technological College” ito ay
nakatuon lamang sa katayuan o kalagayan ng mga tricycle driver na bumabyahe sa Pateros sa
panahon ng pagtaas ng presyo ng langis.
Ang mga mananaliksik ay naka-pokus sanpagkuha ng datos sa 20 na respondente upang sumagot sa
inihandang katanungan hinggil sa personal na karanasan at obserbasyon tungkol sa kasalukuyang
suliranin.
KAUGNAY NA LITERATURA
1
Bakit hindi ma-regulate ng gobyerno ang presyo ng langis?
Noong Pebrero 1998, nilagdaan ni Pangulong Fidel Ramos ang
Republic Act (RA) No. 8749, o ang Downstream Oil Industry
Deregulation Act of 1998, na inaalis ang kontrol ng gobyerno sa
pagpepresyo ng mga produktong petrolyo at sa halip ay
pinahihintulutan ang merkado na magdikta ng mga presyo.
-imbestigasyon sa pagtaas ng langis
2
Ayon sa Department of Energy (DOE), ang malaking pagtaas ng
presyo ng langis noong Oktubre ay dahil sa biglaang pagtaas ng
demand sa pandaigdigang merkado na bunsod ng muling pagbubukas
ng mga ekonomiya sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19)
pandemic at ang hindi inaasahang mababang supply. Sa isang briefer
noong Okt. 19, binanggit ng departamento ang limang pangunahing
dahilan sa likod ng biglang bugso na nagtulak sa pagtaas ng presyo ng
langis noong nakaraang buwan.
METODOLOHIYA
Disenyo ng Pananaliksik
Sa Pananaliksik na ito, tatalakayin ang
disenyo at metodo ng pananaliksik na
may kinalaman sa epekto ng pagtaas ng
presyo ng langis sa mga terminal ng mga
tricycle na malapit sa Pateros
Technological College. Ang disenyo ng
pananaliksik na gagamitin sa pag-aaral
na ito ay deskriptibo. Layunin nitong
maipaliwanag at ma ipakita ang
kasalukuyang sitwasyon o epekto ng
pagtaas ng presyo ng langis sa mga
terminal ng mga tricycle na malapit sa
Pateros Technological College. Ang
deskriptibong pananaliksik ay
magbibigay ng malinaw na larawan ng
mga pangyayari o kondisyon sa loob ng
isang partikular na lugar o komunidad.
Pagpili ng Respondente
Ang mga respondente sa pananaliksik na ito ay
kinabibilangan ng mga tsuper ng tricycle na may
terminal malapit sa Pateros Technological
College. Ang pagpili ng mga respondente ay
maaaring gawin sa pamamagitan ng random na
pagkuha ng mga tsuper mula sa terminal.
Maaari rin gamitin ang snowball sampling, kung
saan ang mga kasalukuyang respondente ay mag
rekomenda ng iba pang mga tsuper na maaaring
maging bahagi ng pag-aaral.
METODOLOHIYA
Lokal ng Pananaliksik
Ang lokal ng pananaliksik ay ang mga
terminal ng mga tricycle na matatagpuan
malapit sa Pateros Technological College.
Ang pagpili ng lugar na ito ay batay sa
layunin ng pag-aaral na siyasatin ang
epekto ng pagtaas ng presyo ng langis sa
mga terminal na malapit sa nasabing
paaralan.
Pamamaraan ng Pagkalap ng
Datos
Ang mga datos ay maaaring mangalap gamit ang
survey o panayam. Ang mga tsuper ng tricycle
ay maaaring bigyan ng mga katanungan o
listahan ng mga tanong na may kaugnayan sa
kanilang mga pang-araw-araw na gawain at
karanasan kaugnay ng epekto ng pagtaas ng
presyo ng langis sa kanilang hanapbuhay.
METODOLOHIYA
Hakbang sa Paglikom ng
mga Datos
1.Paghahanda ng survey o panayam na
kasama ang mga katanungan ukol sa
epekto ng pagtaas ng presyo ng langis sa
mga terminal ng mga tricycle.
2.Pagpili ng mga respondente ng tsuper
ng tricycle mula sa mga terminal na
malapit sa Pateros Technological College.
3.Pagpapaliwanag sa mga respondente ng
napili ang layunin ng pag-aaral at ang
kanilang mga papel bilang mga
participant sa pananaliksik.d.
4.Pag-administer ng survey o pag-conduct ng
panayam sa mga respondente na napili.
