PANGKAT ETNOLINGGWISTIKO SA ASYA ETNOLINGGWISTIKO- ay tumutukoy sa pangkat ng mga tao sa isang bansa na may magkakaparehong wika , kultura at etnisidad.Kalimitan ang isang bansa ay binubuo ng iba’t ibang pangkat etnolinggwistiko kagaya ng Pilipinas. ASYANO ang mga taong naninirahan sa ASYA. BATAYAN NG PAGPAPANGKAT NG TAO SA ASYA: 1. WIKA - Pangunahing pagkakakilanlan ng mga pangkat etnolingguwistiko. TONAL - kung saan ang kahulugan ng salita at pangungusap ay nagbabago batay sa tono ng pagbigkas nito.Gaya ng wikang Chinese , Burmese at Vietnamese NON-TONAL - ang pagbabago sa tono ng salita at pangungusap ay hindi nagpapabago sa kahulugan ng salita at pangungusap nito.Ang wikang Cham at Khmer sa Cambodia ay ilan sa mga halimbawa nito. 2. ETNISIDAD- ito ay mistulang kamag-anakan. Kapag ang isang tao ay kinilala ng isang pangkat etnolinggwistiko bilang kasapi dahil sa pagkaka-pareho ng kanilang pinagmulan itinuturing nila ang isa’t isa bilang malayong kamag-anakan. Pagkakabilang sa isang pangkat kung saan nakikilala ang mga kasapi sa pagkakaroon ng magkakatulad na wika, paniniwala, kaugalian tradisyon, at pinagmulang angkan MGA PANGKAT ETNOLINGGWISTIKO: 1. TIMOG SILANGANG ASYA - Manilaw-nilaw at kayumangging balat at itim na buhok at mata at Gumagamit ng wikang Austronesian - Indonesia, Pilipinas, Malaysia, East Timor, Brunei, at Singapore. Relihiyon: Buddhism – pangunahing relihiyon ng mga bansa sa tangway ng TimogSilangang Asya. Islam – pangunahing relihiyon sa Indonesia, Malaysia at Brunei. Kristiyanismo – Pilipinas at East Timor. Relihiyong Animism – Pinaniniwalaan na ang kalikasan ay pinanahanan ng mabubuti at masasamang espiritu. 2. HILAGANG ASYA Slav – unang nanirahan sa silangan Europe - SLAVIC ang wika ng mga ito - Slav sa Ukraine o mga Ukrainian Turkic – mga Muslim - Uzbek – Uzbekistan - Kazakh – Kazakhstan - Kyrgyz – Kyrgystan 3. SILANGANG ASYA - May manilaw-nilaw at kayumangging kulay ng balat at may tuwid at itim na buhok. Sino – Tibetan Indo – Aryan Hapones China – binubuo ng 56 na pangkat etnolingguwistiko. - 91.59% ang mga Han Chinese - 8.41% ay kabilang sa 55 na pangkat - Wika :may pitong pangunahing diyalekto, Mandarin, Wu, Xiang, Gan, Min, Cantonese, at Hakka. 4. KANLURANG ASYA Arab – pangunahing pangkat etnoligguwistiko sa Kanlurang Asya - Wika: Arabic - Relihiyon: Islam - makikita sa Saudi Arabia, Syria, Yemen, Jordan, Lebanon at Iraq Jew – makikita sa Israel Sumerian,Elamite, Kassite, Hatti, Halde, Hurri, Lyciane, Lydian, Caanite, Arab, Jew, Assyrian, Hittite, Persian, Kurd, Afghan at Turk. 5. TIMOG ASYA India – may dalawang pangunahing pangkat etniligguwistiko: Indo-Aryan sa hilagang bahagi at Dravidian sa Timog na bahagi. Pakistani – kabilang sa mg pangkat Indo-Arayan, Arabic, Dravidian, at Turk. Sri Lanka – naninirahan ang mga Sinhalese ang pinakamalaking etnolingguwistiko sa Sri Lanka - kasali sa Theravada Buddhism , isang buddism na batay sa mga orihinal na katuruan ni Buddha. - Tamil – pawang mga Hindu. UPLANDER- ang mga naninirahan sa mataas na lugar o kabundukan LOWLANDER- naman ang naninirahan sa kapatagan at baybay dagat