ALAALA NI LAURA (Mga Saknong 026-068) BUOD NG ARALIN Mababasa sa araling ito ang pag-alaala ni Florante sa pinakamamahal niyang si Laura na siyang nagbigay lakas at pag-asa sa kanya. Ngunit ang mga alaalang ito ay nasasalitaan ng selos o panibugho sa pag-iisip na si Laura’y masaya na sa piling Adolfo. Subalit sa muling pagliliwanag ng isipan ay nababatid niyang dakila ang pag-ibig ni Laura para sa kanya kaya’t hinihingi niya ang pagdamay ng dalaga sa kanyang kalagayan. Gayunpama’y muli’t muling nagbabalik ang kawalang pag-asang ipinakikita ng pagkayukayok niya habang nakagapos. 26 “Kung siya mong ibig na ako’y magdusa, Langit na mataas, aking mababata, isagi mo lamang sa puso ni Laura, ako’y minsan-minsang mapag-alala. 27 At dito sa laot ng dusa’t hinagpis, malawak na lubhang aking tinatawid, gunita ni Laura sa naabang ibig, siya ko na lamang ligaya sa dibdib. 28 “Munting gunamgunam ng sinta ko’t mutya, nang dahil sa aki’y dakila kong tuwa, higit na malaking hirap at dalita parusa ng taong lilo’t walang awa. 29 “Sa pagkakagapos ko’y kung guniginhin malamig ng bangkay akong nahihimbing at tinatangisan ng sula ko’t giliw, ang pagkabuhay ko’y walang hangga mandin. 30 “Kung apuhapin k sa sariling isip, ang suyuan naming ng pili kong ibig, ang pagluha niya kung ako’y may hapis, nagiging ligaya yaring madlang sakit. 31 Ngunit sa aba ko, sawing kapalaran! ano pang halaga ng gayong suyuan, kung ang sing-ibig ko’y sa katahimikan ay humuhilig na sa ibang kandungan? 32 “Sa sinapupunan ng Konde Adolfo aking natatanaw si Laurang Sinta ko; kamataya’y nahan ang dating bangis mo nang di ko damdamin ang hirap na ito?” 33 Dito hinimatay sa paghihinagpis, sumuko ang puso sa dahas ng sakit, ulo’y nalungayngay, luha’y bumalisbis, kinagagapusang kahoy ay nadidilig. 34 Magmula sa yapak hanggang sa ulunan, nalimbag ang bangis ng kapighatian, at ang panibugho’y gumamit ng asal ng lalong marahas, lilong kamatayan. 35 Ang kahima’t sinong hindi maramdamin, kung ito’y Makita magmamahabagin; matipid na luha ay paaagusin, ang nagparusa ma’y pilit hahapisin. 36 Sukat na ang tingna ang lugaming anyo nitong sa dalita’y hindi makakibo; aakaying biglang umiyak ang puso kung wala nang luhang sa mata’y itulo. 37 Gaano ang awing bubugso sa dibdib na may karamdamang maanyong tumindig, kung ang panambita’t daing ay marinig nang mahimasmasan ang tipon ng sakit! 38 Halos buong gubat ay nasasabugan ng dinaing-daing na lubhang malumbay, na inuulit pa at isinisigaw sagot sa malayo niyong alingawngaw. 39 “Ay, Laurang poo’y bakit isinuyo sa iba ang sintang sa aki’y pangako, at pinagliluhan ang tapat na puso, pinaggugula mo ng luhang tumulo? 40 “Di ba sinumpaan sa harap ng Langit na di maglililo sa aking pag-ibig? ipinamigay ko naman yaring dibdib, wala sa gunita itong masasapit! 41 ”Katiwala ako’t ang iyong kariktan, kapilas ng langit anaki’y matibay, tapat ang puso mo’t di nagunamgunam na ang paglililo’y nasa kagandahan. 42 “Di ko akalaing iyong sasayangin maraming luha mong ginugol sa akin, taguring madalas na ako ang giliw, mukha ko ang lunas sa madlang hilahil. 