5.Pag-analisa at pagtabulate ng mga datos na
nakuha mula sa survey o panayam.l.
Interpretasyon ng mga Datos
Sa kabanatang ito, ipapakita at iinterpretahin ang mga datos na nakalap kaugnay ng epekto ng pagtaas ng presyo ng langis sa mga terminal ng mga tricycle
na malapit sa Pateros Technological College. Layunin ng kabanatang ito na maipakita ang mga resulta ng pag-aaral at malaman ang mga implikasyon ng
pagtaas ng presyo ng langis sa mga terminal ng mga tricycle.
ERRESULTA
RESULTA
RESULTA
RESULTA
RESULTA
RESULTA
RESULTA
RESULTA
KONKLUSYON
Batay sa mga resultang nakalap, nakabuo ang mga mananaliksik ng mga sumusunod na konklusyon:
Malaki ang koneksyon ng pagtaas ng singil sa pamasahe ng mga tricycle drayber dahil sa pagtaas ng presyo ng krudo. Lubos na
naaapektuhan ang kabuhayan ng mga tsuper na namamasada ng tricycle dahil sa pagtaas ng langis. Maaaring maiba ang ruta ng mga
sasakyang tricycle para makatipid sa konsumo ng krudo. Nakakaapekto rin ang pagtaas ng presyo ng langis sa bilang ng mga
nagooperate o namamasadang triycle sa daan. Nababago ang oras ng pamamasada ng ilan sa mga tsuper dahil sa pagtaas ng presyo
ng krudo. Nagkakaroon din ng alternatibong sasakyan na nagagamit ng mga studyante at guro para makaiwas sa pagsakay sa mga
tricycle. Hindi dahilan ang pagtaas ng langis sa traffic congestion sa kalsada. Ang dahilan sa pagtaas ng singil sa pamasahe ng mga
tsuper ay para makabawi sa puhunan o gastos nila sa mataas na presyo ng langis. Ang pagtaas ng singil sa pamasahe ay naging sapat
para makabawi sa gastos na pambili ng langis. ngunit
dito hindi sapat ang naiuuwing kita at napupunta ang malaking porsyento nito sa pagastos pambili ng krudo. Ang paggamit ng
electric vehicle ay maaaring solusyon sa suliranin sa pagtaas nang presyo ng krudo. Maaari ring magbigay ng incentives o ayuda ang
gobyerno para maging solusyon sa suliranin na ito.
REKOMENDASYON
Base sa mga datos na nahinuha, nais ng mga mananaliksik na intindihin ng
mga pasahero ang pagtaas ng singil sa pamasahe ngunit gawin ding
makatarungan o tama ang pagdagdag ng singil sa pamasahe upang
maiwasan ang hindi pagkakaintindihan. Nais ng mga mananaliksik na
magkaroon ng hakbang tugon sa maaaring incentives o ayuda na magiging
tulong sa lubos na apektadong pamumuhay ng mga tricycle drayber. Nais
ng mga mananaliksik na bigyang daan ang pagkakaroon ng mga electric
vehicle na maaaring maging solusyon sa suliranin ng pagtaas ng presyo ng
langis. At nais din ng mga mananaliksik na magkaroon pa ng malawak na
pananaliksik tungkol sa suliranin ng pagtaas ng langis upang magbigay ng
kaunawaan at impormasyon ukol sa paksang ito.
SANGGUNIAN
https://www.britannica.com/dictionary/passenger#:~:text=Britannica
%20Dictionary%20definition%20of%20PASSENGER,driving%20o
r%20working%20on%20it
https://www.merriamwebster.com/dictionary/driver#:~:text=Kids%20Definition,driver,operator%20of%20a%20motor%20vehicle
Bailey F. (2023, Mayo 14). Kahulugan ng Langis. Warbletoncouncil
https://tl.warbletoncouncil.org/petroleo-933
Ano ito, paano ito nabuo at kung ano ang mga gamit ng langis, n.d.
https://www.renovablesverdes.com/tl/petrolyo/
Talacay N., n.d., Taxi Driver na nag over price ng pamasahe sa isang
turista, huli sa NAIA terminal 1. Inquirer.
https://radyo.inquirer.net/196184/taxi-driver-na-nag-over-priceng-pamasahe-sa-isang-turista-huli-sa-naia-terminal-1/amp
MARAMING SALAMAT
UNANG PANGKAT
PROF. AIDA B. CRUZ
BSIT - 1B
Download