Uploaded by Mark Angelo Padrones

Filipino Lesson Plan: Identifying Supporting Details

advertisement
Demonstration Lesson Plan
Filipino 4-Q3-Week 8
9:35-10:25
I.Layunin:
A.Pamantayang Pangnilalaman
Naisasagawa ang mga mapanuring pagbasa sa ibat ibang uri ng teksto at napapalawak
an gang talasalitaan.
B.Pamantayang Pagganap
Nakabubuo ng time line sa binasang talambuhay,kasaysayan.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto
Natutukoy ang mga sumusuportang detalye sa mahahalagang kaisipan sa
nabasang teksto.F4PB-IIIe-11.2
II.A.Nilalaman:
Paksa: Pagtukoy sa Sumusuportang Detalye sa Mahalagang Kaisipan.
B..Kagamitan:
1.CG pah.99 ng 243
2.TG:pah.213-214
www.slideshare.net.com
BEC RMLP 6,pp.71-72,76
3.LM: Filipino Ako,Ito ang Wika ko 6,pah.71-72,76
4.Integration: Health ,ESP
C.Iba pang Kagamitan:
Powerpoint,laptop,tsarts,pentel pen,group activity sheets,larawan
III. . Pamamaraan/Estratehiya 7 .Plan, manage and implement developmentally
sequenced teaching and learning processes to meet curriculum requirements through
various teaching contexts
1. Applied knowledge of content within and across curriculum teaching areas.
A.1.Talasalitaan
Ipabasa at ipabaybay ang mga salita katulad ng bitamina ,mineral,protina,starch.
2.Balik-aral: Basahin natin ang talata.Piliin ang Pangunahing diwa.
Ano ang ibig sabihin ng pangunahing diwa?Saan -saan matatagpuan ang
pangunahing diwa?
2. Use a range of teaching strategies that enhance learner achievement in
literacy and numeracy skills
Itataas ng Meralco ang bayad sa kuryente sa halagang isang piso kada
kilowatt hours darating na buwan.Ito ay alinsunod sa pagtaas ng singil sa lakas
na binibili ng pribadong ahensiya ng NAPOCOR.
Bagay ito na ikinababahala ng mga mamimili na kinabibilangan ng milyunmilyong pamilya at libu-libung mga pagawaan.Labag man sa kalooban ng
pinunong naglilingkod ng ahensiya ay wala silang magagawa dahil ito ang
kahilingan ng kasalukuyang sitwasyon. Makababawas sa epekto ng pagtaas ng
bayad sa kuryente ang pagbaba ng presyo ng gasoline.
2.
Kaming mag-asawa ay nagkakaroon na ng mga problema.Ang aking
asawa ay mahilig gumasta ng pera,samantalang ako ay matipid.Mahilig din
siyang lumabas ng gabi kung kalian tulog na ako.Gusto rin niya ng mga sports
pero ayaw ko naman ng mga iyon.
3.Pamukaw -interes- Pagmasdan ang larawan.Ano ang nakikita ninyo? Umiinom ba
rin kayo ng gatas? Ilang beses kayo umiinom nito?
5. Manage learner behavior constructively by applying positive and non-violent
discipline to ensure learning focused environments.
B.Paglalahad at pagtatalakay
Ipabasa ang talatang na nasa powerpoint at pag-usapan.
Ang pinakamasustansiyang pagkain ay ang gatas.May protina ito na
kailangan ng kalamnan at iba pang bahagi ng katawan. May mga bitamina at
mineral ay kailangan ng ibat ibang bahagi ng katawan.
Tulad ng mata,dugo at balat sa kanilang pagganap sa katawan.May starch
din na nagbibigay lakas at taba ng nagbibigay init dito
3.
Apply a range of teaching strategies to develop critical and creative thinking,
as well as other higher-order thinking skills.
1.Ano ang pinakamasustansiyang pagkain ang tinutukoy sa teksto?
2.Bakit pinakamasustansiyang pagkain ang gatas?
3.Paano nakakatulong ito sa ating katawan?
8 .Select, develop, organize and use appropriate teaching and learning
resources, including ICT, to address learning goals