43 “Di kung ako poo’y utusang manggubat ng hari mong ama sa alinmang s’yudad, kung ginagawa mo ang aking sagisag dalawa mong mata’y nanalong ng perlas? 44 “Ang aking plumahe kung itinatahi ng parang korales na iyong daliri, buntong-hininga mo’y nakikiugal 55 “Halina, Laura’t aking kaailangan ngayon ang lingap mo nang naunang araw; ngayong hinihingi ang iyong pagdamay, ang abang sinta mo’y nasa kamatayan. 56 “At ngayong malaki ang aking dalita ay di humahanap ng maraming luha, sukat ang kapatak na makaapula, kung sa may pagsintang puso mo’y magmula. 57 “Katawan kong ngayo’y siyasatin, ibig, tingnan ang sugat kong di gawa ng kalis, hugasan ang dugong tumulo sa gitgit, ng kamay ko, paa’t nanataling liig. 58 “Halina, irog ko’t ang damit ko’y tingnan, ang hindi mo ibig dapyuhang kalawang, kalagin ang lubid at iyong bihisan, matindig dusa ko’y nang gumaan-gaan. 59 Ang’ mga mata mo ay iyong ititig dini sa anyo kong sadlakan ng sakit upanding mapigil ang takbong mabilis niyang abang buhay sa ikakapatid 60 “Wala na, Laura ikaw na nga lamang ang makalulunas niring kahirapan; damhin ng kamay mo ang aking katawan at bangkay man ako’y muling mabubuhay! 61 “Nguni’t sa aba ko! Ay sa laking hirap! wala si Laura aking tinatawag!. napalayu’layo’t din a lumiliyag, ipinagkanulo ang sinta kong tapat. 62 “Sa ibang kandungan’y ipinagbiyaya ang pusong akin na, at ako’y dinaya, buong pag-ibig ko’y ipinangangayaya, nalimot ang sinta’t sinayang ang luha. 63 “Alin pa ang hirap na di nasa akin? may kamatayan pang di ko daramdamin? ulila sa ama’t sa inang nag-angkin, walang kaibiga’t nilimot ng giliw. 64 “Dusa sa puri kong kusang siniphayo palasong may lasong natirik sa puso; habag sa ama ko’y tunod na tumimo ako’y sinunog niring panibugho. 65 “Ito’y siyang una sa lahat ng hirap, pagdaya ni Laura ang kumakamandag dini sa buhay ko’y siyang nagsasadlak sa libingang laan ng masamang palad. 66 “O Konde Adolfo’y inilapat mo man sa akin ang hirap ng sansinukuban ang kabangisan mo’y pasasalamatan, ang puso ni Laura’y kung hindi inagaw. 67 Dito naghimutok nang kasindak-sindak na umalingawngaw sa loob ng gubat, tinangay ang diwa’t karamdamang hawak ng buntong-hininga’t luhng lamagaslas. 68 Sa puno ng kahoy ay napayukayok ang liig ay supil ng lubid na gapos, bangkay na mistula’t aang kulay naa burok ng kanyang mukha’y naging putting lubos. PAG-ISIPAN AT PAG-USAPAN 1. Ano-anong gunita ang nakababawas sa pagdurusa ni Florante? 2. Paano mo ilalarawan si Laura bilang isang kasintahan batay sa mga nagugunita o naaalaala ni Florante patungkol sa kanya? 3. Bakit kaya nakaramdam ng selos o panibugho si Florante? 4. Tama bang isipin niyang tinalikuran na siya ni Laura at sila ngayon ni Adolfo ay magkasama at masaya sa piling ng isa’t isa 5. Paano nakaaapekto kay Florante ang ganitong mga alalahanin? 6. Kung mapagpayuhan mo si Florante, ano ang mapapayo mo sa kanyaupang maiwasan niya ang paninibugho o pagseselos na lalo lamang nagpapabigat sa kanyang kalagayan? 7. Bakit mahalaga sa anumang relasyon ang pagkakaroon ng tiwala?