Uploaded by 0

balita 2

advertisement
SA ULO NG MGA NAGBABAGANG BALITA!
3 mag-iina, patay nang ma-trap sa sunog sa Pasay City
‘Kung gusto may paraan’: Babae flinex ang kaniyang bf sa binigay nitong ‘paper bouquet’
Turkey-Syria muling niyanig ng magnitude 6.4 lindol: 3 patay!
Point National ID, SIM card registration ikinasa ng NTC, PSA
At yan ang mga balitang nakalap ng aming team. kami ang iyong lingkod
__________________________________________
Ang bawat panyayari tutukan ito ang pangkat lima inyong maasahan sa oras ng balita.
3 mag-iina, patay nang ma-trap sa sunog sa Pasay City
Patay ang isang ina at dalawa niyang mga anak nang ma-trap sila sa loob ng kanilang
nasusunog na bahay sa Pasay City noong Martes, Pebrero 21.
Kinilala ang mga biktima na sina Mary Ann Maglinaw, 29, at ang kanyang dalawang
anak na sina Xzavion Rivas, 2, at Evzekhion Rivas, 5.
Batay sa ulat ng Bureau of Fire and Protection (BFP), nagsimula ang sunog dakong
alas-9:50 ng umaga sa bahay ng mga biktima na matatagpuan sa Barangay 117,
Malibay, Pasay City.
Sinabi ng BFP na umabot sa unang alarma ang sunog at idineklarang fire out bandang
10:16 a.m.
Sinabi rin nila na ang nasunog na bahay na gawa sa light materials ay inookupahan ng
anim na pamilya.
‘Kung gusto may paraan’: Babae flinex ang kaniyang bf sa binigay nitong ‘paper bouquet’
Kinakiligan ng mga netizen ang isang babaeng proud na flinex ang kaniyang boyfriend
na gumawa ng isang ‘paper bouquet’ dahil hindi kaya umano nitong bumili ng bulaklak.
Mababasa sa Facebook post ni Hannah Escaro na gustong-gusto umano niya ng isang
bouquet ng mga bulaklak ngunit naiintindihan niya na hindi ito kayang bilhin ng
kaniyang nobyo. Pero dahil sa kagustuhan ng lalaki, nakaisip ito ng paraan na gumawa
ng isang paper bouquet para maipadama ang kaniyang pagmamahal.
Ani Hannah, dahil nahihiya umano ibigay ang bulaklak sa kaniya, palihim na pumasok
ito sa kaniyang kwarto at inilagay ang gawa nito sa ilalim ng kaniyang kama.
Turkey-Syria muling niyanig ng magnitude 6.4 lindol: 3 patay!
Hindi bababa sa tatlong tao ang umano’y nasawi at mahigit 300 ang nasugatan, ayon sa mga
opisyal ng Turkey.
Ang lindol ay tumama malapit sa Defne sa distrito ng Samandag ngunit naramdaman ito
hanggang sa Jordan, Israel, at Egypt.
Ang unang lindol ay sinundan ng isang segundo na magnitude 5.8 na pagyanig.
Sinabi ni Lutfu Savas, ang alkalde ng Hatay na maraming mga gusali ang gumuho.
Ang nasabing lindol ay nagdulot ng takot at stampede sa Syria, na may ilang tao na tumatalon
mula sa mga gusali, ayon sa UK-based Syrian Observatory for Human Rights.
Ang nasabing lindol ay kasunod ng dalawang malalaking lindol na tumama sa parehong rehiyon
at nag-iwan ng hindi bababa sa 47,000 patay.
Sinabi ng Turkey’s Disaster and Emergency Management Authority (AFAD) na mahigit 6,000
aftershocks ang naitala mula nang tumama ang 7.8-magnitude na lindol sa Turkey at Syria
noong Pebrero 6
Point National ID, SIM card registration ikinasa ng NTC, PSA
Isasagawa ng National Telecommunications Commission (NTC) at Philippine Statistics
Authority (PSA) ang magkasabay na caravan sa subscriber identity module (SIM) at
National ID registration upang maihatid sa mga nakatira sa geographically-isolated at
disadvantaged areas (GIDA) sa bansa.
Patuloy din ang pakikipagtulungan ng Department of Information and Communications
Technology (DICT) sa mga lokal na pamahalaan para sa kampanya ng SIM registration
na tatagal lamang hanggang Abril 26, 2023.
“Tuloy-tuloy po ang assisted registration sa iba’t ibang lugar sa bansa dahil ang
hangarin natin ay maabot ang mga kababayan natin lalo na yung nasa GIDA sites,”
pahayag ni DICT Undersecretary Anna Mae Lamentillo sa Laging Handa briefing nitong
Martes.
Sa ngayon, nasa 34,851,023 SIM card na ang nairehistro sa buong bansa, 20.62
porsyento ng 168,977,773 total active SIMs, ayon naman sa NTC.
Download