Uploaded by julius gomonit

Collect

advertisement
AGLIPAY CENTRAL
THEOLOGICAL SEMINARY
COLLECT
Bro. Julius Zatiel Vertido
† Page 1 †
Ang Unang Linggo ng Adbiento
Taon A
Isaias
2:1-5
Awit 122
Roman
13:8-14
Mateo
24:37-44
Panalangin:
Makapangyarihang Diyos ng pagkakapantay-pantay, layunin mo po
ang pag-iral ng kapayapaan at katarungan ng Iyong sangnilikha: Nawa’y
ang pangyayaring pagbaha sa panahon ni Noe ay tumimo sa aming mga
kaisipan na may higit na kahalagahan kaysa sa mga panandaliang
kasiyahan lamang upang maging bahagi kami sa pagsasakatuparan ng
Iyong Kaharian ng kapayapaan at pag-ibig; sa pamamagitan ni
Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama
Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
Taon B
Isaias
64:1-9a
Awit 80 o 80:1-7
1 Corinto 1:1-9
Marcos 13(24-32)33-37
Panalangin:
Mapagkupkup naming Ama: Lukuban mo po kami ng Iyong Espiritu
upang sa pagpapalaganap ng Iyong Kaharian, na ipinahayag ng mga
propeta at ng Iyong Anak na si Hesukristo, kami ay mapangalagaang
handa sa Kanyang muling pagbabalik upang ito’y Kanyang isakatuparan;
alang-alang sa pagmamahal Mo sa Iyong Anak na aming dakilang
Tagapamagitan, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu
Santo, iisang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen.
Taon K
† Page 2 †
Zacarias 14:4-9
Awit 50 o 50:1-6
1 Tessalonica 3:9-13
Lukas 21:25-31
Panalangin:
Mapaglingap naming makalangit na Ama: Patuloy mo po kaming
alalayan sa pagtahak sa tamang daan hanggang sa muling pagbabalik ng
aming Panginoong Hesukristo, upang sa Kanyang pagbibigay katuparan
sa kaganapan ng Iyong Kaharian ay maganap din ang aming kaligtasan.
Sa pamamagitan Niya na aming makapangyarihang kaibigan at kasama;
na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang
Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
Ikalawang Linggo ng Adbiento
Taon A
Isaias 11:1-10
Awit 72 o 72:1-8
Roma 15:4-13
Mateo 3:1-12
Panalangin:
Makapangyarihang Diyos ng sangnilikha: Nawa’y sa gitna ng aming
pag-asa sa muling pagbabalik ng Iyong Anak ay ganap naming maihanda
ang aming mga pamumuhay ayon sa ipinangangaral ni Juan Bautista
upang marapat kaming sumalubong sa muling pagbabalik ng iyong Anak
na si Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing
kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman.
Amen.
Taon B
Isaias 40:1-11
Awit 85 o 85:7-13
2 Pedro 3:8-15a, 18
Marcos 1:1-8
Panalangin:
† Page 3 †
Mapagmahal naming Ama, na patuloy sa aming nagpapaala-ala sa
katiyakan ng muling pagbabalik ng Iyong Anak at aming Tagapagligtas:
Nawa’y sa patuloy na pagbabago ng kasaysayan sa bawat panahon, kami
ma’y patuloy na maging handa sa Kanyang muling pagbabalik upang
Siya’y aming masalubong ng may kagalakan at pagdiriwang; sa
pamamagitan pa rin ni Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman. Amen.
Taon K
Baruc 5:1-9
Awit 126
Filipos 1:1-11
Lukas 3:1-6
Panalangin:
Mapaglingap naming Ama, patuloy mo pong pinangungunahan at
sinusubaybayan ang Iyong mga Anak tungo sa Iyong kalooban: Masuklian
po nawa namin ang Iyong kabutihan sa pamamagitan ng aming samasamang pagkilos laban sa kasamaan upang sa tulong mo ay aming
maisaayos ang daraanan ng Iyong Anak upang maipagdiwang namin ang
Kanyang pagliligtas; na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng
Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
Ikatlong Linggo ng Adbiento
Taon A
Isaias 35:1-10
Awit 146 o 146:4-9
Santiago 5:7-10
Mateo 11:2-11
Panalangin:
Makapangyarihang Diyos ng pag-asa at aming makapangyarihang
Tagapanguna: Sa gitna ng aming mga kahinaan at pagkamakasalanan, ay
makita nawa namin ang Panginoong Hesukristo na handang tumulong sa
amin upang sa pamamagitan Niya kami’y magkaroon ng kalakasan at
katatagan laban sa anupamang kasamaan; sa pamamagitan ng
† Page 4 †
Panginoong Hesukristo, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng
Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
Taon B
Isaias 65:17-25
Awit 126
1 Tessalonica 5: (12-15)16-28
Juan 1:6-8, 19-28 o Juan 3:23-30
Panalangin:
Mapagpalayang Diyos ng kaligtasan, bahagi Ka sa mga mithiin ng
Iyong mga anak na lumaya sa kasamaan: Nawa’y magsilbi kaming
tagapagdala ng kaliwanagan sa aming kapwa, upang kami na kasama nila
ay sama-samang maipagdiwang ang pagdating ng kaganapan ng Iyong
kaharian; sa pamamagitan ng Iyong Anak na si Hesukristo na aming
Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo,
iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
Taon K
Sofonias 3:14-20
Awit 85 o 85:7-13
Filipos 4:4 -7 (8-9)
Lukas 3:7-18
Panalangin:
Makapangyarihang Diyos kayo ay bahagi ng aming kasaysayan:
Ipagkaloob po sa amin ang katatagan ng loob sa gitna ng lahat ng mga
pagbabagong nagaganap sa kapaligiran at sa aming buhay upang sa
pamamagitan ng pangangaral ni Juan Bautista, kami’y mapanatiling
matapat sa pananampalataya hanggang sa muling pagbabalik ng Iyong
Anak; na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo,
iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
Ika-apat na Linggo ng Adbiento
† Page 5 †
Taon A
Isaias 7:10-17
Awit 24 o 24:1-7
Roma 1:1-7
Mateo 1:18-25
Panalangin:
Makapangyarihan Diyos ng Kasaysayan, inihayag mo po sa amin
ang buhay na kaanyuan ng Iyong di-malirip na biyaya at pag-ibig sa
pamamagitan ng isang palatandaan: Ang pagsilang ng aming
tagapagligtas mula sa angkan ni David at ang paghahanda mo po sa
Kanyang pagkakatawang tao. Nawa’y patuloy po naming
pinagpapahalagahan ang Kanyang kagustuhan sa aming mga puso upang
kami’y maging marapat Niyang kaibigan at kasama, at ngayo’y kasama
Mong nabubuhay at naghaharing kaisa ng Espiritu Santo, iisang Diyos,
ngayon at magpakailanman. Amen.
Taon B
2 Samuel 7:4,8-16
Awit 132 o 132:8-15
Roma 16:25-27
Lukas 1:26-38
Panalangin:
Pinagpalang Diyos na makapangyarihan, mula sa isang Birhen ay
isinilang ang iyong Anak na aming Tagapagligtas: Nawa’y patuloy mo rin
kaming pangunahan at gabayan upang sa patuloy Mong pangunguna at
paggabay ay tuluyan na Siyang maghari sa amin ng lubusan; sa
pamamagitan pa rin ni Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman. Amen.
Taon K
Mikas 5:2-4
Awit 80 o 80:1-7
Hebreo 10:5-10
Lukas 1:39-49 (50-56)
Panalangin:
† Page 6 †
Mapagpalang Diyos, pinagpala mo ang Birheng Maria upang siya’y
magsilbing ina ng Iyong nagkatawang – tao na Salita, at bugtong Mong
Anak na si Hesukristo: Nawa’y makintal sa aming diwa ang kahalagahan
ng aming ina na umaruga sa amin mula pa ng kami’y sa kanila pang
sinapupunan, upang sa pamamagitan ng pagsukli namin sa kanilang
kabutihan ay maluwalhati ang iyong Pangalan; sa pamamagitan ni
Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama
Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
Pasko 1
Isaias 9:2-4,6-7
Awit 96 o 96:1-4, 11-12
Titus 2:11-14
Lukas 2:1-14 (15-20)
Panalangin:
Makapangyarihan Ama, sa pamamagitan Mo ay nagkakaroon ng
bagong liwanag ang sanlibutan ng dahil sa Iyong pinakamamahal na
Anak, ang Salita na nagkatawang-tao: Idinadalangin namin sa Iyo na
ipagkaloob mo na habang pinagniningas Niya ang apoy ng aming
pananampalataya at ang pag-ibig sa aming mga puso ay magningning
nawa ang Kanyang liwanag sa aming buhay upang kami’y magsilbi ring
liwanag na magbibigay ng mabuting balita sa aming kapwa; sa
pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman. Amen.
Pasko 2
Isaias 62:6-7, 10-12
Awit 97 o 97:1-4,11-12
Tito 3:4-7
Luke 2:(1-14) 15-20
Panalangin:
Papurihan Ka O Diyos sa kaitaasan sapagkat sa sangkalupaan ay
ipinagkaloob Mo ang kapayapaan sa pagsilang ng Iyong Anak para sa
sangkatauhan, tanda na sa mga pangkaraniwang kapamamaraanan, ay
† Page 7 †
nagmula ang Iyong dakilang layunin para sa sangdaigdigan: Nawa’y mula
rin sa mga pangkaraniwan naming gawain ay makagawa kami ng
pagmumulan ng mga bagay na magtatanyag sa iyong kapurihan; sa
pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman. Amen.
Pasko 3
Isaias 52:7-10
Awit 98 o 98:1-6
Hebreo 1:1-12
Juan 1:1-14
Panalangin:
Makapangyarihan at walang hanggang Diyos, na ipinagkaloob sa
amin ang bugtong na Anak sa pamamagitan ng dalisay na paglilihi ni
Birheng Maria upang angkinin ang aming katauhan: Itulot mo po na kami
na napaging bago sa pamamagitan ng biyaya ng Iyong pag-ampon sa
amin ay patuloy na mabago ng Iyong Banal na Espiritu upang ang iyong
mga aral ay magkaroon ng kaayuan sa amin; sa pamamagitan ng Iyong
Anak na si Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing
kasama Mo at ng Siya ring Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman. Amen.
Unang Linggo Pagkatapos ng Pasko
Isaias 61:10-62:3
Awit 147 o 147:13-21
Galacia 3:23-25, 4:4-7
Juan 1:1-18
Panalangin:
Makapanyarihang Diyos na aming Ama, inihayag Mo po sa amin ang
tunay na Liwanag sa pamamagitan ng Iyong nagkatawang tao na Salita:
Itulot po na ang liwanag na dulot Niya ay mag-alab sa aming mga puso
upang magbigay sa amin ng inspirasyon at pag-asa, ng kanlungan at
kalakasan sa aming pamumuhay sa paglilingkod; sa pamamagitan pa rin
Niya na aming maningning na Liwanag, na nabubuhay at naghaharing
† Page 8 †
kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman.
Amen.
Ang Pagtuli kay Hesukristo
1 Enero
Isaias 9: 2, 6 - 7
Awit 62: 1 - 8
Filipos 2: 9 - 13
Lukas 2: 15 - 21
Panalangin:
Makapangyarihang Diyos, na kung saan ang pinagpalang bugtong
na Anak ay tinuli bilang pagsunod sa kautusan alang-alang sa
sangkatauhan: Ipagkaloob mo sa amin ang kalinisan ng diwa; upang ang
aming mga puso at lahat ng aming mga kasapi na nagpapakasakit laban
sa mga makamundo at makalaman na pagnanasa ay aming masunod ang
iyong kalooban; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon, na
nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos,
ngayon at magpakailanman. Amen.
Ang Kabanal-banalang Pangalan ni Hesus
Ipinagdiriwang sa linggo na pumapaloob sa Pagtuli Kay Hesukristo at
Epipanya. Gayunpaman, kung walang linggo sa pagitan ng dalawang
nabanggit na pagdiriwang, ito’y ginaganap tuwing ika-2 ng Enero.
Exodus 34: 1- 8
Awit 8
Roma 1: 1- 7
Luke 2: 21
Panalangin:
O Diyos na siyang nagtadhana na ang Iyong bugtong na Anak ang
maging Tagapagligtas ng sanlibutan at siyang nag-utos na siya’y
tatawaging Hesus: sa Iyong kahabagan ay ipagkaloob mo sa amin na
sumasamba sa kanyang Pangalan ang patuloy na katapatan sa kanya na
Siyang tagapagligtas ng sangkatauhan, na nabubuhay at naghaharing
† Page 9 †
kasama mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman.
Amen
Ikalawang Linggo Pagkatapos ng Pasko
Jeremias 31:7-14
Awit 84 o 84:1-8
Efeso 1:3-6, 15-19a
Mateo 2:13-15, 19-23 o Lukas 2: 41- 52 o Mateo 2: 1-12
Panalangin:
Aming Ama at makapangyarihang Diyos, bahagi Ka ng aming buhay
at kasaysayan: Sa pagsilang ng Iyong Anak ay muli Mong ipinanumbalik
ang dangal ng Iyong sangkatauhan: Itulot mo po na mapanatili kami ng
Kanyang kabanalan, na pakumbabang nabuhay upang maging bahagi ng
aming pagkatao, nang sa gayo’y magsilbi namin Siyang matatag na
sandigan laban sa mga kapahamakan; sa pamamagitan Niya, si Hesus, na
Iyong Anak na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama
Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
Epipanya
Isaias 60:1-6,9
Awit 72 o 72:1-2, 10-17
Efeso 3:1-12
Mateo 2:1-12
Panalangin:
Makapangyarihang Diyos, sa pangunguna ng isang tala ay naihayag
ang Iyong natatanging bugtong na Anak sa buong Sanlibutan: Lukuban
mo po kaming sumasampalataya ng Iyong liwanag tungo sa Iyong Anak,
upang sa pakikibahagi Niya ay magsilbi rin kaming kaliwanagan ng
aming kapwa tungo sa Iyong kaluwalhatian; sa pamamagitan Niya na
aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng
Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
Unang Linggo Pagkatapos ng Epipanya: Ang Sagrada Pamilya
† Page 10 †
Deuteronomio 6: 1- 9
Awit 100
Roma 12: 1- 5
Lukas 2: 41 - 52
Panalangin:
Makapangyarihang Diyos na aming Ama na nagkakaloob ng
katiwasayan sa aming mga pamilya: Itinatalaga namin sa iyong patuloy
na pangangalaga ang aming mga tahanan. Bigkisin mo po kami sa tamis
ng pagmamahalan. Panatilihin mo kami sa pag-uunawaan at
paggagalangan; at pangunahan mo kami sa daan ng masagana mong
kahabagan. Sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon, na
nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos,
ngayon at magpakailanman. Amen
Ikalawang Linggo Pagkatapos ng Epipanya
Taon A
Isaias 49:1-7
Awit 40:1-10
I Korinto 1:1-9
Juan 1:29-41
Panalangin:
Makapangyarihang Diyos na nagkaloob sa amin ng isang
Korderong hain para sa sanlibutan: Ipagkaloob mo po sa Iyong
samabayanan na tinatanglawan ng Iyong Salita at mga sakramento ay
makilala Siya na aming Tagapagligtas, upang Siya’y sambahin at sundin
ng lahat hanggang sa dulo ng sandaigdigan; alang-alang sa Iyong Anak
na si Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing
kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman.
Amen.
Taon B
1 Samuel 3:1-10(11-20)
Awit 63:1-8
1 Korinto 6:11b-20
Juan 1:43-51
Panalangin:
† Page 11 †
Makapangyarihan Diyos ng Sangnilikha, inihayag mo po ang Iyong
kalooban sa pamamagitan ng Iyong mga hinirang na tao upang magsilbi
Mong mga tagapamahayag na alagad: Nawa’y aming maunawaan at
matugunan ang Iyong mga panawagan sa amin upang maihayo mo po
kami bilang mabisang kasangkapan sa pagpapalaganap ng Iyong
kaharian; Sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon, na
nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos,
ngayon at magpakailanman. Amen.
Taon K
Isaias 62:1-5
Awit 96 o 96:1-10
1 Korinto 12:1-11
Juan 2:1-11
Panalangin:
Makapangyarihang Diyos ng Pag-asa, at maningning na liwanag ng
kaligtasan; katulad ng nadarama ng lalaking ikakasal sa kanyang katipan
ay lubos Kang nagagalak sa katapatan ng katipan Mong sambayanan:
Nawa’y sa pamamagitan ng Iyong Anak na si Hesukristo, na Iyong
inihayag sa sangkatauhan, tungo sa kaganapan ng isang panibagong
Tipan, ay mapagkalooban kami ng katatagan ng pag-asa at kaliwanagan
upang kami’y kakitaan ng katapatan; Siya na nabubuhay at naghaharing
kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman.
Amen.
Ikatlong Linggo Pagkatapos ng Epipanya
Taon A
Amos 3:1-8
Awit 139:1-11
1 Korinto 1:10-17
Mateo 4:12-23
Panalangin:
Amang walang hanggan: Pangunahan Mo po kaming sumusunod sa
Iyong kalooban upang sa ngalan ng pinakamamahal mong Anak ay
managana ang aming buhay sa mga mabubuting gawa; alang-alang kay
Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama
Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
† Page 12 †
Taon B
Jeremias 3:21-4:2
Awit 130
1 Korinto 7:17-23
Markos 1:14-20
Panalangin:
Amang Makalangit: Pagkalooban Mo po kami ng biyaya upang
makapaglingkod kami sa Iyo sa pamamagitan ng pagsunod sa iyong
Anak na si Hesukristo upang sa aming pagtalima ay masumpungan namin
ang Iyong magandang kalooban; na nabubuhay at naghaharing kasama
Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
Taon K
Nehemias 8:2-10
Awit 113
1 Korinto 12:12-27
Lukas 4:14-21
Panalangin:
Amang Makapangyarihan: Bigyan mo po kami ng biyaya na laging
handang tumugon sa pagtawag ng aming Tagapagligtas na si Hesukristo,
at ipahayag sa lahat ng tao ang Magandang Balita ng kanyang pagliligtas
upang kami at ang buong mundo ay makabatid ng kaluwalhatian ng
kanyang mga dakilang gawain; Siya na nabubuhay at naghaharing
kasama Mo, at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman.
