Uploaded by Adie hamja

Ang-Totoong-Hari

advertisement
Ang Totoong Hari
Noong unang panahon, sa isang kaharian na wala saanman, ay may isang matalinong hari
na may dalawang anak. Ang hari ay matanda na kaya’t siya ay nagpasiyang iwanan na ang trono.
Mgunit hindi niya alam kung sino sa dalawang anak ang pipiliing tagapagmana. Ang mas matanda
niyang anak ay may angking galling sa hindi niya maaaring piliting pareho ang dalawang anak,
isa lang ang kailangang maging hari. Pagkaraan ng masusing pag-iisip, nagpasiya ang matandang
hari na daanin sa pagsubok ang karapat-dapat humalili sa kanyang trono.
Isang araw, inimbitahan niya ang kanyang dalawang anak.
“Mga prinsipe, ang bawat isa sa inyo’y bibigyan ko ng isang batang sisiw. Pumunta kayo
sa isang lugar na wala ni isa man ang makakikita sa inyo at doon ay lihim ninyong patayin ang
sisiw. At pagkaraan ng dalawang araw ay magbalik kayo sa akin na dala ang katawan ng patay na
sisiw.” ang wika ng hari. At pagkatapos, inutusan ang dalawang anak na umalis sa lalong madaling
panahon at hindi na kailangang magtanong pa ukol sa ibinigay na tungkulin.
Pagkaraan ng dalawang araw, ang nakatandang anak ay dumating.
“Kamahalan, dala ko na ang katawan ng patay na sisiw,” ang sabi nito. “Ako’y pumunta
sa isang napakataas na bundok. Ito’y sobrang taas at walang sinumang nakakita sa akin. Doon ay
pinatay ko ang sisiw tulad ng iniutos ninyo.
“Magaling. Ikaw ay nagging tapat sa aking utos. Subalit hintayin muna natin ang iyong
nakababatang kapatid,” ang sagot naman ng hari.
Samantal, ang nakababatang prinsipe ay pumasok na hawak sa kamay ang buhay na sisiw.
Ang hari ay nagulat at nagtakang tinanong ang anak, “Anong nangyari sa iyo? Bakit dinala moa
ng sisiw na buhay pa rin?”
Ang prinsipe ay nagsalita, “Kamahalan, ako’y patawarin ninyo. Hindi kop o kayang
patayin ang kaawa-awang hayop na ito kung kaya’y pinanatili koi tong buhay.”
“Ang sisiw ay napakaliit at mahina. Ito’y madaling mapapatay at wala naming makakkita
sa gagawin mo,” anang hari.
“Ipagpaumanhin po ninyo, Kamahalan. Sa akin pong palagay ay walang dahilan upang
patayin ang maliit, bata, at mahinang nilalang na ito. Kailangan nating pangalagaan ang karapatan
ng mahihina at hindi sila kailangang apihin. Totoong walang makakikita sa akin sa pagpatay sa
sisiw, subalit ang aking puso ang siyang magiging saksi. Isang malupit na Gawain ang pagkitil sa
buhay ng walang kalaban-laban na nilalang. kaya nga po sa halip na patayin ko ang sisiw ay
pinangalagaan koi to. Dinalang buhay upang ang aking kaluluwa ay hindi akusahan ng pagiging
malupit,” ang mahabang paliwanag ng batang prinsipe.
Ang hari ay nasiyahan sa mga narinig subalit nagkunwaring galit pa rin.
“Kailangan mo akong sundin! Dapat kang maparusahan dahil sa hindi mo pagsunod sa
aking utos. At higit sa lahat, ikaw ay hindi karapat-dapat maging pinuno ng aking kaharian!” sigaw
ng hari.
“Kamahalan, akin pong karangalan na maparusahan nang dahil sa aking paninindigan na
inaakala ko pong tama. Tatanggapin kop o ang parusa kaysa sundin ang utos na labag sa aking
kalooban. Mas makabubuting maghirap dahil sa parusa kaysa mabuhay nang hindi sang-ayon sa
katarungan. Mas mabuting mabuhay na hindi hari kaysa maghari nga ngunit wala naming
kapayapaan sa puso. Sa inyo pong pagpapasiya ay inilalaan ko ang aking sarili, ang aking
Kamahalan,” ang mahinahong salita ng prinsipe.
Sa pakikinig ng mga sinabi ng nakababatang anak, hindi na naitago ng hari ang kanyang
kagalakan. At siya’y nagwika:
“Ngayon ay may bago na tayong hari, ngayong araw na ito ay itinatalaga ko na ang
nakababatang prinsipe upang pamunuan ang buong kaharian. Siya ang totoong hari. Ang hari na
may puso para sa lahat. mabuhay ang bagong hari!”
Hindi nagtagal, inililipat ng matatandang hari ang kanyang trono. Ang nakababatang
prinsipe ay itinalaga na bagong hari at ang kanyang nakatatandang kapatid ay nagging tagapayo.
Ang kaharian ay umunlad at naging tanyag bunga ng pamamahala ng matalinong hari.
Download