Mga Layunin: Nakagagawa ng dayagrama ng ugnayang sanhi at bunga mula sa tekstong napakinggan F5PN-IVa-d-22 B. Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di pamilyar sa pamamagitan ng paglalarawan F5PT-IVd-f-1.13 C. Napapahalagahan ang mga tekstong pampanitikan sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa usapan at gawaing pampanitikan F5PL-0a-J-4 A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin Pag-ugnayin ang mga larawan: Ano ang napansin mo sa larawan? Bakit kaya umiiyak ang bata? Bakit ganito ang kasuotan ng batang babae? Punan ang nawawalang letra sa loob ng kahon upang mabuo ang salitang inilalarawan sa bawat bilang Gumawa ng sariling pangungusap upang ilarawan ang mga salitang nabuo 1. Walang dumi o mantsa M l n i 2. Pagpunta o pagbisita sa magagandang lugar p m a m s a l 3. Pag-awas ng tubig sa isang lagayan U m a p W 4. Natatakot sa anumang mangyari N n g g A 5. Paggawa ng isang aksyon sa isang bagay k m l s m b Tingnan ang larawan ng ilog pasig, ano ang masasabi nyo sa larawan? Gumawa kayo ng katanungan tungkol sa larawan. Pakikinig sa teksto Noon malinis, mabango at malinaw na tubig kaya marami ang namamasyal at naliligo sa Ilog- Pasig kaya nasira ang kagandahan ng makasaysayang ilog, pinabayaan ito ng mga tao. Marami ang nagtatapon ng basura sa ilog kaya sa kaunting pag-ulan ay umaapaw ito. Namatay ang mga isda dahil sa marumi na ang tubig sa ilog. Nangangamba ang mga tao na tuluyan nang masira ang Ilog Pasig, kaya kailangan kumilos sila bago mahuli ang lahat. Integrasyon: Bilang kabataan, paano ka makakatulong upang muling maibalik ito sa dati? Paano mo paproprotektahan ang mga lawa o ilog sa iyong paraan? Ano ang gagawin mong paraan para mapanatiling malinis ang tabing ilog o dagat? Itala ang iyong kasagutan sa tamang hanay. Sanhi/dahilan Bunga/Epekto Pangkatang Gawain Pangkat I – Ano kaya ang manyayari kung ikaw ay hindi susunod sa nanay at tatay mo. Pangkat II- Umuulan nang malakas sa buong magdamag. Napuno ng tubig ang mga estero at kanal Pangkat III – Nakalimutan mong isara ang bahay nyo at pumasok ka na sa paaralan. Paglinang sa Kabihasan Itambal ang Hanay A sa Hanay B Ilahad ang maaring maging bunga nito: 1. Pagsunod sa payo ng magulang 2. Maling pagsasalansan ng mga basurang nabubulok at si nabubulok 3. Pag-aaral ng mabuti 4. Hindi pagsasabi ng tapat sa magulang 5. Paglilinis ng paligid Itanong: Ano ang natutunan mo ngayon sa ating aralin? Ano ang Sanhi? Ano ang Bunga? Pagtataya: Gumamit ng dayagram upang pagtambalin ang sanhi at bunga: Maraming Salamat!