Uploaded by julius gomonit

Liturhiya-sa-patay

advertisement
Iglesia Filipina Independiente
93
ANG PAGHAHANDA
** (Tatayo ang lahat. Maaaring awitin ang sumusunod o ibang angkop na himno.)
1. Kapahingahang walang hanggan
Ang igawad sa kanila, O Panginoon
At marapatin ang walang hanggang liwanag
Ang tumanglaw sa kanila.
2. Ikaw, O Diyos, ay pinupuri sa Sion
At sa Iyo tinutupad ang pangako sa Herusalem
Ikaw na nakikinig sa aming panalangin
Sa iyo magbabalik ang sangkatauhan.
( Ulitin ang 1)
Pari :
Purihin ang Diyos na ating Ama. +
Bayan:
Na bumuhay na muli sa ating Panginoong Hesukristo at siyang bubuhay sa
ating lahat.
***( Magbibigay ang Pari ng ilang panimulang salita o maaaring isagawa ang sumusunod
na pangungumpisal.)
ANG PANGUNGUMPISAL :
Pari : Mga minamahal na kapatid, sa mga panahon na tulad ngayon ay malinaw sa
ating paningin ang di-katiyakan ang buhay sa daigdig na ito. Kahit kailan ay
maaaring bawiin ng Diyos ang buhay na ipinahiram sa atin, kaya’t bilang
paghahanda sa ating sariling kamatayan, at para na rin sa ating pakikibahagi sa
Banal na Misa, tayo ay magsisi ng ating mga kasalanan at mangumpisal sa
maawaing Diyos.
*** (Luluhod ang lahat. Pananatilihin ang saglit na katahimikan.)
Pari : Kami’y nangungumpisal . . . . .
Lahat: Sa Diyos na makapangyarihan, sa lahat ng mga Santo, at sa isa’t isa, na
kami’y nagkasala, sa anumang aming naisip, sa anumang aming nasabi, sa
anumang aming nagawa, at sa anumang nakaligtaan naming gawin, at ito’y
sarili naming kamalian kaya isinasamo namin sa Diyos na kaawaan kami, at sa
lahat ng mga Santo, na kami’y ipanalangin sa aming Panginoong Diyos.
Pari: Kaawaan kayo ng Makapangyarihang Diyos, patawarin ang inyong
mga
kasalanan at patnubayan (+) kayo sa buhay na walang hanggan.
Bayan
: Amen.
***( Tatayo ang lahat. )
TRISAGION :
Lahat :
( 3 Ulit na bibigkasin )
Diyos na Banal,
Diyos na Makapangyarihan,
Diyos na walang kamatayan, maawa Ka sa amin.
DIWANG PANALANGIN :
Pari :
Ang Panginoon ay sumainyo.
Bayan:
At sumainyo rin.
Pari :
Tayo’y manalangin. ( Saglit na katahimikan )
Pari :
O Diyos ng biyaya at kaluwalhatian, inaalaala namin ngayon sa Iyong
harapan ang aming kapatid na si __________. Kami ay nagpapasalamat sapagkat
ibinigay Mo siya sa amin upang makilala at mahalin bilang kasama sa aming
paglalakbay sa mundong ito. Sa Iyong di-masukat na awa, aliwin mo po kaming
nalulungkot. Bigyan kami ng pananalig na masdan ang kamatayan bilang daan
tungo sa walang hanggang buhay, upang samantalang taglay namin ang
mapayapang pagtitiwala sa Iyo, kami, kasama ng yumao, ay makabahagi sa Iyong
walang-hanggang kaharian, sa pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon.
Bayan
:
Amen!
LITURHIYA NG SALITA NG DIYOS
***( Uupo ang lahat )
MGA PAGBASA MULA SA BANAL NA KASULATAN
UNANG PAGBASA MULA SA LUMANG TIPAN
AWIT - TUGUNAN
Pari :
Bayan:
Pari :
Bayan:
Pari :
Bayan:
Pari :
Awit 23
Ang Panginoon ang aking pastol, hindi ako magkukulang.
