MARIA REGINA C. SAPUNGAY Teacher/ CES EPP5-HE Week 5 Mga Layunin 1. Nakapagpaplano ng masusustansiyang pagkain para sa agahan, pananghalian at hapunan ayon sa badyet ng pamilya. 2. Nakagagawa ng menu para sa agahan, pananghalian at hapunan na sinusunod ang menu pattern. 3. Nasusuri ang sustansiyang makukuha sa pinaplanong menu para sa agahan, pananghalian, at hapunan. Balik-aral Maglalaro tayo ng “Namalengke si Maria/Mario”. Balik-aral Mekaniks ng laro 1. Ang bawat lider ng pangkat ay may hawak na karton upang mamalengke ng 12 na larawan na nasa mesa sa loob ng 1 minuto. Balik-aral Mekaniks ng laro 2. Sa loob ng 1 pang minuto, ihanay sa tsart kung ang kanilang napamalengke ay Go, Grow, at Glow Foods. Balik-aral Mekaniks ng laro 3. Ang pangkat na pinakamabilis matapos at may pinakamaraming wastong sagot ang siyang panalo. 4. Iaawas naman sa iskor ng pangkat ang mga pinamalengkeng hindi naihanay sa tsart. Balik-aral Pagmasdan ang mga larawan. Paglalahad Narito ang modelo ng angkop na ihandang mga pagkain at mga uri nito tuwing almusal. Paglalahad Narito ang modelo ng angkop na ihandang mga pagkain at mga uri nito tuwing pananghalian at hapunan. Paglalahad Ang pagkain ay ang pinakamahalagang kailangan ng tao. Dito nanggagaling ang enerhiya at lakas na kinakailangan ng katawan upang magampanan nang maayos ang pang-araw- araw na mga tungkulin. Pagpapalihan Paano ba ang pagpaplano ng pagkain para sa pamilya? Ang pagpaplano ng pagkain sa pamilya ay isang kasanayang dapat pagaralan. Pagpapalihan Marami ang dapat isaalang-alang tulad ng: bilang ng mga taong kakain kalusugan o pangangailangan ng katawan edad o gulang badyet para sa pagkain oras sa paghahanda Pagpapalihan Mga Salik sa Pagpaplano ng Masustansiyang Pagkain Para sa Pamilya 1. Alamin ang uri ng sustansiya na kailangan ng ating katawan. Gaya ng: Bitamina at Mineral Carbohydrates fats protina Pagpapalihan Mga Salik sa Pagpaplano ng Masustansiyang Pagkain Para sa Pamilya 2. Isaalang-alang ang Tatlong Pangkat ng Pagkain: Go Foods Grow Foods Glow Foods Pagpapalihan Go Foods – ito ay nagbibigay enerhiya sa katawan Carbohydrates fats Pagpapalihan Grow Foods – tumutulong ito sa paglaki. protina Pagpapalihan Glow Foods – ito ay mga pagkain na pananggalang sa sakit at impeksyon Bitamina at mineral Pagpapalihan Mga Salik sa Pagpaplano ng Masustansiyang Pagkain Para sa Pamilya 3. Gumawa ng Talaan ng Putahe (Menu Pattern) - dito makikita ang mgapagkain na dapat ihanda. Pagpapalihan Mga Salik sa Pagpaplano ng Masustansiyang Pagkain Para sa Pamilya Sa agahan, unang isusulat ang prutas bago ang pagkaing mayaman sa protina kasunod ang kanin at inumin. Sa pananghalian at hapunan ay nauuna ang pagkaing may sabaw, kasunod ang pagkaing mayaman sa protina, gulay, kanin, at prutas. Pagpapalihan Halimbawa ng Meal Pattern Araw Lunes Agahan prutas pangunahing pagkain mayaman sa protina kanin inumin Tanghalian sabaw pangunahing pagkain mayaman sa protina kanin prutas Hapunan sabaw pangunahing pagkain mayaman sa protina kanin prutas Pagpapalihan Mga Salik sa Pagpaplano ng Masustansiyang Pagkain Para sa Pamilya 4. Kailangang tatlong beses maghanda ng pagkain. Agahan Pananghalian