Uploaded by teachbenzel

IMRAD-PANANALIKSIK-FINAL (1)

advertisement
LEYTE NORMAL UNIVERSITY
Kolehiyo ng Edukasyon
GE 123 FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA
“Pagdalumat sa Lawak at Gamit ng Filipino sa Arena ng Akademya at Lipunan”
IKA-PITONG UTOS: PAGTUKLAS SA PANGANGALUNYA
NG KABIYAK SA ASAWA
Mga May-akda
Ivyliene P. Catapal
Imee Jane B. Cuayzon
Frichell Kim P. Gamba
2003952@lnu.edu.ph
2003702@lnu.edu.ph
2003728@lnu.edu.ph
Batsilyer ng Edukasyong Sekundarya
Medyur sa Edukasyon sa Pagpapakatao
Mayo 2023
IKA-PITONG UTOS: PAGTUKLAS SA PANGANGALUNYA NG
KABIYAK SA ASAWA
(1)
Ivyliene P. Catapal, (1) Imee Jane B. Cuayzon, (1) Frichell Kim P. Gamba
College of Education
Leyte Normal University
Abstrak
Ang pagsusuri na ito ay tungkol sa pagtuklas sa pangangalunya ng kabiyak sa asawa sa loob ng kanilang relasyon
na naglayon na tuklasin ang mga salik na nakaaapekto sa pagliliho ng kabiyak, kaugnay ang mga naging epekto
nito sa relasyon ng buhay mag-asawa, at higit sa lahat ay kung paano nila pinanghawakan at hinarap ang
paghihirap at sakit na dulot ng pangangalunya. Saklaw ng pag-aaral na ito ang pelikula ng “The Neighbor’s Wife”
na ipinalabas noong 2011 sa direksyon ni Jun Lana, na ginampanan nina Dennis Trillo, Lovi Poe, Jake Cuenca at
Carla Abellana na sinuri sa paraan ng kwalitatibong pananaliksik na ginamitan naman ng tekstuwal na pagsusuri
at tematikong analisis alinsunod sa deskriptibong disenyo sa paglarawan sa pinapaksang isyu. Batay sa naging
resulta ng pagsusuri, ang kawalan ng kasiyahan sa asawa, paghihinala at kakulangan ng suporta ay ang mga salik
na nakita na nakaaapekto sa pagliliho nag kabiyak. Samantala, ang kawalan ng tiwala sa ka-relasyon,
stonewalling, paghihiganti, at pakiramdam ng pagkakaroon ng pananagutan ng anak ay ang mga naging epekto
ng pangangalunya sa buhay ng mag-asawa at sa kanilang pamilya. Nakita rin sa pagsusuring ito, na sa kabila ng
mga hamon at epekto ng pangangalunya ay nalutas ang problemang ito sa pamamagitan ng pastoral counselling,
paghahanap ng pinagkakaabalahan, pagwawasto ng pagkakamali, at pagsisimulang muli. Ang mga resulta ng
pananaliksik na ito ay maaaring magbigay ng mga patnubay at rekomendasyon sa pagpapaunlad ng mga
kasanayan sa pang-unawang aspeto, komunikasyon, pagtanggap, at pagpapalakas ng suporta sa pagitan ng mga
mag-asawa.
Mga Susing Salita: Kawalan ng Tiwala, Pangangalunya, Panghihinala, Pastoral Counselling, at Stonewalling
I. Panimula
Sa Pilipinas kung saan Roman Katoliko ang namamayaning relihiyon (Sestoso & Madula, 2019), ang kasal ay
isang sagradong sakramento na sumasagisag sa pinagtibay na relasyon ng dalawang taong nagdesisyon na
magsama habang-buhay. Ito ay isang espirituwal na bigkas ng magkatipan at pinabanal ng Panginoon upang sila
ay maging isa (Brown, 2011). Bilang isang sagradong pagkakaisa ang pagpapakasal, mahigit na ipinagbabawal
ang pagliliho at/o pangangalunya sa isang relasyon alinsunod sa paniniwala ng Katolikong Romano at
Kristiyanismo. Ang pangangalunya ay tumutukoy sa pagtingin ng asawa sa ibang tao ng may pagnanasa at
pakikipagtalik sa hindi niya asawa. Binigyan-diin sa Art. 333 ng “The Revised Penal Code of the Philippines” na
ang pangangalunya o adultery ay isang gawain na kung saan sinuman sa mag-asawa ay nakikipagtalik sa hindi
niya asawa at alam ng taong ito ang tungkol sa kanyang asawa, kahit na ang kasal ay walang bisa. Sa madaling
salita, ito ay nagpapakita ng kawalan ng respeto at pagiging hindi matapat sa kaniyang asawa. Kung saan. ang
isyung ito ay isa sa mga pataas na usapin sa lipunan batay sa datos na ibinigay ng Office of the Solicitor General
hinggil sa pagtaas ng mga annulment case taon-taon mula 2014, kahit ito’y mahigit na tinututulan ng lipunan (Sy
Su at Castro, 2014).
Dito sa Pilipinas marami nang nangyayari at nababalitaan tungkol sa pangangaliwa. Ito ang pangunahing
alalahanin ng mga pamilya tungkol sa pag-aasawa; ang posibilidad ng pakikipagrelasyon sa ibang tao na
nakakasira ng tahanan. Ang pangangaliwa ay maaaring mula sa simpleng pakikipagtipan hanggang sa pagtira sa
ibang tao bukod sa legal na asawa, tulad ng pagkakaroon ng kerida o kabit (Gonzales, 2003). Batay sa isinagawang
pag-aaral ni Medina (2015) karamihan sa mga nangangaliwa ay ang mga lalaki. Subalit, ayon kay Pizarro at
Fernandez (2015) mayroon ding mga babae ang gumagawa nito at itinanggi nito na ang kababaihan ay hindi
inaasahan na gawin ang pangangalunya o ang pagtataksil sa kanilang mga asawa sa kadahilanang “double
standard”. Ang “double standard” ay naglalaman ng paghuhusga sa mga kalalakihan at kababaihan nang
magkaiba para sa parehong sekswal na kilos. Ibig sabihin, ang mga kilos na maaaring tanggapin o purihin sa isang
kasarian ay maaaring ituring na di-kanais-nais o kababuyan sa ibang kasarian ito ay binigyang-kahulugan nina
Berrocal et al. (2022). Karaniwang nakukuha ang mga impluwensyang ito ay mula sa media kung saan natagpuan
ni Reyes (1991), ang pagkalat ng mga representasyon ng kababaihan sa iba't ibang palabas o programa sa
telebisyon, kabilang dito ang pagpapakita ng mga karakter bilang kabit o kerida sa mga soap opera. Binanggit din
niya na karamihan sa nilalaman ng mga programa ay gumagamit ng mga konbensyonal na imahe at stereotypical
na representasyon na inaakala ng mga prodyuser na nasa isip ng mga manonood. Ipinapakita nito na ang mga
programa, pati na rin ang mga pelikula, ay nagpapatuloy sa pagpapanatili ng mga estereotipo.