Ako’y pinahihimlay sa mainam na pastulan,
At inaakay Niya ako sa tahimik na batisan.
Binibigyan Niya ako niyong bagong kalakasan.
At sang-ayon sa pangako na kaniyang binitiwan
sa matuwid na landasi’y doon ako inaakay.
Kahit na ang daang iyo’y tumatahak sa karimlan
Hindi ako matatakot pagkat ikaw’y kaagapay;
Ang tungkod Mo at pamalo ang gabay ko at sanggalang.
Sa harapan ng lingkod Mo, ikaw ay may handang dulang,
Ito’y iyong ginagawang nakikita ng kaaway.
Nalulugod ka sa akin ng ulo ko ay langisan
At pati na ang saro ko ay iyong pinaaapaw.
Tunay na ang pag-ibig Mo at ang Iyong kabutihan.
Sasa aki’t tataglayin habang ako ay nabubuhay.
IKALAWANG PAGBASA MULA SA EPISTOLA
EBANGHELYO
(Tatayo ang lahat)
ANG SERMON
(Uupo ang lahat)
ANG KREDO APOSTOL
(Tatayo ang lahat )
Pari :
Lahat:
SUMASAMPALATAYA AKO SA DIYOS,
Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at
lupa.
Sumasampalataya ako kay Hesukristo, bugtong na Anak ng Ama at ating
Panginoon. Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo, ipinaglihi Siya
at ipinanganak ni Birheng Maria. Nagpakasakit Siya sa ilalim ni Poncio Pilato,
ipinako sa krus, namatay at inilibing. Nanaog Siya sa lugar ng mga patay.
Nabuhay Siyang muli sa ikatlong araw. Umakyat sa langit, naluklok sa kanan
ng Amang makapangyarihan sa lahat. Paririto Siyang muli upang hukuman ang
mga buhay at mga patay.
Sumasampalataya ako sa Espiritu Santo, sa Banal na Iglesyang Pandaigdigan, sa
kapulungan ng mga Banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa muling
pagkabuhay ng katawan, at sa buhay na walang-hanggan. Amen.
***( Sa halip ang sumusunod ay maaaring gamitin ang PANGHALILING PANALANGIN
NG BAYAN SA Pahina ________)
ANG PANALANGIN NG BAYAN
Form 1***( Luluhod ang lahat. )
Namumuno : Panginoon, Iyong inaliw sina Marta at Maria sa kanilang
kapighatian; lapitan Mo po kami na nagdadalamhati ( lalo
na ang pamilya _______) at tuyuin Mo po ang luha ng mga
tumatangis.
Bayan
: Panginoon, pakinggan Mo po kami.
Namumuno : Lumuha Ka po sa libingan ni Lazaro, ang Iyong kaibigan;
aliwin Mo po kami sa aming kapighatian.
Bayan
: Panginoon, pakinggan Mo po kami.
Namumuno : Binuhay Mong muli ang mga patay; ibigay Mo po sa aming
(mga) kapatid ang buhay na walang-hanggan.
Bayan
: Panginoon, pakinggan Mo po kami.
Namumuno : Ipinangako Mo ang paraiso sa magnanakaw na nagsisi;
dalhin Mo po ang aming (mga ) kapatid sa ligaya ng Iyong
kaharian.
Bayan
: Panginoon, pakinggan Mo po kami.
Namumuno : Ang aming (mga) kapatid ay nahugasan sa Bautismo, at
napahiran ng langis ng Espiritu Santo; sana’y makapisan siya
(sila) ng Iyong mga banal.
Bayan
: Panginoon, pakinggan Mo po kami.
Namumuno : Ang aming (mga) kapatid ay tumanggap ng Iyong Katawan
at Dugo;bigyan po siya (sila) ng lugar sa piging ng Iyong
kaharian.
Bayan
: Panginoon, pakinggan Mo po kami.
Namumuno : Para sa lahat ng yumaong sumasampalataya sa Iyo, igawad
po sa kanila ang patuloy na pagyabong sa pag-ibig at
paglilingkod sa Iyo.
Bayan
: Panginoon, pakinggan Mo po kami.
