Uploaded by Gercel

TEKSTONG NANGHIHIKAYAT (11 HUMSS A)

advertisement
TEKSTONG
NANGANGATWIRA
N (ARGUMENTATIB
O)
LESSON 7
TEKSTONG
NANGANGATWIRAN
- Ito ay isang pagpapahayag na nagbibigay ng sapat na katibayan o patunay upang ang isang panukala
ay maging katanggap - tanggap o kapani-paniwala. Layunin nito na hikayatin ang mga tagapakinig na
tanggapin ang kawastuhan ang kanilang pananalig o paniniwala sa pamamagitan ng makatwirang
pagpapahayag. (- Badayos)
- Sa pangangatwiran, ang katotohaanan ay pinagtitibay o pinatutunayan sa pamamagitan ng mga
katwiran o rason.
(- Arogante)
- Ang pangangatwiran ay isang sining sapagkat ang paggamit ng wasto, angkop at magandang
pananalita ay makatutulong upang mahikayat na pankinggan, tanggapin at paniniwalaan ng nakikinig
ang nangangatwiran.
- Ang pangangatwiran ay maituturing ding agham sapagkat ito ay may prosesong dapatisaalang-alang o
sundin upang ito ay maging mahusay at matagumpay, lalo na sa formal na pangangatwiran gaya ng
debate.
TEKSTONG
NANGANGATWIRAN
Ito ay nakatuon sa layuning manghikayat sa pamamagitan ng pangangatwiran
batay sa katotohanan o lohika. Maaari itong tungkol sa pagtatanggol ng manunulat sa kaniyang paksa o panig o
pagbibigay ng kasalungat o ibang panig laban sa nauna, gamit ng mga ebidensiya
mula sa kaniyang sariling karanasan, kaugnay na mga literatura at pag-aaral,
ebidensiyang kasaysayan, at resulta ng empirikal na pananaliksik. Ang empirikal
na pananaliksik ay tumutukoy sa pangongolekta ng datos sa pamamagitan ng
pakikipagpanayam, sarbey at eksperimentasyon. Tekstong Argumentatibo TEKSTONG
NANGANGATWIRAN
Nangangailangan ang pagsulat ng Tekstong Argumentatibo ng masusing ibestigasyon kabilang na
ang pangongolekta at ebalwasyon ng mga ebidensiya. Mula rito ay paninindigan ang isang
posisyon na isusulat sa maikli ngunit malaman na paraan. Sa pamamagitan ng detalyadong pagaaral sa paksa o isyu, mas nauunawaan ang iba’t-ibang pananaw o punto de bista at nakapipili ang
mananaliksik ng posisyong may matibay na ebidensiya. Tekstong Argumentatibo Kailangang may malinaw na tesis at ginagabayan ng lohikal na pangangatwiran ang tekstong
argumenatibo, kahit pa ang pangunahing layunin nito ay ipahayag ang opinion ng manunulat sa
isang tiyak na isyu.
LAYUNIN NG
NANGANGATWIRAN
1. upang mabigyang - linaw ang isang mahalagang usapin o
isyu.
2. maipagtanggaol ang sarili sa mali o masamang
propaganda laban sa kanya.
3 Makapagbahagi ng kanyang kaalaman sa ibang tao;
4. Makapagpahayag ng kanyang saloobin
5. Mapanatili ang magandang relasyon sa kaniyang kapwa
Ilan sa mga halimbawa ng mga sulatin o
akdang gumagamit ng tekstong argumentatibo
ang:
1. Tesis
2. Posisyong
Papel
3. Papel na
pananaliksik
4. Editoryal
5. Petisyon
Kasanayang nalilinang sa
pangangatwiran
1. Wasto at mabilis na pag-iisip
2. Lohikong paghahanay ng kaisipan
3. Maayos at mabisang pagsasalita
4. Maingat na pagkilala at pagsusuri ng tama at maling katwiran
5. Pagpapahalaga sa kagandahang asal gaya ng pagtitimpi o
pagpipigil ng sarili at pag-unawa sa mga karaniwang
inilahad ng iba o pagtanggap sa nararapat na kapasyalan.
Mga Elemento ng
Pangangatwiran
PROPOSISYON
Ayon kay Melania L. Abad (2004) sa “ Linangan: Wika at Panitikan,”
ang proposisyon ay ang pahayag na inilalahad upang pagtalunan o
pag- usapan. Ito ang isang bagay na pinagkakasunduan bago
ilahad ang katuwiran ng dalawang panig. Magiging mahirap ang
pangangatwiran kung hindi muna ito itatakda sapagkat hindi
magkakaisa sa mga batayan ng isyu ang dalawang panig.