Hindi linggid sa kaalaman ng mga tao na isa sa mga suliranin na patuloy kinakaharap ng bansang Pilipinas
ay ang paglaganap ng kataksilan o pangangalunya ng asawa sa kaniyang kabiyak. Ang kataksilan ng asawa sa
kaniyang kabiyak ay maaring magdulot ng maraming epekto sa asawa at isa rito ay ang pagkasira ng tiwala ng
kabiyak na maaring maging isang sanhi ng pagkawatak-watak o pagkasira ng isang masayang pamilya. Ang magasawang may kinakaharap na ganitong suliranin ay maaring mag “out of town” o maglaan ng oras “quality time”
na maaring makatulong upang maibalik ang dating pagsasama ng isang pamilya. Katulad ng materyal na ginamit
sa pag-aaral na ito, ang parehong magkapares na mag-asawa ay naglaan ng oras sa kani-kanilang pamilya upang
maibalik ang masayang pagsasama at tiwala ng bawat isa.
Bilang isa sa iilang bansa ang Pilipinas na itinuturing na krimen ang pangangalunya alinsunod sa Revised
Penal Code of the Philippines (1930), higit na lalo sa Kristiyanismong relihiyon, ang pag-aaral na ito ay
magbibigay-linaw sa mga mag-asawa upang pagtibayin ang kanilang pagsasama at hindi magpadala sa matang
mapagtukso. Dito ay lubos nilang maiintindihan na ang pangangalunya ay pagtataksil sa asawa, pamilya, at sa
salita at utos ng Diyos na magbibigay daan upang sirain ang kanilang pinagtibay na samahan. Isa itong pagsusuri
na makakatulong sa lipunan na bigyang-pansin ang sulirining pampamilya at bigyan ng mas kapaki-pakinabang
at tamang askyon mula sa gobyerno upang masupurtahan ang kanilang mga hinaing at pangangailangan nang sa
gayon ay bumaba ang kaso ng annulment sa Pilipinas hinggil sa pangangalunya. Higit pa rito, ang mag-asawang
humaharap sa suliraning ito ay maaaring sumubok ng counselling upang sila ay mas mabigyan ng propesyunal na
patnubay at payo sa paglutas ng kanilang problema. Maaari din naman silang dumalo sa libreng
pampamilyang/mag-asawang seminar upang mas maging matibay pa ang kanilang pagsasama at relasyon. Sa
pagsusuring ito, mabibigyang pagpapahalaga ng lipunan ang pamilya bilang pangunahing pundasyon sa pagbuo
ng lipunan.
1.1 Saligang Teoritikal
Ang pag aaral na ito ay gumamit ng teoryang Sikolohikal. Isa sa naging sikat na sikolohiyang teorya ay ang
saykoanalysis na ideya ni Sigmund Freud (1890); kanyang id, ego, at super-ego. Ang id ay bunga ng walang malay
o unconscious na parte ng pag-iisip ng isang tao. Bagamat, ang pre-conscious ay tumutukoy sa walang malay
ngunit maaring maalala muli ng isang tao ang kaganapan. At ang panghuli, ay ang may malay o conscious na
aspeto ng tao; may kaalaman sa partikular na kaganapan. Dagdag pa rito, Ayon sa libro nina Santigao et al. (1989),
isinaad sa naturang aklat na nasa tao ang desisyon kung tama o hindi ang kanilang ginagawa. Kaugnay rin dito na
ang ‘desire’ na isang dahilan upang maganap o mangyari ang kapasyahan ng isang tao. Isa sa naging
tagapagtaguyod na nagdebelop ng saykoanalisis ay si Jacques Lacan. Sa mga akda nina Sarup (1992) at Zizek
(1991), inilahad nila ang ideya ni Lacan na nagpapahiwatig ng pag-unlad ng saykoanalisis na nagbibigay diin sa
mga ideya tungkol sa kagustuhan (desire) at saykoanalitik. Ang desire ay ang pagkamungkahi o pagkagusto sa
isa’t isa. -diin ng nasabing sikolohikal na teorya na mayroong pagkakaiba sa kung ano ang kailangan ng tao at
kung anu ang kulang sa kaniya na nais niyang matamo.
Ang ego bilang tagapagbalanse sa desisyong gagawin ng tao tulad ng pagliliho ay may malaking epekto sa
aksyong gagawin ng isang tao. Kapagnasunod ang super-ego marahil ay humantong sa kasukdulang pangyayari
ang simpleng kawalan ng gana. Ang ‘desire’ na nakaungkit sa pagkatao nating lahat ay maari ring makaapekto sa
desisyong gagawin ng bawat tauhang nasa isang relasyon. Ang kagustuhang gawing ang isang negatibong bagay
bagamat walang konkretong dahilan ay nagiging possible dahil sa desire na nadarama ng isang tao. Ito ay maging
emosyonal, pisikal, at maging pinansiyal, ang pagtugon sa kagustuhan ang nagiging rason sa paggawa ng isang
bagay.
Isa pang teoryang tumatalakay sa realidad na kinakaharap ng pagliliho ay ang teoryang realismo ni John
Locke (1689). Ang teoryang Realismo ay naka sentro sa mga kaganapang nangyayari sa tunay na buhay (Bantique,
2018). Ang pangangaliwa ay hindi lamang nakatuon sa sikolohikal na aspeto. Bagkus ay nagbibigay daan upang
buksan ang kaisipan sa realidad ng buhay sa paksang ‘adultery’ o pangangalunya.
Ang pangangaliwa ay isang yugto sa buhay mag-asawa ma humahantong sa pagkakasala ni mister o ni misis,
Ito ay realidad na nararapat talakayin at bigyan ng pansin. Ang pagkakaroon ng relasyon ng taong may asawa ay
ipinagbabawal sa batas. Subalit, laganap ito at isa sa mga maramimg dahilan kung bakit humahantong sa
hiwalayan ang isang minsan ay masayang tahanan. Ito ay nag-uugat sa maraming kadahilanan, na iisa ang
magiging tugon; pagkasira o paghihiwalay.
1.2 Layunin
Ang pagsusuri na ito ay naglalayong tuklasin ang kaliluhan ng kabiyak sa kaniyang asawa sa loob ng kanilang
pagsasama. Partikular nitong sinasagot ang mga sumusunod na katanungan: (1) Ano ang mga salik na
nakakaapekto sa pagliliho ng kabiyak sa kanyang asawa? (2) Paano nakakaapekto ang pangangalunya sa relasyon
bilang mag-asawa? (3) Paano hinarap at tiniis nang asawang pinagtaksilan ang paghihirap at sakit na dulot ng
pangangalunya ng kaniyang kapareha?
II. Metodolohiya
Sa pag-aaral na ito, ang mananaliksik ay gagamit ng kwalitatibo o deskriptibong disenyo. Pinili ng mga
mananaliksik ang kwalitatibo o deskriptibong disenyo ng pananaliksik na naglalayong suriin ang pelikula upang
malaman kung paano ginagampanan at inilalarawan ng mga tauhan sa pelikula ang pangangaliwa. Layunin rin ng
pag-aaral na matukoy ang mga pag-uugali ng mga tauhan at ang mga pamamaraang ginagamit sa pagkukuwento
o pagpapahayag ng konsepto ng pangangaliwa. Samantala, upang masuri ang kontekstong nais malaman ng mga
mananaliksik, gingagamit ang tekstuwal na pagsusuri upang mapag-aralan ang mga pangyayari sa pamamagitan
ng media. Sa ganitong paraan, ang mga ginagampanang tungkulin ng mga panauhin ay nakikilatis base sa kung
paano sila tignan ng lipunan (Bainbridge, 2011 at McKee, 2003).
