Uploaded by arvieshayne.gianan

SMILE Grade 1 Q2 Week 2

advertisement
I.
ARALING PANLIPUNAN 1
Kasanayang Pampagkatuto
1.Nailalarawan ang sariling pamilya batay sa:
(a) komposisyon (b) kaugalian at paniniwala
(c) pinagmulan at (d) tungkulin at karapatan
ng bawat kasapi.( AP1PAM- IIa-3)
2.Natutukoy ang sariling pamilya batay sa: (a)
komposisyon (b) kaugalian at paniniwala
(c) pinagmulan at (d) tungkulin at karapatan
ng bawat kasapi.
3.Naiguguhit ang sariling pamilya batay sa: (a)
komposisyon (b) kaugalian at paniniwala
(c) pinagmulan at (d) tungkulin at karapatan
ng bawat kasapi.
II.
Pangkalahatang Ideya
Ang ama ang nagsisilbing haligi ng pamilya.
Siya ang nagtatrabaho para sa pamilya. Ang ina ang
katulong ng ama sa pamilya. Siya ang nag-aalaga sa
mga anak at nagsisilbing ilaw ng pamilya. Ang mga
anak ang katulong ng mga magulang sa mga
gawaing bahay.
Kasama din sa pag-aalaga ng pamilya ang mga
lolo at lola. Kaya, mahalaga ang bawat miyembro ng
pamilya.
Ang bawat pamilya ay may kanya-kanyang
paniniwala at kaugalian.
DO_Araling_Panlipunan_Grade 1_Q2_Learner’s Packet Week 2
1
III.
Mga Gawain
Gawain 1
Panuto: Iguhit ang masayang mukha
kung
wasto ang ipinapahayag sa pangungusap at
malungkot na mukha
kung di-wasto.
________1.Ang ama ang naghahanapbuhay para
sa kanyang pamilya.
________2.Ang ina ang nag-aaruga sa kanyang
mga anak at nag-aasikaso sa mga gawaing
bahay.
________3.Magkapareho ang tungkulin na
ginagampanan ng ama at ina sa pamilya.
________4.Ipinagmamalaki ko ang aking ama at ina.
________5.Dapat kong mahalin ang aking ama at
ina.
Pamprosesong Tanong:
Ano ang nakatulong saiyo upang matukoy mo
ang konsepto ng pamilya?
DO_Araling_Panlipunan_Grade 1_Q2_Learner’s Packet Week 2
2
Ang bawat pamilya ay may kanya-kanyang
paniniwala at kaugalian.Ang mga sumusunod ay
ang kaugalian at paniniwala ng isang pamilya.
• pagmamano/ paghalik ng mga
bata bago umalis at pagdating
ng bahay.
• pagtutulungan sa mga gawaing
bahay tuwing araw ng Sabado.
• sabay-sabay sa oras ng pagdarasal
• sama-samang pagsisimba tuwing
araw ng Linggo.
• sabay-sabay na pagkain sa hapagkainan
DO_Araling_Panlipunan_Grade 1_Q2_Learner’s Packet Week 2
3
• pagkakaroon ng pagsasalo-salo
tuwing may piyesta,kaarawan, anibersaryo
at iba pa.
Gawain 2
Panuto: Isulat kung anong paniniwala at kaugalian ang
ipinapakita sa bawat larawan. Hanapin ang sagot sa
kahon.
pagsasalo-salo
pagmamano
pagtutulungan
pagsisimba
_____________________
_____________________
______________________
_____________________
Pamprosesong Tanong:
Paano mo pahahalagahan ang iyong paniniwala
at kaugalian?
DO_Araling_Panlipunan_Grade 1_Q2_Learner’s Packet Week 2
4
Gawain 3
Panuto: Sagutin ng Oo kung ang tanong ay
nagpapahayag ng wastong tungkulin at Hindi kung ito
ay hindi wasto. Isulat ang sagot sa guhit.
_________1.Dapat bang tumulong sina ate at kuya sa
mga gawaing bahay?
_________2.Sina lolo at lola ba ang dapat na
naghahanapbuhay para sa pamilya?
________3.Ang ina ba ang nag-aaruga sa kanyang
mga anak at nag-aasikaso sa tahanan?
Panuto: Isulat ang salitang tinutukoy sa bawat bilang.
4.Ito ay ginagawa tuwing Linggo kaya kayo ay
pumupunta sa simbahan.___________________________
5.Ginagawa mo sa iyong magulang bago umalis at
pagdating ng bahay._________________________
IV.
Susi sa Pagwawasto
( Tingnan ang kalakip na pahina)
DO_Araling_Panlipunan_Grade 1_Q2_Learner’s Packet Week 2
5
V. Sanggunian
1. Araling Panlipunan 1Quarter 2, Module 2
2. K to 12 MELC With Corresponding GC Codes,
Araling Panlipunan, p25, (AP1PAM- IIa-3)
Bumuo sa Pagsusulat ng Learner’s Packet
Manunulat:
EVA S. TABUZO – Master Teacher I (VPES)
Editor:
AUGUSTO R. VARGAS – Master Teacher II (VPES)
LIEZL I. MANLANGIT – Master Teacher II (Pangilao ES)
MARISOL T. LIM – School Principal III (VPES)
Tagasuri:
CYNTHIA T. SONEJA – Education Program Supervisor
JESSLYN T. TAWAY – Education Program Supervisor (LRMDS)
Tagalapat:
JAKE S. SARMIENTO – Teacher II (VPES)
DO_Araling_Panlipunan_Grade 1_Q2_Learner’s Packet Week 2
6
IV. Susi sa Pagwawasto
Gawain 1
1.
2.
3.
4.
5.
Gawain 2
1. pagtutulungan
2. pagsisimba
3. pagmamano
4. pagsasalo - salo
Gawain 3
1.Oo
2. Hindi
3. Oo
4. pagsisimba
5. pagmamano
DO_Araling_Panlipunan_Grade 1_Q2_Learner’s Packet Week 2
7
Download