Uploaded by Richard Lutao

ESP-week-5

advertisement
Republic of the Philippines
Department of Education
Division of Cavite
Municipality of Tanza
PUNTA ELEMENTARY SCHOOL
SEMI-DETAILED LESSON PLAN IN ESP 5
Name of Teacher
Leaning Area
Grade Level
HAISSA M. CORTINA
ESP
FIVE
Section
Time
Date
Nov, 2022 week 5
I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman
B. Pamantayang Pagganap
C. Mga kasanayan sa Pagkatuto.
Isulat ang code ng bawat kasanayan
Naipamamalas ng mga magaaral ang pagpapaubaya ng pansariling kapakanan
para sa kabutihan ng kapwa.
Naipapakita ng mga mag-aaral ang mga ibat ibang paraan ng pagpapaubaya
para sa kapwa.
- Nakapagpapakita ng Gawain na pagpapaubaya para sa kabutihan ng kapwa.
- Matutukoy ang mga ibat ibang pagpapaubaya ng pansariling kapakanan para
sa kabutihan ng ibang tao.
- Nasusuri ang mga bagay bagay pagpapaubaya ng pansariling kapakanan sa
pamamagitan ng pagsasadula sa mga ibat ibang Gawain.
- Nahihinuha na: Nakapagpapaubaya ng pansariling kapakanan para sa
kabutihan ng kapwa. (ESP Modyul 5)
II. Nilalaman
Nakapagpapaubaya ng pansariling kapakanan para sa kabutihan ng kapwa
III. LEARNING RESOURCE
A. References
EsP5P-IId-f-26
modyul
1. Teacher’s Guide pages
2. Learner’s Materials pages
Module week 5 pages
3. Textbook pages
4. Additional Materials from
Learning Resource (LR) portal
Gawain, power point presentation
B. Other Learning Resources
IV. PROCEDURES
Before the Lesson
Balik Aralin
A. Review previous lesson or presenting
the new lesson
Panuto: Kumpletuhin ang graphic organizer sa ibaba gamit ang iyong natutunan s
naunang modyul 4. Isulat ang kaibahan sa una at huling bahagi at pagkatulad s
gitnang bahagi ng graphic organizer..
Aking mga
Tungkulin Para
sa Pamilya
Aking mga
Tungkulin Para
sa Simbahan at
Pamayanan
Subukin
B. Establishing a purpose for the lesson
*Iginagalang mo ba ang opinion ng iyong kaibigan, kalaro, kaklase at lalo na ang
ideya ng iyong mga kapatid at magulang?
* Paano ka nagpapahayag ng ideya?
C. Presenting examples/instances of the
new lesson
Kopyahin at sagutan ang Gawain. Lagyan ng PO kung paggalang sa opinion ang
pinapahayag ng parirala at DPO naman kung hindi.
______1. pakikinig sa sinasabi ng kapwa
______ 2. paninigaw
______ 3.paglalagay ng sarili sa saitwasyon ng kapwa
______ 6. pananakot ng kapwa
______ 7. paggamit ng mga di nakakasakit na salita
______ 8. pagpipilit na ang sariling opinion ang tama
______ 9. pagsasaalang-alang ng damdamin ng kapwa
_______ 10. paggamit ng masasakit na salita sa kapwa.
During the lesson
D. Discussing new concepts and
practicing new skills
Tuklasin Panuto:
Basahin ang kuwento at sagutin ang mga tanong sa ibaba. “Nagbago si Rosy”
Mahal si Rosy ng kaniyang nanay at kapatid. Ngunit palagi siyang
pinaaalalahanan ng kaniyang nanay na ayusin niya ang kaniyang mga gamit at
labhan ang kaniyang mga damit. Nahihirapan siyang gawing mag-isa ang mga
takdang-gawain. “Tingnan mo ang kama mo, Rosy! Nagkalat ang marurumi mon
damit. Dapat mong labhan ang mga ito, pagpapaalaala ng kaniyang ina.
“Kailangan ko po bang gawin iyan? Masusugatan po ang mga kamay ko. Bakit
hindi na lang po kaya tayo kumuha ng kasambahay?” mungkahi ni Rosy. “Rosy,
hindi dapat na laging umaasa sa isang kasambahay. Kailangang matuto kang
gawing mag-isa ang mga takdang-gawain.” “Masyado po akong mapapahiya
kung makikita ako ng mga kaibigan ko na naglalaba,” pagpipilit ni Rosy. “Bakit
ka mapapahiya Tiyak na hindi dapat dahil nagtatrabaho ka. Mas nakakahiya ang
katamaran. Walang patutunguhan ang mga taong tamad.” “O, sige po Inay,
lilinisin ko po ang kuwarto ko. Lalabhan ko na rin po ang mga damit ko.