Amen.
Ika-apat na Linggo Pagkatapos ng Epipanya
Taon A
Mikas 6:1-8
Awit 37:1-6
1 Korinto 1: (18-25)26-31
Mateo 5:1-12
Panalangin:
† Page 13 †
Panginoon naming Diyos: Loobin Mo na ipagdangal ka namin nang
buong isip at puso upang kami man ay tanghaling mapalad dahilan sa
kami’y sumusunod sa Iyong mga aral; sa pamamagitan ni Hesukristo na
aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo, kaisa ng
Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
Taon B
Deuteronomio 18:15-20
Awit 111
1 Korinto 8:1b-13
Markos 1:21-28
Panalangin:
Pinagpalang Panginoon, minarapat mong maisatitik ang Banal na
Kasulatan upang kami ay mapanuto: Marapatin mo pong ito ay aming
dinggin, basahin, bigyan ng pagpapahalaga, pag-aralan at itimu sa aming
mga puso, upang kami’y mapagaling sa aming kahinaan at mapalakas sa
paglaban ng kasamaan; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming
Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at kaisa ng Espiritu
Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
Taon K
Jeremias 1:4-10
Awit 71:1-6, 15-17
1 Korinto 14:12b-20
Lukas 4:21-32
Panalangin:
Walang-hanggang Diyos na makapangyarihan sa lahat,
pinamamahalaan Mo ang lahat ng bagay sa langit at sa lupa: Buong-awa
mong dinggin ang mga panalangin ng Iyong bayan, at sa aming panahon
ay ipagkaloob Mo po ang Iyong kapayapaan upang mabatid ng lahat ang
iyong kapangyarihan at kahabagan; sa pamamagitan ni Hesukristo na
aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng
Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
Ika-limang Linggo Pagkatapos ng Epipanya
† Page 14 †
Taon A
Habakkuk 3:2-6, 17-19
Awit 27:1-7
1 Korinto 2:1-11
Mateo 5:13-20
Panalangin:
Makapangyarihang Diyos, ibinigay mo sa amin ang Iyong bugtong
na Anak upang maging ilaw ng sanlibutan: Pangalagaan mo po kaming
Iyong mga lingkod sa pamamagitan ng salita at Sakramento, ng sa gayon
ay magkaroon kami ng lakas na paglingkuran ang lahat ng kinapal sa
tulong ng hindi malirip na yaman ni Kristo, ng sa gayon Siya ay kilalanin,
sambahin at sundin hanggang sa wakas ng panahon; sa pamamagitan ni
Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama
Mo, at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
Taon B
2 Hari 4:(8-17) 18-21, (22-31) 32-37
Awit 142
1 Korinto 9:16-23
Markos 1:29-39
Panalangin:
Magpalang Diyos ng kalayaan: palayain mo po kami mula sa
pagkaalipin sa aming mga kasalanan at ipagkaolob mo po sa amin ang
kalakasan ng pananampalataya sa pagsunod ng Iyong kagustuhan upang
aming mapaglaban ang sarili naming mga kahinaan; sa pamamagitan ng
Iyong Anak at aming Tagapagligtas na si Hesukristo; na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman. Amen.
Taon K
Mga Hukom 6:11-24a
Awit 85:7-13
1 Korinto 15:1-11
Lukas 5:1-11
Panalangin:
† Page 15 †
Butihing Diyos at aming Ama: alagaan Mo po kaming iyong mga
anak nang buong pagmamahal upang kami na tumutugon sa Iyong
panawagan sa paglilingkod ay madama ang mapaglingap Mong
pagsubaybay sa tuwina; alang-alang sa Anak Mo, si Hesukristong aming
Panginoon na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo,
iisang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen.
Ika-anim na Linggo Pagkatapos ng Epipanya
Taon A
Ecclesiastico 15:11-20
Awit 119:9-16
1 Korinto 3:1-9
Mateo 5:21-24, 27-30, 33-37
Panalangin:
Matapat naming Diyos, ikaw ay nananahan sa mga pusong matuwid
at tapat: Loobin mong kami ay maging gayon upang lagi kang manahan
sa aming kalooban; alang-alang sa Anak Mo, si Hesukristo na aming
Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo, at ng Espiritu
Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
Taon B
2 Hari 5:1-15a, b
Awit 42:1-7
1 Korinto 9:24-27
Markos 1:40-45
Panalangin:
Panginoon naming Diyos, ikaw ang sandigan ng lahat ng nananalig
sa Iyo: Pakinggan mo po ang karaingan ng iyong bayan na patuloy na
tumatahak sa iyong batas, upang sa pagsunod sa Iyo kami ay maging
kalugod-lugod mong mga lingkod; sa pamamagitan ni Hesukristo na
aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama mo, kaisa ng
Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
Taon K
Jeremias 17:5-10
Awit 37:3-10
1 Korinto 15:12-20
† Page 16 †
Lukas 6:17-26
Panalangin:
Makapangyarihang Diyos, ikaw po ang lakas ng lahat ng nagtitiwala
sa Iyo: Buong awa pong dinggin ang aming mga dalangin upang magsilbi
ka naming kalakasan sa aming kahinaan, pag-asa sa gitna ng aming
kapighatian, at matatag na kalasag laban sa mga kapahamakan; sa
pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon, na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman. Amen.
Ika-pitong Linggo Pagkatapos ng Epipanya
Taon A
Levitico 19:1-2,9-18
Awit 71:16-24
1 Korinto 3:10-11, 16-23
Mateo 5:38-48
Panalangin:
Panginoon naming Diyos, Ipinadama mo sa amin ang Iyong Pag-ibig
sa pamamagitan ng Iyong bugtong na Anak: Ipagkaloob mo po sa aming
mga puso ang dalisay mong walang hanggang pag-ibig upang kami’y
makasunod sa iyong mga ipinag-uutos; sa pamamagitan ni Hesukristong
aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng
Espiritu Santo, iisang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen.
Taon B
Isaias 43:18-25
Awit 32:1-8
2 Korinto 1:18-22
Markos 2:1-12
Panalangin:
Diyos na walang-hanggan, na dahilan sa Iyong habag ay patuloy mo
po kaming kinakalinga: Ipagkaloob po sa amin ang iyong walanghanggang kahabagan, upang kami na nananalig sa iyong kapangyarihan
ay magkaroon ng lakas na pagtagumpayan ang masama; sa pamamagitan
ni Hesukristo na aming Panginoon na nabubuhay at naghaharing kasama
† Page 17 †
Mo at kaisa ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman.
Amen.
Taon K
Genesis 45:3-11, 21-28
Awit 37:3-10
1 Korinto 15:35-38, 42-50
Lukas 6:27-38
Panalangin:
Mapagmahal naming Diyos, itinuro mo po na kung wala kaming
pag-ibig, anuman ang aming gawain ay walang halaga: Ipadala mo po ang
iyong Espiritu Santo at ibuhos sa aming puso ang iyong pinakadakilang
kaloob na pag-ibig upang magsilbi namin itong mabisang panlaban sa
kasamaan; alang-alang sa Iyong Anak na si Hesukristo, na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman. Amen.
Ikawalong Linggo Pagkatapos ng Epipanya
Taon A
Isaias 49:8-18
Awit 62:6-14
1 Korinto 4:1-5, (6-7) 8-13
Mateo 6:24-34
Panalangin:
Mapagmahal na Ama, nais mo na kami’y magpasalamat para sa
lahat ng bagay, na walang kinakatakutan kundi ang pagkawalay sa iyo, at
isuko ang lahat ng aming alalahanin sa Iyo na kumakalinga sa amin: Ipagadya mo po kami sa takot na bunga ng kahinaan ng pananampalataya, at
gayundin sa makamundong pagkabalisa, upang walang balakid sa
mortal na buhay na ito ang magkait sa amin ng liwanag ng walang
hanggan Mong pag-ibig; sa pamamagitan ni Hesukristong iyong Anak at
aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng
Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
Taon B
Hoseas 2:14-23
Awit 103:1-6
† Page 18 †
2 Korinto 3(4-11)17-4:2
Markos 2:18-22
Panalangin:
Diyos ng kahabagan, ikaw ay patuloy na matapat sa iyong mga anak:
Aming hinihiling ang iyong patnubay upang sa pagkakahirang mo sa
amin bilang iyong mga lingkod ay magkaroon kami ng lakas na tahakin
ang Iyong landas ng may katapatan; sa pamamagitan ni Hesukristo na
aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng
Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
Taon K
Jeremias 7:1-7(8-15)
Awit 92:1-5,11-14
1 Korinto 15:50-58
Lukas 6:39-49
Panalangin:
Panginoon naming Diyos, higit na mabuti sa lahat ng mabuti, hindi
Mo hinayaan ang gawaing masama na mangibabaw sa mundong ito:
Hinihiling namin sa Iyo na bigyan po kami ng sanggalang na labanan ang
masasama, upang patuloy na manaig ang kabutihang dulot ng iyong pagibig; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo, at ng Espiritu Santo, iisang Diyos ngayon at
magpakailanman. Amen.
Huling Linggo Pagkatapos ng Epipanya
Taon A
Exodo 24:12(13-14), 15-18
Awit 99
Filipos 3:7-14
Mateo 17:1-9
Panalangin:
Mahabaging Diyos, bago nagdusa ang iyong bugtong na Anak ay
nahayag ang Kanyang kaluwalhatian sa banal na Bundok: Itulot mo po na
kaming nagtataglay ng pananampalataya ay maging malakas upang
aming mapagtagumpayan ang aming mga kamalian at mabago tulad
niya, mula sa pagkakalugmok patungo sa kaluwalhatian ng tagumpay; sa
† Page 19 †
pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman. Amen.
Taon B
1 Hari 19:9-18
Awit 27:5-11
2 Pedro 1:16-19 (20-21)
Markos 9:2-9
Panalangin:
Makapangyarihang Diyos, bago ang paghihirap ng iyong bugtong
na Anak ay ipinakita Niya ang kanyang kaluwalhatian sa itaas ng Banal na
Bundok: Ipagkaloob mo po sa amin ang katatagan ng pananampalataya
sa pamamagitan ng pagliliwanag ng Kanyang kaanyuan, upang sa
liwanag ng Kanyang kapangyarihan ay aming mapaglabanan ang aming
mga sariling kahinaan; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming
Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo,
iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
Taon K
Exodo 34:29-35
Awit 99
1 Korinto 12:27-13:13
Lukas 9:28-36
Panalangin:
Diyos na aming Ama, ipinahintulot mo po na ang iyong Bugtong na
Anak ay magdusa para sa amin: Palaganapin Mo sa sanlibutan ang iyong
walang hanggang kaluwalhatian upang makilala ng lahat ang liwanag ng
Iyong katotohanan at kapangyarihan; alang-alang sa Anak mo, si
Hesukristong aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama
Mo, at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
Mierkules de Ceniza
Joel 2:1-2,12-17 o Isaias 58:1-12 o Jonas 3:1-10
Awit 103:8-14
2 Korinto 5:20b-6:10
† Page 20 †
Mateo 6:1-6,16-21
Panalangin:
Mahabagin naming Diyos, hindi ka nasusuklam sa Iyong mga
nilikha at pinatatawad mo ang lahat ng nagsisisi: Gawin mo pong bago at
nagsisisi ang aming mga puso, upang kaming nagdadalamhati dahil sa
aming mga kasalanan at kumikilala sa aming kasamaan, ay tumanggap
mula sa Iyo ng ganap na kapatawaran; sa pamamagitan ni Hesukristong
aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng
Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
Unang Linggo ng Kuwaresma
Taon A
Genesis 2:4b-9, 15-17,25-3:7
Awit 51:1-13
Roma 5:12-19 (20-21)
Mateo 4:1-11
Panalangin:
Makapangyarihang Diyos: Ipagkaloob mo na makasunod kami sa
diwa ng Kuwaresma at nawa’y mapag-aralan namin ang nauukol kay
Hesukristo upang tularan siya sa aming pamumuhay; alang-alang sa Anak
mo, si Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing
kasama mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman.
Amen.
Taon B
Genesis 9:8-17
Awit 25:3-9
1 Pedro 3:18-22
Markos 1:9-13
Panalangin:
Makapangyarihang Diyos, ang iyong pinagpalang Anak na aming
manunubos ay tinukso ring tulad namin, subalit di nahulog sa
pagkakasala: Idinadalangin namin sa Iyo na bigyan po kami ng lakas
upang mapaglabanan ang anyaya ng tuksong nakapalibot sa amin; at
sapagkat nalalaman mo ang aming kahinaan, nawa’y makilala ka namin
bilang malakas na sandigan tungo sa aming kaligtasan; sa pamamagitan
† Page 21 †
ni Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama
Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
Taon K
Deuteronimo 26:(1-4)5-11
Awit 91:9-15
Roma 10:(5-8a)8b-13
Lukas 4:1-13
Panalangin:
Diyos na makapangyarihan sa lahat, ang iyong pinagpalang Anak
ay dinala ng Espiritu sa ilang upang tuksuhin si Satanas: Agad ka pong
pumarito at tulungan kami na laging sinasalakay ng maraming tukso, at
dahil nga sa batid mo ang aming kahinaan, tulutan mo po na matagpuan
ka ng bawat tao na handang tumulong; sa pamamagitan ni Hesukristo na
aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng
Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
Ikalawang Linggo ng Kuwaresma
Taon A
Genesis 12:1-8
Awit 33:12-22
Roma 4:1-5(6-12) 13-17
Juan 3:1-17
Panalangin:
Pinakamamahal naming Ama, ipinag-utos mong pakinggan namin
ang iyong minamahal na Anak: Ipinagkaloob mong mapagnilay-nilay
namin ang Iyong mga aral, upang sa pagsunod namin ng Iyong kalooban
ay luminis ang aming isipan at matamo ang iyong kaluwalhatian; alangalang kay Hesukristong aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing
kasama mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman.
Amen.
Taon B
Genesis 22:1-14
Awit 16:5-11
Roma 8:31-39
Markos 8:31-38
† Page 22 †
Panalangin:
Mahabaging Ama, sa iyo nagmumula ang lahat ng aming nakakamit:
Pagpalain mo ang bawat isa sa amin at gabayan kami upang mapanatili
namin ang kababaang-loob, ang matingkad na pananampalataya at ang
patuloy na paglilingkod at nang aming maipamahagi ang iyong
nagbibigay buhay na salita; sa pamamagitan ni Hesukristo, na kasama
mong nabubuhay at naghaharing kaisa ng Espiritu Santo, iisang Diyos,
ngayon at magpakailanman. Amen
Taon K
Genesis 15:1-12, 17-18
Awit 27:10-18
Filipos 3:17-4:1
Lukas 13: (22-30) 31-35
Panalangin:
Makapangyarihang Diyos, na sa iyong mga kamay ang sandali ng
aming oras: Ipagkaloob mo sa lahat ng taong nagsisi ang iyong kaawaan
upang madama nila ang iyong pagmamahal, at ng sa gayon ay patuloy
silang mamuhay ng naaayon sa iyong kalooban; sa pamamagitan ni
Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama
mo at ng Espiritu Santo, ngayon at magpakailanman. Amen.
Ikatlong Linggo ng Kuwaresma
Taon A
Exodo 17:1-7
Awit 95:6-11
Roma 5:1-11
Juan 4:5-26(27-38) 39-42
Panalangin:
Makapangyarihan at walang hanggang Diyos, sa pamamagitan ng
tubig ng buhay na iyong kaloob ay naibsan ang uhaw ng sanlibutan:
Ipagkaloob mo na ang lahat ng nauuhaw sa tubig ng buhay ay
makabahagi sa pagpapalaganap ng iyong banal na salita upang ang lahat
ay madala sa kaluwalhatian ng Iyong Kaharian; sa pamamagitan ni
Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama
Mo, at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
† Page 23 †
Taon B
Exodo 20:1-17
Awit 19:7-14
Roma 7:13-25
Juan 2:13-22
Panalangin:
Mapaglingap na Ama, nababatid mo na kami ay walang
kapangyarihan para tulungan ang aming mga sarili: Gabayan Mo ang
bawat isa sa amin upang sa piling mo ay mapangunahan kami sa tunay na
pagsamba; alang-alang kay Hesukristo na aming Panginoon, na
nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos,
ngayon at magpakailanman. Amen.
Taon K
Exodo 3:1-5
Awit 103:1-11
1 Korinto 10:1-13
Lukas 13:1-9
Panalangin:
Makapangyarihang Diyos, na puspos ng awa at kabanalan,
ipinadadama mong nagkakamit ng kapatawaran ang mga makasalanan
sa tulong ng pag-aayuno at pagbabalik-loob: Isinasamo namin sa iyo na
kaming nagpapakumbaba at nagsisisi ay makatanggap buhat sa iyo ng
awa at patawad upang sa gitna ng aming kasalanan at kahinaan ay
makapagpanimula po kaming muli sa buhay na kalugod-lugod sa Iyong
kalooban; sa pamamagitan ni Hesukristong Anak Mo, na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman. Amen.
Ika-apat na Linggo ng Kuwaresma
Taon A
1 Samuel 16:1-13
Awit 23
Efeso 5:1-7(8-14)
Juan 9:1-13(14-27) 28-38
† Page 24 †
Panalangin:
Makapangyarihang Diyos, sa pamamagitan ng Iyong pagmamahal,
namulat kami sa katotohanan ng buhay: Ipahintulot mo nawa sa lahat ng
may pananampalataya na makita ang kagandahan ng sangnilikha upang
ang lahat ay mamuhay sa katotohanan, pag-ibig at paglilingkod sa Iyo; sa
pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo, at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman. Amen.