HALIMBAWA NG PROPOSISYON
1. Dapat na ipasa ang Divorce Bill upang
mabawasan ang karahasan laban sa
kababaihan.
2. Nakakasasama sa pamilya ang pag-alis
ng isang miyembro nito upang
magtrabaho sa ibang bansa
3. Mas epektibo sa pagkatuto ng mga
mag-aaral ang multilingual education
kaysa sa bilingual education.
• Ang unang halimbawa ng
proposisyon ay tungkol sa pagiging
epektibo ng pagpapatupad ng isang
polisiya.
• Ang ikalawa naman ay tungkol sa
paniniwala sa isang bagay at epekto
nito sa tinutukoy na phenomenon.
• Ang ikatlo ay paghahambing kung
ano ang mas mabuti o hindi.
Mga elemento ng
pangangatwiran
2. ARGUMENTO
Ito ang paglalatag ng mga dahilan at ebidensiya upang
maging makatuwiran ang isang panig. Kinakailangan ang
malalim na pananaliksik at talas ng pagsusuri sa
proposisyon upang makapagbigay ng mahusay na
argumento.
Katangian at Nilalaman ng
Mahusay na Tekstong
Argumentatibo
1.
2.
3.
4.
Mahalaga at napapanahong paksa
Maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa tesis sa unang talata ng
teksto.
Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng mga bahagi ng teksto
Maayos na pagkakasunod-sunod ng talatang naglalaman ng mga
ebidensiya ng argumento
Katangian at Nilalaman ng
Mahusay na Tekstong
Argumentatibo
1. Mahalaga at Napapanahong paksa
Upang makapili ng angkop na paksa, pag-isipan ang iba’tibang napapanahon at mahahalagang isyu na may bigat at
kabuluhan. Makatutulong din kung may interes ka sa paksa, ngunit
hindi ito sapat. Kailangan mo ring pag-isipan kung ano ang
makatuwirang posisyon na masusuportahan ng argumentasyon at
ebidensiya.
Katangian at Nilalaman ng Mahusay na
Tekstong Argumentatibo
2. Maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa tesis sa unang
talata ng teksto.
Sa unang talata, ipinaliliwanag ng manunulat ang konteksto ng paksa sa
pamamagitan ng pagtalakay nito sa pangkalahatan. Tinatalakay rin sa bahaging ito
kung bakit mahalaga ang paksa at kung bakit kailangang makialam sa isyu ang mga
mambabasa. - Maaaring gumamit ng introduksiyon na makakakuha ng atensiyon ng
mambabasa gaya ng impormasyon, estadistika, makabuluhang sipi mula sa
prominenteng indibidwal, o kaya ay anekdota na may kinalaman sa paksa ng teksto.
Katangian at Nilalaman ng
Mahusay na Tekstong
Argumentatibo
3. Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng mga bahagi ng teksto
Transisyon ang magpapatatag ng pundasyon ng teksto. Kung
walang lohikal na pagkakaayos ng kaisipan, hindi makasusunod ang
mambabasa sa argumento ng manunulat at hindi magiging epektibo
ang kabuuang teksto sa layunin nito. Nakatutulong ang transisyon
upang ibuod ang ideya sa nakaraang bahagi ng teksto at magbigay ng
introduksyon sa susunod na bahagi.
Katangian at Nilalaman ng
Mahusay na Tekstong
Argumentatibo
4. Maayos na pagkakasunod-sunod ng talatang naglalaman ng mga ebidensiya ng
argumento
Ang bawat talata ay kailangang tumalakay sa iisang pangkalahatang ideya lamang. Ito ang
magbibigay- linaw at direksiyon sa buong teksto. Tiyakin ding maikli ngunit malaman ang bawat
talata upang maging mas madaling maunawaan ng mambabasa. Kailangan ding isaalang-alang ang
lohikal na koneksiyon ng bawat talata sa kabuuang tesis ng teksto at maipaliwanag kung paano at
bakit nito sinusoportahan ang tesis. Gayunpaman, kailangang banggitin at ipaliwanang din ang iba’tibang opinyon sa paksa at ang kaukulang argumento para dito, lalo na’t ito ay taliwas sa sariling
paninindigan.
Uri ng
Pangangatwiran
1.
2.
PANGANGATWIRANG PABUOD (INDUCTIVE REASONING)
PANGANGATWIRANG PASAKLAW (DEDUCTIVE REASONING)
1. PANGANGATWIRANG PABUOD
(INDUCTIVE REASONING)
Nagsisimula sa maliit na katotohanan
tungo sa isang panlahat na simulain o
paglalahat ang pangangatwirang
pabuod. Nahahati ang
pangangatwirang ita sa tatlong bahagi.
