Uploaded by Richelle Valdez

Manwal-ng-Magulang-FINAL

advertisement
BUREAU OF LEARNING
DELIVERY
TEACHING AND LEARNING
DIVISION
Mahal na mga Magulang,
Pagbati.
Maligayang araw at welcome sa panibagong taong-panuruan
sa “Bagong Normal”. Kami sa Departamento ng Edukasyon
(DepEd), ay nagnanais na magkaroon ng matibay na pakikipagugnayan at pakikipagtulungan sa inyo para sa panibagong yugto
ng pag-aaral ng inyong mga anak. Batid naming ang taong ito ay
punong-puno ng hamon dahil sa kinakaharap nating pandemya
ng COVID-19. Gayon pa man, ang Kagawaran ng Edukasyon ay
buong pusong nangangako na tutupdin ang aming sinumpaang
tungkulin at paninindigan para sa karapatan ng ating mga magaaral na maka-access ng de-kalidad na edukasyon habang
pinangangalagaan ang kanilang kalusugan, kaligtasan at
kabuuang pagkatao. Hinihingi namin ang inyong pagtitiwala,
pakikipagtulungan
at
pagsisikap
sa
pagtiyak
na
maipagpapatuloy ang edukasyon sa kabila ng mapaghamong
sitwasyon.
Ang manwal na ito ay tumatalakay sa kung ano ang dapat
ninyong malaman sa bawat makabagong paraan ng paghahatid
o pagpapadaloy ng ekukasyon na angkop sa kalagayan at
pangangailangan ng inyong mga anak. Magsisilbi rin itong
batayan para sa ganap na pag-unawa ng inyong gampanin at
mga responsibilidad bilang magulang at tagapagdaloy ng
kaalaman sa pagtuturo upang makaangkop at maging palagay
sila sa distance learning.
Laging tandaan na ang Kagawaran ay may mataas na
hangarin para sa ating mga kabataan, at ito ang
pinakapangunahin at prayoridad. Aming dalangin na ang taong
panuruang ito ay maghatid ng tagumpay sa ating lahat.
Maraming salamat at mainit na pagbati sa pagtanggap sa
hamon at pakikibahagi sa kinabukasan at edukasyon ng ating
mga kabataan.
Sa kabutihan ng lahat,
DepEd
Ano-ano ang iba’t ibang learning Delivery Modalities
na maaring pagpipipilian mo at ng iyong anak?
Ang sumusunod ay mga Learning Delivery Modalities
(Pamamaraan ng Paghahatid/Pagpapadaloy ng
Pagkatuto) na maaaring pagpilian mo at ng iyong
anak. Mahalagang malaman ang kakayahan, kalidad
at kahandaang ng inyong suporta bago mamili ng
modaliti na angkop sa inyong anak.
1. Harap-harapang
Pagkatuto
/Face-to-face
Learning
2. Malayuang Pagkatuto/Distance Learning
a. Modular Distance Learning (MDL.)
b. Online Distance Learning (OLD)
c. TV-video/ Radio-Based Instruction (TVVideo/RB1)
d. Blended Distance Learning (BDL)s
/Pag-aaral sa
Tahanan
Hindi pahihintulutan ang harap-harapang pagkatuto
hanggat ang Interagency Task Force para sa COVID-19 ng
Kagawarang Pangkalusugan at tanggapan ng Pangulo ay
magpahayag na tiyak na ngang ligtas ang pisikal na
pagpasok sa paaralan ng mga mag-aaral.
Ang harap-harapang interaksiyon sa pagitan ng guro at
mag-aaral sa loob ng silid-aralan o maging sa alin mang
lugar sa paaralan o sa komunidad ay hindi
pinahihintulutan.
Ang klase ay binubuo ng 18 hanggang 21 mag-aaral
alinsunod sa kinakailangang pag-iingat pampisikal at
pansosyal.
Nakaayon sa nakagawian/
nakasanayang programang pangklase ngunit
pinapayuhang walang magaganap na paglilipat ng klase
(shifting).
Kinakailangan ang mahigpit na pagpapatupad ng
kinakailangang pag-iingat upang mapangalagaan ang
kalusugan at kaligtasan ng bawat mag-aaral.
MODALITY
DISTANCE LEARNING
Ang pagtuturo at pagkatuto ay sa bahay lamang.
Ito ay maaaring modyular, online o maari namang
kombinasyon ng dalawa.
Ang TV or Radio-based instruction (TVRBI) ay maaaring gamitin bilang pantulong
sa mga lugar na may access sa TV o
estasyon ng radyo.
Ang mga modyul ay maaaring ihatid sa inyong
tahanan sa tulong ng mga kagawad ng barangay o
iba pang mga boluntaryong indibidwal. Maaari rin
namang personal na kuhanin ang mga modyul.
Mahigpit lamang na sundin ang “health protocols”.
Bilang magulang, binibigyan ka ng kalayaang
mamili ng higit na makakatulong at angkop sa
inyong mga anak. Makipag-ugnayan lamang sa
guro ng iyong anak sa napili mong modality.
