Name: _______________________________________ | Date: _________________________ | Araling Panlipunan 10 Grade 10 – Curie | Subject Teacher: Ms. Jonessa U. Gurrea | Score: Learning Activity Sheet No. ___ Pagkamamamayan: Konsepto at Katuturan Aralin 1: Pagkamamamayan:Konsepto at Katuturan Subukin | Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot. 1. Ito ay hindi lamang nangangahulugan bilang kasapi ng isang estado kundi kaakibat din nito ang mga tungkulin o gampanin na dapat maisagawa. Ano ito A. Pagkamakabayan B. Pagkamakatao C. Pagkamamamayan D. Tagapagpamahala 2. Bakit sinasabing kahit ang isang simpleng mamamayan ay mayroongkarapatan o kakayahan na makapagbigay hakbang o solusyon sa isang isyung panlipunan A. Gusto nitong mabigyang pansin C. Nais nitong marinig ang kanyang saloobin B. Sapagkat nais lamang nitong makialam D. Tungkulin nito bilang mamamayan ang makilahok sa mga isyung panlipunan 3. Ang pagkamit ng isang mapayapa at matiwasay na bansa at pamumuhay ay kaninong tungkulin? A. Mamamayan B. Pamahalaan C. Pamahalaan at mamamayan D. Presidente 4. Ano ang maaaring makamit kung ang pamahalaan at mamamayan ay magtutulungan sa paglutas samga isyung panlipunan? A. Estabilisadong pamahalaan C. Mapayapa at matiwasay na bansa B. Mausbong na ekonomiya D. Mayaman na bansa 5. Anu-ano ang mga nakaakibat sa ating pagkamamamayan o pagiging kabilang sa isang estado? A. Dignidad at dangal C. Gampanin at tungkulin B. Kapangyarihan at Kalayaan D. Posisyon at responsibilidad 6. Sinong sikat na mang-aawit ang kumata ng awiting “Ako’y Isang Mabuting Pilipino”? A. Bamboo B. Lea Salonga C. Noel Cabangon D. Sarah Geronimo 7. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng isang mabuting Pilipino maliban sa isa. Alin dito? A. Humihinto kapag ang ilaw ay pula C. Inaalagaan ang kanyang kapaligiran B. Nagtatago sa ilalim ng puno D. Tinutupad ang kanyang mga tungkulin 8. Anong katangiang mabuting Pilipino ang ipinapakita sa linyang “di ako nangongotong o nagbibigay ng lagay, ticket lamang ang tinatanggap kung binibigay, at ‘di nagtatago sa ilalim ng puno”? A. Pagiging mabait B. Pagiging masunurin C. Pagiging matapang D. Pagiging tapat sa tungkulin 9. Anong katangian ang ipinapakita sa linyang “Inaayos ko ang mga kalat sa basurahan, Inaalagaan ko ang aking kapaligiran”? A. Makabansa B. Makabayan C. Makakalikasan D. Makatao 10.Ang mga sumusunod ay katangian ng isang mabuting mag-aaral ayon sa awitin maliban sa isa. Alin sa mga ito ang hindi kabilang? A. ‘Di gumagamit ng bawal na gamut C. Lumiliban sa klase kahit walang dahilan B. Nag-aaral ng Mabuti D. Nakikinig sa mga magulang Sa pagsisimula ng talakayan sa mga paksa sa modyul na ito seguradong ikaw ay masisisyahan at malilinawan sa mga katanungan na tumatakbo sa iyong isipan. Dahil sa modyul na ito mas makikilala mo ang iyong sarili bilang isang mamamayan. Kaya ihanda ang sarili upang masagot ang iyong sarili sa katanungang- “ako ba ay isang aktibong Pilipino”? Panuto: Nasa hanay A ang mga napapanahong isyung panlipunan, bilang isang mamamayan, paano mo maipakikita ang pagiging aktibo sa paglutas at pagbibigay solusyon sa mga problemang ito? Isulat sa loob ng kahon na nasa hanay B ang iyong mga posibleng solusyon upang mabigyang lunas at mahinto ang mga suliraning ito. (Ang guro ay gagawa ng rubrics para sa pamantayan ng iskor) ILLEGAL NA DROGA BULLYING CLIMATE CHANGE Aralin 1: Konsepto