Uploaded by Irhene Villanueva Espiritu

transcript

advertisement
Mga tanong:
Pangalan po?
Ilan po kayo sa pamilya?
Ano pong hanap- buhay nyo?
Ano pong hirap ang dinadanas nyo?
Magkano po ang kita nyo?
Paano po kayo nakakaraos sa pang araw araw?
Meron po ba kayong nakukuhang tulong sa gobyerno o sa baranggay?
Ano po ang tulong na gusto nyong ihingi sa gobyerno o sa baranggay?
Ano po ang karanasan na meron kayo?
Anong nararamdaman at paano kayo namumuhay kahit wala/konti lang ang tulong na nakukuha nila?
Pangalan po? Nenita Villanueva. Ilan po kayo sa pamilya? Tatalo lang, dalwa kong apo tsaka ako. Ano
pong hanap- buhay nyo? Wala. Ano pong hirap ang dinadanas nyo? Nako laging malimit walang pagkain,
pag hindi ako bibigyan ng aking mga apo ng allowance; buwanan naman; tsaka labada labada. Magkano
po ang kita nyo? Pag minsan 300 ka-kaunting labada, un lang; pag minsan bibigyan ako ng aking apo ng
500 tapos bibili na ako ng limang kilong bigas. Paano po kayo nakakaraos sa pang araw-araw? Wala
lang. Meron po ba kayong nakukuhang tulong sa gobyerno o sa baranggay? Un lang food assitance
minsan lang. Ano po ang tulong na gusto nyong ihingi sa gobyerno o sa baranggay? Ang kailangan namin
ay bigas; tsaka mga gamit sa bahay halimbawa kape at asukal. Anong po ang karanasan na meron kayo?
Kailangan doble tipid at kayod talaga, kahit hirap na ako kumilos pinipilit ko padin maglabada para
meron kaming pang gastos sa araw-araw. Anong nararamdaman at paano kayo namumuhay kahit
wala/konti lang ang tulong na nakukuha nila? Minsan lang kami naaabutan ng tulong kaya kapag may
pagkakataon, tulad ng food assistance pa-minsan minsan e nilulubos namin
Pangalan po? Roberta Nora Maloles Villapando. Ilan po kayo sa pamilya? Lima lang. Ano pong hanapbuhay nyo? Wala pa. Sa ngayon sarado tindahan ko. Ano pong hirap ang dinadanas nyo? Mahirap…apat
ung apo ko (kasi) tas wala na akong asawa; apat ung apo ko tatlo nagaaral graduating ang isa; may
tumutulong sakin ung anak kong binata un ang nagsusuporta. Bale saakin, ung insulin ko at gamot ko
may diabetes ako. Magkano po ang kita nyo? Ang kita namin, bale gastos namin pati estudyante ko 15
thousand monthly. Paano po kayo nakakaraos sa pang araw araw? Nagtitipid ako, tinatabi ko ung pang
gastos ng aking mga apo para meron silang pambaon araw araw para maka pasok kasi hindi dito
nagaaral eh sa santisimo; pamasahe araw araw, baon. Pag nagtitinda ako okay nalilibre ung kanilang
baon e hindi nga ako nakakapag tinda lagi akong namamalat. Meron po ba kayong nakukuhang tulong sa
gobyerno o sa baranggay? Bale wala kaming nakuha, SAP 1 SAP 2 lahat ng SAP, may PWD nga ako e,
inano kami, parang na-balewala. Tapos senior ako, walang natatanggap pa. Ano po ang tulong na gusto
nyong ihingi sa gobyerno o sa baranggay? Ako…ang ano ko e ung maintenance ko kasi ako’y araw araw
nagtuturok ng insulin. Un, tsaka ung vitamins para saakin tsaka dun sa apo ko. Nabigyan na sya ng ano e
wheelchair ni Sol naka hingi kami. Anong po ang karanasan na meron kayo? Mahirap sa tulad kong may
sakit hindi maiiwasan na lumigtang sa gamot pag walang pambili, pati sa pagkain tipid din talaga kasi
apat ung apo ko so kailangan kong mairaos yung buhay naming sa araw-araw. Anong nararamdaman at
paano kayo namumuhay kahit wala/konti lang ang tulong na nakukuha nila? Nagtitiis ako kase kahit
senior at PWD e hindi mabigyan ng tulong, hindi regular makapag pa check-up at makainom ng gamot
kasi walang pambayad
Pangalan po? Sonia Maloles. Ilan po kayo sa pamilya? Dalwa; isang jowa. Ano pong hanap- buhay nyo?
