LESSON EXEMPLAR School Guro Petsa Grade Level Asignatura Markahan Bilang ng araw Oras I. LAYUNIN A. Pamantayang Pangnilalaman B. Pamantayang Pagganap C. Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto (MELC) II.NILALAMAN III.KAGAMITANG PANTURO GRADE 5 EPP-HE UNA 1 ARAW Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1. Nakapagpaplano ng masusustansiyang pagkain para sa agahan, pananghalian at hapunan ayon sa badyet ng pamilya. 2. Nakagagawa ng menu para sa agahan, pananghalian at hapunan na sinusunod ang menu pattern. 3. Nasusuri ang sustansiyang makukuha sa pinaplanong menu para sa agahan, pananghalian, at hapunan. Naipamamalas ang pangunawa sa kaalaman at kasanayan sa mga “gawaing pantahanan” at tungkulin at pangangalaga sa sarili. Naisasagawa ang kasanayan sa pangangalaga sa sarili at gawaing pantahanan na nakatutulong sa pagsasaayos ng tahanan. Nakapagpaplano ng masusustansiyang pagkain para sa agahan, pananghalian at hapunan ayon sa badyet ng pamilya. (EPP5HE- 0i-24) Pagpaplano ng Masustansiyang Pagkain Mga Sanggunian a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro b.Mga pahina sa kagamitang pang mag-aaral MELC sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (H.E.) p. 405 SLM 6 sa EPP5 (Home Economics) c.Mga Pahina sa Teksbuk Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran, pp. 159-160 d.Karagdagang kagamitan mula sa Portal ng Learning Resources B.Listahan ng Kagamitang Panturo para sa mga gawain sa pagpapaunlad at pakikipagpalihan https://lrmds.deped.gov.ph/detail/15102 https://depedligaocity.net/HE_5Activity_Sheetsv1.0.pdf Powerpoint presentation IV.Pamamaraan Panimulang mga Gawain A. Balik-aral Pagbati Pagtatala ng mga pumasok at lumiban sa klase Pangkatang Gawain 1. Bigyan ang mga mag-aaral ng ginupit na colored paper (tatlong kulay na may parehong bilang) sa iba’t ibang hugis. 2. Pangkatin ang mga bata ayun sa iba’t ibang kulay at papiliin sila ng lider. 3. Ipakita sa lamesa ang mga larawan ng mga masusustansiyang pagkain. 4. Sabihin na maglalaro tayo ng “Namalengke si Maria/Mario” B. Pagganyak C. Paglalahad 5. Bigyan ang bawat lider ng karton upang mamalengke ng 12 na larawan na nasa mesa sa loob ng 1 minuto. 6. Sa loob ng 1 pang minute, ihanay sa tsart kung ang kanilang napamalengke ay Go, Grow, at Glow Foods. 7. Ang pangkat na pinakamabilis matapos at may pinakamaraming wastong sagot ang siyang panalo. 8. Iaawas naman sa iskor ng pangkat ang mga pinamalengkeng hindi naihanay sa tsart. 9. Bigyan ng premyo ang pangkat na nanalo pagkatapos ng aralin. Magpakita ng mga larawan ng mga masusustansiyang pagkain. Magpakita ng modelo ng angkop na ihandang mga pagkain at mga uri nito tuwing almusal, pananghalian at hapunan. Agahan Inumin – (calcium, bitamina at mineral) Kanin/Tinapay – (carbohydrates) Ulam – (protina o mineral) Prutas – (bitamina at mineral) Pananghalian/ Hapunan Inumin – (bitamina at mineral) Kanin – (carbohydrates) Ulam – (protina o mineral) Gaano karami ang nakukuha mong sustansiya sa pagkain araw-araw? D. Pagpapalihan Ang pagkain ay ang pinakamahalagang kailangan ng tao. Dito nanggagaling ang enerhiya at lakas na kinakailangan ng katawan upang magampanan nang maayos ang pang-araw- araw na mga tungkulin. Paano ba ang pagpaplano ng pagkain para sa pamilya? Ang pagpaplano ng pagkain sa pamilya ay isang kasanayang dapat pag- aralan. Marami ang dapat isaalang-alang tulad ng bilang ng mga taong kakain, kalusugan o pangangailangan ng katawan, edad o gulang, badyet para sa pagkain at oras sa paghahanda. Magiging matagumpay ang pag pagpaplano kung isasaisip rin ang mga sumusunod na salik. Mga Salik sa Pagpaplano ng Masustansiyang Pagkain Para sa Pamilya 1. Alamin ang uri ng sustansiya na kailangan ng ating katawan. Gaya ng fats, Carbohydrates, Protein, Vitamins and Minerals ay mga mahahalagang sustansiya na kinakailangan ng ating katawan. 2. Isaalang-alang ang Tatlong Pangkat ng Pagkain: Go Foods – ito ay nagbibigay enerhiya sa katawan at may sustansiya tulad ng fats at Carbohydrates. Grow Foods – tumutulong ito sa paglaki. Idagdag pa ang mga pagkain na nagbibigay protina. Glow Foods – ito ay mga pagkain na pananggalang sa sakit at impeksyon, Bitamina at Mineral ang sustansiya na dulot nito. Kailangang sa bawat kainan kompleto ang tatlong pangkat ng pagkain. 