ABSTRAK Lahat ng mga paaralan ay sarado kasunod ng pagpapataw ng gobyerno sa kabuuan lockdown na kilala bilang Enhanced Community Quarantine (ECQ). Ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ay bumuo ng isang balangkas na tinatawag na Basic Education Learning Continuity Plan (BELCP) para sa edukasyon sa panahon ng mga krisis sa bansa. Ang patakarang ito ay mahusay na tinugon ng Unibersidad Ng Sultan Kudarat. Nagsagawa ng pag-aaral ang mga mananaliksik upang tumugon sa patakarang ito. Ang layunin ng pag-aaral na ito ay tukuyin ang mga epekto ng online na pag-aaral sa akademikong pagganap ng mag-aaral sa asignaturang Basic Financial Accounting and Reporting (BFAR). Ang mga respondente sa pag-aaral na ito ay 72 na mag-aaral mula sa ikalawang taon sa departamento ng Accounting na nakaranas ng online na pag-aaral sa pagkuha ng BFAR. Deskriptibong kwantitatibo ang disenyo ng pananaliksik na ito. Ang mga datos ay nakolekta sa pamamagitan ng talatanungan na binubuo ng mga indicators na may mga close-ended questions. Ang resulta ay nagpakita na ang online na pag-aaral ay may positibong epekto sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral base sa pagganyak, nakakamit at pakikipag-ugnayan sa pag-aaral. Ang online na pag-aaral ay may makabuluhang epekto sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa Basic Financial Accounting and Reporting dahil sa pvalue na mas mababa sa 0.05, kaya ang null hypothesis ay tinanggihan at ang alternatibong hypothesis ay tinatanggap. Mga susing salita: Akademikong Pagganap, Online na pag-aaral, Basic Financial Accounting and Reporting, Indicators DAHON NG PAGPAPATIBAY i ISANG BAHAGI NG KATUPARAN ng mga pangangailangan sa sa asignaturang Filipino Sa Iba't-ibang Disiplina (GE713) na pinamagatang: ''EPEKTO NG ONLINE NA PAGKATUTO SA AKADEMIKONG PAGGANAP NG MAG-AARAL SA AKAWNTANSI" Inihanda at iniharap nina NIÑO G. EMBANG, FLEHZY TEA R. ESTOLLOSO, KRISTINE JANE L. DELLOMES, ALIJAH S. DELA CRUZ, IRISH PHINK S. DOLOJO AT GWYNETH A. DAYON para sa isang pinal na pagsusulit. DIVINE FELICIANO, PhD JOVITA COLLADO, MAEd Tagasuri Tagasuri TINANGGAP bilang BAHAGI NG KATUPARAN ng mga pangangailangan sa asignaturang Filipino Sa Iba't-ibang Disiplina (GE715) Eufemia Porque, PhD Tagapayo PINAGTIBAY, Marso 11, 2023 ng mga Tribuna sa Pasalitang Pagsusulit na may markang PASADO. ii PASASALAMAT AT PAGKILALA Ang pag-aaral na ito ay naging isang katotohanan sa tulong at suporta ng maraming indibidwal. Nais ng mga mananaliksik na ipaabot ang kanilang pasasalamat sa mga sumusunod na tao at ahensya na nagbigay ng kanilang suporta at panghihikayat para sa pagsasakatuparan ng pag-aaral na ito. Higit sa lahat, nais ng mga mananaliksik na ialay ang gawaing ito sa Poong Maykapal para sa kaloob na buhay, karunungan, lakas, kapayapaan ng isip at mabuting kalusugan na kanyang ipinagkaloob upang matapos ang pag-aaral na ito. Ang kanilang mga magulang na nagbigay ng kanilang buong pagmamahal, patnubay, at suporta sa paggawa ng pag-aaral na ito at para sa malaking tulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng suportang pinansyal, akomodasyon, at higit sa lahat para sa lakas at inspirasyon sa pagsasakatuparan ng pag-aaral na ito. Gng. Eufemia Porque, PhD, ang kanilang tagapayo para sa kanyang mahahalagang rekomendasyon at mungkahi ng may pagtitiyaga at kasipagan sa pagtulong sa mga mananaliksik na matugunan ang mga kinakailangang gawin para sa pagkumpleto ng pag-aaral na ito. Gng. Divine Feliciano, PhD at Gng. Jovita Collado, MAEd sa pagbibigay ng kanilang mga mungkahi at pagwawasto na naging mas matagumpay sa pag-aaral na ito Prof. Charmie A. Lagdamen, MBA, ang kanilang statistician, para sa pagkuwenta ng statistic data na kailangan sa pagsasagawa ng pag-aaral na ito. iii Dagdag pa rito, nais ng mga mananaliksik na pasalamatan ang lahat ng mga respondente na gumugol ng ilang oras at pagsisikap sa pagtutulungan para sa pagsagot sa mga talatanungan, mga kaibigan at kaklase ng mga respondente na nagambag sa tagumpay ng pag-aaral na ito. ANG MGA MANANALIKSIK iv TALAAN NG NILALAMAN Pahina PAUNANG PAHINA Abstrak i Dahon ng Pagpapatibay ii Pasasalamat at/o Pagkilala iii Talaan ng Nilalaman iv Talaan ng mga Pigura vi Talaan ng Apendiks vii KABANATA I. INTRODUKSIYON Panimula 5 Paglalahad ng Suliranin 7 Kahalagahan ng Pag-aaral 7 Saklaw at Delimitasyon 8 Depinisyon at Terminolohiya 8 Konseptual na Balangkas 9 Teorotikal na Balangkas 9 II. Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura 10 III. METODOLOHIYA Disenyo ng Pananaliksik 19 v Pook ng Pag-aaral 19 Respondente ng Pag-aaral 20 Instrumento ng Pananaliksik 20 Paraan ng Pagkalap ng Datos 21 Pagsusuri ng Datos 21 IV. RESULTA AT DISKUSYON V. BUOD, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON BUOD 28 KONKLUSYON 29 REKOMENDASYON 29 SANGGUNIAN 31 APENDIKS 34 TALAAN NG MGA PIGURA Pigura 1: Konseptual na Balangkas 10 Pigura 2: SKSU-Tacurong campus 21 Pigura 3: Flow chart 24 Pigura 4: Dokumentasyon ng pag-aaral 38 Pigura 5: Tabulasyon ng mga datos 39 Pigura 6: Kopya ng online na talatanungan 41 vi Pigura 7: Kopya ng nakalimbag na talatanungan 42 TALAAN NG MGA TALAHANAYAN Talahanayan 1: Likert Scale 23 Talahanayan 2: Gagamitin para sa interpretasyon sa marka ng mag-aaral 24 Talahanayan 3: Akademikong pagganap sa asignaturang Basic Financial 26 Accounting and Reporting ayon grado Talahanayan 4: Likert Scale Talahanayan 5: Antas ng online na pagkatuto ng mga mag-aaral 28 batay sa pagganyak Talahanayan 6: Antas ng online na pagkatuto ng mga mag-aaral 29 batay sa nakakamit Talahanayan 7: Antas ng online na pagkatuto ng mga mag-aaral 30 batay sa pakikipag-ugnayan Talahanayan 8: Eskala para sa interpretasyon sa marka ng mag-aaral 32 Talahanayan 9: Akademikong pagganap sa asignaturang Basic Financial 33 Accounting and Reporting ayon grado Talahanayan 10: Epekto ng online na pagkatuto sa akademikong 34 pagganap mga mag-aaral sa Accountancy vii