Taon B
2 Cronica 36:14-23
Awit 122
Efeso 2:4-10
Juan 6:4-15
Panalangin:
Mapagpalang Diyos, na kung saan ang Iyong Banal na Anak na si
Hesukristo ay bumaba mula sa langit upang maging tinapay na
nagbibigay buhay sa sanlibutan: Nawa’y matanggap namin ang tinapay
na ito sa banal na komunyon upang Siya ay mabuhay sa amin at kami’y sa
kanya; na nabubuhay at naghaharing kasama Mo, at ng Espiritu Santo,
iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
Taon K
Josue (4:19-24); 5:9-12
Awit 34:1-8
2 Korinto 5:17-21
Lukas 15:11-32
Panalangin:
Mapaglingap at mapagbigay na Ama, sa Iyo nagmumula ang
pagmamahal na may pagpapatawad: Sa pamamagitan ng Iyong bugtong
na Anak na naghirap, namatay at nabuhay na muli ay ipinagkaloob mo po
sa amin ang kapatawaran ng aming kasalanan, ipagkaloob mo sa amin na
magsilbi Siyang matatag naming sandigan sa gitna ng aming
pagsusumikap at mapaglingap na kaagapay upang kami’y
makapagpanimulang muli sa aming pagkagupo at pagkakamali; sa
pamamagitan pa rin ni Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at
† Page 25 †
naghaharing kasama Mo, at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman. Amen.
Ika-limang Linggo ng Kuwaresma
Na kadalasang tinatawag na Linggo ng Pasyon
Taon A
Exekiel 37:1-3(4-10) 11-14
Awit 130
Roma 6:16-23
Juan 11:(1-16) 17 -44
Panalangin:
Panginoon naming Diyos, dahil sa Pag-ibig sa sangkatauhan ay
namatay sa Krus ang Iyong bugtong na Anak: Isinasamo namin, na kami
sana’y lukuban mo at pangunahan upang kami’y mabuhay na tulad niya;
alang-alang sa kanya na Anak Mo, si Hesukristong Panginoon namin, na
nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos
ngayon at magkailanman. Amen.
Taon B
Jeremias 31:31-34
Awit 51:11-16
Hebreo 5:(1-4) 5-10
Juan 12:20-33
Panalangin:
Makapangyarihang Diyos, sa pamamagitan ng iyong Bugtong na
Anak ay pinatawad Mo ang aming mga kasalanan: Ipagkaloob Mo sa amin
ang Iyong biyaya at pag-ibig upang magampanan namin ang tungkuling
iniatas Mo sa bawat isa sa amin, nang sa gayon sa Kanyang paghatol sa
sanlibutan ay maging bahagi kami sa Kanyang karangalan; sa
pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpasawalang-hanggan. Amen.
Taon K
Isaias 43:16-21
† Page 26 †
Awit 126
Filipos 3:8-14
Lukas 20:9-19
Panalangin:
Makapangyarihang Diyos, dahilan sa iyong walang-hanggang pagibig, ibinigay Mo sa amin ang iyong pinakamamahal na Anak para sa
aming kaligtasan: Ipagkaloob mong maging marapat kaming tumanggap
ng Iyong pagpapala at kabutihan upang maipadama namin sa aming
kapwa ang pagmamahal na naidulot mo sa amin; sa pamamagitan ni
Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama
Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
Linggo ng Palaspas
Taon A
Isaias 45:21-25 o Isaias 52:13-53:12
Awit 22:1-11
Filipos 2:5-11
Mateo (26:36-75) 27:1-54(55-66)
Panalangin:
Diyos na makapangyarihan sa lahat, sa ‘di-mapantayang pag-ibig
Mo sa sangkatauhan ay ibinigay mo si Hesukristo upang magpakasakit at
mamatay para sa amin: Kahabagan Mo kaming nagsusumamo na
matularan namin ang Kanyang pagpapakumbaba at katapatan sa Iyong
kagustuhan upang maging kabahagi kami sa Kanyang muling
pagkabuhay; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Tagapagligtas, na
nabubuhay at naghaharing kasama Mo na kaisa ng Espiritu Santo, iisang
Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
Taon B
Isaias 45:21-25 o Isaias 52:13-53:12
Awit 22:1-11
Filipos 2:5-11
Markos (14:32-72) 15:1-39 (40-47)
Panalangin:
Makapangyarihan at walang hanggang Diyos, sa ‘di matingkalang
pagmamahal mo sa sangkatauhan ay nagdusa at namatay ang iyong
† Page 27 †
bugtong na Anak na si Hesukristong aming Panginoon: Kaawaan mo
kaming naghihintay ng iyong pagpapatawad upang marapat kaming
tumanggap ng pag-ibig na inialay ng iyong Anak at maihandog din namin
ang aming buhay sa paglilingkod sa aming kapwa; sa pamamagitan ni
Hesukristo na aming Tagapagligtas na nabubuhay at naghaharing
kasama Mo, kaisa ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman. Amen.
Taon K
Isaias 45:21-25 o Isaias 52:13-53:12
Awit 22:1-11
Filipos 2:5-11
Lukas (22:39-71) 23:1-49(50-56)
Panalangin:
Walang hanggang Diyos na Makapangyarihan sa lahat, mula sa
iyong magiliw na pagmamahal sa sanlibutan ay ipinadala Mo ang Iyong
Anak na si Hesukristo na aming Panginoon upang yakapin niya ang aming
kalikasan at magdusa ng kamatayan sa krus, na siyang pinakadakilang
halimbawa ng pagpapakumbaba: Buong awa mo pong itulot na kami’y
makasunod sa daan ng kanyang pagpapakasakit upang kami’y
makibahagi rin sa kanyang muling pagkabuhay; Siya na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman. Amen
Linggo ng Pagkabuhay
Taon A
Gawa 10:34-43 o Exodo 14:10-14, 21-25; 15:20-21
Awit 118:14-29 o Awit 118:14-17, 22-24
Colosas 3:1-4 o Gawa 10:34-43
Juan 20:1-10(11-18) o Mateo 28:1-10
Panalangin:
Diyos na Makapangyarihan sa lahat, na sa pamamagitan ni Kristo ay
binuksan mo ang pinto ng buhay ng lahat ng umaasa sa Iyo: Ipagkaloob
mo nawa sa amin ang bagong pag-asa na hatid ng muling pagkabuhay
ng Iyong Anak upang makapagbagong buhay kami sa tulong ng Iyong
† Page 28 †
Espiritu Santo; alang-alang sa Anak mo, si Hesukristong aming
Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo, at ng Espiritu
Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
Taon B
Gawa 10:34-43 o Isaias 25:6-9
Awit 118:14-29
Colosas 3:1-4 o Gawa 10:34-43
Markos 16:1-8
Panalangin:
Mapagpalayang Diyos na patuloy na naghahari sa lahat ng
bansa: Patuloy mo kaming gabayan sa pamamagitan ng iyong Espiritu
Santo upang kami na nakatanggap ng iyong kapatawaran sa
pamamagitan ni Hesukristo ay muli ring makapagbagong buhay; sa
pamamagitan ng Iyong bugtong na Anak na si Hesukristo, na nabubuhay
at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman. Amen.
Taon K
Gawa 10:34-43 o Isaias 51:9-11
Awit 118:14-29
Colosas 3:1-4 o Gawa 10:34-43
Lukas 24:1-10
Panalangin:
Makapangyarihang Diyos na sa laki ng iyong pagmamahal sa amin
ay ibinigay Mo ang Iyong bugtong na Anak na mamatay sa Krus, at sa
pamamagitan ng kanyang muling pagkabuhay ay binuksan Mo ang pinto
ng lahat ng umaasa sa Iyo: Ipagkaloob mo nawa sa amin ang patuloy
mong pagpapala upang kami’y laging mabuhay na kasama Niya sa galak
na dulot ng kanyang Muling pagkabuhay; sa pamamagitan ni Hesukristo
na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng
Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
† Page 29 †
Ikalawang Linggo ng Pagkabuhay
Taon A
Gawa 2:14a, 22-32 o Genesis 8:6-16; 9:8-16
Awit 118:19-24
1 Pedro 1:3-9 o Gawa 2:14a, 22-32
Juan 20:19-31
Panalangin:
Makapangyarihan at walang-hanggang Diyos, na nagtatag sa
Misteryo ng Paskua ng pakikipag-isa: Ipagkaloob Mo nawa na sa
pamamagitan ng aming pakikipag-isa sa aming Panginoong Hesukristo
ay masumpungan namin ang bagong-buhay sa pamamagitan Niya upang
kasama ng lahat ng nananalig sa Iyo sa buong sanlibutan ay magkaron
din ng pagkabuhay na muli; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming
Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo,
iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
Taon B
Gawa 3:12a, 13-15, 17-26 o Isaias 26:2-9, 19
Awit 118:19-24
1 Juan 5:1-6 o Gawa 3:12a, 13-15,17-26
Juan 20:19-31
Panalangin:
Walang-hanggang Diyos, binigyan Mo ng lubos na kapayapaan ang
mga taong tapat at nagtitiwala sa Iyo: Ipagkaloob Mo sa amin ang lakas at
katatagan ng pananampalataya upang mapaglabanan namin ang sarili
naming kahinaan at pag-aalinlangan; sa pamamagitan ni Hesukristo ng
aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng
Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
Taon K
Gawa 5:12a, 17-22, 25-29 o Job 42:1-6
Awit 118:19-24
Pahayag 1:(1-8) 9-19 o Gawa 5:12a,17-22,25-29
Juan 20:19-31
† Page 30 †
Panalangin:
Diyos na walang hanggan, pinag-aalab Mo ang pananampalataya
ng lahat ng taong tapat na nananalig sa Iyo: Ipagkaloob mo nawa sa amin
ang patuloy Mong biyaya upang maunawaan namin ng lubos ang diwa ng
Muling Pagkabuhay ng Iyong Anak; alang-alang pa rin kay Hesukristo na
aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng
Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
Ikatlong Linggo ng Pagkabuhay
Taon A
Gawa 2:14a, 36-47 o Isaias 43:1-12
Awit 116:10-17
1 Pedro 1:17-23 o Gawa 2:14a, 36-47
Lukas 24:13-35
Panalangin:
Mahabaging Diyos, ipinakilala ng iyong bugtong na Anak ang
kanyang sarili sa kanyang mga alagad sa pamamagitan ng pagpirapirasong tinapay: Buksan mo po ang mga mata ng aming pananamplataya
upang Siya ay makita namin sa lahat ng kanyang gawain ng pagliligtas;
Siya na nabubuhay at naghaharing kasama Mo, sa pakikiisa ng Espiritu
Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
Taon B
Gawa 4:5-12 o Mikas 4:1-5
Awit 98:1-5
1 Juan 1:1-2:2 o Gawa 4:5-12
Lukas 24:36b-48
Panalangin:
Mapaglingap naming Ama, sa pamamagitan ng pagkabuhay na
muli ni Hesus ay naihayag na Siya nga ay makapangyarihan: Ipagkaloob
Mo po sa amin, yayamang inampon mo po kami at patuloy na kinukopkop
sa pamamagitan Niya ay aming matamo ang kaganapan ng Iyong
pangakong buhay na walang hanggan; sa pamamagitan pa rin ni
Hesukristong aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama
Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman.. Amen.
† Page 31 †
Taon K
Gawa 9:1-19a o Jeremias 32:36-41
Awit 33:1-11
Pahayag 5:6-14 o Gawa 5:6-14
Juan 21:1-14
Panalangin:
Mapagpalang Ama, na patuloy na naghahari sa sangkatauhan,
ipinakilala ng Iyong Anak ang Kanyang sarili sa pamamagitan ng mga
pangkaraniwang bagay, maging man sa mga hindi inaasahang
pagkakataon, at higt sa lahat sa tinapay na nagbibigay buhay: Nawa’y ang
Kanyang katawan sa pamamagitan ng Banal na Komunyon ay patuloy na
magbigay sa amin ng panibagong buhay upang aming maipagpatuloy
ang paglilingkod sa Iyo at sa aming kapwa; sa pamamagitan ni Hesukristo
na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo sa
pakikiisa ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman..
Amen.
Ika-apat ng Linggo ng Pagkabuhay
Taon A
Gawa 6:1-9; 7:2a, 51-60 o Nehemias 9:6-15
Awit 23
1 Pedro 2:19-25 o Gawa 6:1-9; 7:2a, 51-60
Juan 10:1-10 o Juan 14:15-21
Panalangin:
Makapangyarihan at walang hanggang Diyos, akayin Mo kami sa
landas ng kabanalan upang kaming mga Anak Mo ay makarating sa lugar
na inihanda mo para sa amin: Pangalagaan Mo ang aming pamumuhay sa
pamamagitan ng Espiritu ng katotohanan upang patuloy ka naming
mapaglingkuran sa aming kapwa; alang-alang sa Anak Mong si
Hesukristong aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama
Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
Taon B
† Page 32 †
Gawa 4:(23-31) 32-37 o Ezekiel 34:1-10
Awit 23 o Awit 100
1 Juan 3:1-8 o Gawa 4:(23-31) 32-37
Juan 10: 11-16
Panalangin:
Mapaglingap naming Ama, ang iyong Anak na si Hesukristo ay ang
aming Mabuting Pastol: itulot mo po na kung marinig namin ang kanyang
tinig ay amin Siyang makilala upang kami’y makasunod sa kanyang
pangunguna at pangangalaga; Siya na kasama Mong nabubuhay at
naghaharing kasama ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman. Amen.
Taon K
Gawa 13:15-16, 26-33(34-39) o Mga Bilang 27:12-23
Awit 100
Pahayag 7:9-17 o Gawa 13:15-16, 26-33(34-39)
Juan 10:22-30
Panalangin:
Makapangyarihang Ama, sa Iyo ang kapurihan at karangalan,
sapagkat sa Iyo nagmumula ang buhay: Nawa’y buong lugod mo na
patnubayan ang Iyong bayan na kumikilala at sumusunod sa Iyo upang
patuloy kaming mailayo sa kapahamakan sa pagpapatotoo ng Iyong
kadakilaan; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon, na
nabubuhay at naghaharing kasama Mo, at ng Espiritu Santo, iisang Diyos,
ngayon at magpakailanman. Amen.
Ika-limang Linggo ng Pagkabuhay
Taon A
Gawa 17:1-15 o Deuteronomio 76:20-25
Awit 66:1-8
1 Pedro 2:1-10 o Gawa 17:22-31
Juan 14:1-14
Panalangin:
† Page 33 †
O Diyos na makapangyarihan sa lahat, ang makilala kang lubos ay
buhay na walang-hanggan: Itulot mo po na ganap naming makilala si
Hesus bilang Daan, ang Katotohanan, at ang Buhay upang matapat naming
sundan ang kanyang mga bakas patungo sa buhay na walang-hanggan;
sa pamamagitan ni Hesukristong iyong Anak at aming Panginoon, na
nabubuhay at naghaharing kasama Mo, sa pakikiisa ng Espiritu Santo,
iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
Taon B
Gawa 8:26-40 o Deuteronomio 4:32-40
Awit 66:1-8
1 Juan 3:(14-17)18-24 o Gawa 8:26-40
Juan 14:15-21
Panalangin:
Dakilang Diyos ng buong sangnilikha, na tumubos at umampon sa
amin: Buong lugod Mo po kaming lingapin sa patnubay ng Iyong Espiritu
upang sa aming pagsunod sa Iyong Anak ay matamo namin ang tunay na
kaganapan ng buhay na walang-hanggan; sa pamamagitan ni
Hesukristong aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama
Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
Taon K
Gawa 13:44-52 o Levitiko 19:1-2,9-18
Awit 145:1-9
Pahayag 19:1,4-9 o Gawa 13:44-52
Juan 13:31-35
Panalangin:
O Diyos na Makapangyarihan sa lahat, sa Iyong kagustuhan ay
nahayag ang karangalan ng Anak ng Tao: Nawa’y matutuhan naming
hanapin ang pag-ibig na inihayag mo sa amin upang ito ma’y aming maialay sa aming kapwa nang sa gayo’y makilala kaming mga alagad Mo; sa
pamamagitan ng Iyong Anak na si Hesukristo, na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo, kaisa ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman. Amen.
Ika-anim na Linggo ng Pagkabuhay
† Page 34 †
Taon A
Gawa 17:22-31
Awit 148:7-14
1 Pedro 3:8-18
Juan 15:1-8
o Isaias 41:17-20
o Gawa 17:22-31
Panalangin:
Diyos na makapangyarihan, na patuloy na nananahan sa amin:
Ipagkaloob mo nawa sa aming lagi ang iyong pagpapala upang kami na
nananatili sa Iyo ay makaiwas sa gawaing masama at upang ang aming
buhay ay palagiang naihahandog sa Iyo; alang-alang kay Hesukristo na
aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng
Espiritu Santo, iisang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen.
Taon B
Gawa 11:19-30 o Isaias 45:11-13, 18-19
Awit 33:1-8, 18-22
1 Juan 4:7-21 o Gawa 11:19-30
Juan 15:9-17
Panalangin:
Mapagmahal naming Diyos, inihanda mo para sa mga nagmamahal
sa Iyo ang mga mabubuting bagay na di-malirip ng aming pang-unawa:
Ibuhos mo po sa aming puso ang pag-ibig na ukol sa Iyo, upang kami na
nagmamahal sa iyo nang una sa lahat ay tumanggap nawa ng iyong mga
ipinangako na higit pa sa lahat ng aming ninanais; sa pamammagitan ni
Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama
Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
Taon K
Gawa 14:8-18 o Joel 2:21-27
Awit 67
Pahayag 21:22-22:5 o Gawa 14:8-18
Juan 14:23-29
Panalangin:
† Page 35 †
O Diyos na makapangyarihan sa lahat, sa Iyo nagmumula ang lahat
ng pagpapala at biyaya: Kami na palagiang nagagalak dahil sa iyong
walang humpay na kabutihan ay patnubayan nawa ng Iyong Espiritu
Santo upang siyang patuloy na magturo sa amin sa lahat ng bagay na
naaayon sa Iyong kalooban; alang-alang sa pag-ibig ng Iyong Anak na si
Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama
Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
Ang Pag-akyat sa Langit ng Panginoon
Taon A
Gawa 1:1-11 o Daniel 7:9-14
Awit 110:1-5
Efeso 1:15-23 o Gawa 1:1-11
Lukas 24:49-53 o Markos 16:9-15, 19-20
Panalangin:
O Diyos na makapangyarihan sa lahat, ang Iyong Anak na si
Hesukristo ay umakyat sa langit upang Siya ay mapasalahat: Buong awa
mo pong ipagkaloob sa amin ang patuloy na pananampalataya upang
maitamo sa aming mga puso’t kaisipan na Siya’y lagi naming kapiling
patungo sa buhay na walang hanggan; sa pamamagitan ni Hesukristong
aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng
Espiritu Santo, iisang Diyos, sa kaluwalhatiang walang hanggan. Amen.