Dati ako’y nag-aano lang, nag ra-raket raket. Wala na akong trabaho kasi wala na ito (turo sa mata) tas
isa nanlalabo na ule. Dati kahit ako’y nagtatabas pa ko kaya ko e ang mata ko lumabo. Ito wala na (turo
sa mata) wala naman syempre. Ano pong hirap ang dinadanas nyo? Nahihirapan ako dahil malayo ung
anak ko; ta-tatlo malalayo; magka agwat. Ang hirap ng byahe ngayon, pag minsan isang araw isang daan
pag minsan wala. Pagkain ayos lang naman sa pagkain, minsan lang mawalan; ok lang sa pagkain kahit
walang ulam. Magkano po ang kita nyo? Wala nabibigyan lang ako ng anak ko na nasa San Pedro, pag
meron, pag wala merong oras na sa isang daan lang. Paano po kayo nakakaraos sa pang araw araw? Ako
na ung ano, nagtitipid. Ako nalang ung nag aano kasi araw araw lang akong nagiisa. Meron po ba kayong
nakukuhang tulong sa gobyerno o sa baranggay? Sa senior babago palang kami ang sabi eh makakakuha
hanggang ngayon ay wala pa, isang taon na. Matagal na kasi na wala, mayroong nung maka kuha kami
ay pasko yata yon Christmas party tig da-dalwang kilong bigas lang. Ayon un lang. Ano po ang tulong na
gusto nyong ihingi sa gobyerno o sa baranggay? Syempre ang gusto kong tulong ay matulungan ung mga
katulad naming wala, lalo na kaming matanda, wala na hindi na maka trabaho. Gantong malabo pa ang
mata. Nakakahiya naman tumakbo hihingi ka lang, buti kung may tumulong agad. Laging sinasabi nila
dadating, un ang sabi may dadating ho ganun, wala naman dumadating (tulong). Anong po ang
karanasan na meron kayo? Mahirap din naman manghingi ng manghingi hirap din sila sa buhay kaya ako
e pag merong pera kahit bigas lang pang-kain ayos na. Anong nararamdaman at paano kayo
namumuhay kahit wala/konti lang ang tulong na nakukuha nila? Tiis tiis lang kami sa pakonti-konting
bigay, nakikusap naman kami, nahingi ng tulong kaso’y wala talagang nadating
Pangalan po? Baby Landa
Ilan po kayo sa pamilya? Dito ano, anim
Ano pong hanap- buhay nyo? Wala nag-aalaga lang ako ng apo. Bale un lang kasi ung anak ko nag
tratrabaho kaya ako ang nagaalaga. Walang magaalaga kaysa iba ang kunin na taga alaga ako nalang. Sa
tindahan ng gasul (trabaho ng anak nya)
Ano pong hirap ang dinadanas nyo? Ang mahirap ngayon pag ganitong kasi kami dati may trabaho e nag
pandemic na luge ang aking trabaho. Nalugi, nalugi kami sa isda, dati nabyahe ako ng Lucena e, e nalugi
kami nung pandemic. Hindi na kami naka bangon ulit, nag alaga nalang ng apo.
Magkano po ang kita nyo? Oo wala. Binibigyan bigyan lang kami nung aking anak.
Paano po kayo nakakaraos sa pang araw araw? Wala lang.
Meron po ba kayong nakukuhang tulong sa gobyerno o sa baranggay? Pag ano minsan, pag minsan
namay walang nakakarating. Wala, nung bumagyo lang un limang kilong bigas.
