Uploaded by Gercel

TEKSTONG NANGHIHIKAYAT (11 HUMSS A)

advertisement
TEKSTONG
NANGANGATWIRAN
(ARGUMENTATIBO)
LESSON 7
TEKSTONG NANGANGATWIRAN
- Ito ay isang pagpapahayag na nagbibigay ng sapat na katibayan o patunay upang ang isang panukala ay maging
katanggap - tanggap o kapani-paniwala. Layunin nito na hikayatin ang mga tagapakinig na tanggapin ang
kawastuhan ang kanilang pananalig o paniniwala sa pamamagitan ng makatwirang pagpapahayag. (- Badayos)
- Sa pangangatwiran, ang katotohaanan ay pinagtitibay o pinatutunayan sa pamamagitan ng mga katwiran o rason.
(- Arogante)
- Ang pangangatwiran ay isang sining sapagkat ang paggamit ng wasto, angkop at magandang pananalita ay
makatutulong upang mahikayat na pankinggan, tanggapin at paniniwalaan ng nakikinig ang nangangatwiran.
- Ang pangangatwiran ay maituturing ding agham sapagkat ito ay may prosesong dapatisaalang-alang o sundin
upang ito ay maging mahusay at matagumpay, lalo na sa formal na pangangatwiran gaya ng debate.
TEKSTONG NANGANGATWIRAN
Ito ay nakatuon sa layuning manghikayat sa pamamagitan ng
pangangatwiran batay sa katotohanan o lohika.
Maaari itong tungkol sa pagtatanggol ng manunulat sa kaniyang paksa
o panig o pagbibigay ng kasalungat o ibang panig laban sa nauna,
gamit ng mga ebidensiya mula sa kaniyang sariling karanasan,
kaugnay na mga literatura at pag-aaral, ebidensiyang kasaysayan, at
resulta ng empirikal na pananaliksik. Ang empirikal na pananaliksik ay
tumutukoy sa pangongolekta ng datos sa pamamagitan ng
pakikipagpanayam, sarbey at eksperimentasyon. Tekstong
Argumentatibo
TEKSTONG NANGANGATWIRAN
Nangangailangan ang pagsulat ng Tekstong Argumentatibo ng
masusing ibestigasyon kabilang na ang pangongolekta at ebalwasyon
ng mga ebidensiya. Mula rito ay paninindigan ang isang posisyon na
isusulat sa maikli ngunit malaman na paraan. Sa pamamagitan ng
detalyadong pag-aaral sa paksa o isyu, mas nauunawaan ang iba’tibang pananaw o punto de bista at nakapipili ang mananaliksik ng
posisyong may matibay na ebidensiya. Tekstong Argumentatibo
Kailangang may malinaw na tesis at ginagabayan ng lohikal na
pangangatwiran ang tekstong argumenatibo, kahit pa ang
pangunahing layunin nito ay ipahayag ang opinion ng manunulat sa
isang tiyak na isyu.
LAYUNIN NG NANGANGATWIRAN
1. upang mabigyang - linaw ang isang mahalagang usapin o isyu.
2. maipagtanggaol ang sarili sa mali o masamang propaganda laban
sa kanya.
3 Makapagbahagi ng kanyang kaalaman sa ibang tao;
4. Makapagpahayag ng kanyang saloobin
5. Mapanatili ang magandang relasyon sa kaniyang kapwa
Ilan sa mga halimbawa ng mga sulatin o akdang
gumagamit ng tekstong argumentatibo ang:
1. Tesis
2. Posisyong Papel
3. Papel na pananaliksik
4. Editoryal
5. Petisyon
Kasanayang nalilinang sa
pangangatwiran
1. Wasto at mabilis na pag-iisip
2. Lohikong paghahanay ng kaisipan
3. Maayos at mabisang pagsasalita
4. Maingat na pagkilala at pagsusuri ng tama at maling katwiran
5. Pagpapahalaga sa kagandahang asal gaya ng pagtitimpi o
pagpipigil ng sarili at pag-unawa sa mga karaniwang
inilahad ng iba o pagtanggap sa nararapat na kapasyalan.