Taon B
Gawa 1:1-11 o Ezekiel 1:3-5a, 15-22, 26-28
Awit 110:1-5
Efeso 1:15-23 o Gawa 1:1-11
Lukas 24:49-53 o Markos 16:9-15,19-20
Panalangin:
Diyos at Ama ng aming Panginoong Hesukristo: Itulot mo po, na
kung paano kami nananalig na ang Iyong bugtong na Anak at aming
Panginoong Hesukristo ay umakyat sa langit, kami rin nawa ay maging
mapagpakumbaba ring katulad Niya upang kami ma'y maitaas na kasama
at sa pamamagitan Niya; na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng
Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
Taon K
† Page 36 †
Gawa 1:1-11 o 2 Hari 2:1-15
Awit 110:1-5
Efeso 1:15-23 o Gawa 1:1-11
Lukas 24:49-53 o Markos 16:9-15,19-20
Panalangin:
Diyos na walang hanggan, ang Iyong bugtong na Anak ay umakyat
sa langit upang ihanda ang lugar sa lahat ng nanalig at sumasampalataya
sa Iyo: Ipagkaloob mo po sa amin, na mga naghihintay sa Iyo, ang
patnubay ng Espiritu Santo upang buong tatag naming maihayag sa
sangdaigdigan ang iyong kahanga-hanga mga gawa; sa pamamagitan ng
Iyong Anak na si Hesukristong aming Panginoon, na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo, at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman. Amen.
Ika-pitong Linggo ng Pagkabuhay
Taon A
Gawa 1(1-7)8-14
Awit 47
1 Pedro 4:12-19
Juan 17:1-11
o Ezekiel 39:21-29
o Gawa 1:(1-7)8-14
Panalangin:
O Diyos na Hari ng kaluwalhatian, sa pamamagitan ng pagkabuhay
ng Iyong bugtong na Anak na si Hesukristo ay inihayag Mo nang may
dakilang tagumpay ang Iyong kapangyarihan: Itulot Mo po na kami ma’y
mapalakas upang buong tatag naming maihayag ang Iyong
kapangyarihan; sa pamamagitan pa rin ni Hesukristo na aming Panginoon
na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang
Diyos, sa kaluwalhatiang walang-hanggan. Amen.
Taon B
Gawa 1:15-26
o Exodo 28:1-4,9-10,29-30
Awit 47
1 Juan 5:9-15
o Gawa 1:15-26
Juan 17:11b-19
† Page 37 †
Panalangin:
O Panginoon naming Diyos: Paunlakan mo nawa ang aming
karaingan kahit na nakaluklok sa Iyong kanan ang aming Tagapagligtas
na si Hesukristo ay manatili nawa siya sa aming piling upang patuloy
naming madama ang bunga ng Kanyang ginawang pagliligtas; alangalang kay Hesukristong aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing
kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanaman. Amen.
Taon K
Gawa 16:16-34
o 1 Samuel 12:19-24
Awit 47
Pahayag 22:12-14. 16-17,20 o Gawa 16:16-34
Juan 17:20-26
Panalangin:
Mahabaging Ama, patuloy na nananahan sa aming puso ang
kadakilaang ginawa mo alang-alang sa amin: Lingapin mo kaming lagi
upang patuloy naming maisa-isip at maisa-puso ang Pag-ibig at
karangalang nahahayag sa iyong bugtong na Anak; Siya na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo at kaisa ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon
at magpakailanman. Amen.
Ang Araw ng Pentekostes
Taon A
Gawa 2:1-11
o Ezekiel 11:17-20
Awit 104:25-32
1 Korinto 12:4-13 o Gawa 2:1-11
Juan 20:19-23
o Juan 14:8-17
Panalangin:
Panginoon naming Diyos, sa Kapistahan ng araw na ito, pinagiging
banal Mo ang buong Simbahan sa lahat ng bayan at bansa: Kasihan Mo
kami ng mga kaloob ng Espiritu Santo, upang yaong ginawa Mo noong
una ay patuloy na maganap sa aming puso; sa pamamagitan ni
† Page 38 †
Hesukristong Anak Mo na kaisa ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman. Amen.
Taon B
Gawa 2:1-11
o Isaias 44:1-8
Awit 104:25-32
1 Korinto 12:4-13 o Gawa 2:1-11
Juan 20:19-23
o Juan 14:8-17
Panalangin:
O Diyos na makapangyarihan sa lahat, sa araw na ito ay ibinukas sa
bawat lahi at bansa ang daan tungo sa walang hanggang buhay sa
pamamagitan ng ipinangakong kaloob ng iyong Espiritu Santo:
Ipagkaloob Mo po sa buong sangkatauhan ang kaloob na ito sa
pamamagitan ng pangangaral ng Mabuting Balita, upang ito ay
maipahayag hanggang sa dulo ng daigdig; sa pamamagitan ni Hesukristo
na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng
Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
Gawa 2:1-11
Awit 104:25-32
1 Korinto 12:4-13
Juan 20:19-23
Taon K
o Joel 2:28-32
o Gawa 2:1-11
o Juan 14:8-17
Panalangin:
O Diyos, sa araw na ito ay tinuruan mo ang iyong matapat na bayan
sa pamamagitan ng pagpapadala sa kanila ng liwanag ng iyong Espiritu
Santo: Itulot mo po na sa pamamagitan rin ng pagsanib ng gayunding
Espiritu sa amin ay maging bahagi kami sa pagsasakatuparan ng Iyong
kapayapaan upang maihayag ang Iyong kadakilaan; sa pamamagitan ni
Hesukristo na iyong Anak at aming Panginoon, na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman. Amen.
Linggo ng Santisima Trinidad
Taon A
Genesis 1:1-2:3
† Page 39 †
Awit 150
2 Korinto 13:(5-10)11-14
Mateo 28:16-20
Panalangin:
O Diyos na aming Ama, ipinahayag Mo sa sanlibutan ang iyong
kahanga-hangang misteryo noong isugo Mo sa amin ang nagkatawang
taong Salita upang magturo ng katotohanan at ang Espiritung
Tagapagkaloob ng buhay: Loobin Mong sampalatayanan namin ang
katotohanan at ng Tatlong Persona ng iisang Diyos at sambahin ang
kanilang Kaisahan; alang-alang sa Anak Mong si Hesukristong aming
Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo,
magpasawalang-hanggan. Amen.
Taon B
Exodo 3:1-6
Awit 93
Roman 8:12-17
Juan 3:1-16
Panalangin:
O walang-hanggang Diyos na makapangyarihan sa lahat,
pinagkalooban Mo kaming Iyong mga lingkod ng biyaya na isilang na
muli sa tubig at sa Espiritu: Panatilihin mo po kaming matapat sa
pananampalataya at pagsamba, at sa wakas, dalhin mo po kami sa Iyong
harapan upang mamasdan ka sa Iyong natatangi at walang hanggang
kaharian; O Ama, na kasama ng Anak at ng Espiritu Santo, iisang Diyos,
ngayon at magpakailanman. Amen.
Taon K
Isaias 6:1-8
Awit 29
Pahayag 4:1-11
Juan 16:(5-11)12-15
Panalangin:
Banal at makapangyarihang Ama, laganap ang Iyong kaningningan
sa sanlibutan, na sa pamamagitan ng Iyong Espiritu Santo ay binigyan mo
ng liwanag ang aming buhay: Nawa’y ang liwanag na ito ay maging gabay
† Page 40 †
namin upang maunawaan ng buong katotohanan ang dulot na handog ng
Espiritu Santo; sa pamamagitan ng Anak Mong si Hesukristong aming
Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo,
iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
Ang Panahon Pagkaraan ng Santisima Trinidad
(Proper 1) Linggo Pinakamalapit sa Mayo 11
Taon A
Ecclesiastiko 15:11-20
Awit 119:9-16
I Korinto 3:1-9
Mateo 5:21-24,27-30,33-37
Panalangin:
O Panginoon, ang pagkakalikha mo sa amin ay ayon sa Iyong
kaanyuan: Ipag-adya mo kami sa lahat ng gawaing masama at patuloy Mo
kaming kalingain upang kami’y maging karapat-dapat na tawaging mga
anak Mo; alang-alang kay Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay
at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman. Amen.
Taon B
2 Hari 5:1-15ab
Awit 42:1-7
1 Korinto 9:24-27
Markos 1:40-45
Panalangin:
Alalahanin mo po, O Panginoon na kami’y Iyong mga anak na
bagama’t naglilingkod ay nagkukulang din at magkaminsan ay
nakagagawa ng mga maling kapasyahan: Pangunahan mo po kami sa
aming mga kapasyahan at punuin kami sa aming mga pagkukulang
upang Iyong maipahayag ang nakapagbibigay kagalingan Mong
kapangyarihan; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon, na
nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos,
ngayon at magpakailanman. Amen.
† Page 41 †
Taon K
Jeremias 17:5-10
Awit 1
1 Korinto 15:12-20
Lukas 6:17-26
Panalangin:
O Makapangyarihang Diyos, loobin mong lagi na aming pagnilaynilayin ang mga bagay na matuwid at nakalulugod sa Iyo: Isinasamo
namin na tulungan mo kaming maisagawa ang mga bagay na ito upang
lalo naming madama ang kabutihang ipinagkakaloob mo sa amin; alangalang kay Hesukristong aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing
kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman.
Amen.
Proper (2) Linggo Pinakamalapit sa Mayo 18
Taon A
Levitiko 19:1-2,9-18
Awit 71:16-24
1 Korinto 3:10-11, 16-23
Mateo 5:38-48
Panalangin:
O Banal na Diyos, Ikaw ang pinagmumulan ng lahat ng kabutihan:
Isinasamo namin sa Iyo na lagi mo kaming patnubayan sa aming mga
gawain, upang lagi naming maisa-isip ang mga tuntunin tungkol sa
kabanalan at katarungan; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming
Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at Espiritu Santo,
iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
Taon B
Isaias 43:18-25
Awit 32:1-8
2 Korinto 1:18-22
Markos 2:1-12
† Page 42 †
Panalangin:
Maawaing Diyos na makapangyarihan sa lahat: Aming hinihiling sa
iyong kabutihan, na kami po ay ilayo sa mga bagay na nakasasakit upang
kami na laging naghahanda sa isip at sa katawan ay nawa’y
makapagsagawa ng mga bagay na ayon sa iyong kalooban; sa
pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman. Amen.
Taon K
Genesis 45:3-11,21-28
Awit 37:3-10
1 Korinto 15:35-38,42-50
Lukas 6:27-38
Panalangin:
Diyos na aming Ama, ikaw ang nagturo sa amin upang maunawaan
namin ang kahulugan ng pag-ibig: Nawa’y matutuhan naming mahalin
ang aming kapwa upang kami’y maging karapat-dapat sa iyong paningin;
alang-alang kay Hesukristo na amin Panginoon, na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos ngayon at
magpakailanman.. Amen.
(Proper 3) Linggo na Pinakamalapit sa Mayo 25
Taon A
Isaias 49:8-18
Awit 62:6-14
1 Korinto 4:1-5(6-7)8-13
Mateo 6:24-34
Panalangin
Itulot mo po, O Panginoon, na ang kalagayan ng sanlibutan ay
mapayapang mapangalagaan ng Iyong mga biyaya upang ang iyong
Iglesia ay magalak sa paglilingkod sa Iyo sa pananampalataya at
kapayapaan; sa pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon, na
nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos,
ngayon at magpakailanman. Amen.
Taon B
Hosea 2:14-23
† Page 43 †
Awit 103:1-6
2 Korinto 3:(4-11)17-4:2
Markos 2:18-22
Panalangin:
O Panginoon, ipagkaloob Mo po na ang pagbabago ng sanlibutan
ay patuloy na naaayon sa Iyong kagustuhan: Hinihiling namin ito upang
ang Iyong Sambayanan ay madala sa Iyong Kalooban; alang-alang kay
Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama
Mo, kaisa ng Espiritu Santo, iisang Diyos ngayon at magpakailanman.
Amen.
Taon K
Jeremias 7:1-7(8-15)
Awit 92:1-5, 11-14
1 Korinto 15:50-58
Lukas 6:39-49
Panalangin:
O Makatarungan Diyos, ikaw ang humahatol sa mga taong
gumagawa ng kamalian: Turuan mo po kaming hanapin ang katuwiran
upang di kami mabulid sa masama at nang lubos naming malirip ang mga
bagay na naayon sa iyong kalooban; sa pamamagitan ni Hesukristo na
aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at kaisa ng
Espiritu Santo, iisang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen.
(Proper 4) Linggo na Pinakamalapit sa Hunyo 1
Taon A
Deuteronomino 11:18-21, 26-28
Awit 31:1-5, 19-24
Roma 3:21-25a, 28
Mateo 7:21-27
Panalangin:
O Diyos, ang iyong hindi kumukupas na biyaya ay nagsasa-ayos ng
lahat ng bagay sa langit at sa lupa: Hinihiling namin sa Iyo na aming
magawa ang mga bagay na ayon sa Iyong kalooban upang kami’y
† Page 44 †
marapat na pumasok sa Iyong kaharian; sa pamamagitan ni Hesukristo
na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng
Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
Taon B
Deuteronomio 5:6-21
Awit 81:1-10
2 Korinto 4:5-12
Markos 2:23-28
Panalangin:
O Diyos na Makapangyarihan sa lahat, ang pamamahala Mo ay hindi
nagkakamali sa ipinag-uutos: Buong kababaang-loob naming hinihiling
sa Iyo na alisin mo nawa sa amin ang lahat ng nakasasama at ipagkaloob
sa amin ang mga bagay na nakabubuti upang kami’y mapailalim sa Iyong
kapangyarihan; alang-alang sa Anak Mo, si Hesukristong Panginoon
namin, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo,
iisang Diyos ngayon at magpakailanaman. Amen.
Taon K
1 Hari 8:22-23, 27-30, 41-43
Awit 96:1-9
Galatia 1:1-10
Lukas 7:1-10
Panalangin:
Makapangyarihan naming Diyos, tapat kayo sa inyong mga
ipinangako sa amin: Ipahintulot mo po na kaming mga tagasunod ng
iyong Anak ay lubos na manampalataya sa Kanya upang kami’y maging
karapat-dapat na sumunod sa Iyo; alang-alang kay Hesukristo na aming
Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo,
iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
(Proper 5) Linggo na Pinakamalapit sa Hunyo 8
Taon A
Hoseas 5:156-6:6
Awit 50:7-15
† Page 45 †
Roma 4:13-18
Mateo 9:9-13
Panalangin:
O Diyos, na pinagmulan ng lahat ng kabutihan: Itulot mo po na sa
pamamagitan ng iyong inspirasyon ay aming isipin ang mga bagay na
wasto, at sa tulong rin ng iyong pangunguna ay maisagawa namin ang
mga iyon; sa pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon, na
nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos,
ngayon at magpakailanman. Amen.
Taon B
Genesis 3:(1-7) 8-21
Awit 130
2 Korinto 4:5-12
Markos 4:26-34
Panalangin:
Mapagpalang Ama, yayamang ang lahat ng biyaya ay nagmumula
sa Iyo: Ipagkaloob mo na lagi naming maisa-isip ang matuwid at
maisagawa ito sa tulong ng iyong patnubay upang sa pamamagitan nito
ay sumibol at mamunga ang butil ng aming pananampalataya; alangalang kay Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing
kasama Mo, kaisa ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman. Amen.
Taon K
1 Hari 17:17-24
Awit 30:1-6, 12 –13
Galatia 1:11-24
Lukas 7:11-17
Panalangin:
Diyos na makapangyarihan sa lahat, dahil sa kagandahang-loob mo
ay inihayag Mo ang kalingang kaloob ng Bugtong mong Anak:
Kahabagan mo kaming nagsusumamo sa Iyo na nawa’y matugunan sa
aming mga pangangailangan at kahilingan upang mamutawi sa aming
mga labi ang pagpupuri sa Iyo at pasasalamat; sa pamamagitan ni
† Page 46 †
Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama
Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
(Proper 6) Linggo na Pinakamalapit sa Hunyo 15
Taon A
Exodo 19:2-8a
Awit 100
Roma 5:6-11
Mateo 9:35-10:8(9-15)
Panalangin:
Butihing Panginoon: Panatilihin mo po ang Iyong Iglesia sa matatag
na pananampalataya at pagmamahal sa Iyo upang sa pamamagitan ng
iyong kaloob ay maipahayag namin nang walang takot ang iyong
katotohanan, at maitaguyod ang iyong katarungan nang may habag;
alang-alang kay Hesukristong aming Tagapagligtas, na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman. Amen.