DIFFERENT DISTANCE
IBA’T IBANG LEARNING
MODALITIES
4
MODULAR DISTANCE
LEARNING (MDL)
Ang mag-aaral ay maaring kumuha
ng
digital
modular
Distance
Learning (DMDL) o Printed Modular
Distance Learning (PMDL)
Ang
mag-aaral
na
may
mga
kagamitan sa bahay tulad ng
laptop,
desktop
ay
maaring
gumamit ng DMDL
Para sa DMDL, ang mga SLMs ay sa iba’t
ibang digital na pormat tulad ng PDF,
video, audio lessons, e-SLMS and iba
pang maaring ilagak sa CD/DVD/USB flash
drive/pen drive habang sa PMDL ang SLMs
naka imprinta ay ipamamahagi sa mga magaaral.
Ito ay maaari lamang sa
mga paaralan na kung saan
ang guro at mag-aaral ay
parehong may maayos o
malakas na koneksyon sa
internet at may mga
kagamitang tulad ng laptop,
tablets, desktop computers
at iba pang resorses na may
kaukulang koneksyon sa
internet.
Ang mga kagamitang
magagamit ay ang ss: SLMs,
libro, activity sheets, video
na gawa ng guro at iba pang
suplemetal na mga
kagamitang ng mag-aaral o
Open Educational Resources
(OER)
TV/RBI ay maaaring magamit sa mga lugar
na may TV networks at estasyon ng radyo
na maaaring makapaghatid ng instruksyon
at mga aralin ng mga mag-aaral.
Ang TV/RBI ay ipatutupad sa mga lugar na
may access sa telebisyon o estasyon ng radyo
na may mga programang inilaan sa pagsasagawa
ng TV/Radio-based lessons.
Ang TV and Radio-Based na mga aralin ay
gagamit ng naisalin na mga SLMs at mga videos
na naka angkla/batay sa Most Essential
Learning Competencies (Pinakamahalagang
Kasanayan). Ang mga dati ng mga video sa TV na
ayon sa MELCs ay maari pa ring gamitin.
Ang TV/RBI ay susuportahan ng mga
Learning Activity Sheets at iba pang mga
kagamitang pampagkatuto/kagamitan ng magaaral. Ang pagkakaroon ng SLMs na magagamit
ng mag-aaral ay mas makatutulong sa
pagkatuto ng mag-aaral.
Ang pagkatuto ay
magaganap sa tahanan o sa
iba pang itinalagang pook
ng tagapagturo.
Ang tagapagturo/tagapagdaloy
katulad ng magulang o tagapagalaga o bayad na tutor ay
kailangang nagtataglay ng
kwalipikasyong itinalaga ng
tagapagturo.
Kinakailangang maibigay
sa mag-aaral ang lahat ng
mga kagamitan/resorses
para sa pagkakatuto.
Ang pag-aaral sa bahay
ay kailangan pa ring
opisyal na naipatala sa
isang recognized
homeschool provider,
pampubliko man o
Ano ang pakinabang ng pag-aaral
sa bahay?
Ang sumusunod ay mga kapakinabangang dulot sa
mga magulang at mga anak ng pagkatutong nagaganap
sa tahanan lamang
Madaling maiakma sa sitwasyon at kalagayan
ng inyong mga anak. Una, maaari nilang aralin at
sagutin ang mga SLM ayon sa sariling kakayahan
at pag-usad. Maaari din silang gumamit ng anumang
kagamitang pampagkatuto at iba pang batis ng
impormasyon na makatutulong sa kanila upang
lubusang maunawaan ang mga aralin. Higit sa
lahat, maaari silang sumangguni sa inyo bilang
mga magulang at tagapagdaloy ng kaalaman sa
pagtuturo sa tuwing sila ay may mga katanungan
at may mga nais linawin sa mga gawaing
pampagkatuto.
Tipid sa oras o panahon. Dahil ang inyong mga
anak ay nag-aaral habang nananatili sa tahanan,
mababawasan ang panahong maaaring igugol sa
paghahanda sa pagbibiyahe papunta sa paaralan.
Makaiiwas
din
sila
sa
napakaraming
mga
distraksyon sa paligid na maaaring makaagaw sa
kanilang atensyon. Magkakaroon na sila ng pokus
sa pagsagot sa kanilang mga gawain.
Sariling
pagkatuto/Pagkatuto
sa
sarili.
Bagamat ang ganitong uri ng modaliti ay
nagbibigay ng pagkakataon sa inyong mga anak na
matuto at tapusin ang mga gawain sa modyul nang
naaayon sa sarili nilang iskedyul, bilang mga
magulang ay mahalaga pa ring ipaalala sa kanila
na magkaroon sila ng wastong pagugol at
pamamahala sa kanilang oras. Sundin ang iskedyul
na nakalagay sa kanilang Weekly Home Learning
Plan upang matapos nila ang mga gawain at aralin
sa takdang oras at araw.
Nagiging makabuluhan ang mga mahahabang
oras at araw kasama ang inyong mga anak.
Bilang mga magulang, ito ay isang magandang
pagkakataon upang lalo ninyong maikintal ang mga
pagpapahalagang dapat taglayin ng inyong mga
anak upang sila’y maging ganap na indibidwal na
handang humarap sa hamon ng mundo.
