ANG HINAGPIS NI FLORANTE (Mga Saknong 001-025) Sa araling ito’y makikilala mo si florante, ang pangunahing tauhan ng awit: isang matikas at magiting na heneral ng Albanya subalit sa pagkakataong ito ay talunan. Nakagapos siya sa isang puno ng higera sa gitna ng isang madilim at mapanglaw na gubat. Maririnig mula sa binata ang mga hinagpis at pagtangis dahil sa pagkagaping nangyari sa kanya at sa paghihirap ng kanyang minamahal na kahariang Albanya dahil sa pananakop ng taksil at masamang si Konde Adolfo. Nawawalan na siya ng pag-asa at maging sa Diyos ay nakapagpahayag siya ng hinanakit sap ag-aakalang siya’y pinabayaan na. Subalit sa huli’y napag isip-isip niyang idaan sa panalangin ang kaawa-awa niyang kalagayan. 1 Sa isang madilim gubat na mapanglaw dawag na matinik ay walang pagitan halos naghihirap ang kay Pebong silang dumalaw sa loob na lubhang masukal. 2 Malalaking kahoy ang inihahandog, pawang dalamhati, kahapisa’t lungkot huni pa ng ibon ay nakakalunos, sa lalong matimpi’t nagsasayang loob. 3 Tanang mga baging na nimimilipit sa sanga ng kahoy ay ballot ng tinik may bulo ang bunga’t nagbibigay-sakit sa kanginoo pa mang sumagi’t malapit. 4 Ang mga bulaklak ng nagtayong kahoy, pinakamaputing nag-ungos sa dahon, pawang kulay-luksa at nakikiayon sa nakaliliyong masangsang na amoy. 5 Karamiha’y sipres at higerang kutad na ang lilim niyon ay nakasisindak, ito’y walang bunga’t daho’y malalapad na nakadidilim sa loob ng gubat. 6 Ang mg hayop pang dito’y gumagala, karamiha’y syerpe’t basilisko’y madla h’yena’t tigreng ganid na nagsisila ng buhay ng tao’t daiging kapuwa. 7 Ito’y gubat manding sa pinto’y malapit Abernong Reyno ni Plutong masungit, ang nasasakupang lupa’y dinidilig ng Ilog Cositong kamandag ang tubig. 8 Sa may gitna nitong mapanglaw na gubat may punong higerang daho’y kulay pupas dito nakagapos ang kahabag-habag isang pinag-usig ng masamang palad. 9 Baguntaong basal ang anyo at tindig kahit nakatali kamay’ paa’t liig, kundi si Narciso’y tunay na Adonis, mukha’y sumisilang sa gitna ng sakit. 10 Makinis ang balat at anaki’y burok, pilik-mata’t kilay mistulang balantok, bagong sapong ginto ang kulay ng buhok, sangkap ng katawa’y pawang magkaayos. 11 Dangan doo’y walang oredas ninfas, gubat na palasyo ng masidhing harpyas, nangaawa disi’t naakay lumiyag sa himalang tipon ng karikta’t hirap. 12 Ang abang uyamin ng dalita’t sakit, ang dalawang mata’y ukal ang kaparis; sa luhang nanatak at tinangis-tangis ganito’y damdamin ng may awing dibdib. 13 ”Mahiganteng langit, bangis mo’y nasaan, ngayo’y naniniig sa pagkagulaylay, bago’y ang bandila ng lalong kasam-an sa Reynong Albanya’y iwinawagayway. 14 “Sa loob at labas ng bayan kong sawi, kaliluha’y siyang nangyayaring hari kagalinga’t bait ay nalulugami, ininis sa hukay ng dusa’t pighati. 15 “Ang magandang asal ay ipinuukol sa laot ng dagat ng kutya’t linggatong, balang magagaling ay ibinabaon at inililibing na walang kabaong. 16 “Ngunit, ay ang lilo’t masasamang loob, sa ng puri ay inilululok, at sa baling sukab na may asal-hayop, mabangong insenso ang isinusuob. 17 “Kaliluha’t sama ang ulo’y nagtayo at ang kabaita’y kimit nakayuko, santong katwira’y lugami at hapo, ang luha na lamang ang pinatutulo. 18 “At ang baling bibig na binubukalan ng sabing magaling at katotohanan, agad binibiyak at sinisikangan ng kalis ng lalong dusting kamatayan. 19 “O na pita sa yama’t mataas! O hangad sa puring hanging lumilipas! ikaw ang dahilan ng kasam-ang lahat, at niring nasapit na kahabag-habag. 4. Sa ano-anong pangyayari sa ating kasaysayan maaaring iugnay ang gubat na mapanglaw at ang pagkakatali ni Florante sa punong higera? 20 “Sa korona dahil ng Haring Linseo, at sa kayamanan ng dukeng ama ko, ang ipinangahas ng Konde Adolfo, sabugan ng sama ang Albaanyang reyno. 5. Sa ano-anong pangyayari naman sa kasalukuyang panahon maaaring iugnay ang sitwasyong ito? 21 “Ang lahat nang ito, maawaing Langit, iyong tinutungha’y ano’t natitiis? mula ka ng buong katuwira’t bait, pinayagan mong ilubog ng lupit. 22 “Makapangyarihang kamay mo’y ikilos papamilantikin ang kalis ng poot, Sa Reynong Albanya’y kusang ibulusok, ang iyong higante sa masamang loob. 23 “Bakit, kalangita’y bingi ka sa akin, ang tapat kong luhog ay hindi mo dinggin? diyata’t sa tapat na pananalangin sampung tainga mo’y ipinangunguling? 24 “Datapwa’t sino ang tatarok kaya sa mahal Mong Lihim, Diyos na dakila? walang mangyayari sa lahat ng lupa, di man kagalingang Iyong ninanasa. 25 “Ay saan ngayon ako mangangapit? saan ipupukol ang tinangis-tangis, kung ayaw na ngayong dinigin ng langit, ang sigaw ng aking malumbay na boses! Pag-isipan at Pag-usapan 1. Bakit labis ang paghihinagpis ni Florante? Ano-anong bagay ang kanyang ipinagdadalamhati? 2. Bakit maging sa Panginoon ay tila may hinanakit siya? Makatwiran baa ng ang nadarama niyang ito? Ipaliwanag. 3. Kung ikaw ang nasa katulad na kalagayan ng kay Florante, ano ang gagawin mo upang hindi lubusang maglaho ang iyong pag-asa? 6. Maaari rin bang iugnaya ang malungkot na panimula sa awit patungkol sa naging Balagtas? Paano? Pagsulat ng Journal Bakit kailangang maging matatag sa gitna ng anumang pagsubok o problema?