Taon B
Ezekiel 31:1-6, 10-14
Awit 92:1-4, 11-14
2 Korinto 5:1-10
Markos 4:26-34
Panalangin:
Makapangyarihang Diyos, ikaw ang lakas ng lahat ng mga umaaasa
sa Iyo: Lingapin mo po kami sa aming kahinaan upang sa pagsunod namin
sa Iyong mga ipinag-uutos ay maisagawa namin ang nakalulugod sa Iyo
at maihayag ang Iyong kaharian; alang-alang kay Hesukristo na aming
Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo,
iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
Taon K
2 Samuel 11:26-12:10, 13-15
† Page 47 †
Awit 32:1-8
Galatia 2:11-21
Lukas 7:36-50
Panalangin:
O Diyos, dahil sa pananalig sa Iyong bugtong na Anak ay
pinawalang-sala mo kami: Nawa’y matagpuan namin si Kristo na
nananahan sa amin upang mabuhay kaming patuloy na kasalo Niya sa
aming mga gawain; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon,
na nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo, iisang
Diyos ngayon at magpakailanman. Amen.
(Proper 7) Linggo na Pinakamalapit sa Hunyo 22
Taon A
Jeremias 20:7-13
Awit 69:7-10, 16-18
Roma 5:15b-19
Mateo 10:(16-23) 24-33
Panalangin:
O Panginoon naming Diyos: Ipaala-ala Mo po sa amin na kami’y
laging nasa harapan Mo upang matakot kaming gumawa ng kasalanan;
pangalagaan Mo po ang aming pamumuhay sapagkat minamahal mo
kami; alang-alang kay Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos ngayon at
magpakailanman. Amen.
Taon B
Job 38:1-11, 16-18
Awit 107:1-3,23-32
2 Korinto 5:14-21
Markos 4:35-41; (5:1-20)
Panalangin:
Makapangyarihang Diyos na lumikha sa lahat ng bagay: Gawin mo
pong walang sukat ang aming pagmamahal at paggalang sa Iyong banal
na Pangalan sapagkat hindi mo kailanman binibigo ang pagtulong at
† Page 48 †
pamamahala sa mga taong lubos na umaasa sa iyong mapagmahal na
kalinga; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon, na
nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos,
ngayon at magpakailanman. Amen.
Taon K
Zakarias 12:8-10; 13:1
Awit 63:1-8
Galatia 3:23-29
Lukas 9:18-24
Panalangin:
Makapangyarihang Diyos, ikaw ang luminis sa karumihan at
kasalanan ng mundo: Nawa’y matutuhan naming limutin ang aming sarili
at iukol ito sa pangangailangan ng aming kapwa upang makamtan namin
ang buhay na walang-hanggan; alang-alang kay Hesukristo na aming
Panginoon na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo,
iisang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen.
(Proper 8) Linggo na Pinakamalapit sa Hunyo 29
Taon A
Isaias 2:10-17
Awit 89:1-4, 15-18
Roma 6:3-11
Mateo 10:34-42
Panalangin:
Makapangyarihang Diyos, itinayo Mo ang Iyong Iglesiya sa
pundasyon ng mga Apostol at mga Propeta, si Hesukristo ang
pinakapangunahing batong-panulukan: itulot mo po na kami ay
magkasama-sama sa pagkakaisa ng diwa ng kanilang pagtuturo upang
kami ay makasunod sa Iyo maging ito man ay mangahulugan ng
pagpasan ng Krus hanggang sa maipagkaloob mo sa amin ang
gantimpala ng Iyong pagiging alagad; sa pamamagitan ni Hesukristo na
aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng
Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
† Page 49 †
Taon B
Deuteronomio 15:7-11
Awit 112
2 Korinto 8:1-9,13-15
Markos 5:22-24, 35b-43
Panalangin:
O aming Ama, dahil sa Iyong pag-ibig, kami ay Iyong inampon at
kinupkop upang maging Iyong mga anak: Isinasamo namin na kami’y
ilayo mo po sa lahat ng kapahamakan upang kami’y patuloy na mabuhay
sa pagsamba sa Iyo ng may pagpupuri’t pasasalamat sa Iyong kabutihan;
alang-alang kay Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos ngayon at
magpakailanman. Amen.
Taon K
1 Hari 19:15-16, 19-21
Awit 16:5-11
Galatia 5:1, 13-25
Lukas 9:51-62
Panalangin:
Makapangyarihang Diyos, sa pamamagitan ni Hesukristo ay naging
malaya kami at nailigtas mula sa pagka-alipin ng kasamaan: Nawa’y
matutuhan naming mahalin ang aming kapwa at gabayan kami sa pagawa
ng kabutihan upang kami ay mapasama sa Iyong kaharian; sa
pamamagitan ng Iyong Bugtong na Anak na si Hesukristo, na nabubuhay
at naghaharing kasama Mo, kaisa ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon
at magpakailanman. Amen.
(Proper 9) Linggo na Pinakamalapit sa Hulyo 6
Taon A
Zakarias 9:9-12
Awit 145:8-14
Roma 7:21-8:6
Mateo 11:25-30
† Page 50 †
Panalangin:
O Diyos, itinuro mo sa amin na sundin ang lahat ng Iyong mga utos
sa pamamagitan ng pagmamahal sa iyo at sa aming kapwa: Ipagkaloob
mo po sa amin na mga napapagal sa paglilingkod sa Iyo ay lumapit sa
Iyong Anak sa gitna ng aming kahinaan upang sa piling Niya ay
makasumpong kami ng kapahingahan; sa pamamagitan ni Hesukristo na
aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng
Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
Taon B
Ezekiel 2:1-7
Awit 123
2 Korinto 12:2-10
Markos 6:1-6
Panalangin:
Diyos na aming Ama, dahil sa kababaang-loob ng Iyong Anak na si
Hesukristo, itinaas mo ang sanlibutan: Ipagkaloob mo po sa amin ang
patuloy na pananampalataya sa Kanya upang kami’y mapasama sa banal
na kaligayahang dulot ng Kanyang kaligtasan; alang-alang sa Anak Mong
si Hesukristong aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama
Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanaman. Amen.
Taon K
Isaias 66:10-16
Awit 66:1-8
Galatia 6:(1-10) 14-18
Lukas 10:1-12, 16-20
Panalangin:
Diyos na aming Ama, patuloy Mo kaming inaaruga at pinadadalhan
ng mga tunay Mong alagad: Makinig nawa kami sa kanilang mga
ipinangangaral na nakapagbibigay buhay na salita at isugo kami upang
kamtan naming lahat na nananalig sa Iyo ang buhay na walang-hanggan;
sa pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon, sa kaluwalhatian ng
Diyos Ama, kaisa ng Espiritu Santo, iisang Diyos ngayon at
magpakailaman. Amen.
(Proper 10) Linggo na Pinakamalapit sa Hulyo 13
† Page 51 †
Taon A
Isaias 55:1-5, 10-13
Awit 65:9-14
Roma 8:9-17
Mateo 13:1-9, 18-23
Panalangin:
Dakila at Mahabaging Panginoon: Tanggapin Mo po ang panalangin
ng iyong bayan at iyong itulot na kanilang mabatid at maunawaan ang
mga bagay na dapat nilang gawin, at mabigyan nawa sila ng biyaya at
lakas upang ang mga iyon ay matapat nilang maisagawa; sa pamamagitan
ni Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama
Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
Taon B
Amos 7:7-15
Awit 22:22-30
Efeso 1:1-14
Markos 6:7-13
Panalangin:
O Panginoon naming Diyos, tanglawan Mo po ang mga naliligaw ng
daan upang makabalik sa Iyo: Nawa’y buong tatag naming matalikuran
ang mga kamalian at mamulat kami sa katotohanan upang kami ma’y
maihayo na Iyong alagad; alang-alang sa Anak mo, si Hesukristo na aming
Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo,
iisang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen.
Taon K
Deuteronomio 30:9-14
Awit 25:3-9
Colosas 1:1-14
Lukas 10:25-37
Panalangin:
† Page 52 †
Mapagpalang Ama, ikaw ang nagbibigay sa amin ng lahat ng aming
nakakamit: Nawa’y makasunod kami sa iyong mga ipinag-uutos na
mahalin ka at makagawa ng kabutihan sa aming kapwa upang makamit
namin ang buhay na walang-hanggan; alang-alang kay Hesukristo na
aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng
Espiritu Santo, iisang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen.
(Proper 11) Linggo na Pinakamalapit sa Hulyo 20
Taon A
Karunungan 12:13, 16-19
Awit 86:11-17
Roma 8:18-25
Mateo 13:24-30,36-43
Panalangin:
O Diyos na Makapangyarihan sa lahat, bukal ng lahat ng
karunungan, batid mo po ang aming pangangailangan bago pa namin ito
malaman o hilingin: Mahabag ka po sa aming kahinaan, at ipagkaloob
ang mga bagay na di namin maatim hilingin dahil sa aming pagiging dikarapat-dapat, at di masambit dahil sa aming kabulagan upang kami ma’y
marapat tumanggap; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon,
na nabubuhay at naghaharing kasama Mo, at ng Espiritu Santo, iisang
Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
Taon B
Isaias 57:14b-21
Awit 22:22-30
Efeso 2:11-22
Markos 6:30-44
Panalangin:
O Mahabagin naming Ama, ikaw ay marunong magpatawad sa lahat
ng mga lumalapit sa Iyo ng matapat: Kaawaan mo kaming makasalanan
na naglilingkod sa Iyo, at tulungan Mo kaming lumakas ang aming
pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig upang kami’y makasunod sa
† Page 53 †
Iyong mga kautusan; alang-alang kay Hesukristo na aming Panginoon, na
nabubuhay at naghaharing kasama Mo, at ng Espiritu Santo, iisang Diyos
ngayon at magpakailanaman. Amen.
Taon K
Genesis 18:1-10a(10b-14)
Awit 15
Kolosas 1:21-29
Lukas 10:38-42
Panalangin:
Makapangyarihan at walang-hanggang Diyos: Ipagkaloob mo po,
idinadalangin namin sa Iyo, na ang landas ng mundong ito ay
mapayapang maisa-ayos sa ilalim ng iyong pamamahala, ng sa gayon ay
mapaglingkuran ka ng iyong simbahan ng buong ligaya at kapayapaan;
sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman. Amen.
(Proper 12) Linggo na Pinakamalapit sa Hulyo 27
Taon A
1 Hari 3:5-12
Awit 119:129-136
Roma 8:26-34
Mateo 13:31-33, 44-49a
Panalangin:
Diyos na tagapagtanggol ng lahat ng nagtitiwala sa Iyo, kung wala
ka ay walang bagay na matibay at banal: Pag-ibayuhin mo po ang iyong
awa sa amin, upang kami, na kasama Ka bilang Pinuno at Gabay, ay
magkamit nawa ng mga bagay na pansamantala nang hindi
napababayaan ang mga bagay na walang-hanggan; sa pamamagitan ni
Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama
Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
Taon B
2 Hari 2:1-15
Awit 114
Efeso 4:1-7, 11-16
† Page 54 †
Markos 6:45-52
Panalangin:
Makapangyarihang Diyos, tangapagtanggol ng mga umaasa sa Iyo
at pinagmumulan ng lahat ng lakas at kabanalan, dagdagan mo po nawa
ang iyong biyaya sa amin: Patnubayan mo po kaming gamitin ang mga
bagay na makalupa upang matamo ang mga makalangit na biyaya; alangalang sa Anak Mong si Hesukristo na aming Panginoon na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos ngayon at
magpakailanman. Amen.
Taon K
Genesis 18:20-33
Awit 138
Kolosas 2:6-15
Lukas 11:1-13
Panalangin:
O Panginoong naming Diyos, isinasamo namin sa Iyo na buong awa
mo pong dinggin ang mga panalangin ng lahat ng tumatawag sa Iyo:
Ipagkaloob mo po na kanilang matalos at maitimo sa kanilang mga puso
ang mga bagay na dapat nilang gawin at magkaroon din nawa sila ng
biyaya at lakas upang maisakatuparan ang mga ito; sa pamamagitan ni
Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama
Mo, at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
(Proper 13) Linggo na Pinakamalapit sa Agosto 3
Taon A
Nehemias 9:16-20
Awit 78:14-20, 23-25
Roma 8:35-39
Mateo 14:13-21
Panalangin:
Itulot mo po, O Panginoon, na ang Iyong awa ang siyang luminis at
magtanggol sa Iyong Iglesia: Dahil hindi siya makapagpapatuloy nang
maluwalhati kung wala ang Iyong tulong, lagi mo po siyang
ipagsanggalang at pamunuan sa pamamagitan ng Iyong kabutihan; sa
pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at
† Page 55 †
naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman. Amen.
Taon B
Exodo 16:2-4, 9-15
Awit 70:1,4-5
Efeso 4:17-25
Juan 6:25-35
Panalangin:
O Panginoon, tunghayan mo po ang Iyong mga lingkod atr
paunlakan ang aming hinihinging kalinga: Pangalagaan mo po ang aming
buhay upang makapaglingkod kami ng buong katapatan sa Iyo; alangalang kay Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing
Kasama Mo, at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman.
Amen.
Taon K
Ang Mangangaral 1:12-14; 2:(1-7, 11) 18-23
Awit 22:1-3a, 3b-4, 5-6
Kolosas 3:(5-11), 12-17
Lukas 12:13-21
Panalangin:
Makapngyarihang Diyos, batis ng lahat ng kaalaman, yaman din
lamang na alam mo ang aming kawalang-muwang sa paghingi: Kaawaan
mo po kami sa aming kahinaan at buong awa mo pong ipagkaloob yaong
mga bagay na sa aming kasalanan ay hindi namin karapat-dapat na
tanggapin at sa aming pagiging bulag ay hindi namin makuhang hingin;
sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo, at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman. Amen.
(Proper 14) Linggo na Pinakamalapit sa Agosto 10
Taon A
Jonas 2:1-9
Awit 74:19-23
† Page 56 †
Roma 9:1-5
Mateo 14:22-33
Panalangin:
Makapangyarihang Diyos: Idinadalangin namin na pagkalooban mo
po kami ng diwa na laging mag-isip at magsagawa ng mga bagay na
wasto upang kami, na di-mabubuhay nang wala ka, ay mabuhay nawa
ayon sa iyong kalooban; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming
Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo,
iisang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen.
Taon B
Deuteronomio 8:1-10
Awit 144:10-11, 15-16, 17-18
Efeso 4:(25-29) 30-5:2
Juan 6:37-51
Panalangin:
Makapangyarihang Diyos, ikaw ay buong giliw naming tinatawag
na Ama: Loobin mo nawang mabuhay kami bilang Iyong mga anak sa isip
at damdamin upang aming matamo ang Iyong pamanang buhay na
walang-hanggan; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon, na
nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos,
ngayon at magpakailanman. Amen.
Taon K
Genesis 15:1-6
Awit 67:6-10
Hebreo 11:1-3, (4-7), 8-16
Lukas 12:32-40
Panalangin:
Makapangyarihan at walang hanggang Diyos: Idinadalangin namin
sa Iyo, na Iyong ipagtanggol at gawing malinis ang Iyong Simbahan upang
sa pamamagitan ng Iyong walang-hanggang biyaya, ito’y
makapagpatuloy na maluwalhati sa kanyang mga gawain; sa
pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo, at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman. Amen.
† Page 57 †
(Proper 15) Linggo Na Pinakamalapit sa Agosto 17
Taon A
Isaias 56:1(2-5)6-7
Awit 84:8-10, 11-12
Roma 11:13-15, 29-32
Mateo 15:21-28
Panalangin:
O Diyos na makapangyarihan sa lahat, ibinigay mo ang iyong
bugtong na anak upang magsilbing sakripisyo sa aming kasalanan, at
maging halimbawa ng maka-Diyos na pamumuhay: Bigyan mo po kami
ng biyaya upang tanggapin ang bunga ng kanyang ginawang pagliligtas
upang patuloy kaming makasunod sa mga yapak ng kanyang banal na
buhay; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay
at naghaharing kasama Mo, at ng Espiritu Santo, iisang Diyos ngayon at
magpakailanman. Amen.
Taon B
Mga Kawikaan 9:1-6
Awit 144:10-18
Efeso 5:15-20
Juan 6:53-59
Panalangin:
O Diyos, naghahanda Ka ng mga biyaya para sa lahat ng mga
umiibig sa Iyo: Ihasik sa aming mga puso ang matimyas na pagmamahal
sa Iyo upang sa katapatan ng aming pagsamba ay aming makamtan ang
ipinangako ng Anak mo na aming tanggapin ang Kanyang kamahalmahalang katawan at dugo; sa pamamagitan ng Iyong bugtong na Anak
na si Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing
kasama Mo, at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman.
Amen.
Taon K
Jeremias 23:23-29
† Page 58 †
Awit 82
Hebreo 12:1-7 (8-10) 11-14
Lukas 12:49-56
Panalangin:
O Panginoon naming Diyos, idinadalangin namin sa Iyo, na
ipagkaloob mo po sa amin ang diwa ng tamang pag-iisip: At nawa’y
pawang mabubuting bagay lamang ang aming maisipang gawin, ng sa
gayon, kami, na hindi maaring mabuhay ng wala ka, ay mamuhay ng ayon
sa Iyong kagustuhan; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon,
na nabubuhay at naghaharing kasama Mo, at ng Espiritu Santo, iisang
Diyos ngayon at magpakailanman. Amen.
(Proper 16) Linggo na Pinakamalapit sa Agosto 24
Taon A
Isaias 51:1-6
Awit 86:1-5
Roma 11:33-36
Mateo 16:13-20
Panalangin:
Maawaing Diyos na aming Ama: Itulot mo po na ang Iyong Iglesiya
na pina-isa ng Espiritu Santo ay nawa’y magpakita ng iyong
kapangyarihan sa lahat ng bansa sa kaluwalhatian ng iyong Pangalan; sa
pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman. Amen.