Ano po ang tulong na gusto nyong ihingi sa gobyerno o sa baranggay? Tulad ko walang hanap buhay, ang
ano koy maka ano ako sa, dati may PHILHEALTH kami sa baranggay, ay natanggal, un ang gusto kong
maibalik ung PHILHEALTH man lang. Kasi para halimbawa pupunta sa ospital, maka libre man lang ung
wala kang iintindihing gastos. Tulad nga nung aking apo, may apo akong cerebral palsy. Ung hindi
nakakalakad dose (12) anyos na, naroon lang naka higa, un pag ano ako rin nagaalaga, pag ung ina ay
nag tra-trabaho, kapatid neto (turo sa sanggol na bata). Un ang gusto kong mahingi sa…ung halimbawa
mabigyan man lang ng ayuda, halimbawa ung pampers man lang buwan buwan, ung makalibre. Hindi
sya nanguya, gatas lang. Un ang aking ano… sakin e ayos na saakin un pag kakain naman ang aking anak
ay kakain din kami. Ung aking apo lamang ang inihihingi ko, ung ayuda man lang Pampers mabigyan. Nag
re-renew ako ng kanyang ID, ung sa PWD ay ang dami pang ano… samantalang renew lang naman
napaka dami pang gustong kuhanin. Ang gusto pa ipakita ang bata ay hindi ko naman kayang buhatin at
dose anyos na. Hindi naman na ako naka balik sa kapitolyo, ano namang ipapakita kong ano, sabagay
hindi naman nagkakasakit ay gusto’y ano pa sa…ung sa doktor ay wala namang sakit malakas naman.
Ang ano ko lang naman mai-renew ung kanyang ID para kung sakaling bibili ung ina ng pampers, kasi nag
papampers un e kasi hindi nakakalakad maka discount man lang. Ay andami pang hinihingi saaking papel
ay hindi ko naman kayang lumakad ng lumakad, hindi ko na itinuloy ang pag re-renew. (Kelan na expire)
nung dala dala ko pa un maliit pa sya, mga tatlong buwan yata siguro mga apat na taon. Ay palibasa kaya
ko pa syang buhatin, nadala ko sya don sa DSWD, ay ngayon ay hindi ko na kayang buhatin ID nalang ang
dala dala ko. Ay ang daming naman pinapakuha saakin, kailangan pa ang certification ng ospital, sabi ko
ay wala ngang sakit. Ang kailangan ko lang ay mai-renew at magamit sa pambili ng pampers tas gatas,
ung kayang tinapay ay hindi ako pinayagan, hindi na ako bumalik sa kapitolyo. Anong po ang karanasan
na meron kayo? Madami kami e anak ko lang ang naghahanap buhay kaya tipid talaga sa pang-araw
araw. Anong nararamdaman at paano kayo namumuhay kahit wala/konti lang ang tulong na nakukuha
nila? Nagtitiis ako kahit masakit sakin makita ung anak ko na nahihirapan kasi sya ang nag tra-trabaho.
Pati ung apo ko na may sakit, hindi naming mabigyan ng tamang pangangailangan nya
Pangalan po? Richard Malosa
Ilan po kayo sa pamilya? Apat. Apat na pamilya kami. (Sa isang pong bahay?) Oo kanya kanya, kwarto
kwarto lang.
Ano pong hanap- buhay nyo? Dito lang. Sa pag tro-trolley
Ano pong hirap ang dinadanas nyo? Wala
Magkano po ang kita nyo? Hindi pare-parehas mayrong araw na maganda, may araw na wala. Kaya
minsan hindi rin maka pasok mga estudyante ko kasi Kapos tayo sa pang-gastos sa araw araw.
Paano po kayo nakakaraos sa pang araw araw? Syempre pang araw araw na gastos. Tulad ko may
estudyante rin ako (pinapaaral). Ung panganay ko ah grade 8, ung padalwa ko’y grade 2,
Eto kumikita kahit papano. Maka bili ng isang kilong bigas, un na tsaka makakain ng tatlong beses sa
maghapon.
Meron po ba kayong nakukuhang tulong sa gobyerno o sa baranggay? Sa ngayon wala, wala.
Ano po ang tulong na gusto nyong ihingi sa gobyerno o sa baranggay? Pagkakakitaan. Para sa ganon
maka luwag-luwag ng konti. Hindi ko naman hinahangad ung magandang buhay, basta’t maka raos lang
maghapon ok na un. Anong po ang karanasan na meron kayo? Kahit nakakapagod kailangan mag hanap
buhay, simula umaga hanggang bago mag gabi andito na ako sa pwesto para may pera pang-kain. Anong
nararamdaman at paano kayo namumuhay kahit wala/konti lang ang tulong na nakukuha nila? Nasanay
nalang ng walang tulong na nakukuha kaya hindi pwedeng hindi kikilos, kahit tirik ang araw o naulan
tuloy lang para kumita
Download