Hapunan Pagpapalihan Mga Salik sa Pagpaplano ng Masustansiyang Pagkain Para sa Pamilya agahan - pinakamahalaga at hindi puwedeng ipagpaliban sa buong araw. Inihain ang agahan mula 5:00 hanggang 9:00 ng umaga. Pananghalian - mula sa oras na 11:00 ng umaga hanggang 1:00 ng hapon. hapunan – mula sa oras na 5:30 hanggang 10:00 ng gabi. Pagpapalalim ng Kaalaman Pangkatang Gawain Pangkat 1 – Gumawa ng meal pattern para sa almusal. Pangkat 2 – Gumawa ng meal pattern para sa tanghalian Pangkat 3 – Gumawa ng meal pattern para sa hapunan. Paglalapat Think-Pair and Share Panuto: Tiyaking tama ang pagkapangkatpangkat sa mga pagkain para sa araw ng Lunes at ilagay ang mga ito sa tamang talaan. A Pinya pritong Itlog /daing sinangag na kanin tsokolate B nilagang baka adobong kangkong kanin pakwan inumin C pritong isda kanin saging inumin Paglalapat Think-Pair and Share Araw Agahan Tanghalian Hapunan Paglalahat Ano ang kahalagahan ng pagsunod sa pagpaplano at pagluluto ng masusustansiyang pagkain para sa pamilya? Pagtataya Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Ito ay sustansiyang tumutulong sa pagpapatubo at pagpapalaki ng mga buto at kalamnan. a. Taba c. protina b. bitamina C d. madadahong gulay Pagtataya 2. Aling sustansiya ang makukuha sa mga pagkaing tulad ng kanin, tinapay, mais, patatas, at ubi na nagbibigay init ng katawan. a. taba at langis c. bitamina b. carbohydrate d. mineral Pagtataya 3. Anong uri ng sustansiya ang makukuha sa mga prutas at gulay tulad ng suha, kamyas, bayabas, guyabano, malunggay at kangkong na nabibilang sa pangkat glow na may taglay na sustansiyang pananggalang sa sakit at impeksyon. a. Protina c. bitamina C b. bitamina A d. mineral Pagtataya 4. Sa pagpaplano at paghahanda ng pagkain, dapat isaalang-alang ang mga sumusunod na salik maliban sa isa, alin dito? a. kasarian c. oras sa paghahanda b. gulang d. ugali Pagtataya 5. Alin dito ang inihain mula 5:30 ng hapon hanggang 10:00 ng gabi? a. agahan c. tanghalian b. hapunan d. meryenda Pagtataya 6. Paano bilhin ang mga prutas at gulay na may mataas na kalidad at may mataas na uri? a. napapanahon b. laki c. dami d. presyo Pagtataya 7. Alin dito ang sinusunod upang matiyak ang dami at wasto ang sangkap na gagamitin sa pagluluto ng pagkain. a. talaan ng paninda c. meal plan b. resipe d. talaan ng putahe Pagtataya 8. Sa paggawa ng talaan ng putahi o meal pattern, ano ang unang isinulat para sa agahan? a. prutas b. Inumin c. kanin d. pagkaing mayaman sa protina Pagtataya 9. Sa anong pangkat ng pagkain nabibilang ang mga gulay at prutas? a. Go c. Grow b. Glow d. Fats Pagtataya 10. Alin dito ang hindi puwedeng ipagpaliban dahil sa mahabang oras na walang pagkain sa loob ng tiyan. a. tanghalian c. Hapunan b. Meryenda d. agahan Takdang-aralin Panuto: Punan ang Talaan ng Putahe o Menu Pattern para sa isang lingo. Araw Linggo Lunes Martes Myerkules Huwebes Byernes Sabado Agahan Tanghalian Hapunan Takdang-aralin Rubrik sa Pagwawasto Pamantaya n Nilalaman 10 7 5 Nasunod ang wastong pagpaplano ng pagkain ng pamilya. Nasunod ng katamtaman ang pagpaplan o ng pagkain ng pamilya. Bahagyang nasunod ang wastong pagpaplano ng pagkain ng pamilya.