Taon B
Josue 24:1-2a, 14-25
Awit 34:15-22
Efeso 5:21-33
Juan 6:60-69
Panalangin:
O Ama, pinag-iisa mo ng isip at damdamin ang mga tapat sa Iyo:
Ipagkaloob mong mahalin ng iyong bayan ang iyong ipinag-uutos at
naisin ang mga ipinangangako Mo upang sa gitna ng mga ligalig ng
buhay ay huwag naming kalimutan ang kaligayahang walang-hanggan na
† Page 59 †
sa Iyo lamang makakamtan; alang-alang kay Hesukristo na aming
Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo, at ng Espiritu
Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
Taon K
Isaias 28:14-22
Awit 46
Hebreo 12:18-19, 22-29
Lukas 13:22-30
Panalangin:
Makapangyarihang Diyos, nilikha Mo ang Iyong Banal na Simbahan
sa pamamagitan ng Iyong mga Propeta at mga Apostoles sa ilalim ng
pamamahala ng aming Panginoong Hesukristo: Ipagkaloob mo po na sa
pamamagitan ng kanilang mga aral ay magkaisa kami sa iisang diwa at
sa gawa, ng sa gayon ay maging karapat-dapat kami na kabahagi sa Iyong
kaharian, sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon, na
nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos,
ngayon at magpakailanman. Amen.
(Proper 17) Linggo na Pinakamalapit sa Agosto 31
Taon A
Jeremias 15:15-21
Awit 86:1, 11-16
Roman 12:1-8
Mateo 16:21-27
Panalangin:
O Panginoon ng lahat ng kapangyarihan at lakas, ang may akda at
tagapagbigay ng lahat ng mabubuting bagay: Itanim mo po sa aming mga
puso ang pagmamahal sa iyong Pangalan, palaguin sa amin ang tunay na
pagsunod maging man sa krus upang kami’y mabuhay sa kabutihan, at
sumibol sa amin ang bunga ng mabubuting gawa; sa pamamagitan ni
Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama
Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
† Page 60 †
Taon B
Deuteronomio 4:1-9
Awit 15
Efeso 6:10-20
Markos 7:1-8, 14-15, 21-23
Panalangin:
Diyos na makapangyarihan, pinagmumulan ng lahat ng kabutihan,
itanim sa aming mga puso ang pagmamahal sa iyong kagustuhan:
Pangalagaan ang kabutihang nasa aming mga puso at huwag kaming
pabayaang manghinawa sa paglilingkod sa Iyo at sa aming kapwa; alangalang kay Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing
kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos ngayon at magpakailanman.
Amen.
Taon K
Ecclesiastico 10:(7:11)12-18
Awit 112
Hebreo 13:1-8
Lukas 14:1,7-14
Panalangin:
Makapangyarihang Diyos, ibinigay mo sa amin ang Iyong Anak
upang maging sakripisyo namin sa kasalanan at maging huwaran namin
sa isang maka-Diyos na pamumuhay: Pagkalooban mo po kami ng
mapagpasalamat na mga puso upang maging karapat-dapat kaming
tumanggap ng kanyang walang kapantay na pagpapala, at nawa’y
magsikap kami upang aming sundin ang mga pinagpalang yapak ng
kanyang banal na buhay; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming
Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo, at ng Espiritu
Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
(Proper 18) Linggo na Pinakamalapit sa Septiembre 7
Taon A
Ezekiel 33: (1-6) 7-11
† Page 61 †
Awit 119: 33-40
Roma 12:9-12
Mateo 18:15-20
Panalangin:
Itulot mo po, Panginoon, na kami’y magtiwala sa Iyo nang buong
puso: Sapagkat kung paanong lagi mong ibinababa ang mga palalo na
umaasa sa kanilang sariling lakas, gayundin naman, hindi mo kailanman
pinababayaan ang mga nagtitiwala sa iyong awa; sa pamamagitan ni
Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama
Mo, at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen
Taon B
Isaias 35:4-7a
Awit 146:4-9
Santiago 1:17-27
Markos 7:31-37
Panalangin:
Mapaglingap naming Diyos, magiliw mo pong pakinggan ang mga
anak mo na Iyong kinupkop at tinubos: Pagkalooban mo ang mga
sumasampalataya sa Iyong bugtong na Anak ang kalayaan mula sa mga
karamdaman at kapahamakan upang patuloy na maihayag ang Iyong
kabutihan; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon, na
nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos,
ngayon at magpakailanman. Amen.
Taon K
Deuteronomio 30:15-20
Awit 1
Filimon 1:1-20
Lukas 14:25-33
Panalangin:
Makapangyarihan at walang-hanggang Diyos: Ipagkaloob Mo po,
idinadalangin namin sa Iyo, na unahin muna namin ang Iyong kagustuhan
kaysa sa sarili naming kapakanan upang maging marapat kaming alagad
† Page 62 †
Mo; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman. Amen.
(Proper 19) Linggo na Pinakamalapit sa Septiembre 14
Taon A
Ecclesiastico 27:30-28:7
Awit 103:8-13
Roma 15:5-12
Mateo 18:21-35
Panalangin:
Mahabaging Diyos, kung wala ang iyong kahabagan ay hindi ka
namin mapaliligaya: Buong awa mo pong itulot na sa lahat ng bagay, ang
Iyong Espiritu Santo ang siyang manguna at mamuno sa aming mga puso
upang ang Iyong kahabagan ay siya rin naming maipagkaloob sa mga
nangangailangan; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon, na
nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos,
ngayon at magpakailanman. Amen.
Taon B
Isaias 50:4-9
Awit 116:1-8
Santiago 2:1-5, 8-10, 14-18
Markos 8:27-38 o Markos 9:14-29
Panalangin:
Tunghayan mo po kami aming Diyos, na may likha at namamahala
sa lahat ng bagay: Ipadama mo po sa amin ang kapangyarihan ng Iyong
Anak na si Hesus at ang alab ng paglilingkod sa Iyo nang buong katapatan
upang magsilbi kaming matibay na moog ng pagiging alagad; alangalang sa Anak Mo, si Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman. Amen.
Taon K
Exodo 32:1,7-14
Awit 51:1-11
1 Timoteo 1:12-17
† Page 63 †
Lukas 15:1-10
Panalangin:
O Panginoon naming Diyos, patuloy mo po kaming
pinangangalagaan: Huwag mo po nawa kaming pababayaang maligaw ng
landas, ituro mo po sa amin ang daan ng kapatawaran upang kami’y
mailayo sa kapahamakan; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming
Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo,
iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
(Proper 20) Linggo na Pinakamalamit sa Septiembre 21
Taon A
Jonas 3:10-4:11
Awit 145:1-8
Filipos 1:21-27
Mateo 20:1-16
Panalangin:
Itulot mo po, O Panginoon, na huwag kaming mabalisa tungkol sa
mga bagay na makamundo, kundi aming mahalin ang mga bagay na
makalangit: at kahit ngayon, samantalang kami ay kapiling ng mga bagay
na lumilipas, kami nawa’y maging matapat sa mga bagay na hindi lilipas;
sa pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon, na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman. Amen.
Taon B
Karunungan 1:16-2:1(6-11) 12-22
Awit 54
Santiago 3:16-4:6
Markos 9:30-37
Panalangin:
O Panginoon naming Diyos, ang mga nagpapakumbaba sa
paglilingkod ay siya mong itinataas at ang mga nagpapakataas ay siya
mo ring ibinababa: Ipagkaloob mo sa amin ang gayung kababaang loob
† Page 64 †
sa pagsunod sa Iyong Anak na si Hesus upang sa pagtanggap namin at sa
pagsunod sa Kanya ay maihayag namin na tunay kang dakila; alang-alang
kay Hesukristong aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing
kasama Mo, at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman.
Amen.
Taon K
Amos 8:4-7(8-12)
Awit 138
1 Timoteo 2:1-8
Lukas 16:1-13
Panalangin:
Panginoon naming Diyos, yaman din lamang na di ka namin kayang
bigyan ng kasiyahan kung kami’y hindi mo tutulungan: Isinasamo po
namin sa Iyo na marapatin mo na sa lahat ng bagay ay pangunahan mo
kami upang sa gitna ng kasaganahan ng Iyong biyayang kaloob ay
magamit namin ang mga ito sa ika-iiral ng Iyong kagustuhan; ito’y
hinihiling namin sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon, na
nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos,
ngayon at magpakailanman. Amen.
(Proper 21) Linggo na Pinakamalapit sa Septiembre 28
Taon A
Ezekiel 18:1-4, 25-32
Awit 25:3-9
Filipos 2:1-13
Mateo 21:28-32
Panalangin:
O Diyos, ipinapahayag mo ang iyong walang-hanggang
kapangyarihan sa pagpapakita ng awa at habag: Idulot mo po sa amin ang
kabuuan ng iyong biyaya, upang kaming nagsisikap na tumanggap ng
iyong mga ipinangako, ay maging kabahagi sa iyong makalangit na
kayamanan; sa pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon, na
nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos,
ngayon at magpakailanman. Amen.
Taon B
† Page 65 †
Mga Bilang 11:4-6, 10-16, 24-29
Awit 19:7-14
Santiago 4:7-12(13-5:6)
Markos 9:38-43, 45, 47-48
Panalangin:
O Diyos, Iyong ipinahahayag ang iyong kapangyarihan sa
pamamagitan ng iyong pagpapatawad ng mga sala at pagdadalang-awa
sa mga makasalanan: Linggapin Mo kaming lagi upang sa Pangalan mo
ay makagawa kami ng Iyong kapurihan; alang-alang sa Anak Mo, si
Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama
Mo, at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
Taon K
Amos 6:1-7
Awit 146:4-9
1 Timoteo 6:11-19
Lukas 16:19-31
Panalangin:
Makapangyarihang Diyos na aming Ama: Hinihiling namin sa Iyo na
huwag mo po kaming pababayaan at yaman din lamang na tinawagan mo
kami upang paglingkuran ka ay gawin mo po kaming karapat-dapat sa
pagtawag na ito; ito’y hinihiling namin sa pamamagitan ni Hesukristo na
aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo, at ng
Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
(Proper 22) Linggo na Pinakamalapit sa Oktubre 5
Taon A
Isaias 5:1-7
Awit 89:7-14
Filipos 3:14-21
Mateo 21:33-43
Panalangin:
Walang-hanggang Diyos na makapangyarihan sa lahat, higit ang
iyong pagdinig sa amin kaysa sa aming pagdalangin, higit rin ang iyong
pagkakaloob kaysa sa aming paghiling: Ibuhos mo po sa amin ang iyong
† Page 66 †
awa, patawarin po ang mga kasalanang bumabagabag sa aming budhi, at
ipagkaloob mo po ang mabubuting bagay na hindi namin karapat-dapat
hilingin, maliban sa tulong at pamamagitan ni Hesukristong aming
Tagapagligtas; na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu
Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
Taon B
Genesis 2:18-24
Awit 128
Hebreo 2: (1-8) 9-18
Markos 10:2-9
Panalangin:
O Diyos na makapangyarihan at walang-hanggan, ang awa mo ay
higit pa sa nararapat hilingin at kamtan ng iyong mga nilikha: Maghari ka
nawa sa aming mga tahanan upang patuloy na mabigkis ang Iyong mga
anak sa tamis ng pagmamahalan, pag-gagalangan, kapayapaan at
kaunlaran; alang-alang sa Anak Mo, si Hesukristo na aming Panginoon, na
nabubuhay at naghaharing kasama Mo at Espiritu Santo, iisang Diyos,
ngayon at magpakailanman. Amen.
Taon K
Habacuc 1:1-6(7-11) 12-13; 2:1-4
Awit 37:3-10
2 Timoteo 1:(1-5) 6:14
Lukas 17:5-10
Panalangin:
Makapangyarihan at walang-hanggang Diyos, Ikaw ang sandigan
ng lahat ng nananalig sa Iyo: Kaawaan mo po kaming ipagkaloob ang
gabutil man lamang na pananampalataya upang magsilbi kaming
makabuluhan mong mga alagad; alang-alang kay Hesukristo na aming
Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo,
iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
(Proper 23) Linggo na Pinakamalapit sa Oktubre 12
Taon A
Isaias 25:1-9
Awit 23
† Page 67 †
Filipos 4:4-13
Mateo 22:1-14
Panalangin:
Makapangyarihang Diyos: Aming idinadalangin na ang iyong
kagandahang-loob ay laging manguna at sumunod sa amin upang
patuloy kaming makagawa ng mabubuting bagay nang sa gayo’y kami na
Iyong tinawag ay karapatdapat ding mahirang; sa pamamagitan ni
Hesukristong aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama
Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
Taon B
Amos 5:6-7, 10-15
Awit 90:1-8
Hebreo 3:1-6
Markos 10:17-27 (28-31)
Panalangin:
O Ama, isinasamo namin sa Iyo na kupkupin mo kaming lagi sa
aming mga gawain: Tulungan mo kaming magkawanggawa sa aming
kapwa upang huwag kaming manghinawa sa aming mga tungkulin;
alang-alang kay Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos,
magpasawalang-hanggan. Amen.
Taon K
Ruth 1:(1-7) 8-19a
Awit 113
2 Timoteo 2:(3-7) 8-15
Lukas 17:11-19
Panalangin:
O Panginoon naming Diyos, patuloy mo pong tinutugunan ang mga
kahilingan ng Iyong mga anak: Nawa’y maituro sa aming mga puso at
kaisipan ang kahalagahan ng pagpupuri at pasasalamat sa Iyong
kabutihan sapagkat ito’y kalugod-lugod sa Iyong kalooban; sa
pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman. Amen.
† Page 68 †
(Proper 24) Linggo na Pinakamalapit sa Oktubre 19
Taon A
Isaias 45:1-7
Awit 96:1-9
1 Tesalonika 1:1-10
Mateo 22:15-22
Panalangin:
Walang-hanggang Diyos, na makapangyarihan sa lahat, sa
pamamgitan ni Kristo ay iyong ipinahayag ang iyong kaluwalhatian sa
lahat ng mga bansa: Panatilihin Mo po ang iyong awa, upang ang iyong
Iglesiya sa buong mundo ay magpakatatag sa pananampalataya at
maging masigasig sa pagpapahayag ng iyong Pangalan; sa pamamagitan
ni Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama
Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
Taon B
Isaias 53:4-12
Awit 91:9-16
Hebreo 4:12-16
Markos 10:35-45
Panalangin:
Diyos, na makapangyarihan at walang-hanggan: Lingapin mo nang
buong giliw ang aming mga puso upang ikaw lamang ang aming iibigin
at paglilingkuran ng walang pag-iimbot at pansariling katanyagan; alangalang sa Anak Mong si Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman. Amen.
Taon K
Genesis 32:3-8, 22-30
Awit 121
2 Timoteo 3:14-4:5
Lukas 18:1-8a
Panalangin:
† Page 69 †
O Diyos naming Tagapaghusga: Pangalagaan mo po kami sa Iyong
kanlungan, paalalahanan mo po kami kung kami’y nakalilimot, akayin mo
po kami sa aming kahinaan upang sa aming paghiling ay huwag mo
kaming mapagkaitan; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming
Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo,
iisang Diyos, magpasawalang-hanggan. Amen.
(Proper 25) Linggo na Pinakamalapit sa Oktubre 26
Taon A
Exodo 22:21-27
Awit 105:1-4
1 Tesalonika 2:1-8
Mateo 22:34-46
Panalangin:
Diyos na makapangyarihan sa lahat: Palaguin Mo po sa amin ang
pananampalataya, pag-asa at pag-ibig at upang tanggapin namin ang
iyong ipinangako ay mahalin namin ang Iyong kautusan; sa pamamagitan
ni Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama
Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
Taon B
Isaias 59:(1-4) 9-19
Awit 13
Hebreo 5:12-6:1,9-12
Markos 10:46-52
Panalangin:
O Panginoon ng lahat at kapangyarihan at lakas, Ikaw ang
tagapaglikha at tagapag-bigay ng lahat ng magagandang bagay: Ikintal
mo po sa aming mga puso ang pag-ibig sa Iyong Pangalan, palawakin mo
po sa amin ang tunay na pananampalataya at pangalagaan mo po kami
ng lahat ng kabutihan; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming
Panginoon, na nabubuhay at naghaharing Kasama Mo at ng Espiritu Santo,
iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
† Page 70 †
Taon K
Jeremias 14: (1-6) 7-10, 19-20
Awit 84:1-6
2 Timoteo 4:6-8, 16-18
Lukas 18:9-14
Panalangin:
Makapangyarihang Diyos, nasa Iyong mga kamay ang lahat ng
kapatawaran at pagpapala: Ikintal mo po sa aming puso ang ganap na
pagbabago ng loob at pagpapakumbaba upang kami na iyong mga anak
ay malayo sa mga masasamang gawain; alang-alang kay Hesukristo na
aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo, at ng
Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
(Proper 26) Linggo na Pinakamalapit sa Nobyembre 2
Taon A
Mikas 3:5-12
Awit 38:1, 15, 18, 21-22
1 Tesalonika 2:9-13, 17-20
Mateo 23:1-12
Panalangin:
O maawaing Diyos, na makapangyarihan sa lahat, ang iyong bayang
sumasampalataya ay nakapag-aalay ng tunay at kapuri-puring
paglilingkod sa pamamagitan lamang ng iyong mga kaloob: Itulot mo po
na kami’y laging magsikap at huwag manghina, upang aming makamit
ang iyong mga makalangit na pangako; sa pamamagitan ni Hesukristo na
aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo, at ng
Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
Taon B
Deuteronomio 6:1-9
Awit 119:1-8
Hebreo 7:23-28
Markos 12:28-34
Panalangin:
† Page 71 †
Mapagpalang Diyos na pinanggagalingan ng lahat ng biyaya:
Ipagkaloob mo po sa amin na iyong mga lingkod, na sa pamamagitan ng
iyong banal na inspirasyon ay maisip namin ang mga bagay na mabubuti,
at sa pamamagitan ng Iyong pamamatnubay ay magamit namin ang mga
ito sa magandang kapamamaraanan; sa pamamagitan ni Hesukristo na
aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng
Espiritu Santo, iisang Diyos, at magpakailanman. Amen.