Ano ang pangunahing mapagkukuhaan ng
kagamitang magagamit ng inyong anak sa
bahay?
Ang
mga
Self-Learning
Modules
(SLMs)
ang
pangunahing Kagamitang pampagkatutong gagamitin
ng inyong mga anak na nakapagpatala sa Distance
learning at Blended learning modalities. Ito ay maaaring
nasa sumusunod na pormat: printed(nakaimprinta),
digital format, audio-video lessons (napapakinggan at
napapanood), e-SLMs depende sa kung anong modaliti
ang gagamitin ng paaralan.
Ang paglalahad ng mga aralin sa modyul ay
kahalintulad din ng daloy ng pagtuturo ng guro sa faceto-face learning modality. Sinisimulan ito sa rebyu o
balik-aral sa nagdaang aralin na may kaugnayan sa
panibagong araling tatalakayin. May sasagutang
paunang pagtataya upang masukat ang kaalaman ng
mag-aaral sa paksang tatalakayin. Sinusundan ito ng
presentasyon ng aralin na masusing inilahad sa
pamamagitan ng pagbibigay ng mga sapat na
halimbawa. Iba’t ibang mga gawain at pagtataya ang
ibinigay upang masukat kung gaano na kalalim ang pagunawa ng inyong mga anak sa aralin. Sa pagtatapos ng
modyul, ang inyong mga anak ay magbibigay ng
paglalahat o pagbubuod sa aralin at sasagot ng
pangwakas na pagtataya. Ang mga susi sa pagwawasto
ay inihanda rin upang kayo mismong mga magulang o
mga tagapag-alaga ay makatataya at makapagmonitor
ng pag-unlad ng kakayahan ng inyong mga anak.
Dahil SLM ang pangunahing sorses na gagamitin sa
distance learning, kayo ay inaasahang makikiisa at
makikipagtulungan sa pamamahagi at pagsasauli ng mga
modyul (SLMs). Maaaring kunin o i-pick up ang mga SLMs
sa itinakdang araw at petsa sa paaralan o sa
pinagkasunduang lugar o center sa inyong mga
pamayanan, purok o barangay. Makipag-uganyan lamang
kayo sa paaralan. Mahigpit na sundin ang mga health at
physical distancing protocols. Ang mga modyul o SLMs ay
maaaring ihatid sa inyong mga tahanan sa tulong ng mga
opisyal ng inyong barangay o mga boluntaryong
indibidwal. Gayon din inaasahang maibabalik o maihahatid
ang mga modyul sa pinagkasunduang araw /petsa.
Paalala: Ang mga SLMs ay libre at hindi ninyo
kailangang bayaran ang pag-iimprinta o pagpaparami
ng mga nito.
Paano matutulungan ang inyong mga anak
sa wastong pamamahala ng oras at pagsagot
sa mga nakalaang gawain habang sila
ay nasa tahanan?
Bibigyan ang inyong mga anak ng Lingguhang
Plano ng Pagkatuto. Makikita dito ang mga
sumusunod:
1.
Kasanayang pampagkatutong target na
magawa sa nasabing linggo o mga araw
2.
Mga gawain sa bawat asignatura batay
sa nilalaman ng kanilang SLMs
3.
Kaukulang oras/araw na dapat gugulin
sa paggawa ng mga gawain sa modyul
4.
Pamamaraan kung paano isusumite ang
mga natapos na gawain.
5.
Nakalaang
oras/panahon/iskedyul
ng
konsultasyon sa guro ng bawat asignatura.
6.
Mga paalaala sa pang araw-araw na
gawain (daily routines), pahinga, at iba
pang mga gawain
Ang Lingguhang Plano ng Pagkatuto ang
magsisilbing gabay ng inyong mga anak upang
matapos ang mga gawain sa bawat linggo. Sa
pamamagitan ng plano na ito, magkakaroon pa
rin
ng
pagkakataong
makapagpahinga,
makapagrelaks, magawa ang kanyang libangan,
mag-ehersisyo, makasama ang buong pamilya at
makatulong sa mga gawaing bahay.
Bilang mga magulang at tagapagdaloy ng
pagkatuto, gampanin po ninyo na gabayan ang
inyong mga anak sa pagsasagawa ng kanilang
mga gawain sa modyul ayon sa nakatakda sa
Lingguhang Plano ng Pagkatuto at matiyak na
sila ay makasasabay sa mga gawain at matapos
ito sa takdang oras na ibinigay ng kanilang
mga guro.
Tunay na mapanghamon ito sa inyo bilang
mga magulang at tagapagdaloy ng pagtuturo
subalit hinihikayat namin kayo na maging
matapat lalo na sa makikitang kahinaan ng
inyong mga anak sa aspetong pang akademiko.
Ang tagumpay ng inyong mga anak sa kanilang
akademik perpormans ay labis na nakasalalay
sa inyong matapat na pagsusubaybay habang
isinasagawa nila ang mga gawain sa kanilang
SLMs.