Mga Elemento ng Pangangatwiran
PROPOSISYON
Ayon kay Melania L. Abad (2004) sa “ Linangan: Wika at
Panitikan,” ang proposisyon ay ang pahayag na inilalahad
upang pagtalunan o pag- usapan. Ito ang isang bagay na
pinagkakasunduan bago ilahad ang katuwiran ng
dalawang panig. Magiging mahirap ang pangangatwiran
kung hindi muna ito itatakda sapagkat hindi magkakaisa sa
mga batayan ng isyu ang dalawang panig.
HALIMBAWA NG PROPOSISYON
1. Dapat na ipasa ang Divorce Bill
upang mabawasan ang karahasan
laban sa kababaihan.
• Ang unang halimbawa ng
proposisyon ay tungkol sa pagiging
epektibo ng pagpapatupad ng isang
polisiya.
2. Nakakasasama sa pamilya ang
pag-alis ng isang miyembro nito
upang magtrabaho sa ibang bansa
• Ang ikalawa naman ay tungkol sa
paniniwala sa isang bagay at
epekto nito sa tinutukoy na
phenomenon.
3. Mas epektibo sa pagkatuto ng
mga mag-aaral ang multilingual
education kaysa sa bilingual
education.
• Ang ikatlo ay paghahambing kung
ano ang mas mabuti o hindi.
Mga elemento ng pangangatwiran
2. ARGUMENTO
Ito ang paglalatag ng mga dahilan at ebidensiya
upang maging makatuwiran ang isang panig.
Kinakailangan ang malalim na pananaliksik at talas
ng pagsusuri sa proposisyon upang
makapagbigay ng mahusay na argumento.
Katangian at Nilalaman ng Mahusay
na Tekstong Argumentatibo
1.
2.
3.
4.
Mahalaga at napapanahong paksa
Maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa tesis sa unang
talata ng teksto.
Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng mga bahagi ng
teksto
Maayos na pagkakasunod-sunod ng talatang naglalaman ng mga
ebidensiya ng argumento
Katangian at Nilalaman ng Mahusay
na Tekstong Argumentatibo
1. Mahalaga at Napapanahong paksa
Upang makapili ng angkop na paksa, pag-isipan ang
iba’t-ibang napapanahon at mahahalagang isyu na may
bigat at kabuluhan. Makatutulong din kung may interes ka
sa paksa, ngunit hindi ito sapat. Kailangan mo ring pagisipan kung ano ang makatuwirang posisyon na
masusuportahan ng argumentasyon at ebidensiya.
Katangian at Nilalaman ng Mahusay na
Tekstong Argumentatibo
2. Maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa tesis sa
unang talata ng teksto.
Sa unang talata, ipinaliliwanag ng manunulat ang konteksto ng
paksa sa pamamagitan ng pagtalakay nito sa pangkalahatan.
Tinatalakay rin sa bahaging ito kung bakit mahalaga ang paksa at kung
bakit kailangang makialam sa isyu ang mga mambabasa. - Maaaring
gumamit ng introduksiyon na makakakuha ng atensiyon ng mambabasa
gaya ng impormasyon, estadistika, makabuluhang sipi mula sa
prominenteng indibidwal, o kaya ay anekdota na may kinalaman sa
paksa ng teksto.
Katangian at Nilalaman ng Mahusay na
Tekstong Argumentatibo
3. Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng mga bahagi ng teksto
Transisyon ang magpapatatag ng pundasyon ng
teksto. Kung walang lohikal na pagkakaayos ng kaisipan,
hindi makasusunod ang mambabasa sa argumento ng
manunulat at hindi magiging epektibo ang kabuuang teksto
sa layunin nito. Nakatutulong ang transisyon upang ibuod
ang ideya sa nakaraang bahagi ng teksto at magbigay ng
introduksyon sa susunod na bahagi.
Katangian at Nilalaman ng Mahusay na
Tekstong Argumentatibo
4. Maayos na pagkakasunod-sunod ng talatang naglalaman ng mga
ebidensiya ng argumento
Ang bawat talata ay kailangang tumalakay sa iisang pangkalahatang ideya
lamang. Ito ang magbibigay- linaw at direksiyon sa buong teksto. Tiyakin ding maikli
ngunit malaman ang bawat talata upang maging mas madaling maunawaan ng
mambabasa. Kailangan ding isaalang-alang ang lohikal na koneksiyon ng bawat talata sa
kabuuang tesis ng teksto at maipaliwanag kung paano at bakit nito sinusoportahan ang
tesis. Gayunpaman, kailangang banggitin at ipaliwanang din ang iba’t-ibang opinyon sa
paksa at ang kaukulang argumento para dito, lalo na’t ito ay taliwas sa sariling
paninindigan.