Taon K
Isaias 1:10-20
Awit 32:1-8
2 Tesalonika 1:1-5(6-10) 11-12
Lukas 19:1-10
Panalangin:
Ama na puno ng lakas at awa, ikaw ang nagbibigay ng lakas at sigla
upang makapaglingkod sa Iyo ang mga anak Mo: Ipagkaloob mong
mabuhay kami ayon sa salita mo at ng sa gayon ay matupad sa amin ang
iyong mga pangako; alang-alang kay Hesukristong aming Panginoon, na
nabubuhay at naghaharing kasama Mo, at ng Espiritu Santo, iisang Diyos
ngayon at magpakailanman. Amen.
(Proper 27) Linggo na Pinakamalapit sa Nobyembre 9
Taon A
Amos 5:18-24
Awit 88:1, 2-9
1 Tesalonika 4:13-18
Mateo 25:1-13
Panalangin:
O Diyos, ang iyong pinagpalang Anak ay naparito sa daigdig upang
wasakin ang mga gawain ng demonyo at gawin kaming Iyong mga anak
at mga tagapagmana ng walang-hanggang buhay: Itulot mo po na
samantalang taglay namin ang pag-asang yaon, kami nawa ay patuloy na
maging handa sa kanyang muling pagbabalik upang kami’y
makasalubong sa pagsasakatuparan ng kaganapan ng Kanyang kaharian;
kung saan siya ay nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu
Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
† Page 72 †
Taon B
1 Hari 17:8-16
Awit 146:4-9
Hebreo 9:24-28
Markos 12:38-44
Panalangin:
Makapangyarihang at walang-hanggang Diyos, sa pamamagitan ni
Kristo ay ipinamalas Mo ang Iyong kaluwalhatian sa lahat ng mga bansa:
Pangalagaan mo at ingatan ng mga bunga ng Iyong kaawaan, ng sa gayon,
ang Iyong Simbahan na ngayo’y nasa lahat ng sulok ng Sanlibutan, ay
maitaguyod ng may katapatan sa paglilingkod sa Iyong banal na
Pangalan; sa pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon, na
nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos,
ngayon at magpakailanman. Amen.
Taon K
Job 19:23-27a
Awit 17:1-8
2 Tesalonika 2:13-3:5
Lukas 20:27(28-33) 34-38
Panalangin:
Aming Ama na puno ng lakas at awa: Buong pag-ibig mong iligtas
ang iyong mga anak sa lahat ng kapahamakan at taglay ang kalinisan sa
isip at damdamin, kami sana’y makatupad lagi sa iyong kalooban; alangalang sa Anak Mong si Hesukristong aming Panginoon, na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos,
magpasawalang-hanggan. Amen.
(Proper 28) Linggo na Pinakamalapit sa Nobyembre 16
Taon A
Sofonias 1:7, 12-18
Awit 85:7-10
1 Tesalonika 5:1-10
Mateo 25:14-15, 19-29
Panalangin:
† Page 73 †
O Pinagpalang Panginoon, na siyang nagnais na ang Banal na Aklat
ay maisulat para sa aming pag-aaral: Iyong itulot na ang Banal na
Kasulatan ay aming mapakinggan, mabasa, matandaan, mapag-aralan at
maisapuso upang aming mayakap at panaligan ang banal na pag-asa ng
walang-hanggang buhay na ibinibigay mo sa pamamagitan ng aming
Tagapagligtas na si Hesukristo; na nabubuhay at naghaharing kasama Mo
at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
Taon B
Daniel 12:1-4a (5-13)
Awit 16:5-11
Hebreo 10:31-39
Markos 13:14-23
Panalangin:
Makapangyarihang Diyos, walang makapag-wawalang bahala sa
mga dakila mong kagustuhan: Bigyan mo po kami ng sapat na
pananampalataya upang maging matatag kami sa gitna ng mga
kaguluhan sa mundong ito. Matanim nawa sa aming mga puso na ang
kagustuhan mo rin ang mangyayari at ang Kaharian Mo rin ang siyang
maghahari, para sa walang-hanggang kaluwalhatian ng Iyong Pangalan;
sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman. Amen.
Taon K
Malakias 3:13-4:2a, 5-6
Awit 98:5-10
2 Tesalonika 3:6-13
Lukas 21:5-19
Panalangin:
Makapangyarihan at Panginoon naming Diyos: Loobin Mo na ang
aming pamumuhay ay laging mai-alay sa Iyo upang ang aming
kaligayahan ay maging ganap sa paglilingkod at katapatan sa Iyo; alangalang sa Anak Mong si Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at
nagahaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman. Amen.
† Page 74 †
(Proper 29) Linggo na Pinakamalapit sa Nobyembre 23
KRISTONG HARI: Ang Huling Linggo ng Santisima Trinidad.
Ipinagdiriwang ang araw na ito sa ikararangal ni KRISTO, ang HARI
ng SANLIBUTAN
Taon A
Ezekiel 34:11-17
Awit 95:1-7
1 Korinto 15:20-28
Mateo 25:31-46
Panalangin:
O Walang hanggang Diyos na makapangyarihan sa lahat, nais mong
mapanumbalik ang lahat ng bagay sa iyong minamahal na Anak, ang Hari
ng mga Hari at Panginoon ng mga Panginoon: Buong awa mo pong itulot
na ang mga tao dito sa lupa, na nahahati at nga alipin ng kasalanan, nawa
ay mapalaya at magkaisa sa ilalim ng mapagbiyayang pamumuno ni
Hesukristo; siya na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu
Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
Taon B
Daniel 7:9-14
Awit 93
Pahayag 1:1-8
Juan 18:33-37 o Markos 11:1-11
Panalangin:
Makapangyarihang at walang hanggang Diyos: pangunahan Mo
ang kalooban ng iyong bayan tungo sa paghahari ng Iyong Anak upang
sa ilalim ng kanyang kapangyarihan, kami’y maitaguyod sa Iyong walang
hanggang kaharian upang masidhing hanapin ang bunga ng gawaing ito;
alang-alang kay Heuskristo na aming Panginoon, na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman. Amen.
Taon K
Jeremias 23:1-6
† Page 75 †
Awit 46
Kolosas 1:11-20
Lukas 23:35-43 o Lukas 19:29-38
Panalangin:
O Diyos na makapangyarihan at walang-hanggan, niloob mong
mabagong-anyo ang lahat ng bagay sa pamamagitan ng Iyong mahal na
Anak: Ang Hari at Panginoon ng sangnilikha, iligtas mo po ang Iyong
bayan sa pagka-alipin ng kasamaan upang buong layang
makapaglingkod sa iyo hanggang sa wakas ng panahon; alang-alang kay
Hesukristo na aming Panginoon at Hari, na nabubuhay na kasama Mo at
ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
PANALANGIN PARA SA MGA KAPISTAHAN
Ang Pagbabalik-loob (Conversion) ni San Pablo (Enero 25)
Makapangyarihang Diyos, sa pamamahayag ng iyong Apostol na si
Pablo ay itinulot mo na ang liwanag ng iyong mabuting balita ay
nagliwanag sa sanlibutan: Ipagkaloob mo na habang aming
ipinadiriwang ang kanyang kamanghamanghang pagbabalik-loob sa iyo,
kami’y makapagpasalamat sa aming pagsunod sa kanyang mga banal na
katuruan; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon, na
nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos,
ngayon at magpakailanman. Amen.
Ang Pagbati ng Anghel sa Pinagpalang Birheng Maria
(Marso 25)
Aming idinadalangin sa iyo Panginoon, ipagkaloob mo ang iyong
biyaya sa aming mga puso: upang kami, na nananalig sa pagkakatawang
tao ng iyong Anak na si Hesukristo na inihayag sa pamamagitan ng
mensahe ng isang Anghel; sa pamamagitan ng kanyang krus at
pagpapakasakit, kami man ay maging kabahagi sa kaluwalhatian ng
kanyang muling pagkabuhay. Sa pamamagitan pa rin ni Hesukristo na
aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng
Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
Ang kamahalmahalang Dugo ng Panginoong Hesukristo
(Hulyo 1)
† Page 76 †
Makapangyarihan at walang hanggang Diyos na siyang nagtakda
na ang iyong bugtong na Anak ang maging Tagpagligtas ng sangnilikha
at minarapat na tanggapin ang kanyang dugo bilang kabayaran ng aming
mga kasalanan: sa iyong kahabagan ay ipagkaloob sa amin na
nagdiriwang sa ikaluluwalhati ng Dugo na iyon, na siyang halaga ng
aming kaligtasan,
upang kami’y maipagtanggol ng kanyang
kapangyarihan sa ngayon at magdiwang sa walang hanggang bunga na
kanyang kaloob hanggang sa buhay sa walang hanggan; sa pamamagitan
ni Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama
mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
Ang Pagbabagong-anyo ng Panginoong Hesukristo
(Agosto 6)
O Diyos, na kung saan sa bundok na yaon ay iyong ipinahayag ang
iyong bugtong na Anak sa mga piling saksi sa pamamagitan ng kanyang
pagbabagong-anyo: sa iyong kahabagan ay ipagkaloob sa amin na iyong
inililigtas sa kaguluhan ng mundong ito ay maitulot mo rin na mamasdan
ang Hari sa kanyang kaluwalhatian; na nabubuhay at naghaharing
kasama mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman.
Amen.
San Andres, Apostol (St. Andrew)
Makapangyarihang Diyos, na nagkaloob ng biyaya sa iyong lingkod
na apostol na si Andres upang handa niyang masunod ang panawagan ng
iyong Anak na si Hesukristo, at isama ang kanyang kapatid: Ipagkaloob
mo po sa amin na tinawag ng iyong banal na Salita, ang biyaya na
makasunod sa Kanya ng walang pagka-antala, at dalhin ang mga
malalapit sa amin sa Kanyang mapagpalang piling; na nabubuhay at
naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman.
San Andres, Apostol; November 30
Si San Andres ay kapatid ni San Pedro. Siya ang unang naging
Apostol ni Kristo sa talaan ng mga tinawag; at, makikita natin ang patunay
ng kanyang buhay sa mga ebanghelyo. Kinikilala na siya’y nangaral ng
ebanghelyo sa ‘Asia Minor’ and ‘Greece’ at naging martir sa
† Page 77 †
pamamagitan ng pabaliktad na krus sa ‘Patras’, sakop ng lupain ng
‘Achaia’.
Santo Tomas, Apostol (St. Thomas)
Walang hanggang Diyos, na nagpalakas ng iyong apostol na si
Tomas ng may matatag at tiyak na pananampalataya sa iyong muling
nabuhay na Anak: Ipagkaloob mo po sa amin na matapat at walang pagaalinlangan na sumampalataya kay Hesukristo, ang aming Panginoon at
Diyos upang ang aming pananampalataya ay makitang hindi
nagkukulang sa iyong pagtingin; sa pamamagitan Niya na nabubuhay at
naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos ngayon at
magpakailanman. Amen.
Santo Tomas, Apostol; December 21
Makikilala si Santo Tomas sa pamamagitan na rin ng mga
Ebanghelyo. Tinatawag siyang kambal at ayon sa mga ebanghelyo: siya
ay may pag-aalinlangan sa muling pagbuhay ng Panginoon - na naging
bahagi na rin ng mga kawikaan (i.e Doubting Thomas).
San Esteban, Martir (St. Stephen)
Nagpapasalamat kami sa iyo, O Panginoon ng kaluwalhatian sa
halimbawa ng unang martir na si Esteban, na tumingin sa langit at
nagdasal para sa mga nagmalupit sa iyong Anak na si Hesukristo; na
nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos
ngayon at magpakailanman. Amen.
San Esteban; December 26
Ang pagka-martir ni San Esteban, na kinikilalang unang diyakono
at unang martir para sa Panginoong Hesukristo, na ayon kay San Lukas ay
“isang tao na puno ng pananampalataya at ng Banal na Espiritu” (Gawa
6,7) ay sa pamamagitan ng pagbato. Ito’y sa kautusan ng Sanhedrin sa
Herusalem; at, kasama sa sumang-ayon sa kanyang kamatayan ay si Saul
na naging si San Pablo.
San Juan, Apostol at Ebanghelista (St. John the Evangelist)
† Page 78 †
Padaloyin mo sa Iyong Simbahan, O Panginoon ang liwanag ng
Iyong ilaw, upang kami, na naliliwanagan ng mga katuruan ng Iyong
apostol at ebanghelista na si Juan ay makapaglakbay sa ilaw ng Iyong
katotohanan at sa kaganapan ng panahon at makamtan namin ang buhay
na walang hanggan; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon
na nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo, iisang
Diyos ngayon at magpakailanman. Amen.
San Juan, Apostol at Ebanghelista; December 27
Si San Juan “ang minamahal na alagad ni Hesus” ay binibigyan ng
pagkilala bilang “the Divine” o kaya’y “the Theologian”. Siya’y isang
mangingisda sa Galilea at nakababatang kapatid ni Santiago (St. James
the greater); sa kanya ipinagkatiwala ang Ina ng ating Panginoon noong
Siya’y nakapako sa krus. Siya ang may akda ng Ebanghelyo na
nagtataglay ng kanyang pangalan, ang tatlong mga epistola (1,2,3 Juan)
at ang Pahayag. Siya lamang sa labindalawang apostoles ang tiyak na
hindi naging martir. Namatay siya sa Ephesus (c. 100) sa matandang edad.
San Matias, Apostol (St. Matthias)
Makapangyarihang Diyos, na kung saan sa lugar ni Hudas ay pinili
Mo ang iyong lingkod na si Matias na makasama sa labindalawa:
Ipagkaloob mo po sa iyong simbahan na mailayo sa mga maling
apostoles at patuloy na magabayan at mapamahalaan ng mga tunay na
pastol; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon na nabubuhay
at naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos ngayon at
magpakailanman. Amen.
San Matias, Apostol; February 24
Siya ang Apostol ng Panginoong Hesukristo na humalili kay Hudas
Escariote. Maliban sa mga nakatala sa Gawa ng mga Apostoles ay wala
ng matibay na batayang impormasyon na mapagkukunan hinggil sa
kanya. Kinikilala na siya ay naging martir sa ‘Colchis’.
† Page 79 †
San Jose, Kabiyak ng Pinagpalang Birheng Maria
(St. Joseph)
O Diyos, mula sa pamilya ng Iyong lingkod na si David ay lumaki si
Jose upang maging tagapag-alaga ng Iyong nagkatawang-tao na Anak at
kabiyak ng pinagpalang birheng ina: Ipagkaloob mo po sa amin ang
biyaya na makasunod sa katuwiran ng kanyang buhay at katapatan sa
Iyong mga kautusan; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon
na nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo, iisang
Diyos ngayon at magpakailanman. Amen.
San Jose, Kabiyak ng Pinagpalang Birheng Maria; March 19
Siya ang kabiyak at tagapangalaga ng Birheng Maria at kinikilalang
Ama ng ating Panginoong Hesukristo. Siya ay kinikilalang ‘matuwid na
tao’ (mula sa una at ikalawang kabanata ng ebanghelyo ayon kay Mateo
at Lukas); at hindi pinagdududahan na siya’y batang bata. Siya’y kinikilala
na patron ng mga manggagawa.
San Markos, Apostol at Ebanghelista
(St. Mark)
Makapangyarihang Diyos, mula sa mga kamay ni Markos, ang
ebanghelista, ay ipinagkaloob mo sa Iyong Simbahan ang mabuting
Balita ng Panginoong Hesukristo, ang Anak ng Diyos: Kami’y
nagpapasalamat sa kanyang pagsaksi at nananalangin na kami nawa’y
maging matatag sa kanyang katotohanan; sa pamamagitan ni Hesukristo
na aming Panginoon na nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng
Espiritu Santo, iisang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen.
San Markos, Apostol at Ebanghelista; April 25
Siya marahil ang batang lalaki na nahubaran at tumakas noong
dakpin si Hesus (Markos 14: 51-52); kasama siya ni San Pablo sa kanyang
unang misyon at sa iba pang mga pagkakataon; at ayon sa lumang
tradisyon ay naging malapit siya kay San Pedro na naging dahilan upang
matutunan niya ang buhay at mga ipinangangaral ng Panginoon. Maaring
† Page 80 †
namatay siya bilang Obispo ng Alexandria at doon na rin siya naging
martir noong c. 74.
San Felipe at Santiago
(Sts. Philip and James)
Makapangyarihang Diyos na nagkaloob sa Iyong mga Apostoles na
sina Felipe at Santiago ang biyaya at lakas na maging saksi sa
katotohanan: Ipagkaloob mo po sa amin na pinanghahawakan ang
tagumpay ng kanilang pananampalataya ay luwalhatiin sa aming buhay
at kamatayan ang Pangalan ng aming Panginoong Hesukristo; na
nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos
ngayon at magpakailanman. Amen.
San Felipe, Apostol
Ang Apostol na si San Felipe ay madalas na nababanggit sa
Ebanghelyo ayon kay Juan. Ayon sa matandang tradisyon, siya ay nangaral
ng mabuting balita sa Phrygia pagkatapos ng Pentekostes at namatay sa
Hierapolis. Hindi matiyak kung siya ay namatay na martir.
Santiago, Apostol
Ang nakababatang si Santiago (James the Less) ay ang apostoles na
unang naging obispo ng Herusalem. Siya ay naging martir sa
pamamagitan ng pagbato sa kanya hanggang sa siya’y mamatay o kaya’y
ayon sa sinasabi ng ilan, siya’y itinapon mula sa taluktok ng Templo. Siya
ang sumulat ng epistola sa bagong Tipan na nagtataglay ng kanyang
pangalan.
San Bernabe (St. Barnabas)
Ipagkaloob mo po Panginoong Diyos, na kami’y makasunod sa
halimbawa ng Iyong matapat na lingkod na si Bernabe, na kung saan ang
mithiin ay hindi ng kanyang sariling kapakanan kundi ng Iyong
simbahan, ay ipinagkaloob ang kanyang buhay at kayamanan para sa
mga dukha at ipinahayag ang mabuting Balita; sa pamamagitan ni
Hesukristo na aming Panginoon na nabubuhay at naghaharing kasama
mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen.