C.Pagmomodelo/Pagtuturo( Gamit ang tsart o laptop)
Sabihin: Ngayon ,tatalakayin natin ang pagtukoy ng mga detalye ukol sa tekstong ating
binasa.
Pangunahing diwa
Ang pinakamasustansiyang pagkain ay ang gatas.
Sumusuportang Detalye
May protina ito na kailangan ng kalamnan
May mga bitamina at mineral ay
at iba pang bahagi ng katawan.
kailangan ng ibat ibang bahagi ng
katawan.
May starch din nanagbibigay lakas ng katawan at taba
na nagbibigay init ditto.
Sabihin: Ang sumusuportang detalye ay mahalaga dahil ito ang lumilinang o
nagpapaliwang tungkol sa pangunahing diwa.Upang mas malinaw at maiintindihan
ang diwa ng talata. Ang pangunhing diwa ay ang siyang sentro o pangunahing ideya
sa talata. Ipabasa ang kahulugan ng sumusuportang detalye at ang kahalagahan
nito.(powerpoint)
6. Use differentiated, developmentally appropriate learning experiences
to address learners’ gender, needs, strengths, interests and experiences.
D.Ginabayang Pagsasanay:
Pangkatin ang klase sa tatlong grupo.Bigyan ang bawat grupo ng activity sheets o
tsart ng pagsasanay at pentel pen.Bigyan ng pamantayan sa paggawa ang bawat
pangkat.
Pangkat I. Basahin ang talatang nakasulat sa activity sheet. Pagkatapos , sagutin
ang sundin ang hinihingi nito.
Itataas ng Meralco ang bayad sa kuryente sa sa halagang isang piso
kada kilowatt hours darating na buwan.Ito ay alinsunod sa pagtaas ng singil
sa lakas na binibili ng pribadong ahensiya ng NAPOCOR.
Bagay ito na ikinababahala ng mga mamimili na kinabibilangan ng milyunmilyong pamilya at libu-libung mga pagawaan.Labag man sa kalooban ng
pinunong naglilingkod ng ahensiya ay wala silang magagawa dahil ito ang
kahilingan ng kasalukuyang sitwasyon.Makababawas sa epekto ng pagtaas
ng bayad sa kuryente ang pagbaba ng presyo ng gasoline.
Panuto.Lagyan ng tsek (/) ang mga sumusuportang detalye at ekis (x) kung hindi.
Pangunahing diwa: Singil Sa Kuryente,Itatataas ng Meralco.
______1.Ang bayad sa kuryente ay itataas ng Meralco sa susunod na buwan.
______2. Alinsunod sa pagtaas ng singil sa lakas na binibili ng pribadong ahensiya
ng NAPOCOR.
______3. Ikinababahala ng mga mamimili na kinabibilangan ng milyun-milyong
pamilya at libu-libung mga pagawaan
_____4. Makababawas sa epekto ng pagtaas ng bayad sa kuryente ang pagbaba ng
presyo ng gasoline.
Pangkat 2
Panuto: Salungguhitan ang mga detalye na sumusuporta sa pangunhing diwa.
Bilugan ang detalyeng walang kaugnayan dito.
Kaming mag-asawa ay nagkakaroon na ng mga problema.Ang aking
asawa ay mahilig gumasta ng pera,samantalang ako ay matipid.Mahilig din
siyang lumabas ng gabi kung kalian tulog na ako.Gusto rin niya ng mga sports
pero ayaw ko naman ng mga iyon.Masayang-masaya kami dahil lage kaming
magkasundo.
Pangkat 3.
Panuto: Basahin ang talata . Tukuyin ang mga sumusuportang detalye na
nakasulat sa mga meta cards. Idikit ito sa graphic organizer.
Wag na wag mong ipapasok ang kamay mo sa kahon na iyan. Baka
sa loob niyan ay may matatalim at kalawanging bakal. Baka may mouse trap
dyan at bigla ka na lang maipit.O,baka makagat ka ng malalaking
gagamba.Ako ay nagulat sa aking nakita sa kahon.May laman itong
maraming pera.
Wag na wag
mong ipapasok
ang kamay mo sa
kahon na iyan.
Values Integration: Anong dapat gawin upang madaling matapos ang isang
gawain?
4. Managed classroom structure to engage learners, individually or in groups, in