Mahalaga na tandaan na ang pagsasagawa ng isang pag-aaral ay nangangailangan ng malinaw na
paglalarawan at pagsasalarawan sa mga pinagbatayan at pamamaraan na ginamit ng pag-aaral. Kung kaya, ang
mga mananaliksik ay gumamit ng materyal bilang isang referens sa isasagawang pagsusuri. Ang mga
mananaliksik ay ginamit ang pelikulang isinagawa ni Jun Lana pinamagatang "The Neighbor's Wife" bilang
referens o material sa pag-aaral na ito. Ito ay ipinalabas noong 2011. na ginampanan nina Dennis Trillo, Lovi
Poe, Jake Cuenca at Carla Abellana. Ang kwento ng pelikula ay tumutukoy sa dalawang magkaibigang mag-asawa
at ang mga emosyonal na pagsubok na kanilang pinagdadaanan kapag naharap sila sa pangangaliwa sa pagsasama.
Sa paggamit ng material na ito, ang mga mananaliksik ay nag-nanais na suriin ang mga temang nabanggit sa
pelikula at ang kwento nito. Gayundin, maaaring gamitin ang pelikula bilang halimbawa o punto ng pag-aaral
para sa mga konsepto tulad ng moralidad, pagsasama ng mag-asawa, o implikasyon ng mga hindi malayang
relasyon.
Sa mga nakalap na datos mula sa sinuring materyal, ginamit ng mga mananaliksik ang tematikong analysis
upang ilarawan ang mga nalikom na padron sa pagsusuring ginawa sa paghanap ng mga temang umiiral sa loob
ng sinuring datos. Ginagawa ito upang magbigay ng semantikong paglilinaw sa mga datos at representasyon
(Castillo, Rementilla, & Runguin, 2018) sa pamamagitan ng pagsusuri, pagbabawas at pag aayos sa nakalap na
datos mula sa materyal upang i-transkrayb nang masiguro ang kawastuhan ng temang nakapaloob sa nalikom na
impormasyon (Alhojailan, 2012). Sa prosesong ito mas higit na mauunawaan ang mga representasyon ng ideya
mula sa mga umiiral na datos sa sinuring materyal ukol sa pangangalunya ng asawa sa sa kaniyang asawa.
III. Resulta at Pagtatalakay
Sa bahaging ito ipinapakita ang mga natuklasan at kabuuang resulta ng mga nakalap na datos mula sa pangunahing
materyal na ginamit sa pagsusuri. Ang mga datos na ito ay partikular na nauugnay hinggil sa pangangalunya ng
kabiyak sa kaniyang asawa. Ito ay nakalahad sa patalatang paraan na kung saan makikita ang mga temang lumitaw
sa pagsusuri na tumatalakay sa mga suliranin ng pag-aaral.
1. Salik na nakakaapekto sa pagliliho ng kabiyak
Ang pagliliho ng kabiyak ay isang malalim at komplikadong isyu na nakakaapekto sa mga mag-asawa at kanilang
pagsasama. Sa isang pagsusuri na isinagawa ng mga mananaliksik, natuklasan na may mga salik na maaaring
magdulot o makaapekto sa proseso ng pagliliho ng kabiyak. Batay sa pagsusuri na isinagawa ng mga
mananaliksik, natuklasan na ang mga sumusunod ay ang mga salik na nakakaapekto sa pagliliho ng kabiyak:
1.1 Kawalan ng Kasiyahan sa Asawa
Ang pagiging masaya sa isang relasyon ay isa sa nagpapanatili sa dalwang kabiyak na magmahalan. Kaakibat ng
pagmamahal ang kasiyahang dulot nito sa mga tao. Kung tutuusin, is ito nagiging batayan sa pagdedesisyong
magpakasal. Subalit, ang kawalan nito ay isa rin sa rason ng pagliliho ng isang tao.
Ayon kina Gonzales, 2003; Medina, 2015; Pizarro at Fernandez (2015), isa pangunahing dahilan kung
bakit nasisira ang relasyon ng mag-asawa ay yung kawalan ng kasiyahan sa pag-aasawa. Ang kawalan ng
kasiyahan ay isang komplekading salik sapagkat mahirap itong malaman at kung minsan ay mahirap itong
tanggapin. Ang kawalan nito ay nangangahulugan ng pagkawala ng pundasyon sa isang buhay mag-asawa.
1.2 Paghihinala
May kasabihan na “marami ang namamatay sa maling akala”. Ito ay totoo maging sa konteksto ng isang relasyon.
Ang paghihinala ay normal na mekanismo ng isang tao pagnahaharap sa pagbabago ng pakikitungo, kilos, at
maging pananalita. Subalit, ito ay may negatibong apekto sa tao, lalo na kung ito ay walang batayan at nagiging
pangunahing salik ng pag-aaway at pagkakamalabuan.
Sa ginawang pag-aaral ni Juan (2018), ang mga lalaki ay kailangan ng respeto at pag-unawa mula sa
kanilang kabiyak. Kapag ang asawa ay puro sermon lang walang ibang nasasabi na magandang salita kundi puro
duda lang kaya ito ang nagiging dahilan kung bakit naghahanap ng iba ang isang tao. Hindi man katanggaptanggap, sa nagawang pag-aaral ito ay lumalabas na salik sa pagkawala ng gana na humahantong sa pagliliho.
1.3 Kakulangan ng Suporta
Ang pagdedesisyong magpakasal ay may kaakibat ng responsibilidad. Ang suportang pinansyal ay napakahalang
aspeto ng pagbuhay ng pamilya. Kung wala ito, iinaasahang hahantong sa masalimuot na katapusan ang isang
relasyon. Bagamat marami ang solusyon upang matugunan ang naturang salik sa pagliliho, ito ay nakakaligtaan
na nagreresulta sa paghahanap ng ibang tao upang makuha ang suportang inaasahan sa kabiyak.
Ayon kay Rosienne (2021), saya ang dulot sa isang pamilya kung ito ay nakakatanggap ng sapat na
suporta. Ang suporta ay nagsisislbing matibay na pundasyon, lalo na sa pagpapanatili sa isang pamilya. Ang
suportang pinansyal mula sa aasawa ay nangangahulugang ang lalake o babae ay ginagampanan ang kani-kanilang
tungkulin.