Pangangatwirang
Pabuod
a. Pangangatwirang gumagamit ng pagtutulad.
Inilahad dito ang magkatulad na katangian, sinusuri ang
katangian, at pinalulutang ang katotohanan. Ang
nabubuong paglalahat sa ganitong pangangatwiran ay
msasabing pansamantala lamang at maaaring
mapasinungalingan. Maaring maging pareho ang
pinaghahambing sa isa lamang katangian subalit
magkaiba naman sa ibang katangian.
Halimbawa:
Magtayo tayo ng kooperatiba sa ating kolehiyo sapagkat ang
kolehiyo sa Kabanatuan, sila ay may kooperatiba at malaki ang
napapakinabang.
Ang pagmamatuwid na si Miss dela Cruz ay mabuting guro
sapagkat ang ama't ina niya ay mahusay ring mga guro.
Pangangatwirang
Pabuod
b. Pangangatwiran sa pamamagitan ng pag-uugnay ng
pangyayari sa sanhi.
Ang pangangatwiran natin ay nagsisimula sa mga sanhi tungo sa
bunga o ang patumbalik nito. Ang ating konklusyon ay isang
pahayag na ang isang pangayayri'y bunga ng isa pang pangyayari. Halimbawa:
Ang pagmamatuwid na kaya hindi nakapasa sa pagsusulit ang magaaral ay sapagkat hindi siya nagbalik-aral.
Nangangatwirang
Pabuod
c. Pangangatwiran sa pamamagitan ng mga katibayan at pagpapatunay.
Napapalooban ito ng mga katibayan o ebidensyang higit na magpapatunay o
magpapatutuo sa tinutukoy na paksa o kalagayan. Gumagamit ng Katibayan at
Pagpapatibay. Ang pagmamatuwid ay nanghahawakan sa mga ebidensya,
katibayan at patunay. Halimbawa:
Ang pagmamatuwid ni Lucio ang salarin sapagkat sa kanya ang nakuhang
tsinelas sa tabi ng bangkay. Kay Lucio rin ang buckle ng sinturong siyang
ipinamalo sa namatay na natagpuan sa di-kalayuan sa lugar ng krimen. Si Lucio
ay nakagalit ng napatay.
2. PANGANGATWIRANG
PASAKLAW (DEDUCTIVE
REASONING)
Humahango ng isang pangyayari sa pamamagitan ng pagkakapit ng
isang simulang panlahat ang pangangatwirang pasaklaw. Ang silohismo
na siyang tawag sa ganitong pangangatwiran ay bumubuo ng isang
pangungunang batayan, isang pangalawang batayan at isang
konklusyon. Isang payak na balangkas ng pangangatwiran ang
silohismo. Nagsisimula sa malaki patungo sa maliit na kaisipan o
katotohanan!
Halimbawa:
Ang lahat ng hayop ay nilikha ng diyos. Ang manok ay isang uri ng
hayop kung gayon ang manok ay nilkha ng Diyos.
Lihis na
Pangangatwiran
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
Argumentum ad Hominem (Argumento laban sa karakter)
Argumentum and Baculum (Paggamit ng puwersa o pananakot)
Argumentum ad Misericordiam(Paghingi ng awa o simpatiya)
Argumentum ad Numeram (Batay sadami ng naniniwala sa argumento)
Argumentun ad Igonarantian (Batay sa kawalan ng sapat na ebidensiya)
Cum Hoc ergo propter Hoc (Batay sa pagkakaugnay ng
dalawangpangyayari)
Post Hoc ergo propter Hoc (Batay sa pagkakasunod ng mgaPangyayari)
Non Sequitur (Walang kaugnayan)
Paikot-ikot na pangangatwiran (Circular Reasoning)
Padalos-dalos na Paglalahat (Hasty Generalization)
Lihis na Pangangatwiran
1. Argumentum ad Hominem (Argumento laban sa karakter) Lihis ang ganitong uri ng pangangatwiran sapagkat nawawalan ng katotohanan ang argumento
dahil ang pinagtutuunan ay hindi isyu kundi ang kredibilidad ng taong kausap.
Halimbawa:
•
Hindi dapat pinaniniwalaan ang sinasabi ng taong iyan dahiliba angkaniyangrelihiyonat mukha
siyang terorista.
• Bakit ko sasagutin ang alegasyon ng isang abogadong hindi magaling at tatlong besesumulit ng
bar exam?
