Uploaded by cheerrymiecuizon722

Kabanata 20- Pulong ng Bayan

advertisement
KABANATA 20:
Pulong ng Bayan
MAHABA at maluwang ang bulwagan sa tribunal. Dito nagpupulong ang mga
namumuno bayan at sa mga nayon ng San Diego. May mga larawang nakasabit sa dingding.
Hindi kagandahan ang mga iyon at may kasagwaan ang paliwanag na mga salita. May
nakapalamuti ring makalumang mga baril, sable, at patalim. Ito'y sandatang panugis sa mga
tulisan at masasamang loob ng mga pulis- munisipyo roon. Sa isang dulo ng bulwagan na
kinabitan ng pulang kurtinang marumi na ay nakasabit sa dingding ang larawan ng hari ng
Espanya. Tinutunghayan ng larawan ang isang platapormang kahoy na kinapapatungan ng isang
lumang silyon. Nakaharap dito ang malaking mesa na pinalibutan ng mga silya at bangko.
Nakaupo at nag-uusap ang mga miyembro ng dalawang partido. Matatanda ang mga
miyembro ng Partidong Conservador at kabataan naman. ang bumubuo sa Partidong Liberal.
Magkalaban kaya't magkabukod kung mag-usap-usap ang dalawang lapian.
"Nakapagdududa at nakawawala ng tiwala ang ikinikilos ngkapitan," sabi ni Don Filipo sa mga
kaibigan. Siya ang tenyente mayor at lider ng Partidong Liberal."Talaga yatang ayaw na niyang
pag-usapan pa ang tungkol sa gugulin para sa pista. Aba'y lalabing-isang araw na lamang at
pista na. Sa a-dose ng buwang kasalukuyan ang pista sa San Diego."
"At ngayo'y nasa kumbento at kausap ng kura na di raw makapaparito pagkat may sakit," puna
ng isang kabataan.
"Hindi bale!" Sabi naman ng isa pa. "Handa na tayo. Huwag lang balak ng matatanda." sangayunan ng nakararami ang
"Palagay ko'y hindi sasang-ayunan," wika ni Don Filipo. "Ako ang maghaharap ng kanilang
plano."
"Ano? Ano ang gusto n'yong sabihin?" nagtatakang tanong ng mga nakikinig.
"Hindi namin kayo maintindihan, ginoo," naghihinalang wika ng ibang kaharap.
"Makinig kayo," bulong ni Don Filipo sa dalawa o tatlong kausap na malapit sa kanya.
"Nakasalubong ko kaninang umaga si Tandang Tasyo." "Ano ang sabi?
"Sabi niya sa akin ay ito, 'Mas galit sa inyo kaysa balak ninyo ang kalaban. Kaya, magmungkahi
kayo ng planong ayaw ninyong maaprobahan. Tiyak na hindi nila pagtitibayin ang balak kahit na
mahalaga pang tulad ng putong ng obispo, pagkat kayo ang nagmungkahi. Kung talo na kayo
ay saka imungkahi ang gustong maaprobahan. Bayaang ang isang karaniwang miyembro ng
partido ninyo ang magharap ng balak. Pagtitibayin iyon ng kalaban ninyo para kayo hiyain. Pero,
ilihim n'yo lang."
"Baka..."
"Kaya nga ako ang maghaharap ng balak ng ating kalaban at gagawin ko iyong katawa-tawa."
Binalingan ni Don Filipo ang isang batang kabisa. "Kayo ang magmungkahi ng plano ng ating
partido pagkatapos kong matalo," anang Don.
Siyang pagpasok ni Ibarra at ng guro. Bumati ang dalawa sa mga naroroon ngunit hindi nakihalo
sa kanilang usapan. Maya-maya'y dumating naman ang kapitan. Nahinto ang bulong-bulungan.
Isa-isa nang nagsiupo ang mga naroroon at unti-unting natahimik ang lahat makaraan ang ilang
sandali. Umupo ang kapitan sa silyong nasa plataporma at apat o limang beses na umubo.
Hinaplos ang buhok at mukha, ipinatong ang siko sa mesa pero inialis na muli. Umubo na
naman. Inulit-ulit niya ang ganitong kilos.
"Mga ginoo," sa wakas ay marahan niyang wika. "Pinulong ko kayo..... ee... pista na ng San Diego
sa a-dose ng buwang ito...,... Sinadya niyang umubo Ngayo'y ikalawang..., e... e... sunod-sunod at
nanahimik pagkatapos.
