Detalyadong Banghay aralin sa Araling Panlipunan V I. LAYUNIN: Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang: a. Natutukoy ang pagkakaiba ng antas ng katayuan ng mga Pilipino b. Napagtitimbang ang sariling opinyon sa antas ng katayuan ng mga Pilipino c. Naipapakita ang antas ng katayuan ng mga Pilipino II. PAKSANG ARALIN: Paksa: Antas ng katayuan sa lipunan ng mga Pilipino Batayan ng Pagkatuto: Naipaghahambing ang antas ng katayuan ng mga Pilipino sa lipunan bago dumating ang mga Espanyol at sa panahong ng Kolonyalismo Pagpapahalaga: Fairness (Pagkamakatarungan) Sanbggunian: Kasaysayang Pilipino 5 Alvenia P. Palu-ay pg.18-22 handout_9_pagbabago_sa_buhay_ng_mga_pilipino_noong_panahon_ng_espanyol Kagamitan: Larawan, PPT III. PAMAMARAAN: GAWAIN NG GURO A. LUNSARAN Panalangin Magsitayo na ang lahat at tayo’y manalangin. GAWAIN NG MAG-AARAL Sa ngalan ng Ama, Anak at Espiritu Santo. Amen. Pagbati Magandang araw mga bata. Magandang araw rin po Ma’am. PAGTATALA NG LIBAN ( ) may liban ba ngayong araw? Wala po. Kumusta mga bata? Kumain ba kayo? Mabuti, mahalaga ngayon na tayo ay malakas/ BALIK-ARAL Bago tayo magsimula ng bagong aralin. Ano ang huli natin na pinagaralan? Opo. Pagbabago po sa panahanan ng mga Pilipino sa panahon ng Espanyol Magaling! Ano-ano ang uri ng tahanan sa Panahon ng Espanyol/ Bahay-kubo po. Tama! Ano pa? Bahay na bato po. Magaling Ano ang pagkakaiba ng Bahay-kubo at Bahay na bato? B. PAGGANYAK Ngayon ay may inihanda akong mga larawan. Ano-ano ang nakikita ninyo na larawan? Sundalo po Hari po Trabahador po. Namamalimos po. Mahalaga ba na malaman ang antas ng Para po sa akin ay... tao o ng mga Pilipino noon at ngayon? C. GAWAIN Ngayon ay hahatiin ko kayo sa apat na grupo. Sa bawat grupo ay may inihanda akong envelope, sa loob nito ay may mga larawan na inyong bubuohin sa loob ng limang minute. Pagkatapos mabuo ay ididikit ninyo ito sa harapan. Huwag po maingay. Bago magsimula, ano-ano ang pamantayan tuwing may aktibidad na ginagawa? Tumulong po sa kagrupo. Tama! Ano pa? Tama, ngayon ay maaari na kayong magsimula. D. PAGSUSURI Ano-ano ang pagkakaiba sa antas ng mga Pilipino bago at sa panahon ng mga Espanyol? Sa inyong palagay, matatawag ba na pantay ang pagtingin sa mga Pilipino sa panahon ng mga Espanyol? E. PAGLALAGOM/ PAGPAPALALIM Sa pagiging mandirigma at mangangalakal nasusukat ng mga unang Pilipino ang katangian ng kanilang pinuno. Sa Cagayan, pinipili nilang pinuno ang malabayaning mandirigma na hindi nahihigitan ang tapang. Maaari itong masukat sa dami ng napugot na ulo ng kalaban. Sa mga tagalog, ang mga mandirigmang kahanga-hanga ang katapangan sa pakikidigma ay tinatawag na bayani. Pinararangalan siya ng pamayanan sa pamamagitan ng pagdaraos ng piging at pag- Ma’am ang pagkakaiba po sa antas noon at ngayon ay…. Siguro po ang pagkakaiba noon at ngayon ay… Sa akin po na palagay ay… Ang opinyon ko po tungkol sa pagtingin … anyaya sa mga kasayahan bilang bisitang pandangal. Tanging ang mayayaman lamang ang may kakayahang magbigay ng malaking salusalo sa isang bayanin. Sa pagtitipong ito, kinokoronahan ang bayani ng sungay ng kalabaw na tubog sa ginto. Maaaring maging datu ang isang kasapi ng barangay sa pamamagitan ng pagmamana, katalinuhan, katapangan o kayamanan. DATU- mataas na tao ang turing sa mga kabilang sa pangunahin at pinakamataas na antas ng katayauan sa lipunan. Siya ang pinuno ng pamayanan, tagaayos ng mga hidwaan at tagapagtanggol laban sa mga kaaway nito. Ang datu ang pinuno sa panahon ng digmaan at tagahukom sa mga kasalanang nagawa ng mga nasasakupan nito. Hindi lamang sa dami ng alipin ng isang datu nasusukat ang yaman