Uploaded by Lesly Llaguno

pdf 20230514 145336 0000

advertisement
NOLI ME TANGERE
Kabanata 3: Ang Hapunan
I.Talasalitaan
1.padaskol – walang ingat at mabilis na pag- gawa ng isang bagay o pagsabi ng kung anuman sa
kapwa. (padalos-dalos)
Hal: Si Padre Damaso ay kakikitaan ng pagkayamot mula sa padaskol na kilos at natabig pa ang
siko ng kadeteng nakaupo.
2. pagsikad – padyak/pagsipa
Hal: Habang papunta si Padre Damaso sa hapag kainan ay nagpatuloy ito sa pagsikad ng mga
upuang nadaraanan.
3. pagkayamot – pagkagalit
Hal: Halata ang pagkayamot sa mukha ni Padre Damaso.
4. tungga- uminom/tumungga
Hal: Nagpaalam si Ibarra sa pamamagitan ng pagtungga ng alak at sinabing, “Para sa kabutihan ng
Pilipinas at Espanya”.
5. indio– tawag ng mga Kastila sa mga katutubong Pilipino
Hal: Ayon kay Padre Damaso, ang pag-aaral ng isang Indio sa ibang bansa ay nagdudulot ng
kayabangan.
II. Mga Tauhan
.• Crisostomo Ibarra- ang nagtitimpi nang husto dahil sa
pambabastos ni Padre Damaso
• Padre Damaso- ang muling nambastos kay Crisostomo
Ibarra
sa
hapunan.
Task Name
• Padre Sibyla- ang paring nasisiyahan habang papalapit
sa hapag-kainan
Task Name
• Kapitan Tiago- ang nagdaos ng isang piging. Walang
halos nag-alok ng upuan sa kanya sa hapag-kainan.
III.Buod
Lumapit ang mga bisita sa hapag kainan, iba’t ibang reaksyon
ang makikita, ang iba ay interesado sa mga pagkaing
inihanda ni Kapitan Tiago noong gabing iyon. Si Padre Sibyla
ay lumapit sa hapagkainan na may kasiyahan, habang si
Padre Damaso naman ay kakikitaan ng pagkayamot mula sa
padaskol nitong kilos at nasiko pa niya ang isang tinyente
ngunit hindi man lang siya kakikitaan ng paghingi ng pasensya
sa mukha nito. Sa halip ay nagpatuloy ito sa pagsikad ng
anumang upuan na madadaanan nito patungo sa
hapagkainan.
Sa hapagkainan, nag-agawan sa kabesera ang dalawang pari na si
Padre Damaso at Padre Siblya.Nakamasid sa kanila ang mga tao
kaya sa pagkapahiya ay nagpaubaya sila at nagbulahan pa ang
dalawa kung sino talaga ang karapat dapat na maupo sa ulohan
ng mesa.”Kayo na po ang maupo, Padre Damaso. Higit kayong
karapat-dapat sapagka’t kayo ay kompesor ng pumanaw na
ginang ng maybahay at malapit na kaibigan… higit na nakatatanda,
mataas ang katungkulan at kapangyarihan,” ani Padre Sibyla.
“Hindi naman po katandaan, Padre Sibyla. Sa palagay ko’y
nararapat na kayo dahil kayo na ang kura ng bayang ito,” ani
Padre Damaso ngunit hindi bumibitiw sa pagkakahawak sa silya.
“Sumusunod lamang po ako kung inyong ipinag-uutos.” Akmang uupo na si Padre
Sibyla nang magsalita si Padre Damaso. At sa huli, si Padre Siblya ang naupo sa
kabesera dahil sa kadahilanan na siya ang kura sa lugar.
Sa kalaunan, inalok ni Padre Sybila ang upuan sa Tinyente na agad naman nitong
tinanggihan. Tinanggihan din ni Kapitan Tiago ang paanyaya ni Ibarra. Ipinahain ni
Kapitan Tiago ang inihandang manok para kay Ibarra at sa mga panauhin.
Natuwa ang lahat sa mga piraso ng manok na nakuha nila, maliban kay Padre
Damaso, di sinasadyang mapunta sa kanya ang hindi masasarap na bahagi ng
manok . Labis ang kanyang pagkayamot dahil mga leeg at matigas na pakpak
ang laman ng kanyang tinola. Hindi alam ng pari na ang espesyal na tinola ay
para lamang kay Ibarra, dahil sa pagkadismaya ay uminom na lamang siya ng
sabaw at maingay na inihagis ang mga kubyertos at padabog na itinulak ang
mga pinggan.
Nang kumakain na ang lahat, natuon ang usapan kay Ibarra
ang usapan at nagtanong sila tungkol sa buhay ni Ibarra.
Ikinuwento naman ni Ibarra ang tungkol sa kanyang pitong
taong pag-aaral sa Europa, tungkol sa kung paano siya
pumunta sa iba’t ibang bansa, nag-aral ng kasaysayan,
nagsasalita ng iba’t ibang wika, ang ‘di nito paglimot sa
kanyang bayan sa kabila ng kaunlarang namasdan sa ibang
bansa, maging ang hindi pagkaka-alam sa tunay na dahilan
na nangyari sa kanyang ama.
Sinabi rin ni Ibarra na sa mga bansang kanyang binisita
ay nasa parehong antas ang ekonomiya, politika at
relihiyon.Ito ay sa kadahilanang pinahihintulutan ito ng
sarili nilang kalayaan at kakayanang pamahalaan ang
kanilang sariling bansa. Agad na pinuna at ininsulto ni
Padre Damaso ang binata na pinaniniwalaan niyang kahit
maliit na bata ay kaya iyong matutunan. Idinagdag ng
pari na ang posibleng paglalakbay ni Ibarra sa Europa ay
isang pag-aaksaya lamang ng salapi.
Magalang na tinanggap ni Ibarra ang mga salita ng pari. Ikinuwento na lamang ng
binata ang kanyang mga alaala kay Padre Damaso, na aniya ay karaniwan nang
kasalo sa kanilang hapag-kainan at matalik na kaibigan din ng kanyang ama.Hindi na
nakakibo ang pari sa sinabi ni Crisostomo dahil sa mga naging kaganapan sa pagitan
nila ng kanyang ama.
Bago pa man siya malasing, inihayag na ni Ibarra ang paanyaya ng pagtungga ng
alak para sa kapakanan ng Pilipinas at Espanya. Sinubukan ni Kapitan Tiago na
pigilan si Ibarra dahil darating si Maria Clara,anak na dalaga ni Kapitan Tiyago. ngunit
nangako na lang siyang babalik kinabukasan.
Nagpatuloy pa rin sa pang-iinsulto si Padre Damaso kay Ibarra.Wika nya ay “ Kung
ako ang masusunod ,dapat ipagbawal ng pamahalaan ang pagpapadala ng isang
Indio sa Europa dahil sa masasamang epekto nito.
THANK YOU
Download