Tumayo ang isang lalaki mula sa grupo ng Conservador. Apatnapung taong gulang na
siya marahil at mukhang mayabang. Siya si Kapitan Basilio na naging kalaban ng yumaong si
Don Rafael. Naniniwala ang nasabing kapitan na hindi na sumulong kahit isang hakbang man
ang mundo mula nang mamatay si Santo Tomas de Aquino. Hindi na rin daw umunlad, kundi
umurong pa ang sangkatauhan mula nang iwan niya ang Kolehiyo ng San Juan de Letran.
Humingi ng pahintulot si Kapitan Basilio na unang makapagsalita dahil mahalaga ang
paksang pag-uusapan.
"Hindi naman nangangahulugang ako ang pinakaimportanteng taga- pagsalita at
pinakawalang-kuwenta ang mahuhuli. Kaya lamang ay hindi maipagpapaliban ang aking
sasabihin, at para mapag-isipan itong mabuti," paliwanag niya.
Isa-isa niyang binanggit ang pangalan ng mga may-sinasabing naroroon nang
pahintulutan siyang unang magsalita. Maligoy at mabulaklak ang kanyang mga pananalita.
Panay ang paghingi niya ng paumanhin at Hindi na nakapagpigil ang mga Conservador. Tumayo
ang ilan at sumangguni sa mga kasamahan.
"Isa pa, para ipakita sa mga kanugnog-bayan na bukas ang palad natin at may perang
gagastusin," dugtong ni Don Filipo, inilakas niya ang boses at sinulyapan ang grupo ng
Conservador. "Kumuha tayo ng apat na isponsor para sa dalawang araw na pista. Saka, 200
pritong manok, 100 relyenong kapon, at 50 litson ang ihagis natin sa ilog tulad ng ginagawa ni
Sulla sa kapanahon ni Cicero. Kilala sila ni Kapitan Basilio." oladi "Oo nga, tulad ni Sulla,"
nasisiyahang wika ni Kapitan Basilio. Nagitla ang madla nang gayon na lamang.
"Magsisipamisa rin lamang ang mayayaman na dala ang libo-libong piso, ang
pinakamagagaling na sasabungin, baraha, at 'yung ginagamit sa larong-Intsik ay magpasabong
tayo nang labinlimang araw at gawing legal ang sugal."
Nagtindigan ang kabataan bilang pagtutol. Naisip nilang nasisiraan na yata ng ulo ang
tenyente mayor. Mainitan ang pagtatalo ng matatanda. Nadaig ang tinig ni Don Filipo ng mga
pasigaw na pagsasalita mula sa bawat sulok ng bulwagan.
"Hindi maaari!" sigaw ng may-prinsipyong Conservador. "Hindi ako makapapayag na
maipagmalaki niyang siya ang nagpapista. Hindi! Bayaan n'yo kong makapagsalita!"
"Naloko tayo ni Don Filipo," sabi naman ng mga Liberal. "Huwag nating botohan.
Kumampi siya sa matatanda. Huwag nating botohan." Nanlambot ang kapitan, ngunit wala
siyang ginawang anuman para payapain ang kaguluhan. Hinintay niyang magsiayos ang lahat.
Humingi ng pahintulot na makapagsalita ang puno ng pulisya, pero nagtikom ng bibig at
umupong muli na nalilito at hiyang-hiya.
Nagkaisa ang lahat na tuligsain at kalabanin si Don Filipo, kaya't nag-urong siya ng
kanyang mungkahi.
Tuwang-tuwa Conservador sa pagkatalo ng kanilang kalaban. Payapa na nilang tiningnan
ang pagtayo ng isang kabesa na humiling na makapagsalita.
"Iminumungkahi kong magpala- bas ng mga hindi karaniwang napa- panood sa huwag
makalabas sa bayan natin araw-araw. Sikaping huwag makalabas sa bayan natin pahintulot.
Humaba nang humaba ang kanyang talumpating wala namang kabuluhan at tinapos sa
pagsasabing ang panahon ay ginto kaya't dapat na iklian at liwanagin kaagad ng ibang
magsasalita ang kanilang sasabihin.
Ipinahayag ng kapitang nangungulo sa pulong na puwede nang makapagsalita ang iba.
Tumayo si Don Filipo nang walang ibang nangahas. Nagkindatan at nagsenyasan nang
makahulugan ang mga miyembro ng Conservador.
"Inihaharap ko ang mungkahing badyet para sa pista," sabi ni Don Filipo.