meaningful exploration, discovery and hands-on activities within a range of physical
learning environments.
E.MalayangPagsasanay
Tukuyin at salungguhitan ang mga sumusuportang detalye ng pangunahing diwa
sa talata.
1.
Malaking tulong sa tao ang mga turuang aso.Mainam sila na
pambugaw ng mga hayop na nakakasira sa halamanan.Mahusay din
silang bantay ng mga kulungan ng manok at kabayo. Ang mga aso
na may kamandag na rabies ay nakakamatay ng tao. Maasahang
magbantay ng kabuhayan at mga ari-arian ang mga turuang aso.
2.
Ang niyog ay puno ng buhay. Natatangi sa lahat ng puno ang ni yog
sapagkat bawat bahagi nito ay maaari ring sangkap sa paggawa ng
sabon,shampoo,at iba pa.
Ang dahoon nito ang ginagawang banig at bubong.Ang tingting naman nito ay
ay ginagawang panlinis.Ang bunga naman ay kinakain at sangkap sa paggawa ng
gamot.
F.Paglalahat
Bakit mahalagang matukoy ang mga sumusuportang detalye?
Sagot:Dahil ito ang lumilinang o nagpapaliwanag sa pangunahing diwa.
9. Design, select, organize and use diagnostic, formative and summative
assessment strategies consistent with curriculum requirements
Assessment:
Panuto: Basahin ang talata.Lagyan ng tsek( /) ang mga detalyeng sumusuportang sa
pangunahing diwa at ekis naman kung hindi.
Ang Rizal Park ay matatagpuan sa Maynila. Isa sa magandandang
tanawin nito ay ang bantayog ng ating bayaning si Dr.Jose Rizal.Ang monumentong
ito ay binabantayan sa lahat ng oras ng mga sundalo.Ang bantayog naman ni
Bonifacio ay nasa Lungsod ng Kalookan.Ang Liwasang Rizal ang pangunahing
parke na ipinagmamalaking pasyalan sa buong bansa?
______1.Ang Bantayog ni Bonifacio ay nasa Lungsod ng Kalookan.
______ 2.Isa sa magandang tanawin rito ay ang bantayog ni Dr.Jose Rizal
_______3.Binabantayan ito ng mga sundalo sa lahat ng oras.
_______4.Masayang -maasaya sila kapag namamasyal dito.
_______5.Ang Liwasang Rizal ang pangunahing parke na ipinagmamalaki sa buong
bansa.
.
Takdang -aralin:
Panuto:Basahin ang teksto.Pagkatapos sagutin ang hinihingi ng nasa ibaba.
Mahalaga ang mga ibon sa ating buhay.Kinakain nito ang uod na umuubos
sa ating halaman.Tinutuka nila ang mga kulisap na kaaway.Inaaliw nila tayo sa
tulong ng matatamis na awit.Binigyan ako ng aking Lolo ng isang loro na
nagsasalita.
Pangunahing Diwa: Mahalaga ang mga ibon sa ating buhay.
Mga Detalye:
1______________________________________________________
2.__________________________________________________________
3.________________________________________________________
Isulat ang detalyeng walang kaugnayan sa pangunahing diwa.
4._____________________________________________
VI.Tala/Pagninilay
 Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya.
 Bilang ng mga mag-aaral na nangangailangan ng iba pang Gawain sa
remediation.
 Nakatulong ba ang remediation?Bilang ng mga mag-aaral na nakaunawa ng
aralin.


Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy ng remediation.
Alin sa mga estratehiyang pangturo ang nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong?

Anong suliranin ang aking naranasan na nasolusyunan sa tulong ng aking
punongguro at superbisor.

Anong kagamitan ang aking naidibuho na nais kong ibahagi sa kapwa ko
guro?
Prepared by:
FLORDELIZA A. BETONIO
Teacher –III
Macrohon District
Observed by:
CHARLITA S.LOAYON
HT-III
Download