Paano natin matutulungan ang inyong mga
anak na nahihirapan sa kanilang mga aralin at
nahihirapang matamo ang mga inaasahang
pagkatuto?
Sa simula pa lamang ng klase, kailangang
ipaalam na sa mga guro kung ang inyong anak ay
may kahinaan o nakararanas ng kahirapan sa pagunawa (with special learning disability) upang
matugunan
ang
kanilang
espesyal
na
pangangailangan.
May nakahanda at gagamiting Indibidwal na Plano
ng Pagmomonitor (Individual Monitoring PlanIMP) sakaling ang inyong anak ay hindi kaikitaan ng
pag-unlad sa kanyang mga aralin. Ito ay binubuo ng
sumusunod na bahagi:
Pangangailangan ng Mag-aaral – ito ay mga
asignatura kung saan ang inyong mga anak ay higit
na nangangailangan ng tulong o atensyon batay sa
resulta ng kanyang assessment o mga pagtataya.
Interbensyon- estratehiyang gagamitin ng guro
upang matulungan ang inyong mga anak na
makasabay sa mga aralin, matugunan ang
kahirapan sa pag-unawa ng mga gawain at
makasumite sa itinakdang araw/petsa/oras.
Petsa ng pagmomonitor– itinakdang araw/oras na
ang guro ay nakapagsagawa na ng ebalwasyon sa
mga ibinigay na interbensyon sa inyong mga anak.
Istatus/Kondisyon ng Mag-aaral – tumutukoy sa
antas ng pag-unawa ng mag-aaral matapos
mabigyan ng interbensyon.
(1) Walang Pag-unlad- hindi nakamit o
natamo ng mag-aaral ang inaasahang
mahalagang kasanayang pampagkatuto
(2) May Pag-unlad – ang mag-aaral ay
kakitaan ng pag-unlad sa mga inaasahang
matamo matapos lapatan ng interbensyon
(3) May Masteri o Pagkatuto – natamo ng
mag-aaral ang pagkatuto. Hal. Mula sa hindi
nakamit ang inaasahan o “Bahagyang nakamit
ang iinaasahan” patungo sa “Nakamit ang
inaasahan o lubusang/lubhang nakamit ang
inaasahan.
Bilang mga magulang at tagapagdaloy ng pagtuturo,
gampanin po ninyo na tulungan ang inyong mga anak
sa pagsisimula pa lamang ng pasukan upang hindi na
sila mapabilang pa sa mga lalapatan ng interbensyon
bunga ng mababang resulta ng kanilang performans.
Sa pamamagitan ng paglalaan ng sapat na panahon,
oras at tiyaga sa inyong mga anak, tiyak na
matutulungan ninyo silang maiangat ang kanilang
pagkatuto. Subalit, alalahaning ang mga guro ay
naririyan lang at nakahandang magkaloob ng tulong
o patnubay. Makipag-uganyan lamang kayo sa
pamamagitan ng tawag, text, chat sa messenger o
iba pang paraan ng komunikasyon na mayroon kayo
ayon sa oras na inyong pinagkasunduan. Kung
kinakailangan at pahihintulutan, ang mga guro ay
maaaring dumalaw sa inyong mga tahanan upang
magkaroon ng pagkakataong maisagawa ang oneon-one coference o konsultasyon at mamonitor ang
inyong mga anak.
Tandaan na ang Individual Monitoring Plan (IMP) ay
gagamitin lamang para sa mga nahihirapan na
makamit ang inaasahang pagkatuto sa mga
kompetensi na nakalaan batay sa resulta mga
pagtataya, gawain o mga performans at awtput. Para
naman sa mga nagpamalas ng kagalingan sa mga
aralin, sila ay bibigyan ng mga karagdagang gawain
upang lalo silang mahikayat at maipakita ang
kanilang interes at galing.
Ano
ang
inyong
mga
gampanin
at
responsibilidad upang matulungan ang
inyong mga anak na maging maunlad sa
napiling modality?
Ngayon ang tamang panahon upang tayo ay magkapit
bisig at magtulungan para sa maayos na edukasyon
ng inyong mga anak. Tandaan lamang ang salitang
PARENTS/MAGULANG upang laging maalala ang
mahalagang papel na dapat ninyong gampanan.
PROVIDE (magbigay, maglaan)
(Magbigay o maglaan ng sapat na panahon upang
suportahan, gabayan at patnubayan ang inyong mga
anak.)
Tiyaking mabigyan ng ligtas, malinis at tahimik na
lugar ang inyong mga anak upang sila ay
makapagpokus sa kanilang mga aralin at mga
gawaing pampagkatuto.
Mag-isip ng mga motibasyon o pamamaraan
upang mapukaw ang interes ng inyong mga
anak sa pag-aaral.
ADVICE (Payo/Payuhan)
Bigyang payo ang inyong mga anak na magkaroon
sila ng mga gawaing susundin sa araw-araw (daily
routines) upang mapamahalaan at magamit nang
wasto ang oras.
Hikayating magkaroon sila ng Good Study Habits.
Upang magawa ito, tiyaking ang inyong mga anak ay
mabigyan ng wastong lugar sa inyong tahanan kung
saan sila ay makapag-aaral, makapokus at matuto.