Ipinapangako ko po iyan.” “Okey, aasahan ko iyan! Mula ngayon kailangang
linisin mo ang iyong kuwarto at labhan ang iyong mga damit. Dapat kang
magtrabaho nang mabuti para sundin ka ng nakababata mong kapatid. ”Opo,
Inay, ipinapangako ko po. Magiging mabuting modelo ako para sa nakababata
kong kapatid,” paninigurado ni Rosy sa kaniyang ina. Sagutin ang mga
sumusunod na tanong batay sa kwento.
1. Ano ang palaging ipinapaalala kay Rosy ng nanay niya?
2. Bakit kailangang baguhin ni Rosy ang kaniyang nakagawian?
3. Paano maging ‘mabuting modelo’ ang isang batang tulad mo?
4. Ano ang natutunan ninyong magandang aral sa kwento. Ipaliwanag.
5. Ano ang palaging ipaalala ng iyong nanay bilang iyong tungkulin na
ginagampanan?
 Ang bawat isa satin ay pinagkalooban ng Maykapal ng isip at Kalayaan
upang Malaya tayong makapagbigay ng kuro-kuro o opinion. Sa madalng
salita, tayo ay malayang makapagpahayag ng ating nararamdaman o
ideya sa isang tao bagay o pangyayari. Ngunit kasama ng malayang
pagpapahayag ng ating opinion ay ang responsibilidad at tungkulin na dal
nito.
 Bilang Pilipino isa sa mga kaugalian natin ay ang pagiging magalang.
Naniniwala tayo na ang tunay na pagpapahayag ng opiniyon o ideya ay
nakabatay sa respeto at paggalang. Nagkakaroon ng tunay na
pagkakaunawaan at kapayapaan kung nagingibabaw palagi ang paggalang
lalo na sa opinion o ideya ng iba
 Freedom of speech ( article III, Bill of rights section 4) ito ay malayang
pagpapahayag ng opinion na hindi hinahadlangan ng sinoman. Ngunit ito
ay may limitation. Hindi maaring gamitin ang Kalayaan mo sa
pagsasalita sa paninira ng puri ng iyong kapwa, pagbibintang nag walang
sapat na ebidensya pagmumura o pambabastos, pagsuway sa batas at
pagsisiwalat ng pribado at maseselang impormasyon sa publiko.
 Ang pagbibigay ng opinion ay daan upang magkaroon ng bagong kaalaman
at makapagbaagi ng sariling kaalaman na magtatapos sa isang
makabuluhang usapan.
1. Pakikinig nang Mabuti sa opinion ng iyong kapwa. Ikaw man ay
sumasangayon o di sumasangayon, making ka muna at pagkatapos ay
maari mong ilahad ang iyong opinion sa maayos at mahinahong paraan.
2. Ilagay ang sarili sa sitwasyon ng iyong kausap. Ito ay isang paraan
upang mas maunawaan ang opinion ng kausap. Iwasang gumamit ng
masasakit na salita tulad ng pagmumura at pambabastos.
3. Isaalang-alang ang damdamin ng taong kausap. Ang magandang
ugnayan ay palaging nagtatapos sa magandang usapan.
E. Developing Mastery
Piliin sa mga sumusunod kung alin sa sitwasyon ang pinapahayag.
a. Pakikinig nang Mabuti sa opinion ng iyong kapwa.
b. Ilagay ang sarili sa sitwasyon ng iyong kausap.
c. Isaalang-alang ang damdamin ng taong kausap
1. Si Mary ay naghihintay na matapos ang ina na sa pagsasalita kahit alam
nito na siya ay tama.
TASK 1- ( Whole class activity )
2. Nakatingin sa malayo si Anita alam niyang makakasakit siya ng
damdamin kung aalis siya ng hindi pa natatapos sa pagsasalita ang
panauhing pandangal.
3. Galit na galit na si Lando sa kanyang kaibigan ngunit pinipigil niya ito a
pinapakinggan muna ang nangyari upang sa ganun ay maayos ang problema.
TASK 2( Collaborative Approach)
Pangkatang Gawain
bawat grupo ay magpapakita ng dula na nagpapakita ng pakikiisa.
Grupo 1- pagpapakita ng pagpapaubaya para sa kapamilya
Grupo 2- pagpapaubaya para sa kapakanan ng kakaklase
Grupo 3- pagpapaubaya sa ibang tao.
Suriin
F. Finding practical applications of
concepts and skills in daily living
Bilang isang bata, may tungkulin ka sa iyong pamilya, paaralan, simbahan, a
pamayanan. Hindi man maituturing na mabibigat sa bagay ang mga tungkuling ito
inaasahan pa rin ang iyong pagsusumikap na ito ay magampanan. Ang pagtupad s
mga tungkuling ito ay totoo hindi lamang sa iyo.
Panuto: Bilugan ang titik kung ano ang gagawin mo sa mga sumusunod na sitwasyon
1. Sabado ng umaga. Maagang namalengke ang nanay mo. Marumi ang mesa a
may mga hugasing plato sa lababo.
a. Hindi ka maglilinis o maghuhugas ng kahit ano.
b. Lilinisin mo ang mesa at iiwan ang mga plato sa lababo.
c. Lilinisin mo ang mesa at huhugasan ang mga plato sa lababo
d. Tatawagan mo sa telepono ang iyong kaibigan. Makikipagkuwentuhan sa kaniy
habang hinihintay mong dumating ang nanay mo at hayaang siya ang maghugas n
plato.
