Uploaded by Richelle Valdez

pdfcoffee.com mapeh-first-aid-pdf-free (1)

advertisement
A Detailed Lesson Plan in MAPEH 5
1. Objectives
A. Content Standards
The learner demonstrates understanding of basic first aid principles and procedures for
common injuries.
B. Performance Standards
The learner practices appropriate first aid principles and procedures for common injuries.
C. Learning Competencies / Objectives
a. Naipaliliwanag ang mga layunin ng mga pangunang lunas.
b. Naibibigay ang mga pangunahing kasanayan sa pangunang lunas
H5I5-IV-a-34/ page 35 of 66
II. Content
Pinagmulan at Layunin ng mga pangunang Lunas
III. Learning Resources
A. References
1. Teacher’s Guide Pages
K-12 Curriculum Guide
2. Learner’s Material Pages
3. Textbook Pages
Masigla at Malusog na Katawan at Isipan 5, pp 200-203.
4. Additional Materials from Learning Resource Portal
B. Other Learning resources
Powerpoint Presentation, pictures
IV. Procedures
A. Reviewing Past lesson or Presenting the new lesson
Teacher’s Activity
Mga bata! Ano ang nakikita nyo sa Larawan?
Magaling!
Ano ang napapansin nyo sa pamilyang ito?
Tama!
Sa tingin mo KC, bat kaya sila malusog?
Pupil’s Activity
Pamilya po sir!
Sila po ay malusog sir!
Dahil umiiwas po sila sa paggamit ng gateway
drugs sir.
Magaling!
B. Establishing a purpose for the lesson
Mayroon akong nakahandang larawan dito klas,
Ano ang inyong nakikita sa larawang ito?
Dreik?
Magaling. Ang lalake ay nagbibigay ng paunang
lunas!
Nag bibigay po ng paunang lunas sir!
Ang mga bagay tulad ng isang aksidente ay hindi
natin inaasahang darating sa ating buhay ngunit
sa pamamagitan ng paunang lunas (first aid) ay
maaari tayong makapagsalba ng mga buhay ng
tao sa kabila ng isang mabigat na sitwasyon. Ang
pagbibigay paunang lunas (first aid) ay isang
mabisang paraan upang maagapan ang paglala pa
ng mga karaniwang natatamong pinsala ng mga
tao sa isang aksidente tulad ng mga sugat,
pagkabali ng mga buto,pagdurugo ng ilong, paso,
pagkawala ng malay, at marami pang iba.
C. Presenting the new example/ instances of the
new lesson
Ano ang ginagawa ng mga nasa larawan? Paano
ito makatutulong sa isang tao?
Tama!
Pag-aralan Natin Ang paunang tulong-panlunas
(first aid) ay ang pagbibigay ng pangunahing
magagawang tulong, kalinga, at pangangalaga sa
mga taong napinsala ng sakuna o karamdaman.
Isinasagawa ito ng isang taong pangkaraniwan
hanggang sa panahong maaari nang ibigay ang
mas dalubhasang tulong pang-sagip buhay ng
mga manggagamot. Kinasasangkapan ang
kasanayang ito ng mga payak, ngunit
nakapagliligtas, na kasanayang may kaugnayan sa
panggagamot. Maaaring makatamo ng
pagsasanay ang isang pangkaraniwang tao upang
maisagawa ang pagbibigay ng tulong na ito, kahit
Nagbibigay po ng paunang lunas.
Nababawasan po na lumala ang kalagayan ng
nasa sakuna.
man hindi ginagamitan ng mga natatanging
aparatong panggagamot. Maaari ring ibigay ang
tulong na ito sa mga hayop, ngunit ang artikulong
ito ay tumutukoy lamang para sa magagawang
paunang-tulong na pantao.
D. Discussing new concepts and practicing new
skills #1
. Ang 3 pangunahing mga layunin ng paunang
tulong-panlunas, na mas kilala bilang 3 P (tatlong
P) ang mga sumusunod:  Pagpapanatili ng buhay
(Preserve life)
 Pag-iwas mula sa pagkakaroon ng mga dagdag
na pinsala o pag-iwas sa paglala ng kapinsalaan o
karamdaman (Prevent further injury or illness)
 Pagtataguyod sa paggaling (Promote recovery)
E. Discussing new concepts and practicing new
skills #2
Ating basahin at pag aralan ang mahahalagang
layunin ng pangunang lunas
F. Developing Mastery (Leads to Formative
Assessment)
Klas, tayo ay may pangkatang Gawain,
Tumulong po at wag po mag iingay sir
Ngunit bago ang lahat, anu ano ang mga
pamantayang susundin habang nagsasagawa tayo
ng pangkatang gawain?
Magaling!
Ngayon ay hahatiin ko kayo sa tatlong grupo.
Magtalaga kayo ng lider ng inyong grupo at kunin
sa harap ang mga envelope na naglalaman ng
inyong itatalakay.
Pangkat 1.
Ipaliwanag ang layunin ng pangunanang lunas na
: Pagpapanatili ng buhay (Preserve life)
Pangkat 2.
Ipaliwanag ang layunin ng pangunanang lunas na:
Pag iwas mula sa pagkakaroon ng mga dagdag na
pinsala o pag-iwas sa paglala ng kapinsalaan o
karamdaman (Prevent further injury or illness)
Pangkat 3.
Ipaliwanag ang layunin ng pangunanang lunas na:
Pagtataguyod sa paggaling (Promote recovery) 1
H. Ano ang paunang lunas at ang mahalagang
layunin nito?
I. Evaluating learning
Ulat pangkalusugan
Isulat ang TAMA kung tama ang isinasaad ng
pangungusap at isulat ang MALI kung ang
isinasaad ay mali.
1. Ang paunang tulong panlunas ay ibinibigay sa
mga taong nais maisalba ang buhay.
2. Sasailalim sa mga pagsasanay ang mga taong
nagbibigay ng pangunang lunas.
3. Ang pangunang lunas ay maaari ding ibigay sa
mga hayop.
4. Dapat lamang na unahin munang suriin at
subuking lutasin ang mga suliraning may
kaugnayan sa daanan ng hangin (bibig at ilong) ng
pasyente.
5. Ang unang layunin ng pagbibigay ng
pangunang lutas ay upang maisalba ang buhay.
J. Additional Activities for Application or
Remediation
Makipanayam sa mga “ Health Workers” sa
Semtrong Pangkalusugan ng barangay tungkol sa
pgbibigay ng pangunang lunas sa mga sanggol at
matatanda na biglang nagkasakit o napinsala.
Ito po ay ang makatulong sa mga nasakuna. Ang
mga layunin nito ay ang wastong pagbibigay ng
paunang lunas, iwasan ang anumang
karagdagang pinsala o paglala ng kapinsalaan at
ang pag taguyod ng paggaling.
Download