Sa kabuuan, ang mga salik na nakita sa pagsusuri ay kawalan ng kasiyahan sa asawa, paghihinala, at
kakulangan sa suporta na kung saan ang mga ito ay naghahatid sa hindi pagkakaunawaan ng mag-asawa na kapag
tumagal ay nagreresulta sa pangangalunya ng asawa. Ang mga ito ay isang negatibong posisyion na pumapasok
sa relasyon ng mag-asawa kapag ang kanilang pundasyon ay hindi gaanong matibay. Kung kaya’t sa mga ito rin
nagsisimula ang lahat ng problema na hinaharap ng mag-asawa na naguudyok sa isa na magtaksil o mangaliwa
2. Epekto ng Pangangalunya sa Relasyon
Isang malaking hamon at sigalot ang pagtataksil sa pagitan ng mag-asawa na nagdudulot ng hinagpis sa kabiyak
na nakaaapekto hindi lang sa kanilang relasyon bilang mag-asawa kundi maging sa kanilang mga anak. Ito ay
maaring magdulot sa kabiyak maging ang mga anak na magtanim ng puot o galit sa kanilang mga damdamin,
pagkasira ng tiwala, samahan ng pamilya at marami pang iba. Kung kayat batay sa isinagawang pagsusuri ng mga
datos sa nakuhang materyal para masuporatahan at magpagtibay ang pag-aaral na ito, natuklasan ang mga
sumusunod na epekto ng pangangalunya sa relasyon:
2.1 Pagkawalan ng Tiwala sa Ka-relasyon
Isa sa mga temang lumitaw batay sa isinagawang pagsusuri ay ang pagkawala ng tiwala ng ka-relasyon, na kung
saan ang tiwala ay isang importanteng aspeto at pundasyon na nagpapagtibay sa samahan o ugnayan sa pagitan
ng mag-asawa. Subalit, ang temang ito kung ang kabiyak ay nagtaksil na magdudulot ng malaking pagkasira sa
tiwala ng kapareha o asawa. Ayon sa temang nabuo, ang nasirang tiwala ng isang tao dahil sa kataksilan ay tunay
ngang napakahirap ibalik na kayang maihalintulad sa isang salamin na nabasag na kahit ito man ay pagtagpitagpiin at mag mukhang buo at bago hindi pa rin nito maibabalik sa dati. Ang proseso ng pagbabalik ng tiwala ay
maaaring maging matagal, kailangan ng mahabang panahon ng pagpapakita ng katapatan, pag-unawa, at
pagpapakumbaba mula sa taong nagtaksil. Kailangan din ng patuloy na komunikasyon, pagtatanong, at paglilinaw
ng mga isyu upang malunasan ang mga insecurities at pagdududa.
Gayundin isinaad ni Ryan (2021), na maaari rin itong humantong sa isang pakiramdam ng kawalan ng
kapanatagan dahil karamihan sa mga tao nakaranas ng pagtataksil ay sinisisi ang kanilang sarili sa panloloko ng
kanilang kapareha. Ang pagdududa sa sarili at ang pakiramdam na hindi sapat ay mga reaksyon na karaniwang
lumalabas sa mga taong pinagtaksilan. Maaaring isipin ng mga indibidwal na sila ang may pagkukulang o
nagkulang sa relasyon, na nagdulot sa kanilang kapareha na mangaliwa. Sa pagkawala ng tiwala sa ka-relasyon,
maaaring magresulta rin ang kawalan ng kumpiyansa at kawalan ng kapanatagan sa sarili dahil sa ginawang
pagtataksil.
2.2 Stonewalling
Batay sa isinagawang pag-aaral isa sa mga temang lumitaw ay ang stonewalling o pagkawala ng gana sa
pakikipag-usap sa kabiyak isa itong uri ng komunikasyon kung saan ang isang tao ay sadyang hindi
nagpapahalaga, hindi nakikipagtulungan, o hindi sumasagot sa mga alalahanin, mga tanong, o mga kahilingan ng
ibang tao. Karaniwang ginagamit ito bilang isang depensibong taktika upang maiwasan ang alitan, maiwasan ang
pagkakasala, o magkaroon ng kontrol sa isang relasyon o pag-uusap. Dahil sa suliranin ng mag-asawa sa
pelikulang sinuri, ang stonewalling ay nagaganap dahil sa pagtataksil ng kabiyak.Ang pagtataksil ay isang aktong
paglabag sa tiwala at pangako ng isang tao sa isang nakikipagrelasyon sa kanila. Ito ay maaaring magdulot ng
malalim na pagsisisi, pagkabigo, at pagkasira ng tiwala mula sa panig ng taong pinagtaksilan. Ang stonewalling
na sanhi ng pagtataksil ay maaaring mangahulugan na ang taong nagtataksil ay hindi handa o hindi nais na harapin
ang mga kahilingan, alalahanin, o mga emosyonal na epekto ng kanilang pagkakasala. Sa halip na harapin ang
mga isyung ito nang bukas at malasakit, ginagamit nila ang stonewalling bilang isang paraan upang takasan ang
responsibilidad at pagpapakumbaba sa kanilang mga pagkakamali.
Ayon sa isinagawang pag-aaral ni Reynolds (n.d.), ang stonewalling o pagkawala ng gana sa pakikipagusap ay maaaring magdulot ng mga problema sa relasyon dahil sa pagsasarado ng komunikasyon at hindi paglutas
ng mga suliranin. Ang epekto nito ay maaaring maging malubha, na nagdudulot ng frustrasyon, panghihina ng
loob, at pagkabahala sa kabilang partido. Para malunasan ito, mahalaga na magkaroon ng malalim na pag-uusap
tungkol sa mga isyu at maipahayag ang mga saloobin at pangangailangan. Ang paghahanap ng solusyon at
kompromiso ay mahalaga, ngunit kung hindi ito nagtatagumpay, maaaring humingi ng tulong sa mga propesyonal
na tagapayo o terapis upang matugunan ang mga suliranin at palakasin ang ugnayan. Mahalaga rin na maunawaan
na ang stonewalling ay hindi malusog na paraan ng pagharap sa mga suliranin, kaya ang malayang komunikasyon
ay mahalaga sa pagpapanatili ng matatag at malusog na ugnayan.
2.3 Paghihiganti
Isa rin sa temang nabuo batay sa pag-aaral ay ang paghihiganti. Ang paghihiganti dahil sa pagtataksil ay hindi
malusog o makabuluhang paraan ng pagharap sa suliranin sa isang relasyon. Ito ay magdudulot ng karagdagang
tensyon at masasaktan pa ang ibang partido, maaari rin itong humantong sa hindi makatwirang pagpapasya. Ang
labis na emosyon at galit na dulot ng paghihiganti ay maaaring makaapekto sa kakayahang magpasiya nang
malalim at mahinahon. Kapag ang isang tao ay puno ng galit at emosyon, maaaring maging mahirap sa kanila na
makita ang buong larawan at magpasya batay sa tamang pag-iisip at pagmamatuwid.
Kagaya nala mang ng isinaad ni Rosienne (2021) sa kanyang blog, ang paghihiganti ay maaaring
magpalala ng galit at poot sa pagitan ng mag-asawa. Ito ay nagreresulta sa patuloy na negatibong damdamin na
maaaring humantong sa patuloy na pag-aaway at hindi pagkakasunduan. Sa halip, ang tamang paraan ng pagharap
ay ang pag-focus sa pagpapagaling ng sugat sa relasyon. Mahalaga ang malayang komunikasyon at pag-unawa sa
isa't isa, kasama ang pagbibigay ng oras para pag-usapan ang mga nasaktan at magbigay-daan sa proseso ng
pagpapatawad. Sa mga malalalang kaso, maaaring humingi ng tulong sa mga propesyonal na tagapayo o terapis.
Mahalaga ang pagtataguyod ng respeto, malasakit, at pag-unawa sa loob ng relasyon, hindi ang paghihiganti,
upang magkaroon ng pangmatagalang kaligayahan at pagpapagaling.