Maging bahagi dapat ng pang-araw araw na gawain
o routine ang pag-aaral.
Ilayo sa kanila ang kanilang mga cellphones, social
media accounts at iba pang mga bagay na makasisira
sa kanilang atensyon habang nag-aaral.
Bigyan din sila ng pagkakataong makapagpahinga.
Ang mga ito ay makikita sa Weekly Home Learning
Plan.
Sundin ang mga itinakdang oras ng pagharap sa
aralin ayon sa edad at antas ng inyong mga anak.
i. Kindergarten — maximum of
one hour daily.
ii. Grade 1 to 3 — maximum of
1.5 hours daily.
iii. Grade 4 to 8 — maximum of
2 hours daily.
iv. Grades 9 to 12 — maximum of 4 hours
daily (2 hours in the morning and
another 2 hours in the afternoon.
REMIND (Paalalahanan/Magpaalaala)
 Tignan ang gawaing nakalaan at ipaalaala sa
kanila ang itinakdang oras ng kanilang guro.
Tiyaking ang inyong mga anak ay makadalo sa mga
itinakdang miting (kung online), panoorin sa
telebisyon o pakinggan sa radyo ang mga aralin (radiobased
lessons),
gawin
ang
mga
gawaing
pampagkatuto at tapusin ang mga portporlyo.
Paalalahanan sila at huwag pagagalitan. Ang inyong
papel bilang mga magulang na tumatayong mga guro
nila ay napakahalaga at napakakritikal subalit
hinihikayat kayo na maging mas matiyaga sa
pagpapaalala sa inyong mga anak ng mga gawaing
nakaaatang sa kanila.
ENGAGE (Pakikibahagi/pagsama/pakikihalubilo)
 Samahan, gabayan ang mga anak sa kanilang
mga gawaing pampagkatuto.
 Alamin ang nilalaman ng mga SLMs o mga online
sorses at mga gawaing inihanda ng mga guro
para sa inyong mga anak upang sila ay inyong
magabayan sa pagsagot ng mga ito.
 Makiisa sa mga ginagawa ng inyong mga anak.
Ang inyong pakikipagtulungan ay isang malaking
motibasyon upang makamit nila ang kalidad na
edukasyon na ninanais ninyo para sa kanila.
Nurture (pangalagaan, pagyamanin, arugain,
ingatan)
 Ang pag-aalaga, pag-aaruga ay nagsisimula sa
pagkakaroon ng malawak na pag-unawa at
walang kapantay na pagmamahal. Maging
maingat
sa
pagpapahayag
ng
inyong
damdamin sa inyong mga anak. Ang pagkatuto
ng inyong mga anak ay nakasalalay sa kung
paano ninyo sila inaaruga o pinakikitunguhan.
Turuan sila nang may pagmamahal.
 Pangalagaan ang pisikal at emosyonal na
aspeto ng inyong mga anak sa pamamagitan
ng madalas na pakikipag-ugnayan at paggugol
ng makabuluhang oras/panahon sa kanila.
 Hikayatin silang magpahinga, magrelaks nang
ilang sandali. Maaari silang makinig ng musika,
tumugtog ng gitara, manood ng paboritong
karton o programa sa TV, gumuhit o magkulay.
 Alamin ang mga kahinaan ng inyong mga anak.
Kung mayroon man, tugunan agad ito upang
matulungan ang inyong mga anak.
 Ipagdiwang ang mga munting tagumpay ng
inyong mga anak o magbigay ng konting salusalo sa tuwing may natatapos na gawain ang
inyong mga anak lalo pa kung ang mga ito ay
nagawa sa takdang oras.
TRUST (Tiwala)
 Maniwala kayo sa kakayahan ng inyong mga
anak at sabihin ito ng tuwiran sa kanila. Sila rin
ay nabubuhay ayon sa inaasahan natin sa
kanila.
 Iparamdam sa inyong mga anak na naririyan
kayo na gagabay sa kanila. Subalit turuan
silang maging responsable sa kanilang sariling
pagkatuto.
 Panatilihin ang tiwala sa pagitan ninyo at ng
inyong mga anak. Maging maingat sa mga
salitang binibitiwan at sa mga ikinikilos sa
inyong mga anak upang maiwasan ang
kanilang pagkadismaya.
SUPPORT (suporta)
 Suportahan ang inyong mga anak sa
pamamagitan ng paglalaan ng panahon para sa
bukas na pakikipagtalastasan o pakikipag-usap
sa kanila upang malaman ang kanilang
saloobin, kalakasan, kahinaan at masundan
ang pag-unlad ng kanilang pagkatuto at
maging madali na ang pakikipag-ugnayan sa
kanilang mga guro.
Narito ang ilang tips sa pagiging
positibo at responsableng magulang
habang nagsisilbing tagapagdaloy
ng kaalaman sa inyong mga anak
1.