"Hindi matatanggap iyan!" sigaw ng isang matandang Conservador. "Tutol kami r'yan!"
magkakasabay na wika "Mga ginoo," nangingiting wika ni Don Filipo. "Hindi ko pa naman
naipapaliwanag ang balak na inihaharap ng kabataan. Natitiyak naming ang mahalagang
proyektong ito ay magugustuhan ng lahat, kaysa sa ihaharap ng oposisyon."
Lalong nakapagpainit ng kalooban ng mga Conservador ang mapusok na pahayag, kaya
pinagkaisahang kalabanin ang nagmungkahi.ne
Nagpatuloy si Don Filipo, "Tatlong libo't limandaang piso ang badyet para sa pista. Sa
halagang ito ay makapagpapapista tayo nang higit sa nakita na natin dito at sa iba pang
lalawigan."
"Ow!" bulalas ng mga hindi makapaniwala, "Ang bayan ng A ay may badyet na 5,000
piso, ang kalapit-bayan ay may 4,000 piso. Hmm... Kahambugan 'yan!"
"Makinig kayo, mga ginoo, at makukumbinsi kayo," walang pagkabahalang patuloy ni
Don Filipo. "Iminumungkahi kong magtayo ng isang malaking entablado sa plasa sa halagang
150 piso."
"Kulang 'yan!" matigas na tutol ng isang Conservador. "Gawin mong 160 piso."
"Ginoong Kalihim, ilista ninyong 200 piso para sa entablado," utos ni Don Filipo.
"Arkilahin din natin ang komedya sa Tundo upang magpalabas sa loob ng pitong gabing sunodsunod. Dalawandaang piso isang gabi, 1,400 piso ang ilista ninyo. Ginoong Kalihim, 1,400 piso."
Gulat na gulat na nagkatinginan ang matatanda at kabataan, maliban sa mga nakaaalam
ng sikreto.
Idinagdag ni Don Filipo ang balak para sa mga paputok...200 bomba at 200 kuwitis na
bawat isa'y dalawang piso, kaya ipinalista ang sanlibong piso para rito.
Hindi na nakapagpigil ang mga Conservador. Tumayo ang ilan at sumangguni sa mga
kasamahan.
"Isa pa, para ipakita sa mga kanugnog-bayan na bukas ang palad natin at may perang
gagastusin," dugtong ni Don Filipo, inilakas niya ang boses at sinulyapan ang grupo ng
Conservador. "Kumuha tayo ng apat na isponsor para sa dalawang araw na pista. Saka, 200
pritong manok, 100 relyenong kapon, at 50 litson ang ihagis natin sa ilog tulad ng ginagawa ni
Sulla sa kapanahon ni Cicero. Kilala sila ni Kapitan Basilio."
"Oo nga, tulad ni Sulla," nasisiyahang wika ni Kapitan Basilio. Nagitla ang madla nang
gayon na lamang.
"Magsisipamisa rin lamang ang mayayaman na dala ang libo-libong piso, ang
pinakamagagaling na sasabungin, baraha, at 'yung ginagamit sa larong-Intsik ay magpasabong
tayo nang labinlimang araw at gawing legal ang sugal."
Nagtindigan ang kabataan bilang pagtutol. Naisip nilang nasisiraan na yata ng ulo ang
tenyente mayor. Mainitan ang pagtatalo ng matatanda. Nadaig ang tinig ni Don Filipo ng mga
pasigaw na pagsasalita mula sa bawat sulok ng bulwagan.
"Hindi maaari!" sigaw ng may-prinsipyong Conservador. "Hindi ako makapapayag na
maipagmalaki niyang siya ang nagpapista. Hindi! Bayaan n'yo kong makapagsalita!"
"Naloko tayo ni Don Filipo," sabi naman ng mga Liberal. "Huwag nating botohan.
Kumampi siya sa matatanda. Huwag nating botohan." grNanlambot ang kapitan, ngunit wala
siyang ginawang anuman para payapain ang kaguluhan. Hinintay niyang magsiayos ang lahat.
Humingi ng pahintulot na makapagsalita ang puno ng pulisya, pero nagtikom ng bibig at
umupong muli na nalilito at hiyang-hiya.
Nagkaisa ang lahat na tuligsain at kalabanin si Don Filipo, kaya't nag-urong siya ng
kanyang mungkahi.
Tuwang-tuwa Conservador sa pagkatalo ng kanilang kalaban. Payapa na nilang tiningnan
ang pagtayo ng isang kabesa na humiling na makapagsalita.
"Iminumungkahi kong magpala- bas ng mga hindi karaniwang napa- panood sa arawaraw. Sikaping huwag makalabas sa bayan natin ang ating salapi, kaya huwag itong aksayahin sa
walang kuwentang mga paputok, kundi sa mga bagay na makabubuti para sa lahat."