Uri ng Pangangatwiran
1.
2.
PANGANGATWIRANG PABUOD (INDUCTIVE REASONING)
PANGANGATWIRANG PASAKLAW (DEDUCTIVE REASONING)
1. PANGANGATWIRANG
PABUOD (INDUCTIVE
REASONING)
Nagsisimula sa maliit na katotohanan
tungo sa isang panlahat na simulain o
paglalahat ang pangangatwirang pabuod.
Nahahati ang pangangatwirang ita sa
tatlong bahagi.
Pangangatwirang Pabuod
a. Pangangatwirang gumagamit ng pagtutulad.
Inilahad dito ang magkatulad na katangian, sinusuri ang
katangian, at pinalulutang ang katotohanan. Ang nabubuong
paglalahat sa ganitong pangangatwiran ay msasabing
pansamantala lamang at maaaring mapasinungalingan.
Maaring maging pareho ang pinaghahambing sa isa lamang
katangian subalit magkaiba naman sa ibang katangian.
Halimbawa:
Magtayo tayo ng kooperatiba sa ating kolehiyo sapagkat ang
kolehiyo sa Kabanatuan, sila ay may kooperatiba at malaki ang
napapakinabang.
Ang pagmamatuwid na si Miss dela Cruz ay mabuting guro sapagkat
ang ama't ina niya ay mahusay ring mga guro.
Pangangatwirang Pabuod
b. Pangangatwiran sa pamamagitan ng pag-uugnay ng pangyayari sa sanhi.
Ang pangangatwiran natin ay nagsisimula sa mga sanhi tungo sa bunga o ang
patumbalik nito. Ang ating konklusyon ay isang pahayag na ang isang
pangayayri'y bunga ng isa pang pangyayari.
Halimbawa:
Ang pagmamatuwid na kaya hindi nakapasa sa pagsusulit ang mag-aaral ay
sapagkat hindi siya nagbalik-aral.
Nangangatwirang Pabuod
c. Pangangatwiran sa pamamagitan ng mga katibayan at pagpapatunay.
Napapalooban ito ng mga katibayan o ebidensyang higit na magpapatunay o
magpapatutuo sa tinutukoy na paksa o kalagayan. Gumagamit ng Katibayan at
Pagpapatibay. Ang pagmamatuwid ay nanghahawakan sa mga ebidensya, katibayan
at patunay.
Halimbawa:
Ang pagmamatuwid ni Lucio ang salarin sapagkat sa kanya ang nakuhang tsinelas sa
tabi ng bangkay. Kay Lucio rin ang buckle ng sinturong siyang ipinamalo sa namatay
na natagpuan sa di-kalayuan sa lugar ng krimen. Si Lucio ay nakagalit ng napatay.
2. PANGANGATWIRANG
PASAKLAW (DEDUCTIVE REASONING)
Humahango ng isang pangyayari sa pamamagitan ng
pagkakapit ng isang simulang panlahat ang
pangangatwirang pasaklaw. Ang silohismo na siyang tawag
sa ganitong pangangatwiran ay bumubuo ng isang
pangungunang batayan, isang pangalawang batayan at
isang konklusyon. Isang payak na balangkas ng
pangangatwiran ang silohismo. Nagsisimula sa malaki
patungo sa maliit na kaisipan o katotohanan!
Halimbawa:
Ang lahat ng hayop ay nilikha ng diyos. Ang manok ay
isang uri ng hayop kung gayon ang manok ay nilkha ng
Diyos.
Lihis na Pangangatwiran
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
Argumentum ad Hominem (Argumento laban sa karakter)
Argumentum and Baculum (Paggamit ng puwersa o pananakot)
Argumentum ad Misericordiam(Paghingi ng awa o simpatiya)
Argumentum ad Numeram (Batay sadami ng naniniwala sa
argumento)
Argumentun ad Igonarantian (Batay sa kawalan ng sapat na
ebidensiya)
Cum Hoc ergo propter Hoc (Batay sa pagkakaugnay
ng dalawangpangyayari)
Post Hoc ergo propter Hoc (Batay sa pagkakasunod ng
mgaPangyayari)
Non Sequitur (Walang kaugnayan)
Paikot-ikot na pangangatwiran (Circular Reasoning)
Padalos-dalos na Paglalahat (Hasty Generalization)
Lihis na Pangangatwiran
1. Argumentum ad Hominem (Argumento laban sa karakter)
Lihis ang ganitong uri ng pangangatwiran sapagkat nawawalan ng katotohanan
ang argumento dahil ang pinagtutuunan ay hindi isyu kundi ang kredibilidad ng
taong kausap.