ng Pagkamamamayan Ang pagkamamamayan ay hindi lamang nangangahulugan bilang kasapi ng isang estado o lipunan, bagaman ito ay mayroong kaakibat na mga gampanin at tungkulin na dapat maisagawa. Halimbawa na lamang ng mga isyung panlipunan na napapanahon o mga isyung pangkasalukuyan. Nasa ating mga isip na ang pagbibigay solusyon sa mga nasabing isyu ay tungkulin lamang ng ating pamahalaan subalit hindi natin alam na kahit ang isang simpleng mamamayan ay mayroong karapatan o kakayahan na mabigyang hakbang at solusyon ang mga ganitong isyung panlipunan. Ating alalahanin na kaya nating gumawa ng mga hakbang na ikabubuti ng lahat kahit na tayo ay walang posisyon o kapangyarihan sa pamahalaan sapagkat bilang miyembro ng isang estado nasa ating kamay rin ang susi upang ating makamit ang isang mapayapa at matiwasay na bansa at pamumuhay. Tuklasin Panuto: Basahin/Awitin ang liriko ng awiting “Ako’y Isang Mabuting Pilipino” ni Noel Cabangon. Pagkatapos ay gawin ang mga sumusunod na gawain sa ibaba. AKO’Y ISANG MABUTING PILIPINO Ako’y isang mabuting Pilipino Minamahal ko ang Bayan ko Tinutupad ko ang aking mga tungkulin Sinusunod ko ang kaniyang mga alituntunin Tumatawid ako sa tamang tawiran Sumasakay ako sa tamang sakayan Pumipila at hindi nakikipag-unahan At ‘di ako pasiga-siga sa lansangan. Bumababa at nagsasakay ako sa tamang sakayan ‘di na makahambalang parang walang pakialam. Pinagbibigyan kong mga tumatawid sa kalsada Humihinto ako kapag ang ilaw ay pula. ‘Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino Minamahal ko ang bayan ko Tinutupad ko ang aking mga tungkulin Sinusunod ko ang kaniyang mga alituntunin ‘Di ako nangongotong o nagbibigay ng lagay Ticket lamang ang tinatanggap kung binibigay At ‘di nagtatago sa ilalim ng puno. ‘Di ako nagkakalat nga basura sa lansangan. ‘di bumubuga ng usok ang aking sasakyan Inaayos kong mga kalat sa basurahan Inaalagan ko ang aking kapaligiran ‘Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino Minamahal ko ang bayan ko Tinutupad ko ang aking mga tungkulin Sinusunod ko ang kaniyang mga alituntunin Lagi akong nakikinig sa aking mga magulang Kaya’t pag-aaral ay aking pinagbubutihan ‘di ako gumagamit ng bawal na gamot. O kaya’y tumatambay at sa eskwela’y di pumapasok. Pingtatanggol ko ang aking karangalan ‘Pagkat ito lamang ang tangi kong kayamanan ‘di ko binebenta ang aking kinabukasan Ang boto ko’y aking pinahahalagahan. Ako, ilang tapat at totoong lingkod ng bayan Pabor o lagay ay ‘di ko pinapayagan Tapat ang serbisyo ko sa mamamayan Di ko binubulsa ang pera ng Bayan Ipinagtatanggol ko ang mamamayang Pilipino Mga karapatan nila’y kinikilala ko Ginagalang ko ang aking kapwa tao Pinaglalaban kong dangal ng bayan ko. ‘Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino Minamahal ko ang bayan ko Tinutupad ko ang aking mga tungkulin Sinusunod ko ang kaniyang mga alituntunin. Ako’y isang mabuting Pilipino Minamahal ko ang bayan ko Tinutupad ko ang aking mga tungkulin Sinusunod ko ang kaniyang mga alituntunin Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino Sanggunian: Cabangon, N. (Composer). (2009). Ako'y Isang Mabuting Pilipino. [N. Cabangon,2009] Panuto: Nasa loob ng puzzle ang mga salitang naglalarawan sa isang mabuti at aktibong mamamayan ayon sa awiting “Ako’y Isang mabuting Pilipino” ni Noel Cabangon. Bilugan ang mga salitang ito at isulat sa mga guhit na nakalaan sa ibaba.