3. Gumawa ng Talaan ng Putahe (Menu Pattern) - dito makikita ang mgapagkain na dapat ihanda. Sa agahan, unang isusulat ang prutas bago ang pagkaing mayaman sa protina kasunod ang kanin at inumin. Sa pananghalian at hapunan ay nauuna ang pagkaing may sabaw, kasunod ang pagkaing mayaman sa protina, gulay, kanin, at prutas. Magagamit ito para sa paghahanda ng mga kagamitan sa pagluluto, tinitingnan kung napapanahon ba ang sangkap na kailangan sa pagluluto. 4. Kailangang tatlong beses maghanda ng pagkain: agahan - pinakamahalaga at hindi puwedeng ipagpaliban sa buong araw. Inihain ang agahan mula 5:00 hanggang 9:00 ng umaga. pananghalian- mula sa oras na 11:00 ng umaga hanggang 1:00 ng hapon. hapunan sa oras na 5:30 hanggang 10:00 ng gabi. Tingnan ang halimbawa ng Menu o Meal Pattern sa isang araw. Araw Lunes E. Pagpapalalim ng Kaalaman Agahan prutas pangunahing pagkain mayaman sa protina kanin inumin Tanghalian sabaw pangunahing pagkain mayaman sa protina kanin prutas Hapunan sabaw pangunahing pagkain mayaman sa protina kanin prutas Pangkatang Gawain Pangkat 1 – Gumawa ng meal pattern para sa almusal. Pangkat 2 – Gumawa ng meal pattern para sa tanghalian Pangkat 3 – Gumawa ng meal pattern para sa hapunan. Iulat sa klase ang natapos na pangkatang gawain. F. Paglalapat Integrasyon: Nakapagpapatunay na mahalaga ang pagkakaisa sa pagtatapos ng gawain (EsP5PKP – If – 32) Think-Pair and Share Panuto: Tiyaking tama ang pagkapangkat-pangkat sa mga pagkain para sa araw ng Lunes at ilagay ang mga ito sa tamang talaan. A Pinya pritong Itlog /daing sinangag na kanin tsokolate Araw B nilagang baka adobong kangkong kanin pakwan inumin Agahan Tanghalian C pritong isda kanin saging inumin Hapunan G. Paglalahat Ano ang kahalagahan ng pagsunod sa pagpaplano at pagluluto ng masusustansiyang pagkain para sa pamilya? E. Pagtataya Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Ito ay sustansiyang tumutulong sa pagpapatubo at pagpapalaki ng mga buto at kalamnan. a. Taba c. protina b. bitamina C d. madadahong gulay 2. Aling sustansiya ang makukuha sa mga pagkaing tulad ng kanin, tinapay, mais, patatas, at ubi na nagbibigay init ng katawan. a. taba at langis c. bitamina b. carbohydrate d. mineral 3. Anong uri ng sustansiya ang makukuha sa mga prutas at gulay tulad ng suha, kamyas, bayabas, guyabano, malunggay at kangkong na nabibilang sa pangkat glow na may taglay na sustansiyang pananggalang sa sakit at impeksyon. a. Protina c. bitamina C b. bitamina A d. mineral 4. Sa pagpaplano at paghahanda ng pagkain, dapat isaalang-alang ang mga sumusunod na salik maliban sa isa, alin dito? a. kasarian c. oras sa paghahanda b. gulang d. ugali 5. Alin dito ang inihain mula 5:30 ng hapon hanggang 10:00 ng gabi? a. agahan c. tanghalian b. hapunan d. meryenda 6. Paano bilhin ang mga prutas at gulay na may mataas na kalidad at may mataas na uri? a. napapanahon c. dami b. laki d. presyo 7. Alin dito ang sinusunod upang matiyak ang dami at wasto ang sangkap na gagamitin sa pagluluto ng pagkain. a. talaan ng paninda c. meal plan b. resipe d. talaan ng putahe 8. Sa paggawa ng talaan ng putahi o meal pattern, ano ang unang isinulat para sa agahan? a. prutas c. kanin b. inumin d. pagkaing mayaman sa protina 9. Sa anong pangkat ng pagkain nabibilang ang mga gulay at prutas? a. Go c. Grow b. Glow d. Fats 10. Alin dito ang hindi puwedeng ipagpaliban dahil sa mahabang oras na walang pagkain sa loob ng tiyan. a. tanghalian c. Hapunan b. Meryenda d. agahan V.Takdang-aralin Panuto: Punan ang Talaan ng Putahe o Menu Pattern para sa isang lingo. Araw Linggo Lunes Martes Myerkules Huwebes Byernes Sabado Agahan Tanghalian Hapunan Rubrik sa Pagwawasto Pamantayan 10 7 5 Nilalaman Nasunod ang wastong pagpaplano ng pagkain ng pamilya. Nasunod ng katamtaman ang pagpaplano ng pagkain ng pamilya. Bahagyang nasunod ang wastong pagpaplano ng pagkain ng pamilya. Inihanda ni: ______________________________ Guro Binigyang pansin: _______________________________ Punong Guro