Detalyadong Banghay Aralin sa Filipino IV I. Layunin: a. Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap b. Nakapagbibigay ng mga halimbawa ng uri ng pangungusap c. Nakakasulat ng mga iba’t ibang uri ng pangungusap II. Paksang Aralin: Mga kasanayan sa Pagkatuto: Iba’t ibang uri ng pangungusap Code: F4WG-Iva-13.1 Gabay sa pagtuturo: p.78 Kagamitang Pang Guro: p.256-258 Kagamitang Pang Mag-aaral: p.154-161 Kagamitan: Mga Larawan, Manila Paper Values Integration: pagiging Matulungin III. Pamamaraan: Gawain ng Guro Gawain ng Bata A. Paghahawan ng balakid Ipaayos sa mga bata ang titik upang mabuo ang salita. rosombre- ito ay ginagamit pang lagay sa ulo. doreka- ito ay mga sangkap na nilalagay sa pagluluto. -sombrero -rekado B. Paghahabi sa layunin ng aralin Magtanong sa mga bata. Tinutulungan nyo ba ang inyong mga magulang sa paghahanda ng pagkain? Anong Pagkain ang kadalasang inihahanda o niluluto ng inyong Nanay/Tatay? Ano pa? Magaling ngayon naman mayroon kayong Gawain o Activity . ang gagawin ninyo ay mamamalengke, hahanapin nyo ang mga sangkap/rekado sa unahan. Maliwanag ba? Group 1 -Opo! Sir! -kanin po -Priniton ulam po katulad po ng itlog -Mga gulay -Opo! Sir! -itlog -talong -mantika -asin Group 2 C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong Aralin Meron ako ditong isang kwento ang pamagat ng kwento ay “Ang sikretong rekado” pero bago kayo magsimula sa pagbasa ano ang mga dapat gawin o isaalang-alang kapag nagbabasa? Pero bago kayo mag simulang bumasa. Ano kaya ang sikretong rekado sa ating kwento? Alamin natin yan pagkatapos ninyong bumasa. (Magbabasa ang mga Bata) Itanong: Ano ang pamagat ng kwento? Ano ang sikretong rekado sa kwento? Sino-sino ang mga tauhan sa kwento? D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan Basahin ng malakas ang mga pangungusap nang may wastong -itlog -mantika -sibuyas -asin -wag pong maingay! -unawain pong mabuti ang binasa. -Ang pamagat po ng kwento ay Ang sikretong rekado. -kung kayo’y kumakain o umiinom, o anuman ang inyong ginagawa, gaawin ninyo sa ikaluluwalhati ng Diyos. Corinto 10:31 Bible Verse -Ang mga tauhan po sa kwento ay sina Mang Ador, Teo, Dr. Soriano, Chef Mateo, Nanay. intonasyon bilis at diin. “Teo, naririnig mob a aok?” “Isang malaking sombrero! Dapat ang chef, may sombrero!” “Manood ka nalang muna anak at maghugas ng plato” “Teo, hiwain mo…” Itanong: Ano ang ipinahihiwatig ng unang pangungusap? Ikalawang Pangungusap? Ikatlong Pangungusap? Anong uri ito ng pangungusap? Ano ang ibig sabihin ng Pasalaysay? Ano naman ang Pautos? Ano naman ang ibig sabihin ng Patanong? Ano naman ang padamdam? E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan Magkakaroon tayo ng pangkatang Gawain hahatiin ko kayo sa apat na pangkat. -Ang ipinahihiwatig po ng unang pangungusap ay nagtatanong. -Sa ikalawang pangungusap po ay nagpapahiwatig ng matinding damdamin. -Sa ikatlong pangungusap po ay nag-uutos. Ito po ay pangungusap na Pasalaysay, Pautos, Patanong at Padamdam. -Ang pasalaysay po ay naglalarawan o nagkukwento at nagtatapos poi to sa tuldok. -Ito po ay pangungusap na naguutos at nagtatapos din poi to sa tuldok. -Ang pangungusap na patanong po ay nagtatanong. Ito po ay nagtatapos sa tandang pananong. -Ito po ay nagsasaad ng matinding damdamin katulad po ng pagkabigla, naiinis, natutuwa at natatakot. Ito po ay nagtatapos sa tandang padamdam. Pangkat 1 Sumulat ng 3 pangungusap na maaari ninyong itanong sa Pangulo ng Pilipinas. Pangkat 2 Sumulat ng 3 pangungusap na maaari ninyong iutos sa Pulis. Pangkat 3 Base sa Larawan. Sumulat ng 3 pangungusap gamit ang bantas na padamdam Pangkat 4 Sumulat ng 3 pangungusap na naglalarawan sa guro. Itanong: Ano ang inyong damdamin habang gumagawa ng Gawain? Ano pa? -Masaya po -Nagtutulungan po (Ipiprisinta ng bawat pangkat ang kanilang ginawa) (Pag check o pagtama sa mga ginawa ng bawat pangkat) (Ipapaliwanag ng guro ang salitang pagtutulungan) F. Paglinang sa kabihasnan Ilarawan si Cardo sa isang pangungusap lang. Itanong: Anong ugali ba mayroon si Cardo? -Si Cardo ay matapang. -Kailan po magwawakas ang Probinsyano.? Kung nandito ngayon si Cardo ano ang maaari ninyong itanong sakanya? -Kuya Cardo pwede po magpapicture? Kung sakaling makikita ninyo si Cardo ano ang maaari ninyo sakanyang ipagawa? -Wow! Si kuya Cardo. Kung sakaling makasalubong ninyo si Cardo sa daan anong damdamin ang maibibigay ninyo? Ang Iba’t ibang uri po ng pangungusap ay Pasalaysay, Patanong, Pautos, at Padamdam. G. Paglalahat ng Aralin Ano ang iba’t ibang uri ng Pangungusap? IV. Pagtataya: Suriin ang mga pangungusap. Isulat kung ito ay pangungusap na Pasalaysay, Patanong, Pautos o Padamdam. _________1. _________2. _________3. _________4. _________5. V. Dalhin mo ito bukas sa simbahan. Magkano ang isang kilong bigas? Naku! Nalimutan ko ang ID ko. Magdala kayo ng mga walis at basahan bukas. Alin kaya ditto sa mga damit ang magugustuhan ni Lucy. Takdang Aralin Ilarawan ang sarili. Sumulat ng iba’t ibang uri ng pangungusap. Inihanda ni: Renz Andrew Guiritan BEED 3-B