"Iyan nga!" sang-ayon ng kaba-taan. "Iyan ang ibig namin."
"Magaling," ayon din ng mga Conservador. "Ano ang mapapala natin sa pitong araw na
komedyang mungkahi ng tenyente mayor? Ano ang matututuhan natin sa mga hari ng
Bohemya at Granada na nagpapapugot ng ulo sa kanilang mga anak na prinsesa, o nag-uutos
na ibala sa kanyon ang mga iyon? Hindi naman tayo mga hari ni Barbaro, at kung tutularan sila'y
baka mabitay pa tayo sa Bagumbayan. E, ano ba sa atin ang mga prinsesang solong
nakikipaglaban sa mga prinsipe, o kaya'y naglalagalag sa mga bundok na parang kinukulam?
Hindi ba mas mabuting magpalabas tayo ng mga dramang naglalarawan ng sariling kaugalian
upang maunawaan at maiwasto ang ating mga bisyo't kapintasan at mapahalagahan naman ang
ating mga katangian?"
"Iyan nga!" sang-ayon muli ng mga Liberal.
"Tama siya," nag-iisip na bulong ng ilang Conservador.
"Hindi ko naisip 'yon," bulong din ni Kapitan Basilio.sgidia "Pero, paano ang gagawin
ninyo?" tutol pa rin ng isang matanda. "Madali 'yan," tugon ng batang kabesa. "Dala ko po rito
ang dalawang komedya na tiyak na maiibigan ng mga maginoo at iginagalang nating
katandaan. Lubhang kapuri-puri at nakalilibang ang mga ito. Ang isa'y may pamagat na Ang
Paghahalal sa Kapitan. Ang ikalawa'y ang Mariang Makiling, siyam na yugto ang dulang ito at
dalawang gabi ipalalabas. Makabago at makabuluhan ang mga palabas na ito saka hindi
magastos. Mga karaniwang damit lamang kasi ang kailangan."
"Sagot ko ang entablado," masigasig na sabi ni Kapitan Basilio. "Kung kailangan ang
pulis sa drama ay puwede ang mga tauhan ko" sabi naman ng puno ng pulisya.
"At ako, ako ang lalabas na matanda kung kailangan ninyo!" umaarteng tumayo ang
isang Conservador.
Sumang-ayon na ang lahat matapos ang ilan pang diskusyon. Masigla sila maliban sa
kapitan na pinagpapawisan at balisa. Hinaplos niya ang noo at nauutal na nagsalita.
"Payag din ako, pero. . . e...," kinusot niya ang mga mata bago
nagpatuloy, "ngunit iba ang gusto ng kura."
"Ang kura ba o tayo ang gumagasta para sa pista?" mariing tanong ni
Pilosopong Tasyo na nilingon ng lahat.
"Ano naman ang gusto ng kura?" usisa ni Kapitan Basilio.
"Ang gusto ng kura'y anim na prusisyon, tatlong sermon, tatlong misa mayor. At kung
may pera pa ay komedya sa Tondo at musikang pangintermisyon."
"Ayaw namin n'yon!" tutol ng kabataan at ng nakararaming Conservador.
"Iyon ang gusto ng kura at nangako akong matutupad iyon."
"Bakit pa kayo tumawag ng pulong?"
"Para nga sabihin sa inyo."
"Bakit hindi n'yo sinabi agad?"
"Sasabihin ko na sana, ngunit nagsalita si Kapitan Basilio, at hindi na ako nagkaroon ng
pagkakataon.... Dapat na masunod ang kura!"
"Dapat na masunod ang kura!" ulit ng ilang matatanda.
"Kailangan siyang sundin kung hindi'y ibibilanggo tayong lahat ng alcalde," susog ng iba
pang matatanda. "
"Asikasuhin n'yong mag-isa ang pista," bulalas nagsisitayo. "Babawiin namin ang aming
abuloy."
"Naibigay na ang lahat ng abuloy," sabi ng kapitan.
Nilapitan siya ni Don Filipo at buong kapaitang nagwika. "Magsakripisyo kayo para sa
isang mabuting bagay. Nakapagsakripisyo na rin lang kayo para sa masama, at nasira ang lahat."
Samantala'y kinausap ni Ibarra ang guro.
"May ipagbibilin ba kayo sa Kapitolyo? Papunta ako doon ngayon." "May lalakarin ba
kayo doon?"
"Mayroon!" mahiwagang sagot ni Ibarra.
Download