niya at ng kanyang pamilya. Sukatan din ang dami ng ginto na kanilang pagmamay-ari. Ang pomaras ay hugis rosas at isinusuot ng mga kababaihan. Ang panicas naman ay isinusuot kapwa kababaihan at kalalakihan. Ang gambanes naman ay mga pulseras. Bilang paggalang sa mga datu, sila ay tinatawag na Gat o Lakan kung lalaki at Dayang o dayang dayang naman kung babae. MAHARLIKA/TIMAWA- ay binubuo ng malalayang tao at napalayang alipin na bumubuo sa barangay. May karapatan silang mamili ng sariling hanap-buhay. Kabilang sila sa mga taga-pagtanggol ng datu o sultan at mangangalakal. Mga inanak o inapo ng mga datu mula sa kanilang mga pangalawang asawa ang mga timawang Bisaya. Malalaya sila dahil na rin sa pahintulot ng kanilang ninuno. Gayundin ang kalagayan ng timawang Tagalog. Ngunit maaari rin na umakyat bilang timawa ang isang aliping Tagalog sa iba’tibang paraan. Maaaring makapagbayad ito sa pagkakautang, nakumpleto ang isang kautusan o kasunduan o natubos ng ginto ang sariling kalayaan. Dahil mga malalayang tao, may mga karapatang agrikultural ang mga timawa tulad ng paggamit at pagmamay-ari ng ilang bahagi ng lupang sakahan ng pamayanan. Inaani nila ang tanim nang hindi nagbibigay ng tributo sa datu. ALIPIN- kabilang sa pinakamababang pangkat sa lipunan. Sa bisaya ay may tatlong uri ng alipin. Ang ayuey, tumarampuk at tumataban. Pinakamababa sa kanila ang ayuey dahil nagsisilbi sila kailanman naisin ng datu. Ang mga tumarampuk ay maaaring manirahan sa sarili nilang bahay. Maaari rin sikang magtrabaho sa datu sa loob ng isang araw. Ang tumataban naman ay maaari lamang maglingkod sa datu kung may okasyon at kasiyahan. Sa tagalog ay may dalawang uri ang alipin, ang aliping namamahay at aliping saguiguilid. Ang aliping namamahay ay may karapatang pumili ng kanyang mapapangasawa. Hindi sila maaaring ipagbili. Maaari rin siyang magkaroon ng ari-arian, maliban sa lupang kinatitirikan ng kanyang bahay, at siya ay binabayaran sa kanyang paglilingkod. Ang aliping saguiguilid naman ay hindi Malaya. Wala silang sariling tirahan at ari-arian. Sila ay naglilingkod ng walang bayad. Hindi sila maaaring makapag-asawa ng walang pahintulot mula sa kanyang amo. Sa matagal na panahong nandito sa ating bansa ang mga Espanyol ay itinanim nila sa isip ng mga Pilipino na sila ay superior. Tinawag nilang superior. Tinawag nilang Indio ang mga Pilipino. Ang salitang ito ay ay nagkaroon ng hindi magandang kahulugan. Naging katumbas nito ang salitang mangmang o tamad. Peninsulares- pinakamataas na pangkat. Sila ang mga Espanyol na ipinanganak sa Espanya Insulares- sila ang Espanyol na ipinanganak sa Pilipinas Principalia- sila ay mga Pilipino na dating maharlika Indio- pinakamababang pangkat . F. PAGLALAPAT Kanina ay mayroon na kayo na apat na grupo. Ngayon ang inyong ipapakita ninyo tungkulin ng bawat antas ng mga Pilipino sa lipunan. Mayroon ako inihandang envelope. Sa loob ng envelope ay makikita ang inyong gawain. Ang unang grupo ay guguhit ng larawan na nagpapakita sa pagbabago sa antas ng mga Pilipino. Ang ikalawang grupo ay gagawa ng tula. Ang ikatlong grupo ay awitin ;1 at ikaapat na grupo ay dula. Magaling! Ngayon na tapos na ang lahat, may ibibigay ako na rubrics na inyong sasagutan, IV. PAGTATAYA Crossword 2. 1. 3 5. 4 PAHALANG 1. Tawag sa pinakamataas na antas ng pinuno 3. Espanyol na ipinanganak sa Pilipinas 5. Tawag ng mga Espanyol sa mga Pilipino PABABA 2. Binubuo ng malalayang tao at napalayang alipin 4. Pinakamababang uri ng antas sa lipunan V. TAKDANG-ARALIN Sa loob ng ng VENN DIAGRAM. Isulat ang pagkakatulad at pagkakaiba ng antas ng lipunan ng sinaunang Pilipino sa panahon ngayon.