Halimbawa:
•
Hindi dapat pinaniniwalaan ang sinasabi ng taong iyan dahiliba angkaniyangrelihiyonat mukha
siyang terorista.
• Bakit ko sasagutin ang alegasyon ng isang abogadong hindi magaling at tatlong besesumulit ng
bar exam?
Lihis na Pangangatwiran
2. Argumentum and Baculum (Paggamit ng puwersa o pananakot)
HALIMBAWA:
• Sumanib ka sa aming relihiyonkung hindi ay hindi ka
maliligtasat masusunog sa dagat-dagatang apoy.
Lihis na Pangangatwiran
3. Argumentum ad Misericordiam(Paghingi ng awa o simpatiya)
Ang pangangatwiran ay hindinakasalig sa katatagan ng argumentokundi sa awa
at simpatya ng kausap.
Halimbawa:
“ Ma’am, ipasa nyo po ako. Kailangan ko
pong makapagtapos dahil ako na lang anginaasahan sa aming pamilya. Kailangan
kona pong mgtrabaho para mapagamot angnanay ko na may TB dahil karpentero
langpo ang trabaho ng tatay ko, at pinag-aaral pa po ng apat kong batang
kapatid.”
Lihis na Pangangatwiran
4. Argumentum ad Numeram (Batay sadami ng naniniwala sa
argumento)
Ang paninindigan sa katotohanan ngisang argumento ay
batay sa dami ngnaniniwala rito.
Halimbawa:
Lahat naman ng tao ay nagsisinungaling kaya walang
masamakung magsinungaling paminsan-minsan.
Lihis na Pangangatwiran
5. Argumentun ad Igonarantian (Batay sa kawalan ng
sapat na ebidensiya)
Ang proposisyon o pahayag aypinaninindigan dahil hindi
panapatutunayan ang kamalian nito atwalang sapat na patunay
kung mali otama ang pahayag.
Halimbawa:
Kung wala nang tanong ang buongklase, ibig sabihin ay alam na
alam nanila ang aralin at handa na sila samahabang pagsusulit.
Lihis na Pangangatwiran
6. Cum Hoc ergo propter Hoc (Batay sa pagkakaugnay
ng dalawangpangyayari)
Ang pangangatwiran ay batay sasabay na pangyayari; ang isa
aydapat dahilan ng isa o may ugnayangsanhi at bunga agad
dalawangpangyayaring ito.
Halimbawa:
Maswerte sa akin ang kulay pula. Satuwing nakapula ako ay laging
mataasang benta ko
Lihis na Pangangatwiran
7. Post Hoc ergo propter Hoc (Batay sa pagkakasunod ng
mgaPangyayari)
Ang pagmamatuwid ay batay samagkakasunod-sunod na
pattern ngmga pangyayari, ang nauna aypinaniniwalaang dahilan
ng kasunodna pangyayari.
Halimbawa:
Tumilaok na ang manok. Ibig sabihinay umaga na.
Lihis na Pangangatwiran
8. Non Sequitur (Walang kaugnayan)
Ang konklusyon ay walang lohikal nakaugnayan sa naunang
pahayag.
Halimbawa:
Hindi nagagalingan si Ronald sa Musika ngbandang iyan dahil baduy
raw manamit angbokabolista.
Lihis na Pangangatwiran
9. Paikot-ikot na pangangatwiran (Circular Reasoning)
Paulit-ulit ang pahayag at walang malinaw na punto.
Halimbawa:
Tayo ay nagkakasala sapagkat tayo ay makasalanan.
Lihis na Pangangatwiran
10. Padalos-dalos na Paglalahat (Hasty Generalization)
Paggawa ng panlahatang pahayag o konklusyon batay lamang sa
iilangpatunay o katibayang may kinikilingan.