Magkaroon ng positibo/kaaya-ayang
kapaligiran
a. Iparamdam sa inyong mga anak ang marubdob
na pagmamahal at atensyon.
b. Gumawa ng simpleng routine ng pang-araw
araw na gawain na kinapapalooban ng pag-aaral,
pag-eehersisyo at paglalaro.
c. Ingatan ang sarili. Saglit na isantabi ang social
media at bigyang daan ang mga nakalilibang na
gawain tulad ng pagtatanim, paglalaro ng
paboritong isport, pag-eehersisyo. Makipag-usap
sa mga kaibigan at mga mahal sa buhay, magayos ng sarili, (make up, manicure, pedicure,)
yoga at meditasyon (pagmumuni-muni).
2. Bumuo ng Positibo at Kaaya-ayang
Pakikihalubilo
a. Purihin ang mga magandang nagawa ng
mga anak. Pagtuunan ng pansin ang kabutihang
nagawa at maging tiyak sa pagbibigay nito.
b. Pakinggan ang inyong mga anak lalo na
kung sila ay may dinaramdam o nasasaktan.
3.
Timpiin/Magtimpi ng Galit
a. Aluin ang inyong mga anak. Magsalita nang
malumanay,
b. Maging mahinahon at gawin ang mga hakbang
na ito:
i. Bumilang ng sampu bago magsalita o gumawa
ng kung anuman)
ii. Huminga ng malalim at ulitin ang mga linyang
ito… “easy lang”, “relaks lang” “dahan-dahan
lang”, “hinay-hinay lang,” “kalma lang”
iii. Hintaying huminahon na bago magbitiw ng
anumang salita.
4.
Humingi ng paumanhin. Kung sa tingin ninyo
ay nasaktan ang inyong mga anak. Maaari ring
makipag-ugnayan
sa
mga
guro
upang
mapamahalaan ang kanilang pag-uugali lalo na ang
pagkatuto. Ang Department of Social Welfare and
Development (DSWD) ay maaaring magbigay ng
karagdagang payo at gabay sa inyong mga anak.
Tips na makatutulong sa mga
magulang na may mga anak na may
kahinaan sa pag-aaral:
• Bawat isa ay may kanya-kanyang kahinaan.
Alaming maigi ang kahinaan ng inyong
anak. Bawat kahinaan ay nangangailangan
ng angkop na tugon o pamamaraan upang
malampasan.
• Gumawa ng iskedyul na susundin sa arawaraw.
• Sikaping maging isang “kagalang-galang
ayon sa persona ng isang guro” sa harap ng
inyong mga anak upang sila ay magkaroon
ng tiwala sa inyo.
• Maging ehemplo/huwaran ng kabutihang
asal. Bilang mga magulang, iwasang
pagsalitaan ng hindi maganda ang mga
anak sa tuwing sila’y nahihirapang unawain
mga aralin. maging matiyaga sa tuturo sa
kanila upang maunawaan nila mga aralin
mga magandang nagawa nila ang mga
pagsisikap nila na aralin sa takdang oras.
Tanggapin natin ang mga hamong ito.
Sa pamamagitan ng manwal na ito, magkakaroon
kayo ng kaalaman sa iba’t ibang modaliti na
gagamitin sa pag-aaral ng inyong mga anak kalakip
ng inyong mga gampanin at responsibilidad bilang
mga magulang. Nauunawaan naming napakalaki ng
inyong responsibilidad subalit hindi kayo nag-iisa
dahil kasama ninyo ang DepEd, ang paaralan at mga
lider ng pamayanan na handang sumuporta at
gumabay sa inyo sa bawat hakbang na inyong
gagawin.
Mula sa lahat na mga modalities na ito na
nabanggit, tandaan na bilang mga magulang,
napakahalaga ng inyong papel na ginagampanan.
Ang matagumpay na pagkatuto ng inyong mga
anak ay nakasalalay hindi lamang sa paaralan
kundi sa suporta at gabay na ibibigay ninyo sa
kanila. Sa tulong ninyo mga magulang, kasama at
kaagapay ang mga guro, ay tiyak na makakamit
ng inyong mga anak ang tagumpay sa gitna ng
mga hamong ito na dala ng pandemya.
Pagtulungan natin at patuloy na ihanda ang
magandang bukas para sa kanila kahit ano pang
mga pagsubok at masaklap na pangyayari ang
dumating. Huwag tayong sumuko! Laging tandaan
na anuman ang ating ginagawa sa kasalukuyan ay
isang paghahanda para sa magandang bukas ng
ating mga anak. Maaaring ito
na ang
pinakamagandang regalo na maipagkakaloob natin
sa kanila. Ipagpatuloy natin ang ating
magandang pangarap para sa ating mga
anak.
Narito ang madalas na mga
katanungan at ang kasagutan sa
mga ito:
Tanong: Bakit ginawa o nagkaroon ng mga Learning
Modalities ang DepEd sa panahon ng pandemyang
COVID-19?
Sagot: Kinikilala ng DepEd ang karapatan ng mga
kabataan sa pagkakaroon ng de-kalidad na
edukasyon gayundin ang karapatan sa kalusugan
at kaligtasan. Ang karapatang ito ay taglay ng mga
kabataan maging sa ganitong panahon ng
pandemic. Kaya ang pagpapatupad ng iba’t ibang
modaliti o pamamaraan sa pagkatuto ay pagtitiyak
na ang inyong mga anak ay magtatamasa pa rin ng
de-kalidad na edukasyon habang sila ay nanatiling
ligtas sa inyong mga tahanan.