Pari:
Bayan:
O Diyos na siyang Ama ng lahat; aming ipinagdarasal ang Iyong (mga)
lingkod na si ___________, at ang lahat ng aming mga mahal sa buhay na
namatay na. Bigyan po sila ng kapahingahang walang-hanggan, at ang
Iyong ilaw ay magliwanag nawa sa kanila. Gayundin, ang kanilang
kamatayan ay magpaalaala nawa sa amin ng Iyong tagumpay sa kamatayan,
at lalong mapalakas ang aming pagtitiwala sa Iyong pagmamahal at pagiingat; ang lahat ng ito ay hiling namin sa Pangalan ni Hesukristong aming
Panginoon.
Amen.
*** ( Tatayo ang lahat )
ANG BANAL NA EUKARISTIYA
ANG KAPAYAPAAN :
Pari:
Higit sa lahat ng panahon, kailangan natin ang pagdadamayan sa oras
ng kamatayan ng isang mahal sa buhay. Subalit kilalanin natin na ang
kaligayahan at kalinga na naidudulot ng tao ay pansamantala at hindi
maaasahan sa lahat ng oras. Kaya’t naisin natin, una sa lahat, ang
kapayapaan mula sa Diyos.
Pari:
Bayan:
Ang Panginoon ay sumainyo.
At sumaiyo rin.
***(Magpapalitan ng pagbati ng kapayapaan ang lahat at iaabot ng Pari ang pagbati sa
mga naulila )
ANG PAG-AALAY :
Pari
( Tatayo ang lahat )
:
Ang lahat ng nagmula sa Panginoon ay magbabalik sa Kanya. Kaya’t
buong pagtitiwala nating ialay ang ating sarili at gawain sa Panginoon.
*** ( Uupo ang lahat at lilikumin ang mga handog. Kapag handa na ang lahat,
pangungunahan ng mga naulila ang pag-aalay sa altar )
PANALANGIN NG PAG-AALAY :
( Tatayo ang lahat )
Lahat :
Iniaalay namin sa Iyo, O Panginoon, ang salapi, ang tinapay, at ang alak.
Marapatin Mo pong tanggapin ang mga ito bilang pag-alaala sa Iyong (mga )
lingkod, ang aming (mga) kapatid na si (sina) ____________, at gayundin, bilang
tanda ng pag-aalay ng aming sarili sa Iyo. Ang mga ito nawa ay maging
palatandaan ng Iyong handog ng bago at walang-hanggang buhay sa pamamagitan
ng Iyong Anak na si Hesukristong aming Panginoon. AMEN.
***(Isasagawa ng PAG-SENSARYO. at susundan ng Paghuhugas ng kamay. Maaaring
umawit habang nagse-sensaryo. )
Pari
:
Bayan:
Manalangin tayo mga kapatid, upang ang ating pag-aalay ay
maging marapat sa Diyos Amang Makapangyarihan.
Tanggapin nawa ng Panginoon ang ating alay sa kapurihan at
kaluwalhatian ng Kanyang Pangalan sa ating kapakinabangan at sa buo
Niyang Iglesya.
SURSUM CORDA :
Pari :
Ang Panginoon ay sumainyo.
Bayan:
At sumainyo rin.
Pari
Itaas ang inyong mga puso.
:
Bayan:
Itinataas namin sa Panginoon.
Pari
Pasalamatan natin ang Panginoon nating Diyos.
:
Bayan:
Nararapat na Siya’y ating pasalamatan at purihin.
Pari
Tunay na marapat at matuwid, ito’y mabuti at masayang
Gawain lagi at saan man ay magpasalamat sa Iyo, Makalangit na Ama, May
likha ng langit at lupa; sa pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon,
na matagumpay na nabuhay mula sa kamatayan, at umaaliw sa amin sa
Banal na pag-asa ng walang-hanggang buhay.
:
Kaya nga, pinupuri Ka namin, kasabay ng tinig ng mga Anghel
at mga Arkanghel at ng lahat ng kalipunan ng langit, na
palagiang nagpapahayag nitong awit ng pagluwalhati sa
Iyong Pangalan.
