GALILEO GALILEI ARALING PANLIPUNAN 8 Si Galileo Galilei ay ipinanganak noong February 15 1564 at namatay ito noong January 8 1642 , Isa siyang Italyanong pisiko, matematiko, astronomo, pilosopo at siyentipiko na malapit na inuugnay sa rebolusyong maka-agham. Kabilang sa mga nagawa niya ang pagbuti ng teleskopyo, iba't ibang mga astronomikal na pagmamasid, ang una at ikalawang mga batas ng paggalaw (motion), at epektibong pagsuporta para sa paniniwala ni Nicolaus Copernicus. Madalas na tinutukoy siya bilang "ama ng makabagong astronomiya", bilang ang "ama ng makabagong pisika", at bilang "ama ng agham". Si Galileo ang unang taong gumamit ng teleskopyo sa larangan ng astronomiya. Siya ang unang nakatuklas sa apat na mga buwang umiikot sa planetang Jupiter. Ang obserbasyong ito ang nagtulak kay Galileo na baliin ang halos 1,800 taong paniniwalang ang mundo ang sentro o gitna ng Kalawakan. Pinagbawalan si Galileo ng sinaunang Simbahang Katoliko na isa-publiko ang kanyang natuklasan. Narito ang ilan sa kanyang mga invention at natuklasayan teorya na ngayon ay pinakikinabangan pa. - Thermoscope o thermometer Ang bagay na ito ay kayang malaman ang temperatura ng isang tao o panahon. Kung ito ba'y lagpas sa init na kaya ng tao o ng kalikasan. - Military Compasses Nagbibigay gabay sa mga paglalakbay sa malawak na karagatan. ito ay may mga calculation para malaman ng tama kung na saan na ang mga posisyon ng mga isla. - Telescope Ito ay may kakayahan na makikita ng mga bagay kahit na ito ay milya ang layo sa karagatan o sa kalawakan. - Teorya hingil sa Inertia ang teoryang ito ay hinggil sa galaw ng isang bagay o bilis ng isang galaw ng bagay (speed) - Mga katangian ng mga planeta sa solar system.