Q2W4 Gamit ng Pandiwa sa Iba’t Ibang Sitwasyon ADORA D. OCLARINO Guro sa Filipino 6 Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang: Naipapaliwanag kung ano ang aspekto ng pandiwa Nagagamit nang wasto ang pandiwa sa pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon Ano ang Pandiwa? Basahin natin! 1.Nakagawian na ni nanay Minda na tawagin si Lotlot tuwing umaga. 2.Bumulaga si Lotlot sa likuran ng ina. 3.Kinukulit ni Lotlot ang ina. 4.Pinagsasaluhan nila Lotlot at mga kaibigan ang mga prutas. 5.Dahil bigla na lang sumusulpot si Lotlot sa tuwing may makita silang hinog na bunga. PANDIWA mga salitang nagsasaad ng kilos o galaw o nagbibigay buhay sa isang lipon ng mga salita binubuo ng salitang ugat at panlapi. Ang pagbabago ng anyo ng pandiwa ay nasa kanyang panahon kung kailan ito naganap (Perpektibo) ,nagaganap (Imperpektibo),magaganap ( Kontemplatibo) o Perpektibong katatapos. Laro tayo!!!! Laro tayo!! !!!! FACT BLUFF Si Ate ay naghugas ng Pinggan kanina Pangnagdaan Si Kuya ay aakyat sa bubungan mamaya upang ipako ang yero. Pangkasalukuyan . Ako ay magsasagot sa aking modyul mamaya Panghinaharap Ininom niya ang gatas na sariwa. Pangnagdaan Magluluto si Nanay ng paborito kong Adobo Panghinaharap Aspekto ng Pandiwa 1.Naganap o Pangnagdaan o Perpektibo tapos na Nakatutulong sa pagkilala ang mga salitang kahapon, noong isang lingo, kanina, kagabi, noong isang araw at iba pa. Naganap o Pangnagdaan o Perpektibo Pormula: Nag/na/nang + SU (salitang ugat) nagsaing naglaba Unang Letra + um/ in + Natitirang mga Letra Kumain sinarado Naganap o Pangnagdaan o Perpektibo Halimbawa: 1. Nagluto ng ulam si nanay kanina. 2. Kahapon sila naligo sa dagat. 3. Sumulat ng liham si ate noong Biyernes. 4. Sumayaw ang mga bata kahapon. Aspekto ng Pandiwa 2. Nagaganap o Imperpektibo Laging ginagawa o kasalukuyang ng yayari o ginagawa pa Giangamit sa patukoy ang mga salitang ngayon, palagi, araw-araw, lagi tuwing umaga, tuwing lingo, gabi-gabi, at iba pa. Nagaganap o Imperpektibo Pormula: 1. nag/na/nang + unang pantig +salitang ugat Naglalaba Naliligo nanghuhuli 2. Unang letra + um/in + pangalawang letra + SU Sumusulat kinakain Nagaganap o Imperpektibo Halimbawa: 1. Naliligo ako araw-araw. 2. Si ana ay nag-aaral gabi-gabi. 3. Sumisigaw ang mga bata ngaun. 4. Binibisita naming si lola tuwing Linggo. Aspekto ng Pandiwa 3. Perpektibong Katatapos Ito ay nagsasaad ng katatapos pa lamang na kilos o pandiwa. Nabubuo ito sa pamamagitan ng paglalagay ng panlaping ka at pag uulit sa unang pantig ng salitang-ugat. Halimbawa: Kahihiyaw lang ni Zaldy sa anak nang makita ito ng ina. Pandiwa (Salitang Ugat) hiyaw Panlapi ka Aspekto ng Pandiwa 4. Kontemplatibo Ito ay nagsasaad na hindi pa nagaganap ang kilos o pandiwa. Naktutulong sa pagtukoy ang ang mga salitang bukas, mamaya, ngayong sabado, susunod na araw, at iba pa. Kontemplatibo Pormula 1. Mag/ma/mang + UP + SU hal: maglalaba, mababasa, manghihiram 2. UP + SU hal: babasa, susulat 1. 2. 3. 4. Kontemplatibo Maliligo kami sa ilog bukas Ako ay mag-aaral mamaya Aalis kami ngayong sabado. Sa susunod na araw ko babasahin ang kwento. SAGUTIN NATIN 1. Ano ang pandiwa? 2. Magbigay ng halimbawa:: a) Naganap o pangnagdaan o Aspektong Perpektibo b) Nagaganap o Aspektong Imperpektibo c) Perpektibong Katatapos d) Kontemplatibo Piliin ang mga pandiwang ginamit sa pangungusap at tukuyin kung anong aspekto ang mga ito. 1)Ang malikot na bata ay napaso sa kalan. 2)Ang magkakapatid ay nagdadasal gabi-gabi. 3)Kawawalis pa lang ni Nila ngunit puno na naman ng tuyong dahon ang bakuran. 4)Aalis mamayang madaling araw si Andress. 5)Tatalon na sana si Berto sa dagat ngunit malalim pala ito. Uriin kung anong Aspekto at gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na pandiwa. a)Kasayaw - naganap b)Kumanta - naganap c)Natutulog - perpektibo d)Bumababa - kontemplatibo e)Katatawag - kontemplatibo Uriin kung anong Aspekto at gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na pandiwa. a)Kasayaw b)Kumanta c)Natutulog d)Bumababa e)Katatawag - Perpektibo Imperpektibo Perpektibong Katatapos Kontemplatibo tapos na ginagawa pa katatapos lang di pa nagaganap Nang, nag,na,um,in, Nang, nag,na,um,in, Ka Mag, ma, mang o wala panlapi, in/hin (hulapi) Panlapi (Nang/nag/na)+Salit ang Ugat Panlapi (Nang/nag/na)+ Unang Pantig + Salitang Ugat Panlapi(ka)+ Unang Pantig + Salitang Ugat Panlapi (mag/ma/mang)+ Unang Pantig + Salitang Ugat Unang Letter ng SU+ panlapi (um/in) + Natitirang letter ng Salitang Ugat Unang Letter ng SU+ panlapi (um/in) + 2 Letter ng SU + Salitang Ugat nang-asar nang-aasar kaaasar aasarin naglaba naglalaba Kalalaba Maglalaba nabasag nababasag Kababasag Magbabasag/babasagin Kumain Kumakain Kakakain Kakain nagbasa Nagbabasa kababasa mababasa/babasahin/ magbabasa kinain kinakain kakakain kakainin Unang Pantig + Salitang Ugat + Panlapi (In/Hin) Sagutan ang Maiksing Pagsusulit.