SANCTUS :
Lahat :
Banal, Banal, Banal na Panginoon.
Diyos na kapangyarihan at lakas.
Ang langit at lupa’y napupuno ng Iyong kaluwalhatian,
Osana sa kaitaasan!
Mapalad ang dumarating sa Pangalan ng Panginoon,
Osana sa Kaitaasan!
Pari
Banal at pinagpalang Ama, sa Iyong walang-hanggang pag-ibig
ay nilikha Mo kami para sa Iyong sarili; at nang kami’y mahulog sa bitag ng
kasalanan at maging alipin ng kasamaan at kamatayan, ipinadala Mo ang
iyong bugtong na Anak na si Hesukristo upang makiisa sa aming kalikasan,
:
mabuhay at mamatay na tulad namin, at ipagkasundo kami sa Iyo, O Ama
ng lahat.
Kanyang ibinuka ang mga bisig sa ibabaw ng krus at inialay ang Kanyang
sarili, bilang pagsunod sa Iyong kalooban at bilang ganap na sakripisyo sa
sandaigdigan.
ANG ANAMNESIS :
Pari:
(Luluhod ang lahat)
Nang gabing Siya’y ipinagkanulo sa kaparusahan at
kamatayan, ang aming Panginoong Hesukristo ay kumuha ng tinapay at
nang matapos Ka niyang pasalamatan, Kanya itong pinag-pira-piraso, at
ito’y Kanyang ibinigay sa Kanyang mga alagad at sinabi:
“KUNIN, KANIN, ITO ANG AKING KATAWAN NA IPINAGKALOOB SA
INYO,Gawin ninyo ito sa PAG-ALAALA SA AKIN,”
Matapos ang hapunan, Kanyang kinuha ang Kalis.
At nang matapos Siyang
magpasalamat, ibinigay ito sa kanila at sinabi:
“INUMIN NINYO ITO, KAYONG LAHAT. SAPAGKAT ITO ANG DUGO
NG BAGONG TIPAN NA IBINUBUHOS PARA SA INYO AT SA MARAMI
PARA SA IKAPAGPAPATAWAD NG KASALANAN. SA TUWING IINUMIN
NINYO ITO AY GAWIN SA PAG-ALAALA SA AKIN.”
ANG AKLAMASYON:
Pari :
Bayan:
(Tatayo ang lahat)
Ating ipahayag ang Misteryo ng ating pananampalataya.
Si Kristo’y namatay.
Si Kristo’y nabuhay na muli.
Si Kristo ay muling darating!
ANG EPICLESIS :
Pari
:
Ipinagdiriwang namin ang aming kaligtasan, O Ama, dito sa
sakripisyo ng papuri at pasasalamat. Inaala-ala namin ang Kanyang
kamatayan, pagkabuhay na muli at pag-akyat sa langit.
Iniaalay namin ang mga handog na ito. Pabanalin po ito sa pamamagitan ng
Espiritu Santo, upang para sa amin ay maging Katawan at Dugo ng Iyong
Anak, ang banal na pagkain at inumin ng bago at walang katapusang buhay
sa kanya.
(Luluhod ang lahat)
Kami rin po ay inyong pabanalin upang taus-puso naming tanggapin ang
Banal na Sakramentong ito, at patuloy Kang paglingkuran sa pagkakaisa at
kapayapaan, at sa huling araw, dalhin kami sa ligaya ng Iyong walanghanggang kaharian.
Alalahanin po, Panginoon, ang lahat ng namatay ( na taglay ang tatak ng
pananalig), lalo na si (sina) __________.
Bayan:
Ipahintulot Mo po na kasama nila at ng lahat ng mga Banal, na kakaisa sa
puso at tinig, ay purihin at luwalhatiin Ka namin; sa pamamagitan ni
Hesukristong aming Panginoon, sa pamamagitan Niya, kasama Niya, at
sumasakanya, sa pakikiisa ng Espiritu Santo; ang lahat ng karangalan at
kaluwalhatian ay sumainyo. (Pagtataas ng Tinapay at Alak) O Amang
Makapangyarihan, ngayon at magpakailanman.