Bumubuo ng argumento nang walang gaanong batayan.
Halimbawa:
Masarap magluto ang kusinera namingBisaya. Magagaling talaga
magluto ang mga Bisaya.
Gabay sa bagbasa ng tekstong Argumentatibo
Paghahayag ng tesis at balangkas ng teksto
Paano sisimulan ang teksto?
1.
2.
3.
4.
5.
6.
Angkop ba ang paksa at tonong isinusulat?
Nakakakuha ba ng iteres ngmambabasa ang panimulangbahagi ng
teksto?
Ano-anong impormasiyon angibinigay na nakatulong paralalong
mauunawaan angargumento ng may-akda?
Ano ang ipinahahayag ng tesis?
Ano ang ipinahahayag napanig at mga inilahad naebidensiyang
susuporta rito?
Nakaayos ba ang katawan ngteksto at natatalakay angbawat
ebidensyang binangit?
Gabay sa bagbasa ng tekstong Argumentatibo
Tibay ng argumento
1.
2.
3.
4.
5.
Ano-ano ang suportang detalye atkaragdagang impormasyong
ginamitupang talakayin ang bawatebidensiyang binabanggit?
Ano-anong impormasyong batay saestatistika, pananaliksik, at
karanasanang ibibigay ng teksto bilangkaragdagang detalye sa
pagtalakayng mga ebidensiya?.
Sa ano-anong uri ng sangguniannagmula ang mga batayang ito?
Nakatulong ba ang mga detalyeng itona pagtibayin ang talakay sa
ebidensiya?
Mayroon bang ipinahayag na linis napangangatwiran ang teksto?
Gabay sa bagbasa ng
tekstong Argumentatibo
TIBAY NG ARGUMENTO
1.
2.
3.
4.
Matapos ilahad ang mga ebidensiyamuli ba itong nalagom sa
bandangwakas ng teksto?
Anong reaksiyon o aksiyon ang nilalayong makuha mula sa
mambabasa?
Tagumpay ba ang mga element ngpanghihikayat upang makumbinsi
angmga mambabasa?
Nahikayat mo ba ang target na mambabasa at nahimok na kumilos o
napaniwala ng teksto? Paano?
Mga Paalala sa Pagsulat ng Tekstong Argumentatibo
Bago pa man sumulat ng tekstong Argumentatibo, mahalagang suriinmuna nang mabuti ang
iba-ibagpanig tungkol sa isang usapin.Magsaliksik at humanap ng mgaebidensiya batay sa
katotohanan at/ginawan ng pag-aaral.
Ang pinakasimple at diretso sa puntong balangkas ng tekstong argumentatibo ay binubuo ng
ilang bahagi. Una ang
1. introduksiyon
2. tig-iisang talakay ng bawat ebidensiya
3. konklusiyon
Dahil naglalayon din ang tekstong Argumentatibo namanghimok, mahalaga na sa
introduksiyon pa lang ay makuha na ang atensiyon at interes ng mambabasa tungkol sa
paksa.
Sa pagsulat ng tekstong Argumentatibo, pinakamahalagang unang mabuo ang pahayag ng
tesis sa teksto. Hindi dapat bumababa sa tatlo ang ibinibigay na ebidensiya bilang suporta sa
ibinibigay na argumento.
Mga Paalala sa Pagsulat ng
Tekstong Argumentatibo
Kasunod ng introduksiyon ang katawan ng teksto. Dito tatalakayin ang
bawat ebidensiyang sumusuporta sa argumento. Maaaring gumamit
ng retorika upang makadagdag sa element ng panghihikayat ngunit
tandaang hindi ito dapat masapawan ang mga ebidensiya na batay sa
katotohanan.
Paghuli ay ang konklusyon ng teksto upang lagumin ang mga
pangunahing punto upang muling ipaalala sa mga mambabasa. Pagisipan kung paano “isasara” ang teksto nang mag-iiwan ng impresyon
sa mga mambabasa at tuluyan silang mahikayat na umaayon sa panig
ng may akda.
MARAMING SALAMAT SA
PAKIKINIG!
PANGKAT IV
1. GERCEL BINOSA
2. TRIXIE NICOLE SALOMEO
3. WYNNE SANNITEL DORDAS
4. JERALD PAUL BUDAY
5. JAY R MOSQUERA
Download