Lihis na
Pangangatwiran
2. Argumentum and Baculum (Paggamit ng puwersa o pananakot)
HALIMBAWA: • Sumanib ka sa aming relihiyonkung hindi ay hindi ka maliligtasat
masusunog sa dagat-dagatang apoy.
Lihis na Pangangatwiran
3. Argumentum ad Misericordiam(Paghingi ng awa o simpatiya)
Ang pangangatwiran ay hindinakasalig sa katatagan ng argumentokundi sa awa at simpatya
ng kausap.
Halimbawa:
“ Ma’am, ipasa nyo po ako. Kailangan ko pong makapagtapos dahil ako na lang anginaasahan sa aming pamilya. Kailangan kona pong
mgtrabaho para mapagamot angnanay ko na may TB dahil karpentero langpo ang trabaho ng
tatay ko, at pinag-aaral pa po ng apat kong batang kapatid.”
Lihis na Pangangatwiran
4. Argumentum ad Numeram (Batay sadami ng naniniwala sa argumento)
Ang paninindigan sa katotohanan ngisang argumento ay batay sa
dami ngnaniniwala rito.
Halimbawa:
Lahat naman ng tao ay nagsisinungaling kaya walang
masamakung magsinungaling paminsan-minsan.
Lihis na Pangangatwiran
5. Argumentun ad Igonarantian (Batay sa kawalan ng sapat na
ebidensiya) Ang proposisyon o pahayag aypinaninindigan dahil hindi panapatutunayan
ang kamalian nito atwalang sapat na patunay kung mali otama ang pahayag.
Halimbawa:
Kung wala nang tanong ang buongklase, ibig sabihin ay alam na alam nanila
ang aralin at handa na sila samahabang pagsusulit.
Lihis na Pangangatwiran
6. Cum Hoc ergo propter Hoc (Batay sa pagkakaugnay ng dalawangpangyayari) Ang pangangatwiran ay batay sasabay na pangyayari; ang isa aydapat dahilan ng
isa o may ugnayangsanhi at bunga agad dalawangpangyayaring ito.
Halimbawa:
Maswerte sa akin ang kulay pula. Satuwing nakapula ako ay laging mataasang
benta ko
Lihis na
Pangangatwiran
7. Post Hoc ergo propter Hoc (Batay sa pagkakasunod ng mgaPangyayari) Ang pagmamatuwid ay batay samagkakasunod-sunod na pattern ngmga
pangyayari, ang nauna aypinaniniwalaang dahilan ng kasunodna pangyayari.
Halimbawa:
Tumilaok na ang manok. Ibig sabihinay umaga na.
Lihis na
Pangangatwiran
8. Non Sequitur (Walang kaugnayan) Ang konklusyon ay walang lohikal nakaugnayan sa naunang pahayag.
Halimbawa:
Hindi nagagalingan si Ronald sa Musika ngbandang iyan dahil baduy raw
manamit angbokabolista. Lihis na
Pangangatwiran
9. Paikot-ikot na pangangatwiran (Circular Reasoning) Paulit-ulit ang pahayag at walang malinaw na punto.
Halimbawa:
Tayo ay nagkakasala sapagkat tayo amakasalanan.
Lihis na
Pangangatwiran
10. Padalos-dalos na Paglalahat (Hasty Generalization) Paggawa ng panlahatang pahayag o konklusyon batay lamang sa
iilangpatunay o katibayang may kinikilingan. Bumubuo ng argumento nang walang gaanong batayan.
Halimbawa:
Masarap magluto ang kusinera namingBisaya. Magagaling talaga magluto
ang mgaBisaya.
Gabay sa bagbasa ng tekstong
Argumentatibo
Paghahayag ng tesis at balangkas ng teksto
Paano sisimulan ang teksto? 1.
2.
3.
4.
5.
6.
Angkop ba ang paksa at tonong isinusulat?
Nakakakuha ba ng iteres ngmambabasa ang panimulangbahagi ng teksto?
Ano-anong impormasiyon angibinigay na nakatulong paralalong mauunawaan
angargumento ng may-akda?
Ano ang ipinahahayag ng tesis?
Ano ang ipinahahayag napanig at mga inilahad naebidensiyang susuporta rito?
Nakaayos ba ang katawan ngteksto at natatalakay angbawat ebidensyang
binangit?
Gabay sa bagbasa ng tekstong Argumentatibo
Tibay ng argumento
1.
2.
3.
4.
5.
Ano-ano ang suportang detalye atkaragdagang impormasyong ginamitupang
talakayin ang bawatebidensiyang binabanggit?
Ano-anong impormasyong batay saestatistika, pananaliksik, at karanasanang
ibibigay ng teksto bilangkaragdagang detalye sa pagtalakayng mga
ebidensiya?.