( Malakas na sagot ) AMEN !
PATER NOSTER :
Pari
:
Lahat :
(Tatayo ang lahat)
Tulad ng itinuro ng ating Tagapagligtas na si Hesukristo,
buong pagtitiwala tayong manalangin:
AMA NAMIN sa langit, sambahin ang Ngalan Mo. Sumapit
nawa ang kaharian Mo, sundin ang loob Mo, dito sa lupa tulad ng sa langit.
Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw.
Patawarin Mo ang aming mga kasalanan tulad ng pagpapatawad
namin sa mga nagkasala sa amin. At huwag Mo kaming ipahintulot sa
pagsubok kundi iadya Mo kami sa lahat ng masasama.
Sapagkat sa Iyo nagmumula ang kaharian, ang kapangyarihan, at ang
kaluwalhatian, ngayon at magpakailanman. AMEN.
ANG PAGPIRASO NG TINAPAY :
***( Ang tinapay ay pipirasuhin ng pari. Pananatilihin ang ilang sandaling
katahimikan. )
Pari :
Lahat :
(Alleluia)Si Kristo na ating Paskua ay nagpakasakit para sa atin.
Kaya’t ating ipagpatuloy ang pagdaraos ng Pista. (Alleluia)
ANG BANAL NA KOMUNYON:
Pari
:
Ito ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan. Mapalad
yaong mga dumadalo sa Kanyang piging.
***( Unang makikinabang ang pari, susundan ng pamilya ng yumao, at ang iba pang
kasapi ng kongregasyon. Maaaring mag-alay ng mga angkop na awit.)
PANALANGIN PAGKATAPOS NG KOMUNYON:*** ( Tatayo ang lahat )
Pari :
Ang Panginoon ay sumainyo.
Bayan:
At sumainyo rin.
Pari
Tayo’y manalangin.
:
Lahat :
Makapangyarihang Diyos, nagpapasalamat kami sa Iyong
dakilang pag-ibig ay binusog Mo kami ng espirituwal na pagkain at inumin
ng Katawan at Dugo ng Iyong Anak na si Hesukristo, at pinagkalooban kami
ng unang tikim ng makalangit na piging.
Ipahintulot Mo po na ang Sakramentong ito ay maging aliw sa aming
kapighatian, at tanda ng aming mamanahin sa Iyong kaharian kung saan
wala nang kamatayan, kalungkutan at pagluha, kundi ganap na kaligayahan
sa piling ng lahat ng mga Banal, sa pamamagitan ni Hesukristong aming
Panginoon.
AMEN.
ANG PAGHAHABILIN :
***( Ang pari at ang mga naulila ay tatayo sa paligid ng yumao. Maaaring
magtaglay ng kandila ang pamilya )
Pari
:
Mga minamahal na kapatid sa Panginoon:
Tayo’y nakapaligid sa bangkay na ito, ang tanging naiwan sa
atin ni ____, upang magbigay ng huling paggalang at magpaalam sa kanya,
hanggang sa tayo’y muling magkasama-sama. Ituon natin ang ating mga
mata sa Krus ni Hesukristo, at tandaan na hindi ito ang wakas, sapagkat
ang ating Diyos ay ang Diyos ng mga buhay; isang araw, tayong lahat ay
magtatagpo sa ganap na kaharian ng Diyos, at di na muling maghihiwalay
pa.
*** ( Sa halip na sumusunod ay maaaring gamitin ang ABSOLUSYON sa pahina __ at
_____) ( Sa yugtong ito ay maaaring mag-alay ng awit, e.g. Kontakion.)
Pari :
Nagpapasalamat kami sa Iyo, O Diyos, dahil kay _____, na
naging malapit at mahal sa amin. Salamat sa pagkakaibigan na nagmula sa
kanya,at sa kapayapaan na kanyang naihatid. Kami’y nagpapasalamat
sapagkat siya’y naging kaibig-ibig noong siya’y kapiling namin.