2.4 Pakiramdam ng Pagkakaroon ng Pananagutan ng Anak
Isang malaking epekto ang dulot ng pagtataksil sa asawa ngunit mas malaki rin ang epekto ng pagtataksil sa
pamilya lalo na mga bata. Sa isinagawang pag-aaral, ang isa pang temang nabuo patungkol sa pagsusuring ito ay
ang pag-unawa ng responsibilidad (sense of responsibility). Ang mga bata ay madaling makaintindi at makaunawa
sa mga bagay na nangyayari sa kanilang paligid, samakatuwid ang pagtataksil ay hindi lamang sa asawa maaaring
makasama kundi pati na rin ang mga bata kahit na pinipilit ng mag-asawa na hindi ipaalam ang totoong nangyayari
tungkol sa kanila at sa kanilang pamilya. Kung malalaman ng mga bata ang tungkol sa pagtataksil na nagaganap,
maaring ang traumang makukuha ng bata ay maaaring mabawasan kung ang mga magulang ay nagpapakita ng
emosyonal na kontrol at ipaliwanag na ang mga bagay ng magi at maaaring malampasan nila ito. Ngunit ayon sa
ilang mga mananaliksik, ang pinakamasamang bagay na maaaring gawin ng isang magulang ay hilingin sa anak
na ilihim ang pagtataksil na ginagawa kung kayat ang pasanin ay dala-dala ng bata at dahil dito maaaring
magbabago sa pag-uugali ng mga magulang at magbunga ng sama ng loob at/o baguhin ang power dynamics sa
pagitan ng magulang at anak. Maaaring makaramdam ng matinding pressure ang mga bata na maging
tagapagtanggol o tagapagsalba ng pagkakamali ng magulang, na nagpapataas ng kanilang emosyonal na stress.
Ang kahihiyan, pagkawala ng tiwala, pagkalito, sama ng loob, pag-aalinlangan sa pagtataksil ng magulang ay
karaniwang mga karanasan para sa mga anak ng nandaraya na asawa.
Ayon kay Rosienne (2021), maaaring maapektuhan ang mental at emosyonal na kalusugan ng mga bata
Ang mga anak ay maaaring magkaroon ng mga isyu sa pagtitiwala at seguridad. Maaaring maging mahirap para
sa mga bata na bumuo ng malusog na mga relasyon sa hinaharap dahil sa mga insecurities at takot na dala ng
pagtataksil ng kanilang mga magulang. Bukod pa rito, ang pagtataksil ng magulang ay maaaring magdulot ng
galit at sama ng loob sa mga anak. Maaaring isipin ng mga bata na sila ang dahilan ng pagtataksil o hindi sapat
na mahal ng kanilang mga magulang. Ito ay maaaring magresulta sa pagdami ng galit, poot, o iba pang negatibong
emosyon na maaring magdulot ng tensyon sa kanilang mga relasyon sa mga magulang. Ang pagtataksil ay isang
malaking hamon sa mga pamilya, at ang pang-unawa, pagmamahal, at suporta mula sa ibang miyembro ng
pamilya at mga taong malapit sa mga anak ay mahalaga upang tulungan silang malampasan ang mga epekto ng
pagtataksil at maibangon ang kanilang kalusugan ng kaisipan at damdamin.
Sa kabuuan, ang pagkawala ng tiwala sa isang relasyon, kasama ang mga isyu ng stonewalling,
paghihiganti, at pag-unawa sa responsibilidad bilang isang anak sa isyung pagtataksil, ay nagdudulot ng malalim
at negatibong epekto. Ito ay nagreresulta sa kawalan ng kumpiyansa, kawalan ng komunikasyon, tensyon, at
distansya sa pagitan ng mga kalahok. Upang maibalik ang tiwala at magkaroon ng maayos na relasyon,
mahalagang magkaroon ng malalim na pag-unawa, pagpapatawad, at pagsisikap na malunasan ang mga suliranin
nang maayos. Ang pagtitiwala at respeto sa isa't isa, pati na rin ang pagkilala at pagtanggap ng responsibilidad sa
mga pagkakamali, ay mahalagang pundasyon sa pagpapanumbalik ng tiwala at pagpapatatag ng relasyon. Sa huli,
ang pagkakaroon ng malusog at matatag na relasyon ay nakaugat sa pag-unawa, komunikasyon, at pagpapahalaga
sa bawat isa.
3. Pagharap sa Sakit na dulot ng Kataksilan
Bilang isang gawaing immoral ang pangangalunya na nagbibigay ng iba’t ibang hamon at epekto sa relasyon ng
mag-asawa, isa sa mga suliranin ng pag-aaral na ito ay kung paano nila hinarap ang mga pagsubok na kanilang
naranasan sa pagtataksil ng kanilang minamahal. Sa isinagawang pagsusuri ng mga datos sa materyal na ginamit,
ang mga sumusunod ay ang mga temang nakita sa inalisang intrumensto—partikular sa mga paraan hinggil sa
pagharap ng asawa sa sakit na dulot ng kataksilan ng kanilang kabiyak:
3.1 Pastoral Counselling
Kabilang sa mga temang lumitaw ay ang pastoral counselling na isang anyo ng terapewtika na ginawa ng magasawa upang ibalik ang kanilang dating pagsasama. Kung saan ito ay gumagamit ng espirituwal na patnubay at
sikolohikal na pag-unawa mula sa isang tagapayo upang matulungan ang mag-asawa o ang mga taong nais
magtamo nito. Kaugnay sa paraan na ito ay ang pagtamo nila ng espirituwal na gabay, sa pamamagitan ng pagdalo
ng mga misa at pag-aaral ng bibliya upang mapagkalooban ng matiwasay at malusog na pagsasama ang kanilang
relasyon mula sa masakit na pangyayaring ninanais ibaon sa nakaraan. Kaya’t sa naging pagsusuri, ang pastoral
counselling ay nakatulong sa mag-asawa na malutas ang problemang kinakaharap sa kanilang buhay mag-asawa,
na kung saan ay nakita kung paano napaigting at napalakas muli ang kanilang relasyon sa paghangad ng
emosyonal at mental na paghilom at kapayapaan sa pagsasama ng dalawa.
Ayon sa isinagawang pag-aaral ni Gonzales et al. (2004) ang pagtamo ng pastoral counselling ay isa sa
pinakamainam na hakbang ng mag-asawa upang itayong muli ng mas solido ang kanilang buhay mag-asawa.
Aniya, sa konteksto ng terapewtika ng kasal, mas nakakatulong ang pagbibigay pokus sa espirituwal at
relihiyusong pagtamo ng makabuluhang buhay upang mapalapit at mabuhay muli ang ugnayan sa isa’t isa.
3.2 Paghahanap ng Pinagkakaabalahan
Ang paghahanap ng pinagkakaabalahan ay isa sa mga nakalap na datos na ipinikita bilang paraan ng pagharap ng
kabiyak sa kataksilan ng kaniyang asawa. “Hindi na lamang siya ang busy ngayon” pagdidiin ng pinagtaksilan
na asawa. Kaya’t sa isinagawang pagsusuri ay napansin ng mga mananaliksik na pagkatapos ng masakit na
pangyayaring nagawa ng asawa sa kaniyang kabiyak ay sinubukan niyang magpakatatag upang itayo at buuin
muli ang kaniyang sarili. At sa pagtatatag ng sarili ay higit nilang itinuon ang kanilang pansin sa mga bagay na
hindi niya nagagawa noon. At sa mga lumipas pang araw at buwan ay pinili ng asawa na igugol ang kaniyang
sarili sa mga bagay na kung saan maiwawaksi sa kaniyang isipan ang katotohanan na ginawang pagsasamantala
ng asawa bilang isang paraan ng pagdala ng sakit na nararamdaman. Dito ay mas pinili niya ang kaniyang sariling
pangkaligayahan na kung saan siya ay naging abala sa maraming bagay hindi lamang sa gawa kundi pati narin sa
kaniyang isipan. Kaugnay nito ay mahihinuha na sa ganitong paraan ay nakahahanap ng kaunting kaginhawaan
ang isip ng pinagtaksilang asawa na nagdudulot ng panandaliang pagwawaksi sa mga nakakapanghinang kaisipan
mula sa sakit na ibinigay ng pagtataksil ng kabiyak. Kung kaya’t sa pamamagitan ng paghahanap ng
pinagkakaabalahan ay nakakaya ng sarili na dalhin o mainobrahin ang takbo ng kaniyang isipan at buhay sa sakit
na idinulot ng pangngalunya sa kanila.