Sa ano-anong uri ng sangguniannagmula ang mga batayang ito?
Nakatulong ba ang mga detalyeng itona pagtibayin ang talakay sa ebidensiya?
Mayroon bang ipinahayag na linis napangangatwiran ang teksto?
Gabay sa bagbasa ng
tekstong Argumentatibo
TIBAY NG ARGUMENTO
1.
2.
3.
4.
Matapos ilahad ang mga ebidensiyamuli ba itong nalagom sa bandangwakas
ng teksto?
Anong reaksiyon o aksiyon ang nilalayong makuha mula sa mambabasa?
Tagumpay ba ang mga element ngpanghihikayat upang makumbinsi angmga
mambabasa?
Nahikayat mo ba ang target na mambabasa at nahimok na kumilos o
napaniwala ng teksto? Paano?
Mga Paalala sa Pagsulat ng
Tekstong Argumentatibo
Bago pa man sumulat ng tekstong Argumentatibo, mahalagang suriinmuna nang mabuti ang iba-ibagpanig tungkol sa
isang usapin.Magsaliksik at humanap ng mgaebidensiya batay sa katotohanan at/ginawan ng pag-aaral. Ang pinakasimple at diretso sa puntong balangkas ng tekstong argumentatibo ay binubuo ng ilang bahagi. Una ang 1. introduksiyon
2. tig-iisang talakay ng bawat ebidensiya
3. konklusiyon
Dahil naglalayon din ang tekstong Argumentatibo namanghimok, mahalaga na sa introduksiyon pa lang ay makuha na ang atensiyon at interes ng mambabasa tungkol sa paksa. Sa pagsulat ng tekstong Argumentatibo, pinakamahalagang unang mabuo ang pahayag ng tesis sa teksto. Hindi dapat
bumababa sa tatlo ang ibinibigay na ebidensiya bilang suporta sa ibinibigay na argumento.
Mga Paalala sa Pagsulat ng
Tekstong Argumentatibo
Kasunod ng introduksiyon ang katawan ng teksto. Dito tatalakayin ang bawat
ebidensiyang sumusuporta sa argumento. Maaaring gumamit ng retorika upang
makadagdag sa element ng panghihikayat ngunit tandaang hindi ito dapat
masapawan ang mga ebidensiya na batay sa katotohanan.
Paghuli ay ang konklusyon ng teksto upang lagumin ang mga pangunahing punto
upang muling ipaalala sa mga mambabasa. Pag-isipan kung paano “isasara” ang
teksto nang mag-iiwan ng impresyon sa mga mambabasa at tuluyan silang
mahikayat na umaayon sa panig ng may akda.
PANGKAT IV
MARAMING
SALAMAT SA
PAKIKINIG!
1. GERCEL BINOSA
2. TRIXIE NICOLE SALOMEO
3. WYNNE SANNITEL DORDAS
4. JERALD PAUL BUDAY
5. JAY R MOSQUERA
Certificate of
Completion
Anna Smith.
You have successfully completed
This course.
Congratulations!
Today is Monday April 3rd.
Announcemen
ts
Lorem ipsum dolor sit
amet, consectetuer
adipiscing elit.
Aenean commodo ligula
eget dolor.
Lorem ipsum dolor sit
amet, consectetuer
adipiscing elit.
Aenean commodo
ligula eget dolor.
Aenean massa.
Quote of the Day
Do the best you can until you know
better. Then when you know better,
do better.
― Maya Angelou
Check List
Something here.
Something else here
And a third thing
here.
Duplicate the check
mark.
And the check
boxes.
Credits.
Presentation Template: SlidesMania
Sample Images: Unsplash
Fonts used in this presentation: Happy Monkey and Londrina Solid.
Editable Icons
And this is a timeline.
1999
2005
2015
2019
2022
Lorem ipsum dolor
sit amet,
consectetuer
adipiscing elit.
Lorem ipsum dolor
sit amet,
consectetuer
adipiscing elit.
Lorem ipsum dolor
sit amet,
consectetuer
adipiscing elit.
Lorem ipsum dolor
sit amet,
consectetuer
adipiscing elit.
Lorem ipsum dolor
sit amet,
consectetuer
adipiscing elit.
This is our team.
Erika V.
Lorem ipsum dolor sit
amet, consectetuer
adipiscing elit. Aenean
commodo ligula eget
dolor.
John S.
Lorem ipsum dolor sit
amet, consectetuer
adipiscing elit. Aenean
commodo ligula eget
dolor.
Marie M.
Lorem ipsum dolor sit
amet, consectetuer
adipiscing elit. Aenean
commodo ligula eget
dolor.
Download