Uploaded by nhur.zelle

HEALTH 2

advertisement
Republic of the Philippines
Department of Education
Zamboanga Peninsula
Schools Division of Zamboanga City
SCHOOL
Mercedes District
S.Y. 2022-2023
BANGHAY ARALIN SA HEALTH 2
I.
Layunin
Pagkatapos ng talakayan, ang mga bata ay inaasahang;
a. Nauuri ang mga basurang nabubulok at di-nabubulok;
b. Natutukoy ang mga epekto ng maduming kapaligiran;
c. Nakikibahagi sa gawaian nang may kaliksihan.
II.
Paksang Aralin
A. Paksa: Mga Basurang Nabubulok at Di-nabubulok
B. Sanggunian: Mhttps://www.youtube.com/watch?v=GNwNljA4Wl4
Budget of Work Grade 2
C. Kagamitan: Mga ginupit na larawan, chart, mga basurahan, mga totoong
basura
III.
Pamamaraan
GAWAIN NG GURO
A. Panimulang Gawain
 Paghahanda
Magandang umaga sa lahat!
May mga lumiban ba sa klase
ngayong araw?
GAWAIN NG MAG-AARAL
-Magandang umaga po Ma’am!
-Wala po Ma’am.

Pag-awit
Bago tayo magsimula aawit muna tayo -(Sabay-sabay)
Kung ikaw ay masaya tumawa ka!
ng kantang “Kung Ikaw ay Masaya”
Kung ikaw ay masaya tumawa ka!
Kung ikaw ay masaya, buhay mo ay
sisigla,
Kung ikaw ay masaya tumawa ka
(pumalakpak, pumadyak, gawin lahat)

Pagtatakda ng pamantayan
Ngayong umaga ay ihahati ko ang klase
sa apat na pangkat. Ang bawat
pangkat ay kailangang magpakita ng
kanilang
partisipasyon
upang
makalikom ng mga puntos na maiipon
sa kanilang “hardin ng mga puntos”.
B. Paglinang ng Gawain
 Pagganyak (Pagkukwento)
Ngayong umaga, mayroon akong
ibabahaging, maikling kuwento sa
inyo.
-Ito ay tungkol sa mag-inang paruparo.
(Ipapakita ang mga larawan)
-Sila ay nakatira sa isang malinis at
magandang lugar. Masaya ang buhay nilang
mag-ina sa lugar na ito pagka’t wala silang
nagiging problema.
-Gusto rin ba ninyong tumira sa
ganitong lugar?
-Ganito rin ba kalinis ang inyong lugar?
-Wala nang ginawa ang mag-ina kundi ang
lumipad at dumapo sa mga nagagandahang
mga bulaklak. Tuwang-tuwa ang dalawa sa
pamamasyal.
-“Anak, kahit na anong mangyari huwag
kang lumipad sa dako pa roon. Delikado sa
iyo hikain ka pa naman”. Paalala ng inang
paruparo sa anak.
-Ngunit isang araw, sa sobrang kakulitan
ng batang paruparo ay ninais niyang lumipad
sa malayo, sa dako pa roon. Hanggang di
namalayan napadpad siya sa isang madumi
at mabahong lugar.
-Sa sobrang baho, halos hindi makahinga
ang batang paruparo at nakita niyang ang
grupo ng mga langaw na papalapit sa kanya.
Sumigaw na lumipad pabalik sa kanilang
lugar ang batang paro-paro.
-Umiiyak na ikinwento ng batang paroparo ang kanyang Nakita. Humingi ito ng
tawad sa ina dahil sa hindi pakikinig at
nangakong hindi na uulit muli.
-
Opo.
-
Opo/ Hindi po.
-Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento? -Ang inang paro-paro at ang batang
-Ano ang habilin ng inang paruparo sa paro-paro.
kanyang anak?
-Ang habilin ng inang paruparo sa anak
ay huwag lumipad sa dako pa roon.
Hindi po.
-Nasiyahan ba ang batang paruparo sa
Nakita sa lugar na napuntahan?
-Hindi siya makahinga nang maayos
-Bakit halos hindi makahinga ang batang dahil sa sobrang baho ng mga basura
paruparo?
sa lugar.
-Hindi po, dahil maraming basura at
-Gusto Ninyo bang tumira sa ganoong maaari kaming magkasakit.
klaseng lugar? Bakit?

Paglalahad
Ano-ano ang inyong napapansin sa
larawang nasa pisara?
Ano-ano nga ba ang mga kalat natin sa
bahay na kailangan nang itapon?
-Lahat ng inyong mga sagot ay tama, at
ang mga iyan ay may kinalaman sa magiging
leksyon natin ngayong umaga.
C. Pagtuturo/Modeling (I do)
-
-
Marami tayong mga nabubuong kalat
sa ating tahanan maging sa paaralan.
Ang ating mga basura ay kailangang
itapon nang wasto at tama.
Ang ating mga basura ay nauuri sa
nabubulok at di nabubulok.
-Ang nabubulok na basura ay isang uri ng
basura na natutunaw at katagalan ay
nagiging pataba sa lupa tulad ng mga balat ng
prutas at gulay, mga tiring pagkain, tuyong
dahoon, patay na hayop o dumi nito, atbp.
-
Maraming mga basura/ halohalo
ang mga basura
papel
mga buto ng isda o manok
mga balat ng prutas
mga balat ng gulay
mga tiring pagkain
bote
mga lumang gamit
plastic
-Ang mga di-nabubulok na basura ay uri
ng basurang di-natutunaw. Maaari rin itong irecycle o gamiting muli. Halimbawa nito ay
plastik, goma, lata, mga bote, atbp.
D. Ginabayang Pagsasanay/ We Do
Panuto: Mula sa napaghalo-halong mga
basura sa lalagyan. Ang bawat isa sa inyo ay
kukuha ng larawan at ilalagay ito sa angkop
nitong basurahan.
-
Iwawasto ng guro ang gawain upang
maging gabay sa susunod na gawain.
E. Malayang Pagsasanay/ You Do it
a. Gamit ang istratehiyang “Scavenger
Hunt”, ang bawat grupo ay bibigyan
ng 15 minuto upang hanapin sa loob
ng silid-aralan ang mga basurang
ikinalat.
Ang mahahanap nilang basura ay
kanilang ilalagay sa angkop na
basurahan na nasa harap ng klase.
b. Ang apat na pangkat sa klase ay
bibigyan ng mga gawain.
Pangkat 1
Pangkat 2
Pangkat 3
Panuto: Buoin ang puzzle at
ipaliwanag ang larawang nabuo.
Ang mga nasa larawan ay mga basurang
nabubulok. Ito ay natutunaw lamang at nagiging
pataba sa lupa.
Pangkat 4
Panuto: Buoin ang puzzle at
ipaliwanag ang larawang nabuo.
Ang mga nasa larawan ay mga basurang dinabubulok. Ang mga ito ay pwede pang i-recycle.
IV.
Malayang Pagtataya
V. Kasunduan
Magdala ng limang larawan ng basurang
nabubulok at di-nabubulok.
Inihanda ni:
NHUR A. ABUBAKAR
Teacher I
Download