Tanong: Paano matututong magbasa at sumulat
ang mga mag-aaral lalo na ang mga nasa Kinder
hanggang Baitang tatlo na naninirahan pa sa liblib
na lugar gayong walang face-to-face class?
Sagot: Hinihikayat ang mga magulang na
magsagawa ng mga sesyon ng pagbasa sa kanilang
mga tahanan kasama ang kanilang mga anak.
Matagal na itong isinasagawa sa DepEd kaugnay ng
adbokasiyang magkaroon ng literasi ang lahat sa
pamamagitan ng pagkakaroon pagkukuwento sa
tahanan. Sa katunayan, kinikilala ng pamahalaan
ang tungkulin ng mga magulang sa pag-aaruga at
pagpapalaki ng kanilang mga anak alinsunod sa
Seksyon 1, Artikulo 220, Kabanata 3 Family Code:
“Ang suportahan, bigyang edukasyon at turuan nang
tama ang kanilang mga anak at maging mabuting
halimbawa para sa kanila.” Kung walang anumang
aklat o babaasahin sa tahanan, ang mga magulang
ay maaaring kumuha ng mga kuwento sa mga
modyul (SLMs) upang sanaying magbasa ang
kanilang mga anak. Maaaring ilakip ng mga guro ang
mga story books sa pamamahagi ng mga modyul.
Kung nagkataong maging ang mga magulang ay
walang kakayahang magbasa, maaaring samahan
na lamang ang mga anak sa mga sandaling
kuwentuhan o saglit na paglalaro upang sa ganitong
paraan ay mapaunlad ang talasalitaan ng mga anak.
Maaari ring hingin ang tulong ng mga boluntaryong
indibidwal sa pamayanan tulad ng mga parateachers’ o mga learning facilitators.
Tanong: Ano ang nararapat gawin kapag ang mga
anak ay hindi makapokus sa paggawa ng mga
gawaing pampagkatuto na nasa kanilang mga
SLMs?
Sagot: Ayon sa Family Code, ang pagbibigay ng
nararapat at tamang disiplina sa mga anak ay
responsibilidad ng mga magulang. Dapat ay
isabuhay palagi ng mga magulang ang tamang
pagdidisiplina sa kanilang mga anak. Maaari rin
nilang hingin ang payo ng mga guro at gabay ng
mga
guidance
counselor
kung
papaano
pamahalaan ang pagkatuto sa tahanan
Tanong: Paano kung ang mga magulang mismo ay
hindi nakauunawa sa mga aralin? papaano nila
tuturuan o gabayan man lamng ang kanilang mga
anak?
Sagot: Kailangang makipag-ugnayan ng mga
magulang sa paaralan at humingi ng communication
plan na gagamitin para sa buong taong panuruan.
Ang paaralan ay magbibigay ng iba’t ibang
pamamaraan
ng
pakikipagtalastasan
na
pagkakasunduan sa pagitan ng mga magulang. Ito
ay maaaring sa pamamagitan ng e-mail, test,
messenger, feedback form o konsultasyon sa guro.
Pinapayuhan din ang mga magulang na madalas
makipag-ugnayan sa mga guro upang hingin ang
tulong at gabay kung papaano mapatuto ang
kanilang mga anak. Maari din silang gumamit ang
anumang sorses na mayroon sila tulad ng online o
printed sources na makatutulong hindi lamang sa
kanilang mga anak kundi maging sa kanila rin mismo
lalo na sa mga mahihirap na aralin. ang DepEd ay
mayroon ding LRMDS at DepEd Common kung saan
ang mga magulang ay libreng makakuha o
makadownload ng libreng mga Kagamitang
pampagkatuto. Hikayatin din ang mga anak na isulat
o itala ang mga araling hindi nila naiintindihan.
Talakayin ang mga ito sa guro sa oras o araw ng
konsultasyon.
Magkaroon
ng
bukas
na
pakikipagtalastas sa mga guro upang linawin ang
mga aralin at matiyak ang pagkatuto ng mga anak.
Tanong: Paano pa makapaghahanap-buhay ang
mga magulang kung sila ay magiging katuwang sa
pagkatuto ng kanilang mga anak?
Sagot: Ang pagtuturo ay magkatuwang na
responsibilidad na dapat gampanan ng tahanan,
paaralan at komunidad. Saklaw nito ang karapatan
at tungkulin ng mga magulang na mabigyan ng sapat
na edukasyon ang kanilang mga anak. Sa
pamamagitan ng tama at maingat na pagpaplano ng
mga gawain at bukas na komunikasyon sa kanilang
mga anak ay maisasakatuparan ang ang tungkuling
ito. Kailangang maglaan ng panahon ang mga
magulang sa kanilang mga anak. Ang mga gurong
tagapayo ay magbibigay sa kanila ng Weekly Home
Learning Plan upang matulungan silang pamahalaan
ang oras at pagkatuto ng kanilang mga anak. Ang
mga magulang ay maaaring humingi ng tulong sa
mga nakatatandang anak o sa mga kamag-anak
upang magabayan ang pagkatuto ng mga anak.
