4Republic of the Philippines Department of Education CARAGA REGION Division of Surigao Del Norte District of Sison DE CASTRO ELEMENTARY SCHOOL Grade Level 4 Quarter 4 Quarter th Date May 8, 2023 LOKALISADO AT KONTEKSTWALISADONG BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 4 MELC BASED I. Layunin A. Pamantayang Pangnilalaman Natutukoy ang iba’t-ibang uri ng pangungusap. B. Pamantayan sa Pagganap Nagagamit ang limang uri ng pangungusap sa pagsusulat ng sariling pangungusap.. C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Nalalaman ang kahalagahan ng wastong paggamit ng mga pananda sa iba’t-ibang uri ng pangungusap. II. NILALAMAN Iba’t-ibang uri ng pangungusap • Values Integration: Pagiging masunurin. • Subject Integration: ESP; Masunurin. English: Pagbabasa Science; Sanhi at Bunga. Health: Covid-19 safety measures. EPP: Pagtatanim ng mga punong kahoy. • Istratehiya sa pagtuturo: ICT Integration Motivational Strategy Collaborative Learning Theory Higher Order Thinking Skills/HOTS Explicit Teaching Collaborative Learning Theory Differentiated Instruction 4As approach II. Nilalaman • Topic: Iba’t-ibang uri ng pangungusap. A. References TG: pp. 118-205 MELC/CG: F4WG-IVd-h-13.4 ICT: Powerpoint Presentation B. Kgamitang Panturo • ICT Integration: •Gawain 1: Powerpoint Presentation Lokalisado at kontekstwalisadong video na ginawa ng guro. Lokalisado at kontekstwalisadong video na ginawa ng guro Cartolina Video Lesson- secret box • Gawain 2: Video Lesson- secret box IV. PAMAMARAAN A. Setting the class (Pag set ng “house rules”) 1. Prayer 2. Checking Attendance 3. House Rules B. Balik –aral sa nakaraang Aralin o pasimula sa bagong aralin ( Drill/Review/ Unlocking of difficulties) Nasasagot ang mga tanong sa napanood na patalastas. Magpapalabas ang guro ng isang maikling patalastas at sasagutan ng mga mag-aaral ang mga katanungan patungkol sa patalastas na nakita. 1. Ano ang pangalan ng produkto? 2. Sinu-sino ang puwedeng gumamit ng produkto? 3. Anong bitamina o mga bitamina ang makukuha natin sa produkto? C. Paghahabi sa layunin ng aralin (Motivation) Magpapalabas ang guro ng isang maikling video na may kinalaman sa bagong aralin. 3. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan. (Modeling) Video Lesson 1. Tatalakayin ang iba’t-ibang uri ng mga pangungusap. 2. Magbibigay ang guro nga mga halimbawang pangungusap sa pisara. 3. Babasahin ng mag-aaral ang mga pangungusap na mayroong tamang diin at tono. 4. Ang mga mag-aaral ay magbibigay ng mga halimbawang pangungusap. Gawain 1: Babasahin ng mga mag-aaral ang kwento na kung saan ay mayroong iba’t-ibang uri ng pangungusap. Tuutkuyin nila ang mga uri nito sa pamamagitan ng paggamit ng ict. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan No. 2. ( Guided Practice) Sa loob ng video lesson ay mayroong mga secret box, ang bawat bata ay pipili ng numero. Ang bawat numero ay may nakapaloob na isang pangungusap, babasahin nila ito at sasabihin ang uri ng pangungusap sa harap. D. Paglalahat ng Aralin ( Abstraction) Itanong: 1. Ano ang iba’t-ibang uri ng mga pangungusap. 2. Bakit mahlaga ang paglalagay ng wastong pananda sa isang pangungusap? E. Paglalapat ng aralin sa pang araw araw na buhay ( Application The learners will be grouped into three groups. 1. Hahatiin ang mga mag-aaral sa tatlong grupo. - Team Pagbasa - Team Bumabasa - Team Magbabasa 2. bawat grupo ay bibigyan ng mga larawan na mayroong nakatala na mga pangungusap. Ididkit nila ang bawat pangungusap sa tamang kaurian nito sa ibibigay na cartolina. V. Pagtataya ng Aralin RED- slow learners YELLOW- average learners. GREEN- fast learners. RED Panuto: 1. Lagyan ng wastong pananda ang bawat pangungusap. YELLOW Panuto: 1. Tukuyin ang uri ng mga pangungusap. GREEN Panuto: 1. Magsulat ng limang pangungusap na mayroong wastong pananda. VI. Assignment Magsulat ng tig tatatlong pangungusap na pasalaysay, patanong, padamdam at pautos. . Prepared by: MS. CHEEDAR E. ANGELINO-ENCLUNA Teacher I Checked by: ANEFIL L. LOAYON Master Teacher I Noted by: LIRRY M. BONILLA Head Teacher IV