2. Linggo. Isinasama ka ng ate mo sa palengke. Alam mong ikaw ang pagbubuhati
niya ng mga bibilhin niya.
a. Sasamahan mo siya sa palengke.
b. Sasabihin mong hindi ka makakasama dahil masakit ang iyong ulo.
c. Magdahilan ka na hindi ka makakasama dahil kailangan mong mag-aral par
sa iyong pagsusulit.
d. Sasabihin mo sa kaniya na may kamag-aral kang bibisita kaya kailangan mon
manatili sa bahay.
3. Lunes ng umaga. Nagsabi ang inyong lider na gagawa kayo ng Powerpoin
Presentation sa silid-aklatan pagdating ng lunch break.
a. Kaagad na sumang-ayon.
b. Sasabihin sa lider na hindi ka puwede dahil lunch break.
c. Sasabihin sa lider na pagod ka dahil marami kang ginawa sa bahay noong Linggo
d. Sasabihin sa lider na magbayad na lang ng ibang gagawa para tiyak na magand
ang gawa ng inyong pangkat.
4. May paligsahan sa paggawa ng poster para sa kalinisan ng inyong barangay
Inaanyayahan na makibahagi ang lahat, kasama ang mga kabataan na magaling s
computer dahil digital ang poster na kailangan.
a. Makibahagi nang may pasubali.
a. Makibahagi nang may pasubali.
b. Himukin ang iba na makibahagi.
c. Magkulong sa bahay sa araw ng paligsahan.
d. Magkunwaring walang nalalaman tungkol sa paggawa ng poster na gagamitan n
computer
.5. Naatasan kang mag-ayos ng entablado na gagamitin sa programa sa inyon
paaralan. Nagboluntaryo si Rudy na bumili ng mga bagay na kailangan. Mataga
bago nakabalik si Rudy kaya natagalan din kayo sa pag-aayos ng entablado.
a. Sitahin siya sa pagkakaantala.
b. Hiyain si Rudy para maturuan ng leksiyon.
c. Iwanang mag-isa si Rudy para siya ang mapahiya.
d. Paalalahanan siya ng kahalagahan sa pagiging nasa takdang oras
After the lesson
G. Making generalizations and
abstractions about the lesson
H. Evaluating learning
 Ang pagmamalasakit at kabutihan para sa kapuwa ay naipapakita sa
mahusay na pagganap ng tungkulin sa sarili
 Ang paggalang sa mga karapatan ng bata ay pangangalaga sa mga
pangangailangan nila at pagpapahintulot na maabot nila ang
pinakamahusay na kakayahan.
Panuto: Basahin at intindihin ang bawat sitwasyon. Isulat sa patlang ang OO
kung may paggalang sa kapakanan ng iba, at HINDI kung wala.
___________1. Tinatawag mo ang ibang tao ng nakaiinsultong pangalan
upang maging katawa-tawa sila.
___________2. Binabasa mo ang mga sulat na hindi para sa iyo.
___________3. Iginagalang mo ang opinyon ng ibang tao kahit na kaiba ito sa
iyo.
___________4. Ipinagbigay-alam mo sa iyong mga magulang ang mga
pangyayari sa paaralan.
___________5. Pumapasok ka sa kuwarto ng iyong kapamilya nang hindi
nagpapaalam.
___________6. Sinasaktan mo ang damdamin ng iyong mga kamag-aral at
kaibigan.
___________7. Sinisikap mong matulungan ang isang kamag-anak o kaibigan
na may kapansanan.
___________8. Nagbibigay ka ng pagkain sa taong nagugutom.
___________9. Ipaalam sa awtoridad kapag nakaririnig o nakababasa
tungkol sa mga pang- aabuso sa mga may kapansanang tao, manggagawa, o
bata. __________10. Ginagamit mo ang cellphone ng nakatatanda mong
kapatid nang hindi nagpapaalam.
Takdang Aralin
I. Additional activities for application
or remediation
V. REMARKS
VI. REFLECTION
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha
ng 80% sa evaluation.
B. Bilang ng mag-aaral na kailangan
ng dagdag na aktibidad para sa
remediation na nakakuha ng mas
mababa pa sa 80%.
C. Did the remedial lessons work? No.
of learners who have caught up with the
lesson.
D. No. of learners who continue to
require remediation.
Panuto: Gumuhit ng batang nagpapakita ng pagpapaubaya ng sariling
kapakanan para sa kabutihan ng kapuwa
E. Which of my teaching strategies
worked well? Why did this work?
F. What difficulties did I encounter
which my principal or supervisor can
help me solve?
G. What innovation or localized
materials did I use./discover which I
wish to share with other teachers?
Prepared by:
HAISSA M. CORTINA
Download