San Bernabe
† Page 81 †
Ayon sa Aklat ng mga Gawa 11: 24, “Siya ay mabuting tao, puspos
ng banal na Espiritu at ng pananampalataya. Sa pamamagitan ng
pagsunod niya kay San Pablo, ay ibinibilang siya ng Simbahan bilang
kasama ng labing dalawang apostoles bagamat siya’y hindi kasama sa
labingdalawang alagad. Siya’y itinalagang kasama ni San Pablo sa
kanyang mga paglalakbay upang mangaral. Sinasabi na siya’y naging
martir sa Cyprus.
Ang Pagsilang ni San Juan Bautista,
Makapangyarihang Diyos, sa Iyong kagustuhan ang Iyong kingkod
na si Juan Bautista ay kahangahangang isinilang, at inihayo upang ihanda
ang daan ng Iyong Anak na aming Tagapagligtas upang mangaral ng
pagsisisi: Gawin mo po kami na makasunod sa halimbawa ng kanyang
pangangaral at banal na pamumuhay, upang kami’y matapat na
makapagsisi; at sa pagsunod sa kanyang halimbawa, ay aming mithiin
ang katotohanan at matatag na paglabanan ang mga kasamaan alangalang sa katuwiran; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon
na nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo, iisang
Diyos ngayon at magpakailanman. Amen.
Ang Pagsilang ni San Juan Bautista, Hunio 24
Si Juan Bautista ang tagapanguna ng Mesias. Si Hesukristo mismo
ang nagsabi na siya ang pinakadakilang isinilang na propeta (Lukas 7:
28). Ang kanyang kapistahan ay isa sa mga unang kapistahan na
ipinagdiwang ng sangkakristiyanuhan. Ang kanyang buhay ay inilalahad
sa mga ebanghelyo lalong-lalo na kay Lukas, na kung saan siya ay pinatay
bilang pagtutol sa kasamaan ni Herodes. Siya ay kinikilalang martir at ang
pagpugot sa kanyang ulo ay inaala-ala tuwing Agosto 29.
San Pedro at San Pablo, Hunio 29
Makapangyarihan Diyos, na kung saan ang pinagpalang Apostoles
na sina Pedro at Pablo ay niluwalhati kayo sa kanilang pagka-martir:
Ipagkaloob mo po sa Iyong Simbahan, na ginagabayan ng kanilang mga
pagtuturo at halimbawa, at nabibigkis ng kaisahan ng Iyong Espiritu ay
maging matatag sa iisang pundasyon, ang Panginoong Hesukristo; na
† Page 82 †
nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos
ngayon at magpakailanman. Amen.
San Pedro
Si Simon Pedro ay kinikilalang pinuno ng mga Apostoles. Siya ay
isang mangingisda sa dagat ng Galilea at nanirahan kasama ng kanyang
asawa sa Betsaida. Kasama niya ang kanyang kapatid na si Andres nang
tinawag silang maging apostol. Ang pinakadakilang pangyayari sa
kanyang buhay sa Palestina na inilahad ng mga ebanghelyo ay ang
ginawa niyang paghahayag ng katotohanan ng pananampalataya sa
Panginoon at ang pagkakasabi sa kanya, “ Ikaw ay Pedro, at sa ibabaw
ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya” (Mateo 16: 15 – 19) bilang
pagkumpara sa tatlong ulit niyang pagkaila sa Panginoon sa tahanan ni
Caifas. Halos ang lahat ng kaalaman sa huling yugto ng kanyang buhay
ay makikita sa Mga Gawa at sa mga sinasabi niya sa kanyang Sulat at sa
mga Sulat ni Pablo. Maaring siya ay naging obispo sa Antioch ngunit sa
Roma siya nagtayo at nanatili ng kanyang pamamahala. Kinikilalang
naging martir siya roon noong AD 67 (?) at inilibing sa burol ng Batikano
(Vatican).
San Pablo
Kinikilala siyang isang apostol ng mga Hentil. Siya’y mula sa Tarsus,
sa Cilicia at nabubuhay sa pamamagitan ng paggawa ng mga tolda.
Mayroong siya pinag-aralan at ito’y makikita na rin sa ayos at
kapamamaraan ng kanyang mga isinulat. Dati siyang si Saul, ang Pariseo
na nagpahirap at tumuligsa sa mga kristiyanong hudyo bago binago ang
kanyang buhay ng Panginoon noong siya ay sa daan papuntang
Damascus. Ang kanyang misyon sa mga Hentil na naisakatuparan sa
pamamagitan ng tatlong bantog niyang paglalakbay mula sa kanlurang
Asia Minor at Greece. Kinikilala rin na siya ay naging martir, sa
pamamagitan ng pagpugot ng kanyang ulo, kasama ni San Pedro sa Roma.
Santa Mariang Birhen
Makapangyarihang Diyos, tinanggap mo sa Iyong sarili ang
pinagpalang Birheng Maria na maging ina ng Iyong nagkatawang taong
Anak: Ipagkaloob mo po sa amin na iniligtas sa pamamagitan ng Kanyang
dugo ay makabahagi na kasama niya sa kaluwalhatian ng Iyong walang
hanggang kaharian. Sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon
† Page 83 †
na nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo, iisang
Diyos ngayon at magpakailanman. Amen.
Santa Mariang Birhen
Siya’y isang hudyo mula sa lipi ni David. Siya’y nakatakdang ikasal
noon kay Jose, na isang karpentero noong siya’y maglihi (Annunciation)
sa pamamagitan ng banal na Espiritu at nagsilang kay Hesus sa
Bethlehem. Naroroon siya noong ipinako ang kanyang Anak, at siya’y
ipinagkatiwala kay San Juan; sa araw ng Pentekostes ang Banal na
Espiritu ay bumaba sa kanya kasama ng mga apostoles at iba pang mga
alagad
doon sa itaas na kwarto (Upper Room) sa Herusalem.
Pinaninindigan ng simbahan ito na siya’y hinirang ng Diyos kung kaya’t
siya’y dapat lamang na bigyan din ng higit na pagpapahalaga.
San Bartolome
Makapangyarihan at walang hanggang Diyos, na nagkaloob sa
Iyong Apostol na si Bartolome ng biyaya na tunay na manampalataya at
ang mangaral sa buong sanlibutan: Ipagkaloob sa Iyong Simbahan na
ibigin ang kanyang pinanampalatayaan at ipinangangaral; sa
pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon na nabubuhay at
naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos ngayon at
magpakailanman. Amen.
Bartolome, Apostol, Agosto 24
Isa siya sa mga 12 Apostoles. Maliban dito ay walang maliwanag na
naitala hinggil sa kanyang buhay. Pinaniniwalaan na siya ay napabilang
kay Nathaniel at maaring naging martir sa Armenia bagama’t ito man ay
wala ring matibay sa batayan.
San Mateo
Nagpapasalamat kami sa Iyo, aming makalangit na Ama, sa
pagsaksi ng Iyong Apostol at ebenghelista na si Mateo sa mabuting balita
ng Iyong Anak na aming Tagapagligtas: kami’y nananalangin na sa
pagsunod namin sa kanyang halimbawa, kami ma’y maging handa ng
buong puso at katatagan sa pagsunod sa panawagan ng aming
† Page 84 †
Panginoon; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon na
nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos
ngayon at magpakailanman. Amen.
Mateo, Apostol and Ebanghelista, Septiembre 21
Isinasaad ng ebanghelyo na siya ay isang maniningil ng buwis at
siyang sumulat sa ebanghelyo na nagtataglay ng kanyang pangalan.
Pinaniniwalaan na siya’y naging martir bagama’t ito’y walang matibay na
batayan.
San Miguel Arkanghel at lahat ng mga Anghel
Walang hanggang Diyos, itinalaga mo at itinatag sa isang kahangahangang kaayusan ng paglilingkod at nag anghel at mga mortal: Sa Iyong
kahabagan ay ipagkaloob mo na habang ang Iyong mga banal na anghel
ay patuloy na naglilingkod at sumasamba sa Iyo sa kalangitan, sila nawa’y
italaga mo rin na kami’y patuloy nilang ingatan at ipagtanggol dito sa
sangkalupaan; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon na
nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos
ngayon at magpakailanman. Amen.
San Miguel Arkanghel, Setyembre 29
Si San Miguel arkanghel is kinikikilala bialng pinakapinuno sa lahat
ng mga arkangel. Siya’y natatanging tagapagkupkop laban sa mga gawa
ng diyablo. Kinilala rin siya sa (Eastern Church) bilang Tagapagtangkilik
(Patron Saint) ng mga may sakit.
San Lukas
Makapangyarihang Diyos na nagbigay ng inspirasyon sa iyong
lingkod na si Lukas na manggagamot na maging pangunahing bahagi sa
mabuting Balita ang pag-ibig at nakapagpapagaling na kapangyarihan
ng Iyong Anak: ipagkaloob mo ng patuloy sa Iyong Simbahan ang pagibig na ito at ang kapangyarihang magpagaling, sa kaluwalhatian at
† Page 85 †
kapurihan ng Iyong Pangalan; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming
Panginoon na nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo,
iisang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen.
San Lukas, Ebanghelista, Oktobre 18
Siya’y isang Griyego na taga-Antioch. Isang manggamot; naging
kasama ni San Pablo sa ilang bahagi ng kanyang ginawang mga misyon
at sa kanyang pagkakakulong sa Roma. Siya ang sumulat sa Gawa ng mga
Apostoles at sa Ebanghelyo na nagtataglay ng kanyang pangalan. Hindi
maliwanag kung siya ay naging martir o kaya’y pintor ng mga larawan.
Hindi rin malaman kung kailan at saan siya namatay.
Santiago ng Herusalem (St. James of Jerusalem)
Ipagkaloob mo O Diyos, na sa pagsunod namin sa halimbawa ng
Iyong lingkod na si Santiago, ang Matuwid, na kapatid ng aming
Panginoon, ay maipagkaloob ng Iyong Simbahan ang patuloy na
pagdarasal at ang ipagkakasundo ng lahat; sa pamamagitan ni Hesukristo
na aming Panginoon na nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng
Espiritu Santo, iisang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen.
San Simon at San Hudas (Sts. Simon and Jude)
O Diyos, nagpapasalamat kami sa maluwalhating kaisahan ng mga
Iyong Apostoles lalong lalo na sa araw na ito para kina Simon at Hudas:
Kami’y nananalangin na sa pamamagitan ng kanilang ipinakitang
katapatan sa kanilang misyon, kami ma’y maging matapat na ipahayag
ang pag-ibig at kahabagan ng aming Panginoon at Tagapagligtas na si
Hesukristo; na nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo,
iisang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen.
Para sa Tagapagpatotoo (Martyr, 1)
Makapangyarihan Diyos, na nagkaloob ng Iyong lingkod na si ____
ng katapangan na patotohanan ang aming Tagpagligtas na si Hesukristo
sa harapan ng mga namumuno sa mundong ito at naging matatag maging
man sa harap ng kamatayan alang alang sa pananampalayang ito:
Ipagkaloob mo na kami’y patuloy mang maging handa na magbigay sulit
† Page 86 †
sa pananampalatayang taglay namin at magpakasakit ng may kagalakan
alang-alang sa aming Panginoong Hesukristo na nabubuhay at
naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos ngayon at
magpakailanman. Amen.
Para sa Tagapagpatotoo (Martyr, 2)
Makapangyarihang Diyos, na kung saan sa Iyong biyaya at
kapangyarihan, ang Iyong tagapagpatotoo na si ______ ay nagtagumpay
mula sa paghihirap at naging matapat maging man sa kamatayan:
Ipagkaloob mo sa amin, na ngayon ay nagala-ala sa kanya ng may
pasasalamat, na maging matapat mong mga saksi sa mundong ito upang
kami’y makatanggap din na katulad niya ng korona ng buhay; sa
pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon na nabubuhay at
naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos ngayon at
magpakailanman. Amen.
Para sa Tagapagpatotoo ( Martyr, 3)
Makapangyarihan at walang hanggang Diyos, na pinag-alab ang
apoy ng pag-ibig sa Iyong banal na martir na si _______: Ipagkaloob mo
sa amin na Iyong mga abang lingkod, ang gayon ding pananampalataya
at kapangyarihan ng pag-ibig, upang kami na nagagalak sa kanyang
tagumpay ay makinabang din sa kanyang halimbawa; sa pamamagitan ni
Hesukristo na aming Panginoon na nabubuhay at naghaharing kasama
mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen.
Para sa Misyonero ( Missionary, 1)
Makapangyarihan at walang hanggang Diyos, nagpapasalamat
kami sa Iyo para sa Iyong lingkod na si ___, na Iyong tinawag upang
mangaral ng mabuting balita para sa lahat ng tao. Patuloy ka nawang
tumawag sa lahat ng dako at sa lahat ng bansa ng mga mangangaral na
magpapahayag ng Iyong kaharian upang ang Iyong Simbahan ay
maipahayag ang di-malirip na kabutihan ng aming
Panginoong
Hesukristo; na nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo,
iisang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen.
Para sa Misyonero ( Missionary, 2)
† Page 87 †
Makapangyarihan at mahabaging Diyos, na kung saan ang
kaluwalhatian ay nais na naihahayag sa pamamagitan ng Iyong mga banal
at tumawag sa Iyong lingkod na si ____ na maging ilaw ng sanlibutan:
magliwanag ka sa aming mga puso upang sa amin mang henerasyon ay
aming maipakita ang kahanga-hangang liwanag ng Iyong kaluwalhatian;
sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon na nabubuhay at
naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos ngayon at
magpakailanman. Amen.
Para sa Pastol (1)
Makalangit na Ama, Pastol ng Iyong sambayanan, kami’y
nagpapasalamat sa Iyo para sa Iyong lingkod na si ___ na naging matapat
sa pangangalaga at pagpapalago ng Iyong kawan; aming idinadalangin
sa Iyo na sa pagsunod namin ng kanyang halimbawang banal na
pamumuhay, kami ma’y lumago sa pamamagitan ng Iyong biyaya tungo
sa kaganapan ng kaisahan ng aming Panginoong Hesuskristo, na
nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos
ngayon at magpakailanman. Amen.
Para sa Pastol (2)
O Diyos na aming makalangit na Ama, na tumawag sa Iyong matapat
na lingkod na si ___, na maging (Obispo at) Pastol ng Iyong Simbahan at
nagpakain ng kanyang kawan: Ipagkaloob mo sa lahat ng Iyong mga
Pastol ang biyaya ng Banal na Espiritu upang sila’y makapaglingkod sa
Iyong sambahayan bilang mga tunay na lingkod ni Hesukristo na aming
Panginoon; na nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo,
iisang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen.
Para sa Teologo at Guro (Theologian and Teacher, 1)
O Diyos, sa Iyong Banal na Espiritu ay ipinagkaloob mo sa iba ang
biyaya ng katalinuhan at sa iba ay ang biyaya ng kaalaman, at sa iba
naman ay ang biyaya ng pananampalataya: Pinupuri ka namin para sa
mga kaloob mong biyaya na naihayag sa Iyong lingkod na si ___;
ipinapanalangin namin ang Iyong Simbahan na nawa’y huwag itong
† Page 88 †
maging salat sa ganitong mga pangangailangan; sa pamamagitan ni
Hesukristo na aming Panginoon na nabubuhay at naghaharing kasama
mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen.
Para sa Teologo at Guro ( Theologian and Teacher, 2)
Makapangyarihang Diyos, ipinagkaloob mo sa Iyong lingkod na si
_____ ang natatanging biyaya na maunawaan at maipangaral ang
katotohanan na katulad ni Hesukristo: Ipagkaloob mo na sa katuruang ito
ay higit ka naming makilala na nag-iisa at tunay na Diyos at si Hesukristo
na Iyong isinugo; na nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng Espiritu
Santo, iisang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen.
Para sa Monghe (Monastic, 1)
O Diyos, na kung saan ang pinagpalang Anak ay naging mahirap
upang sa kanyang kahirapan kami ay maging mayaman: Ilayo mo kami sa
labis na pag-ibig sa sanlibutang ito, upang sa inspirasyon na ipinakita ng
pagpapakasakit ng Iyong lingkod na si ___ kami man ay makapaglingkod
sa Iyo ng buong puso at makamit ang kayamanan sa buhay na darating;
sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon na nabubuhay at
naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos ngayon at
magpakailanman. Amen.
Para sa Monghe (Monastic, 2)
O Diyos, sa Iyong biyaya ang Iyong lingkod na si ____ na nag-alab
ang apoy ng Iyong pag-ibig, ay naging maningning na liwanag ng Iyong
Simbahan: Ipagkaloob mo na kami ma’y mag-alab sa diwa ng Iyong pagibig at disiplina, at tumahak na kasama Mo bilang mga anak ng liwanag;
sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon na nabubuhay at
naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos ngayon at
magpakailanman. Amen.
Para sa Banal (Saint, 1)
Makapangyarihang Diyos, kami’y pinaligiran mo ng dakilang
hukbo ng mga saksi: Ipagkaloob mo sa amin na nahikayat ng mabuting
halimbawa ng Iyong lingkod na si ____, ay maging masigasig sa
† Page 89 †
paligsahan na iniharap sa amin, upang sa aming pagwagi kami’y
makasama Niya sa Iyong walang hanggang kaligayahan; sa pamamagitan
ni Hesukristo na aming Panginoon na nabubuhay at naghaharing kasama
mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen.
Para sa Banal (Saint, 2)
Makapangyarihang O Diyos, sa Iyong Banal na Espiritu ay itinulot mo na
kami’y maging kaisa sa kalipunan ng iyong mga banal sa kalangitan at sa
sangkalupaan: Ipagkaloob mo na sa aming paglalakbay sa sanlibutang
ito, kami ma’y mapangalagaan ng kaisahan na ito sa pag-ibig at
panalangin at malaman sa aming mga sarili na kami’y napapaligiran ng
kanilang pagsaksi sa Iyong kapangyarihan at kahabagan. Sa
pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon na nabubuhay at
naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos ngayon at
magpakailanman. Amen.
† Page 90 †
Download