Uploaded by Richelle Valdez

BANGHAY-ARALIN-SA-MAPEH-HEALTH

advertisement
BANGHAY-ARALIN SA MAPEH 5 (EDUKASYONG PANGKALUSUGAN)
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipapaliwanag ang konsepto ng gateway drugs.
B. Pamantayan sa Pagaganap
Natutukoy ang mga produktong may sangkap na caffeine.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto
1. Natutukoy ang mga produktong may caffeine.
2. Naipaliliwanag kung saan nagmula ang substansya ng caffeine.
3. Nagagamit nang wasto at tama ang mga produktong may caffeine.
(H5SU-IIIb-8)
II. NILALAMAN
Paksa: Mga Produktong May Caffeine
Integrasyon: Nabibigkas nang may wastong tono, diin, antala at damdamin
ang napakinggang tula (F5PS-Ie-25)
Kagamitang Panturo
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro:
MELC sa Edukasyong Pangkahulugan p. 351
2. Mga pahina sa Kagamitang Pang-Mag-aaral
Masigla at Malusog na Katawan at Isipan, p. 182
SLM sa Edukasyong Pangkalusugan Modyul 2 pp. 1-10
B. Iba pang Kagamitang Panturo
Mga Larawan, Organizer, Powerpoint presentation
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Pagbati
2. Pag-uulat ng mga pumasok at lumiban sa klase
3. Balik-aral
Sabihin ang Hephep kung ang mga sumusunod na larawan ay gateway
drugs at Hooray kung hindi.
(HepHep)
(HepHep)
(Hooray)
(HepHep)
(Hooray)
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Ano ang makikita sa larawan? (magpakita ng larawan ng kape)
Nasubukan niyo na bang uminom ng kape?
Kung gayon, marahil ay makakaugnay kayo sa tulang isinulat ni Chel
Lee.
2. Paglalahad
Bibigkasin ng guro ang tula nang may wastong tono, diin, antala at
damdamin. Pagkatapos, tumawag ng mag-aaral upang bigkasing muli ang
tula.
KAPE “Chel Lee”
Kay sarap inumin pag bagong gising
Bago simulan ang mga gawain
Isang tasa lang ang iyong kakailanganin
Habang mainit ito'y higup-higupin
Nagsimula sa payak, ngayon ay madami ng bago
Pero mas kilala sa tawag na barako
Meron pa ngayong cappuccino
Na binebenta ngayon sa merkado
Ang iba nama'y gusto ang tamang timpla
Kabaligtaran naman ito sa iba
Gusto nila ay wala ng asukal
Para lasang lasa daw ang tapang at linamnam
Ako'y nagtataka bakit iba'y pinapalamig
Hinihintay maalis ang taglay na init
Kaya't ako'y nagtanong ng wari sa diwa
Ayun naman pala'y ayaw lang mapaso ang dila
Ang kape talaga'y paborito ng mga Pilipino
Kahit san man ikaw sa panig ng mundo
Umaga, tanghali kahit pa hapunan
Makikita't makikita mo sa hapag-kainan
Source: https://steemit.com/literaturang-filipino/@racheleecious/filipinopoetry-kape
Sagutin ang mga tanong:
1. Ano ang masarap inumin lalo na kapag bagong gising?
2. Ano ang nais ipakahulugan ng linyang “Nagsimula sa payak, ngayon ay
madami ng bago”?
3. Bakit itinuturing na paboritong inumin ng mga Pilipino ang kape?
3. Pagtalakay
Ang kape ay may taglay na substansiya na caffeine.
(Talakayin ang mga produktong may sangkap na caffeine. Gayundin
kung saan nagmula ang substansya ng caffeine at kung paano magagamit
nang wasto ang mga produktong ito na may nabanggit na sangkap.)
C. Paglalapat
Pangkatang Gawain
Pangkat 1- Gamit ang graphic organizer, magtala ng 5 pang halimbawa ng
mga produktong may sangkap na caffeine
Pangkat 2- Bumuo ng maiksing tula tungkol sa negatibong epekto ng
caffeine sa ating katawan.
D. Paglalahat
1. Ano-anong mga produkto ang may sangkap na caffeine?
2. Saan nagmula ang substansya ng caffeine?
3. Paano magagamit nang wasto ang mga produktong may sangkap na
caffeine?
IV. PAGTATAYA
Panuto: Tukuyin kung ano ang inilalarawan sa pangungusap. Piliin ang
tamang sagot sa loob ng kahon.
Diuretic
tsokolate
92-200mg
rehabilitation
100mg
mapait
400mg
mental
cacao
central nervous system
caffeine
_____1. Isa sa mga epekto ng caffeine sa katawan ng tao ay ang madalas
na pag-ihi.
_____2. Ang lasa ng caffeine.
_____3. Bahagi ng katawan na pinasisigla ng caffeine.
_____4. Halamang naglalaman ng caffeine.
_____5. Ang aprubadong dami ng caffeine na maaaring tanggapin ng isang
tao sa ganap na edad.
_____6. Dami ng caffeine na makukuha sa coffee (Brewed).
_____7. Ang aprubadong dami ng caffeine na maaaring tanggapin ng
katawan ng bata kada araw.
_____8. Produkto na naglalaman ng caffeine.
_____9. Ito ay substansiyang nakapagpapasigla ng central nervous system.
_____10. Kailangang pagdaanan ng mga taong naadik o nalulong sa
kaiinom at kakakain ng mga produktong may caffeine dahil mahirap
na itong alisin.
V. TAKDANG ARALIN
Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang maaaring kahihitnatnan ng mga
sitwasyon sa bawat bilang.
1. Madalas ang pag-inom ni Leslie ng sleeping pills sa tuwing hindi siya
makatulog.
2. Limang beses kung magkape sa maghapon si Mang Arman.
3. Paborito ni Diane ang milktea kung kaya naman araw-araw siyang
bumibili nito.
4. Laging may soda tuwing magsasalo-salo sa kainan ang pamilya Santos.
5. Dalawang beses sa isang araw kung uminom ng energy drink si Tonny.
Inihanda ni:
____________________________
Guro
Binigyang Pansin ni:
____________________________________
(Punong Guro/Ulong Guro)
Download