Sa naging resulta nang pag-aaral ni Gonzalez et al. (2004) sinasabing parte ng pag-aalaga sa sarili ang
paghahanap ng libangan ng isang tao, bilang bahagi ng kaniyang paraan upang solusyunan o pamahalaan ang mga
problemang kinakaharap (problem-solving skills). Dagdag pa niya, na kapag ang isang tao ay magkaroon ng
kasanayang makapaglutas ng problema ay maituturing na mas mababa pa sa isang biktima at sa halip ay lumalabas
na tunay na nagwagi na kayang pamahalaan ang kanyang pang-araw-araw na buhay. Ibig sabihin na kung sinuman
ang nakahanap ng lakas na loob na piliin ang sarili sa sakit na dulot ng pangangalunya ng asawa ay siyang tunay
na nanalo sa problemang kinakaharap.
3.3 Pagwawasto ng Pagkakamali
Sa mga problemang hinarap ng mag-asawa sa pagtataksil at pangangalunya ng isa, ang pagwawasto ng kamalian
ay isa sa mga temang lumitaw sa pagsusuri ng datos. Batay sa naging pagsusuri ay nakita na kung hindi pa
mahuhuli ang kataksilan ay hindi nila mapagninilayan ang imoral na ginagawa sa kanilang asawa na nagdudulot
ng mapait na karanasan at masakit na damdamin sa kabiyak. Ito ang punto ng buhay kung saan naiisip nila na
itama ang pagkakamali sa kabila ng kinalabasan ng pagtataksil. Sa kontekstong ito ay pinagtuunan kung papaano
mas pinili ng nagtaksil na iwasto ang pagkakamali kaysa ipagpatuloy ang kataksilan. At sa masusing pag-aanalisa
ay nahihinuha na sa kabila ng kinalabasan ng pagtataksil ay pinili pa rin nitong ayusin ang sarili at iwasto ang
pagkakamali ng nakaraan upang ipagpatuloy muli ang naudlot na samahan. Ang pagwawasto ng pagkakamali ay
isang matapang na paraan o aksyon nang pag-tanggap ng kasalanan sa sarili sa ginawang pagsasamantala sa tiwala
at pagmamahal na ibinibigay ng asawa. Ito ay isang pagkilos upang ituwid ang mga kasalanang nagawa. Kung
kaya’t sa dinami-rami ng hamon at sakit na naranasan nila sa loob ng relasyon habang hindi nagiging tapat ang
isa ay nangibabaw pa rin ang kanilang kagustuhan na wakasan ang problema at magbago para sa bagong kabanata
ng pagsasama.
Sa artikulong “Kailangan ba nating itama ang mga pagkakamali ng nakaraan? Maaari bang itama ang
hindi na maibabalik? Paano maiintindihan ang iyong mga pagkakamali?” binigyang-diin na katangian na nang
isang tao ang paggawa ng kamalian. Ngunit hindi lahat ay handang aminin ang pagkakamaling nagawa sa takot
na mahatulan. Kaya’t ang taong nais itama ang pagkakamali ay lumilipat sa ibang direksyon ng buhay upang
itama at bigyang tuldok ang kasalanan ng nakaaran. Ipinapahiwatig rito na ang taong ninanais na itama at ituwid
ang pagkakamali ay inaanyayahan ang sarili tungo sa panibagong buhay kung saan siya ay magiging makatwiran
sa mga desisyon sa buhay upang hindi na maulit ang nakaraang pagkakamali.
3.4 Pagsisimulang muli
Sa paghahanap ng mga paraan kung paano hinarap ng pinagtaksilan ang pangyayaring nagbigay-daan para sa iba’t
ibang hamon sa pagpapanatili ng relasyon at epekto sa sarili, ay hindi itinanggi ang bigat ng pagaatubuli na ibalik
muli ang ugnayan na mayroon ang kanilang samahan noong una. Ang katotohanan na sila ay pinagtaksilan ay
nagbibigay sa kanila ng mabigat na damdamin at samo’t saring kaisipan na patuloy na sumisira sa kanilang
ugnayan sa isa’t isa. Subalit, sa masusing pagsusuri at paghahanap ng mga paraan ng pagharap sa realidad ng
kataksilan ng asawa ay lumitaw ang temang pagsisimulang muli. Kung saan, ginagawa ng kanilang asawa ang
lahat lahat upang bawiin ang mga sandaling nakaligtaan ng piliin nilang magtaksil. Sa puntong ito, ay muling
binibihag ang damdamin ng asawa sa paraan na alam nilang magbibigay buhay muli sa kanilang relasyon.
Kaugnay rito, ang pagsisimulang muli ay palatandaan ng pagtanggap sa mga nangyari sa nakaraan at pagbabagong
buhay na kung saan kasama na rito ang pagtalikod sa masakit na nakaraan dala ang mga natutunan at pagsira sa
yugtong ito upang humakbang ng pasulong para sa bagong yugto ng buhay. Sa ganitong paraan, ay ipinapakita ng
kapareha ang kanilang pagnanais at determinasyon na mabalik muli ang init ng kanilang pagmamahalan upang
ipagpatuloy ang nasirang ugnayan na naghatid sa kanila tungo desisyon na piliin muli ang isa’t isa at magsimula
ng panibagong istorya sampu nang kanilang bago at pinagtibay na pundasyon para sa kanilang pinaglalaban na
relasyon.
Ayon kay Garis (2020) hindi madaling pahilomin ang sakit na dulot ng pagtataksil, kaya ang desisyon na
pagkalimot sa nakaraan at ipagpatuloy ang relasyon ay nangangahulugang pagtakda ng mas matibay at matatag
na pundasyon para sa hinaharap at paglatag ng hangganan sa sa nakaraan. Ang sinumang gustuhin na manatili sa
relasyon ay nangangailangan ng panibagong panimula na dapat isang ganap na bagong relasyon nang magkasama
at monogamya.