Tanong: Mayroon pa bang ibang pamamaraan sa
pagkatuto kung ang mga mag-aaral ay walang
kompyuter o smartphone sa bahay?
Sagot: Ang DepEd ay may mga nakahandang iba’t
ibang modaliti kung ang mag-aaral ay walang
kagamitan para sa online o electronic-based class.
Kung ang pamilya ay walang kompyuter o
smartphone sa bahay, modular ang gagamiting
modaliti. Tinitiyak ng paaralan na ang gagamiting
modaliti ay siyang pinakanararapat at akmang
gamitin sa partikular na pamayanan o lugar.
Tanong: Paano tatayahin ng mga guro ang pagusad o pagkakatuto ng aking anak? May mga
pagsusulit pa ba sa bawat markahan?
Sagot: Ang Deped ay magbibigay ng bagong
alituntunin sa pagtataya ng iba’t ibang distance
learning modality.
Tanong: Kinakailangan bang sagutan ng aking anak
ang lahat ng modyul sa lahat ng asignatura o
gumamit ng kompyuter sa loob ng isang araw?
Sagot: Kailangang tapusin ng mga mag-aaral ang
mga gawain sa modyul batay sa home learning plan
na ibibigay ng mga guro. At dahil ang mga modyul
ay naka align o nakabase sa MELC, kailangang
tapusin ng mga mag-aaral ang mga gawain sa
modyul sa takdang oras. Ang mga magulang ang
dapat na maging responsible sa madalas na
pagmonitor o pagtsek sa kanilang mga anak sa
modyul o sa time on-screen.
Ang modyular o
distance learning ay hindi nangangahulugang
kailangan nilang gumawa o sagutan ang mga tambak
na modyul, tapusin agad agad ang lahat na gawain o
tumutok ng 8 oras sa kompyuter maghapon.
Sumangguni sa nararapat o kinakailangang screen
time na nakalakip sa manwal na ito. Ang paaralan sa
pamamagitan ng mga guro ay magbibigay ng home
learning plan kalakip ang schedule at mga dapat
tapusing gawaing pampagkatuto ng mga mag-aaral.
Ang mga magulang ang gagabay sa kanilang mga
anak sa pagganap nila ng pang-araw araw na gawain
na makatutulong upang matapos at matamo ng mga
mag-aaral ang mga kinakailangang konsepto at
kasanayan.
Tanong: Libre ba ang mga naimprintang SelfLearning modules? Paano ang pamamahagi,
pagbabalik at pagwawasto ng mga ito?
Sagot: Ang mga naimprintang Self-Learning Module
ay libre. Ang mga ito ay ipamamahagi at ibabalik sa
paaralan ayon napagkasunduang araw o petsa,
dalawang beses sa isang buwan. Mas mainam kung
gawin ito tuwing Biyernes. Sundin ang lahat na mga
social distancing at health protocols na ipinatutupad
ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious
Diseases (IATF-EID) at ng Department of Health
(DOH). Ang araaw ng pamamhagi ng modyul ay
dapat
na
pinagkasunduan
ng
mga
guro,
magulang/tagapag-alaga at ng punong guro at dapat
na dumaan sa konsultasyon sa mga stakeholders. Sa
mga mag-aaral na mayroong smartphone, o yaong
may mga suporta ng mga magulang, maaari nilang
kunan ng larawan ang mga nasagutang modyul o
answer sheets at iba pang mga awtput at ipadala sa
kanilang mga guro sa pamamagitan ng messenger,
facebook o email.
MANAGEMENT TEAM
LEONOR M. BRIONES
Secretary
DIOSDADO M. SAN ANTONIO
Undersecretary for Curriculum and Instruction
ALMA RUBY C. TORIO
Assistant Secretary for Curriculum and
Instruction
LEILA P. AREOLA
Director IV, Bureau of Learning Delivery
LITO A. PALOMAR
OIC, Director Ill, Bureau of Learning Delivery
ROSALINA J. VILLANEZA
Chief, Teaching and Learning Division
DEVELOPMENT TEAM WRITERS
ROSALIE E. BONGON, SVEPS
GAUDENCIO LUIS N. SERRANO, SVEPS
JULIEVEN R. ABREA, SEPS
DENN MARC P. ALAYON, SEPS
ANNA LOURDES A. FALCON, SEPS
GLENDA M. GRANADOZIN, SEPS
ANNA MARLAINE V. LITONJUA, SEPS
JESSICA C. RUBIN SEPS
WANNY MILAINE N. SANTOS, SEPS
KRISHA ANNE M. SORIANO, SEPS
GEMMA T. VALDEVIA, SEPS
ILLUSTRATOR AND LAYOUT ARTIST
RONKYLE O. SORIANO
deped.gov.ph
DepEd Philippines
depedphilippines
DepEd_PH
SULONG NG
SAMA-SAMA SA PAG
EduKALIDAD
Download