Bayan:
Idinadalangin namin, O Diyos, na walang nasayang sa
kanyang naging buhay kundi ito’y naging kapaki-pakinabang sa buong
sanlibutan; na igalang ng lahat ang mga itinuring niyang banal; at patuloy
na pahalagahan ang kanyang mga dakilang gawa. Hinihiling po namin na
siya’y mabuhay sa piling ng mga banal at sa paglilingkod sa Iyo, at patuloy
rin siyang umunlad sa pagkahalintulad sa Iyong Anak, at siya nawa’y lagi
naming maisapuso at maisa-isip.
Lahat :
Hinihiling po namin, O Diyos Ama, na kaming naging bahagi
ng kanyang buhay, ngayon sa kanyang kamatayan ay lalong mapalapit sa
isa’t isa. At sa pagsasamang ito na may kapayapaan at pagkakaibigan,
kami’y laging maging mulat sa iyong pangako ng katapatan hanggang
kamatayan. Sa Iyo, aming Diyos, na kapiling ng Iyong Anak at ng Espiritu
Santo, ngayon at sa bawat araw, ang karangalan at kapurihan,
magpakailanman. AMEN.
ANG PAGBABASBAS:
Pari
:
Bayan:
Bilang tanda ng pag-asa na bibigyan ng Diyos ang ating
kapatid at tayong lahat ng bago at walang-kamatayang katawan. At bilang
patunay ng ating pananalig sa muling pagka-buhay tungo sa buhay na
walang-hanggan;
Binabasbasan ko ang bangkay na ito sa (+) Pangalan ng Ama, at ng Anak, at
ng Espiritu Santo.
AMEN !
***( Babasbasan ng agua bendita ang yumao, at maaaring sundan ng pagsesensaryo. Maaaring mag-alay ng mga bulaklak, kasabay ang isang awit.)
Pari :
Lahat :
Pari
:
Bayan:
Walang sinuman sa atin .. . . .
Ang nabubuhay o namamatay sa kanyang sarili lamang. Kung
tayo’y nabubuhay, nabubuhay tayo para sa Panginoon, at kung tayo’y
namamatay, namamatay tayo para sa Panginoon. Kaya nga, sa mabuhay o
mamamatay, tayo’y sa Panginoon.
Ipagkaloob po sa kanya, O Panginoon, ang walang-hanggang
kapahingahan.
At sumapit nawa sa kanya ang walang hanggang liwanag.
ANG PAGKAKATIWALA :
Pari
:
Bayan:
___________, ipinagkakatiwala ka namin sa mapagmahal na
kalinga at pag-iingat ng Diyos. Pagpalain ka ng Panginoon at panatilihin
kang ligtas, ipakita Niya sa iyo ang kanyang kaluwalhatian at pagkalooban
ka ng biyaya; kalugdan ka Niya at bigyan ng kapayapaan, ngayon at
magpakailanman.
AMEN! Mahimlay nawa siya sa kapayapaan.
PANALANGIN PARA SA NAULILA:
Pari
:
Bayan:
Pari
:
Bayan:
O maawaing Diyos, ang iyong isip ay hindi namin malirip;
samahan Mo po ang pamilyang ito ( sina _________ ) habang sila’y nagluluksa
at namimighati; paligiran sila ng Iyong pagkalinga, at nawa ay huwag silang
magapi ng pagkawala ng isang minamahal, kundi sila ay magtiwala sa Iyong
kabutihan, at mabigyang-lakas upang harapin ang darating pang mga araw
sa pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon.
AMEN !
Ang Diyos ng kapayapaan, na bumuhay na muli sa ating
Panginoong Hesukristo, ay gawin kayong ganap sa inyong paglilingkod sa
kanya, magpalakas sa inyo sa tuwina, (+)
( Babasbasan ang pamilya ).
AMEN!
MENSAHE NG MGA PANAUHING PANDANGAL (pag-aalay ng Bulaklak)
PASASALAMAT NG MGA NAULILA
Pari
:
Bayan:
Humayo tayo nang mapayapa, at ihatid ang bangkay ni______
sa kanyang makalupang pahingahan.
Amen, kasama niya ang aming mga panalangin.
**( Iaalay ang HULING AWIT samantalang binubuhat ang yumao palabas ng simbahan. )
***********************************
Download