Batay sa mga pinagisang nakalap na datos ng pagsusuri, mahihinuha na sa kabila ng mga hamon at epekto
ng pangangalunya sa relasyon ng mag-asawa at higit sa lahat sa asawang pinagtaksilan ay mayroon silang
ginawang paraan upang bumangon at harapin ang mga hamong ito sa kanilang buhay. Kabilang sa mga paraan ng
pagharap na nabanggit ay ang pagdalo at pagtamo ng pastoral counselling ng mag-asawa upang humingi ng
espirituwal na patnubay, paghahanap ng pagkakaabalahan upang ibaling sa ibang bagay ang atensyon,
pagwawasto ng pagkakamali upang bigyang tuldok ang kasalanang nagawa, at ang pagsisimulang muli ng magasawa sa pinagtibay na pundasyon ng kanilang relasyon. Ang mga ito ang mga natatanging lumitaw na paraan sa
pagtagayod muli ng relasyon sa isa’t isa ng mag-asawa mula sa mapait at masakit na dulot nang kataksilan ng
asawa. Ang mga paraan na ito ay alam ng halos nakararami, subalit hindi ito maaaring maliitin sapagkat bawat
paraan na binanggit ay may sariling adhikain na nilalayong makamtan sa ilalim ng pag-aayos ng relasyon. Ito ang
nagsisilbing liwanag sa madilim na pag-asa ng mga pinagtaksilan na asawa na magpatuloy pa sa buhay at huwang
sumuko sa mga suliraning kinakaharap ng relasyon. Bukod rito, kinakailangan na maunawaan ng bawat isa na
ang mga paraan upang harapin ang kataksilan ng asawa ay isang matapang na aksyon upang pag-isipan ng mabuti
ang desisyon kung ito ba ay nararapat pang ipaglaban o nararapat ng bitawan. Subalit, alinman sa dalawa, ang
mga paraang ito ay magbibigay ng malaking epekto sa buhay ng tao sapagkat ito ang kanilang piniling kasagutan
upang wakasan at solusyonan ang problema sa relasyon ng mag-asawa.
IV. Kongklusyon at Rekomendasyon
Batay sa kabuuang pagsusuri at resulta ng pag-aanalisa ng datos sa pangangalunya ng kabiyak sa iba, napag
alaman ng mga mananaliksik ang iba’t ibang salik na nakaapekto sa pagliho ng kabiyak, epekto nito sa magkarelasyon, at ang mga paraan ng pagharap nila sa isyung ito. Kabilang sa mga salik na nakakaapekto sa pagliho ng
kabiyak na nakuha sa pagsusuri ay ang patunay sa kakulangan sa intimidad at komunikasyon sa pagitan ng magasawa, maaaring magdulot ito ng pagkakawalay-loob o kawalan ng kasiyahan sa relasyon. Ang ganitong mga isyu
ay maaaring magdulot ng pagliliho bilang isang paraan ng paghanap ng pagkakulay ng buhay o kasiyahan sa iba.
Kung may mga hindi natutugunan na pangangailangan sa loob ng isang relasyon, tulad ng pangangailangan sa
emosyonal na suporta, pisikal na intimasya, o pagkakaisa, maaaring maging dahilan ito para sa pagliliho. Ang
mga indibidwal ay maaaring hanapin ang mga ito sa ibang tao upang punan ang kakulangan. Bukod rito, ay
malinaw na nakita ang malalim at malawak na epekto ng pangangalunya sa relasyon ng mag-asawa at sa kanilang
mga anak. Ang pagtataksil ay nagdudulot ng malaking pagkasira sa tiwala na lubhang napakahirap ibalik na
nahahantong sa kawalan ng kumpiyansa at kapanatagan sa sarili na nag reresula sa pagsaeado ng komunikasyon
o pagpapakita ng stonewalling o pagkawala ng gana sa pakikipag-usap dulot ng pagkawala ng tiwala sa kabiyak.
Ang paghihiganti ay isa ring epekto na naglalagay ng pansamantalang kaluwagan sa naghihirap na damdamin at
kaisipan ng isang tao. Bagama`t, hindi ito nagdadala ng isang solusyon o makapagbibigay ng tunay na resolusyon
sa isyu kundi nagdaragdag pa ng panibagong tension sa pagitan ng maga-asawa. Sa kabila ng hamon na
kinakaharap ng mag-asawa, ay may hamon ding kinakaharap ang kanilang pamilya lalo na ang mga anak na
nakakaramdan ng hindi maayos na mental at emosyonal na kalusugan. Ngunit sa kabila ng iba’t ibang salik, hamon
at epektong nabanggit sa pangngalunya ng asawa, natuklasan rin ang iba’t ibang paraan ng pagharap at paghawak
ng asawa sa sakit na dulot ng isyung ito sa kanilang buhay mag-asawa, gayundin sa emosyonal, mental, at
espirituwal na kalusugan nito. Isinasaad na kabilang sa mga paraan ng paghawak sa sakit na dulot ng pagtataksil
ay ang pastoral counselling, paghahanap ng pagkakaabalahan, pagwawasto ng pagkakamali, at ang pagsisimulang
muli. Sa paraang ito makikita ang pag-uugali, tapang at determinasyon na mayroon ang isang taong pinagtaksilan
upang ipaglaban or tuldakan ang relasyon.
4.1 Rekomendasyon
Mula sa mga nakalap na impormasyon sa pag-aaral ay nilalayon ng mga mananaliksik na ipagbilin ang mga
sumusunod na rekomendasyon sa mga magkarelasyon na humaharap sa isyu ng pangangalunya. Ang pananaliksik
na ito na saklaw ang pagsusuri sa mga karanasan at saloobin ng mga indibidwal na nakararanas ng isyung ito. Sa
mga nakitang mga salik na nakakaapekto sa pagliliho ng kabiyak, mahalagang unawain ang mga dahilan at epekto
ng mga salik na ito sa pag-aasawa. Ang mga resulta ng pananaliksik na ito ay maaaring magbigay ng mga patnubay
at rekomendasyon para sa pagpapaunlad ng mga kasanayan sa komunikasyon, pagtanggap, at pagpapalakas ng
suporta sa pagitan ng mga mag-asawa. Bukod dito, maaaring maisulong ang paggawa ng mga programa o
pagsasanay na naglalayong tulungan ang mga mag-asawa na malunasan ang mga isyung ito at mapanatili ang
matatag at maligayang pagsasama. Samantala, sa mga natuklasan na epekto ng pagtataksil, mahalagang isaalang-
alang ang pagkakaroon ng isang bukas at malayang komunikasyon upang pagkakataon ang mag-asawa na
ipahayag ang mga saloobin, pangangailangan, at takot. Ang pag-uusap na may pag-unawa at paggalang ay
makatutulong sa pagbabalik ng tiwala at paglutas ng mga suliranin. Subalit, kung ang pag-uusap sa pagitan ng
mag-asawa ay hindi sapat upang mabigyan ng solusyon ang isyu, maaaring makatulong ang paghingi ng tulong
mula sa propesyonal na tagapayo o terapis. Sila ay may kakayahan na gabayan ang mag-asawa sa pagharap sa
mga problema at magbigay ng mga kasanayan sa pagpapagaling at pagpapanatili ng isang malusog na relasyon.
Ang taong nagkasala ay dapat magpakita ng katapatan, pag-unawa, at pagsisisi. Ang taong nasaktan ay dapat
magbigay ng pagkakataon para sa proseso ng pagpapatawad at pagbubuo ng tiwala. Bagamat mahirap itong gawin
ngunit isa itong mahabang proseso ng pagpapagaling ng sugat na natamo dahil sa pagtataksil. Dagdag pa rito, ang
pagpapatawad ay isang mahalagang aspeto ng pagpapagaling kahit na ang pagtataksil ay nakabubuo ng isang
malalim na sugat nararapat lamang na bigyan kapatawaran ang kabiyak dahil kung patuloy lang ang paghihinagpis
patuloy lamang ang puot at galit sa puso`t damdamin. Higit sa lahat, ay sa bawat pagkakamaling nagawa, isa sa
mga naapektohan ng lubos ay ang mga bata at ang kanilang pang-unawa sa kanilang mga damdamin. Ito ay
nararapat lamang na bigyang tuon ang bata nararapat na pansin at seguridad sa kanilang damdamin at sagutin ang
mga katanungan nila. Kung gayon, ang mga pinagtaksilan na asawa ay hinihikayat na dumulog sa iba pang uri ng
paraan ng paghawak sa isyung ito, na kung saan ay mapagtutuunan nila ng pansin ang kanilang pangkalahatag
kalusugan, kabilang ang kanilang mentalid, espirituwalidad at emosyonal na kalagayan at hindi lamang ang mga
dati pang pinagsaligang paraan kundi pati na rin ang mga modernong pamamaraan.
V. Sanggunian
Alhojailan, M. (2012). Thematic Analysis: A Critical Review of its Process and Evaluation. West East Journal of
Social Sciences, 1(1), 39-47.
Ang Banal na Kasulatan. (1986). Watchtower bible and tract society of New York, Inc.
Bainbridge, J., Goc, N., & Tynan, L. (2011). Media and journalism: New approaches to theory and practice (2nd
ed.), Tools 3: Textual analysis and media research (224-237). Oxford: Oxford University Press.
Bantique, D. (2018). Ang teorya ng realismo ay ang paniniwala na ang karamihan ng mga. Cicsys.
https://www.academia.edu/36182353/Ang_teorya_ng_realismo_ay_ang_paniniwala_na_ang_karamiha
n_ng_mga
Berrocal, C.G. et.al (2022). Sexual double standard: A gender-based prejudice referring to sexual freedom and
sexual shyness. Frontiers in Psychology, 13. https://doi.org/10.3389/fpsyg.2022.1006675
Brown, H. (2011). Ang konsepto ng kasal sa mga banal sa mga huling Araw. Ang simbahan ni Jesucristo.
https://www.churchofjesuschrist.org/study/liahona/2011/06/the-latter-day-saint-concept-ofmarriage?lang=tgl
Castillo, K., Rementilla, E., & Runguin, D. (2018) Ang explorasyon ng mga konsepto ng dangal at puri batay sa
pananaw ng mga Pilipino. Antorcha: Annual scholarly journal of the undergraduate program, 3(1), 35-49.
Garis, M. G. (2020). How to get over being cheated on: Tips for healing & Whether to stay or go. Well and Go.
https://www.wellandgood.com/how-to-heal-after-being-cheated-on
Gonzales, T. (2003). The Filipino context of infidelity and resilience. East Asian Pastoral Review, 40 (2).
http://eapi.admu.edu.ph/content/filipino-context-infidelity-and-resilience
Gonzales, T., et al. (2004). Sources of resilience in the Filipino wife’s responses to spousal infidelity. Philippine
Journal of Psychology, 37 (1), 74-103.
John Locke Bibliography--Part I -- Essay concerning human understanding. (n.d.). Openpublishing.psu.edu.
https://openpublishing.psu.edu/locke/bib/ch0e.html
Juan, E. (2018)11 na dahilan kung bakit nagtataksil ang isang asawa. Juan Tambayan. Juan Tambayan.
https://www.juantambayan.me/2018/12/22/11-na-dahilan-kung-bakit-nagtataksil-ang-isang-asawa
Matias,
M.J
et.al.
(2021).
Realismong
Pagsusuri
sa
mga
Piling
tulang
Pilipino
https://www.scribd.com/document/539151449/Realismong-Pagsusuri-Sa-mga-Piling-TulangPilipinoPangkat-7-1
Medina, B. (2015). The Filipino Family. Quezon City: UP Press.
Pizarro, J.G. & Gaspay-Fernandez, R. (2015). Estranged Wife, Other Man's Beloved: Perspectives of Filipino
Women Involved in Extramarital Relations. Sage Open, 1-12.
Revised
Penal
Code
of
the
Philippines.
Office
of
https://www.officialgazette.gov.ph/1930/12/08/act-no-3815-s-1930/
the
Solicitor
General.
Reyes, S. (1991). Women on television. S.S. Reyes (Ed.). Reading popular culture, (177-190). Quezon City: Office
of Research and Publications, Ateneo de Manila University.
Reynolds,
R.
(2012).
Stonewalling
|
Affair
Recovery.
(n.d.-b).
Affair
Recovery.
https://www.affairrecovery.com/newsletter/founder/after-infidelity-betrayal-stonewalling-isworse?fbclid=IwAR0w4otatJGkCtsf9xXoAkCzCSVdigSfq9KeF3fxON2oPI9VoYzps97pFIw#:~:text=
Stonewalling%20is%20a%20total%20refusal
Rosienne, R. (2020). Kahalagahan ng suporta galing sa asawa. https://read.cash/@rosienne/kahalagahan-ngsuporta-galing-sa-asawa-c7342474
Rosienne, R. (2021). Mga sanhi at bunga ng pangangalunya. https://read.cash/@rosienne/mga-sanhi-at-bungang-pangangalunya-3509ab57
Ryan. (2021). Overcoming trust issues after infidelity or an affair | Building trust after a partner cheats | Ryan
Answers Hamilton. Hamilton Counselling and Couples Therapy - Ryan Answers.
https://www.ryananswers.com/blog/overcoming-trust-issues-afterinfidelity/#:~:text=It's%20no%20secret%20that%20infidelity,themselves%20for%20their%20partner's%
Santiago, E. M., Kahayon, A.H. at Limdico, & M. P. (1989). Panitikang Filipino: Kasaysayan at pagunlad
(Pangkolehiyo). Metro Manila: National Bookstore.
Sarup, M. (1992). Modern cultural theorist Jacques Lacan. London: Harvester wheatsheaf, University of Toronto
Press.
Sestoso, J. & Madula, R. (2019). Kuwentong santero: Pagsipat sa kultura ng pag-aalaga ng santo ng mga Pilipino.
Padayon sining: A Celebration of the Enduring Value of the Humanities. De La Salle University, Manila
Philippines.
https://www.dlsu.edu.ph/wp-content/uploads/pdf/conferences/arts-congressproceedings/2019/FS-01.pdf
Sigmund Freud Study Guide: The Seeds of Psychoanalysis: 1890–1901 | SparkNotes. (n.d.). SparkNotes.
https://www.sparknotes.com/biography/freud/section4/
Sy Su, C., & Castro, J. R. (2014.). A study on the multimodal critical discourse analysis of three mainstream films’
portrayal of mistresses. International conference of the Asian Congress for Media and Communication.
Hong Kong.
Umi-Kumi.Ru. (2022). Kailangan ba nating itama ang mga pagkakamali ng nakaraan? Maaari bang itama ang
hindi na maibabalik? Paano maiintindihan ang iyong mga pagkakamali? https://umi-kumi.ru/tl/businessplan/nuzhno-li-ispravlyat-oshibki-proshlogo-mozhno-li-ispravit-nepopravimoe-kak-ponyat/
Zizek, S. (1991). Looking awry an introduction to Jacques Lacan through popular culture. London: The
Massachusetts Institute of Technology Press.
Download